Kamusta po sa inyong lahat? ^_^
Oh, diba? Ang aga ko nagpost ngayon? Magkasunod na araw? Hahahaha! Himala!! Kaya pagbigyan nyo na ko sa request ko!! Sige na naman po. Hahahaha!! Basahin lang po ito, para malaman ang aking request!! ^_^ >>>> http://darkkenstories.blogspot.jp/2012/11/minahal-ni-bestfriend-readers.html
Pangalawa po ay, gusto ko humingi ng pabor. Hahaha! Pa follow naman po ng blog.. Heheheh. Sige na :P Hahaha!! And nga pala guys, you can add me up on fb pa din. We have a growing community sa fb and I hope ay i-add nyo ko ng mai-add ko din kayo sa ating group. We will be having events soon so sana sumali po kayo. :) Ito po ang link ng aking fb acct. :) http://www.facebook.com/kenji.bem.oya PAKIUSAP lang po na magpakilala lang kayo upon adding para ma add ko na kayo agad sa group :) Thanks!! So.. ito na!!
Pangatlo, ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO, cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.
“Pasensya ka na dito sa amin, ha.”
“What do you mean?”, takang tanong nito.
“Ewan ko sayo! Eh halata namang naiilang ka sa lugar namin.”
“Ganun ba ka obvious?”, hiyang tanong nito.
“Oo, pero ok lang. naiintindihan ko naman.”
Natigilan lang ang munting tawanan at biruan naming ng makarating ako sa tapat ng bahay naming. Parehas kaming nagulat ni Nikko. Lalo na ako.
Hindi ko alam kung anong nangyayari at bakit sya andoon. Pero hindi maganda ang timpla nito. Nakasandal ito paupo sa tapat ng bahay naming. There he was, as if waiting for someone. And that someone was me.
“Cedric?”, takang tawag ko.
Tumingin lang ito sa akin sabay tingin kay Nikko.
“Uy, pare. Dito ka pala.”, pagbati ni Nikko kay Cedric.
“Doon lang siya nakatira.”, sabay turo sa isang bahay sa di kalayuan.
“Ay, oo nga pala, magkapitbahay nga pala kayo!”, ngiti nito.
“Huh? Nabanggit ko ba yun?”, taka ko.
“How else would I know? Of course you did.”
“Huwag mo nga kong inglesin.”, sabay bigay ko ng tawa.
Pagtingin ko naman kay Cedric ay hindi man lang ito tumawa, kahit ngiti, wala din.
“Hoy! Bat naka simbakol ang mukha mo dyan!”, pabiro kong sabi kay Cedric. Tumayo naman ito at lumapit lang.
“Ah, wala. Uy, pre. Napadalaw ka. Alam mo pala dito?”, casual ngunit may tonong sabi ni Cedric kay Nikko.
“Ah, hindi. Niyaya ko kasi si Cyrus para kumain sa labas. Tapos hinatid ko lang sya.”
“Ah…”, tipid na tugon ni Ced.
“Ced, samahan mo naman ako, hatid natin ulit sa sasakyan nya.”, ngiti ko.
“Hindi na, ano ka ba! Ikaw nga tong hinatid ko!’, pagtanggi nito.
“Like I would let you go back alone. Baka maligaw ka pa. And besides, hindi rin safe.”
“Kaya niya yan.”, sabat ni Cedric.
Napatingin naman ako bigla.
“Oh sige, ako na lang maghahatid. Hintayin mo na lang ako dito.”, ngiti ko.
Pero sumunod pa rin sa likod naming si Cedric habang hinatid ko pabalik sa sasakyan niya si Nikko. Hindi ko alam pero parang galit ata si Cedric. Wala naman akong matandaan na ginawa kong masama.
“Anong problema nun?”, tanong ni Nikko.
“Ewan ko dun! Baka may problema lang sa jowa nya.”
“Aah..”
Pagkahatid ko kay Nikko ay nagpasalamat ito, at ganun din naman ako. Muli akong nagpasalamat sa time na binigay nya. Pagkaalis naman nito ay bumalik na kami ni Cedric.
“San kayo galing?”, malamig na sabi ni Ced.
“Ah, wala. Kumain lang sa labas.”
“Masarap ba?”
“Oo! Mas masarap pa don sa pagkain na hinahanda sa bar!”
“Aba! Sigurado mahal don!”, biro nito.
“Ay sigurado! Ichura pa lang nung lugar, sumisigaw na mamahalin, eh!”
Bigla akong nilingon ni Cedric.
“Kaya ba pumayag ka kumain kasabay niya?”, galit na sabi ni Cedric.
“Huh?! Ano bang sinasabi mo?”
“Kasi ang kaya ko lang i-offer sayo ay pagkain sa tabi-tabi?!”
“Huh?!”
“Wala!!”, galit na tugon nito.
“Nagagalit ka ba na sumama ako kay Nikko?!”
“Hinde.”, malamig na tugon nito.
“Eh bat ganyan ang tono mo?! Para bang may ginawa akong masama!”, inis kong tugon.
“Wala nga!”
“Ewan ko sayo!”, sabay lakad ng mabilis.
“Tingnan mo to-! Bumalik ka nga dito!”, sigaw ni Ced. Pero naglakad lang ako dire-direcho hanggang makapasok ng bahay at kwarto.
“Ano bang problema mo?!”, galit na sabi ni Cedric.
“Look, pagod ako, okay? Kung aawayin mo lang ako dahil sa sumama ako kay Cedric, pwede bukas na lang? Patulugin mo muna ko?!”, sabay tapon sa sarili sa kama.
“Bahala ka nga sa buhay mo!”, galit na sabi ni Cedric sabay labas ng kwarto.
Hindi ko naintindihan ang kinagagalit ni Cedric. Dahil ba tinanggihan ko samahan ito nung niyaya ako tapos sumama ako kay Nikko? Ayos din naman! Pagkatapos ng pakiramdam kong sinasadya niyang gawin sa harap ko, ngayon, gaganyan sya. Gagew din.
Kahit pa pagod at kulang sa tulog ay gumising pa din ako kinatanghalian upang umalis at magbenta ng paninda kong mais. Swerte naman na mabilis din itong naubos agad kaya naman nakabalik ako ng maaga at nakapagpahinga sa bahay.
Nagising na lang ako sa alarm ng cellphone ko. Pagkagising ko ay naabutan ko agad ang text ni Nikko at wala naman akong natanggap mula kay Cedric. Galit pa din ito.
Nang makapag ayos na ako ay hinintay ko na lamang ang pagtawag sakin ni Mang Berto para sabihing andyan na si Cedric. Ngunit lampas kinse minuto na ng oras ng pagsundo sa akin ni Cedric ay wala pa din ito. Kaya naman bumaba na ako at lumabas sa tapat ng bahay para ako na lang ang maghintay.
Dalawampung minuto na ang nakakalipas ngunit walang Cedric na dumating. Kaya naman nagpasya na akong puntahan ito sakanila. Ngunit pagdating ko ay sinabi ng Inay nito na naka-alis na daw ito kanina pa.
Nainis ako bigla. Hindi man lang ako inabisuhan ni Cedric na umalis na pala ito. Ang una namang pumasok sa isip ko ay baka sinundo ito ni Geoff. Pero kahit na, sana man lang nagsabi sya para di ko na sya hinintay.
Nagmamadali akong umalis papasok ng trabaho dahil nga ang laki na ng oras na nasayang ko dahil sa paghihintay. Nabugnot ako lalo dahil alam kong nasa bar na si Cedric pero wala pa ring text na sinasabi na pasensya at nauna na sya.
Pagpasok na pagpasok ko ay hinanap agad ng mata ko si Cedric. Naabutan ko naman ito na katabi si Geoff at halata ang pagka sweet nila. Hindi ko ito pinansin dahil sa sobrang inis ko.
Agad akong nagpalit ng bihis pagkadating ko. Malas naman na paglabas ko ay andun ang amo namin.
“Late ka Cyrus, ha! Aam mo namang ayoko sa lahat, late!”, pagsermon ng amo ko.
“Pasensya na po, sir. Di na po mauulit.”
“Aba, dapat lang!”, galit na sabi nito.
“Pasensya na po talaga.”
“Oh! Sya! Bilisan mo! May tao na tayo, oh!”, mas gait na sabi nito. Napalingon naman ako agad. Tama naman ang hinala ko, si Nikko. Agad ko namang inayos ang mga dapat ayusin at linisin ko. Pagtapos ay pumwesto na ako sa bar.
“Oh, bat na late ka? Pasensya na, ha. Nakasama pa ata ang pagiging maaga ko dito.”, paumanhin ni Nikko.
“Huh? Nasobrahan kasi ako ng tulog. Tsaka ok nga na andyan ka. Atleast medyo napakalma ako.”, pagsisinungaling ko.
“Sorry, di ka ata nakatulog agad sa pagyaya ko sayo”
“Hindi. Ganung oras din naman ako natutulog, eh.”, ngiti ko.
“Oh sya, teka, aayusin ko muna sa cr ha. Dyan ka muna sandali.”
Pagpasok ko ng cr ay agad kong chineck ang mga tissue at kung malinis ba ang sahig. Palabas n asana ako ng bigang may pumasok, si Cedric. Hindi ko pinansin ito.
“Cy..”, pagtawag nito sakin.
Tiningnan ko lang ito.
“Sorry.”
“Ah, Sorry. Bakit? Kasi nagmukha akong tanga sa paghihintay sayo, o sorry dahil sa paghihintay ko sayo kaya nalate ako at napagalitan?”, inis kong sabi.
Hindi sumagot si Cedric.
“Magtratrabaho muna ko, LATE na nga ko, oh.”, inis kong sabi sabay labas ng cr.
“Hmmmmm…”, salubong sakin ni Rovi.
“Oh, anong problema mo? Pwede wag muna ngayon? Wala ako sa mood.”, bulyaw ko kay Rovi.
“Nag-away kayo, noh?”, pangaasar nito.
“Wala ka na dun!”
“Obvious naman, eh. Una, di kau sabay pumasok. Pangalawa, di man lang kayo nagpansinan pagdating mo. Tapos, ang init ng ulo mo.”
“Pwede ba Rovi, wala ako sa mood.”
“Ah, nag-away nga.”, pangiinis pa nito sabay lakad palayo.
Hindi na nawala ang pagka badtrip ko sa buong magdamag. Nagkataon naman na umalis din ng maaga si Nikko dahil may pupuntahan daw ito. Kaya naman wala akong way na pag divert ng inis ko.
Hindi ko na lang namalayan na panay tagay na pala ako buong magdamag kaya halos tipsy na at may tama ako ng matapos ang trabaho. Hindi ko na rin hinintay si Cedric. Nauna na akong umuwi sakanya.
Pagkadating na pagkadating ko ng bahay ay nahiga agad ako sa kama. Ngunit pagkahiga ko ay bigang nagring ang cellphone ko. Si Nikko.
“Hello?”, garalgal kong sagot.
“Naka-uwi ka na?”
“Hmm..”
“Kamusta trabaho? Pasensya na kailangan ko umalis agad, ha.”
“Ok lang yun. Kamusta lakad mo?”
“Ok naman. Kumain ka na ba? Gusto mo dalhan kita ng makakain?”
Nako, wag na. Kumain na ako.”, pagsisinungaling ko.
“Sigurado ka, ha.”
“Hmmm.”
“Oh, sya. Kita na ang tayo bukas, ha. Siguradong kumain ka na, ha. Masama nagpapalipas ng gutom.”
“Opo. Tapos na. Sige, bukas na lang. Medyo pagod ako ngayon, eh. Ingat na lang.”
“Thanks. Goodnight.”
“Hmmmm. Goodnight.”
Dumaan pa ang mga sumunod na araw na hindi kami nagpansinan ni Cedric. Hindi na rin kami sabay pumasok at umuwi. Hindi din kami naguusap sa trabaho. Kahit pa ang mga text nya sa aking ng “Good Morning” at “Good Night” ay wala na din.
Despite my anger, hindi ko maiwasan mamiss si Cedric. Nasanay kasi ako na lagi ko syang kasama. Kaya naman isang araw matapos ang trabaho ay kinausap ko na din ito.
“Uwi na tayo?”, hiya kong sabi.
He looked at me. Casual na tingin.
“Oh, di ka ba ihahatid ni Nikko?”, masungit na sabi nito.
“Hinde.”
“Aah, kaya gusto makisabay umuwi?”
“Huh? Hindi.. Galit ka pa rin ba hanggang ngayon?”
“Does it matter?”
Natahimik ako.
“Ganun ba. Ok.”
Nalungkot ako bigla. Hindi makapaniwala sa narinig. Ano bang ginawa kong masama at ganto na ang galit niya sa akin?
Umuwi akong mag-isa. Tuliro.
Pagkadating na pagkadating ko sa bahay ay nakatanggap ako agad ng text mula kay Nikko asking kung nakauwi na ba ako. Hindi ako nagreply. I was too tired and sad to talk. Gusto ko lang muna mapag isa.
Papatayin ko na sana ang ilaw ng biglang may pumasok sa bintana ko. Nagulat ako. Si Cedric. Hindi ko lang pinansin. Humiga na lang ako.
“May dala akong pagkain.”, mahinang sabi nito.
Lumingon ako sa pagkakahiga at hinarap ito.
“Sige, busog ako.”, malungkot kong tugon.
“Tumayo ka na dyan. Namamayat ka na, oh.”
Hindi ako sumagot.
“Look, hindi man ito kasing mahal ng kinain mo, pero ako bumili nito.”
Tiningnan ko muli si Cedric. Nangungusap ang mga mata nito. Puppy dog eyes na para bang nagsasabi na ng sorry.
Ngumiti ito ng bahagya.
“Cedric…”
“Okay, alam ko naman, eh. Naging masungit ako. Kasi naman…”
Napaupo ako.
“Kasi ano?”
“Syempre bestfriend mo ko. Kaya medyo nasaktan yung ego ko nung tinanggihan mo ko. Tapos pagpunta ko dito sa inyo, wala ka. Nagalala ako. Di ka man lang nagtext. Tapos malalaman ko na sumama ka kumain sa iba.”, nahihiyang sabi nito.
“Cedric…”
Lumapit ako ng bahagya.
“Look, sinamahan ko siya dahil nagtext siya na may problema daw sya. Kaya lang nang puntahan ko siya, ay dinala niya ko sa isang restaurant at dun kami nag usap.”
“I don’t care about it anymore. Sorry na? Please?”
Ngumiti ako.
“Sorry din.”
“Namis kita.”
“Ako din.”
“Weh?”
“Oo nga.”
“Sus! Mas nagustuhan mo nga yung pagkain don dahil mamahalin.”
“Cedric…”
“Oh, biro lang.”
“Baliw!”
“Pikon!”
“Timang!”
“Pero namiss talaga kita. Ikaw kasi yung kaisa isang tao na ayokong mawala sa buhay ko.”
Natahimik ako sa sinabing yun ni Cedric. What does he mean?
“Oh, pano? Kain na tayo?”, ngiting sabi nito.
Nagulat ako ng nilabas ni Cedric ang dala nitong pagkain. Sobrang dami naman kasi ata.
“Hoy! Ano ba to?! Bat ang dami ata nito?!”
“Oo! Para may pampulutan din tayo mamaya!”, malokong ngisi nito.
“Pulutan?”
“Huwag mo ko tanggihan. Magtatampo ulit ako! Sige ka!”
“Pero…”
“Anong pero?! Wala naman tayong pasok bukas, noh! Off natin!”
Ngumisi ito.
Napangiti na lang ako.
“Oh siya! Kumain na muna!”
Natapos na ang kainan at nagsimula naman kaming uminom. And ano pa ba, kwento pa rin tungkol sakanila ni Geoff ang narinig ko. Para tuloy gusto ko na lang bawiin na nagusap na kami ulit. Okay na nga kami, puro tungkol naman sakanila ni Geoff nanaman ang naririnig ko.
Alas quarto na ng madali araw at may tama na rin kami sa alak. Dahil na rin sa off naming kinabukasan ay sa bar pa lang ay nagiinom na din ako.
Bzzzzzzz. Narinig kong pagvibrate ng cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha. Ngunit pagkakuha ko ay inagaw naman sakin ito ni Cedric.
“Hindi muna pwede ang cellphone ngayon. Bonding time natin to.”, pag-agaw nito sa cellphone ko.
“Teka lang. Babasahin ko ang, promise.”
“Hindi pwede.”
Gumapang ako palapit kay Cedric at inagaw muli ang cellphone ko. Ngunit gumanti din ito pero swerteng nakaupo ako agad sa kama. Hindi na nakagalaw muli si Cedric. Palibhasa ay lasing na din ito.
“Hina mo!”, pagbibiro ko sabay bukas ng message sa cellphone ko.
“Kamusta? Off mo bukas, diba? Pwede ba tayo magkita?”
“Hah? Anong ora..”, nagtetext na ako ng reply ko ng biga namang hinablot nanaman ito ni Cedric.
“Sabing bawal muna cellphone, eh..”, nakangisi nito.
“Aba!”, gulat ko.
“Amin na nga. Magrereply lang ako.”
Pero dinilaan lang ako nito at tumayo. Nagsasayaw pa habang nakadila sa akin at winawasiwas ang cellphone ko.
“Ced, akin na. Wag na makuit.”
Ngunit hindi ito nakinig.
“Akin na Cedric…”, medyo inis ko na.
Ngunit nagulat ako sa sumunod na ginawa nito.
“Edi kunin mo!”, ngisi nito sa akin sabay lagay ng celphone ko sa loob ng short nya. Hindi sa bulsa. Doon sa loob.
“Oh! Oh! Kunin mo..”, malokong sabi nito.
Namula naman ako bigla.
“Ambabuy neto! Akin na nga yan!”, inis ko na.
“Kunin mo nga, oh!”, sabay lapit pa niya sa kung nasan ang telepono ko.
Wala akong nagawa. Hindi ko nakuha ang telepono ko. Umupo ito sa tabi ko at dumila pa.
“Di mo makuha, noh? Sabing bawal ang cellphone muna, eh!”
“Ambabuy mo! Ewan ko sayo!”
Kumuha ulit pa ng isang shot si Cedric at inistraight ito.
“Tama na Ced. Lasing ka na, oh.”
“Di pa yan. Kaya ko pa.”
Kumuha ulit ito ng isa at nilaklak.
“Huy! Ano ba, tama nay an Ced. Magtira ka naman.”, pagbibiro ko.
Ngunit tiningnan ako nito ng seryoso. Nabilga ako. Ngumiti ito agad at nagtagay pa muli at ininom.
“Ced, tama na sab..”
“Gusto mo ba siya?”, seryosong tono nito. Napansin ko na lang na nakatitig ito sa akin.
“Huh?”, gulat kong tanong.
“Si Nikko kako! Gusto mo ba siya?”, seryosong tanong nito.
Tumawa naman ako bigla.
“Ano bang pinagsasabi mo?! Lasing ka na nga.”
“Hindi mo sinagot ang tanong ko.”, seryoso pa din ito at hindi man lang tumawa. Kumuha pa ulit ito ng isang tagay at nilagok.
“Cedric, lasing ka na. Tama na yan. Kung ano ano na pinagsasabi mo.”
Nagulat na lang ako ng bigla akong kwelyuhan ni Cedric. Kita sa mga mata nito ang pagkaseryoso. Pilit ko namang inalis ang kamay nito.
“Lasing ka na Ced!”
“Bat di mo ko sagutin?!”, medyo galit na ang tono nito. Naalis ko ang kamay nito sa kwelyo ko ngunit binalik din nito agad. At mas humigpit pa ang hawak nya dito.
“Ced, ano ba?! Lasing ka lang! Tama na! Lasing na tayo pareho!”
“Edi mas maganda. Mas may lakas ka ng loob sabihin sakin ang totoo!”
“Ced!!”
“Ano nga!!”
At dahil na rin sa tama ng alak ay nakahugot na ako ng lakas ng loob.
“Eh paano kung oo?!”, pasigaw kong sagot.
“Putragis ka!”, galit na sabi nito. Tinulak ako nito kaya napahiga ako sa kama. Pumatong ito sa akin at kinwelyuhan ulit ako.
“Ano bang problema mo?!”
Nagulat na lang ako ng bigla akong halikan nito. Siniil ako nito ng halik. May pwersa at galit. Agad din itong kumalas at tiningnan ako mata sa mata.
Pagkalas nito ay nakatitig ito ng maigi. Bumilis ang pintig ng puso ko. Hingal hingal kaming dalawa.
Pagkalas nito ay nakatitig ito ng maigi. Bumilis ang pintig ng puso ko. Hingal hingal kaming dalawa.
“Yung totoo! Gusto mo ba siya?!”
Nabigla ako sa ginawa ni Ced. Naramdam ko agad ang pagtulo ng luha ko.
“Hindi. Hindi dahil ikaw ang gusto ko…”
my gosh... Grabe naman si Cedric... and selfish... kung gusto nya si Cyrus hiwalayan nya dapat si Geoff.. Ayaw nyang lumigaya ang Bestfriend nya o ayaw nya lang aminin na mas mahal nya ang Bestfriend nya... Pero dahil sa ang title nito ay minahal ni Bestfriend alam na ang sagot.. hehehe
ReplyDeletewahhh nakakakilig sa last part ^_^ :3
ReplyDeletei can't wait the next chapter :)
God Bless author :)
-Markii-