Author's Note:
Hi po sa inyong lahat!
Sorry po sa late update, naging busy po kasi ako at nagkasakit rin kaya hindi ko naharap ang pagsusulat. Maraming Salamat po sa inyo! Sana po ay magustuhan niyo po ito.
Strange Love 08
Una akong
nakarating sa aming tagpuan. Magdadapi't hapon na rin ngayon, medyo mas maaga
sa napag-usapan naming oras. Mas mabuti na rin siguro ito para maihanda ko na
ang sarili ko sa kung ano ang mangyayari sa pag-uusap namin.
Nilibot kong
sandali ang kabuuan ng lugar na unang naging saksi sa aming pagkakaibigan. At
muli, mukhang ito rin ang magiging saksi sa pagtatapos nito. Nakakalungkot kung
bakit kailangan mangyari ito. Ang taong mahalaga sa akin ay ngayon kailangan ko
nang bitawan. Kung dati nga, noong bata pa ako ay iniiyakan ko ang mga nasisira
kong mga laruan o gamit, paano pa kaya ngayon ang nasisirang pagkakaibigan.
Masakit…
pero kailangan ko nang harapin, dahil kung tatakbuhan ko lamang ito ay malamang
puro tanong na lang ang tatakbo sa aking isipan. Kung tutuusin ako din naman
umani nitong nangyayaring ito. Kung hindi ba naman ako tanga at pinapasok ko
siya sa buhay ko eh di sana tahimik pa rin ang buhay ko. Matabang na buhay pero
walang sakit na tulad ngayon.
Ang ganda
ng pagtatapos ng aking buhay kolehiyo, nagkaroon nga ako ng degree ngunit
kasabay nito ay ang pagkawatak-watak ng aming pagkakaibigan. Maybe, I was
really born to be lonely - I'm an exception to the saying that "No man is
an island"…
Sa mga
pag-iisip ko nang ganito ay unti-unti nang kumawala ang tubig sa aking mga
mata. Naalala ko pa noong party para sa amin ni Jun bilang mga candidates for
graduation sa isang resort. Ang saya-saya noon. Tama ako na hiniling ko na sana
huwag nang matapos ang gabing iyon. Kasi matapos ang panahong iyon ay gumuho
lahat ng itinayo naming samahan.
Ang gabing
huli kong nakasama ang taong mahal ko.
----Mikael
"Woooooohoooooo! SEMBREAK na pare!! Isa na lang
at GRADUATES na tayo! Nyahahaha!!",buong siglang hiyaw ni Jun matapos ang aming
huling subject. Nakakatawa siyang panuorin dahil para siyang bata na pinayagan
pumunta sa isang Children's Party.
One more semester at matatapos na kami. Excited ako na
kinakabahan kapag naiisip ko na magtatapos na ako sa pag-aaral, na sa wakas lahat
ng aming pinagpaguran ni Inay ay magkakaroon na ng magandang bunga.
Makakapag-trabaho na rin ako at matutulungan ang aking ina sa paghahanap-buhay
at paglaon ay makapagbukas ng negosyo para sa kanya. Bagong simula para sa
pagtupad ng mga inaasam na pangarap.
Nakaupo lang ako noon at tinatawanan si Jun habang ito
ay nababaliw sa sobrang tuwa.
"Huy! BALIW! Para kang kiti-kiti ang likot
mo.", si Kuya Jaime.
Napalingon kami sa pintuan at naroon siya, katatapos
lang din ata ng kanyang huling subject. Haaay, bakit ba hindi ako nagsasawang
tignan siya? Mamula-mulang pisngi dahil sa init, magagandang mga mata na
matutunaw kahit sino ang matitigan nito, at ang mga labing tila ba ang sarap
hagkan... na minsan na rin dumampi sa aking mga labi.
"Eh bakit ba? Eh sa natutuwa ako at
makakapag-bakasyon na tayo. Ang KJ mo talaga pare. Minsan iniisip ko sana hindi
ka na lang nagbago, kasi wala na ako kasama sa kalokohan eh.
Hahahahaha!",pangaasar ni Jun kay Kuya Jaime.
"Ganoon talaga Jun. May nagpatino sa akin eh."
Sabay lapit nito sa akin at tinignan ako nang nakangiti. Gusto kong maihi sa
sinabi niyang yun, ako nga ba ang tinutukoy niya? Paano naman niya nasabing
napatino ko siya??
Umupo ito sa armchair ng aking upuan,paharap kay Jun.
Hindi na ako mapakali dahil napakalapit niya sa akin at nasasamyo ko ang
kanyang amoy. A homey smell na hindi ko pinagsasawaan langhapin. Gusto ko nga
sana siyang yakapin at lambingin ngunit nakakailang naman kung gawin ko iyon.
Tiyak marami ang magtataka at magiisip kapag ganun ang aking gagawin. So I just
kept my cool and diverted my attention to something else.
Napansin kong tahimik silang dalawa at nang tignan ko
ang mga ito ay nagngingitian silang parehas; Nakakalokong mga ngiti na hindi ko
mawari kung ano ba ang dahilan.
"T-teka saan ba lakad mo Jun?", tanong ko sa
kanya.
"Lakad ko? O lakad natin??", at nakangisi na
naman ito at bumaling kay Kuya Jaime.
"T-tayong tatlo?", takang tanong ko.
"Sasama din si Mama, isama din natin si Tita
Jean.", dagdag pa ni Jun.
Kinakabahan talaga ako sa mga ngisi nitong si Jun,
para bang may tinatago sila sa akin. At hindi ko nagugustuhan iyon,
napagtitripan ata ako eh. At itong si Kuya Jaime ay nakatingin lang din sa
reaksyon ko, binabasa ako?? Nagsisimula na ako mainis pero itinago ko iyon at
pinakitang game ako sa kalokohan na niluluto nilang dalawa.
"Sure, kelan ba yan at nang masabihan ko na si
Inay?"
"Bukas."
"ANO?! Bukas kaagad? Ang bilis naman! Wala pa
akong pera!"
"Huwag ka na mag-alala, kasi kahit kelan naman
wala kang pera eh. Kaya kami na ni Mama bahala."
"Ang yabang mo, panget!!"
"Bleeh! Magsumbong ka sa ninuno mo!!",sabay
labas ng dila nito at nagmukhang nakakain ng maasim si Jun.
"Dami niyong dada, tara na nga at umuwi, para
makapaghanda na rin ng gamit."
I dont know if I should be excited sa lakad namin para
bukas. Hindi kasi ako mapakali kung ano ba ibig sabihin ng ngitian na yun ni
Kuya Jaime at Jun. Isa pa ay ayaw nila sabihin kung saan kami papunta, para
tuloy akong tanga o pinagti-tripan nitong dalawang mokong na ito.
Pagkadating na pagkadating namin ni Kuya sa bahay ay
agad itong pumunta sa kwarto.Sinundan ko naman ito. Hindi halatang excited siya
at magiimpake na kaagad ng mga damit. Teka bakit parang ang dami naman ata ng
damit na inililigpit niya. Pati mga damit ko siya na rin ang pumili at
nag-silid.
"Kuya?", pagtawag ko sa kanya ngunit hindi
ata ako narinig. Tuloy pa rin ito sa paghahalungkat ng mga kailangan namin.
"Huyyyyy! Para kang maglalayas ah! At bakit
parang nagmamadali ka? Bukas pa ho iyon diba? At isa pa, hindi pa tayo
nagpapaalam kay Inay."
Humarap ito sa akin at tinignan ako sa aking mga mata.
Seryoso ang kanyang mukha. Ang weird talaga, kanina lang pangiti ngiti ito
ngunit ngayon biglang seryoso. Gusto kong mainis at mabugnot kasi wala akong
maintindihan sa nangyayari.
"Bunso, do you trust me?",mahinang sambit
niya sa akin.
"Oo, p-pero ano bang nangya…", hindi ko na
naituloy ang sasabihin dahil nilagay niya ang kamay niya sa aking mga labi.
"So, could you please just let me be, even just
this time…kailangan ko ito. Alam ko, naguguluhan ka sa nangyayari pero, I will
explain everything kapag nandoon na tayo. Save your questions first. Trust me…"
Dahil sa nasa bibig ko pa rin ang kanyang kamay ay
tumango na lang ako bilang pagsang-ayon saka niya ito tinanggal. Ano pa nga
bang gagawin ko kung hindi manahimik habang pinagmamasadan siya magayos ng
gamit. Somehow, natutuwa ako sa ginagawa niya dahil siya na ang umaayos ng
gamit ko. Hinayaan ko na nga lang talaga siya dahil mukhang importante nga sa
kanya ito.
Pati ang pagpapaalam kay Inay ay siya na rin ang
gumawa. Pumayag naman ito ngunit tulad ng inaasahan ko ay hindi ito makakasama
dahil kinabukasan na kaagad ang alis at hindi ganoon kadali magpaalam sa
kanilang opisina. Binilinan na lang niya kami na mag-ingat doon.
Isa na namang pinagtataka ko ay hindi nito tinanong
ang detalye ng aming lakad. Kung saan ba kami papunta, kung ilang araw ba kami
doon at kung sino-sino ang kasama namin. Para bang walang nangyari at nagpatuloy
lang kami sa pagkain ng hapunan.
Hindi ako mapakali habang hinuhugasan ang mga
pinagkainan namin. Iniisip ko pa rin kung ano bang mangyayari. Kinakabahan ako
kung ano bang mangyayari at parang mayroon silang itinatago sa akin. Kahit sa
pagtulog ay hindi ko magawang antukin kakaisip, excited na rin at parang may
mga paruparu sa aking dibdib.
Anticipating something unexpected.
"Mikael? Hindi ka makatulog? Sorry ha…",
tanong ni kuya habang nakatalikod sa akin.
"Ano ka ba Kuya, ok lang yun. Humanda ka na lang
sa mga tanong ko sayo."
"Hmmm ok, then you should sleep. I'm ready to
answer your questions mamaya pag nandoon na tayo."
"Opo... Dapat lang na handa ka!", at natawa
ito sa huli kong nasambit sa kanya.
Ipinikit ko na nga ang mga mata at ipinahinga ang
aking isipan. Bahala na kung ano ang mangyayari bukas.
----Jaime
Umaga
na pala. Hindi ko man lang namalayan na pasikat na pala ang araw. Kanina ko pa
kasi pinapaulit-ulit sa aking isipan ang aming plano ni Jun.
At
first, nag-hesitate ako sabihin sa kanya ang lahat, dahil baka hindi niya
maintidihan. But, I was wrong, iba talaga si Jun kahit na maloko ito at parang
walang bagay na seseryosohin ay nakinig siya sa akin. He even smile at me, a
genuine smile na parang proud sa inamin ko sa kanya.
Yes,
I confided to my best friend na I have fallen to Mikael.
Ang
sarap sa pakiramdam na may napagsabihan ako tungkol dito. I'm not planning on
proposing to him kasi nga ayoko masira ang pagkakaibigan namin. Instead, I will
just make him feel how much he means to me… How much I love him. I will make
him feel special, kahit hindi niya maibalik sa akin ito , equally or more. Ang
mahalaga, I can freely express my feelings without admitting it to him.
A
ridiculous plan, I know, pero ano pa nga ba. Tanga na nga takot pa…
"You
are so special Mikael… Patawarin mo sana ako kung sakaling tanungin mo ako at
hindi ko masagot. I don't want to lose you… and I definitely don't want to be
separated from you. Kung kuya lang talaga ang tingin mo sa akin, so be it. I
will still stay by your side… until I can.",sabi ko sa aking isipan habang
tinitigan siya sa kanyang pagtulog.
It's
time… labdab!labdab!labdab!
"Mikael,
gising na! Kailangan na nating maghanda para umalis.", as usual hindi ito
natitinag pero nalaman ko na rin ang sikreto para magising ito. Inilapit ko ang
aking bibig sa kanyang tenga at hinipan ito ng pagkalakas-lakas. HAHAHAHA! And
Voila! Mabilis pa sa alas kwatro ang pag-upo nito sa kama.
"Kuya
naman eh! Kailangan ba laging gawin yun?!",yamot nitong sambit habang nagkakamot
ng ulo.
"Kailangan
na natin maghanda paalis po, Mahal na prinsipe!", pangaasar ko sa kanya.
"Hala,
sige tumayo ka na diyan o kakagatin ko pa yang tenga mo!" Tinignan pa ako
nito ng masama bago tumayo at padabog na lumabas ng kwarto dala-dala ang
tuwalyang panligo niya. Ang sarap niyang asarin lalo na kapag ganoon na
napuputol ang kanyang tulog.
Tok!Tok!Tok!
"Jaime,
anak. Halika muna dito sandali.",pagtawag ni Tita Jean sa akin.
"Ano
po iyon Tita?", tanong ko sa kanya pagkalabas ko ng kwarto.
"Mag-iingat
kayo doon ha. Sino ba maghahatid sa inyo doon?", pagbibilin nito sa akin.
"Opo
Tita. Si Lolo Anthony po ang magdadala sa amin papuntang pier tapos kami na po
bahala sumakay ng barko papunta po doon.. Huwag po kayo mag-alala ako po ang
bahala kay Mikael.", at binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
"Sige,
aasahan ko iyan. Tawagan mo ako kaagad or i-text kapag nakarating na kayo
doon.", sabay halik nito sa aking noo at tinungo na ang pinto palabas.
"T-teka
po Tita, aalis na po kayo? Hindi na po niyo hihintayin si Mikael matapos maligo
para mabilinan niyo po?", takang tanong ko sa kanya.
"Hindi
na kailangan hijo, alam na ng anak ko kung ano ang dapat sa hindi. At isa pa,
may tiwala naman ako sa iyo kaya sapat na ikaw ang kinausap ko. Ayaw mo din
naman na mas lalo siya magtaka diba?", natawa na lang ako dahil bago ito
tuluyang umalis ay kumindat pa ito sa akin.
What
was that for? Does Tita Jean knows I love his son? Pero bakit parang hindi
naman siya galit?
Natutuwa
ako at the same time hindi ako sigurado sa aking mga kuro-kuro. Ang mag-ina nga
naman ito, ang weird nila but then yun nga ang gusto ko sa kanila eh.
Bumalik
ulit ako sa kwarto at habang naliligo pa si Mikael ay binisita kong muli ang
aming mga dadalhin,mahirap na baka may makalimutan at walang magamit doon sa
aming pupuntahan. I can feel the excitement every minute na tumatakbo. Para
akong mawawalan ng malay sa kaba dahil na rin sa aking mga plano. I wish it
will turn out well. I want this to be perfect for him.
"Kuya,
kaw naman maligo.", napalingon ako sa kanya matapos nitong basagin ang
aking mga iniisip. At napatanga ako sa kanya. I've seen him half naked for
several times already but then, now he is in front of me, with droplets of
water on his body... Wow! Hello there
gorgeous! I wanted to say that but hmmm awkward hahahahha!
"Kuya?
Bakit parang namatanda ka?"
"Wala...mukha
kasing masarap...", I said absentmindedly while looking at his lips. Para
bang nagsasabi na ilapat ko rin ang mga labi ko rito. Really tempting me.
"Ha?
Alin ang masarap?", nakakunot noo niyang sabi sa akin. Kaya naman
napailing na lang ako at pilit na pinatino ang aking sarili bago pa ako maulol.
"Ang
ibig kong sabihin, eh mukha ngang masarap maligo dahil malamig ata ang tubig
ngayon.",pagpapalusot ko at kinuha na ang tuwalya para makaligo.
"Ahhhh,
opo. Malamig nga ang tubig ngayon. Anong gusto mong almusal kuya?"
"Kahit
ano lang, kakain ko yan basta ikaw naghanda. Hahahaha!", pagbibiro ko sa
kanya bago ako nagpunta sa banyo para maligo.
Oh
my goodness! Ano ba ang nangyayari sa akin? Nakakapanibago ang ganitong
pakiramdam. Gusto kong i-resist pero it feels so right to love Mikael. Ang gulo
naman! nakakainis!
With
all of that in my mind. Binuhasan ko na lang ang sarili ko ng malamig na tubig.
nagbabakasakaling matauhan ako bumalik sa normal. But then, I failed again. The
image of Mikael's flashed into my mind at di ko napigilan makagat ang sarili
kong labi. For once, naramdaman ko kung gaano kalambot ang mga iyon ngunit
sandali lamang iyon.
Well
stop it, Jaime! Remember mas importante ang araw na ito kesa sa mga pantasya
mo.
Buhos
dito, buhos doon. Kudkod dito kudkod doon. I made sure na I am at my best for
ths event. Well, I am still the Campus Crush right? Dapat mapansin niya ako,
sana mapansin niya ako...
Matapos
kong maligo at tutungo na sana ng kwarto para makapag-bihis ay kta ko si Mikael
sa kusina at nagluluto ng sinangag. May kung ano akong naisipan gawin at gusto
kong malaman kung ano ang magiging reaksyon nya rito.
Dahan-dahan
akong nagpunta sa kanyang likuran at humawak sa kanyang bewang.
"Hmmmm,
ang bango naman nyan niluluto mo Mikael. Mukhang masarap, mukha lang naman.
Hehehe!"
Natigilan
ito sa ginagawa saglit ngunit hindi nagsalita at patuloy sa pag gisa ng
niluluto niya. Inilapit ko ang aking mukha sa ibabaw ng kanyang balikat,
kunyari ay pinapanuod ang kanyang ginagawa. Then I look at his face and is
smiling. Teka ang daya dapat ako ang mangsusurpresa pero ako itong nagulat sa
reaksyon niya.
Tinignan
niya rin ako habang ito ay nakangiti. Haaay, this guy really, really, really
always caught me off guard.
"Gutom
na gutom ka na Kuya ah.", sambit niya.
"Oo
nga eh, gutom na ako." sabi ko sa kanya habang nakatingin parin sakanya at
kinakabisado ang detalye nang kanyang maamong mukha.
"Kuya...
May sasabihin ako...."
"Ano
yun?", kabadong tanong ko sa kanya labdab!labdab!labdab!
"Kaialangan
mo na magbihis, kasi nariyan na rin si Mr.President eh, ang lolo mo. Mukhang
gutom na rin siya, nakakahiya naman paghintayin.", medyo pabulong niyang
sagot sa akin.
"Good
Morning, apo."
And
he was there, sa isa sa mga upuan sa may hapag kainan, nakangiti sa akin.
Awkward... Tinanggal ko ang aking mga kamay sa bewang ni Mikael at humarap sa
aking lolo... Awkward ulit...
"G-good
morning Lolo. Kanina pa kayo nandyan??", nahihiya kong pagbati sa kanya.
"Yes.",simpleng
sagot niya at nakangiti pa rin ito.
"Sige
po Lolo Anthony, I will just get myself ready. Mauna na po muna kayo kumain ni
Mikael.", pagpapalusot ko habang papunta sa kwarto.
"No,
it's ok we will wait for you. Tama ba Mikael, hijo?"
"Opo
Sir Anthony."
Tumango
na lang ako dahil nahihiya talaga ako at natunghayan pala ng aking lolo ang
lahat. Buti na lang wala akong ibang ginawang kalokohan. Napailing na lang ako
habang gumagayak. Natatawa na lang din ako sa ginawa ko kasi himbis na si
Mikael ang magulat sa ginawa ko, ako itong nagulat at doble pa.
Hay
naku, Jaime. You still have a long day ahead you. Ano pa kayang kapalpakan ang
gagawin mo? Remember, this should be special for him.
Itutuloy.....
Ang haba naman ng nakaraan nila..pero worth it naman kasi detelyado naman..
ReplyDeleteay merun na uli update hehehe...
ReplyDeletekelan uli boss