Followers

Friday, November 23, 2012

EVERYTHING I HAVE (Chapter 4)


 

            “Anong nangyari sa iyo Richie?” tanong ng aming coach. Lahat na din ay nagising dahil sa pagkabukas ng ilaw ngunit ako ay nanatiling parang tulog. Nanatiling nagkukunyariang parang tulug na tulog. Nanginginig na ako. Isang napakalaking kahihiyan ang ginawa ko dahil malalaman na lahat ang matagal ko ng sikreto. Hindi pa ako handa. Hindi ko pa alam kung paano ako aamin kunsakali. Hindi ko din alam kung paano ako muling makikitungo. Parang napakatagal ang pagiging tahimik ng paligid ko.

            “Wala Sir, pasensiya na po. Nananaginip lang po ako.”

            Nakahinga ako ng malalim. Sobrang nagpapasalamat ako noon dahil pinagtakpan niya ako. Ngunit hindi na ako dinalaw pa ng antok. Takot na din akong masaling ko pa siya.

            “Mag-usap nga tayo p’re.” iyon ang salitang kinagulat ko kinaumagahan pagkatapos ng aming laro.

            Nilingon ko siya ngunit hindi ko matagalan ang pagkakatitig niya sa akin. Para akong natutunaw sa hiya. Kung maari ko lang sana siyang iwasan kinaumagahan ay ginawa ko na ngunit naroon na ako. Kailangan ko na lang harapin ang bunga ng aking ginawa.

            “Anong ibig sabihin ng ginawa mo sa akin kagabi? Bakla ka ba?”

            Hindi ako makasagot. Hindi ko parin kayang aminin ang aking pagkatao. Hindi din naman kasi ganoon kadaling aminin dahil hindi ko alam kung ano ang epekto niyon sa akin, sa aming dalawa at sa buong team at campus.

            “Hindi ka makasagot di ba? Pinagkatiwalaan kita. Sana naman naging totoo ka sa akin tapos ang masakit, ako pa ang kinakatalo mo. Akala mo ba hindi mo alam na naramdaman ko ang mga ginawa mo kagabi sa akin? Tang ina naman, andaming babae diyan pero ako pa ang kinatalo mo. Sayang ka. Sayang dahil ganda pa naman ng tindig mo, anggwapo mo pero anong silbi pa niyan e bakla ka naman pala. Dami mo sanang paiiyakin na babae. Pasensiya ka na pero ayaw kong magkaroon ng barkadang silahis.”

            Napakalutong ng tawa niyang iniwan ako doon. Wala akong nasabi. Hindi ko ipinagtanggol ang sarili ko. Basta walang lumalabas sa akin na kahit anong kataga kung ang usapan ay tungkol sa aking pagiging bakla. Parang iyon lang ang tanging kahinaan ko na hindi ko kayang ilaban sa kahit sino. Kung alam niya kung gaano ko siya minahal. Kung sana alam lang niya na mula grade six namin ay siya na ang tangi kong pinagpantasyahan. Tapos sa isang hindi ko lang mapigilan na bugso ng kalibugan ay tuluyan nasira ang tiwala at pagkakaibigan namin. Iyon ang masakit. Ilang taon kong iningatan ang aming pagkakaibigan. Ilang buwan kong hinangad na mapansin niya ako at magiging barkada pero sa isang paghaplos, sa isang gabing nalunod ako ng tawag ng laman ay tuluyan na siyang lumayo sa akin. Oo nga’t nadaming babae, sobrang dami ng babae at kung sana kaya ko lang baguhin ang aking nararamdaman. Kung katulad lang sana ng pagbibihis ng damit ang pagbabago ng pagkatao ay matagal ko ng binihisan ng binihisan ang diyaskeng damdamin na ito. Bakit ganoon ang sinasabi? Kapag ba bakla ako ay sayang na ako? Kapag ba bakla ako wala ng pakinabang ang mundo sa akin? Kapag ba bakla ako wala na din silbi ang tindig ko’t kaguwapuhan? Alam kong hindi. Iyon ang gusto ko sanang maintindihan niya na hindi porke bakla ako ay sayang na ako bilang tao. Umagos ang luha ko. Tama, umiiyak ako dahil sa sakit ng loob. Dahil sa pagkabigo ko. Hindi ko gustong magtapos ang pagkakaibigan namin ni Richie ng gano’n lang ngunit pinilit kong tanggapin. Pinilit kong intindihin.

Akala ko hanggang doon na lang lahat ngunit pag uwi ko sa bahay at hinanap ko ang dinala kong diary sa sportfest ngunit wala na sa mga gamit ko. Hindi maaring mawala iyon sa mga loob ng bag ko dahil alam kong kahit dinala ko man iyon ay hindi ko nagawang inilabas. Si Richie ang mabilis na nagrehistro sa utak ko. Ngunit bakit at para saan? Hindi na ako naktulog sa gabing iyon. Alam kong sa oras na iyon, kung siya man ang kumuha no’n ay alam na niya lahat ang buo kong sikreto sa kaniya, sa pamilya ko at kay Juvie.

Kinaumagahan ay naglalakad ako papunta sa school nang malagpasan niya ako gamit ang kaniyang motor. Nang nakatapat sa akin ay sinigawan niya ako ng “Modelong Charing!”. Luminga ako sa paligid ko noon dahil sa takot na baka may iba pang nakarinig.

Nang nasa campus na ako at hindi ko pa naibaba ang aking gamit nang lumapit sa akin si Juvie na may luha ang mga mata.

“Sumunod ka sa akin. Mag-uusap tayo.”

Doon kami sa likod ng aming classroom nag-usap. Umiiyak siya. Noon ko lang naranasang iyakan ng kahit sino. Bukod sa aking ina, may babaeng umiiyak at nasasaktan dahil sa mali kong pagkatao. Alam kong nagkausap na sila ni Richie at iyon ang sasabihin niya sa akin.

“Bakit mo ginawa sa akin ito, Mhar?”

“Sorry. Alam kong alam mo na.”

“So, totoo lahat ang sinabi ni Richie sa akin?”

“Alam ko namang hindi ko puwedeng hugasan ang kasinungalingan sa isa pang kasinungalingan. Ngunit gusto kong malaman kung ano ang mga sinabi niya para maamin ko ang totoo at masabi kung alin ang hindi totoo.”

“Wala siyang sinabi. Pinabasa lang niya ang laman ne’to.” Nilabas niya ang diary ko na nasa loob ng kaniyang bag.

Yumuko ako. Hindi na ako nagsalita.

“Totoo ba? Sumagot ka sa akin. Totoo ba ang lahat ng nakasulat diyan?”

Tumango ako. Tinignan ko siya at sa isang iglap ay tumama ang palad niya sa pisngi ko. Isang malutong na sampal ang pinakawalan niya sa akin.

“Niloko mo ako. Akala ko totoo kang lalaki. Ginamit mo ako para makalimutan mo si Richie? Ginamit mo ako para magselos siya at makuha muli ang atensiyon niya. Kung mahal mo siya? Bakit hindi ka magpakatotoo? Kung mahal mo siya, bakit kailangan mong gumamit ng ibang tao. Sa akin pa? Walang hiya ka!” Puno ng luha ang kaniyang mga mata ngunit mabilis naman niyang pinunasan ang mga iyon ng kaniyang panyo. Tumingin siya sa akin nang matagal saka tumalikod.

“Juvie, sorry. Patawarin mo sana ako”

Ngunit hindi na siya lumingon pa. Napaupo ako. Ganoon pala ang pakiramdam kapag may nasaktan ka. Sobrang sakit din sa iyong may nagamit at naloko kang tao dahil lang sa pansarili mong kagustuhan. Malaki ang naging kasalanan ko ngunit mas sinisi ko si Richie sa lahat ng nangyari. Ang dating pagmamahal na naramdaman ko sa kaniya ay biglang napalitan ng pagkamuhi. Galit na galit ako sa ginawa niya sa akin. At nang bumalik na ako sa classroom namin ay nagkakantahan na sila ng Modelong Charing ni Black Jack. Lahat sila nagtatawanan. Ang ilan ay nakatingin lang sa akin at may mga tanong sa mukha. Karamihan ay namumula na sa katatawa. At si Richie ay akala mo lead singer sa banda na may nalalamang pakendeng-kendeng pa sabay na mga hagalpak niyang tawa. Umupo lang ako. Tahimik na parang walang naririnig o nakikita. Masakit, nakakahiya, nanggagalaiti ako sa galit ngunit may iba pa ba akong puwedeng gawin? Nagpupuyos na ang aking damdamin ngunit hindi ako paapekto. Hangga’t kaya ko, kailangan kong pigilin ang galit sa dibdib ko. Kailangan kong magpakatatag.

Lalo ko pang inigihan ang pag-aaral. Lalo kong pinamukha sa lahat na kahit ganito ang aking pagkatao ay maliit lang iyan na bahagi ng kabuuan ko. Oo nga’t bakla ako ngunit ako at ako lang ang tanging nagbibigay ng karangalan sa aming paaralan. At si Richie? Sino ba siya ngayong hindi na ako gumagawa ng kaniyang assignment at hindi na makakopya sa akin sa mga exam? Di ba siya ang kung hindi man bagsak ay laging pasang-awa lang ang grades dahil sa pagkalulong niya kay Juvie na naging syota niya ilang araw bago natuklasan ang pagiging Darna ko.

Ensayo namin ng JS Prom noon nang hindi ko alam kung bakit nanggagalaiti siya sa akin. Napakarami niyang sinabi tungkol sa akin pagkabakla. Pinigilan siya ng bata pa ngunit matalino naming teacher ngunit hindi siya nakikinig. Pakiramdam kasi niya ay dahil siya ang pinakamayaman at star sa campus ay lahat puwede lang niyang sabihin at gawin. Ngunit nang nabanggit na niya ang sikreto ko tungkol sa pagkabuntis ng nanay ko ng ibang lalaki dahil nakasulat iyon sa aking diary ay biglang kumulo ang dugo ko. Hindi na ako nakapagpigil pa ng sabihin niyang puta ang nanay ko. Hamakin na ang buo kong pagkatao, sabihin na niya ang gusto niyang sabihin sa akin pero wala siyang karapatang sabihan ang nanay ko ng ganoon. Wala siyang karapatang maliitin ang nanay ko at sa isang iglap ay malakas na suntok sa panga niya ang pinakawalan ko. Nang bumangon siya at suntukin ako ng malakas ay nailagan ko ang suntok niya at nawalan siya ng balance kaya sumubsob sa semento. Mabilis siyang bumangon. Hiyawan na ang lahat. Gusto kong ipamukha sa lahat na nang-aapi sa akin na kaya ko ding lumaban. Alam kong narinig lahat ng teachers ko ang mga sinabi niya kaya malakas ang loob kong gawin ang alam kong tama. Nang suntukin niya ako sa mukha ay nasangga ko iyon at isang malakas na suntok ang sukli ko sa kaniyang sikmura. Namula siya sa sakit. Kinuha ko ang kamay niya at pinilipit iyon patalikod saka ko sinabing hindi ko iyon bibitiwan at lalo kong pilipitin ang kaniyang kamay sa likod kung hindi niya babawiin ang kaniyang sinabi tungkol sa aking ina. Iyon lang ang gusto kong sabihin niya noong una… ngunit nang murahin niya ako at sinisigaw na bakla ako ay lalo ko pang pinilipit kasama ng hinliliit niya hanggang sa sumuko at binawi ang sinabi niya tungkol kay nanang at sa huli ay pinilit kong sabihin niyang siya ang bakla at hindi ako.

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay todo suporta naman sa akin ang mga teacher kong nakasaksi sa pag-aaway namin noon ni Richie na siya namang naintindihan ng aming principal dahil may mga ilang kaklase ko din ang nagpatunay na mali ang ginawa ni Richie sa araw na iyon. Nagtapos ako ng third year na First Honor at si Richie nang pasukan na namin ng Fourth Year ay nilipat na ng kaniyang mga magulang sa isang Catholic Private School.

Bakasyon noon nang napansin ko ang bahagyang itinanda ni Nanang na walang ginawa kundi ang pagsusumikap niyang itaguyod ang aking pag-aaral. Hindi na siya nanigarilyo o uminom ng alak. Mula nang nagtapos ako ng Elementary ay tumigil na siya sa mga bisyo niya. Ngunit naging dalawa ang pasanin niya dahil lalong nalulong si Tatang sa kaniyang bisyo. Lagi silang nag-aaway dahil sa akin. Laging inuulit ni tatang ang tungkol sa pagiging bakla ko na siya namang pinagtatanggol ni nanang. Naawa na ako kay nanang dahil lahat ay ginagawa para sa akin.

Fourth year na ako noon nang minsang naligo ako sa ilog nang magtakip-silim na. Nilabhan ko kasi doon ang aking uniform nang maabutan ko doon si Kuya Berto na kapitbahay lang namin. Ilang taon na siya ngunit nanatiling binata. May mga nagsasabing kaya daw hindi nag-aasawa dahil sa lalaki din ang hanap niya. May mga nagsasabi din na nabigo siya sa pag-ibig kaya sa edad niyang trentay-kuwatro ay binata parin at sabi din ng ilan, guwapo kasi kaya mahirap siyang makahanap ng makakatapat niyang magandang dilag sa baryo namin. Ngunit sa hapong iyon, alam ko na kung bakit si Kuya Berto ay binata parin. Iyon ay dahil lalaki siya…lalaki siyang lalaki din ang hanap.

Nagsasabon ako noon sa buo kong katawan nang lumapit sa akin at sasabay daw siya sa paliligo ko. Sinabi kong walang problema doon. Nakabrief lang ako noon at ganoon din siya. Maskuladong-maskulado ang katawan ni Kuya Berto. Dahil magsasakta kaya halos puro muscles lang ang katawan. Guwapo nga siya at kung sana sa Manila ipinanganak, magkakatalo sila ni Ian Veneracion sa tindig at dating.

Sinabi niyang magpatagalan daw kami ng sisid sa tubig ngunit nang sumisid siya ay ang alaga ko ang hinawaka niya. Nagulat ako noon ngunit mas nangibabaw ang aking kalibugan. Wala pa akong karanasan maliban sa haplos ko kay Richie ay di ko pa talaga naranasang nakipaghalikan o kaya ay nakipagtalik. Nakita ko siyag tumitig sa akin. Niyaya niya ako sa may batuhan na kung saan ay hindi kami nakikita at wala naman ng ibang taong nagagawi doon kapag gano’n ng nagtatakipsilim.

Binaba niya ang brief ko. Hinawakan niya ang kargada ko na parang sanay na sanay. Pinakiramdaman ko lang ang ginagawa niya sa akin. Gusto kong makita at malaman kung paano nga ba ginagawa ang lahat. Habang hinahaplos niya ang buo kong katawan at kargada ay hinalikan niya ang likod ng aking tainga, pisngi at tumagal sa aking labi. Mabango din pala ang hininga ni kuya Berto kaya nang pilit niyang pinabuka ang bibig ko ay hinayaan ko lang siya. Nararamdaman ko ang bigote niya ngunit nagpapadagdag lang iyon ng kiliti sa akin. Hanggang pati dila niya ay pilit na niyang ipinapasok sa bibig ko.

“First time mo?” paanas niyang tanong.
            “Oo kuya.”

“Sige, tuturuan kita. Gagawin ko muna sa iyo pero pagkatapos mo ay ikaw naman ang gagawa sa akin sa kung anuman ang ginawa ko sa iyo. Kapag nilabas ko ang dila ko, sipsipin mo din lang at sabayan mo na din ang paghawak sa katawan ko at alaga. Pero gagawin ko muna sa iyo at kapag nagpalabas ka na, ako naman ang paliligayahin mo.”

Hindi ko na nagawang sumagot dahil ipinasok na niya ang dila niya sa bibig ko. Masarap siyang humalik. Suwabeng-suwabe. Madiin na masarap. Hanggang binaba niya ang halik niya sa mga utong ko at napapaliyad ako sa tuwing sinisipsip niya ng bahagya at dinidilaan iyon hanggang sa dumako iyon sa aking tiyan at sumubsub siya sa aking mga singit. Nakadama ako ng kakaibang sensasyon nang dilaan niya ang singit ko. Magkahalong sarap at kiliti ang naramdaman ko lalo na kapag paminsan minsan ay buong pinapasok sa bunganga niya ang itlog ko hanggang sa dinilaan ang ulo at doon na ako halos napapamura sa hindi ko maipaliwanag na sensasyon. Kakaibang sensasyon na noon ko lang natikman at nagsisisi ako kung bakit ngayon lang nangyari ang sarap na iyon. sa ilang paghagod, ilang paglabas-masok ay nanigas ang aking mga binti. Nanginig ang aking mga kamay at tumirik ang aking mata kasabay ng paghawak ko sa kaniyang ulo para idiin pa siya lalo.

“Anlaki. Nabilaukan pa ako?” reklamo niya nang matapos.

Ako naman ang gumawa sa kaniya sa ginawa niya sa akin. Malaki din ang sa kaniya ngunit wala iyong sinabi sa akin. Sa tulad kong nagsisimula ay naduduwal pa ako at nandidiri sa mga pinagawa niya sa akin. Ngunit ginawa ko ang lahat para mapasaya siya katulad ng pagpapasaya din niya sa akin.

Naulit nang naulit nang naulit ang mga ginawa naming iyon. walang relasyon, hanggang sex lang lahat. Libog lang. Malapit na akong gragraduate noon nang nagkayayaan kaming gawin iyon sa silong ng tulay. Sabado noon at walang pasok. Dumaan siya sa bahay at sinabing sundan ko siya. Sumunod naman ako. Ginawa naming iyon sa likod ng malaking poste ng tulay. Alam naman naming tago ang lugar na iyon maliban na lamang kung pasadyang sisilipin kami. Naghubad kaming dalawa. Tulad ng dati, ginawa na muna niya ang gusto ko at ako naman ang gagawa pagkatapos niya. Nakaluhod na ako noon. Pikit matang sinusubo siya nang nilayo niya ang ulo ko sa ari niya.

“Tang ina…ang tatang mo!”

Nagimbal ako sa narinig ko at nang tumingin ako sa kaniyang tinitignan ay nakita ko si Tatang na nakatingin sa amin.

READ CHAPTER 5 IN MY BLOG  http://joemarancheta.blogspot.com/

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails