Heto na po ang chapter 10. tulad po ng pangako ko every weekend na po ang update ko. pagpasensiyan niyo na po ang nakayanan ng utak ko. sa mga anonymous readers po natin magpakilala po kayo para mapasalamatan ko naman ko kayo. ingat kayong lahat.
Gusto ko po sana magpasalamat kila kuya Mike Juha at Dark Ken for giving me an opportunity na magsulat sa blog ninyo, salamat mga idol. Salamat na rin sa mga readers ng story ko namely: Ericka, patryckjr, caranchou, Darkboy13, robert_mendoza, iChaenix, Frostking, diumar, ThiSisMe, rascal, Melmar Jones, Josue Altoveros, ferdinand, riley delima, caranchou, ziedrick garcia at sa mga anonymous readers maraming salamat po sa mga comment niyo mapa-good or bad man ayos lang po yun!
So guys sit back, relax and spread your love.
--------------------------------------------------
LOVE AT FIRST KISS CHAPTER 10
January 2010, 4:55 pm
“Na-inlove ka na ba Inaro?” seryosong tanong sa akin ni Jek-jek. I’m caught off guard, hindi ko alam ang isasagot.
“Oo naman na-inlove na ako…” sabay ngiti sa aking naging sagot.
“Yung true love?” tanong pa niya.
“Oo nga, true love, first love, puppy love…oo lahat ng iyan naranasan ko na…” parang timang kong sagot sa kaniya.
“Weh?....” ang hindi makapaniwalang tugon naman nito.
“Ewan ko sa iyo,.. teka anong connect ng love at first kiss sa…sa… saan na nga batayo sa kuwento mo?” naguguluhan kong tanong kay Jek-jek.
“Hinimatay ako.” Sagot niya na parang kinikilig. Hindi ko ine-expect na ganito ka in-love ang kaibigan ko.
“Hayun hinimatay ka, tapos?..”
“Nagising ako sa isang halik…” pagpapatuloy niya.
Jek-jek continue the story with full of love in his voice….
----------------------------------------------------
June 2006, 1:00 am, Tuesday
Nagising ako sa isang halik nanaman. Ganito ang laging ending kapag dinadalaw ako ng mga masasamang panaginip. Nagmulat ako ng mga mata at napansin kong nakahiga na ako sa aking kama at ang unang taong nasilayan ko ay si Sir Ton-ton na may naka-plaster na ngiti sa kaniyang mukha. Mula sa pagkakahiga ay umupo ako at sabay tapik sa magkabilang pisngi ng mukha ko, pakiramdam ko kasi nananaginip pa rin ako sa mga sandaling iyon.
“Okay ka na ba?...” tanong sa akin ni Sir Ton-ton.
“Ha?...anong nangyari?..” nalilito kong tanong sa kaniya.
“Nawalan ka ng malay kanina, buti na lang naroon ako at na alalayan ka.” Ewan ko ba parang may kung anong malisya ang biglang sumingit sa aking isip. Kinikilig ako na sa kaniyang bisig ako bumagsak. Pinilig ko ang aking ulo at pilit na iwaksi ang mga nararamdaman ko para sa kaniya.
“Salamat ha… okay na ako, mrdyo nahilo lang ako kanina…” pagpapasalamat ko sa kaniya.
“Buti naman at okay ka na, hindi ka pa siguro kumakain kaya ka nahilo….. teka lang huwag ka muna babangon may kukunin lang ako…” matapos magpaalam ay lumabas si Sir Ton-ton ng kuwarto namin at dali_daling bumaba ng hagdan. Sobra naman akong nagtaka sa mga ikinikilos niya.
Sa totoo lang hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagbalik na siya. Hindi ko akalain na halos ilang buwan lang siyang nawala at nagbalik agad. Ayokong isipin na nagbalik siya ng dahil sa akin tulad ng sinabi niya sa sulat. Masyado naman akong magmumukhang assuming noon.
Wala pang sampung minuto ay nakabalik na ng kuwarto si Sir Ton-ton. Sobra naman akong nagulat sa mga dala niya. Isang malaking tray na may napakaraming pagkain at isang pitsel ng paborito kong Pineapple juice. Hindi ako makapaniwal na pagdadalhan pa niya ako ng pagkain at halos lahat ng mga ito ay talagang paborito ko.
“Pasensiya ka na Jek-jek yan na lang ang natira, kasi naman napakalakas kumain ng mga kapre sa ibaba…” pagbibiro nni Sir Ton-ton at humingi ps tslsgs ito ng paumanhin.
“Sobra-sobra na nga ito Sir Ton-ton, nakakahiya na sa iyo at na abala pa kita.” Nahihiya kong tugon sa kaniya habang tinutulungan siyang ihain ang mga dala niya sa lamesita sa silid namin.
“Puwede ba Ton-ton na lang ang itawag mo sa akin?... hindi mo na ako boss Jek-jek.” Nakangiting sabi niya sa akin.
Napatingin at napangiti na lang ako sa mga sinabi ni Sir Ton-ton este Ton-ton pala. Matapos ma ihanda ang pagkain ay sinimulan ko na kumain.
“Ikaw hindi ka ba kakain?” tanong ko sa kaniya matapos kong mapansin na nakatungangalang siya at pinapanood akong kumain.
“Kumain na ako, at talgang para sa iyo lahat yan..” masigla nitong sabi.
Wala na akong nagawa at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Medyo na ilang naman ako sa ginagawang panonood ni Sir Ton-ton kaya habang kumakain ako ay minabuti kong makipagkwentuhan sa kaniya, tungkol sa naging bakasyon niya.
“Kamusta ang bakasyon sa inyo?...” tanong ko habang kumakain.
“Ayos naman, masaya na malungkot..” sagot nito.
“Masaya na malungkot?...bakit naman?” taka kong tanong sa naging sagot niya.
“Masaya kasi sa nakasama ko yung pamilya ko kahit paano. Sila kasi ang inspirasyon ko kaya kahit ano gagawin ko para lang sa kanila lalong lalo na ang inay. Malungkot kasi nami-miss kita.” Nabilaukan naman ako sa mga huling sinabi niya.
“ugh…..uh” inabutan ako ni Ton-ton ng tubig at muling nagsalita ito.
“Ahh ibig kong sabihin na miss kita at yung mga iba nating ka boardmate..” paglilinaw niya sa kaniyang sinasabi. Napatango na lang ako sa mga sinasabi niya.minabuti ko na lang na ibahin ang topic para hindi maging awkward ang usapan namin.
“Eh anong plano mo ngayon?... may trabaho ka na ba ulit dito?” tanong ko kay Ton-ton.
“Wala pa, pero bukas na bukas maghahanap n ulit akong ng trabaho.”
“Sigurado ka bang kaya muna ulit magtrabaho?” nag-aalala kong tanong sa kaniya.
“Oo naman, kayang-kaya ko na.” nakangiti pa rin niyang tugon.
“Good Luck sa paghahanap…hehe..” nakangiti ko na ring sabi sa kaniya.
“Ahm Jek-jek may ipapakiusap pala sana ako sa iyo..” si Ton-ton.
“Sure, ano ba yun?...” taka ko namang sagot sa kaniya.
“Kasi bukas darating yung kapatid ko at baka magtagal siya ng isang linggo dito sa bahay. Okay lang ba na dito muna siya sa kuwarto natin?...” pakikiusap ni Sir Ton-ton.
“Haysus yun lang pala, oo naman ayos lang sa akin.” Masigla kong pagpayag sa kaniya pero kalahati ng isip ko ang naghihimutok kasi hindi ko rin pala masosolo agad si Ton-ton ahahaha.
Niyakap nanaman niya ako sa naginng pagpayag ko. Ewan ko ba hobby na ata ng taong ito ang pagyakap at pakiligin ako ng matindi simula ng magbalik siya. Matapos ang saglit na yakapan na yun ay nakaramdam nanaman ako ng pagka-ilang sa pagitan namin. Minadali ko na ang pag-ubos ng kinakain ko at talagang tinulungan pa niya ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan ko.
Matapos makapagligpit at naghanda na kami sa pagtulog. Ngunit bago pa ako matulog ay minabuti ko ng ibigay sa kaniya ang bag na binili ko sa una kong sahod.
“Ton-ton….”
“Ano yun Jek-jek”
“Naaalala mo pa ba yung una nating pagkikita?...”
“Oo naman, hindi ko ata makakalimutan yun….yung pagpatong mo sa ibabaw ko? Ahahahaha” pagbibiro nito. Nakaramdam naman ako ng kunting hiya sa sinabi niyang yun.
“Hindi yun,….. yung pagkakasira ko sa bag mo..” pagtatama ko sa iniisip niya.
“Yun ba…. Hamu na yun, wala na sa akin yun.” Hindi pa rin naaalis ang mga ngiti nito sa labi.
“Pasensiya ka na ah, sa sobrang careless ko sa araw na yun nasira ko tuloy ang kaisa-isahang alaala ng ama mo sa iyo….kaya naman sinabi ko sa sarili ko na sa unang sahod ko papalitan ko ang bag na yun.” Kinuha ko ang bag at inabot sa kaniya. Naging seryoso naman ng bahagya si Ton-ton ng makita ang bag na halos katulad ng bag na nasira ko.
“You don’t have to do this Jek-jek…” seryoso niyang sabi.
“Hindi Ton-ton. Sobra kasi akong na-guilty dun sa bag.” Sa mga sinabi kong iyon ay nginitian na lang ako ni Ton-ton.
“Salamat…” matapat niyang sa bi sa akin.
Sabay na kaming nahiga at natulog. Sobra sarap sa pakiramdam na tinanggap niya ang bag at nagbalik na siya sa bording house.
June 2006, 10:00 am, Tuesday
Nakaramdam ako ng kakaiba sa aking pagtulog, parang may kung ano na dumikit sa aking mga labi na ikinagising ko. Pagmulat ko ng mata ay parang may kakaiba sa loob ng kuwarto. Wala na si Ton-ton sa kama niya, ibang tao ang nakahiga doon. Kinabahan naman akong bigla sa aking inisip.
“Nananaginip lang ba ako kagabi?... si Ton-ton ba ang kausap ko?.. sino itong nasa kama niya?” bigla akong bumangon upang tingnan ang lalaki sa kama ni Ton-ton. Medyo kahawig ni Ton-ton pero mas batang tingnan.
“Ehem…” pagtikhim ng isang tao sa aking likod. Paglingon ko ay si King lang pala.
“Si Albert yan, kapatid ni Ton-ton, sumunod sa kaniya..” pagpapakilala ni King sa lalaking nakahiga ngayon sa kama ni Ton-ton. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Ton-ton kagabi na doon muna mag-stay ang kapatid niya.
“Si Ton-ton nasaan?...” paghahanap ko sa pinsan niya.
“Ka-aalis lang ah, maghahanap ng trabaho kaya maagang umalis.” Sagot ni King. Akala ko panaginip ko lang ang lahat kagabi. Nagbuntong-hininga ako at bumaba na rin kasabay ni King upang mag almusal.
Habang nag aalmusal kami kasabay sila Noel, Jay-ar at Andrew ay pinaliwanag nila ang mga nangyari kagabi. Isang linggo bago ang pagbabalik ni Ton-ton ay alam na pala nilang lahat na magbabalik na siya. Gusto raw ni Ton-ton na sopresahin ako kaya pati ang landlady namin dinamay nila sa kalokohan. Noong tinanong ko naman sila kung bakit naman ako sosopresahin ni Ton-ton ay wala itong na-isagot. Nagkibit-balikat lang ang mga ito. Naging malaking palaisipan naman sa akin ang ginawang iyon ni Ton-ton.
Sabi pa nila na si Ton-ton din ang nagluto ng mga pagkain kagabi., at kinukulit daw silang lahat kung ano raw ang mga paborito kong kainin. Si Ton-ton din daw ang nag-alaga sa akin kagabi noong hinimatay ako. Sobra akong na touched sa mga narinig mula sa kanila. Dumoble tuloy ang paghanga ko kay Ton-ton.
Samantala si Albert ay baka magtagal lang ng isang linggo sa boarding house dahil may ojt ito sa isa sa mga hotel sa bayan ng Dasmariñas. Mamayang gabi pa ang pasok nito kaya natutulog ito ng umaga. Matapos ang ojt na iyon ay uuwi na rin ito sa probinsya nila.
Dahil restday ko sa araw na iyon ay inabala ko ang aking sarili sa paglilinis ng bahay at kuwarto. Naglaba na rin ako. Pagdating gabi ay wala pa rin si Ton-ton, si Albert naman na kapatin ni Ton-ton ay naghahanda na para sa kaniyang pagpasok sa Hotel. Pinagluto ko ang magkapatid ng hapunan. Ng maka-alis na si Albert ay umakyat na ako ng kuwarto at nahiga sandali upang ipahinga ang aking katawan. Marahil sa sobrang pagod ay nakatulog ako.
Wala na akong kawala, palapit na siya ng palapit. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaking gusto akong patayin. Sigaw ako ng sigaw upang humingi ng saklolo ngunit wala atang nakatira sa lugar na iyon.
Nagmamakaawa ako sa kaniya, halos maglumuhod ako sa kaniyang harapan. Nagkalat na ang luha at sipon sa aking mukha ngunit hindi pa rin niya ako pinakikinggan. Itinaas nito ang kamay niya na may hawak na patalim. Wala na akong nagawa sa sobrang pagod ko sa pagtakbo hindi na ako nanlaban at hinayaan na lang siya na itulos ng ilang beses ang patalim sa aking kawawang katawan.
Matapos ang madugong eksenang iyon, naramdaman ko na lang ang labi na sobrang nasasabik sa aking mga labi.
Matapos ang bangungut na iyon, natagpuan ko na lang ang aking sarili na tumutugon sa isang halik. Sobrang bilis ng halik na iyon. Parang hinahanap-hanap na ito ng aking mga labi at puso. Nagmulat ako ng mata at nakita ko siya…. Si Ton-ton.
-itutuloy
OMG .. ITO NA !!
ReplyDeleteWOW!!...hang nice ng last scence ng chapter na to....hehehe may gusto kaya si Ton-ton kay jek-jek??hehehhe hang ganda tlga...next chapter na please..heheh
ReplyDeletesana may part 11 na ganda ng story.......
ReplyDeleteasan na ung next chapter? december 2013 na wala pa rin.............
ReplyDelete