Followers

Thursday, August 26, 2010

Paraisong Parisukat Chapter II (part2)

huhuhuhuhu wala na kami salamat sa lahat ng nagpapalakas ng loob ko d2 sa bol chat (dj,sir,kua chris and many more cencia n hindi ko mabti ung iba ayw pkilala huhuhuhu salamat sa lahat ng nag cocoment hindi kona kayo maiisa isa salamat tlga
i love u so much but it hurts =(

------------------------------------------
Hindi kumibo si Steve sa halip ay niyakap niya si mike. Natulala lang si mike sa inasal ni steve kayat nag paraya nalang ito sa kung ano man ang dinadamdam nito. Hanggang sa kumalas ito
“sorry mike sorry talaga”
“wala yon steve may problema ba?”
“wala naman mike may naalala lang ako” sabay tayo nito at punta sa gilid ng lawa tinignan ang repleksyon ng sarili
“marami na palang nagbago handa na kaya uli ako” ang bulong sa sarili ni steve
at umihip ang isang malamig na hangin.
-o-
Wala akong maalala sa sarli ko ang alam ko lang ng mga araw na iyon ay nandun si steve sa tabi ko. Pilit kong inaalala ang buo kong pagkatao pero wala talaga kaya si steve ang muling humubog nito para sa akin. Naging masaya ako sa piling ng pamilya ni steve kahit alam kong hindi nila ako kaano ano pero sa kabila ng sayang ito ay nagtatago ang mga tanong na “sino ba talaga ako at ano ba ang nakaraan ko?”
Nasa gitna kami nun ng pag lalakad sa isang mall ng mag paalam sakin si steve na saglit na mag ccr habang nakatambay ako at naghihintay sa labas ng cr ay isang bata ang yumakap sa mga binti ko na labis kong ikinagulat saglit kong kinarga ang bata na panay ang yakap sakin hindi ko malaman ang sayang naramdaman sa pagkakataong iyon siguro sabik lang ako sa bata maya maya pa ay lumabas na si steve sa cr kaya ibinaba ko narin ang bata
“sino yang batang yan mike ang cute cute naman?”
“ewan ko bigla lang lumapit sakin saka yumakap baka nandyan ang magulang sa cr nakalabas lang”
“ahhh tara na mike baka gabihin tayo”
saka ko ibinaba ang bata at saka tumakbo ito papasok ng cr. Nagpatuloy kami sa pagalalakad na puno ng tanong ang isip ko sa naging reaksyon ko sa bata para bang may kung anong koneksyon kami na hindi ko malaman hanggang sa pag uwi namin ay dala dala ko parin iyon pero walang sagot na pumapasok sa isip ko kaya pinilit kong kalimutan nalang ang pangyayari sa mall na iyon.
-o-
Ang araw ay naging buwan at ang buwan ay naging taon sa paglipas ng mga panahong iyon ay muling nagbukas ang isang kamalayan ni steve na muli na pala siyang umiibig. Sa muling pagtungtong ni steve sa paraiso nila ay isang damdamin ang ihihinga niya sa munting kaibigan
“mike bigyan mo ako ng sign kung ipagpapatuloy ko itong nararamdaman ko kasi natatakot akong masaktan uli” saglit na tumahimik ang paligid at isang paru paro ang dumapo sa balikat ni steve na ikinagulat niya.
“mike nandyan ka ba?” ang medyo kinilabutang wika ni steve pero maya maya pa ay naisip niya ang senyales na kanyang hiniling
“sana nga mike tama ang gagawin ko” ilang saglit pa ay biglang may naramdaman siyang kaluskod pero hindi niya ito binigyan ng pansin hanggang sa mabigla siya sa isang taong nag takip sa kanyang mata
“sino to?” ang nakangiting wika ni steve hanggang sa sundutin niya sa tagiliran ng binata at nakilala sa pagtawa nito
“naku mike tigilan mo na to hahahaha kala mo hindi kita makikilala ha amoy palang kamay mo alam ko na ang baho hahahaha”
saka humarap sa binata
“hahahaha hindi naman ahh” sabay amoy sa kamay na tila bata
“sabi na nga ba ehh nandito ka lang ehh tara na daw sabi ni tita”
“gusto mo bang makilala si mike ung matalik kong kaibigan na lagi kong kinukwento sayo?” ang inusenteng wika ni steve
“oo ba taga saan ba yon at para makilala ko narin siya pero saglit lang ha baka hanapin tayo ni tita eh”
at nagpatuloy sila sa isang mahabang lakarin hanggang sa maging labis ang pagtataka ni mike sa pinuntahan nila
“wag mong sabihing sepulterero yang si mike hehehehehe” ang nakangiting biro ni mike
“tange basta makikilala mo rin siya” hanggang sa makarating sila sa puntod ni mike sabay turo dito
“iyan si mike best friend ko”
“haaaa patay na si mike?” ang wika ni mike na may pagkabigla saka lumapit sa puntod nito at pinag masdan
“ang bata pa pala niyang namatay sorry steve hindi ko alam”
“oo nga ehhh sayang ang bata pa niya, sana ngayon magkasama pa kami, masaya, minamahal ang isat isa”
medyo naguluhan si mike sa huling tinuran ni steve pero hindi na niya ito inusisa pa. Lumipas ang ilang oras na kwentuhan nila roon at doon niya napag alaman ang lahat lahat ng sa kanila. May pagkabigla pero naunawaan naman ni mike ang kalagayan ni steve. Mula ng araw na iyon ay nakumpirma nga ni steve na mahal na niya si mike kaya naman nakagawa siya ng isang desisyong inakala niyang tama.
Habang nasa gitna ng paglalakad sa isang eskinita si steve ay may napansin siyang isang patalastas ng isang nawawalang tao. Habang papalapit ng papalapit ay naging pamilyar ang taong ito “si mike” abot abot ang kabang naramdaman niya sa nabasang iyon. Sa kadahilanang ayaw niyang mawala si mike ay palihim niyang binaklas ang mga patalastas kasabay ng mga luha ng takot. Gabi na ng makauwi siya sa bahay, pagod at hapong hapo tila napakarami ng ginawa sa maghapong iyon.
“ohhh steve san ka galing parang pagod na pagod ka kumain ka na ba? Teka ipaghahain kita” ang inusenteng wika ni mike kay steve. Sa nasaksihan sa binata ay lubos ang naging kunsensya nito pero mas pinili niya ang sinasabi ng puso niya. Kumain ng sabay ang dalawa habang walang kaalam alam si mike sa nangyayari. Sa takot na mawala si mike sa kanya ay nag desisyon si steve na ilihim nalang ang lahat ng nakaraan nito. Napagdesisyunan niyang lumipat na ng tinitirhan na lubos namang ipinagtaka ng kapatid niya at ng kanyang magulang.
“bakit ba steve parang napaka bilis naman ng pag alis natin kala ko ba ayaw mong umalis dito?” ang usisa ng ina ni steve
“basta mah ayoko na dito gusto kong lumayo dito……dun tayo sa probinsya nila lolo masarap ang paligid doon basta gusto ko ng umalis dito”
“ohh sige basta sasabhihan ko muna kapatid mo ok”
“salamat mah” at bumalik na sa kwarto nila si steve
at balik sa normal na buhay ang pamilya ni steve. Makaraan ang ilang linggo ay napagdesisyunan na ng pamilya na bumalik ng probinsya at bago umalis ay saglit na pumunta sa sangktuaryo niya si steve
“mamimiss ko tong lugar na toh…..pero kailangan kong gawin ito, makasarili man kung titignan pero mahal ko na siya hindi ko na kaya pang may mawala pa sa akin mike kung nakikinig ka sana gabayan mo ako sa magiging desisyon ko”
hanggang sa isang akbay ang nagpabalik sa realidad ni steve
“steve tara na daw sabi ni tita baka kasi gabihin daw tayo sa daan, teka sigurado kana ba sa desisyon mo steve pwede pang mag back out hehehe”
“bakit gusto mo ba uling mag hakot pabalik ng mga gamit?” ang pabirong wika ni steve
“hahahahaha sige na tara na ayokong ibalik yung mga gamit hirap kayang maghakot uli hahahaha” habang akbay akbay ni mike si steve ay napansin niya ang kakaibang ning ning ng mata nito na tila masayang masaya
“bakit tila masayang masaya kang aalis dito mike?”
“wala naman basta masaya ako kasi makakakawala kana sa nakaraan mo?”
“haa? Ano yon?” ang pagtatakang wika ni steve na nginitian lng ni mike
“hindi kita maintindihan ano yon?”
“ay makulit wala yon steve hahahahaha adik lang” at hindi na muling inusisa ni steve kung ano ang nais ipahiwatig ni mike sa kanyang sinabi
-o-
Masaya kami sa bago naming tinitirhan. Malayong malayo sa tinitirhan namin sa siyudad maaliwalas, tahimik, payapa ang paligid at tila walang kapa-panganib siguro nga ganito sa probinsya. Habang tumatagal kami dito ay hindi ko lubos maintindihan ang aking sarili kung bakit ganun nalang ang saya ko sa tuwing magkasama kami ni steve tila may isang parte ng puso ko na nagsasabing gusto ko siya pero sa kabila naman ay nag sasabing wag dahil hindi tama. Kumplekado, magulo hindi maaari dahil lalaki rin ako kaya sa kagustuhan kong kalimutan itong nararamdaman ko ay ibinaling ko nalang sa iba ang aking nararamdaman baka sakaling mawala pero parang mas lalo pa yatang gumulo ang lahat ng dahil sa naging desisyon ko.
-o-
unti unti kong napansin ang paglamig ni mike sa akin kung dati rati ay nakukuha niyang makipag wrestling pa sakin ngaun ay tila may dinadalang problema na laging pinag uumpisahan ng kaba ko “alam na kaya niya ang lahat? Ano kaya ang problema niya? May nagawa ba ako?” ang mga tanong na laging umiikot sa isip ko hanggang sa mapansin ko nalang ang kakaibang closeness nila ni drew nakababatang kapatid ko. Maganda, ligawin at talaga namang nagkakalantari ang mga lalaki sa panliligaw. Sa una ay hindi ko binigyan ng malisya ang lahat pero kinalaunan ay tila higit pa sa pagkakaibigan ang ipinaparamdam ni mike sa kanya. May sakit na dulot sakin pero hindi ko naman masabi na mahal ko siya dahil baka layuan niya ako at tuluyang umalis. Magulo walang pag asa ang mga nasa isip ko.
Hanggang sa……….

Itutuloy……..

3 comments:

  1. ganda po nito nakakaiyak....

    "lonelyhandsomeguy"

    ReplyDelete
  2. sana po ay maipost na po agad ung ksunod ng chapters ako po c lonelyhandsomeguy pag po natapos po ang kwento na ito at ung exchange of heart at ung sa palitan ng puso magmember po ako dito at hahayaan ko po na gamitin nyo po ang mga picture ko para maging model ng characters ninyo dont worry im good salamat po.... masugid nyo po akong tagasubaybay maraming salamat ulit

    "lonelyhandsomeboy"

    ReplyDelete
  3. can't wait for the next chapter...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails