Followers

Thursday, May 31, 2018

Tok-Hang 21 (B2)



By Michael Juha
getmybox@hotmail.com


Madilim, Mahalumighig, At Makipot Na Yungib

Tuwang tuwa ang mga estudyante. Nagbunyi sila sa tagumpay ng kanilang rally. Sa tantiya nila ay nasa mahigit limang libong estudyante ng unibersidad ang dumalo at aktibong sumuporta sa kanilang ipinaglaban. May mga magulang din silang nakitang nakisimpatiya. Hindi nila inaasahan ang ganoon kainit na pagsuporta ng mga estudyante. Sa buong kasaysayan ng unibersidad, noon lang nila nakita ang ganoong kapulidong pakikiisa ng mahigit sa kalahating populasyon ng eskuwelahan. At ang ikinatutuwa pa ng mga dumalo, naging concert ito at mistulang isang dance party pagsapit ng hapon.

Sa apartment ni John tumungo ang magbarkada pagkatapos ng rally. Inimbitahan din nila si Shane, ang bise presidente ng student council na siyang namuno. Nandoon din ang iba pang mga student leaders na todo ang pagsuporta. Sa pagtitipon nilang iyon ay itinuloy nila ang kanilang kasiyahan. Nag-inuman, nagkantahan, nagkuwentuhan sa kanilang sunod na mga plano. Alam nila kasi na sa ugali ng Dean, hindi ito basta-basta na lang tatanggap ng pagkatalo.

Ibinahagi ni Shane ang kanyang planong pagsampa ng kaso sa Dean. Hihikayatin din niya ang mga estudyanteng nabidyuhan at nakasave ang mga litrato sa desktop ng Dean. At si John ay magsasampa rin ng kasong pamba-blackmail ng Dean sa kanya at kay Timmy.

Sa pagtitipon nilang iyon sa apartment ni John ay ramdam pa rin nila ang euphoria sa hindi inaasahang tagumpay. Madaling araw na nang matapos ang kanilang kasiyahan. At halos lahat ay lasing nang umuwi.

“Tulog na tayo, Tok.” Ang sambit ni John nang nagsiuwian na ang kanilang mga bisita.

“Puwede. Pero i-explain mo muna nang maayos iyong video ninyo ng Dean. Dalawa iyon. Una ay iyong hinalikan ka niya. At pangalawa, iyong sa ibabaw ng kama, na nagsex kayo.” Ang sagot ni Timmy.

Kinabahan na naman si John. Hindi kasi niya alam kung paano ba talaga i-explain. “Ano ba ito? Pabalik-balik na lang!” ang sagot ni John na biglang nakamot ang ulong hindi naman makati. “Di ba nag-explain na ako sa iyo? At hindi pa ba sapat iyong presentation nina Jeff na magaling mag edit at mag-photoshop iyang Dean natin?” ang sagot niya.

“Oo. Pero iyong halikan ninyo… photoshop din iyon?”

“Di ba sa video ay naputol? Iyon iyong time na kumalas ako, Tok! Bigla na lang niya kasi akong hinalikan at kaya niya pinutol iyon ay dahil nagalit ako sa kanya. Maniwala ka!”

“Puwede…” ang sagot ni Timmy na tumango-tango. “Eh, iyong nasa kama? Iyong naghalikan at pagkatapos ay pumatong siya sa iyo, at itinaas-baba pa angkanyang ulo sa iyong pagkalalaki?”

“Nakita mo ba ang mukha ko?”

“Paano ko makikita, pumatong siya sa iyo eh.”

“Iyong video scandal natin sa CR na pinaikot niya. May mukha ba tayo? Wala, di ba? Parho lang iyon, Tok…”

“At bakit ka naman nagpunta sa bahay niya at hindi mo pa sinabi sa akin?”

“Tok… di ba ayokong mahinto ka sa pag-aaral dahil alam kong pangarap mo iyan at iyan din ang pangako mo sa iyong inay? Kaya ako na ang gumawa ng paraan. At kung bakit hindi ko sinabi sa iyo ay dahil ayaw kong mag-worry ka.”

Hindi na sumagot si Timmy. Bagamat nasiyahan siya sa paliwanag ni John, hindi niya maiwasan na magtanim pa rin ng pagdududa.

Kaya sa gabing iyon, kagaya ng tagumpay nina Shane sa kanilang rally laban sa Dean, nagtagumpay din si John na sisirin ang madilim, mahalumighig, at makipot na yungib kung saan ay naroon ang bantog na underground river ng Palawan… sa tumbong ni Timmy.

Kinabukasan ay mainit na pinag-uusapan sa campus ang rally ng mga estudyante na nahantong sa isang public party. Masaya ang mood nila, ramdam pa rin ang euphoria at pride ng mga dumalo sa kanilang pakikiisa sa isang dakilang layunin para mapatalsik ang tyrant at mapang-api na Dean. May umiikot ding bulong-bulongan na pinatawag na raw ng Presidente ng Unibersidad ang Dean.

Sa isang sulok ng student center, habang nag-uumpukan ang barkada nina Timmy at pinag-usapan pa rin ang kanilang ginawa, dumating si Shane. “May good news at bad news ako sa inyo, guys!” Ang sambit niya sa grupo.

“Ano iyon, Shane?” ang tanong ni Timmy.

“Galing ako sa office ng university president. He scolded me for initiating the rally nang walang pahintulot. Pero later, he went on to praise me and the students...” nahinto siya sabay tawa “…of course sa grpuo ninyo or your bravery in exposing the serious violations of the Dean that not even he thought the Dean could do.”

“Wow! Congrats sa atin!” ang sigaw ni Jeff.

“And the good newas...” ang dugtong ni Shane, “…napatalsik na ang Dean. Effective sa araw na ito!”

“Yesssssssss!!!” doon na sumigaw ang buong grupo. At si Joy ay talagang tumayo, sumayaw ng Gangnam, walang pakialam kahit maraming estudynteng nakatingin sa kanya. Si Aaron naman ay pinatugtog ang kanyang cp ang kantang gangnam.

Nagtawanan ang grupo.

“Ano ang bad news?” ang tanong ni Jeff.

“Magsampa rin ng kaso laban kina Jeff, Joy, at buong team na nagbukas sa kanyang computer, isama rind aw ako sa kaso at sa iba pang mga student leaders.”

Nahinto sa pagsasayaw si Joy. “Ano raw ang bad news?” ang tanong niya.

“Sasampahan ka raw ng kaso ng Dean dahil sa unauthorized na pagbukas mo sa kanyang computer?”

Tiningnan ni Joy si Aaron sabay sabing, “Music please at budots budots naman ang kanyang isinayaw.”

Tawanan uli ang grupo habang pinatugtog ni Aaron ang Budots na music mula sa kanyang cp, ang ibang estudynte naman ay aliw na aliw kay Joy na nang-engganyo pa sa ibang mga estudyante na sabayan siya sa pagsasayaw. At syempre, iyong ibang estudyante na mga baliw at naaliw kay Joy ay nakisayaw na rin.

“Ano ang plano ninyo ngayong magsasampa pala ng kaso ang Dean?” ang tanong ni Timmy.

“Wala. Mas madiin siya kapag itutuloy niya iyan dahil magsilabasan ang mga testigo at ang mga baho niya. At isa pa, may kaso din naman tayo sa kanya eh.”

“Sabagay. At sa Baguio rin daw, magsasampa ng kaso ang kinakapatid ni John na si Jeremy.”

“Siguradong hindi na makapagturo ang hayop na Dean na iyan.” Ang sagot ni Shane.

“Kumusta naman ang presidente ng student council, pare?” ang pagsingit ni Jeff.

“Nagkausap din kami… at ang sabi niya ay nagsubmit na siya ng resignation sa Dean ng Student Affairs,”

“That’s better. Feeling ko kasi, masyado siyang pormal na tao, out of touch sa reyalidad ng mga problemang kinakaharap ng mga estudyante. Palibhasa kasi, anak mayaman, at parang takot makisalamuha sa masang estudyante. Indecisive pa at walang sariling paninindigan.” Ang sambit ni Jeff.

“Sanay kasi siya na ang lahat ng bagay ay may gumagawa para sa kanya. Kaya pati desisyon niya para sa student council ay inaasa niya sa kanyang mommy.”

“Iyan ang napala niya. Dapat sana ang mommy na lang niya ang nagpresidente.

Tatango-tango naman ang ibang miyembro ng barkada.

“So congrats, pare… Ikaw na ang student council president.”

“Salamat. Pero hintayin na lang muna natin ang official announcement galing sa opisina ng Dean of student affairs.”

***

Isang gabi, ilang araw ang nakalipas pagkatapos ng rally, naghanda ng mga ebidensya para sa kaso na ipa-file nila sina Jeff at Joy sa apartment ni John. Kinalkal na nila ang files ng mga litrato na na-kopya ni Joy galing sa computer ng Dean. Inisa-isa nilang tiningnan at pinag-aralan ang mga litrato ng mga estudyante. May mga babaeng estudyanteng naroon, ngunit ang karamihan ay mga lalaki, at mga guwapong lalaki. Pati si Timmy ay naroon, naroon din sina Jeff, Aaron at Daniel. At ang mayroong pinakamaraming litrato ay si John. Kahit mga litrato niya noong bata pa siya ay naroon din.

“Talagang obsessed ang animal kay Hang!” ang sambit ni Joy. “Hindi na nahiya!”

“Selos ka lang Joy!” ang biro ni Aaron.

“Ba’t ako magseselos! Natikman ko na kaya silang dalawa ni Tok at Hang!” sabay din bawi, “Charing!”

Sa mga laman na files ng Dean ay may mga controversial na kuha rin, kagaya nang may lalaking nakahubad, kitang-kita ang ari, may naghahalikang lalaki at babae, may naghahalikan ding kapwa lalaki. At iyong nagtatalik na dalawang lalaki sa CR na ikinabit sa video nina Timmy at John at naging viral na scandal, naroon din. Nakilala na rin nila kung sino ang mga nasabing estudyante ngunit pinipixilized na lang ni Joy upang hindi mabunyag ang kanilang pagkakilanlan at hindi sila mapahiya.

Halos matapos na sila sa pag sort out sa litrato ng mga estudyante at pag-match sa kanilang mga pangalan nang biglang napako ang paninigin ni Joy sa isang litrato. Inusisa niya ito nang maigi at inilapit pa ang kanyang mukha upang maklaro niya ito.

Ngunit nang na-kumpirma niya sa kanyng mga mata kung sino ang nasa litrato, dali-dali rin niyang pinindot ang minimize na button upang itago ang nasabing litrato.

Ngunit nakita ni Timmy ang kanyang ginawa. “Ano iyon Joy?” ang tanong niya.

“Eh… w-walang kwentang litrato, Tok…” ang sagot lang ni Joy na hindi ipinahalatang nag-alala siya.

“Patingin nga!” ang paggiit ni Timmy habang inabot ang mouse ng computer.

“Huwag mo nang pag-aksayahan ng time iyon, wala iyon.” Ang sagot naman ni Joy na pilit inilayo ang mouse sa kamay ni Timmy.

Lalong nagtaka si Timmy sa inasta ni Joy. Tinitigan niya si Joy. “Gusto kong tingnan ang litratong iyon, Joy. Akin na ang mouse.” Ang giit ni Timmy na seryoso ang mukhang nakatingin kay Joy.

Wala nang nagawa si Joy kundi ibigay kay Timmy ang mouse. Nang lumantad ang litrato, hindi lubos maisalarawan ni Timmy ang tindi ng kanyang galit. Ang nasa larawan ay si John. Nakaupo siya sa isang silya, nakayuko habang ang kumuha ng larawan ay nakatayo na nakaharap sa kanya. At ang ikinagalit ni Timmy sa larawan na iyon ay ang postura ni John. Wala siyang saplot sa pang-itaas na bahagi ng kanyang katawan, nakabukas ang zipper ng kanyang faded na maong na pantalon, bahagyang nakahawi ang kanyang puting brief at nakausli ang mahigit sa kalahati ng kahabaan ng kanyang pagkalalaki. At ang labis na ikinagalit niya sa litratong iyon… hinahawakan ng Dean ang ari niya habang nakaharap sa camera, nakangiti na parang nang-aasar, nang-iinggit at nag-V sign pa.

At hindi lang iyon ang litrato. May isa pang litrato kung saan ay ang mismong ari ni John ay isinubo ng Dean.

“Joy… paki-check nga kung photoshopped o edited ang litrato?”

Tinitigan ni Joy. Pagkatapos ay tinawag ang iba pang barkada. “Uy… tingnan niyo nga?” ang utos ni Joy.

Tiningnan ng barkada ang litrato. “O, sa tingin ninyo ay edited ba?”

Nagsitinginan ang barkada. Pagkatapos ay tiningnan nila si Joy. “Ikaw an gexpert d’yan eh!” ang sabay-sabay na sabi nila.

“Ano, Joy… authentic ba?”

Hindi makatingin-tingin si Joy kay Timmy. Nakasad-face na tumango.

Iyon lang. Hindi na nagsalita si Timmy na agad tumayo at tahimik na tumungo sa kanilang kuwarto ni John. Dahil panggabi ang pasok ni John, wala siya sa kuwarto.

Dali-daling nag-impake si Timmy. Inilagay niya ang mga mahahalagang gamit sa kanyang backpack. Habang nag-impake siya ay muling naglaro ang mga katanungan sa kanyang isip na pilit na sana niyang binura sa mga paliwanag ni John. Kung bakit pumupunta si John sa bahay ng Dean nang hindi man nagpapaalam sa kanya, kung bakit may mga pagkakataong medaling araw na siya kung umuuwi.

“Tol… sa bukid na ako matutulog.” Ang pagpapaalam ni Timmy kina Jeff, Joy at iba pang barkada na tumulong sa paghanda ng mga ebidensya. Bitbit na niya ang kanyang mga gamit na inimpake at handa na siyang umalis ng apartment.

“B-bakit? S-saan ka ba pupunta, Tok?” ang tanong ng barkada.

“Sa bukid.”

“Tok, huwag naman ganya, Tok. Huwag mo kaming iwanan dito, Tok…” ang pakiusap ni Jeff. Ginawa nila ang lahat upang pigilan si Timmy. Nagmakaawa pa si Joy na huwag magtanim ng galit si Timmy kay John at nagsorry pa siya dahil nakaramdam siya ng guilt dahil siya ang nakadiskubre sa litrato na iyon.

“Wala ka namang kasalanan, Joy. Mas maganda nga na lumabas ang lahat. Hindi ako galit sa inyo, wala akong sinisisi. This is between John and me at hindi kayo kasali. Kaya cool lang kayo.” Ang paliwanag ni Timmy.

“Kung ganoon, Tok…huwag ka nang umalis. Gabi na. Tutal ay wala naman si John eh.” Ang sambit naman ni Aaron.

“Ok lang, pare. Alam mo naman na matagal na ring hindi ako umuuwi sa bukid dahil nga hindi na kami nagkasabay ng schedule ni John, at panggabi na ang pasok niya. Pero ngayon… puwede na sigurong kahit ako na lang mag-isa sa bukid. Mas maganda para makapag-isip din ako ng maayos.” Ang sagot ni Timmy na binitiwan ang isang pilit na ngiti.

Dahil buo na ang isip niya, dali-dali siyang lumabas ng apartment. Hinabol pa siya ng Tito ni John upang ipapahatid sa paanan ng bundok ngunit tinanggihan ni Timmy ito. May dadaanan pa raw siya. Bago siya simakay ng tricycle, pinatay ni Timmy ang kanyang cell phone.

Pinahinto ang sinakyang tricycle sa karinderya kung saan ay una silang naging magkaibigan ni John. Iyon iyong araw kung saan ay binugbog ni John ang class president ng kabilang section nang siniraan niya ang inay ni Timmy. Galit na galit pa si Timmy noon kay John. Ngunit sa ginawa niyang pagtanggol kay Timmy, lumabot ang puso niya. Sa restaurant na iyon nangyari ang una nilang pagiging magkaibigan. Nag-inuman sila. Nalasing si Timmy at kinarga ni John pauwi sa bahay nila sa bukid. At ang sumunod na mga pangyayari ay bahagi na ng kasaysayan.

Umurder si Timmy ng tatlong beer at kanin. Habang umiinom siyang mag-isa, abala naman ang kanyang isip tungkol sa mga pinagdaanan nina John simula nang naging sila. Mayroong mga babaeng nagtangka kay John sa eskuwelahan, mayroon din sa Roxas City nang nag stop-over siya roon sa paghahanap sa kanyang inay, mayroon din siyang girlfriend sa Maynila... ngunit sa isang bakla na nasangkot sa kanya, iyo pa lang sa Dean ang nangyari. At ito ang pinakamatinding sakit na kanyang naramdaman.

Binitiwan ni Timmy ang isang malalim na buntong-hininga. Litong-lito pa ang kanyang isip at hindi alam ang kanyang gagawin.

Madilim ang daan na binaybay ni Tokhang, ang kanilang kabayo. Matagal-tagal na ring hindi naka-uwi si Timmy sa kanyang dampa sa bukid. Naalala pa niya ang huling tagpo nila ni John doon. Silang dalawa lang sa bukid noon dahil wala nang banta sa kanila noong Felix Alberto. Sa huling araw nila ay naligo sila sa ilog at doon kumain sa may pampang. Kinagabihan ay muli na naman silang bumalik sa pampang at doon nag-inuman. Tinamasa nila ang sariwang hangin at ninamnam ang tahimik na kapaligiran. Inangkin nila ang ganda ng kalikasan. Iyon ang huling gabi nila bago nila iniwan ang bukid upang doon pansamantalang manirahan sa apartment ni John.

“Ang sarap talaga dito sa lugar mo, Tok ano? Presko ang lahat, tahimik, napakaganda ng tanawin… Dito sa bukid ninyo, wala ka nang mahihiling pa. Hindi nga nagkamali ang inay mo sa pagbili ng lupang ito.” Ang naalala ni Timmy na sinabi John sa kanya sa huling araw nila sa bukid.

Binitiwan ni Timmy ang isang matipid na ngiti. “Hinding-hindi ko ito ibebenta kahit ilang milyon pa ang i-offer na halaga sa akin. Ito lang ang natitirang alaala ko sa aking inay.” Ang sagot naman ni Timmy.

Kinabukasan noon ay bumaba na sila sa bukid upang doon na manatili sa apartment ni John habang tinatapos nila ang semester dahil magkaiba nga ang ibinigay sa kanila ng Dean na schedule ng klase.

Nahinto ang pagmumuni-muni ni Timmy nang nakarating na siya sa kanyang lugar. At laking gulat niya nang mapansin ang kaibahan ng lugar. Wala na ang kanyang dampa at sa halip ay isang semi-concrete na bahay ang kanyang nakita. May ilaw ang bagong bahay na iyon at nang tiningnan niya ang gilid ng bahay ay naroon ang generator na bigay ni John kay sa kanya nang namatay ang kanyang inay. Iyon ang ginamit na pampailaw ng bagong bahay.

Dali-daling tinumbok ni Timmy ang dating pinagtitirikan ng bahay niya. Maliban sa mga itinambak na gutay-gutay na kahoy, nipa na dating atip, wala na siyang iba pang palatandaan na doon nakatayo ang bahay niya. Pati ang kanyang mga pananim na gulay ay kung hindi man pinatag, pinagtatabas. Mabuti na lang at ang mga alagang manok at hayop niya ay naibenta niya bago sila umalis. Ang iba naman ay ipinamigay sa kapitbahay.

Sa galit ni Timmy ay agad niyang pinuntahan ang bahay. “Tao po! Tao poooo!!!” ang sigaw niya.

Isang lalaki ang lumabas. “Ano po ang kailangan nila?”

“Sino po ang nagbigay sa inyo ng pahintulot na magtayo ng bahay dito sa lupa ko? At sino po ang sumira sa bahay namin?” ang sigaw ni Timmy.

“Huwag mo akong sigawan, Totoy! Itong lupa na ito ay matagal nang pagmamay-ari ni Mr. Felx Alberto. Siya ang amo ko at pinayagan niya ako at ang aking pamilya na manirahan dito upang bantayan na rin ang lugar. Magtatayo siya ng piggery rito. Ako ang mamamahala.” Ang sagot ng lalaking nakatira sa bahay na nasa mahigit 40 ang edad, sunog ang balat at halatang sanay sa mabibigat na trabaho.

“Ako po ang may-ari ng lupang ito at matagal na po naming pag-aari ito!” ang sagot ni Timmy.

“Puwes ilabas mo ang iyong katibayan. At huwag mo akong sisigaw-sigawan dahil malilintikan ka. Nandito ka sa aking teritoryo at baka sa ilog ka pupulutin kapag nagkataon!” ang galit na banta ng lalaki.

Hindi na nakipag-argumento ni Timmy. Alam niyang delikado ang buhay niya kapag pinatulan niya ang lalaki. Wala siyang kalaban-laban. Kaya bumalik na lang siya sa bahay ng mag-asawang Alicia at Nardo, tagapag-alaga kay Tokhang kapag wala sina Timmy at John sa bukid.

Nagulat ang mag-asawa nang muling bumalik si Timmy. Ikinuwento ni Timmy ang nangyari sa kanilang lupa sa bukid.

“Diyos ko! Ang bilis naman! May apat na buwan na bang nawala kayo?” ang tanong ni Aling Alicia kay Timmy.

“Mga ganyan na po.”

Napatingin sa isa’t-isa ang mag-asawa. “Marami nang nabiktima ang Felix Alberto na iyan. Isang bigtime negosyante kasi iyan at kapatid ng gobernador. Malakas din ang kuneksyon niyan sa mga pulitiko dito sa lalawigan natin.” Ang sabi naman ni Mang Nardo.

“Nakita niyo na ba siya?” ang tanong ni Timmy.

“Hindi pa. Kadalasan ay mga tauhan lang niya ang pinapupunta rito. Ang ginagawa niyan ay aangkinin ang mga lupa na sa bukid na walang nagbabantay. Tatakutin ang mag-ari at pagagawan ng kumpletong papeles ang lupa na aangkinin niya. At dahil mahihirap ang biktima, wala nang habol. Ngunit kapag maghahabol naman, pahihirapan niya. Kung may pera, ipatutubos niya. At milyones ang bayad sa pagpapatubos, depende sa laki. Paano matutubos iyan ng mahihirap? Saan sila kukuha ng milyones?”

Biglang natahimik si Timmy. Sa isip niya ang malaking tanong kung saan siya maghahanap ng pera na ganoon kalaki. At sa gayong sitwasyon pa na galit na galit siya kay John. Alam niyang hindi niya kayang basta-basta na lang ibigay ang lupa na iyon. Sobrang mahal niya iyon dahil iyon lang ang natitirang alaala niya sa kanyang namayapang inay. Kahit nga ang dampa nila ay hindi niya ipina-kunkreto dahil ayaw niyang masira ang iniwang alaala. Ngunit sinira rin ito ng tauhan ni Felix Alberto.

“Tao po! Tao po!” ang biglang narinig nila.

Nahinto sila sa kanilang pag-uusap at pinakinggang mabuti kung sa kanilang bahay nga ba ang nag “Tao po.”

Nabosesan ito ni Timmy. Kaya binulungan niya ang mag-asawa. “Mang Nardo, Aling Alicia... si John iyan. Kapag hinanap niya ako, huwag po ninyong sabihin na nandito ako.”

“Ano ang sasabihin ko?” ang tanong ni Aling Alicia.

“Basta po, hindi ninyo ako nakita. At kapag kukuhanin niya si Tokhang, ibigay niyo lang po.”

“Magandang gabi John. Ikaw pala iyan?” ang pagbati ni Aling Alicia nang binuksan niya ang pinto.

“Magandang gabi rin po, Aling Alicia!” ang sagot ni John.

“Kukunin mo ba si Tokhang?”

“Ah... H-hindi po ba umuwi si Timmy sa bahay niya sa bukid?” ang tanong ni John.

“H-hindi naman.”

“Ah... kaya po pala nandito pa rin si Tokhang.”

“Oo nga John. Hindi ka ba tutuloy sa bukid?”

“Ah... hindi na lang po. A-akala ko kasi, nandoon si Timmy. K-kung nandoon siya ay aakyat po ako.”

“Bakit? Hindi ba kayo magkasama?”

“Magkaiba po kasi ang klase namin, Aling Alicia. Sige po, aalis na lang po ako.”

“Nag-aaway ba kayo?” ang tanong ni Aling Alicia.

“M-may konting tampuhan lang po.”

Hindi na nagtanong pa si Aling Alicia. Umalis din kaagad si John.

Nang wala na si John ay hindi na umimik ang mag-asawa. Naramdaman nilang may tampuhan nga ang dalawa. At dahil gabi na, inanyayahan nilang doon na lang muna magpalipas ng gabi si Timmy sa bahay nila.

Sa gabing iyon ay mistulang sasabog ang utak ni Timmy sa dalawang malalaking dagok at problemang dumating sa buhay niya – sa kataksilang ginawa ni John at sa pagsira at pag-agaw ng isang Felix Alberto sa bahay at lupa niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Hanggang sa nabuo rin sa isip niya ang isang desisyon.

Kinabukasan ay maaga siyang umuwi sa apartment. Dumeretso siya sa kuwarto nila ni John. Nang nasa loob na siya, naroon si John na tulog pa ngunit bigla ring nagising nang naalimpungatang siya ang pumasok ng kuwarto.

“Saan ka nagpunta kagabi, Tok?” ang tanong n John.

“Wala ka na roon. At hindi ako nagpunta rito dahil sa iyo.” Ang sagot ni Timmy.

“Ano ba ang problema?” ang tanong ni John.

“Nagmaang-maangan ka pa. Iyan ang ayaw ko sa iyo eh. Alam mo ang problema tapos ako ang tatanungin mo? Ano ‘to? Gaguhan?”

“Puwede naman nating pag-usapan iyan, ‘di ba? Magpaliwanag ako sa iyo.”

“Huwag na. Pagod na ako sa mga paliwanag mo.”

“Inaamin ko naman, Tok. Mali ako sa hindi ko pagsabi sa iyo na pumunta ako sa bahay ng Dean. Pero alam mo naman na iyon ay para lang hindi tayo niya i-expel sa unibersidad eh, lalo na ikaw.”

“Sinabi ko nang ayaw ko nang makinig sa mga paliwanag mo eh!” ang bulyaw ni Timmy. “Nandito lang ako dahil gusto kong makipag-usap sa Tito mo. May sasabihin ako.”

“O-okay… okay” ang sagot ni John. “Ngayon na ba?”

“Ngayon na… bago ako pumasok ng eskuwelahan.”

Dali-daling bumalikwas si John at tinungo ang kuwato ng Tito niya. Kinatok ito at ipinarating ang sinabi ni Timmy. Dahil nakahanda na rin ang almusal, doon na nila dinala si Timmy sa hapag-kainan.

“A-ano iyong gusto mong sabihin, Timmy?” ang tanong ng Tito ni John.

“Gusto ko pong pirmahan ang inheritance base sa last will and testament ng daddy ni John…”

Mistulang may sumabog na malakas na bomba sa harap ni John. Nagkatinginan sila ng Tito niya. Hindi kasi lingid sa kaalaman ng Tito ni John na nagmamahalan ang dalawa.

“Ah, eh… k-kung iyan ang desisyon mo, Timmy. Walang problema. Effective pa naman iyon, hanggang sa kung kailan mo gustong pirmahan. Ikaw lang ang hinihintay.” Ang sagot na lang ng Tito ni John.

“Tok… ba’t naman ang bilis yata? Hindi mo man lang ba ako kinunsulta bago ka magdesisyon?”

“Ikaw ba ay kinunsulta mo ako nang nagpupunta ka sa bahay at nakikipag-inuman sa Dean?” ang galit at mabilis na sagot ni Timmy.

“Di ba ipinaliwanag ko na sa iyo iyan, Tok?”

“Iyong bagong litrato ninyo ng Dean? Paano mo ipaliwanag iyon?”

“Mag-usap tayo mamaya pagdating mo galing eskuwelahan. Hihintayin kita rito.”

“Huwag na.” ang sagot ni Timmy. At baling sa Tito ni John. “Tito, sana ay mapirmahan ko na siya kahit mamayang pag-uwi ko galing sa eskuwelahan?”

“Okay, okay. Ihanda ko na, pati ang listahan ng mga kumpanyang mayroon kang shares…”

“Ang bilis naman, Tok! Bakit? Gusto mo talagang maging legal na magkapatid tayo?”

“Ayaw mo noon? Libre ka na sa kung ano man ang gagawin mo?” ang sagot ni Timmy. At baling sa Tito ni John. “Salamat Tito. Mauna na po  ako baka ma late ako sa klase.” Ang pagpapalam ni Timmy na hindi man lang tinapos ang kanyang pagkain.

“Sige, Timmy. Ingat ka.”

Tumayo rin si John at sinundan si Timmy sa kuwarto nila. Nang nasa loob na sila, nilock kaagad ni John ang kuwarto at nilapitan si Timmy na kasalukuyang naghubad ng damit upang tutungo sa shower. “Ano ba itong drama mo, Tok? Kung gusto mo ng pera, may pera ako!”

“Bakit ako manghingi ng pera sa iyo kung may pera naman ako?” ang sambit niya habang itinapis ang tuwalya sa kanyang baywang.

“Ginawa mo lang ba iyan nang dahil sa galit mo sa akin?”

“Mr. John Iglesias, lahat na lang ba ng bagay ay umiikot sa iyo? Hindi mo lang alam kung ano ang pinagdaanan ko! Kung ano ang probleman kinakaharap ko! Hindi mo alam! Wala kang alam! ”

“Puwes sabihin mo sa akin kung ano, Tok!”

“Pagkatapos ng ginawa mo? I don’t trust you! I don’t even know you now!” ang bulyaw niya habang tinumbok niya ang shower.

“You don’t know me? At pagkatapos ay pipirmahan mo ang inheritance ng aking ama?”

“Bakit hindi? Ibinigay niya ito nang kusa sa akin. Pangalawa, nalimutan mong muntik ko nang ikamatay sa matinding sakit ang panlilinlang niya? Ang pagtatrayador niya sa akin? This is his way of saying sorry to me. Tanggap ko na. Kaya ko pipirmahan ang inheritance niya dahil pinatawad ko na siya. Ano ang masama roon?”

Dali-daling pumasok si John sa shower kahit naka-damit at naka-shorts pa siya. Sa loob ng shower ay bigla niyang niyakap si Timmy. Nabasa ang damit ni John. Nagkataon namang puno pa ng sabon ang katawan ni Timmy pati na ang kanyang mga mata.

Inikot ni John ang valve upang maputol ang pagpatak ng tubig mula sa showr. “I love you, Tok. Ayokong maging legal na magkapatid tayo. Alam mo iyan!” sabay diin ng bibig niya sa mga labi ni Timmy.

“Tangina! Ang hapdi ng mata ko. Tubigggggggg!” ang sigaw ni Timmy habang nakipagsambuno siya kay John.

Ngunit mas malakas si John. Tinisod niya si Timmy dahilan upang mapahiga siya sa sahig ng banyo at hindi na niya maabot ang valve. Doon na siya pinadapa ni John atsaka dinaganan. At dahil nakahubad na si Timmy, dagdagan pa sa madulas na katawan nito dahil sa sabon, mabilis niyang maipasok ang kanyang pagkalalaki sa tumbong ni Timmy.

Mabilisan. Mahigit isang minuto lang at pumulandit na ang katas ni John sa kaloob-looban ng butas ni Timmy.

Wala nang nagawa si Timmy kundi ang pilit na tumayo pagkatapos ng ginawa ni John sa kanya. Hindi niya maipagkaila na bagamat may galit siya kay John, nag-init pa rin ang katawan niya sa ginawang iyon ni John sa kanya. Kitang-kita ito sa tirik na tirk niyang pagkalalaki na agad ding hinawakan ni John at isinubo iyon sa kanyang bibig.

Hinayan lang siya ni Timmy. Sa gitna ng kanyang galit ay nanaig ang init na naramdaman niya sa kanyang katawan. At kasabay sa pagbagsak ng tubig mula sa shower at pagkuskos niya sa kanyang buhok at mahapding mata, walang tigil naman ang paglabas-masok ang kanyang pagkalalaki sa loob ng bibig at lalamunan ni John.

Nang maramdaman niyang malapit na siya sa ruruk ng kaligayahan, sinunggaban niya ang buhok ni John kasabay sa malalalim na pag ulos niya sa bibig nito. Doon na rin niya naramdaman ang lalo pang pabilis nang pabilis na pagtaas-baba ng bibig ni John sa sa kanyang harapan. Hanggang sa hindi na niya natiis ang pagpulandit ng kanyang katas. At kasabay sa paninigas at pag-unat ng kayang kalamnan ay binitiwan niya ang isang pigil na ungol. “Ahhhhh! Ahhhhhh!”

Nilunok ni John ang lahat ng tamod ni Timmy. Nang nahimasmasan, tumayo siya, niyakap at hinalikan si Timmy sa bibig.

Hindi sinuklian ni Timmy ang yakap at halik na iyon ni John. Nanatili siyang parang tuod na nakatayo roon habang yakap-yakap ni John.

“I love you, Tok… Hindi ako papayag na maghiwalay tayo.”

Iyon lang. Hindi sumagot si Timmy. Nakasimangot na tinapos niya ang kanyang pagligo. Nagbihis siya astsaka walang imik na lumabas ng kuwarto.

Sa eskuwelahan naman ay walang tigil sa kakukulit ang barkada sa pagtatanong kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa ni John. Tinanong din nila kung saan siya natulog dahil tumawag daw si John sa kanila at sinabing hindi niya nakita si Timmy sa gabing iyon.

Ngunit nanatiling tahimik si Timmy. Sinarili niya ang kanyang matinding suliranin.

Nang nakabalik na si Timmy sa apartment pagkatapos ng klase, agad na inihanda ng Tito ni John ang mga papeles ng inheritance upang pirmahan ni Timmy.

Saksi si John, ang kanyang Tito at isang abugado sa pagpirma ni Timmy sa inheritance. Nang napirmahan na ni Timmy ang unang pahina, agad na tumayo si John at galit na nagsisigaw. “Putangina! Putangina! PUTANGINAAAAAAA!!!” at narinig na lang nila ang malakas na kalampag ng pagsara ng pinto at kalabog na tila pinagsusuntok na aparador.

Hinayaan na lang nila si John. Nang ipinihit na ng abugado ang sunod na pahina, binasa ito sandali ni Timmy at minuwestrahan ang abugado na hanggang doon na lang.

Napangiti ang Tito ni John kay Timmy. Doon siya bumilib kay Timmy.

“I-set natin sa crporate na abugado ang pag-orient sa iyo sa iba pang mga dokumento na kailangan mong malaman kagaya ng certificates of shares of stocks, mga pangalan ng kumpanyang may shares ka, corporate bank accounts, at iba pang mga dokumento na kailangan mong pag-aralan. At ang corporate lawyer na rin ang bahalang magpakilala sa iyo sa mga namahala ng kumpanya at negosyong may shares ka.” Ang sabi ng Tito ni John.

“Okay po, Tito!”

Binitiwan ng Tito ni John ang isang ngiti sabay bigay ng thumbs up kay Timmy.

Napangiti na rin si Timmy at sinuklian ang thumbs up ng Tito ni John.

Nang nakatalikod na si Timmy, napailing ang Tito ni John habang pinagmasdan niya si Timmy. Napahanga. “Talagang matalino ang batang ito.”

(Itutuloy)

19 comments:

  1. Ask ko lng po, pwede bang mag adopt thru the last will? I dont think so. Anyway, unenforceable namn kasi hindi signed ang lahat ng pages tsaka kulang ang witnesses

    ReplyDelete
    Replies
    1. If you have read the previous chapters, the adoption process was made while the dad of John was still alive.

      Delete
  2. tagal ko din naghintay ng update nito.

    ReplyDelete
  3. may something kay tito... may hidden agenda n nmn ata ang deads na papa ni John hahahaha

    ReplyDelete
  4. may something kay tito... parang may hidden agenda na naman ang deads na papa ni John

    ReplyDelete
  5. may something kay tito...parang may hidden agenda na naman ang deads na papa ni John

    ReplyDelete
  6. pleasssse sir mike i cant even huhu pleassse pa update na po please 😭😭😭

    ReplyDelete
  7. San napo ung kasunod, please.😢😭

    ReplyDelete
  8. Next chapter please sir mike.😢😢😭😭😭

    ReplyDelete
  9. Next chapter na po sir mike. Thanks..

    ReplyDelete
  10. Mag-iisang taon na pala ito. Next na po please.

    ReplyDelete
  11. huhu bitin ulit :( isang taon na naka thumbs up si Timmy at yung nameless tito ni John :( isang taon na din may dugo yung kamao ni John :( anyare na po sa kanilang dalawa? nabawi na po ba yung lupain nina Timmy? ano na lang po sina Timmy at John ngayon?

    ReplyDelete
  12. huhu bitin ulit :( isang taon na naka thumbs up si Timmy at yung nameless tito ni John :( isang taon na din may dugo yung kamao ni John :( anyare na po sa kanilang dalawa? nabawi na po ba yung lupain nina Timmy? ano na lang po sina Timmy at John ngayon?

    ReplyDelete
  13. still waiting sa kasunod neto,, ang ganda kasi nang kwentong to, natapos ko na din yung kadikit na kwento neto " ang roommate kong sioge"

    ReplyDelete
  14. ASAN NAPO YUNG NEXT HUHU😢😢

    ReplyDelete
  15. August 2020 wala nang update....?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails