“tita, sa National Bookstore muna ako. Just text me when you’re done.” Nababagot na ako. Ilang oras na kami sa salon hindi pa rin ito natatapos. Dadalo kasi sa isang party kaya nagpaganda ang matandang dalaga. Escort na naman ako. Ang dati kong mahabang buhok ngayon ay crew cut na. Sabi kasi ng tita, “anton, tikbalang ka na.” Sagot ko naman, “tita, uso ito.” Pumayag na ako para wala ng gulo. Muntik na akong makalbo, di pa rin ito tapos. Sumibat na ako bago pa nakatango ang titang kinulapulan ng mudpack ang mukha. Nasa page 21 na ako ng The Persian Boy nang ako’y mabangga.“sorry,” anang baritonong tinig. Ibinalik ko sa estante si mary Renault at yamot na tiningnan ang taong nakabangga.Matangkad ang lalaki. Nakaputing t-shirt na nagpatingkad sa kulay-tsokolate nitong balat. Pinilas ang mga manggas kaya litaw ang mamasel na baysep. May kaluwagan man gang t-shirt aninag ko pa rin ang magandang hubog ng kanyang katawan. Nakapaloob ang t-shirt sa kupasing maong na tila inihubog sa nagsuot, hulmado pati namimintog na ugat. Nisnis ito sa may bandang hita at mamimintana ang iilang nangungulot na balahibo. Putsa! ang Pogi ng gagong ito! Nasamyo ko ang pabango ng lalaki at tila ako’y nahirapang huminga. Ang lamig ng buga ng aircon, pinagpapawisan ako. Tinanggal ng lalaki ang suot na shades at nakangiting ililahad ang isang palad.
“i’m mark.” Napatanga ako. Nangingining na iniabot ang palad na nakalahad.“a-anton.” Buti’t di kumulot ang boses ko.“nice name,” ang sabi at pinisil ng mahigpit ang aking palad. Tumitig siya ng malagkit at sinabi sa pinahinang tinig, “can we go somewhere private?” hello?! May pagkapresko pala ito!“a...eh,” tumunog ang cellphone ko. Si tita! Nakalimutan ko! “m-may kasama ako....”“oh!” naglamlam ang kanyang mga mata. “Can i have your number then?”“sure.” At idinikta ko sa kanya ang aking numero.“i’ll call you,” pangako niya at pinisil na muli ang palad ko.“okay. I need to go.”“nice meeting you, anton.” Ngumiti itong muli at bantulot na binitiwan ang kamay kong hawak-hawak niya. Kumindat pa ito bago isinuot ang tinanggal na salaming itim. Iiling-iling, tumalikod na ako.“hey,” habol niya. “aren’t you gonna buy this?” sabay taas ng tangang aklat. Umiling ako.“wala akong dalang pera.” Lumabas na ako at tumungo kay tita. God! Tili ng aking isip. Nahihibang ka na juan Antonio!
* * *
Hibang ka, Paul Garces. Ano ba itong pinagsusulat mo? Tumigil muna sa pagsusulat si Pol at dinampot ang The Persian Boy sa kama. Nasa parte na siyang hahalikan na ni Alexander si Bagoas ng kumiriring ang telepono. Ibinaba niya ang aklat at dinampot ito.
“Hello?”
“Pol! Tulog ka na?”
“Red? No. Nagsusulat ako.”
“Oh. Did I Disturb you?”
“No , not really. Tumigil na ako.”
Dating kasintahan ni Pol si Red. Anim na taon silang di nagkita. Nagkabanggaan sa National Bookstore noong isang araw. Isinama kasing mag-grocery ng kanyang tita si Pol. Nabagot sa haba ng pilang tila lumilikaw na bituka kaya pumuntang bookstore para magpalipas-oras. Papalabas na si Pol nang mabangga ni Red.
“I still can’t believe it. It’s been –“
“Six years.”
“Don’t you think it’s fate?” Nagkabanggaan din sila ni Red noon sa National Bookstore kaya nagkakilala.
“Maybe. Kumusta na pala kayo ni –“
“Jeff? Matagal na kaming wala.”
“Ah. Do you still communicate?”
“Rarely. We’re both busy.”
“You’re still friends.”
“Yes. How about you?”
“What about me?”
“Had you found someone else?”
“Hahaha! Are you cross-examining me, Atty. Alvar?” Nabanggit kasi ni Red na siya’y abogado na.
“Hindi nga. Meron ba?”
“What’s it to you kung...wala?”
“So...puwede pa pala.”
“Pwedeng ano?”
Tumawa si Red ng mahina. “Secret.” Natahimik sila. Kapwa may naalala. Humugot si Red ng malalim na hininga.
“P-Pol...napatawadmonabaako?” Sabi na nga ba. “Hello?! Pol! Still there?”
“Yes,” tahimik niyang sagot. ”I’m still here. So ba’t napatawag ka?” Bumuntong-hininga ito. Nainitindihan na ni Red na ayaw itong pag-usapan ni Pol.
“Are you free tomorrow night?”
“Why?”
“I have two tickets for a concert sa Folk Arts.”
“Whose concert?”
“Madrigal and Philharmonic.”
“Ah....”
“So are you free?”
“Yes, I’m free.”
Lumawig ang kanilang usapan. Umabot ng madaling araw. Nalaman ni Pol na sa Makati nag-oopisina si Red. Na nakapagtrabaho sa PAO. Na nagtagal sila ni Jeff ng dalawang taon. Naghiwalay kasi parehong di naniniwala sa long-distance relationship. Nasa Amerika na si Jeff. Nalaman naman ni Red na sa Amerika na si Pol pagkagradweyt. Na nagging manunulat ito sa isang programang nasibak na. Na nalathala na rin. Na walang naka-relasyon dahil inuna ang karera.
“So paano?”
“I’ll see you there.”
“Around five? Early dinner. Then concert.”
“No problem.”
“It’s a date then.” Date?!
“Goodnight, Red.”
“Good night, Pol. And Pol –“
“Yes?”
“Dream of – err – sweet dreams.”
cute ng start pero masyado atang maikli. hehehe
ReplyDelete