Followers

Saturday, August 7, 2010

Si Alexis At Si Mario [2: Last Part]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

AUTHOR'S NOTE:

Isa sa pinakapaborito kong kinakanta kapag nagbivideoke (mga kaibigan o mahal sa buhay) ay ang kantang "The Last Leaf". Napansin ng isa kong kaibigan ang pagkahilig ko sa kantang ito at naikuwento niya sa akin na may estorya daw ito na ganoon din ang pamagat.

Ikinuwento niya ang isang taong nagkasakit nga at habang palubha nang palubha ang kanyang kalagayan, sinasabi niya sa isang kaibigang pintor na mahuhulog na daw ang huling dahon sa sanga sa kanyang bintana at mamamatay na din daw siya. Ngunit dahil pintor, ang ginawa niya ay iguhit ang dahon para hindi ito malaglag sa paningin ng kaibigan upang lakasan pa ang loob nito. At gumaling nga ang bata (ba?) at doon niya nadiskubreng drawing na lang pala ang dahon at ang pinto na kaibigan ay naunang namatay....

Nagustuhan ko ang tema sa "Last Leaf" na kwento kaya ginawan ko din ng version ito na ang tema ay m2m. Sa baba nitong gawa ko ay nanjan ang original version na English by O. Henry.

Kayo na po ang magjudge kung ano ang mga kaibahan. Ginawa ko po ang kwento na hindi nabasa ang original, kung paano ito inilahad, kung paano ang central focus ng kwento, kung anong mga linya ang binitiwan ng mga characters ng English version, kung ano pa ang mga twists na inilagay, at ang transitions ng mga events and scenes.

I don't mean to copy. Makaiba po ang dalawang kuwento na ito bagamat the whole thing boiled down to that "last leaf" scenario, na hindi akin.

-Mikejuha-

---------------------------------------------

Hindi ko alam kung paano sila harapin. Ikaw ba, ang taong minahal mo ng patago, tas heto, bigla na lang ipakilala sa iyo ang mahal niya, kaya mo kayang harapin sila nang nakangiti? Sobrang sakit kaya.

Pinilit ko naman ang sarili. Nagsusumigaw ang isip ko na kumilos ng natural at ipamalas ang ngiti at saya sa mukha upang hindi nila mapansing nagdurugo ang aking puso. Ngunit hindi ko rin ito nakayanan. Sa nakita sa kanilang parang ang saya-saya nila at in love na in love sa isa’t-isa, mistulang tinadtad sa sakit ang aking puso sa nakita at ramdam kong nangingilid na ang mga luha sa aking mga mata.. Kaya dali-dali na lang akong tumalikod at nag-alibi na may gagawin pa sa bahay. Sa pagtalikod na pagtalikod ko kaagad, kusang pumatak ang aking mga luha.

Sa pag-uwi ko, dumeretso kaagad ako sa kwarto, nag-iiyak. Hindi nabubura ang larawan sa aking isipan ang eksena kung saan ipinakilala ni Mario sa akin ang kanyang girlfriend at ang kasiyahang tila walang pagsidlang sa kanyang mukha habang naghoholding hands sila. Parang nang-iinggit ba...

Masakit, sobra. Kasi, iyon pa ang unang pagkakataong naranasan ang ganoon katinding naramdaman para sa isang tao at nagkataon pa na kapwa ko lalaki siya, best friend ko, at alam kong hindi ako ang taong puwede niyang mahalin. As in… pangarap na lang talaga siya para sa akin.

Habang nasa ganoon akong page-emote, napansin ko naman ang sanga ni Alexis sa bintana na mistulang nakadungaw sa akin, inuguy-ugoy ng hangin at tila kumakaway sa akin.

Bumaba ako ng kuwarto at sa ilalim ng lilim ni Alexis, doon naupo, kinakausap siya at ipinalabas ang lahat ng hinaing at hinanakit ko sa tagpong iyon.

“Alam mo, Alexis, ansakit pala kapag nagmahal ka na nga ng patago, nakikita mo pa siyang may mahal nang iba… Bakit kaya ganito ang nangyari sa akin? Marami namang babaeng nagkakagusto sa akin pero siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Sana… naging katulad mo na lang akong kahoy. Kasi, parang simple lang ang buhay mo. Hindi kailangang magpapanggap, hindi kailangang maghanap ng pagamamahal. Siguro ang sarap ng kalagayan mo. Bagamat hindi mo nakikita ang sa banda pa roon, mas maigi na iyon kasi, napag-isip-isip ko na kapag lalong lumalawak ang mundo ng isang tao, lalo ring naging kumplikado ang buhay niya. Kagaya ko, nakita ko si Mario. Ngunit malawak din ang mundo niya. Nakita niya si Tess at nagmahalan sila. Hindi na niya ako napapansin. Sana kung hanggang dito lang ang mundong saklaw ko, simple lang din sana ang kaligayahan ko. Hindi ko na kalinagan maghangad pa ng kaligayahang hindi naman kayang ibigay sa akin ng ibang tao…” ang bulong ko sa punong si Alexis.

Nasa ganoon akong pakikipag-usap noong may makita aking basag na salamin sa lupa. At ewan ko ba ngunit misutlang may bumulong sa akin na iukit ang naramdaman ko sa katawan ni Alexis. Hawak-hawak ang basag na salamin, inukit ko ang dalawang puso; ang maliit na bahagi ng isang puso ay natakpan ng isa. Inukit ko rin ang pangalan ko sa loob ng isang puso kung saan may nakatusok na sibat.

Habang inukit ko ang aking pangalan, bigla ring tumagos ang dugo sa aking kamay. “Awtsss!” sigaw ko sa sarili. Nasugatan na pala ako. Ngunit ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-ukit kahit na may dugong tumatagos galing sa aking kamay. Tumagos ang dugo patawid sa gamit kong basag na salamin papunta sa pusong inukit at dumaloy ito sa mismong inukit na tumamang sibat dito na parang tunay na nagdurugo nga ang pusong may pangalan ko. Dahil dito, pinatulo ko pa nang pinatulo ang dugo galing sa mga kamay ko papunta sa puso na inukit ko.

Nagmukhang makatotohanan ito. At tunay ko pang dugo ang tumagas mula sa tama ng sibat. Parang isang simbolismo sa tindi ng sakit na totoong nararamdaman ko.

Bagamat patuloy na nagdurugo ang aking sugat, tinapos ko pa rin ang pagukit sa pangalawang puso. At noong matapos ito, sinadyang hindi ko nilagyan ng pangalan. Syempre, hindi dapat malaman ni Mario na mahal ko siya. At walang sibat na nakatusok sa puso niya. Alam ko naman kasi na masaya siya at hindi rin naman siya natamaan ng sibat ng pagmamahal para sa akin. Ang sibat kasi ay isang simbolo ng “pagtama” o pagdapo sa puso ng isang tao ng pagmamahal. Kumbaga, kapag natamaan ka ng sibat ni kupido, saka mo maramdaman ang pagmamahal para sa isang tao.

“Ikaw lang ang nakakaalam kung anong pangalan niyan… Sikreto natin iyan ha?” ang bulong ko kay Alexis.

Sa sumunod naming pagkikita ni Mario, tinatanong ko siya tungkol sa girlfriend niya. Ngunit lalo lang akong nasaktan dahil hindi niya sinasagot ang mga tanong ko. Para kasing gusto niyang itago sa akin ang kanilang mga masasayang sandali, mga plano, o lakad. At… hindi ako kasali. Hindi ko alam kung bakit. May malaking katanungan man sa isip ko, ngunit kinimkim ko na lang ang lahat. Sabi ko na lang sa sarili na ganyan nga talaga siguro, kapag ang best friend mo ay nakatagpo na ng babaeng kaniyang mamahalin. Naa out-of-place ka na, hindi mo na siya naiintindihan… nagbabago na siya. Kaya dapat, intindihin ko na lang.

Isang araw, dinala ko si Mario sa bahay at sa paborito naming upuan sa ilalim ng lilim ni Alexis. Sa panahong iyon, sobrang bigat na ng aking nadarama. Pakiramdam ko ay sasabog na ito.

At hindi ko na napigilan pa ang sariling ibunyag sa kanya ang naramdaman. “Tol… alam mo, mahal kita” sabay yuko at hindi makatingin-tingin sa kanya sa sobrang kaba.

Ngunit inakbayan lang niya ako sabay sabing, “Mahal din naman kita tol eh…”

Ewan pero sa sagot niyang iyon, mistulang binuhusan ako ng malamig na tubig at nawalan na ng lakas upang sabihin pa sa kanya upang i-klaro ang ibig kong sabihin. May gumapang na matinding pagkahiya at takot sa buo kong katauhan na baka magalit siya at hindi na ako papansinin. Nagsusumigaw ang isip kong sabihin na iba ang pagmamahal na naramdaman ko para sa kanya; na mas malalim pa kaysa pagiging magkaibigan.

Ngunit ang nagawa ko na lang ay ngumiti. At ang lumabas na lang na kataga sa bibig ko ay, “S-sige na nga!”

Natawa naman siya. At ewan kung may napansin siyang kakaiba sa sinabi ko o nagbibiro lang. “Bakit? Ano pa ba ang gusto mong gawin natin? Maghalikan?”

Syempre, kahit biro man iyon, lalo itong nagpatindi sa hiya at takot na naramdaman ko. Kaya binura ko na lang sa sa isip ang planong ituloy na sabihin sa kanya ang lahat.

Noong mapalingon siya sa likuran namin, napansin kaagad niya ang inukit kong dalawang puso. “Waaahhhh! Ikaw ang gumawa nito tol?” sambit niya sabay hipo sa abot-kamay lang na dibuho ko.

“O-oo.” Sagot ko.

“Ang ganda ng pagkaukit… at may pangalan pa!” Tumayo talaga siya at pinagmasdang maigi ito. “Ba’t may pula? Totoong dugo ba iyan o dagta ng puno?” tanong niya noong mapansin ang natuyong dugo na tumagos galing parte kung saan natamaan ng sibat ang puso

“Dugo ko iyan, tol… nasugatan kasi ako sa ginamit kog basang na salamin?”

“Hahaha! Galing naman! Parang sinadya” pagpuri niya. “Saka bakit ang puso mo lang ang may pangalan? Dapat may pangalan din ang isang puso?” tanong niya habang tinitingnan ako.

“Ah.. e…” ang nasambit ko, nag-isip kung ano ang idadahilan. “Ano… a… h-hindi pa naman talaga tapos iyan eh.” Ang lumabas sa bibig kong katuwiran.

“A, ganoon ba? Sana tapusin mo na yan tol. Maganda e.” Tiningnan niya auli ang inukit ko. “Kapag hindi mo iyan tinapos, ako ang tatapos niyan.” Dugtong niyang biro.

Dahil sa kapalpakan kong sabihin sa kanya ang naramdaman at syempre, kawalang pag-asa na rin na may magandang ibubunga ang naramdaman ko para sa kanya, ipinagpasya kong manligaw na lang din ng babae.

At nagkagirlfriend naman ako. Si Beth.

Ilang araw na lang iyon bago matapos ang semester. Ipinakilala ko si Beth kay Mario. Tuwang-tuwa siya noong makilala si Beth. “I’m happy for you tol! Congratulations! Ang galing mong pumili! Tangina, grabe ka! Ang ganda niya!” wika niya.

Kitang-kita ko sa mukha ng best friend ko ang kasayahan para sa akin. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, habang nagsasaya siya sa pagkakaroon ko ng girlfriend, nasaktan naman ako. Siya kaya ang totoo kong mahal.

Noong matapos na ang semester, hindi ko na mahagilap pa si Mario. Hindi ko alam ang dahilan at ang sabi ng mga kapitbahay nila, lumisan na daw ang pamilya niya at lumipat sa Maynila. Walang address na ibinigay, walang contact. Sobrang pagtataka ko sa bigla niyang pag-alis na hindi man lang nagpaalam.

Dumating ang pasukan na hindi ko na nakikita pa ang best friend ko. Ipinagtatanong ko sa mga ka-klase at mga kaibigan namin kung nag-enrol siya ngunit hindi na daw nila ito nakita at wala silang balita tungkol sa kanya. Matinding kalituhan ang bumalot sa aking utak. Bakit siya umalis nang walang paalam?

Akala ko, iyon lang ang pait na dadanasin ko, ang sakit na dulot ng pag-iwan ng taong mahal at best friend. Ngunit sa ikatlong araw ng pasukan, dinapuan naman ako ng isang malubhang karamdaman. Dahil dito hindi na rinn ako nakapagpatuloy sa pagpasok.

Hindi alam ng mga duktor kung anong klaseng sakit mayroon ako. Basta kapag inaatake ako, mistulang umiikot ang paligid ko na parang sumasakay ako sa isang octupos ride. Sinasabayan pa ito ng pagkahilo, pagsusuka at disorientation. Hindi ako makatayo, at kapag igalaw ng kaunti ang ulo, para itong inihahagis. Kaya, nakahiga lang ako palagi dahil delikado ang sakit ko kapag nakatayo ako at bigla itong umatake.

Tumagal ang karamdamang iyon ng dalawang buwan… naramdaman ko na ang panghihina at ramdam kong malapit na ang aking katapusan.

Hanggang sa isang araw, biglang sumulpot si Mario. “Tol… pasensya ka na, ngayon lang ako nakadalaw sa iyo. Nagkasakit din kasi ako…” ang paliwanag niya.

Pansin ko rin sa katawan niya ang pagpayat at pamumutla. Pero sa pagkakita ko sa kanya, gumapang sa katauhan ko ang matininding pananabik. Namalayan ko na lang ang sariling humagulgol. “Tol… Miss na miss na kita...”

Niyakap niya ako. “Namiss din kita tol… sobra.” At nakita ko ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya. Ewan, parang may kakaiba sa nakita kong pag-iyak niyang iyon.

Pagkatapos ng mahabang pangungumustahan at kwentuhan, napunta na ang topic sa mga katipan.

“Kumusta kayo ni Beth?” tanong niya.

“Wala na kami tol. Hiniwalayan na niya ako. Kayo ng girlfriend mo?”

“Ah… e…” ang pag-atubili niyang sagot. “N-nagkabalikan din kami ni Tess, tol.”

“Ah… mabuti naman” ang sagot ko na lang, ipinamalas ang isang ngiting pilit.

Sinuklian naman niya ako ng isang ngiti. Ngunit ewan ko ba, kahit sa ngiti niya ay parang may kakaiba talagang hindi ko lubos maintindihan sa mga kilos at glaw niya.

Simula noon araw-araw na akong dinadalaw ni Mario. Doon ko narealize ang katapatan niya. Habang iniwan na ako ng mga kaibigan ko, nandoon pa rin siya, nagbibigay sa akin ng lakas, ng encouragement, ipinadama sa ang halaga ang buhay, pinatatag ang kalooban ko, ipinakita na dapat akong lumaban hanggang sa kahuli-hulihang hininga.

“Alam mo tol, may sasabihin ako sa iyo…”

“A-ano iyon?” ang tanong niyang tila nae-excite sa sasabihin ko.

“Huwag mo akong pagtawanan ha?”

“Bakit ba kita pagtawanan? Ano nga iyon?” giit niya.

“K-kasi, simula noong magkasakit ako, napansin kong namamatay na din si Alexis. Tingnan mo ang sanga niyang nakikita sa bintana ko” turo ko sa bintana kung saan makikita ang isang sanga na may iilang pirasong naninilaw na mga dahong nakakapit.

Nilingon niya ang sanga. “Oo nga. Pero huwag kang magpaniwala sa ganyan tol. Iba ang buhay ni Alexis, iba naman ang buhay mo…”

“Kasi, napapansin kong habang unti-unting nalalagas ang kanyang mga dahon, unti-unti din akong nanghihina, tol… nawawalan ng lakas, tumitindi ang karamdaman. Mistula akong isang taong wala nang pag-asa at naghihintay na lang ng kamatayan”

“Eto naman o… Hindi ka pa mamamatay, tol. Kaya mo iyan, lumaban ka.”

“Totoo siguro, tol… naniwala akong may kuneksyon ang buhay ko sa buhay ni alexis. Dati-rati, napakasigla ko, at nakikita ko ring napakasigla niya. Noong nasa tuktok ako ng kalusugan, ramdam ko din ang kalusugan ng mga dahon nito. Ngunit ngayon, mamatay na siya at heto rin ako…Alam ko tol, may kuneksyon ang buhay namin.”

“Ayoko ngangn maniwala eh. At burahin mo iyan sa isip mo. E bakit namn ako, wala namang ganyagn kahoy? E di sana mayroon din ako para malaman ko din kung kailang ako mamamatay? Atsaka kung totoo iyan, e di dapat nagkadikit na kayo ng kahoy na iyan para siguradong kapag namatay iyan, patay ka na rin.” Ang sabi niyang may halong pagkainis.

“Ewan ko ba tol… Kasi, dib a alam mong ako kapag nakita ko ang kahoy na iyan? At pakiramdam ko ay ganoon din siya sa akin, Masaya kapag lumalapit ako sa kanya o nasa ilalim ng lilim niya nakaupo at kinakausp siya. Ngunit kapag ganyang nagkalaglagan ang mga dahon at mukhang mamamatay, nagkakaroon din ako ng karamdaman. At ngayong nagkalaglagan na ang mga dahon niya... Ewan. Basta, naniniwala talaga akong kapag namatay ang kahoy na iyan, ganoon din ang mangyayari sa akin, tol.”

“Basta, mali ang iniisip mo. Mali, mali!” pagtutol niya.

“Basta… tingnan mo, kagaya ngayon, hayan, iilan na lang ang natitirang dahon niya, hinang-hina na rin ako...”

Hinid na siya sumagot. Piangmasdan niya ang sangang nakikita sa bintana ko na may iilang dahong naninilaw na lang ang nakakapit. Seryoso ang mukha niya, nag-iisip nang malalim. “Hindi malalaglag ang mga dahon na iyan. Kakapit pa iyan para sa iyo. Ipaglalaban ng mga dahon na iyan ang buhay mo. Promise yan.” Sagot niya.

Ngunit kinabukasan, isang dahon na lang ang natirang nakakapit sa sanga.

“Tingnan mo, tol, isa na lang ang dahon niya... at hinang-hina na rin ako. Di ko na kaya. Parang bibitiw na rin ako eh.” Ang sabi kong umiiyak kay Mario. “Bukas tol, kapag wala na ang nag-iisang dahon na iyan, wala na rin ako sa mundong ito… Gusto kong malaman mo tol na napakaswerte kong nagkaroon ng kaibigang katulad mo. Maraming salamat sa lahat-lahat; sa pag-aalaga mo sa akin…” ang sabi ko tumutulo ang mga luha.

Gusto ko sanang dugtungan iyon at sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdamn ngunit hindi ko na lang ito itinuloy, sumagi sa isip na isusulat ko na lang sa isang papel ang mga hinaing ko at ang tunay kong naramdaman para sa kanya.

Nakita ko ang pagpatak ng kanyang mga luha. Niyakap niya ako ng mahigpit. “Hindi tol… hindi ako papayag na mawala ka. Lakasan mo ang loob mo tol. Mabubuhay ka pa.” Ang sigaw niya.

Kinabukasan, laking pagtataka ko noong naroon pa rin ang nag-iisang dahon sa sanga. Hinintay ko ang pagdating ni Mario sa araw na iyon, nasabik na sabihin sa kanya ang pagpapanatili ng dahon sa sanga nito.

Ngunit walan nang Mario pang sumipot.

Kinabukasan, nagulat uli ako dahil nandoon pa rin ang dahon. Pakiramdam ko ay nabuhayan din ako ng loob. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay ang hindi na muling pagsipot pa ni Mario.

Dumaan ang isang linggo, dalawang linggo… nandoon pa rin ang dahin sa sanga at unti-unti ring bumuti ang aking kalagayan.

Dahil sa hindi pagsipot ni Mario, nagtampo na rin ako sa kanya. Bumalik-balik sa akin ang nakaraan kung saan ipnakilala niya sa akin ang girlfriend niya. “Marahil ay nagsama na sila at pinagbawalan na siyang bumisita sa akin. O kaya, ay umalis sila sa ibang bansa…” ang sumiksik sa isip ko. Sinasarili ko na naman ang matinding sama ng loob. Umiiyak akong nag-iisa. “Sana, namatay na lang ako. Sana ay nalaglag na lang ang dahon na iyan.” bulong ko sa sarili.

Isang buwan ang nakaraan, hindi pa rin nalaglag ang dahon. At tuluyan na akong gumaling. Nakakalakad na, hindi na inaatake. Sabi ng mga duktor ay maaring nag dormant ang sakit ko at mag-iingat lamang dahil may posibilidad na ito ay aatake muli.

“Anak, ngayong magaling ka na, siguro ay dapat mo nang basahin itong sulat ni Mario para sa iyo… Ayaw niya kasing sabihin ko sa iyo ang totoo hanggang hindi ka pa gumaling…” wika ng inay ko.

Laking gulat ko sa narinig. Hindi ko inaasahan na may alam ang aking ina sa nangyari kay Mario. “Bakit? Nasaan po ba si Mario?”

“Basahin mo lang anak upang malaman mo ang lahat”

“Dear tol… Pasensya ka na na hindi na ko makakabisita pa sa iyo. Hindi ko na kaya ang katawan ko, tol. May blood cancer ako. Pasenya ka na; itinago ko sa iyo ang karamdaman ko dahil ayaw kong maapektuhan ka; ayaw kong mawalan ka ng pag-asang makikipaglaban. Nais kong magpakatatag ka tol, lumaban sa mga hamon… Ganon din ako tol. Kaso, talagang wala nang lunas ang sakit ko. Sorry…

Pasensya ka na pala na pinakialam ko si Alexis, ag kahoy mo. Alam ko kasing mamamatay na siya ngunit ayoko ring malaglag ang kaisa-isang dahon na siyang nagsilbi mong pag-asa upang huwag bumitiw sa buhay… Kaya upang hindi ito tuluyang malaglag, idinikit ko ito sa kanyang sanga, gamit ng maliliit na alambre. Naway patuloy na magsilbing gabay ito sa iyo, tol, upang lalo kang magpakatatag, at humarap sa mga pagsubok. Isama mo na rin ang dahong ito ito sa mga alaala mo sa akin tol…

At tungkol sa punong si Alexis, huwag kang mag-alala dahil kahit na namatay siya, may kapalit naman ito. Nagtanim ako ng bagong puno, katabi ng namatay mong kahoy. Sa maliliit pang puno nito ay may isinukbit akong dalawang singsing, may mga pangalan nating dalawa. Lumaki man ang puno at lipusin niya ang mga singsing natin, hayaan mo lang dahil sa pamamagitan nito ay mapag-isa tayo, bahagi ng katawan niya. Ito ang pangarap ko para sa atin tol; ang palagi tayong magsama, walang sinumang makakapaghiwalay…

Sa ilalim ng lupang pinagtaniman ko ng puno, ibinaon ko ang ritrato natin, iyong pareho tayong nakangiti, nag-akbayan bakat sa mga mukha ang saya. May isinulat kang dedication sa likod nito. Ang sabi mo, ‘para sa nag-iisang bestfriend ng buhay ko…’

‘Al-Mar’ pala ang pangalan ng puno, tol, pinagsamang mga pangalan natin, (Alex-Mario). Alagaan mo siya, isipin lagi na sa pamamagitan niya, buhay pa rin ako at palaging dumudungaw sa iyong bintana…”

PS.

May isa pa akong sikreto. Nais kong malaman mo na mahal na mahal kita. Itinatago ko ang naramdaman kong ito dahil natatakot akong pagtawanan mo, at tapusin ang pagiging magkaibigan natin. Hindi totoong nagkagirlfriend ako tol… pakana ko lang iyon upang sana ay malimutan kita. Ngunit hindi ako nagtagumapay. Ikaw pa rin ang palaging laman ng isip ko, ang pinipintig ng aking puso. Pasensya ka na… nagsinungaling ako…”

Dali-dali akong bumaba at tingingnan ang sinabing kahoy na itinanim niya.

Nandoon nga siya, berdeng-berde ang kulay ng mga dahon at masayang wumagayway sa ihip ng hangin na mistulang masayang-masaya na sumalubong sa akin. Sa maliit pa niyang puno ay nakit ko ang dalawang singsing na sinabi niya. Hinawakan ko ito at tiningnan ang mga nakasulat sa ilaim; nandoon nga ang mga pangalan namin.

Ngunit doon ako tuluyang napahagulgol noong lumantad sa aking paningin ang inukit kong dalawang magkadikit na puso sa puno ni Alexis. May iniukit na ring sibat na nakatusok sa pangalawang puso at may bakat din ng dugo na dumaloy mula sa tama ng sibat. At may pangalan na rin itong nakaukit - “Mario”.

(wakas)

==============================

The Last Leaf
By: O. Henry

In a little district west of Washington Square the streets have run crazy and broken themselves into small strips called "places." These "places" make strange angles and curves. One Street crosses itself a time or two. An artist once discovered a valuable possibility in this street. Suppose a collector with a bill for paints, paper and canvas should, in traversing this route, suddenly meet himself coming back, without a cent having been paid on account!

So, to quaint old Greenwich Village the art people soon came prowling, hunting for north windows and eighteenth-century gables and Dutch attics and low rents. Then they imported some pewter mugs and a chafing dish or two from Sixth Avenue, and became a "colony."

At the top of a squatty, three-story brick Sue and Johnsy had their studio. "Johnsy" was familiar for Joanna. One was from Maine; the other from California. They had met at the table d'hôte of an Eighth Street "Delmonico's," and found their tastes in art, chicory salad and bishop sleeves so congenial that the joint studio resulted.

That was in May. In November a cold, unseen stranger, whom the doctors called Pneumonia, stalked about the colony, touching one here and there with his icy fingers. Over on the east side this ravager strode boldly, smiting his victims by scores, but his feet trod slowly through the maze of the narrow and moss-grown "places."

Mr. Pneumonia was not what you would call a chivalric old gentleman. A mite of a little woman with blood thinned by California zephyrs was hardly fair game for the red-fisted, short-breathed old duffer. But Johnsy he smote; and she lay, scarcely moving, on her painted iron bedstead, looking through the small Dutch window-panes at the blank side of the next brick house.

One morning the busy doctor invited Sue into the hallway with a shaggy, grey eyebrow.

"She has one chance in - let us say, ten," he said, as he shook down the mercury in his clinical thermometer. " And that chance is for her to want to live. This way people have of lining-u on the side of the undertaker makes the entire pharmacopoeia look silly. Your little lady has made up her mind that she's not going to get well. Has she anything on her mind?"

< 2 >
"She - she wanted to paint the Bay of Naples some day." said Sue.

"Paint? - bosh! Has she anything on her mind worth thinking twice - a man for instance?"

"A man?" said Sue, with a jew's-harp twang in her voice. "Is a man worth - but, no, doctor; there is nothing of the kind."

"Well, it is the weakness, then," said the doctor. "I will do all that science, so far as it may filter through my efforts, can accomplish. But whenever my patient begins to count the carriages in her funeral procession I subtract 50 per cent from the curative power of medicines. If you will get her to ask one question about the new winter styles in cloak sleeves I will promise you a one-in-five chance for her, instead of one in ten."

After the doctor had gone Sue went into the workroom and cried a Japanese napkin to a pulp. Then she swaggered into Johnsy's room with her drawing board, whistling ragtime.

Johnsy lay, scarcely making a ripple under the bedclothes, with her face toward the window. Sue stopped whistling, thinking she was asleep.

She arranged her board and began a pen-and-ink drawing to illustrate a magazine story. Young artists must pave their way to Art by drawing pictures for magazine stories that young authors write to pave their way to Literature.

As Sue was sketching a pair of elegant horseshow riding trousers and a monocle of the figure of the hero, an Idaho cowboy, she heard a low sound, several times repeated. She went quickly to the bedside.

Johnsy's eyes were open wide. She was looking out the window and counting - counting backward.

"Twelve," she said, and little later "eleven"; and then "ten," and "nine"; and then "eight" and "seven", almost together.

Sue look solicitously out of the window. What was there to count? There was only a bare, dreary yard to be seen, and the blank side of the brick house twenty feet away. An old, old ivy vine, gnarled and decayed at the roots, climbed half way up the brick wall. The cold breath of autumn had stricken its leaves from the vine until its skeleton branches clung, almost bare, to the crumbling bricks.

< 3 >
"What is it, dear?" asked Sue.

"Six," said Johnsy, in almost a whisper. "They're falling faster now. Three days ago there were almost a hundred. It made my head ache to count them. But now it's easy. There goes another one. There are only five left now."

"Five what, dear? Tell your Sudie."

"Leaves. On the ivy vine. When the last one falls I must go, too. I've known that for three days. Didn't the doctor tell you?"

"Oh, I never heard of such nonsense," complained Sue, with magnificent scorn. "What have old ivy leaves to do with your getting well? And you used to love that vine so, you naughty girl. Don't be a goosey. Why, the doctor told me this morning that your chances for getting well real soon were - let's see exactly what he said - he said the chances were ten to one! Why, that's almost as good a chance as we have in New York when we ride on the street cars or walk past a new building. Try to take some broth now, and let Sudie go back to her drawing, so she can sell the editor man with it, and buy port wine for her sick child, and pork chops for her greedy self."

"You needn't get any more wine," said Johnsy, keeping her eyes fixed out the window. "There goes another. No, I don't want any broth. That leaves just four. I want to see the last one fall before it gets dark. Then I'll go, too."

"Johnsy, dear," said Sue, bending over her, "will you promise me to keep your eyes closed, and not look out the window until I am done working? I must hand those drawings in by to-morrow. I need the light, or I would draw the shade down."

"Couldn't you draw in the other room?" asked Johnsy, coldly.

"I'd rather be here by you," said Sue. "Beside, I don't want you to keep looking at those silly ivy leaves."

< 4 >
"Tell me as soon as you have finished," said Johnsy, closing her eyes, and lying white and still as fallen statue, "because I want to see the last one fall. I'm tired of waiting. I'm tired of thinking. I want to turn loose my hold on everything, and go sailing down, down, just like one of those poor, tired leaves."

"Try to sleep," said Sue. "I must call Behrman up to be my model for the old hermit miner. I'll not be gone a minute. Don't try to move 'til I come back."

Old Behrman was a painter who lived on the ground floor beneath them. He was past sixty and had a Michael Angelo's Moses beard curling down from the head of a satyr along with the body of an imp. Behrman was a failure in art. Forty years he had wielded the brush without getting near enough to touch the hem of his Mistress's robe. He had been always about to paint a masterpiece, but had never yet begun it. For several years he had painted nothing except now and then a daub in the line of commerce or advertising. He earned a little by serving as a model to those young artists in the colony who could not pay the price of a professional. He drank gin to excess, and still talked of his coming masterpiece. For the rest he was a fierce little old man, who scoffed terribly at softness in any one, and who regarded himself as especial mastiff-in-waiting to protect the two young artists in the studio above.

Sue found Behrman smelling strongly of juniper berries in his dimly lighted den below. In one corner was a blank canvas on an easel that had been waiting there for twenty-five years to receive the first line of the masterpiece. She told him of Johnsy's fancy, and how she feared she would, indeed, light and fragile as a leaf herself, float away, when her slight hold upon the world grew weaker.

Old Behrman, with his red eyes plainly streaming, shouted his contempt and derision for such idiotic imaginings.

< 5 >
"Vass!" he cried. "Is dere people in de world mit der foolishness to die because leafs dey drop off from a confounded vine? I haf not heard of such a thing. No, I will not bose as a model for your fool hermit-dunderhead. Vy do you allow dot silly pusiness to come in der brain of her? Ach, dot poor leetle Miss Yohnsy."

"She is very ill and weak," said Sue, "and the fever has left her mind morbid and full of strange fancies. Very well, Mr. Behrman, if you do not care to pose for me, you needn't. But I think you are a horrid old - old flibbertigibbet."

"You are just like a woman!" yelled Behrman. "Who said I will not bose? Go on. I come mit you. For half an hour I haf peen trying to say dot I am ready to bose. Gott! dis is not any blace in which one so goot as Miss Yohnsy shall lie sick. Some day I vill baint a masterpiece, and ve shall all go away. Gott! yes."

Johnsy was sleeping when they went upstairs. Sue pulled the shade down to the window-sill, and motioned Behrman into the other room. In there they peered out the window fearfully at the ivy vine. Then they looked at each other for a moment without speaking. A persistent, cold rain was falling, mingled with snow. Behrman, in his old blue shirt, took his seat as the hermit miner on an upturned kettle for a rock.

When Sue awoke from an hour's sleep the next morning she found Johnsy with dull, wide-open eyes staring at the drawn green shade.

"Pull it up; I want to see," she ordered, in a whisper.

Wearily Sue obeyed.

But, lo! after the beating rain and fierce gusts of wind that had endured through the livelong night, there yet stood out against the brick wall one ivy leaf. It was the last one on the vine. Still dark green near its stem, with its serrated edges tinted with the yellow of dissolution and decay, it hung bravely from the branch some twenty feet above the ground.

< 6 >
"It is the last one," said Johnsy. "I thought it would surely fall during the night. I heard the wind. It will fall to-day, and I shall die at the same time."

"Dear, dear!" said Sue, leaning her worn face down to the pillow, "think of me, if you won't think of yourself. What would I do?"

But Johnsy did not answer. The lonesomest thing in all the world is a soul when it is making ready to go on its mysterious, far journey. The fancy seemed to possess her more strongly as one by one the ties that bound her to friendship and to earth were loosed.

The day wore away, and even through the twilight they could see the lone ivy leaf clinging to its stem against the wall. And then, with the coming of the night the north wind was again loosed, while the rain still beat against the windows and pattered down from the low Dutch eaves.

When it was light enough Johnsy, the merciless, commanded that the shade be raised.

The ivy leaf was still there.

Johnsy lay for a long time looking at it. And then she called to Sue, who was stirring her chicken broth over the gas stove.

"I've been a bad girl, Sudie," said Johnsy. "Something has made that last leaf stay there to show me how wicked I was. It is a sin to want to die. You may bring a me a little broth now, and some milk with a little port in it, and - no; bring me a hand-mirror first, and then pack some pillows about me, and I will sit up and watch you cook."

And hour later she said:

"Sudie, some day I hope to paint the Bay of Naples."

The doctor came in the afternoon, and Sue had an excuse to go into the hallway as he left.

< 7 >
"Even chances," said the doctor, taking Sue's thin, shaking hand in his. "With good nursing you'll win." And now I must see another case I have downstairs. Behrman, his name is - some kind of an artist, I believe. Pneumonia, too. He is an old, weak man, and the attack is acute. There is no hope for him; but he goes to the hospital to-day to be made more comfortable."

The next day the doctor said to Sue: "She's out of danger. You won. Nutrition and care now - that's all."

And that afternoon Sue came to the bed where Johnsy lay, contentedly knitting a very blue and very useless woollen shoulder scarf, and put one arm around her, pillows and all.

"I have something to tell you, white mouse," she said. "Mr. Behrman died of pneumonia to-day in the hospital. He was ill only two days. The janitor found him the morning of the first day in his room downstairs helpless with pain. His shoes and clothing were wet through and icy cold. They couldn't imagine where he had been on such a dreadful night. And then they found a lantern, still lighted, and a ladder that had been dragged from its place, and some scattered brushes, and a palette with green and yellow colours mixed on it, and - look out the window, dear, at the last ivy leaf on the wall. Didn't you wonder why it never fluttered or moved when the wind blew? Ah, darling, it's Behrman's masterpiece - he painted it there the night that the last leaf fell."

17 comments:

  1. bakit may kulang? bakit hindi nakalagay kung anong nangyari kay mario? Bitin pa kuya

    ReplyDelete
  2. Wah! Ako'y nagbabalik Kuya Mike! Tagal kong hindi nagparamdam sa site mo o kaya dun sa FB page mo. Naging silent reader muna ako. May nagudyok lang sakin kung bakit ako napakacomment bigla dito sa istorya na ito.

    Maganda po iyong pagkakalahad ng kwento. Magaling!

    Pero, mas hahanga sana ako kung hindi ito pinattern sa isang istorya na sikat.

    Ito ang The Last Leaf by O. Henry.

    I hope iyong author ng istoryang ito eh gumawa pa ng mas orihinal na kwento para mas maging batikan siya sa larangan ng pagsusulat. Kasi magaling na siya sa paragraph structing.

    More power sa Author!, Site!, at sa May-ari ng site! :)

    ReplyDelete
  3. hi mharc!

    actually, hindi ko nabasa ang kwento... may nagsabi lang sa akin dahil kasi mahilig kong kantahin ang "the Last Leaf" by cascades.

    Ang sabi niya, may kwento nga daw ito hango sa isang dahon na ginawang batayan ng isang bata ba (?) o tao na may malubhang karamdaman...

    At ang kanyang kaibigan ba (?) o uncle (?) ay isang pintor kaya ang ginawa niya ay ipinta ang dahon upang sa paningin nong bat ay huwag itong malaglag.

    Nung gumaling ang bata (ba?), saka niya na nadiskubre na ipinta na lang pala ang dahon...

    Yn ang kwentong narinig ko, sinabi lang sa akin pero hindi ang kabuuan.

    Ngunit sigurado naman yatang hindi m2m sila, diba? At walang binaggit na kahoy na inukitan ng heart, o ang pagtatamin pa ng bagong kahoy, etc etc.

    pero i admit, I like the theme at nilagyan ko ng twists na m2m at yung iab pa.

    I haven't read the story really. I guess i got to read it myself to see the differnce, and acknowledge if this has become adapted, a tagalog version, or something.

    Dahil nabasa mo na iyon, ikaw mismo ang makapagsabi kung ano ang kaibahan.

    Sa komento mo sinabi mo na "gumawa pa ako ng orihinal..." sana klinaro mo kung ano ang mga kaibahan sa kwento niya sa kwento ko para mas patas ang nailalahad mo. Kasi iisipin nila na tinagalog ko lang ito... at iisipin nila na m2m din ang tema ng kwneto na iyon. tama ba? M2m ba? may girlfriend ba ang dalawa? nagkukunyari ba ang dalawa sa kanilang naramdaman?

    Sana masagot mo..

    -mikejuha-

    ReplyDelete
  4. Fierce.

    Kuya alam mo bang may totoong storyang ganyan?

    Totoong may ganyan na nangyari.

    Nakalimutan ko na kung sino siya e. Lalaki din siya.

    Parehas na parehas pero wala lang inukit na heart. Hindi ko lang maalala kung lalaki o babae yung lover nya. hehehe

    Galing mo kuya!

    ReplyDelete
  5. SORRY PO KUYA MIKE! :(
    Iyong pinost niyo pong story ng The Last leaf after ng part 2 eh hindi po iyon iyong nabasa ko. kung hahanapin niyo po iyong kwento sa google e ung third ung nasa voanews.com iyon iyong nabasa ko po.

    Ngayon ko lang narealize na sarili niyo pala itong work na to at hindi pinapost lang ng ibang readers niyo sa site na to. Kala ko kasi sa iba siya kaya ko rin nasabi ung sa part na i hope iyong author eh gumawa pa ng orihinal.

    Pero sige po sasagutin ko iyong mga katanugan niyo sakin.

    Si Sue at Johnsy o Joanna dun sa the last leaf eh parehas na babae. magkaibigan sila. they are artists. at ung nagpinta mismo nung last leaf dun sa pader na ginaya dun sa vine na tinitignan palagi ni johnsy eh si Mr. Behrman na protective dun sa 2 babae na nasa same building din na tinitirhan niya.

    Actually po dito lang naman sa part 2 dun sa parte na mamatay din iyong bida kasabay ng pagkamatay ng puno eh napattern dun sa the last leaf kaso ang ginamit niyo puno which is vine naman dun sa the last leaf. ayun po.

    Pasensya na po kung naging bias ako dun sa kwento. Its just nagstruct talaga sakin ung kwentong un nung HS days ko at hindi ko makakalimutan un at nakita ko ngang katulad din ng story nu.

    Nabigyan niyo ng twist iyong story at iniba niyo nga rin po iyong ibang details kaya hindi niyo ginawan lang ng tagalog version un the last leaf. pero ang bottomline ko lang po kaya ako nagreact kasi ung climax eh katulad talaga ng the last leaf. ayun lang po.

    Thank you!

    More power! God bless!

    ReplyDelete
  6. mharc... & junie...

    i am now confused....

    sabi ni junie may totoo ding kwento na ganito ba?

    at sabi mo, may kuwento ding iba na puro babae at magkaibigan? Tha'ts strange. I never read it. Can you email it to me to mg add at getmybox@hotmail.com

    I am bothered kasi wala talaga akong alam na kwento except yang isinali ko.

    Para maisali ko rin sa pagdagdag sa post ko.

    I planned to post this at BOL at sa m4m pero ngayong may nasabi kang mga kwento kagaya nito, parang gusto kong palitan ang twists, hehehe.

    I really don't know about their stories. Sana ma email mo, i papreciate it. Otherwise, i google ko na lang. kulang ako sa oras...

    Salamt

    mikejuha

    ReplyDelete
  7. Ok na po. Nasend ko na. Baka un sinasabi ni junie eh ung Idol ko si sir.

    ReplyDelete
  8. ganda. but there's one episode din ang shaider na tumatak sa akin, although hindi sya love story, may part dun na yung girl ay maysakit at tinalian ni shaider yung last leaf sa sanga ng puno (ng alambre din!), to give her hope na kumapit at magpatuloy sa buhay. and coincidentally, alexis yung name ng puno rito, name ng character ni shaider. hehe. anyway, nice one.

    ReplyDelete
  9. waaahhhh!

    anonymous!

    tali na lambre, sa utakl ko lang talaga yan, at hindi ko pa nabas ang kay shaider ba?

    At alexis???

    wow!! what a coincidence!!!

    HIndi kaya ako ang sumulat noon din nung previous life ko??? lol!

    I search ko ngyon ang kwento na yan. English ba?

    Thanks sa input.

    mikejuha

    ReplyDelete
  10. ♀♫♪← tnt kuya mike.. Ahihi →♪♫♀

    ♀♫♪← anyways.. ang ganda ng istorya.. loko k tlga kuya mike.. Muntik naqng naniwala dun sa text mo skin n meh maligno ung puno.. Ahihi buti nlng ngtxt ka ule ng wlang maligno un.. Ahihi →♪♫♀

    ♀♫♪← super nice tlga.. Kaya lng.. Meh namatay nanaman.. hahay.. Bat lagi nlng sad?? →♪♫♀

    ♀♫♪← i dont think that the story made by kuya mike was a copied story.. it's just based / themed (?? If there's such term) sa story n d last leaf.. The characters, the setting, and the plot is different.. The only SIMILAR thing was about d damn leaf.. I used similar kc it may be alike but it ain't exactly the same.. Ahihi →♪♫♀

    ♀♫♪← anyways.. Kuya mike.. Hindi po kwento ung shaider.. Palabas po un sa tv.. Japanese ata un.. Parang masked-rider ung theme if i'm not mistaken.. →♪♫♀

    ♀♫♪← kuya mike.. Ung update po ng AKKCNB.. Ahihi ayan dnagdagan q pa ung pressure sau.. Ahihi →♪♫♀

    ←bladez♥♥cielo--<

    ReplyDelete
  11. oo tama....

    iniisip ko din kung saang movie ko yan napanood.,
    ang nasa isip ko eh yung japanese robotic powers teleserye...

    oo sa shaider nga...

    hindi namatay yung bata kasi nakita nya yung isang dahon eh nasa puno parin...

    sa hospital pa nga ang settings...

    pero hindi ko sure kung me namatay sa palabas na yun...

    ReplyDelete
  12. love it daddy mike..galing mo talaga gumawa ...tumulo luha ko ng nag bgay ng letter si Mario para kay sa kanyang kaibigan...mung sinabi niya na mayroon syang cancer at akya sya pumunta sa maynila para doon....

    lalo akong nasiyahan dahil nag aminanan n rin ang dalawa..na mahl nila ang isa't isa kahit na malayo n si mario s kaniyang kaibigan...at nag marka pa sya dun sa puno ng dugo n ginawa ng kanyang kaibigan..

    hays...ang gnada talaga...sana more updates kaagsd...god bless ,Ingats!

    -Enso

    ReplyDelete
  13. magandang pagkagawa

    ReplyDelete
  14. after reading the story and reach the part of revelations...

    tulog na kaming lahat at napakatahimik pero nung malapit na ko sa the end...


    lumabas ako ng bahay para sumigaw at ngumawa...

    and until now...

    di ako makapag move on... sa twing naalala ko toh...

    can't help myself but to cry...

    -van

    ReplyDelete
  15. wowww another tears drops na naman
    kuya mike napa inspiring naman ng story n ito galing nyo talaga kuhang kuha nyo ang loob ng mga readers...
    napakahiwaga talaga ng buhay at ng gumawa nito.
    grabe nakaka iyak po talaga...
    sino mag aakala mas malala p pala un problem ni mario kesa k alex, lakas ng figthing spirit nya.

    ReplyDelete
  16. wow!!oo na touching inspiring!!!
    alam ko din ang kwento ng the last leaf dahil napag-aralan ko...
    nakakainis na parang totoo ng hindi lagi happy ending minsan hindi madalas malungkot ang dulo pero anong magagawa natin hindi naman hihinto ang ikot ng mundo pag nalungkot at nagmukmuk lang tayo kailangan pa rin nating ipagpatuloy ang buhay ang buhay gaano man kasakit o kabigat ang hamon na dumating sa buhay natin at isipin ang mga taong nagsakripisyo para sa atin...

    masakit pero kelangang tanggapin na ganto ang buhay natin.

    -Jasper

    ReplyDelete
  17. kalungkot naman! gusto ko laging Happy ending. hehe.

    rhon

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails