Followers

Sunday, August 29, 2010

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan [30]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: gemtbox@yahoo.com
site: http://men4menphilippines.ning.com/

Author's Note:

Pasensya na po, hindi po kaya ng powers ko na mabuo ang ending sa part 30. Madami pa kasig ka-ek ekan na pumasok sa kukote ko. Kaya part 31 na lang po. Siguro naman ubos na ang utak ko noon at matapos na talaga sya - lol!

Pero huwag mag-alala dahil baka bukas o sa makalawa ay mayroon nang ending (part 31). Nagawa ko na po kasi siya, yung final moment na lang na madedo... ehehehe.

Gusto ko ring magpasalamat syempre sa mga bagong followers ko dito, babanggitin ko na lang ang names ninyo sa ending ng story baka sakaling may madagdag pa sa inyo, hehe.

Gusto ko ring banggitin ang ating administrator na si Newbie... Madami pong problema pa ang site at sana feedback lang po kayo. Sa shoutout po kayo magsulat ng feedback. But I think ang pinaka-common na prolema ay ang mabagal na pag load at iyong nawalang mga comments. Madami pong plano si newbie although iyong iba ay drastic... pero sana ay hindi naman maapektuhan ang convenience.

Gusto ko ring manawagan kay Enzo, sa ginawa niyang pa-contest re cover page ng "Tol... I Love You!". Salamat enzo. Balak ko kasing gawing book ito. Please coordinate with newbie para mabigyan ng isang page dito ang pacontest at magkalinawan na rin sa iba pang specifics at mechanics. Please email me. Gusto kong ang MSOB ang maglead sa pacontest, although you can post/advertise it sa fb mo o ninoman.

Para din doon sa interesadong sumali sa contest, please email me. Hanggang March pa po ito at may pa premyo po sa mapiling book cover layout/design - isang gabi with newbie or me - lol! Joke lang po. Shoes po ang papremyo straight from KSA!

---------------------------------------------------



Iyon ang huli kong natandaan. Kung gaano kabilis ang aking pagkaidlip sa loob ng kapilya, ay siya ding bilis na aking pagkagising sa lakas ng hiyaw na umalingawngaw sa buong kapilya na galing sa bibig ko. Nakatulog pala ako sa loob ng kapilya matapos magdasal gawa ng sobrang stress at pagod, at dahil hatinggabi ang oras na aking pagpupunta at pananalangin sa kapilya. May nagsabi kasi sa akin na kapag humiling ka ng isang bagay, hatinggabi kang manalangin, at gawin mo ito kada-hatinggabi.

Parang totoo ang lahat! Nakatatak pa sa isipan ko ang mga pangyayari. Nagsisigaw at naglupasay daw ako noong idiniklara ng duktor na patay na si kuya Rom.

Habol-habol ang paghinga, napatingin ako sa poon at tumulo uli ang luha ko. At bagamat nagpasalamat na panaginip lang pala ang lahat, nanalangin pa rin ako na huwag naman sanang ganoon ang mangyari kay kuya Rom. “Maawa po kayo sa akin. Maawa po kayo kay kuya Rom…” bulong ko.

At nagtatakbo na akong lumabas ng kapilya, tinumbok diretso ang ward kung saan nandoon si kuya Rom.

Habang binabaybay ko ang hallway, hindi ako magkamayaw sa sobrang kaba na baka magkatotoo ang eksena sa panaginip ko. At lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko noong nakita kong ang nagtatakbuhan ang dalawang nurse at isang duktor sa hallway patungo din sa direksyon ng ward ni kuya Rom, halos kapareha sa nangyari sa panaginip ko. Binilisan ko pa ang pagtakbo.

Halos magkasabay kami ng duktor at mga nurse na nakarating sa direksyon. Noong nasa pintuan na ako ng ward ni kuya Rom, natanggalan naman ng tinik ang dibdib ko noong sa katabing ward pala ang pakay nila. Narinig ko kaagad ang pagsisigaw at paglulupasay ng isang babae sa loob ng ward noong binuksan na ng duktor ang pinto. “Gabriel! Gabriel! Huwag mo kaming iwanan! Gabrielllllllllllllll!!”

Hindi ko maiwasang hindi maapektuhan sa naramdamang sakit ng babaeng nag-iiyak. Bagamat naibsan ang sariling pangamba para kay kuya Rom, matindi pa rin ang takot ko na baka doon din ang bagsak niya, at tutluyang hindi na kami magkita pang muli.

Dali-dali kong binuksan ang ward ni kuya. Nagulat naman ako noong makita si sa loob si Noel, himbing na himbing sa pagtulog ngunit tumabi sa paghiga kay kuya Rom sa kama.

Sa takot na baka makasama ito kay kuya Rom, ginising ko kaagad ang bata. “Tol… tol! Gising!!”

“K-kuya?” Ang naisagot niya, disoriented at bakat pa sa mga namumulang mata ang pagkagulat sa naantalang mahimbing na pagtulog.

“Bakit ka d’yan natulog? Naiipit mo si kuya Rom o…” ang sambit ko. “May higaan naman tayo dito sa kabilang kama…. Bakit d’yan ka nahiga? Atsaka iyang mga nakakabit sa kanya baka masagi mo, matanggal”

Kinukuskus ang mata niya, “E… narinig ko po kasing umungol si kuya kanina, kaya tinabihan ko. Kasi baka magising na siya, makikita niya kaagad ako.”

“Ha? Narinig mong umungol kamo si kuya Rom?” Biglang may naramdaman akong tuwa.

“Opo.”

“Ano pa ba ang narinig mo?”

“Wala na po. Sabi lang, ‘Uhhhhhhmmmmm!’ tapos, wala na.”

“Talaga tol… Sana. Magising na talaga siya ano!” ang masayang sabi ko.

“Gigising din siya kuya...” ang inosenteng sabi ni Noel.

Nginitian ko na lang si Noel sabay tingala, isiniksik sa isip ang napanaginipan ko sa kapilya. “Sana nga po… kabaligtaran ang napanaginipan ko, o di kaya, iyon na po iyong nangyari sa katabing ward.”

“O sya, tabi na tayo dito sa kama natin.” Ang sabi ko kay Noel.

Kinabukasan, nakarating sa amin ang balitang namatay na si Kris. Ipinarating ito sa amin ng isa sa mga nag-guwardiyang pulis sa kanya. Hindi daw nakayanan nito ang dulot na pinsala at kumplikasyong natamo sa tama ng bala sa kanyang internal organ. At bago ito mabawian ng buhay, nakapaghingi pa raw ito ng tawad sa mga nagawa niya sa amin.

Hindi na ako nagkumento pa. Ang sumiksik sa isip ko ay, “Kapag bumalik ang malay ni kuya Rom, saka ko pa siya mapapatawad. Ngunit kapag matuluyan si kuya Rom… wala akong kapatawarang ibibigay sa kanya!”

Galit pa ako sa kanya syempre. Habang nakikita ko si kuya Rom sa ganyang kalagayan, hindi nawawala sa akin ang galit. Paano ba naman, walang kasalanan si kuya Rom sa kanya. Siya ang puno’t dulo ng lahat ng problemang kinakaharap namin. Siya itong naghahabol kay kuya Rom, siya itong namimilit. At niloko pa nga niya si kuya noong sinabi niyang anak ni kuya Rom ang isinilang niya samantalang hindi naman… Manloloko siya. Kaya dapat lang na hindi ko siya mapapatawad hanggang hindi manumbalik ang malay ni kuya Rom.

At mistula namang sinagot ang nabanggit kong kundisyon sa pagpapatawad kay Kris. Sa hapon ding iyon, habang pinagmasdan kong maigi ang mukha ni kuya Rom at pinapatugtug ang paborito naming kanta, nakita ko ang marahang paggalaw ng mga takip-mata ni kuya Rom.

Isinampa ko kaagad ang katawan ko sa kama niya at hinaplos ang kanyang mukha. “Kuya… kuya… gising na kuya. Hinihintay ka namin. Na-miss ka na naming lahat.” ang sambit ko.

Habang nasa ganoon akong paghahaplos sa mukha niya, nakita ko ang dahan-dahang pagbukas ng kanyang mga mata. Sa buong buhay ko, iyon na yata ang pinakamagnadang tanawing nasaksihan ko.

Mukha ko ang unang nakita niya sa pagbalik ng kanyang malay. Sobrang saya ko sa pagkakataong iyon. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko habang tinitigan siya, pinagmasdan ang napaka-amo at nakakabighani niyang hitsura.

Akmang hahalikan ko na sana siya noong mapansing tila wala siyang reaksyon sa nakita sa akin. Tulala siya at disoriented habang inikot ng mga mata niya ang paligid ng kwarto.

Napahinto naman ako sa gagawin ko na sanang paglapat ng bibig ko sa kanyang mukha. “K-kuya???” ang naitanong ko.

“N-asaan ako? At s-sino ka?” ang mahinang tanong niyang hindi maitago-tago sa mukha ang matinding pagkalito.

Sa narinig, pakiramdam ko ay may matigas na bagay na humampas sa aking ulo.

“K-kuya??? Nandito ka sa ospital… At ako si Jason. K-kapatid mo.”

“O-ospital? K-kapatid?”

“Opo…”

“H-hindi ko matandaan…” ang sabi niyang bakas pa rin sa mukha ang pagkalito.

“Kuya… binaril ka ni Kris! Hinostage tayo! At nabagok ang ulo mo sa semento! Kuya naman eh…” sagot kong tumaas na ang boses gawa nang hindi pa rin niya pagkaintindi sa mga sinabi ko.

Napahinto siya. Nakatutok ang mga mata sa kisame, tulala. “H-hindi ko talaga matandaan… Ano nga uli pangalan mo?”

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig niyang mga tanong at sa kalagayang hindi niya makuha-kuha ang mga sinabi ko sa kanya. Iniisip ko na lang na may kinalaman iyon sa pagkabagok ng kanyang ulo sa semento.

At dahil hindi pa rin siya umumik, ikinuwento ko na sa kanya ang buong pangyayari kung bakit siya napunta ng ospital, ang pagka-unconsious niya ng ilang araw, at ang tama niya sa balikat.

Ngunit wala pa rin siyang natandaan. Ang masaklap ay pati pangalan niya ay hindi rin niya alam.

“R-romwel ba kamo ang pangalan ko?”

“Opo kuya. Romwel Iglesias po ang kumpleto mong pangalan…”

Kitang-kita pa rin sa mukha niya ang ibayong pagkalito.

At muli, ikinuwento ko kung paano kami nagkakilala, ang pagsasama namin sa volleyball team, ang pagkamatay ng tunay niyang inay, hanggang sa inadopt na siya ng mga magulang ko.

Ngunit hindi ko na muna ikinuwento ang mga namagitan sa amin. Sa nasaksihang pagkalimot niya, may gumapang na takot na baka lalo lang magpalala sa kanyang kundisyon.

At iyon ang masaklap na parte. Hindi ko na nga masabi-sabi ang mga bagay tungkol sa amin, hindi pa niya ako kilala. Pakiramdam ko, ibang tao siya at nagsimula na naman sa wala ang aming relasyon…

Tinawag ko ang duktor at napag-alaman kong “retrograde amnesia” daw ang nangyari kay kuya at total memory ang nawala sa kanyang alaala; mga historical na information memory na naka-store sa utak niya, kasama na doon ang mga detalye sa pagkatao niya at sa mga taong mahal at nakasalamuha niya. Walang makapagsabi kung babalik pa ang dating memory niya.

Bagamat ganoon ang nangyari kay kuya, may dulot pa rin itong saya sa lahat ng mga kaibigan at mga nagmamahal sa kanya. Kasi, buhay pa nga siya.

Subalit, iba ang nararamdaman ko. Para sa akin, buhay nga si kuya ngunit sabay sa pagbalik ng malay niya, nailibing din ang aming pagmamahalan. Pakiramdam ko, ibang-iba siya, nagbago ang kanyang persona, ugali, pakikitungo… Hindi na siya ang kuya Rom na inibig ko at iniibig ako.

Lahat ng mga kaibigan namin ay dumalaw din at tumulong upang manumbalik ang ala-ala ni kuya Rom. Sina kuya Paul Jake, Shane, Julius, mga kasamahan namin sa volleyball team, mga dating ka-klase, pati na ang ibang mga nagtatrabaho at kasosyo sa negosyo ni papa na naging kadikit na rin niya. Subalit iisa ang kanilang kumento: wala na talagang matandaan pa si kuya Rom tungkol sa kanila.

Noong makauwi na si kuya Rom ng bahay, ni-request ko kay mama na sa kuwarto ko siya titira upang kahit papaano ay maalagaan ko siya, mabantayan, at matulungang ipaala-ala ang mga nakaran.

Inako ko na talaga ang responsibilidad na mag-alaga sa kanya. Sa pag-uwi ni kuya Rom sa bahay, ako na ang pumili ng kanyang damit na isusuot sa biyahe, brief, t-shirt, pantalon...

Naalala ko tuloy noong magkasama pa kami sa mga lakad na malayo, siya ang nanghahalungkat ng mga gamit ko na babaunin namin. Siya ang maglalagay nito sa iisang bag kukng saan nandoon din ang mga damit at gamit niya. At siya na rin ang pipili kung ano ang susuotin kong damit.

“Iyan ang isuot mo. Bagay iyan sa iyo”

“Ayoko nito kuya, ampangit-pangit eh!”

“Anong pangit? Ok yan. Yan ang isuot mo, wala nang reklamo!”

Kaya wala akong magawa kundi ag isuot ko ang gusto niyang suoting ko.

At siya palagi ang nasusunod. Ganoon din ang sa kanya. Ako ang magsasabi kung ano ang susuotin niya. Kasi kapag pumalag siya, huhubarin ko ang sinabi niyang isuot ko.

Kaming dalawa lang ang nasa loob ng ward noong unang isinuot niya ang brief. Noong napansin niyang nakatutok ang mga mata ko sa pagbihis niya, bigla siyang pumasok sa bathroom at doon ipnagpatuloy ang pagsuot ng kanyang mga damit. Syempre, naninibago ako. Hindi naman kasi ganoon si kuya Rom. Kapag ganoong nagbibihis at alam niyang nanonood ako, proud na proud iyon na ibandera ang kanyang pagkalalaki sa harap ko. Nanunukso ba…

Pero sa pagkakataong iyon na pumasok pa siya ng bathroom upang magbihis, isiniksik ko na lang sa isip na hindi naman niya kasi naalala na noong mahal pa niya ako, walang parte ng kanyang katawan na hindi ko kabisado. At ganoon din siya sa akin. Kaya, hinayaan ko na lang. “Sa simula lang iyan” bulong ko sa sarili.

Noong nakalabas na siya ng bathroom at bihis na bihis na, di maiwasang mapahanga ako sa nakita sa kanya. Napaka-guwapo pa rin niya bagamat pumayat siya ng kaunti. Nandoon pa rin ang ganda ng kanyang mga mata, ang mga mapupulang labi, ang makinis at nakakabighaning mukha, ang makakapal na kilay, ang makakapal medyo kulot na buhok na noon ay humaba na… At syempre, ang lalong nagpatingkad sa angkin niyang kakisigan ay ang hunk na hunk niyang katawan. Mistula siyang isang greek god ng kaguwapuhan. Naka-semi-body fit na puting t-shirt na may blue at yellow stripes sa balikat, bakat na bakat ang matipuno niyang dibdib at malapad na balikat na pababa naman sa 29 insches niyang baywang at ang walang kataba-tabang tiyan. Itim na faded jeans naman ang pantalon niya. At sa tindig na 6’1, mistula siyang isang modelo na kalalabas pa lang patungo sa rampa.

“Ang guwapo talaga ng kuya ko!” sambit ko.

Binitiwan naman kaagad niya ang pamatay niyang ngiti. Nagsusumigaw ang damdamin kong yakapin siya at siilin ng halik ang mga labi. Ngunit hindi ko magawa ito. Isang ngiti lang ang isinukli ko sa kanyang binitiwang ngiti.

Habang umaandar ang sasakyan pabalik ng bahay, tahimik lang siyang nagmamasid sa paligid at sa dinadaanan. Ipinakilala ko sa kanya ang aming driver at mistula naman siyang isang bisitang ngiting-respeto lang ang binitiwan.

Noong makarating na kami ng bahay, ang unang ginawa ko ay ang ipatugtog ang kanta namin. Para siyang isang batang akay-akay ko upang paupuin sa sofa ng music corner. Habang tumutugtog ang kanta, sinabi ko sa kanyang iyon ang paborito naming pareho.

“T-talaga?” ang sagot lang niya na parang wala lang, hindi naaprecite ang kanta.

Kumuha ako ng beer at umiinom. Iniabot ko rin sa kanya ang isang bote ng beer. Tahimik niyang ininum ito. Habang nasa ganong ayos siyang nakaupo at tinungga ang laman ng bote ng beer, hindi ko naman maiwasan ang titigan siya.

“Bakit ganyan ka kung makatitig sa akin?” ang tanog niya noong mapansin ang titig ko.

“W-wala… wala kuya.” Ang naisagot ko na lang.

Noong una, ok pa naman ang samahan namin. Dahil sa napansin kong naiilang siya sa akin, ako ang nag-iinitiate at nauunang mangungulit sa kanya. Kagaya nang isang beses na nakaupo lang siya sa harap ng TV, nakatutuk ang mga mata sa monitor ngunit malalim ang iniisip. Nilapitan ko at pabiglang ginulo ang buhok niya at palarong hinahablot-hablot ito. Sa pagkabigla, napa “Arekopppp…!” siya at tiningnan ako na dumestansya ng kaunti, pinagmasdan ang kanyang reaksyon.

Noong tinitigan niya ako na bakat sa mga mata ang pagkalito sa inasta ko at mistulang nagtatanong kung para saan iyong ginawa ko sa kanya, dinilaan ko naman siya. “Beeee!”

Syempre, nainis iyong tao kaya’t hinabol niya ako. Naghabulan kami sa loob ng kwarto hanggang sa humantong ito sa ibabaw ng aking kama. Dinaganan na niya ang katawan ko, hinablot-hablot din niya ang buhok ko sabay pag-uuumpog nito sa kutson. “O… lalaban ka pa? Ha?!” sigaw niya.

Ngunit iba ang nakikita ko sa kanya. Parang may inis o galit siya sa ginawa ko. Dati kasi, kapag ganoong dadaganan na niya ang katawan ko, hindi na niya ako pakakawalan niyan hanggang sa may mangyari. Tititigan niyan ang mukha ko na para bang lalamunin ako ng buo, bibitiwan ang isang ngiting nakakaloko at sasabihing, “Cute talaga ng bunso ko…” o kaya ay, “Teana! Tinitigasan ako!” at pagkatapos, syempre, magpupumiglas na ako kunyari, at pupwersahin na niya ako upang mangyari ang gusto niya. At kapag nagagalit talaga ako, pupungay naman ang mga mata niya at magmamakaawa sa akin na pumayag na… Kumbaga, by hook or by crook kukuhanin niya ang gusto niya sa akin; santong paspasan, o sa santong dasalan. At pagkatapos maisagawa niya ang gusto niya, ipagluluto naman niya ako sa paborito kong pagkain, o di kaya, yayayayin ako sa music corner at habang magkatabi kaming uupo at kakantahin ang aming paboritong kanta, yayakapin niya ako at lalambingin, kahit hubo’t-hubad pa kaming pareho.

Ngunit iba ang napansin ko sa kanya. Nawala na ang dating pagka agresibo niya, ang interest at concern niya sa akin… Parang napaka-dry niya, at pakiramdam ko ay ibang tao siya.

May isang beses din habang nakahiga lang siya sa kama. Hindi na siya naghuhubad ng damit kagaya ng dati na naka-boxers shorts lang kaming dalawa kapag nasa kuwarto. Bigla akong tumabi at pagkatapos ay idinantay ang isa kong paa sa tiyan niya. Parang napahiya naman ako dahil hindi man lang siya nag-react, hindi nagsalita, hindi gumalaw. Hinayaan lang ang aking paa na nakapatong doon. At maya-maya lang, tinanggal din niya ito, biglang bumalikwas at iniwanan ako sa kama. Para naman akong natulala at ang naitanong sa isip ay, “Ano iyon?”

Pero, inintindi ko na rin siya, dahil alam ko naman na may karamdaman iyong tao e. At ginawa ko talaga ang lahat upang maibalik ang dati naming samahan.

Ipinakita ko rin ang lahat ng mga ibinigay niya sa akin kagaya ng white gold na singsing, ang gold na bracelet, ang mga rosas na pinatuyo at tinupi ko, ang mga litrato namin. At noong makita niya ang isang litrato na pinakatago-tago ko, iyong niyakap ko siya at hinalikan sa bibig, tinitigan niyang maigi ito tapos nagtanong, “Naghahalikan ba talaga tayo sa bibig?” ang mukha ay halatang gulat na gulat at nandidiri.

Pakiramdam ko naman ay sinampal ako ng maraming beses sa tanong niyang iyon. Namumula ang mukha ko, nag-init ang tainga, hindi makapagsalita. “Ah… akin na iyan kuya, wala iyan!” ang nasabi ko na lang.

Alam ko tumatak sa isip niya ang eksenang iyon na naghalikan kami.

Simula noon, pakiramdam ko ay dumedestansya na siya sa akin. Kapag nagtabi kami sa pagtulog, umuusog siya palayo sa akin. Syempre, hindi naman ako manhid upang hindi maramdaman ang mga kakaibang kilos niya. Kapag naliligo siya sa banyo, inila-lock niya ito. Noong unang paligo nga niya sa banyo ko at akala ko ay ok lang na pumasok ako para sana ay makisabay, bigla ba naman niyang pinatay ang shower, hinablot ang tuwalya, itinapis iyon sabay tanong sa akin, “Bakit hindi mo ako hinintay na matapos?”

Sa sobrang pagkapahiya ko, lumabas na lang ako ng kwarto at doon nagmukmuk sa sala.

Hanggang sa isang araw, nagsabi na lang siya sa akin na lilipat na raw siya sa kwarto niya. Nagtanong pala ito kay mama kung may kuwarto ba siya dati at bagamat sinagot siya ni mama na mayroon, sinabi din ni mama na doon naman talaga siya natutulog sa kwarto ko dahil gusto ko ng kasama at dati, siya rin ang may gustong samahan ako.

Pero nagpumilit pa rin siyang lumipat sa kuwarto niya. Ano pa ba ang magagawa ko kundi ang magpaubaya.

Noong makalipat na siya ng kwarto, parang wala na rin siyang pakialam sa akin, o sa amin. Natuto nang lumalabas na nag-iisa, may mga tumatawag na mga babae sa kanya sa landline at isang beses, nagdala talaga babae sa bahay at ipinakilala pa sa amin na girfriend daw niya. Sobrang sweet pa nila at ang babae naman ay dikit ng dikit sa kanya. Naalala ko na naman si Kris. Parang ganoong klaseng babae ang dinala niya sa bahay. Syempre, sobrang sakit noon. Kasi ba naman, baka mabuntis na namn ang babae at magyaya itong pakasalan siya. Paano na lang ako?

Pati sa mga anak niya ay may kulang ang ipinapakita niyang pag-aaruga sa mga ito. Ipinaubaya ang lahat sa mga yaya at halos hindi man lang siya lumalapit sa kanila o tingnan kung ok ba, may gatas ba.

Wala... ibang-iba siya sa kuya Rom na nakilala ko. Bagong buhay, bagong pagkatao, bagong pag-uugali, bago lahat, maliban na lang sa katawan.

Kahit sa mga outing ng pamilya namin, may mga pagkakataong hindi siya sumasama kasi daw may lakad, o may ibang gagawin kahit wala naman, matutulog o magmumukmok lang sa kwarto niya o kaya ay maggagala. Talagang nag-iba ang pagkatao niya…

Parang gusto ko siyang kausapin. Ngunit hindi ko kaya. Kasi ba naman, ano pa ang silbi kung makipag-usap ako sa kanya ngunit wala din namang epekto ito gawa nang iba na ang pagkatao niya, iba na ang pag-isip niya, at hindi ko na alam ang laman ng puso niya. Iyon bang natatakot akong masaktan, harapin ang katotohonanang wala nang pag-asang magkabalikan pa kami. Parang hindi ko kayang pagsabihian ako na, “Hindi kita mahal!” o kaya “Wala akong naramdaman para sa iyo!”

Mistulang may naghihilahan sa loob ng aking isipan; ang isa ay ang tatanggapin na lang ang lahat at ang isa ay nagmamatigas ngunit wala namang lakas na kumausap sa kanya at maghanap ng paraan upang maangkin muli ang kanyang puso.

Minsan nag-beach kami ng mama ko at si Noel. Habang si mama at ang mga apo niya at mga yaya ay nasa cottage, lumabas kami ni Noel sa aplaya. Habang naglalaro si Noel sa buhanginan nakaupo naman ako paharap sa dagat at napako ang tingin sa kawalan, malalim ang iniisip, maraming tanong na bumabagabag. Iyon bang mga tanong na, “Bakit ako naging ganito? Bakit ako pa? Bakit ibinigay sa akin si kuya Rom tapos, babawiin lang pala sa akin? Bakit sobrang sakit ang naranasan ko sa buhay? Bakit may mga taong kagaya ko? Paano ko malimutn si kuya Rom? Ano ang dapat kong gawin upang malimutan ko siya; upang hindi ako masaktan? Wala ba akong karapatang lumigaya?”

Pumatak ang mga luha ko sa buhangin na halos hindi ko napansin.

Nasa ganoon kalalim ang aking pag-iisip noong napansin ko si Noel na naglalaro ng buhangin at sa harap ko lang pala. Gumawa siya ng maliit na hukay at pagkatapos ay kumuha ng tubig sa dagat gamit lang ang kangyang palad at ibinuhos niya ito sa kanyang ginawang maliit na hukay. Pagkatapos, mabilis din siyang tumakbo sa dagat na parang hinahabol at kumuha ng tubig at muli, ibinuhos ito sa maliit na hukay na naubusan na ring laman dahil sa tumagos ang mga ito sa buhangin.

Parang nagpapansin siya sa akin.

Syempre, napansin ko at nagtaka ako sa ginawa niya. At habang pinagmasdan ako ang pabalik-balik niyang ginawa, napaisip ako.

“Tol… ano yang ginagawa mo?” sigaw ko sa kanya.

“Ilalagay ko dito sa hinukay ko ang lahat ng tubig sa dagat!” sagot niya.

Pakiramdam ko ay matatawa na ako sa sagot niya. “Ha??? Paano mangyari iyon, e… napakalaki ng dagat at napakaliit ng hukay mo? Akala ko ba matalino ka?” ang sarcastic kong parinig.

Tinitigan niya ako ng maigi, ang mga mata ay mistulang nagtatanong. “Kuya… di ba ganyan din naman ang gusto mong mangyari?”

“Ha?” ang gulat kong sagot. “Bakit mo naman nasabi iyan?”

“Madami ka pong iniisip at tinatanong. Hindi kayang saklawin ng iyong pag-iisip ang lahat ng kasagutan sa bawat tanong mo sa mundo.”

Para akong binatukan sa narinig. “Ha?!! At saan mo naman napulot iyan?”

“Wala lang. Kasi, marami din akong tanong dati eh. At naisip ko na ang liit pala ng alam ko kumpara sa kaalaman ng gumawa ng mundo. Di ba kuya? Sino ba ang gumawa ng mundo? Sino ba ang gumawa ng buhay? Kaya mo bang ilagay sa ulo mo ang mga nasa isip niya? Kaya bang ilagay sa maliit na hukay ang lahat ng tubig sa karagatan?”

Natulala naman ako sa narinig kay Noel, hindi makasagot. Ang buong akala ko ay simpleng laro lang ang ginawa niya.

“Kaya kuya, huwag mo nang hanapin pa ang mga sagot sa tanong mo kasi kusang susulpot na lang ang mga to. Kagaya ko, noong namatay ang nanay at nag-iisa na lang sa kalsada, tinatanong ko kung bakit kinuha ang nanay ko sa akin. Siya lang ang nag-iisang nagmahal sa akin, siya lang ang pamilya ko. Wala namang nakasagot sa mga tanong ko. Hinayaanko na lang. At isang araw, dumating ka, at heto na ako ngayon. May pamilya na, may mga kuya, hindi na nag-iisa. Naintindihan ko na ang lahat…”

Mistula akong abusalan sa narinig at nakatitig na lang kay Noel. Nagulat, namesmerismo, napahanga. “Napakatalinong bata nito!” Ang nasambit sa sarili. “Halika nga rito!” sambit ko sa kanya. At noong makalapit na, “Anghel ka talaga ng buhay ko.” Niyakap at hinalikan ko siya sa pisngi. “Mwah!”

“Hintayin mo na lang ang sagot kuya.” Dugtong niya.

Tumango na lang ako, hinahaplos-haplos ang buhok niya.

“Tama nga naman si Noel. Bakit ko ba pahirapan ang sarili ko? Kung nakatadhana para sa akin ang isang tao, pasasaan ba’t sa akin din ang bagsak niya. At kung sakaling hindi man, hindi rin hihinto ang pag-ikot ng mundo; hindi hihinto ang pagtakbo ng aking buhay. Patuloy ang pagpintig ng aking puso at ang pagdaloy ng dugo sa aking mga kaugatan... Maaring masaktan o madurog ang aking damdamin ngunit iisipin kong normal lang ito dahil lahat ng nagmahal ay nasasaktan.” bulong ko sa sarili.

“Kuya… kausapin mo si kuya Rom please. Alam ko, magbabago siya para sa iyo, para sa atin.”

“Oo. Oo... At salamat tol... binuksan mo ang aking isip.” Ang naisagot ko.

At nabuo sa isip ko ang isang desisyon.

(Itutuloy)

4 comments:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails