Followers

Friday, August 20, 2010

Hirap Umamin

By: Senioritoaguas
blogspot: http://www.senioritoaguas.blogspot.com

AUTHOR'S NOTE:

Ang short sotry na ito ay ibinahagi sa atin ni senioritoaguas. Napakaseniorito talaga nitong ating kaibigan. Sinabihan ko na na i-post na dito sa MSOB ng diretso ang akda niya, ewan kung saan naggagala -lol!

Anyway, salamat sa iyo senioritoaguas! At i-promote ko din ang blogspot niya na nasa taas po, bisitahin ninyo din kasi may mga stories din siya dun.

Oo nga pala. magpasalamat din ako kay Alexander Cruz sa update ng "Inihaw... part 7"

Salamt Alex!!!"

-mikejuha-

-------------------------------

Minsan kanabang umibig? Yung pagibig na hindi mo ma express o masabi sa taong mahal mo dahil natatakot kang mawala siya?

Nasa salas si Christopher nakatulala habang pinakikinggan ang paboritong niyang love song

“hoy, kanina kapa nakatulala jan.. wag mong sabihing si marco nanaman ang dahilan niyan” pag gising ng ate marta niya sa kanya

“mahal rin kaya niya ako ate?”pagtatanung niya

“abay malay ko,bakit di mo siya tanungin?”

“baka pagsinabi ko lumayo siya saken”

Kababatang kaibigan ni christopher si marco,palagi silang magkasama simula pa nung bata sila, alam na alam nilang pareho ang gusto at di gusto ng isat isa ,sa madaling salita kilalang kilala na nila ang isat isa,mag kaibigan ang mama ni marco at ni christopher na isa narin sa dahilan kung bakit mas lalo silang napapalapit sa isat isa

“eh what if mahal Karin niya?”pagtatanung ni ate marta

“eh panu ate kung hindi?.. tapos malalaman niyang mahal ko siya … lalayo saken yun katulad ng ibang mga babae na kaklase namen nanagsabi ng damdamin sa kanya”

“hay nakow! Bahala ka jan ang nega mo!”

“ateeeeeeeeeee!!!!!!”

Pag sigaw ni christopher nito bigla namang may kumatok sa kanilang pintuan ,nang binuksan ni christopher yun ,si marco

“tol! bat ka nandito?”sarkastikong tanung niya

“bakit masama ba?, di pa ako nakakatapos gumawa ng assignment ih ,tulungan mo ko hehe”

“ay sige gumawa na muna kayo ng assignment nyo at ako ay nasa taas at mag aayos ng mga damit, di parin nakakagawa ng assignment niya yan si chris dahil kanina pang nakatunganga at nag mumukmok” at sabay akyat ng ate marta niya sa kanilang kwarto

“bat ka nag mumukmok?”pagtatanung ni marco

“trip ko.”pagsagot ni christopher

“wee?”

Sadyang makulit at pilyo itong si marco, matalino kung mag sisipag

Imbis na simulan na ang pag gawa ng assignment nilapitan ni marco ang cd player at pinakinggan ang kantang tumutugtog

“anung kanta to?”pagtatanung ni marco

“lucky by colbie caillat and jason mraz”pag sagot ni christopher

“ang pangit”pang aasar ni marco

“ikaw ang pangit!,ano ba! Sisimulan naba nateng ayusin tong assignment?”

“ready when you are”

“kanina pa ako ready ikaw lang ang hindi”

Natapos nila ang assignment pareho silang nagging serious sa pag gawa nito at nang matapos sila

“oh mag merienda muna kayo”sabi ng ate marta niya na may dalang tinapay at juice

“yehey merienda”sabay dampot ni marco ng tinapay

“takaw mo talaga”

“ikaw rin ih,tingnan mo oh may mayonnaise kapa sa labi mo”sabay tawa ni marco

“hmp!”

Puros tawanan at asaran ang nangyare habang nakain sila napaka sayang oras para kay Christopher, hiram na oras para makasama ang kanyang matalik na kaibigan na siya naring minamahal

Ngunit ng oras na para umuwi si marco

“bye bhestfriend!.. bukas sabay uli tayo sa pagpasok”sabi ni marco at nag bigay ng isang ngiting napakatamis

“oo na!... sunduin mo ko ditto ah!”

“okay.. bat namumula ka?”pagtatanung ni marco

“ha? Mainit kasi “pag sisinungaling niya

“ahh ok ,bye…”sabay talikod ni marco

Pero maya maya bigla itong tumigil at humarap muli sa kanya

“ah tol!... pakis nga bago ako umuwe ng bahay”sabay ngiti isang ngiting nakakaloko!

“loko loko ka talaga! Umuwi kana nga!”

“opo ito na po ..”at umalis na nga si marco

Kinabukasan maagang dumating si marco sa bahay nila katulad ng inaasahan susunduin siya nito ang pogi nito sa suot na putting polo at navy blue na pants

“tara na?”sabi ni christopher na daladala na ang kaniyang gamit
At ang food nilang dalawa para mamaya sa recess

Si christopher ang nagluluto ng pagkain nilang dalawa at sabay rin silang pumapasok

“tara na!”

Maaga pa kaya naisipan nilang dalawa ng mag lakad na lamang,habang nasa daan
Tahimik silang dalawa

“ahh chris”pagbasag ni marco sa katahimikan

“bakit?”sabi ni christopher habang inaayos ang kanyang bag

Hinawakan ni marco ang balikat ni christopher at hinarap sa kanya

“bakit ba!... para kang tanga ah! Ang aga aga nangtitrip ka”

“ MAHAL KITA!”

Nabigla man si christopher sa narinig pero parang napaka gandang musica sa pandinig niya ang boses ni marco habang sinasabi ang mga salitang yon

“kahit na di mo ko mahalin o kahit ayaw mo saken ok lang, basta nasabi ko alng sayo na mahal kita,, chris please wag mo kong layuan dahil sa alam mong mahal kita di ko kakayanin kapag nawala ka saken”yakap yakap ni marco si christopher habang sinasabi niya ang mga salitang ito

pagkakalas ng kanilang yakapan kunurot ni christopher ang ilong ni marco

“tara na nga! Pumasok na tayo” sabay pagpatuloy sa pag lakad na napakalaki ng ngiti sa kanyang mga labi

“teka!... mahal mo rin ba ako?”pagtatanung ni marco

Di sumasagot si christopher

“hoy!”

“pwde kang manligaw”sabay dila ni christopher

(Itutuloy)

18 comments:

  1. Wow! :D
    Cute cute hehehe.
    Kaabang-abang na naman na kuwento!

    More please :D

    ReplyDelete
  2. ganda sana ng kwento.. kaso nabasa ko yung napakagandang salitang "wakas".. kainis...

    -raven

    ReplyDelete
  3. ganda sana kaso wakas na.. kakabitin...

    parequest naman jan kuya mike.

    paki tuloy yung kwento.. hehe

    thanks..

    mga.lahi.ni.eban@gmail.com

    ReplyDelete
  4. ang dameng na bitin!!! hahahahaahah yaan nyo po ,kuya mike pakitanggal yung wakas !!!!XD hahahahaha lol ,dugtungan ko para sainyo XD hindi pwdeng mabitin at di masayahan ang mga readers dahil ang pinaka importante dito ay ang entertainment nyo :)

    kuya mikeee pakitanggal yung wakas!! XD hahahaha

    ReplyDelete
  5. hmpt! napakasenyorito talaga nitong si agua. Ang dapat tawag dito ay senyorito bendito.

    Sinabihan na na i-accept yung invitation ko na maging co-contributor dito eh hindi pa rin inaccept. Ako tuloy nauutusan... :-(

    "Opo! Tapos na po sinyorito! Tinanggal ko na at nilagyan ng itutuloy! Hmpt!"

    Nyahahahaha! Sarap pala ng feeling kapag may inaaway ka dito sa net. Gagawin ko nga ito paminsan-minsan. Ehehehehe!

    ReplyDelete
  6. hahaha! natawa ako sa comment ni drooling, "Kainis!"

    Oo kainis talaga yang si senyorito agua! lol!

    ReplyDelete
  7. asan ba yung invite na yun kuya mike? hahahaha di ko makita hahahahaha

    ReplyDelete
  8. waaaaaaaaahhh,,,,ang ganda ah...tsk...nakakatuwa...

    ReplyDelete
  9. haha nakakatawa ung stream nang comments...

    @agua: tuloy mo :D mukang maganda...

    ReplyDelete
  10. agua!

    nasa inbox ng email mo... tingnan mo. o baka nasa junk ng emails mo check mo! hmpt!

    :-)

    ReplyDelete
  11. ok na kuya mike XD hhahahaha yehey distributor na ako hahahaahah

    ReplyDelete
  12. mabuti...hindi siya ikinahiya ng bestfriend niya...

    ReplyDelete
  13. ano bah 2 wakas na kaagad

    ReplyDelete
  14. anu ba 2 oo nga wakas na agad amf bitin sobra T_T pero good story cute cute gusto ko ^_^

    ReplyDelete
  15. ehehehe ang daming violent reactions. Nakakatawa. Just goes to show na patok ang istorya. Keep it going!

    ReplyDelete
  16. hehe ang cute ng kwento tsaka bitin!.. hehe
    more! more! :)

    ReplyDelete
  17. wowwwwwwwwww
    sweet naman ang cute ng story na ito, ngaun lng me nkabasa ng ganito at n cu cutetan tlaga q dito...
    thanks agua...(feeling close)

    ReplyDelete
  18. ang cute ng story!!Hahaha gaya-gaya!!!
    hindi cute kasi talaga patweetums epek may mild sweetness at kakaibang kilig factor ang maikling kwentong ito at dahil itutuloy nasaan na yung kasunod????hahaha

    asan na????

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails