Followers

Wednesday, May 5, 2010

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan [22]

By: Mikejuha
getmybox@hotmail.com
http://men4menphilippines.ning.com (Group: Kwentong Kanto Ni Kuya Mike)

Author's Note:

Yeheyyyyyyy! May 36 followers na ako!!! Salamt po sa mga followers ko at sana ay dadami pa kayo, hehe.

Mangrecruit pa kayo please... lol!

Happy reading po. Kahit kapos sa oras, nagsusulat pa rin po ako dahil alam kong nag-aabang kayo.

Lapit na ang bakasyon ko sa Pinas! May 13!!!

Philippines, here I come! lol!

PS. Book Launching pala ng "Idol Ko Si Sir" malapit na. I'll keep you all posted. Sana susuportahan ninyo itong first book ko.

Salamat uli sa inyo!

-mikejuha-

------------------------------

Nagulat sila mama at papa sa pagsigaw ko, at pati na rin si Kris, kitang kita ko ang pagkagulat niya.

“Shut up Jason!” sigaw ni papa sa akin. “Konting respeto naman sa bisita natin!”

“Hindi naman iyan ang sinabi ni Kuya Romwel sa akin eh!” ang pangangatuwiran ko. “Nagtitext po sa akinsi Kuya at wala siyang sinabing ganoon!”

Ngunit hindi pinakinggan ni papa ang pangangatuwiran kong iyon. “Go to your room Jason! Now!” utos niya.

Sa inis, padabog akong umakyat sa kwarto ko at noong nasa loob na, agad kong tinawagan si Kuya Romwel. “Kuya, nandito si Kris, magpapakasal ka daw sa kanya?” and diretsahang tanong ko, mataas ang boses gawa ng aking pagka-inis.

“Hindi Tol… wala akong sinabing ganyan sa kanya. Maki-sakay ka nalang sa drama ni Kris, OK? Huwag kang mag-alala, di ako magpakasal sa kanya.”

“Promise Kuya ah…!” ang paniniguro ko.

“Promise iyan Tol. Walang kasalang magaganap.”

Tila lumambot naman ang aking puso sa narinig. At naging panatag ang loob ko sa pahayag niyang iyon. Kaya hinayaan ko na lang silang mag-usap kahit na ano pa ang pag-uusapan nila. Tutal, kahit ilang beses pa silang magplano at kahit gaano pa kaganda ang plano nila kung ang tao mismo na ikakasal daw ay ayaw naman pala, wala ding mangyari. “Sige… magplano kayo ng magplano dyan!” ang sabi ko na lang sa sarili.

Pagkatapos nilang mag-usap at nakaalis na si Kris, pumasok si mama sa kuwarto ko. Tinanong ko siya kung ano ang pinag-usapan nila.

“Hayun, sabi daw ni Romwel sa kanya na pakasalan siya. Pero hindi kami kumbinsido ng papa mo dahil wala namang desisyon si Romwel tungkol doon.”

Nagulat naman ako sa sinabi ni mama. “Paano nyo nalaman ma?”

“E… lagi namang nag-uusap si Romwel at papa mo.”

“G-ganoon ba ma? E… anong sabi ninyo doon sa babaeng iyon?”

“Wala. Sinabi lang namin na kung magpakasal nga sila ni Romwel, wala kamnig tutol. Basta... silang dalawa ni Romwel ang magdesisyon at magplano. Iyon lang.”

“Ay… bakit ninyo naman sinabing wala kayong tutol. E, baka maniwala ang babaeng iyon at hindi na lulubayan si Kuya Romwel”

“Ok lang iyon. Kung gugustuhin ba ni Romwel, e... Wala tayong magawa kasi nand’yan na iyan. Buntis na ang babae at dapat lang naman na paninidigan ito ni Romwel.”

May halong inis naman akong nadama sa sinabing iyon ni mama. “Ayoko ma... Sana tumutol ka. Nainis ako sa babaeng iyon. Sobrang epal. Atsaka, kung matino siyang babae, hindi siya nagpapabuntis no! Alam ko, siya itong habol nang habol kay Kuya Rom. At marahil ay plano din niyang magpabuntis upang masolo niya si Kuya Romwel. Kasama sa plano niya iyan!” sabi ko.

“Wala tayong magagawa. Nand’yan na iyan. Atsaka, baka kung ano naman ang gagawin niya sa bata kapag may masabi kaming hindi maganda…”

“Hmppptttt! If I know, gusto ni papa ang nangyari kasi magkakaroon na siya ng apo. Ganyan naman palagi iyang si papa eh.” ang pagmamaktol ko.

Napangiti na lang si mama. “Hayaan mo na. Nand’yan na iyan eh.” Ang sagot na lang niya.

Akala ko, iyon lang ang problema ko kay Kuya Rom, isang babae. Ngunit pagkatapos ng isang linggo, may bisita uli kami. At sa pagakakataong iyon, dalawang babae na.

Nasa sala uli sila at kausap na naman ng mga magulang ko. Kagaya nang dati, naki-usyoso na uli ako. At laking gulat ko noong mamukhaan silang dalawa. Sila din iyong dalawang babaeng estudyanteng sumisigaw sa pangalan kay Kuya Romwel sa airport. Ang masaklap, buntis din silang dalawa!

“Dalawa kayong binuntis ni Romwel? Magkasabay? At magkaklase at magkaibigan pa kayo kamo?” tanong ni papa halatang hindi makapaniwala sa nalaman.

“Opo. Kasi po, itong kaibigan ko ay ahas!” lingon naman niya sa kasama, tiningnan ng matulis halatang nanggigigil “Hindi ko po alam na pagkatapos palang magpaligaya ni Romwel sa kandungan ko, ito namang haliparot kong kaibigan ay pasikretong tinutukso na dumaan sa kwarto niya si Romwel at doon naman sila magpakasasa! Talipandas! Alam naman niyang boyfriend ko iyong tao eh!” lingon uli niya sa kasama, ang hitsura ay mistulang lalamunin na ng buo ang kaibigan sa galit habang ang kaibigan naman ay hindi makatingin-tingin ng diretso sa kanya.

Napansin ko naman ang pigil na pagtawa ni papa na tila proud na proud kay Kuya Rom, nakikinita kong ang bulong sa sarili ay, “Hayop talaga sa babae itong panganay ko!”

“Hay naku, bulong ko naman sa sarili. Kayong mga babae kayo, pareho kayong mga talipandas! Palibhsa, may mga matris kayo, inaabuso ninyo ito!”

Sa tingin ko ay napilitan lang ang magkaibigan na sabay na pupunta sa amin sa kabila ng nangyaring ahasan dahil sa hindi na nila makayanan ang bigat na pinapasan. At dahil pareho ang kanilang problema, nagdesisyon na lang na sabay nilang tanggapin ang kinahinatnan ng kanilang katangahan at kagagahan at magsanib-pwersa sa paghanap ng solusyon na maikalulutas dito.

“Ano pala ang mga panagalan ninyo?” tanong ni mama.

“Ako po si Edna” ang sagot noong nagpakilalang girlfriend ni Kuya Rom.

“Ako po si Nadine” sagot naman noong kasama.

“Ambabata pa ninyo! Ilang taon na ba kayo? Tanong uli ni Mama.

“Ako po ay 17” ang sagot naman noong Edna.

“Ako po ay 16” ang sagot naman noong Nadine.

Napatakip na lang si mama sa kanyang bibig. “A-alam na ba ng mga magulang ninyo ang nangyaring ito sa inyo ngayon?

“Hindi po. Nasa abroad pong pareho ang mga magulang ko, nagtatrabaho doon upang maitaguyod ang pag-aaral naming magkapatid. Nakatatandang kapatid ko lang po ang nandito at hindi pa po niya alam ang nangyaring ito sa akin gawa nang hindi na ako umuuwi simula noong napapansin na itong tyan ko.” Sagot ni Edna.

“Ako naman po, patay na ang mama, at ang papa ko naman po ay may iba nang pamilya. Tita ko na lang po ang nag-alaga sa akin. Wala po siyang asawa kaya itinuturing niya akong sariling anak. At hindi niya rin po alam ang nangyari sa akin dahil hindi na rin po ako umuuwi” sagot naman ni Nadine. “Sigurado ako, nag-aalala na siya ngayon.” Dugtong niya.

“Ganoon ba? So, ano ang plano ninyo ngayon?” ang tanong naman ni papa.

“Hindi po namin alam. Kaya po nagpunta kami dito nagbakasakaling matulungan po ninyo kami. Buo na po ang desisyon naming ipalaglag ang bata sa sinapupunan namin at manghingi sana kami ng tulong sa inyo para pambayad sa abortion… Mga estudyante pa lang po kami. At ngayon nga, dahil hindi na kami umuuwi sa amin, wala na po kaming allowance. Hindi namin alam kung ano ang gagawin” ang sabi ni Edna.

Napa-antada naman si mama. “Dyos na mahabagin!” ang nasambit sabay lingon kay papa, ang mga mata ay tila nakikiusap na tulungan silang dalawang huwag nang ituloy ang balak. “Bakit ninyo naisipan iyan?” Dugtong niya.

“Alam po kasi naming hindi kami pananagutan ni Romwel. Sa huli niyang text sa akin, nabanggit niya na may iba raw siyang mahal at huwag na daw akong umasa. Hindi na po siya nagrereply sa texts namin. Ayaw po naming masira ang aming buhay at ang aming kinabukasan. Kaya nakakahiya man, napadesisyonan naming dalawa na pumunta na lang po dito sa inyo upang humingi ng tulong.” dugtong niya sabay hagulgol.

Noong tiningnan ko si Nadine, nakita kong nagpapahid na rin ito ng luha.

Natulala kami nina mama at papa, hindi makapagsalita. Syempre, seryosong bagay ang magpaabort at nakakaawa din naman talaga ang kalagayan nila, bagamat may sayang dulot din sa puso ko ang narinig dahil syempre, sino pa ba ang tinutukoy ni Kuya Romwel na ibang mahal niya kungdi ako lang naman.

“Sigurado pong itatakwil ako ng mga magulang ko kapag nalaman nilang buntis ako. At kapag nakita ng kapatid kong lalaki ang kalagayan ko, baka po mapatay pa ako.” Dugtong ni Edna.

“Ako rin po, ayaw ko pang magkaanak. Ayaw ko pong darating sa puntong ihinto ng tita ko ang pagtustos niya sa pag-aaral ko. Naawa po ako sa tita ko. Mahirap lang po ang kalagayan namin at naninilbihan lang po siya bilang isang kasambahay, maitaguyod lang ang pag-aaral ko. Ako lang po ang inaasahan niyang mag-ahon sa kanya sa kahirapan.” Ang pahayag naman ni Nadine.

Nagtinginan uli ang mga magulang ko. Miustulang ang mga mata nila ay nag-uusap, naaawa sa kalagayan ng dalawang babae.

“Kung ang problema pala ninyo ay upang itago ang inyong pagbubuntis, pwes, huwag ninyong ipalaglag ang bata. Hintayin ninyong manganak kayo, at kami na ang bahalang kumupkop sa kanila. At kung gusto ninyong magtago muna habang hindi pa kayo nanganak, e di, dito muna kayo sa bahay. Welcome kayo dito. Dahil anak namin si Romwel, ituring na rin ninyong bahay ito. Higit pa d’yan, kami na ang magtustus ng mga pag-aaral ninyo pagkatapus ninyong manganak. Huwag ninyong kitilin ang buhay ng isang inosente. Malaking kasalanan ang kumitil ng buhay. Ang solusyon sa isang pagkakamali ay hindi ang paggawa ng isa pang pagkakamali.” Ang sambit ni papa.

“At isa pa, kung anak nga ni Romwel ang mga iyan, e, di apo namin sila. Kaya, wala kayong ikabahala na kami ang kukupkop sa mga bata. Kung ano man ang mga pagkukulang ni Romwel sa inyo, hayaan ninyong kami ang pupuno dito, sa pamamagitan ng pag-ampon sa mga bata at sa pagbigay sa kanila ng magandang buhay…”

“T-talaga po?” ang sambit ni Edna.

“Oo. Kaya huwag ninyong ipalaglag ang bata. Tutulungan namin kayo sa ano mang paraan na gusto ninyo.” Sagot naman ni papa.

Si iyon. Nagkasundo din silang huwag ipaabort ang mga ipinagbuntis nila kapalit sa tulong na ibibigay ng mga magulang ko, pagtira nila sa bahay hanggang sa sila ay manganak, allowances, at karapatang bumisita sa bahay at sa mga anak nila kung gugustuhin nila. At may malaking halagang matatanggap din sila na siyang magagamit nila sa kanilang pag-aaral o pagbabagong-buhay.

So, masaya ang lahat sa naging resulta ng kanilang pag-uusap. Napa-bilib tuloy ako sa angking galing ng papa ko sa pakikipag-negotiate. At syempre, ang angkin din na kabaitan ng mga magulang ko. Nasabi ko rin tuloy sa sarili na napakaswerte kong sila ang naging mga magulang ko.

Tinawagan ko kaagad si Kuya at ibinalita ang tungkol sa kasunduan ng mga magulang namin at sa dalawang babae. Natuwa naman siya, at tawa ng tawa.

“Kuya ha, hindi ka na nakonsyensya. Grabe ka rin ano? Naka-tatlo ka na ah! Baka bukas o makalawa, may iba pang pupunta dito at mga buntis din. Ilan ba talaga silang lahat?”

“Hindi ko na binilang tol…” ang maikling sagot niya.

“Weeeh. Seryoso nga Kuya! Kakainis ka!”

“Natandaan mo noong may isang buwan din tayong pinagbawalang magkita, magsama o maski magtext man lang? At ang sabi pa ni papa ay gusto niyang magka-apo kaya ayaw niya sa relasyon natin? Pwes, nagwala ako. Pinagbigyan ko siya. Apo lang naman pala ang gusto niya eh…”

“Ganoon? Para kang naglalaro lang?”

“Hindi naman sa naglalaro. Med’yo nainis, napikon, na-challenge, na-praning, nalasing, nagalit sa sarili... halo-halo na tol.”

“Ganoon talaga? At bakit ka naman nagalit sa sarili?” ang tanong ko, medyo naintriga sa salitang narinig na nagalit siya sa sarili.

“Nagalit, kasi... di ko kayang kontrolin ang sarili e. Lalaki ako, tapos, ikaw ang mahal ko. Gusto kong tumikim ng babae ngunit bagamat ayaw kong kong masaktan ka, gusto naman ng papa natin na magkaapo. Gusto kong magkaroon ng pamilya at anak ngunit hindi naman tayo pwedeng magpakasal at kung magpakasal man, hindi tayo pwedeng magkaroon ng anak. Gusto kong makapiling ka ngunit maraming bawal... Wala, sobrang tuliro ko lang sa mga panahon na iyon.”

Mistula namang may sumundot sa aking puso sa narinig at biglang nalungkot. Ang akala ko kasi, ako lang ang nahirapan sa kalagayan namin, pati rin pala siya. Parang gusto ko na tuloy sabihin sa kanya na kung sakalaing darating man ang panahon na mahanap na niya ang isang babae at gusto niyang pakasalan ito ay ibigay ko sa kanya ang kalayaan. “Hayaan mo na Kuya. Ang importante, mahal mo ako at mahal din kita.” Ang nasambit ko na lang.

“Mahal din kita tol.” Ang sagot niya. “O, siya, ano naman ang reaksyon nila mama at lalo na si papa ngayong may tatlo na siyang hihintaying apo?” pag-divert niya sa usapan, marahil ayaw niyang mapunta na naman kami sa iyakan.

“Ah! Anlaki kaya ng ngiti! Masayang-masaya at buong maghapon ay walang ginawa kungdi ang magplano sa pagbili at pag-ayos sa mga gamt ng bata, sa kwarto ng mga bata, sa mga yayang kukunin... At ipapa-ultrasound na kaagaad sila bukas. Di na raw niya mahintay pa na ilabas ang mga baby bago nya malaman kung lalaki ba ang mga ito o babae. At kapag daw lalaki, may bonus daw iyong nanay.”

“Waaaahhhhh! Wala ba raw bunos para sa nag-iisang ama ng mga bata?” patawa niya.

“Hmpppt! Ganyan ka. Palibhasa, mas love ka ni papa kaysa sa akin!”

“Eto naman o, nagselos kaagad. Hayaan mo na. Mas love ka naman ni mama at lalong mas love kita!”

“Hehe!” ang naisagot ko na lang.

“Grabe pala talaga ang pagnanais ni papa na magkaroon na ng apo no? Kahit sa anong paraan?” pag-divert niya sa usapan.

“Oo, adik na adik, parang nanalo ng jackpot sa lotto.”

Tawanan.

“Uwi ka na Kuya. Pwede ka na yatang umuwi e. Sa tingin ko di na magagalit si papa sa atin…”

“Hindi pa pwede. Ayokong ma-complicate ang sitwasyon. Kapag umuwi ako, baka magkagulo ang tatlo... lalo na nandiyan nakatira sa atin ang dalawa.” Napahinto siya “E... tatlo pa nga lang ba sila?” sabay tawa ng malakas.

“Kuya ha...? Magsabi ka ng totoo. Ilan ba talaga sila? Naiinis na ako!” Ang pag-ulit ko sa naunang tanong.

“Di ko nga alam tol e. Siguro hindi lang sampu iyong naka-sex kong mga babae sa halos isang buwan na pagpalaboy-laboy ko sa mga bar. Karamihan sa kanila ay mga tagahanga kong estudyante din na nagkataong nagbabar. Naglalalasing kasi ako noon sa sama ng loob dahil hindi nga kita makausap man lang. At sa challenge ko sa sarili na buntisin ang mga babae para kay papa, kaya iyon. May ilang dayong babae din pala akong nadale, tol. Hindi ako sure kung taga saan. Hindi ko na tinanong. Basta nakapagparaos na ako, tapos.”

“Waaahhh!!!” ang sigaw ko. “Baka may aids ka na!”

“Malinis ito, tol. Nagpamedical na ako dito. Ipinamedical ako ni Shane.”

“Bakit ayaw mong umuwi?”

“Kasi, kapag umuwi ako, baka igigiit nila na magpakasal ako sa isa sa kanila. Magugulo na naman ang setup. Gusto mo ba iyon?”

“Syempre, hindi ah…” ang sagot ko. Syempre, may punto din si Kuya. Baka imbes na tanggap na ng dalawang babae na hindi sila pakakaslan ni Kuya Rom, baka biglang bumaliktad ang mga utak nila.

“Kaya dito muna ako. Ipaubaya ko na lang muna sa iyo ang pag-alaga hanggang sa manganak ang dalawang baboy natin d’yan” sabi niya, sabay tawa, pagpahiwatig sa dalawang babaeng nabuntis niya na titira sa amin.

Iyon ang takbo ng usapan namin ni Kuya. Ewan ko, hindi ko rin maintindihan ang sarili. Alam kong mali ang mga ginagawa niya ngunit tila hindi ko naramdaman na mali ito. Lahat ng ginagawa niya ay sumasang-aayon ako. Marahil ay wala lang akong choice o baka ito ang sinasabi nilang “Love is blind..?” o iyong sinasabing “Kapag nagmahal ka daw ngunit hindi ka nabubuwang, ay hindi ka pa raw nagmahal ng tunay.”

Siguro nga nagmahal na ako ng tunay. Buang na buang na ako kay kay Kuya Rom eh. Hindi ko na alam ang kaibahan ng tama sa mali. Imagine, iyong mga babae na iyon, nasasaktan din sila. At kagaya ko, ang kasalanan lang nila ay nagmahal din sila - sa taong mahal ko rin. Kung ganoong hindi naman pala sila kayang pakasalan ni Kuya Rom e di sana, hindi na lang niya pinatulan ang mga ito kahit na sasabihing tuliro ang takbo ng utak niya sa panahong iyon. Hindi iyon excuse, bagamat may kasalanan din ang mga babae kung bakit sila pumayag na makikipag sex at mabuntisan. Pero sa isang banda, paano rin naman kung sa nangyari ay may pakasalan sa kanila si Kuya Rom? E di ako naman ang masasaktan at magdusa?

Hay naku... Ganyan ba talaga ang pag-ibig? Kailangang may magsakripisyo? Kailangang may masasagasaan? Kailangang may masasaktan?

Kinabukasan, nagpunta kami kaagad sa pinakamalapit na ospital upang mapa-check up ang dalawang babaeng nabuntis ni Kuya Rom at upang mapa-ultrasound na rin. Sinabi ko rin ito kay Kuya Rom na excited na ring malaman kung lalaki ba o babae ang mga baby niya. Siyempre, gusto rin daw niya sana ay lalaki. At nagpustahan pa kami. Ang hula ko ay kung hindi isang babae at isang lalaki, dalawang babae samantalang ang kay Kuya naman ay dalawang lalaki. Syempre, gusto ni papa ang mga lalaki rin kaya ito na rin ang hula niya.

Dumating ang resulta ng ultrasound at laking pagkamangha naming lahat. Walang tumama sa hula naming dalawa ni Kuya...

(Itutuloy)

12 comments:

  1. nakahinga ako dito ng maluwag. pero. i shouldn't be comfortable. marame pang mangyayare.

    ReplyDelete
  2. malamng nagloloko lng ang dalwang girl d2.. sbi wla daw sa knila ang tama meaning to say di buntis ang dalawa.. hahaha:D .. ptay isa n lng ang kaaway ng sis kong c jayson c kris .. yun tylga buntis.. awww..so excited sa sususnod n mngyyre!

    ReplyDelete
  3. kakabitin naman po... update po kayo agad hehehe. thanks!

    ReplyDelete
  4. baka isang babae at isang lalake or kambal...follower n ako..
    nakakainip mag antay..hehehe
    galing sana gawin 2ng book..

    ReplyDelete
  5. ayus!pero hinde padin ako kampante kay kuya rom.nyahahaha.when can we have the 23rd part kuya mike?

    ReplyDelete
  6. baka apat? twins ang pinagbubuntis nung dalawang baboy na epal?Hehe.. Mukhang my idea ako sa balak ni kuya rom.. sana tama..Hehe sana update agad.. Adik na ko sa mga stories ni Kuya mike..Thanks!

    ReplyDelete
  7. Kua astig talaga ng kwento moh,,,
    kinopya ko pa talga sa ipod ko ung mga kwento,,, para lng mabasa lahat from chapter one hangang 22,,, at sa na poh meron din mangyari kina paul jake at jason!!! heheh

    as in super exciting ung kwento,,, pate narin ung mga nauna mu pang kwento kinoya ko sa ipod para dun na basahin!!!!

    asin isang buong gabe ko yun binasa minsan nakarelet ako sa kwento!!! astig talaga,,, kung isa pelikola eto ako una manunuod neto kahit san senihan !hahaha,,,
    astig talaga,,,, ahm kilan poh ang reles ng new chapter,,,, excited na ako anu sunod na mangyari!

    ReplyDelete
  8. kabitin na naman.. update nyo naman po ng mabilisan..cenysya na ganda ng storya weh..

    ReplyDelete
  9. kuya mike pls kindly update it soon!.more stories pls..we need more stories..

    ReplyDelete
  10. paki dagdag po ung lahat ng story ksi naka relate aq doon plzzzz.... poo hurry.!!!!!

    ReplyDelete
  11. The best story ever thank you very much sa author pati yung sa idol ko si sir lahat nang salitang ginamit damang damako the

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails