Followers

Wednesday, August 4, 2010

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan [28]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

Author's Note:

Pasensya na po at hindi pa pala siya matatapos sa part 28. Baka sakali sa part 29 or 30...

As usual, gusto kong pasalamatan ang mga followers ko na 193 na!!! Salamat sa inyong lahat. Nakakaengganyong magsulat habang nakikita ko kayo. Kaya ko nilagay sa taas ang followers dahil dagdag-inspiration din ito, hehehe (drama!)

Bati Portion:

Gusto kong batiin ang mga commenters sa last two posts. Sina adik, daucus, pauless, raven, mel, agua, janno, almondz, white, alex, bladez, newbie, taga_cebu at ang mga chatters na sina enzo, white, newbie, gerald, atebugs, tj, urbashang, oliver, sandy, roy, junius (aka noel), troy (na crush ko yung name - name lang - LOL!) at sorry po, nalimutan ko na ang iba... (please remind me next time po). At sa isang makulit na texter na itatago na lang natin sa pangalang Mark.

Kay newbie din pala dahil sa logo ng MSOB na anjan nakalagay ang mukha ng inspirasyon ng buhay ko - urrkkkk! (lol!) at sa pagturo kung paano maglagay ng music sa MSOB.

Syempre, gusto kong magpasalamat sa mga contributors ng MSOB na sina July at Speed, kay MS din at kay Aaron (Nasaan na kaya sila?). Salamat sa pagbahagi ninyo sa inyong mga kwento sa buhay na may aral at dalang inspirasyon sa bawat isa.

Salamt din sa inyong mga silent followers, saan man kayo naroon at sinu-sino man kayo...


-mikejuha-

--------------------------------------------

Agad kong tinawagan ang numerong ibinigay niya. “Sagutin mo, sagutin mo, sagutin mo….” Ang bulong ko, nanginginig ang kalamnan sa pagkainip na mag-ring ang kabilng linya.

At nagring nga…

Hindi pa nakatapos ang isang buong ring ay may sumagot na, “Hello!”

“Si Kuya Rom!” Sigaw ng isip ko. “K-kuya…” ang nasambit ko lang gawa ng magkahalong saya at excitement na narinig muli ang boses niya.

Para akong nakokoryenteng hindi makagalaw at nanatiling hinahawakan ang cp sa tenga ko.

“Anoooo?” Tanong niya, marahil ay nainip din sa di ko pagpatuloy sa sasabihin. “Hindi ka ba magsasalita? Wala man lang I love you, o sorry, o pigilan ako na huwag nang tumuloy?”

Napahagulgol ako. “I love you kuya. Huwag mo akong iwan. Antagal-tagal na kitang hinintay tapos ngayon, aalis ka na naman? Ayoko na. Wala na si papa, hindi ko na kayang mawala ka pa kuya!”

“O e di, kung ganoon, puntahan mo ako dito sa airport at ngayon na! Dalian mo baka magbago pa ang isip ko.” Sabay patay sa linya niya.

Hindi ko na nagawa pang magpalit ng damit. Dali-dali kong tinumbok ang pintuan ng kwarto upang diretso na sanang tumbukin ang car park at tawagin ang driver. Ngunit noong binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko, laking gulat ko sa nakita. Nakatayo lang pala si kuya Rom sa harap nito, may dala-dalang isang pumpon ng mga malalaki at pulang-pulang mga rosas at sa kabilang kamay ay bitbit ang isang malaking karton ng pizza, galing sa paborito ko pang kainan.

“Surprise!!!” sigaw niya, bakat sa mukha ang sobrang excitement.

Napako ako sa kinatatayuan at hindi nakaimik kaagad. Syempre, nagmamadali ako, ang nakatatak sa isip ay magbibiyahe pa ako bago siya makita. Tapos, nandoon lang pala siya nakatayo sa labas ng aking kuwarto.

Tinitigan ko na lang siya, hindi makapaniwalang nasa harap ko na ang taong minamahal ko, ang taong tinitibok ng puso ko. Para akong napasailalim sa kanyang kapangyarihan; ang ngiting nasilayan ko sa mga labi niya ay sobrang nakakabighani; ang mga mata ay mistulang nangungusap. Naka t-shirt ng semi-fit na kulay blue at may stripes na yellow sa dibdib, naka-straight-cut na maong. Bakat na bakat ang hunk na katawan sa kanyang kasuotan.

“Ey… huwag mo akong titigan, malulusaw ako niyan!” sigaw niya.

Tila bumalik uli ang katinuan ng isip ko sa narinig. “A-akala ko ba nasa airport ka?” ang naisagot ko na lang.

“Nasa airport nga ako kanina. Kaso hindi ko na hinintay pa ang tawag mo. Kasi…” inilipat niya sa kabilang kamay ang bitbit na karton ng pizza kung saan naka hawak din ang mga bulaklak at dali-daling tinumbok ang pintuang naka-bukas pa rin, hinawakan ang door knob at pumasok habang nakabuntot naman akong sumunod sa loob. Noong nasa loob na kaming dalawa, agad niyang ini-lock ang pinto at sumandal dito, bitbit pa rin ang pizza at ang bulaklak sa kanyang mga kamay.

Humarap ako sa kanya, “Kasi, ano…?” ang pag-usisa ko sa nabitin niyang salita.

“…hindi ko na papayagang mapalayo uli ako sa iyo tol... Hindi na ako papayag na mawalay ka pa sa akin.” Sagot niya habang tinitigan ang mukha ko.

Hindi ako nakasagot agad sa sobrang kaligayahan sa narinig. Parang maiiyak ako.

“O, bulaklak mo…” dugtong niya.

Ngunit imbes na tanggapin ko ang bulaklak, niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan siya sa bibig.

Wala nang nagawa pa si Kuya Romwel kundi ang magpaubaya at ilaglag sa sahig ang dala-dalang bulaklak at pizza. Sinuklian niya ang mga yakap ko, ramdam kong mas mahigpit ito na para bang iyon na ang huli naming pagyayakapan at paghahalikan.

Mapusok. Para kaming mga mgnanakaw na nagmamadali at bilang na bilang ang sandali. Parang mawawala na ang isa’t-isa sa amin at walang paki-alam kung mapupunit ang mga damit o magkabali-bali ang aming mga buto sa higpit at mabilisang pagpadama ng aming kasabikan at pagkauhaw sa isa’t-isa.

Maya-maya, kinarga na niya ako sa kanyang mga bisig at inihiga sa aking kama.

(Torrid Scene. For request please email me at getmybox@hotmail.com although right now, it’s not yet available but if you email me, I’ll get back to you as soon as it’s done.)

At doon, nalasap naming muli ang tamis ng aming pagmamahalan.

Noong mahimasmasan na, “Kuya… hindi ka na babalik pa ng Canada?”

“B-babalik pa, tol… nandoon kasi ang anak namin ni Sandy na pamangkin mong tisoy… na guwapong-guwapo.” Pag-emphasize niya sa salitang ‘pamangkin na tisoy’. “At sa akin ipinamana ni Sandy ang mga negosyo at ari-arian niya. Ipinagkaloob na kasi sa kanila ang mga mana kahit buhay pa ang mga magulang nila upang matuto daw silang tumayo sa sarili at magpalago sa ibinahagi sa kanilang mga negosyo…”

May lungkot naman akong nadarama sa narinig. Mistulang may isang sibat ang tumusok sa aking puso. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang plano niya sa akin. Ngunit naunahan na rin ako ng hiya. “B-bakit mo pala ipinalakad ang pagwalang-bisa sa pagiging Iglesias mo?” ang naitanong ko na lang.

“Wala lang, parang nawalan na kasi ako ng pag-asa noong di mo na ako kinibo eh. Ang tulis-tulis kaya ng mga titig mo, tumatagos sa buto ko. Parang gusto mo na akong lamunin ng buo e.” Sabay pabirong pananampal ng marahan sa mukha ko na may halong panggigigil. “Antaray ng… utol ng puso ko! Hmmm!” At kurot uli sa pisngi ko. “Kung di lang kita mahal, inilaglag na kita d’yan sa bintana eh.” dugtong niya, turo sa binatana ng kwarto ko sabay tawa, hindi alam na may lungkot akong itinatago.

“E, di sige, subukan mo” ang naisagot ko na lang.

“Huwag na…. Paano naman to?” Sabay turo din niya sa kanyang pagkalalaking gising pa rin ng kaunti.

Sabay kaming nagtatawanan.

Hinalikan niya ako sa bibig.

Maya-maya, naging seryoso ang mukha niya. Tinitigan ako. At ewan kung ano ang sumagi sa isip niya ngunit, “Tol… tandaan mo palagi, kahit na anong mangyari, huwag kang bibitiw sa pagmamahal mo sa akin. Mamatay man ako, sana ako pa rin ang laman ng puso mo. Dahil ako… hindi kita bibitiwan tol; kahit ano man ang mangyri. Pangako iyan.” Sambit niya habang nilaro-laro ng daliri niya ang mukha ko. “Maipangako mo rin ba sa akin iyan tol?” dugtong niya.

Naging seryoso din ako. Pinangmasdan ko ring maigi ang mukha niya, hinaplos din ito, “Pangako kuya… Mamahalin kita habambuhay; sa buhay na ito, at kung sakaling mayroon pa akong susunod pang mga buhay, ikaw pa rin ang mamahalin ko.” sabay yakap sa kanya.

Nagyakapan kami. Mahigpit, ramdam ng isa’t-isa ang bawat galaw ng aming kalamnan, ang bawat pintig ng aming puso…

Tahimik.

“Ano pala iyong hiniling mo kay Papa?” tanong ko noong biglang maalaala ang sinabi ni papa sa last will niya.

“Ah, iyon ba?” ang sagot niya, nag-isip at tinitigan ako.

Ewan pero parang may ibig sabihin ang mga titig na iyon, di ko lang lubos na maintindihan ang laman ng kanyang isip.

Sasagutin na niya sana ako noong bigla namang may kumatok sa kwarto. “Kuya? Nand’yan ka ba? Buksan mo ang pinto, kuya! May sasabihin ako!”

Si Noel.

Nagkatinginan kami ni Kuya Rom at binitiwan ang pigil na halikhik. Syempre, nakahubad kaming pareho. Dali-dali kaming bumalikwas sa pagkahiga at pinulot ang mga damit na nagkalat at pagkatapos ay isinuot ang mga iyon. Inayos na rin ni kuya Rom ang nagkalat na mga gamit at ang mga rosas at pizza na nakalatag sa sahig sa harap ng pintuan. Dali-daling inilagay niya ang mga ito sa mesa sa music corner ng kwarto.

“Sandali lang tol…!” Sigaw ko kay Noel.

Pagkatapos naming magbihis ay agad umupo ni Kuya Rom sa sofa ng music corner at nagpatugtog ng kanta samantalang ako ay tinumbok ang pintuan at binuksan ito.

Noong mabuksan ko na ang pintuan, nandoon din pala si mama, hawak-hawak ang kamay ni Noel. “Birthday daw pala niya ngayon.” Sambit ni mama. “Natandaan niya noong makita ang kalendaryo natin, naalala daw niyang itinuro sa kanya ng yumao niyang ina na ganitong buwan at petsa daw ang birthday niya…”

“Talaga?” ang excited kong tanong kay Noel. “E di 11 years old ka na ngayon?” tanong ko.

“Ten pa lang po kuya kasi noong nakaraang taon, 9 palang po ako.”

“Ah, OK… Tamang-tama dahil may sorpresa ako sa iyo…” Hinila ko ko si Noel sa loob ng kuwarto patungo sa kinaroonan ni Kuya Rom habang nakabuntot naman si mama. “Surprise!” sigaw ko noong makita na nila si Kuya Rom.

Nanlaki naman ang mga mata ni Noel at pati si mama ay nabigla din. Pero alam kong naintindihan na rin ni mama ang dahilan. Hindi naman kasi lingid sa kanyang kaalaman na nagmamahalan kami ni kuya Rom. At lalo na siguro noong makita niya ang mga bulaklak sa ibabaw ng mesa na dala ni kuya Rom.

“Kuya Romwel!!!” sigaw ni Noel sabay takbo sa kinaroroonan ni Kuya Rom. Niyakap niya ito, hinalikan sa pisngi atsaka kumandong.. “Akala ko ba pupunta ka ng Canada?” ang inosenteng tanong ni Noel.

“Ah… Oo nga pala. Kasi, noong nasa airport na ako, naramdaman kong may magbi-birthday ngayon dito eh.” Ang biro ni kuya Rom na nakangiting tiningnan si Noel.

“Alam mo ang birthday ko kuya?” ang puno ng kainosentehang tanong ni Noel.

“Ah… Oo! Ako pa. Malakas sa akin ang nagbi-birthday ngayon.”

“Yipeeeeeee! Nandito pa ang kuya Rom sa birthday ko!”

Tawanan kaming lahat.

“A-ano yan kuya?” Tanong ni Noel sa akin noong mapansin ang karton ng pizza sa ibabaw ng mesa.

“Pizza. At akin yan” biro ko.

“Hindi pa ako nakatikim ng ganyan.” Ang nahihiyang sabi naman ni Noel na parang gustong tumikim ngunit hindi lang masabi-sabi ng diretsahan.

“Ayaw mong humingi?” sabi ko sabay bukas sa pizza, kinuha ang isang slice at kinain, tiningnan siya. “Di ba dati noong una tayong magkita, nanghingi ka sa akin ng tinapay? Bakit hindi ka na nanghihingi ngayon?”

“Nahihiya ako eh.”

“Hahaha!” tawa ko. “Noon hindi ka nahihiya. Ngayon, nahihiya ka na?”

“Eh, kasi noon, nanginginig na ako sa gutom e, di ko na kaya. Ngayon, kaya ko pa naman…”

“Hahahaha!” Tawanan kaming lahat.

Pero ang totoo, touched ako sa sinabing iyon ni Noel. Niyakap ko na lang siya sabay halik sa pisngi. “Hmmmm! Ambait-bait talaga ng utol ko. “Syempre, sa ating dalawa iyan no. Bigay iyan ni Kuya Rom sa atin.” Ang sabi ko na lang.

Sumingitr naman si kuya Rom. “OK… dahil birhtday ni bunso, doon tayo kakain ng dinner sa labas, ako ang taya!” ang mungkahi ni kuya Rom. “Sama tayo ma?” dugtong niyang tanong kay mama, tiningnan ito.

“Ah, e… kayo na lang. Walang magbabantay sa bahay eh. Nandito ang tatlong apo ko.”

“E, di dalhin natin ang mga bata ma, isama na rin natin ang mga yaya?”

“Hindi na… mas maiging kayong tatlo na lang para mas lalong mag-enjoy kayo. At bukas, dito sa bahay, ako naman ang maghanda para sa birthday ni Noel.” Sagot ni mama. “At maraming pizza ang gagawin ko!” baling niya kay Noel.

Kotse ni kuya Romwel ang sinakyan namin patungo sa isang pinakasikat at pinakamahal na restaurant sa syudad namin. Sa harap ako nakasakay at sa likuran naman si Noel. Habang nagda-drive si Kuya Rom, kinuha iya ang cp niya at inutusan akong tawagan sina Kuya Paul Jake at Shane. Gusto niya raw isama sila sa blow out niya para kay Noel at makapag bonding na rin.

Natawagan ko si Kuya Paul Jake at nagsabing susunod daw sya sa venue. Sinabi ko ring on the way na kami.

Dinayal ko na naman ang number ni Shane. Kaso hindi ito ma-contact. “Kuya, hindi ko makontak si Shane...”

“Text mo na lang para makarating ang message.” Sambit ni kuya.

“Bakit ba walang signal si Shane? Saan ba siya?” tanong ko.

“Siguro ay nasa bukid na naman siguro…”

“B-bukid? Saang bukid? At anong ginagawa niya sa bukid?” ang curious kong pagtatanong, naintriga sa narinig na bukid. Baka kasi sa bukid namin iyon.

Sasagutin na sana ni kuya Rom ang tanong ko noong biglang may narinig akong bumundol sa likuran ng sasakyan namin, “BLAGGGGGG!” at umikes na ang sinasakyan namin “SCREEEEETTCCCHHHH!” Halos gumulong ito. Mabuti na lang at na-control kaagad ni Kuya Romwel ang sasakyan. Akala ko iyon na ang katapusan namin.

Lalabas na sana si Kuya Romwel noong may mga taong mukhang secret agent, may mga hawak-hawak na automatic at matataas na kalibreng mga baril at itinutok ang mga ito sa amin. Ang dalawa sa kanila ay nakatayo sa labas ng side ni kuya Romwel at ang dalawa ay nasa side ko naman. “Babaaaaa! Babaaaa!” ang sigaw noong isa.

Sa kabila ng matinding takot, nagawa ko pa ring sikretong pindutin ang call button ng cp ni kuya Rom na nasa upuan lang namin at hinayaan itong magring at nakalatag lang sa upuan. Kahit malabo, narinig ko pa rin ang pagring ng cp at ang pagsagot ni kuya Paul Jake “Hello! Jason? Ikaw ba yan?”

Ngunit dahil sa nakatutok sa akin ang baril ng dalawang tao at upang hindi nila mapansin ang cp, hindi ko ito kinuha o sinagot. Bagkus, sumigaw ako ng, “Ano ang gagawin ninyo sa amin?! Nandito pa kami sa Marcos intersection bakit ninyo kami hinarang? Huwag po ninyo kaming barilin!” ang sigaw ko upang marinig ni kuya Paul Jake ang lugar namin.

At marahil ay napick-up ni kuya Paul Jake ang aking ibig ipahiwatig, hindi na siya nagsalita pa, pakiwari ko ay nakikinig na lang siya.

“Huwag palang barilin ha? Mababaril talaga namin kayo kapag hindi kayo lumabas sa kotse na ‘yan. Kaya labas! Labasss!!!!” utos uli noong tao.

Tumalima naman si kuya Rom at noong binuksan na niya ang pintuan ng sasakyan upang lumabas, palihim kong ibinulsa ang naka-on pa ring cp upang masundan ni kuya Paul Jake ang nangyari.

Pinasakay kaming tatlo sa tinted na van. At noong nasa loob na kami, pumasok din ang mga lalaki. Anim silang lahat, mukhang mga hired killers at ang tatlo sa kanila ay tinutukan kami ng baril.

Magkatabi kaming tatlong pinaupo. Umarangkada ang sinasakyan namin sa palihis na daan patungo sa kabilang syudad.

Hindi naman ako tumigil sa pagtatalak at pati si kuya Romwel at hinikayat kong magsalita din. “Bakit ninyo kami pinasakay sa van ninyo! Kuya Romwel, magsalita ka, saan tayo nila dadalhin? Bakit nila tayo pinasakay dito? Anong gagawin nila sa atin?” habang inginungoso ko naman ang bulsa ko kung saan nandoon ang cp, ipinarating sa kanya na naka-on iyon.

Ngunit mistulang hindi nakuha ni kuya Rom ang ibig kong sabihin. At ang sagot lang niya ay, “Shhh! Huwag kang maingay partner. Baka lalong mag-init ang ulo nila at babarilin na tayo. Steady ka lang. Mamaya lang kakain na tayo, doon sa paborito mong kainan sa may maraming tubig.”

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. “Partner? Kakain? Maraming tubig?” ano iyon? Sigaw ng utak ko sa pag-alalang iisipin ni kuya Paul Jake sa kabilang linya na kakain na talaga kami at ok lang ang lahat. “Kuya! Hindi tayo kakain no? Kini-kidnap na tayo!!! Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng mga hoodlum na to!”

At dahil obvious na ang pagsisigaw ko, binusalan na nila ang bibig ko at pagkatapos ay piniringan kaming tatlo. “Ummmph! Ummphh!” ang ingay na lumabas sa bibig ko.

Mistula namang kalmante lang si Noel bagamat alam kong natatakot din siya. “Huwag ka na kasing maingay, kuya Jason baka saktan ka pa nila…” na sinagot ko naman ng “Ummphh! Ummpphh1 Ummpphhh!” na ang ibig kong sabihin ay, “Paano pa ako mag-iingay e, binusalan na nga ako!”

Habag natigil ang pagtatalak ko, narinig naman namin ang lider na may kausap. “Opo, everythign is under control po. Malinis po ang pagkagawa at on the way na kami sa site…”

May 30 minutos siguro ang paglalakbay ng van noong huminto na ito. Noong ipinasok na kami sa isang lugar, pinaupo kami sa sahig na semento, itinali kami ni Noel na magkatalikod, ang mga kamay namin ay nagpang-abot. Noong tinanggalan na kami ng piring at busal sa aking bibig. Unti-unting luminaw sa aking paningin ang nakaupo sa silyang nakatali ang mga paa at ang mga kamay ay nakatali sa likuran niya, nakaharap sa akin. Si kuya Rom at sa likod niya ay nakatayo si Kris at nakangiting demonyo.

Inikot ng mga mata ko ang paligid. Isang malaking bodega ang dinalhan sa amin ng grupo at may mga nakaimbak pang mga drums at sako-sakong hindi ko alam kung ano ang laman.

Mapapansing pinaghandaan ni Kris ang okasyong iyon dahil sa kanyang kasuotang faded maong at boots, itim na t-shirt na fit, pony tail na buhok at may mga gloves pa ang mga kamay. Pinapagitnaan siya ng dalawang lalaking karga-karga ang kanilang mga baril na nakahandang iputok. Sa di kalayuan ay may dalawa pang mga goons nagmamasid sa amin. Naisip ko na ang dalawa pang goons ay nasa labas at nagsibing mga lookouts.

Hinahaplos-haplos ni Kris ang mga balikat, ulo, at dibdib ni kuya rom at kinukurot-kurot ang mukha na mistulang may pigiil na pangigigil.

“Bulaga!!!!” ang pang-aasar na sigaw niya sa akin. “Akala ninyo hindi ko kayang gawin ito sa inyo no? Pwes nagkamali kayo. Nalimutan mo yata Romwel...” lingon niya kay kuya Rom “...na mayor ang aking tito at may private army ito. Hinahamon mo ako kaya magpasensyahan na lang tayo!”

Mistulang demonyo ang tingin ko sa mukha noi Kris sa sandaling iyon. Pakiramdam ko ay umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo sa katawan. “Pakawalan mo kami dito, impakta! Satanas!” sigaw ko.

“Ayyyyyyyyy! Antaray! Matapang pa rin ang peke na kapatid ni Romwel... Hmmm. Bakit ba kasi naman, nakikisingit ka sa relasyon ng may relasyon. Akala ko pa naman noong una ay kapatid talaga ang turingan ninyo, iyon pala, kapatid sa kapatid!” Humalakhak. “Hindi na kayo nahihiya sa mga sarili ninyo? Hindi pa kayo tinamaan ng kidlat ano?”

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya, may halong pagkagulat kung paano niy nalaman ang lahat.

“O... di ba? Nagulat ka kung paano ko nalaman? Ito kasing mahal mo, sobrang tanga. Di ba noong namatay ang papa mo... ” napahinto siya ng sandali “...na papa ko na rin sana… di ba hinatid ako ng boyfriend natin, este mo na lang pala? Iniwanan ba naman sa kotse ang wallet ng honghang habang umihi siya? E, ako naman, syempre, wa-is” itinuro ang kanyang ulo “…naghahalungkat ako ng mga kung anu-anong pwede kong madiskubre at panlaban na rin sa kanya dahil sa pag etsapwera niya na sa akin. At eto lang naman ang nahagilap ko sa wallet niya o... di ba kayong dalawa ito??” Ipinakita niya ang ritrato namin ni kuya Rom kung saan pareho kaming hubo’t hubad, nagyakapan, at naghahalikan.

Bigla kong naalala ang kuha na iyon. Iyon iyong time bago siya umalis papuntang Canada kung saan pinagbigyan kami ni papa na magsama sa kuwarto ko. Akala ko kasi sa cp lang niya iyon itatago, nag-printout pala talaga siya para ilagay sa wallet niya.

“At heto may nakasulat pa sa likod o, at ang sabi, ‘Ang taong nagpapatibok ng aking puso; ang tunay kong mahal, ang utol ng puso ko!’ Awtsssss sweet naman, grabeh.” ang sarcastic niyang sabi sabay, “Eeeewwwww! Kadiri to the max!”

Hindi ko na nagawang umimik pa sa nakita. Tiningnan ko si kuya Rom na tila nahihiya at yumuko na lang sa kanyang nagawang kapalpakan. Pero sa totoo lang, touched din ako sa ginawa niya. Imagine, itinatago pa niya ang ritrato namin sa wallet niya.

“Alam mo Jason, hindi ko talaga maintindihan kung bakit baliw na baliw sa iyo itong gagong ito, e.” Turo niya kay kuya Rom. “… Kasi hindi naman siya bakla na katulad mo, di ba? Ano bang mayroon ka na kinababaliwan niya? Siguro matindi ang gayumang ginamit mo sa kanya ano?”

“Hoy! Hindi ko siya ginayuma! At tama ka, hindi bakla si kuya Romwel pero hindi rin siya baliw! Baliw lang ang pumapatol sa iyo! Kahit sinong lalaki, hindi ka papatulan dahil baliw ka!”

Pagkarinig niya sa sinabi ko, biglang nanlilisik ang mga mata niya at nilapitan ako. At noong nasa harap ko na ay, “Splakkk!”

Isang napakalakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. “Mag-ingat ka sa mga pinagsasabi mo!”

“Huwag mong saktan si Jason!” sigaw ni Kuya Rom.

Na agad namang nilingon niya. “Ay, sorry po. Nasaktan ka ba, sweetheart? Sorry ha…? Ansarap kasi niyang sampalin eh. At heto pa oh...”

“Spllaaaakkkkkk!” Isang matinding sampal uli ang tumama at sa kabilang pisngi ko naman.

Hindi ako makapagsalita sa sobrang sakit ng pagtama ng kamay niya sa pisngi ko. Pakiwari ko ay maluha-luha na ako.

“Binabalaan kita, Kris, huwag mong idamay si Jason dito! Huwag mo siyang saktan!” Ulit ni kuya Rom.

“Ow, come on Romwel. Paano mo ako pagbabantaan ng ganyan? Look at you? Anong magagawa mo? Wala ka nang silbi at maya-maya lang, mawawala na rin kayo sa mundong ito, dahil ibabaon namin ang mga walang buhay ninyong mga katawan sa ilalim ng bodegang ito! Pero, dahan-dahan kong papatayin itong bansot na ito sa harap mo?! Gusto kong makita mo ang paghihirap niya. gusot kong makita sa pagmumukha mo ang sakit ng naramdaman kapag ang mahal mo ay mawawala sa iyo… Kagaya ng naranasan ko. Hmmmm. Exciting!”

“May sakit ka nga sa pag-iisip!” ang sigaw ni kuya Rom sa kanya.

“Talaga? Baka ikaw ang may sakit sa utak, Romwel. Lalaki ang pinatulan mo, di ba ikaw ang may sira sa utak niyan?”

“Oo, may sakit na sa utak kung may sakit. Pero malinis ang hangarin ko!”

“Waaahhhh! To the highest level na talaga to! Grabe! E, kung simulan ko na kaya ang pagpapahirap nitong mahal mo?” at itinaas uli niya ang kamay upang sampalin na naman ako.

Ngunit sumingit si Noel. “Huwag mong saktan ang kuya Jason ko!” sigaw niya, pilit na ibinaling ang ulo niya kay Kris.

“At sino naman itong hampas-lupang ito? Bagong ampon ba?” sabay tawa. “Gusto mo bang ikaw ang una kong ipapatay? Iyong mga bala ng baril, sa mga mata mo natin ipapatagos? Gusto mo iyon?” Pananakot niya kay Noel

Ngunit hindi natatakot si Noel “Ako na lang patayin mo, huwag lang mga kuya ko!”

“Wow! Atapang-na-bata! Mamaya, maghintay ka lang ha? Mabait naman ako, pagbigyan kita. Ikaw ang uunahin kong patayin.” Sabay tungo uli sa kinaroroonan ni kuya Rom at hinahaplos-haplos na naman ang mukha ng huli.

Habang abala si Kris sa pang-aasar kay Kuya Rom, binulungan naman ako ni Noel, “Kuya, matatanggal ko na po ang tali sa kamay ko. Huwag kang gumalaw kuya, tatanggalin ko rin ang tali sa kamay mo…”

“S-sige tol…” bulong ko rin.

Nasa ganoong sitwasyon kami ni Noel noong biglang napalingon ako sa isang nakatayong drum at napansing may mukhang sumilip. “Si Kuya Paul Jake!” sigaw kosa sarili. May isinesenyas siya sa akin ngunit hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin.

Bigla akong nabuhayan ng loob. Si Kuya Paul Jake kasi ay hindi lang magaling sa larong volleyball; magaling din ito sa taekwondo.

Natanggal ni Noel ang tali sa kamay ko ngunit nanatiling hindi kami kumilos, hindi nagpahalata. Tiningnan ko si kuya Paul Jake at tumango ako ng dalawang beses pagpahiwatig sa kanya na siya ang unang gumawa ng hakbang. Iyon kasi ang signal namin kapag naglalaro kami ng Volleyball at sa kanya ko ibigay ang bola bilang isa sa mga spikers at paluin niya ito papunta sa kalaban.

Dahil nakaharap lang si kuya Rom sa akin, nakita din niya ang signal ko, marahil ay napick-up niyang may tao sa likuran niya.

Sa hudyat kong iyon, biglang dumaluhong si Kuya Paul Jake sa gwardiyang nasa harapan lang niya, nilock sa siko niya ang leeg at binali ito, tahimik na inilatag ang walang buhay na katawan sa sahig at kinuha ang baril. Hindi pa man tuluyang nakalingon sa direksyon niya ang iba pang mga hoodlum, binaril na niya ang isa na nasa gilid lang ni Kris. Ang isa naman ay dali-daling naghanap ng pwesto at pinaputukan kaagad si Kuya Paul Jake.

Hindi nakakilos agad si Kris sa sobrang pagkagulat. Bigla namang itinumba ni kuya Rom ang kanyang inuupuang silya marahil sa isip niya upang hindi siya matamaan sa putukan.

Habang nakasentro ang mga gwardiya sa pagpapaputok kay kuya Paul Jake, dali-dali namang gumapang si Noel sa direksyon ni kuya Romwel na nakahandusay sa semento. Pilit na tinanggal ni Noel ang tali sa kamay sa likod ni Kuya Rom.

Kasabay sa ginawa ni Noel, dali-dali din akong tumayo, dumaluhong kay Kris na litong-lito pa sa kung ano ang gagawin. Nilundag ko at hinablot ang pony-tail niyang buhok at inilambitin ko ang buong bigat ng katawan ko dito na tila isang acrobat sa circus. Noong maduwal si Kris at natihaya sa semento, inupuan ko ang dibdib niya, hinablot ang buhok at iniumpog-umpog ang ulo sa semento.

Ngunit mahaba ang kanyang mga kamay. Sinakal niya ako sabay tambak sa akin sa sahig.

Bigla niyang tinumbok ang nakalatag na baril ng natamaang guwardiya at ginapang ito.

Samantala, natanggal na rin ang pagkatali ng kamay ni kuya Rom. Bagamat may tali pa ang kanyang mga paa, ang baril na tinumbok ni Kris ay siya ring baril na ginapang ni kuya Rom. Ngunit dahil mas malapit si Kris dito, una niyang nahawakan ang baril.

Sa pagkakita ko, maagap kong tinandyakan ang baril na nahawakan na ng kanyang mga kamay at natapon ito sa malayo. Agad namang kinuha ni Noel ang baril at mabilis na inihagis iyon kay kuya Rom.

Binaril kaagad ni kuya Rom ang guwardiya ni Kris na ang kasalukuyang pinapaputukan ay si kuya Paul Jake. Bagamat nakadapa lang at mahirap ang kalagayan ni kuya Rom, natamaan pa rin niya ito. Noong makita ni Kris ang nangyari, tumakbo siya patungo sa nabaril na alalay, akmang pulutin ang baril.

Ngunit binaril na rin siya ni kuya Rom. Tinamaan si Kris sa baywang. Bagsak. Tatlo na lang ang natirang tauhan ni Kris.

Dahil sa may tali pa ang mga paa ni kuya, itinutok niya ang dulo ng baril sa nakausli na tali. Natanggal ang tali niya. Pagkatapos, umakyat siya sa ibabaw ng mga nakapatong na sakong may mga laman upang matumbok ang puwesto ng mga nagtatago pang tatlong tauhan ni Kris.

Nasa ganoong nakatayo si kuya Rom sa ibabaw ng mga sako noong napalingon ako sa kinaroroonan ni Kris. Nakakilos pa pala ito at bagamat nahirapan na, itinutok pa ang baril sa akin. Sa pagkabigla ko ay hindi ako nakakilos. Ngunit bago ko narinig ang putok, naalipmpungatan ko na lang si Noel na biglang yumakap sa akin at siya ang sumangga sa bala na para sana sa akin. Bagsak si Noel habang si Kris naman ay tuluyan nang nawalan ng malay.

“Noelllll!!!!” Sigaw ko, yakap-yakap sa aking mga bisig ang duguan niyang katawan.

Tiningnan ko si Kuya Romwel na nakatayo sa ibabaw ng nakatambak na mga sako at napatingin din sa direksyon namin ni Noel. Habang nagkasalubong ang aming mga tingin, biglang sumulpot ang isang goon at pinaputukan si kuya Rom. Dalawang putok ang aking nakitang tumama kay kuy Rom; ang isa ay sa sentro ng dibdib niya at ang isa ay sa balikat.

Nagawa pa ni kuya Rom na lumingon sa taong bumaril sa kanya. At bago siya natumba, napaputukan pa niya ito at tinamaan sa dibdib, bumulagta sa sahig.

Kitang-kita naman ng aking mga mata kung paano na-outbalance si kuya Rom sa kinalalagyan niya. Unti-unti siyang nalaglag sa sahig na semento. Mistulang slow motion ang lahat at bagamat gusto kong tulungan siya ay wala akong magawa dahil sa sobrang pagkalito at gulo ng isip gawa ng si Noel ay may tama din at yakap-yakap ko pa.

Kitang-kita ko rin kung paano bumagsak ni kuya Rom sa sahig na semento at kung saan ang unang tumama dito ay ang ulo niya at nabagok ito.

“Kuya Rooooooommmmmm!!!!” ang sigaw kong sagad sa aking baga ang lakas at umaalingawngaw sa buong bodega.

At ang sunod kong naring ay tinig na ng mga car patrols ng mga kapulisan.

(Itutuloy)

42 comments:

  1. Waaaaa. Kuya mike, ang dati ko na gusto i-comment. Pero mamaya na lang pagkauwi ko. Nasa galaan pa ako e. Astig talaga ng story. Yun muna. Mamaya ulit

    ReplyDelete
  2. waaahhhh!!!!
    grabe!! may mamamatay ba????
    OMG!!
    is it Kuya Paul Jake?
    Noel?
    or Kuya Rom?

    hala naman!!! tsk3!!!
    waiting sa ending or pre-ending hehehehe..

    Pahabol ko pa: Sana namatay na si Kris!! wahahaahha buti nga sa kanya sinampal at sinabunutan ni Jason.. hehehe.. at naman!! rinegla sa bewang I MEAN!! tinamaan ng baril sa tagiliran!! heheh.. ayos yun nagdusa muna sya.. wahehehehe..

    ReplyDelete
  3. mabubuhay pa si rom, 4 sure magkaka amnesia tong si rom haha :))
    nice 1 uli mikee :)

    kris: “Eeeewwwww! Kadiri to the max!"
    (natawa ako dito grabe, simple lang pero natawa talga ako haha)

    anyways, maaction tong part na to mikee ah?? lol XD

    ReplyDelete
  4. Parang naging cinematic ang dating. Nakakawalang gana basahin. At predictable na ang ending mamamatay si Kuya Rom. Ayoko na basahin ung mga next chapters. Sayang ng oras.

    ReplyDelete
    Replies
    1. alam mo bitter ka... wag k n mag comment ng chaka qng nega lng din nmn feedback mo... kc kaiinisan k lng d2...

      Delete
  5. Sino kaya mamatay? Noel o Romwel? Hehe ang ganda tlaga ng storya na toh the best sasaya tapos gugulo tapos sasaya ulit parang totoong totoo haha sana mapaaga ang post ng pre or ending na nga ba tlaga..

    ---gHiiN

    ReplyDelete
  6. kuya mike bakit mo naman sinaktan ang mga bida ampupu ahayyy anyways sana gang Chapter 35 pa hehehe

    ReplyDelete
  7. Naman Kuya!
    Baka mamatay na si Jason sa sakit sa puso. I mean andami na niyang pinagdaanan, tapos nakita pa niyang mabaril si Noel at Kuya Rom...

    Sakit sobra...

    ReplyDelete
  8. grabe kuya ang ang story na ito.. im proud of you..halos hindi na ako huminga sa kakabasa. huminga lng ako ng dapat pa mag.email sa torid scene ahahahaha..

    ReplyDelete
  9. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!! kuya mike suspense daw ba...? kuya sana naman happy ending... tnx... sana til chapter 30 sya...thank you.ll

    ReplyDelete
  10. hahaha.. natawa din ako sa sinabi ni kris.. *Eeeewwwww! Kadiri to the max!*..

    ..sa dulo naman.. talaga naman oo.. hangang sa sulat ba naman ni kuya mike eh huli ang mga pulis? kala ko sa pelikula lang yun.. hehe


    kuya mike "mel" to.. baguhin ko na lng screen name ko.. jblopez nalng.. hehe

    ReplyDelete
  11. ♀♫♪← hampota! Sheteks! Woooooohh grabe! Ahihihi ● i super love the part n sinabunutan c kris!!! Love it!! Wahaha.. Kaso natawa aq.. Beking beki ung gnawa ni jayson.. Ahihihi →♪♫♀

    ♀♫♪← anyways! Nakakabitin super kuya mike! update ka kaagad! Ahihihi.. Demanding?! ● meh ganon pang 1000 lang ranking q sa mga texters mo? Cge ka.. Ifflood kta ng todo para #1 texter naq ni kuya rom.. Ahihihi →♪♫♀

    ♀♫♪← geh po.. Tc lagi kuya mike! ● ahy katext pala kita ngaun.. Cge text mode muna aq sau.. →♪♫♀

    ♀♫♪← bladez ● primo →♪♫♀

    ReplyDelete
  12. waaah! nakakalungkot ang ending ng chapter...

    sana si kris lang ang namatay...

    -jayEm

    ReplyDelete
  13. i never knew that it would get this far.. akala ko yung kidnap eh pakana lang ni kuya rom, yun pala sa malditang kris pala....



    sakatan daw ba ang mga mga nagmamahal kay jason??
    at mga ganitong mga nakakagimbal na eksena ang nagpapaganda samga story mo kuya mike!
    salamat po sa bati....

    ReplyDelete
  14. ..hala...baka mamatay na si kuya rom ..wag sana dahil ayaw nming mga taga subaybay nitong kwentong ito...sana lang...walang mamatay....

    sana maging masaya ang ending nito..what i mean is..WALANG MAMATAY...WALANG MAGKAKALAYO NG LANDAS...WALANG BSTA WALANG MASAMANG MANGYAAYRI...YUN,...ahaha

    yes namatay na si kris...sana magulugnan sana sya ng bulldozer...o kaya ee makaldkad sya n sskyan sa lumang bulding yata..bsta kung saan man sila nndoon...sana mamatay na sya..grr mamatay na salot s kwentong to....

    sana hnggang 30 pa...[para sakto]..ahaha...magnda yun ingat ka daddy mike aahh...sana wlang masamang mangyrai ke jason..noel..kuya romwel...kuya paul jake..at kung sino .pa..

    god bless and salamat...

    -Enso

    ReplyDelete
  15. michael juha, i thought u said na HAPPY ENDING ang mangyayari? pag may mamamatay dyan except kay kris, mawawalan nako ng ganang magabasa. i understand na u tried a diff aspect ng story para maiba, pero hindi bagay sa story. at ayoko din ganito ang ending nya. HAPPY ENDING po pls! thanks.

    ReplyDelete
  16. Nagulat ako sa pangyayari.. Parang eksena sa isang action movie.. Hahaha.. Pero ang galing talaga ng pagkakasulat.. Ang galing mo tlaga kuya mike (feeling close ako..Lol).. Ang tagal ko ng sinusubaybayan mga gawa mo pero 1st tym kong magcomment ngaun.. Tatapusin mo na kc kaya nagcomment na ako.. Lolz.. Tama nga pala.. My plano dn akong mag e.Mail sau para dun sa mga hot scenes (jayson&jake, dn ung sa chapter na to).. Hahaha.. Sana nga HAPPY ENDING to.. Ung walang mamamatay.. Tama na ung c KRIS ang namatay.. Pero sana dahan2x ung pagkamatay nya..Ung tipong nabaril xa tapos tumakbo sumakay ng car, sumabog ung car, lumabas xa na nasusunog, sa kakatakbo nahulog sa bangin..Pagkatapos natusok ng mga kahoy at nilapa ng leon. Ung wala nang natira.. Hahaha.. Ang haba na ng comment ko.. Lolz.. Kuya mike (feeling close ulit) update naman po sa story na ang aking chatmate at c kuya.. Kakatuwa kc ung story na un.. Tnx..

    -drei-

    ReplyDelete
  17. OMG! BAKIT NAMAN NA BARIL SI NOEL AT KUYA ROM! BAKIT?! ayoko na! e anong ginagawa ni kuya paul jake?

    WALANG MAMAMATAY! PLEASE!

    ReplyDelete
  18. wooow... lovestory na me drama, comedy.. tas ngaun action pa.. aus ah... hehehe.. kala ko rin pakulo lang ni kuya rom un kidnap.. hehe... sana masaya un ending... para naman inspiring after mabasa.. thanks mike for spending time to write...hope to read the net chapter soon...smile.

    ReplyDelete
  19. kuya mike, thanks sa pagbati sakin!

    nagulat naman ako sa mga pangyayari, nabaril si kuya rom at noel!

    for sure hindi naman mamamatay si kuya rom!

    kuya mike, dapat happy ending to ha! palagay ko dapat ending na yung chapter 29... ito na kasi yung pinaka climax ng story so dapat matapos na!

    although mamimiss ko talaga si kuya rom at jason! hehe

    ReplyDelete
  20. nwei, love the story although parang hindi ako natuwa sa kidnap scene. siguro mas maganda kung sumugod na lang si kris kinabukasan na may dalang baril, para kasing unrealistic na yung kidnap sa reality kidnap happened only if politics are involved na, heheh.sori naman sa comment ko,pero indeed ganda ng mga scene sa bodega! A for the Effort.

    hope walang mamatay this time, tulad ng idol ko si sir. MIKE, huwag mo naman patayin si kuya rom. heheh, siguro para maganda dapat realistic ang ending, dapat yung tunay na pwede manyari sa dalawang nagmamahalan. pero still i still believe on you mike! keep up the good work. you make me smile despite ang toxic ng araw ko.

    more power XD

    ReplyDelete
  21. Whew! dami ng mga pangya2ri. it is worth waiting ^^

    ReplyDelete
  22. kainis namanng si jason walang kwenta ginawa nya babae si kris sya lalaki hindi nya ba kaya! hmp!
    yan 2loy nabaril si noel at papa kuya rom ko hehehehee.....
    ui sana naman hindi mamatay si kuya rom jan kc parang ngpaalam na sya sa room ni jason after nilang ngse* hehhee
    kc ayoko nun gusto namin hapi ending dami nanila pinaghirapan so deserve nila hapi ending ......trop 2 kuya mike hindi moko binate sbi mo nice name ko! huhuhu

    ReplyDelete
  23. kuya mike troy po pala hindi trop! hehheeh

    ReplyDelete
  24. kuya mike, nakalimutan ko batiin yung linagay mo na song! galing ha... talagang timing sa pagbabalik nila jason at kuya rom.

    ganda ng theme song nila! hehe

    ReplyDelete
  25. WHAAAT! grabe naman mga nangyari. kala q tlga pakulo lng ni kuya rom ung pagkidnap sa kanila. un na pla ang banta ni kris. at di pa rin nasabi ni kua rom ung hiling nya kay papa nila. sana walang mamatay. bakit naman natamaan pa sila kuya rom at noel kala q magi2ng ok na ang pagtakas nila. medyo nakakabitin lang itong part na to pero the best pa rin. para nga gus2 q ng mtapos kc naguguluhan na ko s mga nangyayari. hehe. pero kua mike. salamat at nasulat mo itong kwento na to. ang kwentong tumatak sa isip ko at sa ibng readers dahil sa mkatotohanan at magandang kwento. kaht hnd pa tapos ang kwento.. good job! hehe

    ReplyDelete
  26. kuya naman eh, wag naman silang mawala sa eksena, Dyos koh kuya, kawawa si paul Jake, si noel, and I relaized din na wag nang mawala si romwel, kawawa na sila. kuya please. Wag mo silang patayin, pleaseeeeeeeeeeeee. kahit si kris, ayokong mamatay, buhayin mo siya, para naman she will be jailed after, dibah. dapat matikman niya ang buhay kulungan,

    diba kuya, si romwel ang inspiration mo, dpata buhayin mo siya, hahahah, " dakilang ama, kaya buhayin mo silang lahat, saka nila pagbayaran ang pag kakamali lalo na si kris. please...

    ReplyDelete
  27. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa WU DA FAK! WTF!!! haha p0tek action tong chapter nato...

    hmm sana tama ung naiisip ko na kasunod haha!

    ReplyDelete
  28. sa totoo lang? OA na po....grabe na ang mga nangyayari, a bi love--umabot sa ganyang eksena...nakakaloka

    but i still love the story so much!

    SANA PO WALANG MAMATAY PLEASE LANG!

    (kahit na mukang mamatay si kuya rom kasi tinamaan sa dibdib)

    may be, it is too much when I ask na huwag mamatay silang tatlo, si Kuya Rom, Jason, at Noel, pero sana ay WAG PO! WAG!

    ReplyDelete
  29. hyphosuComments:
    ako i think hindi mamamatay si noel kasi nga , sinabi before na si noel ang kapalit ng papa ni Jayson. namatay man ang papa ni jayson, dumating naman si noel sa buhay nila.
    tapos kung mamatay naman si kuya rom... hindi bagay kasi sabi dun sa title "ang kuya kong crush ng bayan" bagay bang mamatay ang crush ng bayan... parang ang layo ng meaning.

    at saka sabi ni kuya rom sa pangako, nakahit anung mangyari hindi daw sya bibitaw. o di ibig sabhin mabubuhay sya...
    wag namang me amnesia... sayang naman ang memories nila ni bunso...

    kung magka amnesia yan... wala naring sense ang title kasi hindi na ituturing ni rom na bunsong kapatid si jayson kung me amnesia sya.

    si kuya paul jake, hero sya ng lahat kasi nga kung di sya dumating baka hindi sila nakaligtas...

    @ kuya mike

    kuya batiin mo naman ako... at saka email mo sa aking ang torrid scene. James.wood86@yahoo.com hehehehe

    ReplyDelete
  30. Wow! This is goooooooooood wierd! :) I think the Kris thing is wierd, a little over the top pero not that far from the character you created naman. Malapit na ata siya dun sa Selina character ni Princess Punzalan. Hehehehe.. Nice twists Sir Mike! Unpredictable ang kinalabasan!

    Thanks for this good read. :)

    ReplyDelete
  31. kuya mike. .it's me nikko (sa fb). .ang ganda po ng twist ng story, pang-action film talaga. .pero sana naman po wag mamatay si Noel and Kuya Romwel. .kawawa naman po si Jason. .ang dami na po niyang pahirap at pasakit na naranasan. .sana wala na lang mamatay sa kanila para HAPPY ENDING! :)

    P.S. KILL KRIS! EEEWWWWW! KADIRI TO THE MAX! :)

    ReplyDelete
  32. This might be a good hint for the ending...

    -------------------------------------
    Maya-maya, naging seryoso ang mukha niya. Tinitigan ako. At ewan kung ano ang sumagi sa isip niya ngunit, “Tol… tandaan mo palagi, kahit na anong mangyari, huwag kang bibitiw sa pagmamahal mo sa akin. MAMATAY MAN AKO, sana ako pa rin ang laman ng puso mo. Dahil ako… hindi kita bibitiwan tol; kahit ano man ang mangyri. Pangako iyan.” Sambit niya habang nilaro-laro ng daliri niya ang mukha ko. “Maipangako mo rin ba sa akin iyan tol?” dugtong niya.
    -------------------------------------

    Sometimes people say things they don't usually say. These words were sometimes not given so much importance not until the worse things happen.

    ReplyDelete
  33. Pede pa palang lagyan ng twist ang story at mapahaba pa ito...

    Death can also somehow mean absence.

    Hindi lang naman pedeng physical lang ang mawala. Maaring memory din. Pedeng mabuhay si Romwel yun nga lang ang drawback eh yung memory o kahit anong maaring makaapekto sa pagkakabagsak niya nung nabaril siya. Pedeng mahinto ang walang hanggang PAGMAMAHAL niya kahit na hindi niya kasalanan. This time, its Jason's time make it up for Romwel. Kung baga, baligtad naman ang sitwasyon ngayon.

    Nasabi ko ito dahil sa katagang..
    =========================
    MAMATAY MAN AKO, sana ako pa rin ang laman ng puso mo. Dahil ako… hindi kita bibitiwan tol; kahit ano man ang mangyri. Pangako iyan.” Sambit niya habang nilaro-laro ng daliri niya ang mukha ko. “Maipangako mo rin ba sa akin iyan tol?”
    =========================

    Kumbaga, hindi hihinto si Jason until manumbalik ang dati kay Romwel. Hindi siya BIBITAW.

    And it may be a happy ending(depends on the author).

    Na si Romwel din ay di pa rin BUMIBITAW.--(got lot of things going in my mind para sa part ni Romwel dito).

    A very creative story you got here Mike!

    CONGRATULATIONS! Keep it up!

    --Vastian V.

    ReplyDelete
  34. Nice story tlga!!!...
    Nakakaexcite na ang susunod na mangyayare!!....
    sana wlang mamamatay!!....
    Cool ng 3 magkakapatid!....
    sana gnyan nlang mga kapatid ko!!... hahaha,


    KEEP IT Up KUYA MIKE
    -junjun Laurea-

    ReplyDelete
  35. kua!!!! parang OE naman ng eksena!!!! hahaha!!!!la ng tril!!! heheh

    ReplyDelete
  36. Hi kuya mike! it's me, jish... galing mo gumawa ng kwento that only comes in your mind.. at first, i thought it was your own story and to my surprise when i asked you directly through Facebook if it is real or just a fictional story...whew i can say that you really have a talent when it comes to the field of writing! anyways, i am hoping for the next part of the story. i already finished reading part 28, and please keep it up! please continue writing!

    and oh before i write the last part of my comment... may i ask again, where can i find the ( torris scenes ) i visited the link you gave me the last time we chat, but still, i didn't see it..

    'Til here! thank you and god bless!
    Two thumbs up for you "kuya mike"

    ReplyDelete
  37. nice story..
    pero ano n lang mangyayari kay jason kapag nawala p si kua rom nia?

    awwwww. sana mging ok p c kua rom....kawawa naman c jason...

    drew

    ReplyDelete
  38. hmmmm kelangan din cgurong masaktan ang bida para my trill ang storya kasi kahit in true life lahat tayo nsasaktan ndi pdeng ndi tayo nsasaktan hehe base on exp. lng po

    ReplyDelete
  39. ganda ng istorya...magbabasa pa akosa mga susunod..

    ReplyDelete
  40. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  41. Di ko matanggal last comment ko

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails