Followers

Tuesday, August 24, 2010

Paraisong Parisukat Chapter II (part1)

BY: Michael santos (MS)

Author's Note:

Ayon ohh hahahahaha bitin na bitin ba sorry po kung super tagal ng update medyo nag kakaroon lang ng prob hehehe salamat sa lahat ng nag cocoment at mag cocoment sana patuloy nating suportahan ang mga manunulat sa site na 2 i love u all
Kuya mike salamat po hehehehe inspiration k tlga hahahaha
Luvz q jepot i love u so much thnks 4 everything

-----------------------------------------


Kasabay ng pagtangis ng mga damdamin nila ang pagbagsak ng ulan. Mula sa puntod ni mike ay hindi nya inalintana ang lamig ng ulang bumabalot sa kanyang katawan. Sa mga sandaling iyon ay gusto nyang kahit saglit ay maramdaman ng kaibigan niya na kahit paano ay nagkaroon ng puwang ang pagmamahal niya rito. Si steve nalang ang tanging taong naiwan sa puntod. Napagdesisyunang mapag isa at makapag isip isip sa mga damdaming nabuksan at nabigyang linaw. Labis ang pag sisisi ng kaibigan dahil hindi nya nagawang suklian ang pag ibig na ibinigay ni mike sa kanya dahil huli na ng malaman nya na ganoon napala kalalim ang pagmamahal ni mike sa kanya.

“marahil mike masaya kana ngayon dyan dahil kahit papaano wala ka ng problemang iisipin. Mike gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko sayo. Hindi mo lang alam kung gaano ako kalungkot. Hindi ko alam kung makakahanap pa ako ng kagaya mo dahil nag iisa ka lang ditto sa puso ko. Huli man ay sasabihin ko parin……mahal kita higit pa sa akala kong kaibigan kung maibabalik ko lang sana ang kahapon ay ginawa kona pero hindi na pwede napaka imposible. Alam ko magkikita pa tayo at sisiguraduhin ko na sa pagkikitang iyon ay magkakasama na tayo pangako ko yan sayo. Mike alam ko mahihirapan akong dugtungan ang storya mo dahil wala na ang bestfriend ko, masakit pero kakayanin ko tulad ng ginawa mo……maraming maraming salamat sa lahat ng sakripisyo, tiyaga at pagmamahal, mahal na mahal kita kung alam mo lang” ang lumuluhang wika ni steve kasabay ng pag agos ng ulan sa kanyang katawan.

Dahil sa lamig na bumalot sa kanyang katawan ay nagdesisyon na siyang umuwi at ipagpabukas nalang uli ang pagpunta roon. Agad siyang nagpunta sa kanilang sangktwuaryo kung saan tila nakikiramay ang paligid. Sobrang lamig, sobrang tahimik. Muling bumalik balik sa ala ala ni steve ang mga pagkakataong tila walang patid ang kasayahan nilang dalawa. Sa pagbalik niya sa nakaraan ay tanging mga luha nalang ang naging karamay niya, luha ng panghihinayang at kalungkutan. Mula sa pagkakaupo sa damo ay tumingala ito at saka ipinikit ang mga mata malayang pinadaloy ang mga luha. Ilang oras din ang ipinalagi niya roon hanggang sa magtakip silim.

Dumaretso siya sa bahay nila mike para kahit papaano ay makapag paalam sa ina nito. Pagkarating nya sa bahay ay agad siyang sinalubong ng nanay ni mike

“nak sabi ko sayo sumabay kana samin ehh tignan mo basang basa ka….magpalit ka muna ng damit ihihiram nalang kita sa pinsan ni mike ok…intayin mo nalang ako sa kwarto huh?”

“sige po tita” ang maikling tugon ko kay tita

sa pagpasok ko sa kwarto ng bestfriend ko ay tila isang repleksyon ng nakaraan ang muling umantig sa damdamin ko, yung mga panahon na tila ang saya saya naming dalawa na halos ayoko ng matapos pa, mga harutan namin……..yung mga kalokohan namin hanggang sa hindi ko napansin ang muling pagdaloy ng aking mga luha buhat sa aking mata papunta sa mga pisngi.

-o-

Mula sa pagkawala ng isang kaibigan at minamahal ay nabuksan ang isang pintuang ni sa hinagap ni steve ay hindi nya alam na kanya rin palang papasukin. Isang mundo kung saan hindi ordinaryo ang nakagisnang pag ibig, isang mundong puno ng saya at kalungkutan, isang mundong minsan nilang pinagsaluhan.

Malayang nagtatampisaw si mike at steve na tila walang hangganan ang kasiyahang nadarama mula sa munti nilang paraiso. Makaraan ang ilang minuto ay bumalik ang dalawa sa lilim ng puno kung saan tila may nakaukit na lungkot dito na hindi maipaliwanag. Umupo ang dalawa at sumandal si mike kay steve

“kapag namatay kaya tayo saan tayo mapupunta? may ganitong lugar din kaya doon? May umaga at gabi rin kaya? May pagod at pagluha rin kaya doon” naramdaman nalang ni steve ang pagpatak ng malalamig na luha ni mike sa balikat nya kaya saglit nyang pinunas ito at saka tumingin sa bughaw na ulap

“ewan ko mike siguro meron……sabi nila may paraiso daw sa dulo ng bawat paglalakbay………bakit ba ganyan ang mga tanong mo?”

“natatakot kasi ako”

“saan ka natatakot?” ang tanong ni steve habang pinaglalaruan ang damo na nasa harapan

“sa atin……sa akin………sa sayo……….natatakot akong mawala ka………” napatingin lang si steve kay mike at nagtama ang kanilang mga mata saka muling inintay ang mga sasabihin ng kaibigan

“steve mahal kita at masaya ako na dumating ka sa buhay ko pero kala ko makakasama pa kita ng pangmatagalan pero nagkamali ako…….wag kang mag alala masaya na ako ngaun kasi nasabi ko na sayo ang tunay kong nararamdaman, ngaun makakatulog na ako ng mahimbing……mahal kita steve mahal na mahal”

napapikit nalang si steve at inintay ang mga susunod na mangyayari. Isang malamig na hangin ang yumakap kay steve at sa muli niyang pagdilat ay tanging larawan nalamang ni mike ang nakita sa kanyang harapan. Isang larawan na batik ng emosyon. Nilingon niya ang paligid at nakita si mike na naglalakad palayo

“miiiiiiiike!!!!!!” ang sigaw ni steve kay mike pero lumingon lang ito at kumaway na tila kay saya saya. Pinilit nyang habulin si mike pero sa pagtakbo niya ay bigla siyang natisod at pagbangon niya ay wala na si mike. Pumatak ang luha ni steve sa di malamang dahilan. Humaplos sa buong katawan niya ang lamig ng hangin hanggang sa gisingin siya ng kanyang mga luha mula sa isang mahabang panaginip.

-o-

Mabilis na lumakad ang taon kasabay ng paghilom ng mga sugat na iniwan ng nakaraan. Batid na ng bawat nangulila kay mike na may hangganan ang lahat ng bagay sa mundo maging kay steve. Pangalawang taon na niya sa kolehiyo sa kursong dapat ay kukuhain ni mike. Ipinagpatuloy niya ito base sa naipangako sa matalik na kaibigan. Ilang kaarawan narin ni mike ang pinagsaluhan ng mga luha ni steve. Sa munting paraiso nalang nila ito ginugunita.

Tila pipihit ng direksyon ang tadhana ni steve sa isang pangyayaring tila susubok sa katatagan ni steve. Isang maulan na gabi iyon habang nagmamaneho ng kotse ng hindi niya mapansin ang isang lalaking patawid. Isang malakas na pagbangga sa isang katawang mortal ang nasaksihan niya. Dagli siyang bumaba na halos mawala sa sarili ng makitang nababalot ng dugo ang buong katauhan ng stranghero. Dali dali niya itong kinarga sa takot na may makakita pa sa kaniya sa ganoong kundisyon. Habang nasa gitna ng panghihina, takot at kaba ay dinala niya ang straghero sa malapit na ospital. Hinanapan niya ng pagkakakilanlan ang stranhero ngunit wala ciang nakita. Kaya ng tanungin siya kung ka ano ano niya ang binata ay sinabi nalang niyang kapatid ito.

“Mike Victores po doc” ang tensyonadong wika ni steve. Dahil sa kaba ay isinunod nalang niya ang pangalan ng binata sa kaibigan.

“Kamusta na po kapatid ko doc?” ang nasabi nalang ni steve sa doctor habang kinuha ang mga impormasyon nito

“Medyo malakas ang pagkakabangga sa kapatid mo, nagkaroon siya ng kaunting damage sa bandang ulo kaya kailangang maoperahan ito para mahinto ang pagdurugo sa loob nito kung hindi agad maooperahan yon ay maaring maka apekto ito sa pag iisip niya”

lubos na pinanghinaan si steve sa narinig. Awang awa sa nasabing stranghero hindi malaman ni steve ang gagawin kaya agad niyang tinawagan ang kanyang ina sa telepono

“Mah…..punta ka dito sa Hospital dali hindi ko na alam gagawin ko”

“huh anong nangyari sayo steve” ang tensyonadong wika ng ina ni steve

“mah hindi ako, basta sasabihin ko nalang dito sayo basta bilisan mo dala ka narin ng pera kailangan sa operation mah pls dalian mo”

puno ng pangamba ang dalawa hanggang sa makarating nga ang ina ni steve n puno ng takot sa kung anong sinapit ng kanyang ina. Hanggang sa makita niya si steve na tila hinanghinang nakaupo sa labas ng operating room. Dagli niyang nilapitan ito at niyakap saka isinalaysay ni steve sa ina ang buong pangyayari. Walang nagawa sila kundi akuin ang responsibilidad sa stranghero. Ilang oras ng operasyon ang lumipas at matagumpay naman itong naisagawa hanggang sa mailabas ang stranghero sa silid at inilipat sa isang private room.

“ohh pano to steve nasan ang mga kamag anakan nito?” ang alalang wika ng ina ni steve

“iyon nga po ang hindi ko alam kung paano hahanapin, wala siyang ID manlang sa pitaka ohh kahit anong makapagtuturo sa mga kamag anak niya…..mah kapag nagka recover na siya pansamantala muna sa atin siya huh….natatakot akong makulong mah”

“hindi mangyayari iun anak wag kang mag alala gagawin natin lahat….teka may nakaka alam na ba nito?”

“wala pa po mah”

“mabuti iyon antayin nalang natin siyang magising at saka nalang natin tanungin……mag relax ka muna Nak dyan ok bibili lang ako ng makakain mo at saka damit puro kana dugo”

Ilang araw na obserbasyon ang ginawa sa estranghero para malaman ang naging resulta hanggang sa magmulat na ito ng kanyang mata

“Mah gising na siya!!!!!!!” ang masayang wika ni steve sa kanyang ina habang kausap ang kapatid nito.

“Kamusta pakiramdam mo?”

“teka nasan ako? Sino kayo? Ano ginagawa ko dito?” ang inusenteng wika ng binata

“wala kang naaalala?” ang kabadong wika ni steve

“wala, sino ba kayo at anong ginagawa ko dito?”

“ako si steve at ito ang mama ko teka anong pangalan mo?”

“ako?........” at pilit nag isip ang stranghero pero parang may problema pa sila

“wala akong maalala!!!!!!” ang kunsimidong wika ng stranghero na nagbigay ng lubos na pangamba sa mag ina

“isipin mong maigi!!!! Wala kabang natatandaang pangyayari?” ang kabadong wika ni steve pero wala siyang nakuhang sagot.

“tang ina wala akong maalala kahit isa” ang bulyaw ng binata sabay hawak sa ulo na tila kay sakit sakit. Dali daling tinawag nila ang doctor at doon ay ipinaliwanag sa kanila ang naging sanhi ng malakas na pagkakadisgrasya dito. Temporary Amnesia ang naging resulta. Lumakad ang araw sa pamilya at tila nakampante na ang bawat isa sa pag galing ng kundisyon ni “Mike”. Ilang linggo makalipas ay tuluyan na silang nag discharge sa naturang ospital. Kinupkop ng mag anak ang stranghero dahil narin sa masamang kundisyon nito. Mula ng araw na iyon ay naging bahagi na ng pamilya ni steve si “Mike”. Palihim na hinanap ni steve ang mga kamag anak ni mike ngunit bigo siya. Ang araw ay naging linggo hanggang sa maging buwan. Mabilis ang lakad ng panahon ni steve kasabay naman nun ang unti unting pag gaan ng loob ng isat isa sa bagong miyembro ng kanilang pamilya. Sa paglipas ng panahon ay hindi na naging iba sa kanila si mike ngunit hindi parin nila maialis ang pangamba sa muling pagbalik ng mga alaala nito ngayon pat malapit na malapit na si steve kay mike. Muling binalikan ni steve ang munti nilang paraiso nila ni mike kasama ang bagong mike ng buhay niya. Lingid parin kay mike ang nakaraan ni steve kaya wala siyang ka ideideya sa personal na nararamdaman nito. Napansin nalang ni mike ang unti unting pag guhit ng mga luha sa pisngi ni steve sa muling pag tungtong niya roon. Marami nang nagbago sa munti nilang paraiso ngunit nandon parin ang mga ala ala ng saya at lungkot na kanilang pinagsaluhan ng dati niyang matalik na kaibigan. Umupo sila sa lilim ng puno at saka ninamnam ang payapang paligid

“ang ganda dito steve” ang papuring wika ni mike

“bukod sa maganda ang katangian nitong paraisong ito mas malalim”

tila napaisip naman si mike sa seryosong wika ni steve

“ano hindi kita maintindihan drama mo ahh hahahaha” ang tukso ni mike kay steve hanggang sa mapansin ni mike ang mga luha ni steve

“hala sorry may nasabi ba akong masama?”

“wala mike wala”

nabalot ng ilang minutong katahimikan ang paligid hanggang sa basagin ni mike ang katahimikan

“pwede bang maligo diyan?” ang nakangiting wika ni mike na nag pabalik sa ulirat nito…

itutuloy……

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails