By:
Mikejuha
Email:
getmybox@hotmail.com
blog:
http://michaelsshadesofblue.blogspot.com
Author’s Note:
PEBA ENTRY
Gusto ko pong i-promote ang aking entry sa PEBA na
pinamagatang, “Si Angelo, Ang Kanyang
Itay At Ang Facebook”. Heto po ang link. http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/search?q=si+angelo
need ko po ng comment.
At para pos a hindi pa nakaboto,
please vote po, http://pinoyblogawards.com
nasa right side po ang mga entries, nasa OFW
Division po ang entry ko na may 7 entries lamang. #2 ang Michael Shades Of Blue. Please click the box beside entry #2
at pagkatapos ay click “Submit Vote”.
MSOB BOOK ANTHLOGY
Ang MSOB Book Anthology po na pinamagatang “Michael’s Shades Of Blue: Love, Hunger and
Paranoia” ay released na po. Ang price nito ay Php 349.00. Heto po ang mga
outlets ng publisher naming - http://central.com.ph/centralbooks/outlets/
Paki check po ang nearest outlet sa inyo. Or, you can contact Rovi Yuno, paki
search na lang siya sa fb and pm him.
At may good news din po kami sa inyo. May plano na
naman kaming gumawa ng Anthology Book II. May idagdag kaming mga authors sa
aming lineup. Para pos a mga interesadong sumali, open po ito sa lahat ng
MSOBians. Heto ang gagawin: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2012/11/to-all-interested-neophyte-writers.html
BOOK SIGNING EVENT:
Tungkol sa “Michael’s
Shades Of Blue: Love, Hunger and Paranoia”, isingit ko na rin po pala dito
ang plano naming mga Anthology Writers na magkarooon ng Book Signing sa –
Date:
January 26, 2013
Time: at 4:30 pm – 7:00 pm
Venue: Central Book Supply, Inc., 927 Quezon Avenue Phoenix Building
Tel: (632)
372-3550-52 ext.31
Para po sa mga balak bumili ng nasabing book,
magbenta po kami niyan on that book signing event. At sa mga nakabili na rin at
gusto ninyong ipa-autograph ang mga nabili na ninyong books, please come.
Isali na rin po ninyo ang IDOL KO SI SIR na book,
pipirma po ako kapag may copy kayo at kung wala pang copy, magbebenta rin po
kami sa nasabing event.
“IDOL KO SI SIR” NATIONAL BOOKSTORE OUTLETS
Tungkol naman sa librong “IDOL KO SI SIR” nasa
National Bookstores na po ito sa mga sumusunod na outlets:
1
|
Powerbook-SM Megamall
|
Mandaluyong
|
2
|
NBS-Shangrila Plaza
|
Mandaluyong
|
3
|
Powerbook-Shangrila
|
QC, Shaw
Blvd
|
4
|
NBS-SM Megamall
|
Mandaluyong
|
5
|
Best seller Robinsons Galleria
|
Ortigas
|
6
|
Bestseller (Podium)-Ortigas Center
|
Ortigas
|
7
|
NBS-Greenhills Missouri
|
San Juan
|
8
|
NBS-Greenhills Plaza-Greenhills
|
San Juan
|
9
|
NBS-Greenbelt
|
Makati
|
10
|
NBS-MOA
|
MOA
|
11
|
NBS Robinsons Galleria
|
Ortigas
|
12
|
NBS-Superbranch-Cubao
|
QC, Cubao
|
13
|
NBS-Filinvest Alabang
|
Alabang,
Filinvest
|
14
|
Powerbook-Alabang
|
Alabang,
Town Cent
|
15
|
NBS-SM Sucat
|
Sucat SM
|
16
|
NBS-Shopwise Sucat
|
Sucat,
Shopwise
|
17
|
NBS-Glorietta 5- Makati
|
Makati,
Ayala
|
18
|
Powerbook-Glorietta
|
Makati,
Ayala
|
19
|
NBS-Robinsons Place Pioneer
|
Mandaluyong
|
20
|
NBS-SM City North-North EDSA
|
EDSA North
|
21
|
Bestseller-North EDSA
|
EDSA North
|
22
|
NBS-Fairview
|
QC,
Fairview
|
23
|
Powerbook-Trinoma
|
Trinoma
|
24
|
NBS-Cyber One
|
QC,
Eastwood
|
25
|
NBS-SM City Marikina
|
Marikina
SM
|
26
|
NBS-Market Market, fort Bonifacio
|
Taguig
|
27
|
NBS-Trinoma
|
QC, EDSA
|
28
|
NBS-Katipunan Ave
|
QC,
Katipunan
|
29
|
NBS-Quezon Avenue
|
Quezon Ave
|
30
|
Powerbook-Sendra, Fort Bonifacio
|
Taguig
|
31
|
NBS-Cash and Carry Mall
|
Gil Puyat
Ave
|
32
|
NBS-Robinsons Place-Ermita
|
Manila,
Ermita
|
33
|
NBS-Harrison Plaza- F.B. Harrison
|
Pasay,
HPlaza
|
34
|
NBS-SM Manila
|
Manila
|
35
|
NBS-SM San Lazaro-Manila
|
Manila,
Sta. Cruz
|
36
|
NBS-Tutuban Mall-Manila
|
Manila,
Tutuban
|
37
|
NBS-Taft Ave, Malate
|
Manila,
|
38
|
NBS-Rockwell
|
Makati,
Rockwell
|
39
|
NBS-Alabang Town Center
|
Alabang, Town
Cent
|
40
|
NBS-Southmall
|
Alabang,
Las Pinas
|
41
|
NBS-SM City-Dasmariñas
|
Dasmarinas
SM City
|
42
|
NBS-SM Muntinlupa
|
Muntinlupa
SM
|
43
|
NBS-Paseo de Sta. Rosa
|
Laguna,
PDSR
|
44
|
NBS-Alabang Comml Complex
|
Alabang,
Com Comp
|
45
|
NBS-SM Bacoor
|
Cavite,
Bacoor
|
46
|
NBS-Bacolod
|
Bacolod
|
47
|
NBS-Robinsons Bacolod
|
Bacolod,
Robinsons
|
48
|
NBS-SM Bacolod
|
Bacolod,
SM
|
49
|
NBS-SM City-Baguio
|
Baguio
|
50
|
NBS-Bohol
|
Bohol
|
51
|
NBS-Cagayan
|
Cagayan de
Oro
|
52
|
NBS-Limketkai Center
|
Cagayan De
Oro
|
53
|
NBS-SM City CDO
|
Cagayan De
Oro
|
54
|
NBS-Ayala, Cebu
|
Cebu
|
55
|
NBS-SM Cebu
|
Cebu
|
56
|
NBS-ABCC SM City
|
Cebu,
Consolacion
|
57
|
NBS-Abreeza Mall
|
Davao
|
58
|
NBS-Davao
|
Davao
|
59
|
NBS-SM Davao
|
Davao, SM
|
60
|
NBS-Robinsons Place
|
Dumaguete
City
|
61
|
NBS-SM Iloilo
|
Iloilo
|
62
|
NBS-Robinsons-Iloilo
|
Iloilo,
Robinsons
|
63
|
NBS-SM Lipa City
|
Lipa City,
SM
|
64
|
NBS-SM City Naga
|
Naga, SM
|
65
|
NBS-Marquee Mall
|
Pampanga,
Angeles
|
66
|
NBS-SM Clark
|
Pampanga,
Angeles
|
67
|
NBS-SM City
|
Pampanga,
SM
|
68
|
NBS-Subic
|
Pampanga,
Subic
|
Salamat din sa mga taong patuloy na tumatangkilik
sa mga kuwento ng MSOB. Kung wala kayo, wala rin kaming mga writers ng MSOB.
Dahil sa inyong patuloy na pagbabasa at apgsuporta, kaming mga writers ay
patuloy na magbigay-saya sa inyo.
-Mikejuha-
----------------------------
“H-ha???” ang gulat kong sagot sa pagkarining na
may matinding karamdaman si Brix. “S-sigurado ka? Paano mo nalaman? Ang
lakas-lakas pa niya noong nakaraang mga araw ah.”
“Hindi ko nga rin akalain eh! Sino bang
mag-aakalang ang isang katulad ni Brix na malakas, athletic, nagji-gym ay magkaroon
ng isang karamdaman?”
“A-anong cancer ba ang dumapo sa kanya?”
“Sa kidney.”
“Siguradong cancer ba?”
“Oo... at ayon sa initial findings,
kailangang-kailangang tanggalin ang isang kidney niyang natamaan.”
At doon na ako nahinto, napaisip sa mga nangyayari;
sinisi ang sarili dahil isa ako mga nakadagdag sa kanyang karamdaman lalo na,
nagbago na sana siya ngunit ako pa itong nagtulak sa kanya na bumalik sa bisyong
ayaw na niya sanang balikan. May guilt akong naramdaman, may inis sa sarili na
dahil lamang sa sama ng loob ko para sa isang tao, nadamay ko pa siya. Lumabas
tuloy na napaka-selfish ko, manggagamit. “K-kailan daw ba siya ooperahan?
Malala ba ang kalagayan niya?”
“Sa lalong madaling panahon daw Kam... Malala kung
sa malala. Pero sa ngayon, ang isang kidney lamang ang nakitaan ng tama kung
kaya ay kailangang tanggalin ito upang hindi kumalat sa ibang parte pa ng
kanyang katawan ang cancer. Baka sa makalawa na siya ooperahan.”
“N-nasaan siya ngayon Noah?”
“Sa isang ospital ng Maynila. Doon na raw siya
ooperahan.”
“Sana... magiging successful ang operasyon niya.”
“Sana... Sana. Kasi ang sabi ng duktor, ang klaseng
kanser daw na dumapo sa kanya ay iyong kumakalat, gumagapang.”
“G-ganoon ba? Nakakatakot naman!”
“Oo kung kaya ay tanggalin na ang kidney na iyon agad-agad
upang hindi na ito makakalat pa sa ibang internal organs niya. At titingnan pa
ng mga duktor kung wala na bang ibang internal organs na natamaan.”
“S-sana ok lang siya...”
“Sana...”
Tahimik.
“H-heto pala Kam, may sulat si Brix para sa iyo...”
sabay dukot sa sulat galing sa kanyang bulsa at inabot ito sa akin.
Kinuha ko ito sa kanyang kamay, binuklat, at
binasa.
“Dear Love, pasensya ka na, hindi ako nakapagpaalam sa iyo ng maayos.
Matagal ko nang alam na may karamdaman ako. Ngunit inlihim ko sa iyo pati na sa
aking mga magulang. Hindi ko kasi lubos na maisip na mayroon ako nito. Ayaw
kong maniwala, ayaw tanggapin ng aking isip. Pilit kong idni-deny na mayroon
akong karamdaman. Hanggang sa hindi ko na talaga kaya. Pasensya ka na, hindi ko
sinabi sa iyo ito. Ayokong makadagdag ako sa kung ano man ang bumabagabag sa
iyong isip. Kung alam mo lang kung gaano kasakit para sa akin ang makitang
nagdusa ka. Gusto ko nga sanang alamin kung ano ang dahilan ng iyong tila
pagrerebelde sa buhay ngunit hindi ko magawa kasi, noong naitanong ko iyan sa
iyo, ang sabi mo ay wala; gusto mo lang maranasan ang ibang klaseng buhay. Alam
ko, mayroong malaking dahilan. Ngunit dahil ayaw mong sabihin, nirerespeto ko
ang iyong desisyon. Tahimik na lang ako.
Alam mo, nasasaktan ako sa nakitang unti-unti mong pagsira sa iyon
buhay. Ayaw ko kasing maranasan mo ang naranasan ko. Matalino ka, may potensyal
na magiging isang magaling na tao sa kahit anong larangang pipiliin mo. Gusto
kong pigilan ka. Gusto kong awatin ka. Pero dahil ayaw mo naman akong sundin,
ako na lang ang nagparaya. Sinunod ko ang gusto mo. Patawad. Kasi, kung
ipagpatuloy mo ang pagkahumaling sa droga, ako ang numero unong dahilan sa
pagkasira ng iyong buhay. Sana ay hindi darating ang araw na huli na ang lahat
bago mo marealize na tama pala ang mga sinasabi ko. Hinahangaan kita dahil sa
kabaitan mo. Hinahangaan kita dahil sa matibay mong paninidigang makapag-aral,
sa talino at galing mo. Hinahangaan kita dahil sa napakaraming bagay na nasa
iyo na ngunit inaasam-asam kong makamit para sa sarili ko. Idol kita. Idol ka
ng maraming estudyante. Kaya masasaktan ako kapag nagbago ka. Ayokong makitang
napariwara ka. Dahil kapag nangyari iyon, magi-guilty ako; dahil hindi man lang
kita natulungan, bagkus ako pa itong naging dahilan upang masira ang buhay mo.
Anyway, may cancer nga ako... Alam mo, noong unang nalaman ko ito,
nasabi ko sa aking sariling sana ay matuluyan na lang ako. Parang gusto ko nang
mamatay na lang. Parang gusto ko nang magwakas ang lahat. Kasi, masakit mang
sabihin, ngunit naramdman ko, napapansin ko, nakikita ko... na hindi mo ako
mahal. Pero tiniis ko; nagkunyari na hindi ko napansin, pilit isiniksik sa isip
na mahal mo rin ako. Ganyan kita kamahal. Kaya kong i-distort sa aking isip ang
mga empirical na bagay sa mundo. Sa pagmamahal ko sa iyo ay natutunan kong
tanggapin ang isang mapait na katotohanan. Kapag may masasakit na bagay na
nakikita ako magpi-pretend na lang ako na hindi ko nakita ang mga ito. Kapag
may mga bagay ring gusto kong makita ngunit wala sa aking paningin; uli,
magpi-pretend ako na nakita ko. Parang naka-droga lang. Malakas ang tama.
Kagaya nang sa bawat pagbigkas ko sa iyo sa mga katagang ‘I love you’ at hindi
mo sinagot, nagpi-pretend na lang akong sinagot mo. Sa isip ko, klarong-klaro
kong narinig ang ‘I love you too’. At ang sabi ko pa sa sarili... balang araw
ay mamahalin mo rin ako. Pakunsuwelo sa sarili; pangarap. Pero huwag kang
mag-alala. Kasi, magaling nga akong mag-pretend. Kahit sa pangarap kong iyan ay
nagpi-pretend pa rin ako. No hard feelings. Minsan ay may mga taong mahal mo,
hindi ka naman mahal. May mga tao ring mahal ka, hindi mo rin naman sila mahal.
Mahirap intindihin. Pero ganyan talaga. Hindi lahat na nangyayari sa ating
buhay ay naaayon sa ating kagustuhan. Kaya walang choice kundi ang tanggapin
ito at magparaya...
May isang beses, natawa na lang ako para sa aking sarili. Iyong
sarcastikong tawa. Narinig ko kasi ang isang lumang kanta at para akong hinataw
sa ulo ng isang matigas na bagay. Pakiramdam ko kasi, sa akin ipinatama ito.
Ang sabi, ‘mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Mas mapalad ka, mahal
kita, sa akin walang nagmamahal...’ Parang gusto kong maawa sa aking sarili,
umiyak, maglupasay sa matinding sama ng loob. Pero may isang bahagi rin ng
aking utak na nagsabing, ‘Ok lang iyan... ang mas mahalaga ay nagmahal ka at
nakaranas ng saya kahit sa isang pagkukunwaring pagmamahal lang. Maraming tao
sa mundo ang mas salat sa pagmamahal kaysa sa iyo. Dapat ay makuntento ka na
dyan.’”
Ngayong seryoso ang aking kalagayan, parang gusto ko na lang gumive up
sa buhay. Ayaw kong magiging pabigat kasi sa mga taong mahal ko. At lalo na sa
iyo. Gusto kong bigyan ka ng kalayaan. Gusto kong kung ano man ang gusto mo sa
buhay, abutin mo iyon. Pakiramdam ko kasi ay naging hadlang na lang ako sa kung
ano man talaga ang laman ng iyong puso. Pakiramdam ko ay ako pa itong dahilan
kung bakit ka nagkaganyan; kasi may gusto kang kamtin na hindi mo maaabot...
dahil sa akin. Hindi mo ito nabinigyang-laya, hindi mo maipapalabas. Ewan...
Pero bahala na rin si Big Bro. Kapag binuhay pa niya ako pagkatapos ng
operasyon, o pagkatapos nito, siguro ay may misyon pa ako sa mundo, kung ano
man iyon.
At ikaw... kung halimbawa lang na gusto mong lumayo sa akin, matatanggap
ko. Promise, hindi sasama ang loob ko. Gusto kong maging masaya ka. Gusto kong
makamit mo ang mga bagay o taong ninanais mong makasama sa buhay. Lahat ay kaya
kong ibigay, maging masaya ka lang.
Basta... ang hihilingin ko lang ay sana, huwag mong kalimutan na sa
isang punto ng buhay mo, may isang taong nagmamahal ng lubos sa iyo. At sana ay
huwag mong sirain ang buhay mo. Ok lang kung ang buhay ko ang masisira, huwag
lang ang sa iyo.
Kasi... mahal na mahal kita. –Brix-“
Pagkatapos kong mabasa ang sulat niyang iyon, doon
ko naramdaman na dumaloy na pala ang mga luha ko. Sobrang awa ang naramdaman ko
para kay Brix.
Tumalikod ako kay Noah. Nahiya kasi ako sa aking
painaggagawa. Doon ko napagtanto na napaka-selfish ko talaga. Ang nasa isip ko
ay puro ako, puro mga hinaing ko, puro paghihimutok, hindi inisip na may mga
tao palang higit pa na nagdusa, may mas matinding pinagdadaanan kaysa akin.
Lihim na pinahid ko ang aking mga luha. “Huwag kang mag-alala Brix, isa ka sa
dahilan kung bakit namulat ang aking mga mata. Pipilitin kung tahakin ang tuwid
na landas, para sa mga taong nagmamahal sa akin, at isa ka na roon. Pilitin
kong ituwid ang aking buhay, maging successful, makatulong sa aking pamilya na
maiangat sila sa kahirapan...” ang bulong ko sa sarili habang tinupi muli ang
kanyang sulat at isiniksik iyon sa aking bulsa.
Tinapik ni Noah ang aking likod. At noong humarap
ako sa kanya, inunat niya ang kanyang braso.
Niyakap niya ako at hinaplos niya ang aking likod. “Ang
bait na ng pinsan ko no?”
“Oo Noah... ngayon ko lang napagtanto na
napakasuwerte ko na may isang Brix na nagmamahal sa akin na kahit ang kapakanan,
kalusugan at buhay niya ay handa niyang isakripisyo para sa akin.”
“Suwerte rin naman siya sa iyo ah. Kasi alam ko,
mabait kang tao. Alam ko namang hindi mo kagustuhang tahakin ang masamang
landas eh.”
Napangiti na lang ako ng hilaw.
“Sige... tawagan ko si insan para makausap mo siya.
Ang utos niya kasi sa akin ay tawagan ko raw siya kapag nagsama tayo. Hindi ka
raw kasi niya makontak noong tumawag siya sa iyo. At hindi mo rin sinasagot ang
mga texts niya.”
“Ah... o-oo nga pala. Hindi ko dala-dala ang cp ko
noong umuwi ako ng probinsiya eh.” ang pag alibi ko na lang. Ang totoo kasi,
nababasa ko ang mga text ni Brix ngunit wala ako sa mood na sagutin ang mga
iyon. Nainis pa kasi ako sa aking kalagayan noon at litong-lito ang isip. Kung
kaya ay hindi ko siya binigyang halaga.
“Hi love! Kumusta ka na? Nag-alala ako sa iyo.
Hindi kita nakokontak eh. Hindi ka rin sumasagot sa mga texts ko. Baka kung
napaano ka...” ang boses ni Brix na narinig ko sa kabilang linya. Parang wala
naman akong napansing kakaiba sa kanyang pananalita. Siguro pinilit niya lang na
sumaya.
“M-mabuti naman ako. Huwag kang ma-alala, ok lang
ako. Ikaw ang kumusta?”
“M-mabuti naman. Ba’t di mo sinagot mga texts ko?”
Napatingin ako kay Noah. Nagsinungaling kasi ako.
“N-nalimutan ko ang cp ko. H-hindi ko nadala.” ang parehong palusot ko sa
palusot ko rin kay Noah. “Kumusta ka na? Kailan ang operasyon mo?” ang tanong
ko.
“S-sa sunod na araw pa.”
“Ok lang naman daw?”
“So far, so good. Kaya huwag kang mag-alala. Ok
lang ako. Pagkatapos ng operasyon, siguro ay isang linggo lang akong manatili
sa ospital at makakalabas na.”
“At ligtas ka na sa cancer?”
“Oo... free na ako”
“Yeeey!” ang sigaw ko.
Natahimik siya. Hindi ko alam kung bakit.
Maya-maya. “I love you.” ang sambit niya.
Mistula akong binuhusan ng malamig na tubig sa
sinabi niyang iyon, nanumbalik sa aking isip ang nauna kong sinabi sa aking
sarili na magpakatotoo na ako sa kanya; na sasabihin ko na sa kanya ang tunay
kong naramdaman; na hindi ko siya mahal at maging kaibigan na lang kami. Ngunit
nagdadalawang-isip na ako sa pagkakataong iyon dahil sa nabasa ko sa sulat niya.
Isa pa, may sakit siya, nagdusa siya, nagparaya siya, ginawa ang lahat...
Parang hindi ko kayang dagdagan ko pa ang sakit na nadarama niya. Kaya, “I-I
love you too...: ang naisagot ko.
Natahimik siyang muli.
“Bakit ka natahimik?” tanong ko.
“W-wala...” ang maiksi niyang sagot na ang boses ay
tila nag-crack. Alam ko, umiyak siya ngunit pinigilan niya ito.
“Wala? As in walang dahilan?” ang tanong ko.
“Masayang-masayang-masaya lang ako. Kung nandito ka
lang sa tabi ko, malamang kinarga na kita sa sobrang tuwa ko sa aking narinig.”
“Bakit ka masaya?”
“Simula noong naging tayo kasi, ngayon ko lang
narinig ang salitang ‘I love you too’ galing sa iyo. Akala ko, ako na naman ang
sasagot ng ‘I love you too’ sa sarili ko.”
Napangiti naman ako. “S-sorry. Sorry talaga...
N-nasaktan kita.”
“Wala iyon... Ikaw pa. Ang lakas mo sa akin.”
“Salamat... L-love.”
“Waaahh! Tama ba ang narinig ko? T-tinawag mo akong
Love?”
“Oo naman! Love ang tawag mo sa akin, e di love din
ang tawag ko sa iyo. Love ang tawagan natin, di ba?”
“Yeeeyyyy!” Ang narinig kong pagsisigaw ni Brix sa
kabilang linya. Tuwang-tuwa siya sa narinig. “Alam mo love... ngayon lang ako
sumaya nang ganito. Ang unang sayang naranasan kong sobra ay noong bigla mo
akong hinalikan sa harap ng kuya Andrei mo. Tapos, ngayon...”
“Gusto ko lang bumawi. Alam ko, malaki ang
kasalanan ko sa iyo.”
“Wala nga iyon. Ikaw talaga o...”
“O sya... m-magpahinga ka na ha? Mag-ingat ka
palagi”
“Oo... para sa iyo.”
“O sige... bye na.”
“S-salamat.”
“Salamat saan?”
“D-dahil sa pagmamahal mo. Parang wala na akong
mahihiling pa sa buhay. Narinig ko na ang matagal ko nang inaasam-asam na
salita sa iyo. Ang ‘I love you too...’ Kahit mamatay na ako ngayon, happy na
ako Love.”
Tahimik.
“I love you.” ang sambit ko uli.
Hindi siya nakasagot agad. At maya-maya lang, “I
love you too...” ang pautal-utal niyang sagot, halatang nag crack ang boses sa
pigil na pag-iyak.
Napaiyak na rin ako. Ngunit hindi ko na ito
ipinahalata pa sa kanya. Pinatay ko na ang aking cp.
“Noah... awang awa ako kay Brix.” ang sambit ko kay
Noah noong iniabot ko ang cp sa kanya. “G-gusto ko sanang sorpresahin siyang
dalawin kaso...” hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin gawa ng hiya.
“Kaso ano...”
“W-wala na akong pera eh.”
“Pera ba ang problema kamo?” ang sambit ni Noah na
halatang na excite.
Tumango ako.
“Puwes, huwag kang ma-mroblema. Ako ang iyong fairy
godmother. Walan gproblema iyan sa makapangyarihan kong magic wand! O kumuha ka
ng mga daga at pumpkin upang makaalis ka na. Ang gown, anong gusto mong kulay?
Pink? Red? Fuchsia? Ang shoes? Anong gusto mong brand? Adidas? Nike, Rebook?
Sketchers?”
“Noah naman eh...”
“Joke lang po...” ang bigla rin niyang pagseryoso.
“Nasa akin ang credit card ni Brix, iniwanan niya para daw sa mga
pangangailangan mo. Para sa iyo, at sa iyo lang. Your wish is my command, dear.
Ganyan ka kamahal ng aking pinsan.”
“T-talaga? Kakahiya naman. P-pero puwede natin
siyang dalawin?”
“Ikaw pa!” ang excited na sagot ni Noah. “Mamaya
kaagad, sasaglit ako sa ticketing office at magpabook na ako ng flight natin.
Ako ang magschedule. Friday ng gabi tayo aalis dito at ang pagbalik ay Monday
ng madaling araw. Para sulit tayo sa Maynila. O di ba? First time mong
makapunta ng Maynila, di ba?”
Tumango ako.
“O tamang tama. Sabayan natin ng pamamasyal.
Maghahanap ako ng boys doon.” sabay tawa.
Natuloy ang pagdalaw namin kay Brix sa Manila. Base
sa plano, gabi ng Biyernes kami umalis pa-Maynila. Napag-alaman kong isang araw
na ang nakalipas pagkatapos siyang naoperahan.
Alas onse ng gabi noong nakarating kami sa private
na kuwarto ni Brix. Naroon ang kanyang mommy, na hindi na nagulat sa pagkakita
sa amin gawa ng tinimbrehan ito ni Noah at sinabihang huwag ipaalam kay Brix na
dadalaw kami gawa ng sorpresa namin ito sa kanya. Halatang pagod na pagod siya.
Makikita sa kanyang mga mata na kulang siya sa pahinga at tulog at ang buhok ay
hindi man lang naayos ng maigi. Si Brix naman ay himbing na himbing.
“Mommy... magpahinga na muna kayo sa hotel ninyo.
Kami na ni Alvin ang bahala rito, ok?” ang pabulong na sabi ni Noah sa mommy ni
Brix. Mommy rin kasi ang tawag niya rito.
“S-sige, kayo na ang bahala sa kanya Noah ha? Alvin?
Malungkot na malungkot iyan. May isang tao raw siyang pinangarap na dadalaw sa
kanya, na makita niya. Hindi naman sinabi kung sino, pero alam ko, kayo iyon.
Hindi ko na lang sinabing dadalaw kayo gawa nang sabi mo nga...” baling kay
Noah, “...sorpresa ninyo.”
Lumingon naman sa akin si Noah sabay kindat.
“Hayan, nakatulog... nanghina rin iyan dahil sa
operasyon niya kahapon.” Dugtong pa ng mommy ni Brix. “O siya... aalis muna
ako. Maligo pa ako at marami pa akong gagawin. Hanggang kailan pala kayo rito
Noah?”
“Hanggang sa lunes ng madaling araw pa po mommy.”
“Ah... so puwedeng umuwi muna ako sa atin bukas at
Lunes na ako babalik dito.”
“Sige po mommy. Kami na muna ang bahala kay kuya
Brix.”
Noong kami na lang ni Noah ang naiwan, naupo si
Noah sa isang tabi habang tinitigan ko naman ang mukha ni Brix na animoy isang
inosenteng batang himbing na himbing sa kanyang pagtulog. Ang kalahati ng
kanyang katawan ay tinakpan hanggang dibdib ng puting kumot. Sa gilid naman ng
kama niya ay may ngkalambitin na dextrose. Nakakaawa ang kanyang hitsura.
Namumutla siya at halatang pumayat. Ilang araw lang siyang nawala, ambilis na
ng kanyang pagbabago. Halos hindi ako makapaniwala sa aking nakita sa kanya.
Ang dating Brix na punong-puno ng saya, interprising, athletic, na akala mo ay kayang
gawin ang lahat na mahihirap na pisikal na gawain, isang taong pagseselosan mo
ang angking tangkad, ganda ng postura at laki ng katawan. Ngunit sa
pagkakataong iyon, tila bumaligtad ang mundo niya; isang helpless na tao na
nakaratay sa ibabaw ng kama ng ospital na iyon.
Tumulo ang aking mga luha sa kaiisip sa nangyari sa
kanya, sa ginawa niyang pagpaparaya, sa kanyang mga sakripisyo para sa akin na
kahit alam niyang may sakit pala siya, pinagbigyan pa rin niya ako sa mga
hinihiling kong kapritso, kahit nakakasama ang mga ito sa kanyang kalusugan.
“Uhmmm!” ang narinig kong mahinang ungol ni Brix.
May naramdaman naman akong tuwa sa pagkarinig ko sa
ungol niyang iyon. Iyon bang excitement na hayan iyong taong nagsakripisyo para
sa iyo at excited na makita ka at kapag iminulat niya ang kanyang mata ay ikaw
na ang kanyang unang makita. Alam ko, matutuwa siya kapag nakita niyang nandoon
na ako sa tabi niya. Kaya ang ginawa ko ay umupo sa silyang nasa gilid lang ng
kanyang kama atsaka isiningit ko ang aking kamay sa ilalim ng kanyang kumot,
sinalat ang kanyang braso at hinawakan ito. “L-love...” ang mahina kong sambit habang
nakatingin sa kanyang mukha.
Dahan-dahang iminulat niya ang kanyang mga mata. At
sa kanyang pagkakita sa akin, “N-narito ka... love?” ang sambit niyang
kitang-kita sa mga mata ang pagkagulat at matinding saya.
“Oo naman... ikaw pa. Ang lakas mo kaya sa akin.”
sabay lingon kay Noah na halatang kinilig sa kanyang nakita sa amin.
Napangiti si Brix na tumingin na rin kay Noha.
“S-sala—“
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin gawa ng
pagdampi ko ng aking huintuturo sa kanyang bibig at pagkatapos ay idiniin ko na
ang aking labi sa kanyang mga labi.
Hinalikan ko siya. Gumanti siya sa aking halik.
“I love you...” ang sambit ko noong matapos ko na
siyang halikan, ang aming nga mukha ay halos magdiklit sa sobrang lapit sa
isa’t-isa.
“I love too.” ang mahinang sagot niya. At halos kasabay
sa pagsagot niyang iyon ay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
“Ayokong makitang umiyak ka...”
“Masaya lang ako.”
“E bakit hindi ka ngumiti?”
Binitiwan niya ang isang pilit na ngiti bagamat
patuloy pa rin ang pagpatak ng kanyang mga luha. “Sobrang saya ko lang talaga
love...”
“Payakap na nga lang.” Sambit ko. At niyakap ko
siya samantalang pilit na inilingkis niya ang isa niyang kamay na hindi naka
dextrose sa aking katawan.
“Plano ni Alvin ang lahat ng ito kuya. Gusto ka
niyang sorpresahin.”
Napatingin si Brix kay Noah. “T-talaga?” ang sagot
ni Brix na ibinaling na ang paningin sa akin.
“Namiss kasi kita...” ang sagot ko na lang.
“Ako hindi mo tanungin kung na-miss kita?”
“Alam ko naman ang sagot eh. Miss na miss mo ako.”
“Hindi lang miss na miss kundi miss na miss na miss
na miss... million times.”
Tawanan.
Doon na kami natulog sa private na kuwarto ni Brix.
May isang higaan kasi doon at kami ni Noah ang nagtabi. Masaya kaming tatlo.
Ngunit alam ko, mas masaya si Brix. Sa aming pag-uusap napag-alaman namin na
isang kidney lang daw ang natamaan ng cancer at wala nang iba pang bahagi ng
kanyang internal organ. Bale ang kailangan na lang niya ay ang magpagaling,
kumain ng tama, huwag abusuhin ang katawan, huwag masyadong magpupuyat, huwag
mag-isip ng kung anu-anong problema upang lumakas ang immunse system, umiwas sa
stress at pressure, at iyon na, back to normal na naman siya. Basta, kada 5 o
anim na buwan daw siyang magpa-check up, iyong tinatawag na executive check
kung saan ang lahat ng bahagi sa katawan ay sinusuri.
Kinabukasan, Sabado, iminungkahi ko kay Noah na
mamsyal na lang siya. Ayaw ko kasing iwanan si Brix.
“Kabisado mo naman ang Manila, di ba?” ang tanong
ko kay Noah.
“Bakit hindi ka sumama para makapamasyal ka rin?
First time mong makarating ng Maynila. Dapat ay pumasyal ka.”
“Gusto ko... kapag naranasan ko ang unang
pamamasyal ko rito, ikaw ang makakasama ko” ang sagot ko.
Tinitigan ako ni Brix. Sabay, “Halika nga...
yakapin na lang kita.”
At iyon... Si Noah na lang ang namasyal. Nag
malling, nanood ng sine. Masaya naman daw siya. Nakipagtagppo raw siya sa mga
friends niya sa internet na noon lang din niya nakita.
Ngunit kami ni Brix, sa loob lang ng kanyang
kuwarto. Nanood ng TV, nag-iinternet, naglaro ng chess. Higit sa lahat,
nakuwentuhan. Noon ko pa lang nakita ang laki ng ipinagbago ni Brix sa kanyang
pananaw sa buhay, sa kanyang kabaitan, sa kanyang pagmamahal sa akin.
“Love... kapag gumaling na ako, gusto kong kumain
ng prutas na albinee. masarap iyan. May kulay na ube ang balat, at ang laman ay
kulay pula. May kulay pink din, kulay blue. Nagbabago ang kulay niya kapag
kinagat mo, depende sa kung saang bahagi ng prutas mo siya kakagatin. Ang sarap
niyan sobra.” ang sabi niya noong nabored na kami sa paglalaro ng chess.
“Ow? ang galing naman.”
“Oo.”
“Saan naman nakikita iyan?”
“Sa Tsaysipku.”
“Tsaysipku? Saan iyan?”
“Isang lugar na mahirap puntahan.”
“May nakakain na ba niyan?
“Wala pa.”
“Bakit?”
“Nasa isip ko lang siya eh. Hindi puedeng ibenta sa
tindahan. Tsay-isip ko, ang prutas na Alvin-e”
“Waaaw! Nalungkot naman ako bigla sa joke mo
pare!!! Pang drama! Corny pa!”
Tawanan.
“Sige ikaw naman ang mag-joke.”
“Gusto ko maglaro.”
“Ano?”
“Yung kilitihan sa may parteng tyan.” Ang biro ko.
Alam ko kasing may tahi sa tiyan niya.
“Waaah! gusto mong pagtripan ang operasyon ko ha?
Sige nga kilitihin mo.” sabay tanggal sa kumot na nakatakip sa kayang tiyan.
Doon naman ako nabigla. Nakita ko ang presko pang
tahi sa klanyang sugat. At nagulat pa ako dahil sa gilid ng kanyang tiyan ay
may transparent na plastic tube na mahaba na nakatusok sa kanyang gilid at ang
kahabaan ay hanggang sa paanan ng kama, kasing laki ng ballpen ang
circumference at may pula-pulang nasa loob na tila tumatagos. “A-ano naman
iyan?”
“Drain ng dugo. Dyan lumalabas ang dugo na na trap
sa ilalim ng aking katawan sanhi ng operasyon, upang mailabas ang mga ito at
malinis ang aking laman loob. Tingnan mo ang container sa ibaba, iyan ang
dugong patuloy pang dumadaloy galing sa aking sugat sa ilalim ng aking katawan...”
Tiningnan ko ang dulo. May plastik na container nga
at may dugo na halos isang baso ang dami. At sa takot ko, bigla akong napaatras
at tumalikod. “Takpan mo love! Takpan mo! Arrggghhh!” ang sigaw ko. Pakiramdam
ko kasi ay bigla akong naghina, namutla, at nanginig.
“Hahahaha!” ang tawa ni Brix. “Kala ko ba ay
magkilitian tayo sa tyan?”
“Ayoko. Natatakot ako! Takot ako sa dugo love!!!”
“O siya, halika na... tinakpan ko na siya. Lika.
Huwag ka nang matakot.”
At doon na ako bumalik sa gilid ng kanyang kama.
Lalo tuloy akong naawa sa kalagayan niya. Kung ako siguro iyon, baka sa
pag-iisip pa lang na hihiwain iyong tyan ko at tatanggalin ang isang bahagi ng
aking laman-loob, baka di na nila kailangan pa ng pampatulog para sa akin dahil
sigurado, nagko-collpase na ako sa pagkakita ko pa lang sa duktor na mag-oopera
sa akin.
Naging seryoso na tuloy akong tinitigan na lang
siya. Naawa. “Kawawa naman ang love ko.” Ang sambit ko.
Napangiti lang siya ng hilaw.
“I love you...”
“I love you too...” sagot niya.
Ewan... ngunit sa dalawang araw na dinamayan ko si
Brix, naging mas close pa kami sa isa’t-isa. Mas naintindihan ko na siya, mas lumalim
ang paghanga ko sa kanya, mas naappreciate ko na ang lahat ng mga ginawang
sakripisyo niya sa akin. At pakiramdam ko nagsimula nang tumibok ang puso ko
para sa kanya.
Natapos ang aming dalaw na baon-baon ko ang
masasayang pangyayari sa amin ni Brix. Kahit nasa ospital lang akong kasama
siya, masayang-masaya ako. At nagpagdesisyonan kong kay Brix ko na ibaling ang
aking pagmamahal. Siya na lang ang pagtutuunan ko ng oras at pansin.
Lumipas ang isa pang linggo at tuluyan nang
nakabalik Brix sa bahay nila.
“Love... ipinaalam ko sa aking mga magulang na
imbes sa villa tayo tutuloy, sa bahay na namin. Ayaw ng mga magulang ko sa
ibang tuluyan titira. At pumayag silang dito ka rin, kasama ko.” Ang text sa
akin ni Brix.
“S-sa boarding house na lang kaya ako tumira love.”
“Ayaw mo bang makasama ako rito sa bahay?”
“N-nahihiya kasi ako eh.”
“Ano ka ba. Sige na... Please???”
Kaya wala na akong nagawa kundi ang tumira na rin
sa bahay nila.
Sa kuwarto niya ako natutulog. Kunyari ay
pinalagyan pa niya ng isa pang kama sa loob ngunit ang totoo, sa isang kama
lang kami nagtabi.
Mabilis ang paggaling ni Brix. Sa pangalawang
linggo pa lang pagkatapos ng kanyang operasyon ay nagagawa na niya ang halos
lahat niyang mga nakasanayang gawin, maliban na lang sa pagji-gym, paglalaro ng
basketball, at iba pang mga mabibigat na gawain. Maski sa pagmamaneho ng kotse,
nagawa na rin niya. At bagamat pinahinto muna siya sa pag-aaral sa semester na
iyon, patuloy pa rin siyang nagpupunta ng school, upang ihatid at sunduin ako.
Minsan ay mag-eestambay pa talaga siya sa library or student center para lamang
hintayin ako. Mistula tuloy siyang driver at bodyguard ko. Nakakahiya. Ako na
isang mahirap lamang ay parang biglang naging isang anak mayaman at si Brix na
anak-mayaman ay biglang naging alila ko. Sinabihan ko siyang ayaw kong gawin
niya iyon at nakakahiya sa mga tao... ngunit iyon daw ang kanyang kaligayahan.
Kaya wala akong choice.
Pati sa bahay nila kung saan na rin ako tumira,
imbes na ako ang mag-aalaga sa kanya dahil siya ang may sakit, ako itong
kanyang inaalagaan. “O heto love... ako mismo ang nga-bake ng cake. Alam ko
paborito mo ang chocolate cake kung kaya iyan ang aking ginawa. Halika sa gilid
ng swimming pool, dito tayo magmeryenda.”
“Bakit ka pa ba nag-abala...”
“Bakit ba... gusto ko eh. Gusto kong pagsilbihan
ka.”
“Eh, kung gusto mo palang kakain tayo ng cake, may
mga katulong naman kayong puwedeng magbake niyan eh.”
“Hindi masarap kapag sila ang gumawa. Bakit? Ayaw
mo bang galing mismo sa akin ang kakainin natin? Hayan pa, fruit shake. Ako rin
ang gumawa niyan.”
Kaya wala na akong nagawa. Gusto ko mang tumutol,
gusto ko mang bumalik na lang sa boarding house kung saan ako kumportable, ayaw
ko namang masaktan siya at isiping napaka-ingrato ko.
Pero sa isang banda, ang sarap din ng pakiramdam na
hayun, may nagmahal sa akin. Parang perpekto na talaga ang aking buhay. Parang
ayaw ko nang lumingon pa sa nakaraan at balikan ang mga alaala namin ni kuya
Andrei. Sa sarili ko lang, “Heto na siguro ang para sa akin. Si Brix na ang
taong nararapat kong mahalin. Ang taong dapat ay pagtuunan ko ng panahon...”
Ngunit sadyang kakambal na siguro sa aking buhay
ang malas, lalo na sa pag-ibig. Ewan kung napapansin ng kanyang mga magulang
ang sobrang pag-alaga sa akin ni Brix. Isang araw habang nasa harap kami ng
hapag-kainan at naghahapunan, nagsalita ang daddy ni Brix. Casual lang naman na
pagkasabi ngunit ramdam kong may laman ito.
“Son... when are you going to get married?
Nag-iisang anak, nag-iisang lalaki... kailan ka ba mag-aasawa? Kailan mo kami bigyan
ng apo ng mommy mo? Ayaw kong matulad ka sa ibang lalaki d’yan na sa panlabas
na anyo ay lalaking tingnan ngunit sa loob-loob ay lalaki rin ang hanap.” Sabay
subo ng pagkain na tila wala lang siyang damdamin na natapakan, walang saloobin
na nasaktan.
Pakiwari ko ay nasamid ako sa sa pagkarinig sa mga
sinabing iyon ng kanyang daddy. Parang may biglang tumusok sa aking puso at
hindi ako makahinga. Alam ko, para sa akin ang patama na iyon.
Nakita kong tiningnan ako ni Brix ng lihim, tila
pinagmasdan ang aking reaksyon atsaka yumuko. Nakita ko rin ang paglingon sa
akin ng kanyang mommy. Kahit kasi hindi sinasabi ni Brix sa mommy niya ang
tungkol sa amin, alam ko, naaamoy niya iyon. “Mother instinct” kumbaga.
Yumuko na lang ako sa sobrang hiya. Hindi ko alam
kung ano ang nasa isip ni Brix ngunit ang alam ko ay nasaktan ako, naawa sa
sarili. Kasi, nanumbalik na naman sa aking isip ang isang masakit na alalala,
ang isang masakit na karanasan na may kinalaman sa linya ng pananalitang
binitiwan ng kanyang daddy: na ang lalaki ay dapat mag-asawa, magkakaroon ng
pamilya at mga anak. Naalala ko muli si kuya Andrei, ang kanyang pangarap na
magkaroon ng pamilya at mga anak. Naalala ko ang ginawa niyang
pakikipagrelasyon sa ibang babae. Bigla ring nanumbalik sa aking saloobin ang
sakit na dulot ng kanyang pagtataksil.
Parang gusto kong tapusin na lang ang aking pagkain
at umalis sa hapag-kainang iyon upang malaya kong maipalabas ang sakit na aking
naramdaman. “Ganyan ba talaga? Hindi ka ba puwedng magmahal sa isang lalaki na
walang magsasabing kailangan niyang mag-asawa, magkaanak, magkaroon ng
pamilya?” ang tanong na pumasok sa aking isip.
“E... hayaan ninyo po at darating din ang time na
iyan, dad. G-gusto kong magtapos muna sa pag-aaral.” ang sagot naman ni Brix.
Ramdam ko sa kanyang pagsasalita na nasaktan din siya. At kung naawa ako sa
aking sarili, mas naawa ako sa kanya. Alam kong mahal niya ako – mahal na
mahal. At noon ko lang nalaman na may malaking pressure palang nakasalalay sa
kanyang balikat para sa pamilya.
Ipangpatuloy ko na lang ang pagkain na nanatiling
nakayuko, hindi makatingin-tingin sa kanila. Feeling ko sa akin nakatutok ang
kanilang atensyon. Feeling ko, ako ang kanilang inoobserbahan. At sa isip ko, ako
ang natatanging hadlang sa pangarap ng kanyang mga magulang na magkaroon ng
apo.
Bigla akong nakadama ng pagka out-of-place. Di ko
tuloy maiwasang hindi magtanong ng, “Bakit ba ako napunta sa pamilyang ito?
Bakit ba ako nandito?”
Hanggan sa natapos ang aming hapunan, nanatiling tahimik
kaming lahat. Wala ni isa man ang nagsalita pa. Doon ko napagtanto na maaaring may
alam ang daddy ni Brix tungkol sa amin.
Pagkatapos naming kumain ay agad na nagpaalam ako
kay Brix na mauna na sa kuwarto. Gusto kong umiyak, gusto kong ipalabas ang
lahat ng sama ng loob sa kuwarto.
Nabuksan ko na ang pinto ng kuwarto ni Brix noong
bigla kong narinig ang malakas na boses ng mag-ama na tila nag-aargumento.
Dali-dali akong pumasok sa loob ngunit hinayaan ang guwang upang marinig ko ang
kanilang pag-uusap.
“Dad... ang hiniling ko lang po sa inyo ay
respetuhin mo naman ako. Puwede mo naman akong kausapin in private eh. Bakit
kailangan pang sa harap ng aking bisita mo itanong iyon? Kaunting respeto naman
d’yan, o...”
“Bakit? Nasaktan ka ba? May tinatago ka ba?”
“Hindi naman sa ganoon. Nakakahiya kay Alvin!”
“Bakit? May binanggit ba akong masama? Masama ba
ang magtanong sa aking anak na l-a-l-a-k-i” talagang ini-emphasize ang salitang
‘lalaki’ “...na bigyan na niya ako ng apo? Na mag-asawa na siya? Masama ba?”
“Hindi dad eh. May laman ang tanong nyo, eh. May
pinapatamaan po kayo eh!”
“Guilty ka ba, Brix? Bakla ka ba? Sagot!” ang mas
tumaas pang boses ng daddy ni Brix.
“Tama na! Tama na!” ang pagsingit naman ng mommy ni
Brix. “Umakyat ka na sa kuwarto mo, anak. Puntahan mo na si Alvin ha? Kami na
ng daddy mo ang mag-usap.”
“Brix... kapag napatunayan kong bakla ka... humanda
ka sa akin!” ang huling narinig kong malakas na boses ng kanyang daddy.
At maya-maya lang ay may narinig na akong mga yapak
paakyat sa second floor patungo sa kuwarto.
Dali-dali kong isinara ang pinto at humiga sa kama,
nagkunyaring ipinikit ang aking mga mata bagamat sa loob-loob ko ay tila
sasabog na ang aking dibdib sa tindi ng sama ng loob.
“Love... mas maigi pang sa boarding house na muna
ako titira simula bukas ha?” ang kalmante kong pagpapaalam kay Brix noong nasa loob
na siya ng kuwarto. Ayokong isipin niya na nasaktan ako.
“Love, huwag mo naman akong iwanan dito please...?”
“Hindi naman kita iiwan eh. Gusto ko lang na sa
boarding house na tumira.”
“Alam kong nasaktan ka sa sinabi ni daddy kanina.”
“Ikaw ba ay hindi?”
“Nasaktan syempre. Pero sasabihin ko rin sa kanya ang
tungkol sa atin. Gusto mo, bukas na bukas na sasabihin ko sa kanya ang lahat?”
“Upang mag-away kayo...” ang mabilis kong sagot. “Huwag
na please.”
“Bakit? Kaya naman kitang ipaglaban ah. Kaya kong panindigan
ang relasyon natin.”
“Oo. Alam ko iyan. Walang dudang kaya mo. Ngunit
ayokong magkagalit kayo ng iyong daddy. Ayokong masira ang buhay mo. Hindi ka
pa graduate, kapag itakwil ka nila, saan ka pupunta? Saan tayo pupunta? At
least ako, may scholarship. Pero ikaw???”
“H-hindi naman siguro nila ako itatakwil.
Nag-iisang anak lang nila ako...”
“Hindi mo masabi iyan, love. Ngunit granting na
hindi ka nila itakwil, maaatim mo bang may samaan ng loob kayo ng iyong ama?”
“M-mahal kasi kita eh.”
“Mahal din naman kita eh. Pero puwede nating itago
ang ating relasyon hanggang sa makagraduate ka na, maka-graduate ako, magkaroon
ng trabaho. Tayo pa rin...”
“Parang hindi ko yata kaya... Nasanay na ako na
kasama kita.”
“Ako man ay ganoon din. Kaso... kailangan nating
magsakripisyo muna. Hindi naman ako mawawala eh. Puwede mo naman akong dalawin
doon sa boarding house, pwede pa rin tayong mamasyal. Kagaya ng dati.”
Tila naliwanagan naman si Brix sa aking sinabi bagamat
ako man ay hindi na rin sigurado sa aming kalagayan. May takot na ako. Natakot
na baka ang ginawa ni kuya Andrei ay mangyari na naman kay Brix. Lalo na,
kagustuhan ng daddy niya na makahanap siya ng babaeng mapapangasawa,
makapagbigay ng anak. “Bahala na ang bukas... kung ano man ang ibigay sa akin
ng tadhana.” bulong ko na lang sa aking sarili.
At natuloy ang plano kong sa dormitory na lang
tumira. Wala namang nagbago sa aming relasyon ni Brix. Kahit ganoon ang set-up
namin, ramdam na ramdam ko pa rin ang kanyang kabaitan, ang kanyang pag-aalaga,
pag-alala, ang kanyang pagmamahal.
Isang araw, naisipan kong dumalaw sa aming
probinsya, sa bukid. Summer break iyon. Gusto ko sanang isama si Brix ngunit
hindi raw siya pinayagan ng kanyang mga magulang na magbakasyon sa amin. Kung
kaya ay ako lang mag-isa ang umuwi.
Habang naglalakbay ang aking sinakyang bus patungo
sa amin, hindi ko na naman maintindihan ang aking sarili. Gulong-gulo ang aking
isip. Naglalaro ang mga alaala namin ni kuya Andrei at ang kalagayang
kinasasadlakan namin ni Brix. At hindi ko maitatwa na mahal ko pa rin si kuya
Andrei bagamat nahuhulog na ang loob ko kay Brix.
At lalo na noong nakarating na ako sa aming bahay
at nakita sa harap nito ang dalawang puno ng manggang itinanim ni kuya Andrei
para sa akin. Mistulang isang malakas na bugso ng tubig sa talon ang mga alaala
namin ni kuya Andrei na kusa na lamang bumuhos sa aking isip.
Napahinto ako sandali sa gitna ng dalawang puno ng
mangga. Sariwa pa sa aking isip kung paano itinanim iyon ni kuya Andrei, kung
ano ang mga sinabi niya sa akin tungkol sa puno at pag-alaga ng mga ito, kung
ano ang kahulugan ng pagtanim niya ng mga puno para sa akin.
Binitiwan ko na lang ang isang malalim na
buntong-hininga, sabay deretso na sa loob ng bahay.
Nadatnan ko ang aking mga magulang sa pagdating ko.
Nagkataong Linggo kasi iyon kung kaya nagpahinga sila sa araw na iyon.
Kuwentuhan, kumustahan.
Maaga akong nakatulog. Alas 8 pa lamang ng gabi ay nahimbing
na ako. Ngunit nagising ako noong nag-iingay ang mga aso ng kapitbahay at may
narinig akong tinig, “Tao po! Tao po!”
Bumalikwas ako sa aking higaan. Tiningnan ko ang
aking relo. Alas 11 ng gabi. “Sino kaya itong tao na to? Istorbo naman!” sa
isip ko lang.
“Ako na po ang titingin kung sino iyan, nay!” ang
sigaw ko noong narinig ang inay na sumagot ng “Sino iyan?!!!”
Noong nabuksan ko na ang pinto, sinita ko ang mga
asong nag-iingay atsaka inaninag ang hugis ng taong nakatayo sa harapan ng
aming bahay.
Dahil walang ilaw ang harap ng aming bahay, nabalot
sa dilim ang kanyang anyo at hindi ko makita ang kanyang mukha. Ngunit pamilyar
sa akin ang tindig at postura niya. Hindi lang ako sigurado kung siya nga ang
taong nasa isip ko. “S-sino po sila?” ang tanong ko.
Hindi siya sumagot. Bagkus, inihakbang lang niya
ang kanyang mga paa palapit sa akin.
Noong nasa harap ko na siya at naaninag ko na ang kanyang
mukha, doon ko na naramdman ang matinding na pagkalampag ng aking dibdib. “Siya
nga!” sigaw ng isip ko.
“H-hi...” sambit niya.
(Itutuloy)
waaa!!! ang galing!!!! flawless na sana, pero sana nabanggit yung pagbalik nya sa skul at pagbawi niya sa mga absences para at least justified..
ReplyDeletepero, galing talaga!!! i love you kuya mike!!!! lawrence brian alberto davin from cebu
hehehe si brix yan kuya.
ReplyDeleteFor sure si kuya andrei yun..
ReplyDeletewow ganda kuya mike sir hehehe cnu kya un bka kuya andrie hehe
ReplyDeletewahhh,nkakakaba kung ano ang kahihinatnan ng relasyon na ito...naiipit sya sa hirap ng kalagayan nya..lalo na sa mga lalaking mahal nya...hirap talaga...sana may kasunod agad idol mike...salamat...
ReplyDeleteWAAAAAAAAAAAH!! si kuya Andrei kaya ang bumisita??heheheeh....hay naku naku naku...problema na naman...baka bumalik na naman pagmamahal ni Alvin kay kuya Andrei tapos malalaman ni Brix...tapos yun...magkakagulo hehehehe
ReplyDeleteeeeeeee....excited na ako for the next chapter heheh
sobrang na touch aman me mike dun sa sulat ni BRIX! IBA KAPAG WAGAS NA PAG IBIG , AS USUAL MAY KONTRABIDA SA KWENTO. HE HE HE. HMMM, SUMUNOD TLAGA C BRIX AT D NYA MATIIS NA MATAGAL MAWALAY SA PILING NG MAHAL NYA? SO SWEET AMAN. GALENG MO TLAGA MAG SULAT MIKE. CONGRATZ!
ReplyDeleteEnjoy naman to.
ReplyDeletec andrie na nmn.....bkt hindi nlang c brix
ReplyDeletesi kuya andei yun....TYAK ko, hehehe...
ReplyDeletemiss ko na si kuya andrei... ako kasi yun, may bunso rin akong minamahal... mahal na mahal ko cya kahit na pamilyado nako...
Ako rin may minahal ako na bunso ang tawag ko sa kanya kasi, 10 yrs ang age gap namin ..until now alam ko mahal ko pa rin sya at sa aksidenteng pagkikita namin, kita ko sa mga mata niya ..na mahal pa rin nya ako ..pero, may pamilya na ako at alam kong ayaw rin nyang masira ito na siya ang magiging dahilan ..awts namiss ko tuloy sya bigla.
Deletehaha cnu sya.. di ko ma gets ang clue.. haha im sure sana c brix..
ReplyDeletekahit boto ako ki kuya andrei pero may anak na sya... oras nmn san na ki brix nmn sya..
ReplyDelete(-:
ReplyDeleteLove it
Buti naman natauhan ka na Alvin!! Napakaselfish mo! Ikaw naman ang nagtaboy kay kuya andrei ah, tapos nung umalis sya kung umarte ka parang kasalanan pa ni kuya andrei at nandamay ka pa! Aaaaargh!!!
ReplyDeletePero maganda. Haha!
Si Brix yung dumating sigurado.
Appluse! the best ka talaga... lahat ng story na nabasa ko dito nakakarelate ako.. nakakapukaw ng damdamin, d2 sa istorya nila andrei, alvin at brix naiyak ako ng sobra sa ganda ng kwento... sana may books kaung ibinebenta nito para mkabili ako at mabasa ko...
ReplyDeletec kuya andrei yan.. kc sa flow ng story, madaming beses nabanggit c kuya andrei..
ReplyDeleteEXCITING!!!! sna my nxt chapter agad..
buti naman at natauhan yang si alvin kundi iuumpog ko na yang ulo niya..kawawa naman si brix sana gumaling na tlaga siya. mukhang eeksena pa ulit si kuya andrie sana dun na lng yan si andrie sa nabuntis niya.
ReplyDeletesalamat sa update sir mike...excited na ko sa next chap..hehe
sana c brix ang dumating... wag ka na umepal kuya andrei
ReplyDelete<07>
sn n po yung karugtong? tas yung part 16?
ReplyDeleteim sure sa pintig ng puso ni alvin c andrie yon,wala ng iba....
ReplyDeletethanks po.........
waaaaa sino kaya un, at buti nakabalik na sya sa scool paano ung 1 week na absent nya, sana cum laude pa rin sya, naalala ko lang ung gf ni alvin nung highschool ano na nagyari dun parang d ko po nabasa eheheh, tnx kuya mike..JhayL-Dubai
ReplyDeleteNaiinis aq ky alvin npkaselfish nia,,naging pokpok xa smantlang kua andrei ah sa isang babae lng n d nman nia kgus2han ngyari,,grrrr..pti c brix dnmay pa..
ReplyDelete