Followers

Tuesday, August 3, 2010

Paborito Nyo Ba Ang Biko?

WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.

By: Mikejuha

-----------------------------

Ako pow, paborito ko yun. Ngunit isang beses, napeke din po ako eh. Ganire pow ang nangyari…

May 12 yo lang siguro ako nung ang dalawa kong pinsang lalaking nasa Maynila ay dumalaw sa probinsya namin. Dahil gusto din nilang dalawin ang panganay naming kapatid na babae (may asawa na) at nakatira sa kalapit-lungsod, sinamahan ko sila.

Sa sobrang galak na mabisita ang nakakatanda kong kapatid at isorpresa ang pagbisita ng mga pinsan, pagkababa kaagad ng jeep ay agad akong tumakbo at iniwanan na ang mga pinsang kasama at nauna nang umakyat ng bahay ng ate.

Pagpasok ko ng sala, walang ibang tao akong nakita maliban sa 9-month old kong pamangkin na gumagapang sa sahig. Dahil sabik na sabik din ako sa pamangkin ko, kinarga ko. Napansin ko ang tila malagkit na kulay brown na nagkalat sa mukha, sa kamay, at isinusubo pa iyon sa bibig nya.

“Wow BIKO!” sigaw ng isip kong naalipin sa sobrang gutom, at lalo na nung makita ang ang paborito at hinahanap-hanap na biko.

Dali-dali kong hinawakan ang kamay ng pamangkin ko at bago nya maisubo sa bibig nya ang “biko” ay sa bibig ko iyon isinubo. Nilamutak kong ganyan, ganyan at ganyan pa…

“Pweh! Maalat-alat na mapait!” sigaw ng utak kong mejo natuliro. Sya namang pagsulpot ng ate ko.

“Ate nagbiko ka pala???!” tanong ko sa ate, tuwang-tuwa na nakita sya at ipinahiwatig na timing ang pagluto nya ng biko dahil sa mga bisitang pinsan.

“Anong biko ka jan!” sagot naman nya na tila hindi pinansin ang tanong ko, itinuon ang mga mata sa karga-karga kong anak nya.

“Awwwwsss… bakit ka ganyan baby? Ang bastos naman neto. Tingnan mo, dinumihan mo si uncle, pati bibig ni uncle pinunsan mo ng ebak! Salbaheng bata, bat ka tumatae ha!” sigaw ni ate na tila nahiya sa akin. “Ganyan talaga ang batang yan kapag tumatae at di mo naaagapan… kinakain nyan ang sariling ebak!” sabay sa karga-karga kong pamangkin at itinakbo iyon sa kubeta.

Para akong nadaganan ng trailer sa narinig, tulala at tila hindi makakilos, ang sikmura ay mistulang babaligtad na.

Dali-dali naman akong lumabas ng bahay at doon, sumuka ako ng sumuka.

“O, bakit ka sumusuka?” tanong ng pinsan ko noong makita akong nagsusuka sa may hagdanan.

“Nahihilo ako sa biyahe kuya!” ang sagot ko na lang.

Mabuti na lang at naniwala sila.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nila alam na nakatikim na ako ng ebak. Ngayon, kapag nakikita ko ang may asawa nang pamangkin ko na iyon, ang nasasabi ko sa sarili ko ay, “Kaswerte naman ng pamangkin ko na ito. Sa lahat ng ebak, ang Ebak niya ang una kong natikman.”

Kaya kayo jan na mahilig sa biko, wag muna nyong isubo sa bibig nyo yan hanggang hindi kayo sigurado na biko talaga iyan.

7 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. kuya mike, kadiri naman tong kwento mo! talaga namang ispiring at kapupulutan ng aral! hahahahahaha

    pero laughtrip to, napagkamalang biko yung ebak ng pamangkin nya! hahahaahaha

    ReplyDelete
  3. well,nakatikim na rin aco ng ebak,but due to curiousity co yun. Nakita co casi yung mga aso na nag-away-away dahil lang sa pagkain nung ebak ng bata sa gilid ng calzada.Napaisip aco noon,bat caya sarap na sarap sila sa pagkain ng tae? nag-aaway pa sila.Grade 1 aco noon,7 years old.Nung natatae na aco dali-dali aco pumunta ng cubeta,nung lumalabas na tae co ay sinungkit co ito ng index finger co,medyo nakiliti pewt co noon.Nung tinikman co na ay sobrang pait.Until now di co pa rin nakakalimutan yung pait.

    ReplyDelete
  4. @#$@#$@ hahaha!! kuya mikes bkt nman gan2 ung istory p0tek!! haha takte! kaka suka! dang talino eh biko haha

    ReplyDelete
  5. kua mike nakakatawa naman to...sumakit tiyan ko-wein

    ReplyDelete
  6. ahahhaa...oo nga eeh nakaka tawa..tikamn ba ang ebak ahaha..di ba weird..kasi mukah aksing biko..hehehe...

    -Enso

    ReplyDelete
  7. natawa ako talaga HAHAHAHA!!!
    may babala pa sa taas na explicit scenes now i know hahaha!!!
    kadiring biko yan!!HAHAHAHA!!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails