Pagpasensyahan niyo na din po kung meron mang pong part na makulangan kayo. Pasensya na..
Eto na ang Part 5!!! Sana po ay magustuhan niyo pa rin..
(PAHABOL!! Para po sa mga naghahanap ng ibang parts at hindi na makita dito sa MSOB, Visit my blog: "Gabby's Journey Of Heart" )
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart
Part 5: "Torn Between Two Lovers.."
“GAB!!” ang sigaw ng lalaki sa likod.
Nang lingunin ko ito ay bumungad sa akin si Ace, at kita ko ang galit sa mukha niya. Pansin ko din na nasa likuran niya si Enso.
Wala pang tatlong segundo ng tawagin ako ni Ace ay lumapit ito at hinatak ang isa kong kamay palayo kay Jared.
“Umuwi na tayo..” ang matigas na sabi ni Ace.
Ngunit hinatak naman ni Jared ang kamay ko na kanina pa niya hawak-hawak.
“Gab.. Mag-usap tayo please.. kahit sandali lang.” ang nagmamakaawang sabi ni Jared.
Pagkatapos sabihin ni Jared ang mga katagang iyon ay biglang tumingin ng masama si Ace dito.
“Shit!! Baka magkaroon ng gulo dito!! Anong gagawin ko!?!?!” ang sigaw ko sa sarili ko.
…..
Patuloy pa rin ang matulis na titig ni Ace kay Jared na para bang kakainin niya ng buhay ito. Nakakatakot, nakakapangilabot, kailangan mapigilan ko kung ano man ang gulong pupwedeng mangyari.
“Please?” ang pagmamakaawa ni Jared sa akin.
“I SAID LET’S GO HOME!” ang biglang sigaw ni Ace sabay hatak sa akin.
“Ace, bitiwan mo ako!! Nasasaktan ako ano ba!!!” ang sigaw ko dito.
Napakahigpit ng hawak niya sa kamay ko, parang mababali na ito sa sobrang higpit.
“BITIWAN MO NGA AKO SABI EHH!! ANO BA!?!?” Ang malakas na sigaw ko sabay pwersahang kalas ng braso ko sa kamay niya.
Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ace. Tinitigan ko siya, yung parang tingin niya kanina kay Jared. Alam ko kasing kapag galit na ako, ay wala ng magagawa si Ace kundi sumunod sa gusto ko. Ngunit iba sa pagkakataong ito.
“Umuwi na tayo..” Ang mahinahon ngunit matigas na sabi nito sabay muling hawak sa braso ko.
“Ano ba!!” ang sigaw ko ulit dito.
“Sir mawalang galang na po, pero di mo ba nakikita? Nasasaktan na si Gab. Wag mo siyang pilitin kung ayaw niyang sumama sa iyo.” Ang biglang singit ni Jared.
Muli ay tiningnan ni Ace ng masama si Jared at sabay sabing..
“Ikaw wag kang mangengeelam ha!! Boyfriend ko ito!! Wala kang karapatan!!” ang sigaw ni Ace dito sabay tulak sa dibdib ni Jared palayo sa amin.
“Alam ko, pero WALA KANG KARAPATANG SAKTAN SIYA!!” ang sigaw ni Jared kay Ace sabay papasugod dito.
“Jared please umuwi ka na..” ang sabi ko sabay harang ko dito upang pigilan ang pagsugod niya kay Ace.
“Bakit ikaw ha? Hindi mo ba siya sinaktan noon HA!?! HINDI BA GINAGO MO SIYA DATI HA!!??” ang sigaw ni Ace.
“Hindi ko siya sinaktan.. Alam ng diyos na kahit kailan, hindi ko magagawang saktan ang taong pinakamamahal ko. Unlike you!!”
“Ikaw—“ ang hindi natapos na sabi ni Ace kay Jared dahil.
“Ace ano ba tama na!!” ang sigaw ko.
“Hep! Hep! Hep! People drama is over!! Tama na yan!!” ang biglang singit ni Enso na pumagitna sa aming tatlo.
“Kuya Ace awat na, tama na yan umuwi na tayo.” ang sabi ni Enso sabay akbay kay Ace at hatak palayo
“Gab let’s go..” ang mahinahon na sabi ni Ace habang hawak pa din ang kamay ko.
Kahit alam kong nandoon si Ace, nakahawak at nakatingin sa akin ay kay Jared pa rin ako nakatingin. Kita ko ang pagmamakaawa ng mata niya na huwag akong umalis. Pero anong magagawa ko di ba?.
Bago naming tuluyang lisanin ang pool area ay liningon ko ulit si Jared, kita ko pa rin na nakatingin siya sa akin.
Ramdam ang tension na namamagitan sa amin ni Ace habang kami’y nasa sasakyan. Wala ni isang salita ang madidinig sa aming labi. Sa totoo lang, galit ako sa kanya dahil una, pinapunta niya ang maingay na si Enso na naging sanhi ng pagkasira ng plano ko kay Jared sa araw na ito. Pangalawa, susugod siya at aawayin si Jared gayong wala naming ginagawang masama yung tao sa kanya, ano ba ito? Nagseselos? Pangatlo, sa dami-dami ng lugar na mag-eeskandalo ay sa may pool area pa ng hotel ko. Buti na lang at walang guest ng hotel ang nandoon kundi naku!
Pagpasok sa pintuan ng bahay ay hinarap ko agad si Ace.
“Ace mag-usap nga tayo..” ang matigas kong sabi.
Ngunit dire-diretso lang siyang umakyat ng staircase na para bang walang nadinig.
“Ace ano ba!!”
Wala pa rin siyang response.
“ACE ANO BA MAG-USAP TAYO!!” ang sigaw ko sa kanya sabay hatak ng braso nito ngunit tinabig niya ito at dire-diretso papuntang kwarto.
Bago pa man siya makarating sa pintuan ng aming kwarto ay nagmadali ako at hinarangan ko ito upang hindi siya makapasok sa loob.
“Ace mag-usap tayo!” ang matigas kong sabi.
“Umalis ka diyan!!” ang sigaw niya.
“Hindi ako aalis ditto hangga’t hindi mo ako kinakausap.”
“Alis sabi ehh!” ang sigaw niya sabay hawak sa braso ko at hinatak ako palayo sa pintuan.
Bago pa man niya ako mailayo sa pintuan ay hindi ko sinasadyang masampal ng malakas si Ace.
“Ace.. Sorry.. Hindi ko sinasadyan, ikaw naman kasi ehh..”
“Ako pa ngayon ha!?!? Ako pa!!!”
“Eh kasi naman ikaw ehh..”
“Anong ako Gab? Hindi mo ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito, ikaw kaya Makita mong may kahalikang iba ang mahal mo, ang boyfriend mo, hindi ka ba magagalit ha!?!?”
Para akong naging bato sa nadinig ko. Ibig sabihin, nasaksihan pala ni Ace ang lahat ng nangyari sa pool area.
“Ace, nakita mo naman di ba?? Hinatak niya ako!! Pinwersa niya ako!!”
“Pinwersa ka nga niya.. Nasarapan ka naman!! Bakit? Masmasarap ba yung halik niya kesa sa halik ko ha?? Ay! Bakit ko pa ba tinatanong yan, eh kitang-kita naman ng dalawa kong mata ang sagot.”
“Ace..”
“Alam mo Gab, tanggap ko naman eh. Tanggap ko na hindi ako ang mahal mo, na Hanggang Ngayon, siya pa rin ang mahal mo, siya pa rin ang laman ng puso mo. Pero sana naman Gab naisip mo na merong isang taong nagmamahal sa iyo, na may boyfriend kang masasaktan kapag.. kapag nakita niyang may kahalikan na iba ang mahal niya. Sana naman Gab naisip mo ako..” ang sabi ni Ace kasabay ang pagtulo ng luha nito.
“Ace kung alam mo lang, kapag kasama ko si Jared ikaw ang iniisip ko.. Ikaw ang inaalala ko.. Iniisip ko na kapag ginawa ko ito, na kapag ginawa ko yung ganyan, masasaktan ka. Ace ayaw kitang masaktan, lahat ginagawa ko Ace maniwala ka..”
“Gab, papaano ako maniniwala kung iba ang nakikita ko sa sinasabi mo? Kanina sa pool nakita ko kayong naghahalikan, kahapon ng gabi nahuli ko kayo sa cubicle ni Jared na magkalapit ang mukha ninyo at ang kamay niya nakahawak pa sa mukha mo. Sabihin mo nga Gab, papaano ako maniniwala??”
Napatigil naman ako sa nadinig ko, ibig sabihin ay umakyat pala siya kagabi sa office ko para sunduin ako kaya lang nakita niya kami ni Jared sa ganoong posisyon at binigyan na niya ng malisya ito.
“U-umakyat ka?? N-nakita mo yung--”
“Oo at nakita ko. Pero bumaba ako agad dahil ayaw kong makita ang paglalaplapan ninyo!” ang pasigaw niyang sabi.
Dahil sa sinabi niya, sa pagkakataong ito hindi na sampal ang nagawa k okay Ace kundi suntok sa kanyang mukha. Kita ko naman na paparating si Enso at ang mga kasambahay naming sila Aling Minda, Aling Nelly, Inday, Kokoy at Totoy. Lumapit ang iba kay Ace upang alalayan ito at ang iba naman ay sa akin upang awatin ako.
“Ganyan ba ang tingin mo sa akin Ace ha?? Sa tatlong taon nating magkasama ganyan ang pagkakakilala mo sa akin?” ang galit na galit na tanong ko dito.
Hindi nakasagot si Ace sa mga nasabi ko. Para siyang naging istatwa sa mga oras na iyon.
“Kuya Gab tama na..” ang sabi ni Enso.
“At ikaw!! Umamin ka nga ha, pinapunta ka ba ng lalaking ito para bantayan ang kilos ko? Nagpunta ka ba para ibuking ako kay Jared? HA!!!” ang sigaw ko.
“K-k-kuya Gab.. kasi..”
“SUMAGOT KA!!” ang mas malakas na sigaw ko.
“Oo.. Pinapunta ako ni Kuya Ace para doon kasi—“ hindi niya natapos dahil.
“Now I know..” ang sabi ko at pagkatapos ay tinumbok ko ang pintuan ng kwarto at binuksan ito.
Bago ko pa man maisara ang pinto ay pinigilan ito ni Ace sabay sabing.
“Gab.. I’m Sorry.. I’m just afraid to lose you..” ang sabi ni Ace.
“LUMAYAS KA SA HARAPAN KO!!!” ang bulyaw ko dito sabay bagsak ng pintuan.
Pagkasarado ko ng pintuan ay tuluyan ng bumigay ang sarili ko. Hindi ko na napigilang humagugol, humagugol sa sobrang sobrang sama ng loob. Sa totoo lang, pakiramdam ko ay para akong tinraydor, pakiramdam ko para akong pinagkaisahan, parang hindi nila ako kilala, lalo na si Ace. Para bang sa tatlong taon naming magkasama ay ganun pala ang tingin niya sa akin. Nakakainis, nakakagigil sa inis.
Sa gabing iyon, hindi ako nakatulog ng maayos, natapos ang araw na hindi kami nagkakabati ni Ace at ganun din si Enso.
“Bahala kayo sa buhay niyo!” ang sigaw ko sa sarili ko.
....Kinabukasan..
“Sir, eto na po yung report and analysis na pinapagawa niyo.” Ang sabi ni Jared
“Is this about the meeting yesterday?”
“Yes Sir.”
“Ok.. Go to my secretary, she will give you the instruction. Then, report back to me Friday next week.” ang sabi ko dito.
Kita ko ang pagtataka sa kanya mukha. Ang alam niya kasi ay laging sa akin siya mag-rereport. Well, sinadya ko na this time ay hindi sa akin dahil na din sa nangyari kagabi. Ayokong mag-away kami ni Ace nang dahil sa kanya.
“Sir b-bakit po—“
“I don’t have to explain Mr. Cruz. Siguro naman ay enough na ang nangyari kagabi para malaman mo kung ang dahilan.” Ang sabi ko sabay ngiti.
Pagkasabi ko noon ay tahimik siyang umalis ng kwarto. Alam ko nalungkot siya sa nangyari, pero ito ang nararapat. Kung sa bagay di ba? Sa umpisa pa lang, eto na talaga ang plano ko.. Ang pahirapan siya..
“Mabuti na rin ito” ang sabi ko sa isip ko.
Pagkalabas na pagkalabas ni Jared biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko.
“Halu! Ser Erick!” ang sigaw ni Inday.
“I-inday?? A-anong ginagawa mo dito?” ang tanong ko sa kanya.
“The questionnaire is, ikaw! I mean, You! Ser Gab! What are you doing here?” ang tanong ni Inday sa akin.
Pagkasabi niya noon ayy..
“Arrayy!!” ang sabi ni Inday (may kumurot sa kanya.)
“Palpak ka nanaman!! Bobita ka talaga kahit kailan!” ang sabi ng lalaki sa may labas ng pintuan.
“Ehh kasi naman ehh.. You! You! You put me in my place, You put me in my situation! You put me in troubleness..” ang sabi ni Inday.
Sa totoo lang ay natatawa ako sa pagsasalita ni Inday, ang trying hard kasi eh.
Ilang sandali pa ay pumasok ang lalaking nasa likuran ng pintuan at laking gulat ko na si Kokoy pala ito. Pagkatapos noon ay mas lalo pa akong nagulat dahil ang sunod na linuwa ng pinto ay sina Totoy, Aling Nelly, Aling Minda, at Enso.
“A-a-anong ginagawa—“ hindi ko natapos dahil..
“I” ang sabi ni Kokoy sabay taas ng isang Papel na may nakalagay na “I”
“M” ang sabi ni Inday na ganun din ang ginawa.
“S” si Totoy.
“O” si Aling Minda
“R” si Aling Nelly
“R” si Enso
Pagkatapos ng linya ni Enso ay linuwa naman ng pintuan si Ace. May hawak-hawak na flower basket. Sa gitna ng flower basket ay merong stick na naka-tusok dito at sa stick na iyon ay may nakadikit na letter “Y”.
Dahan-dahang lumapit si Ace sa kina-uupuan ko samantalang ako naman ay biglang napatayo.
“Gab, I’m sorry.. I’m so sorry.. Sana mapatawad mo ako.”
“Ace..” ang nasabi ko na lang.
“Gab, I love you.. Yun ang dahilan kung bakit ko nagawa iyon, ayokong mawala ka sa akin Gab.. Hindi ko kaya.. ” ang sabi niya sabay yakap sa akin.
At yinakap ko rin siya senyales ng aking pagpapatawad.
“Promise.. I won’t do that again” ang sabi nito.
Sobra akong na-touch sa ginawa niya, at talagang pinapunta pa niya ang mga kasambahay namin para lang kumbinsihin akong patawarin siya. Sa totoo lang, mahal ko naman talaga si Ace eh, pero sadyang may masmatimbang na nasa puso ko. Sa araw ding iyon, bumalik ang dating samahan namin ni Ace.
Kay Jared naman, dumaan ang mga araw ng hindi ko siya nakakausap. Minsan ay nagkakasalubong kami ngunit hindi ko siya pinapansin, hindi ko tinitingnan, parang hindi ko kilala ang nakikita ko. Samantalang siya naman ay madalas kong nahuhuling nakatingin sa akin o di kaya ay pinagmamasdan ako. Syempre deadma lang ako, busy-busyhan ba?
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Isang araw, pauwi na ako noon at papasok ng elevator. Akmang sasarado na ang elevator ay kita kong dali-daling pumasok si Jared dito.
“Sh*t! Bakit ba sumabay pa akong mokong na ito? Tsk!” ang sabi ko sa isip ko.
Sa loob ng elevator, tanging kaluskos lang nito ang madidinig, hanggang sa..
“Ehem.” Ang sabi ni Jared.
…..
“Uuumm.. Pauwi ka na?” ang tanong nito.
…..
…..
“Hello! Pauwi ka nab a?” ang muling tanong nito.
“Ha!?! A-Ako ba?” ang maang-maangan kong tanong.
“Ay hindi! Ako! Ako! Pauwi na ba ako?” ang pamimilosopo ng mokong.
“Aba’t g*gu ito ahh!!” ang sabi ko sa isip ko.
“Ay hindi!! Papunta pa lang, papasok pa lang ako! Kita mong Ground floor yung pinindot ko di ba? Papasok pa lang ako!! Ang aga ko nga para buaks ehh.” Ang pamimilosopo ko rin.
Natawa naman siya sa pamimilosopo ko. Sh*t! ang cute niya talaga kapag tumatawa, idagdag pa yung dimples niya potek!!
Ilang sandali pa ay biglang tumigil ang elevator. Kasama ang pagkurap-kurap ng ilaw dito.
“What the?!!?” ang bigla kong nasabi sabay tingin sa kanya.
Kita ko naman na natigilan siya sa pagtawa-tawa. Naging seryoso ang mukha niya kasabay nito ang pamumula ng kanyang mukha.
“Anong nangyari?” ang nasabi ko na lang sabay pagpipindot ng switch sa ground floor.
“Sir, I think na-stuck po tayo..” ang sabi ni Jared.
“Ha!?!?” gulat na gulat na sigaw ko.
Bigla namang napangiti si Jared sa nasabi niya at sa naging reaksyon ko.
“Oh.. Tawa tawa ka pa diyan!?!? Kita mong nakulong na nga tayo dito, pangiti-ngiti ka pa.” ang sabi ko sa kanya.
“Bakit masama?”
“Oo masama dahil wala namang nakakatawa.”
“Ehh kung sa natatawa ako ehh. Anong pake mo!?!?” ang pabiro niyang sabi.
“Hoy, Mr Cruz baka nakakalimutan mo, boss mo pa rin ako!”
“Gab or should I say Sir Erick! Office hours is over. And it means na hindi na kita boss sa oras na ito.”
“But still, hindi ka pa rin nakakapag-sign out di ba? Hindi mo pa nai-swipe yung ID mo sa ground floor.” ang sabi ko sabay taas ng kilay.
“Oo na lang..” ang sabi niya.
Tahimik.. Ilang sandali pa ay bigla niyang pinitik ang tenga ko.
“Arrayy!!” ang sigaw ko dito.
“Hahahaha!!” ang tawa naman niya.
“Ano namang trip mong g*go ka ha!?!” ang sabi ko sa kanya.
“Ang cute-cute mo talaga kapag naiinis” ang sabi niya.
“So kaya mo ako pinepeste ganun?”
“Naman!” ang sabi niya.
“Suman!” ang sabi ko.
“Palaman” ang sabi niya.
Bigla naman akong natigilan gawa ng alam ko na ang kasunod noon ay may pagka-green. Pauso kasi ito ni Enso noong nag-dinner kami.
“Oh, bakit hindi mo ituloy” ang sabi niya.
“Wala.. Ayoko lang.. Angal?” ang pagtataray ko.
“Hay nako hanggang ngayon pa-demure ka pa din..” ang sabi niya.
“Siyempre..” ang sabi ko.
“Kaya nga Hanggang Ngayon Mahal na Mahal pa din kita eh” ang banat niya sabay ngiti na nakaka-gago.
Napatitig ako sa kanya, ramdam ko ang kilig na bumalot sa buong katawan ko, para akong hihimatayin sa sobrang kilig. Siyempre naman nuh! Sino ba namang hindi kikiligin ng todo-todo dun lalo na’t isang napakagwapong prinsipe ang magsasabi nun di ba? Ay..wait nga.. Sinabi ko bang “napakagwapong prinsipe?” MALI!! ERASE!
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang kanang kamay niya sa pisngi ko. Gumapang ito papunta sa batok ko. Ramdam ko namang binalot ng kaliwa niyang kamay ang likuran ko.
“Sh*t! Hindi na tama ito ahh.. Gab ano ba?? Bakit ba ayaw mong kumalas?” ang sabi ko sa isip ko.
Unti-unti, papalapit ng papalapit ang aming mukha. Pumikit ako senyales ng pagpaparaya sa kanyang halik. Pagpikit ko, may isang pangyayari sa aming dalawa ang aking naalala.
===FLASH BACK===
“Jared..”
“Yes?”
“Papaano kung may magawa ka at magalit ako sa iyo? Anong gagawin mo?”
“Bakit ka naman magagalit sa akin?” ang tanong nito.
“Wala.. Basta halimbawa lang..” ang pangungulit ko.
“Edi hindi ako susuko hangga’t hindi mo ako napapatawad..”
“Ehh papaano kung sobra sobra akong nagalit sa iyo, yun bang abot langit ang galit ko.”
Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing..
“Gagawin ko ang lahat, mapatawad mo lang ako..”
“Ganun?”
“Oo.. kahit ikamatay ko pa..”
“Hala ka! Wag ka ngang ganyan!” ang gulat kong sabi.
“I’m serious Gab, walang kwenta ang buhay ko kung wala ka.. At mas walang kwenta ang buhay ko kapag nagalit at lumayo ka sa akin.. Mas gugustuhing kong mamatay na lang ako..”
Hindi naman ako nakakibo sa sinabi niya, siyempre touch ako sa sinabi niya.
“Ehh papaano kung ikaw naman ang magalit sa akin?” ang tanong ko dito.
“Hindi-hindi mangyayari yun..” ang sagot niya
“Weh? Talaga?”
“Oo naman.. Kahit patayin mo pa ako Gab, hinding-hindi ako magagalit sa iyo.”
“Bakit naman? Papatayin na nga kita ehh.”
“Kasi Mahal kita, at kahit ano pa man ang gawin mo, patuloy pa rin kitang mamahalin..” ang sabi niya.
At ilang sandali ay naglapat ang aming labi. Sa totoo lang hindi ko na lang pinansin iyon, para kasi siyang tanga ehh..
===KASALUKUYAN===
Konting-konti na lang at maglalapat na ang aming mga labi ng biglang umandar ang elevator.
Kasabay ng pag-andar ng elevator ay pagbalik ng aking katinuan, ang paglayo ko sa kanya.
“Sorry..” ang sabi lang niya.
Hindi ko sinagot ang paumanhin niya. Yumuko na lang ako, nananalangin na sana ay tuluyan ng makababa ang elevator para hindi na ako matukso pa sa kanya.
Pagbukas ng elevator ay dali-dali akong naglakad, palabas ng building.
Sa gabing iyon, hindi ko nanaman nagawang makatulog ng maayos. Papaano ba naman di ba? The more na iwasan ko siya, the more na napapalapit kami sa isa’t-isa. The more na pahirapan ko siya, the more na nahuhulog muli ang loob ko sa kanya.
“Nakakainis naman!” ang sigaw ko sa isip ko.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng..
“Mahal, bakit gising ka pa?” ang tanong ni Ace.
“Ahh.. Wala, may iniisip lang ako..” ang dahilan ko.
“Ahh. Matulog ka na mahal.” Ang sabi niya sabay yakap sa akin.
Nginitian ko lang siya sa sinabi niya. Ilang sandali ay nakatulog na rin si Ace.
Tinititigan ko ang mahimbing na pagtulog ni Ace, at the same time iniisip ang kalagayan naming tatlo nila Jared.
“Ayaw kong masaktan ka Ace.. Kasi mahal kita eh.. Pero mas mahal ko siya ehh” ang sabi ko sa isip ko kasabay ang pagtulo ng luha ko.
“Lord, tulungan niyo naman po ako.. Nahihirapan na ako..” at tuluyan na akong umiyak.
…..
Kinabukasan, araw ng pagrereport sa akin ni Jared.
Tok! Tok! Tok!
“Come in!” ang sabi ko.
Tahimik siyang pumasok sa loob ng kwarto ko at linatag sa desk ko isang folder. Pagbukas ko ng folder, imbis na report niya ang bubungad sa akin ay isang maliit na papel ang nandoon kasama ang reports niya na may nakalagay na…
“Sorry if I caused you pain.. Sorry kung nasaktan ka noon.. Pero ito ang sasabihin ko sa iyo, kahit kailan hindi kita magagawang saktan. Sa araw-araw na ginawa ng diyos, wala akong ginawa kundi mahalin ka.. ang paulit-ulit kang mahalin.. I miss you so much Gab..”
Pagkabasa ko ng note niya ay..
“Uumm bumalik ka na lang bukas. Tapos na ang trabaho mo ngayong araw.” Ang nasabi ko na lang.
“Ok..” ang sabi niya.
Paalis na sana siya ng..
“Uuumm.. busy ka ba?” ang tanong nito.
“Bakit?” ang tanong ko dito.
“Uumm.. Yayain sana kita lumabas eh. Pwede ka ba?” ang tanong nito.
“Ha???” ang bigla kong nasabi.
At napangiti naman ang mokong sa reaksyon ko.
“Ang sabi ko, Pwede ba tayo lumabas? Yung gumala ba?”
Sa totoo lang, I didn’t expect na iimbitahan niya ako.
“Please? Kahit ngayon lang?” ang sabi niya ulit.
“Hhhmmm..”
(itutuloy..)
papayag na yan c gab .. hehe
ReplyDeletec jared pa .. ang gwapo ni nya eh .. hehe
niCe one .. galing mo tlga .. :))
i like it :))
_marc lester_
gusto ko si ace ang makatuluyan ni gab.....tama ba kasing gamitin ni jared bestfriend ni gab para sa pagkamiss niya kay gab,.,,,nd diba?
ReplyDeletemaLI!!!!!
tapos nung nawala si gab diba sabi sa isang chapter na palagi nang nambababae si jared....AYAW KO NA SIYA! :|
Kiligness!!
ReplyDeleteNext!!!
Grabe naman ang chapter na ito!! OVER SA KILIG!! I love Jared and Gab talaga. Hay nako, sana wag ng umeksena ang Ace, panira siya sa momentum. Hehehe.
ReplyDeleteSana pumayag si Gab sa proposal ni papa Jared! Panalo yun sa kilig!!! Haha!
Author, post mo na dali!!!
“Sorry if I caused you pain.. Sorry kung nasaktan ka noon.. Pero ito ang sasabihin ko sa iyo, kahit kailan hindi kita magagawang saktan. Sa araw-araw na ginawa ng diyos, wala akong ginawa kundi mahalin ka.. ang paulit-ulit kang mahalin.. I miss you so much Gab..”
ReplyDeleteI super love this line!!! grabe ang competition between Jared and Ace. yugn isa, tinawag ang mga kasambahay para tulungan siya mag-sorry. yung isa naman, via note! Pero naman! Mas kinilig ako kay Jared. Siyempre! Orig eh. The best!
NEXT!!
bukas ang part 6 yehey
ReplyDeleteUmpisa na talaga ng Jared VS Ace. All for the Love of Bebe Gab!! Nako Gab, choose wisely. Sino ang mas nagmahal sa iyo? Sino ang mas nagpahalaga sa iyo? Sino ang NAKAKITA NG TOTOONG IKAW? WHO LOVE YOU LILE YOU ARE.. WHO LOVE YOU BECAUSE YOU'RE GAB AND NOT ERICK! Sino?? I think we know all know the answer.
ReplyDeleteJaredGabAce Fever is SOOO HOT!!!
Kawawang Ace. Sinampal na nga, sinapak pa!!! ouch!!! Pero in fairness naman sa dalawang boys na ito ah. So sweet!!!
ReplyDeleteGera na ito!! OMG!!!!
ReplyDeleteSan kayo?? Team Jared or Team Ace??? Basta ako TEam Jared forever and ever!!!
Paganda ng paganda!!! Woooohhh!!!!
Can someone please produce this story and make it a Movie? NO A TELESERYE NA LANG! For sure hit na hit ito lalo na sa mga Bisexuals and Gays. Wala na akong masabi sa sobrang ganda ng obra na ito. IMHO but THIS STORY IS THE BEST!!
ReplyDelete~ Might_Dawn
Ikaw na talaga Gab/Erick! Ikaw na mahaba ang hair! Ikaw na pinag-aagawan ng mga gwapo! Hehehe.
ReplyDeleteGood job author! Sana lumitaw na si "Slut"(Ely). For sure mas magiging exciting na ang kwento nun. Idamay pa si bruhang Steph. Ahahaha!
ang harot ni Gab aa . .
ReplyDeletehahah . .
abnormal kasi tong c Jared ee, bat kc nya cnaktan p etong c Gab , yan 2loy . .
Thanks for the update author . . Ü
To White_Pal, you're a very good writer. But please don't let your readers pressure you. Hayaan mo sila or should I say KAMI na maghintay ng matagal kung ang resulta naman ng isang chapter ay napakaganda. This one is good but I KNOW YOU COULD'VE DONE BETTER KUNG HINDI LANG MASYADO NAMADALI OR NAPRESSURE.
ReplyDeleteSmile Author! I know you're one of the best writers here.
- From one of your avid fans (kayne)
Date! Date! Date! Sana mag-date ang dalawa sa next part! hehehe. Ang ganda ng song ah. Jared na Jared!
ReplyDeleteKung titignan ang flow ng story. Kasalanan lahat ni gab, well siguro hindi rin. pero basta. ang haba talaga ng hair ni gab.
ReplyDeleteKaya mas gusto ko si Ace at si Jared ang magkatuluyan hahahahha. Mas pantasya ko silang dalawa lol.
go team JarAce.
subra talgagang kilig ng chapter na toh go team jared pa rin aqo kahit anu mangyari daanan man ng bagyo bahay namin hahahhahahahahaha
ReplyDeletehahah,,, kakilig nanamn !!< da best chapter toh! :D! .. puro ngiti n lng ako .. habng binabasa ko toh!!,, haha....
ReplyDeletesana pumayag na si gabB!!!!!!:)
exciting ang next :)!!!!!
(e.o.g)
kinilig ako sheeeettttt!!!!
ReplyDeletekelan next part? pwede post na lahat??? hihihihi!!!!
I waited long enough, and I'm not disappointed. :D
ReplyDeleteSwear, halo-halo ang emosyon ng chapter na ito.
And it really makes the story very,very interesting.
Tsaka gusto ko yung concept mo ng pambibitin saming mga readers.
For Gab/Erick, NAKAKALOKA KA!!! XD
For Jared, GO LANG!! ;D
For Ace, siguro ikaw nanaman ang nagpatigil ng elevator,noh? >:<
disagree ako sa comment ni "Ace"
ReplyDeletedi nmn kslanan un ni kua Gab aa . .
sadyang it's hard for guys to resist him . .
haha . . PEACE!
hindi, si batang maharot ang nagpatigil ng elevator hahahha umeksena si baklita ^^
ReplyDeleteibang level of kiligness na talaga to.. hahahaha
ReplyDeletego Gab..
God bless.. -- Roan ^^,
GAB!!.. Yan nabasa ko na..!! Sorry mejo busy these past days.. hmmmmm... i found little enso so funny.. hahaha.. may future ahh.. :D
ReplyDeletetinamaan ako sa isang part nito ahh. . . .hmn. . . . ..
ReplyDeletekainis nmn c gab
ReplyDelete