By Michael Juha
Ang Mommy Kong Petmalu
(Mother’s Day Special 2)
Nakaraan:
Hindi nagawang maipaabot ni Jerome ang kanyang mga bulaklak at
mensahe para sa kanyang inay sa Mother’s Day gawa nang ipinabugbog siya sa mga
guwardiya at ipinadampot pa ng mga pulis ng mismong inay niya. Doon nakatulog
si Jerome sa prisinto. Kinabukasan ay sinundo si Jerome mula sa prisinto ng
mag-inang Steff at July.
***
Lungkot na lungkot ako sa
pagkabasa ko sa dedication na nasa card ni Jerome para sa kanyang inay. Tila tinadtad
ang aking puso sa matinding awa. Kumbaga, sa sakit na aking nadarama sa
pagkabasa ko sa sulat ay bull’s eye na tumama ang sibat nito sa aking puso. At
hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha.
Nang nakita ng aking inay na
lumuha ako, hininto niya ang sasakyan at ipinarada ito saglit sa gilid ng
kalsada. Hinugot niya mula sa aking kamay ang card. Binasa niya ang dedication.
Nang matapos na niyang basahin, kitang-kita sa mukha ng inay ang ibayong
pagkahabag kay Jerome. Nilingon niya si Jerome na nakaupo sa likurang upuan ng
sasakyan, nakapako ang mga mata sa gilid ng bintana na tila tumagos ang tingin sa
bundok na tanaw mula sa kalsada na aming kinaroroonan.
Binitiwan ng aking inay ang
isang malalim na buntong-hininga. Iniabot niyang muli sa akin ang card atsaka marahang
tinapik ang hita ni Jerome. “Jerome... you can call me mom, if you want...
Mommy Steff.” Ang sambit niya.
Tiningnan siya ni Jerome. Binitiwan
niya ang isang hilaw na ngiti para kay inay. “Thank you, Steff...” ang sagot niya.
“Mommy Steff.” Ang pagtama niya
kay Jerome.
“Thank you, Mommy Steff.”
“That’s better!” ang sambit ng
aking inay na nakangiti kay Jerome.
“Bakit sa akin ‘ma’ lang. Tapos
sa kanya ay ‘mommy’?” ang pabiro kong pagtutol.
“Call me mommy then.”
“Okay... Mommy Steff na ang
tawag ko sa iyo.”
“I like it.” Ang sambit ng inay
sabaya tawa. At baling kay Jerome, “Welcome to the family, Jerome!”
Napangiti naman si Jerome.
“Welcome bro!” ang pabiro kong
sabi sa kanya sabay abot ko sa aking kamay upang makipagkamayan. Pabirong sinuklian
lang niya ako ng isang flying kiss.
Muling pinaandar ng inay ang
sasakyan.
Ang plano namin ay ihahatid lang
niya kami sa boarding house upang maghanda sa aming pagpasok sa eskuwelahan sa
araw na iyon habang siya naman ay babalik sa kanyang accommodation upang
maghanda rin sa kanyang pagpasok sa kanyang opisina. Ngunit nagulat na lang ako
nang bigla siyang nag-u turn.
“Saan tayo ma?” ang tanong ko.
“Pupunta muna tayo sa downtown
at doon na tayo magbreakfast.”
“Ma... late ka na sa pasok mo! At
kami rin!” ang pagtutol ko. Lunes kasi iyon.
“Mag leave ako sa araw na ito at
kayo rin ay mag-absent. May gagawin tayo.”
“Ano? Bakit? Anong gagawin
natin? Ba’t kailangan pa nating mag-absent?”
“Magcelebrate tayo. I-welcome
natin si Jerome sa ating family.”
Napangiwi na lang ako at hindi
na nakapagsalita pa. Parang napakababaw na dahilan. Gawa-gawa lang naman niya
ang pagpapatawag niya kay Jerome sa kanya ng “Mommy Steff” upang hindi
malungkot iyong tao.
Nang nasa downtown na kami,
pumasok kami sa isang kainan, nag-order ng makakain. Nang nagsimula na kaming
kumain, doon na nagsalita ang inay. Tinanong niya kung saan nakatira ang mga
magulang ni Jerome, malaki ba ang bahay nila, may tanong din tungkol sa mga
guwardiya. May mga itinanong pa siyang ibang bagay.
Malungkot pa rin si Jerome.
Bagamat sinasagot naman niya ang mga tanong ng inay, kitang-kita ang lungkot sa
kanyang mga mata. Halatang sa bawat ngiti na kanyang binitiwan ay may masakit na
pinagdaanan.
Nang matapos na kami sa aming
agahan, bumalik kami sa kotse.
“Saan na tayo?” ang tanong ko.
“Ako’ng bahala” ang sagot lang ng
inay.
Kaya pinabayaan na lang namin na
magdrive siya. Hanggang sa nakarating kami sa gate ng kanilang accommodation.
“Pasok muna tayo sandali. Mag
quick bath lang ako at magbihis.” Ang sambit niya.
Walang imik na sumunod kami ni
Jerome sa kanya. Ngunit hanggang sa sitting room lang kami. Hindi na kami pumasok
sa kanyang silid-tulugan dahil nagmamadali naman siya. Naroon na rin kasi ang
bathroom sa loob mismo ng kanyang silid-tulugan.
Pagkatapos niyang mag quick bath
at nakalabas na ng kuwarto, suot niya ay maong at t-shirt. Halos walang make
up. Naka-rubber shoes, at ang buhok ay naka pony-tail. Tila aakyat siya ng
bundok ng Mt. Apo.
“Anong mayroon at ganyan ang
suot mo?” ang tanong ko.
“Sasabihin na lang natin na may
mission impossible tayo.”
“Mission impossible? Ano iyon?”
Ang tanong ko.
“Stop asking.” Ang sagot niya.
“You will know what I mean later.”
Hindi na ako nakikipagtalo pa.
Nang nasa parking lot na kami at sasakay na sana sa sasakyan niya, nagtaka
naman ako dahil may utility man na nagdala ng foldable ladder at pilit na
ipinagkasya iyon sa loob ng sasakyan niya. Dahil SUV ang sasakyan ng inay kung
kaya ay kahit papaano nagkasya pa rin ito. Iyon nga lang, halos tumagos ito sa
gitna ng inuupuan namin sa row ng driver’s seat.
Nang tinanong namin kung bakit
may hagdanan kaming dala, natawa lang siya at ang sagot ay, “Mission impossible
nga! Huwag na ngang maraming tanong!”
Bumalik uli kami sa downtown.
Nagpark siya sa isang public parking area. “Dito lang muna kayo, may bibilhin
ako saglit diyan sa may shop malapit lang dito.” Ang sambit niya, nagmamadaling
lumabas ng sasakyan.
Maya-maya lang ay bumalik at
binuksan ang likurang bahagi ng sasakyan, inilagay niya ang kanyang binili.
Hindi ko na nakita kung ano iyon gawa nang naharangan ito ng pinakahuling row
ng mga upuan.
Pinaandar niya muli ang
sasakyan. Hindi na ako nagtanong pa kung ano ang plano niya. Hinayaan na lang
namin siya kung saan niya kami dadalhin. Nilingon ko si Jerome sa likurang
upuan. Tila wala rin itong pakialam kung saan an tungo namin. Siguradong ang nanay
pa rin niya ang nasa isip niya.
Nang malapit na kaming dumating
sa lugar na target na pupuntahan ng inay, doon na nagsalita si Jerome. “Dito ba
tayo pupunta, Steff?”
“Mommy Steff.” Nag pagtama uli
ng inay sa sinabi ni Jerome.
“Tama ba ang pinuntahan natin,
Mommy Steff?” ang tanong uli ni Jerome.
“Yes, son. Tama.” Ang sagot ng inay.
Maya-maya lang ay humantong kami
sa isang 2-storey na napakagandang bahay na mistulang isang mansyon sa laki.
Umikot ang inay sa likod nito.
Dahil hindi na nakakapasok ang
sakyanan sa may pinakalikod pa, bumaba kami.
“Ilabas natin ang foldable
ladder.” Ang sambit ng inay habang pilit na hinila niya ang foldable ladder.
Dali-dali namin siyang
tinulungan. “Anong gagawin natin dito?” ang tanong ko.
“Silent ka nga lang muna, July.
Malalaman mo rin.” Ang sagot ng inay.
Nang nakalabas na ang foldable
ladder pinagtulungan naming dalhin ito patungo sa may pader ng bahay.
“Ano ba kasi ang gagawin natin
dito, ma???” ang tanong kong nagmamaktol nang nasa gilid na kami ng pader sa
likod ng nasabing bahay. Talahiban kasi parteng iyon. “Huwag mong sabihing
pagnanakawan natin iyang bahay na iyan?” ang dugtong ko pa.
“Shhhh!” ang sambit niya. “Iyan
ang bahay ng mommy ni Jerome. Wala riyan ang kanyang asawa dahil nasa trabaho
at wala rin ang kanyang mga kapatid.
“So? Papatayin na natin ang inay
ni Jerome dahil nag-iisa lang siya, ganoon?” ang nasambit ko dahil sa inis.
“Huwag ka ngang maingay!” ang
sagot niya. At baling kay Jerome. “Akyatin mo ang pader, Jerome, tapos iaabot
namin sa iyo itong foldable ladder. Gamitin mo siya pag-akyat patungo sa
bintana sa second floor ng bahay. Iyan yata ang kuwarto nila ng mommy mo.”
Tumalima naman si Jerome. Itinayo
namin ang foldable ladder. Hindi na namin ibinuka ito gawa nang di naman
kataasan ang pader at kaya na ni Jerome na sumabit at iakyat ang sarili sa
taas.
Iyon nga ang ginawa niya. Dahil
maliksi naman talaga si Jerome at napaka-flexible pa ng katawan, mabilis siyang
nakaakyat. Nang nasa taas na siya ng pader, lumingon-lingon muna siya sa
paligid saka hinila niya ang hagdanan na iniabot namin sa kanya.
Nang nakatawid na siya sa loob
ng bahay dala-dala ang foldable ladder, inihagis ng inay ang kumpol ng mga
puting rosas na siya palang binili niya nang dumaan kaming muli sa downtown.
Nakakabit na rin dito ang card na may dedication ni Jerome para sa kanyang
inay. “Dalhin mo iyan Jerome sa pag-akyat mo sa bahay!” ang pahabol niya.
Habang inayos ni Jerome ang foldable
ladder para sa kanyang pag-akyat sa bahay, doon ko na tinanong ang inay. “Bakit
mo ba naisipan ‘to, ma?”
“Syempre... Dapat na mabasa ng
kanyang inay ang sulat na iyon ni Jerome! Hindi ako makakapayag na
ganoon-ganoon na lang. Nabugbog na siya’t lahat, nakulong, ngunit hindi niya
naipaabot ang kanyang mensahe sa mommy niya... Di ba?” ang sambit ng inay.
“Kung ikaw ay may mensahe sa akin at hindi mo maipaabot ito dahail may
humahadlang, hindi ka ba masaktan? Malungkot? Magalit sa mundo?” ang tanong
niya.
Tumango ako. Doon ko na nakuha
ang ibig sabihin ng inay.
“At bahala na ang inay ni Jerome
sa kanyang konsiyensya kung tatanggapin niya ang anak niya o hindi. Ang
mahalaga ay naiparating ni Jerome ang mensahe, nabasa ito ng kanyang inay, at nakita
ang effort ng kanyang anak na magreach out sa kanya upang maipadama sa kanya
ang pagmamahal ng anak na matagal na niyang pinabayaan.” Ang dugtong ng inay.
Binitiwan ko ang isang matipid
ng ngiti. Doon ako nakaramdam ng pagka-proud sa aking inay. Gusto ko siyng
yakapin ng mahigpit nang dahil sa kanyang naisip na pagtulong kay Jerome.
Napakabait niya, napakabusilak ng kanyang puso. “Pero bakit naman kailangang
dito pa sa likuran? May harapan naman ang bahay na nila? Para may drama, may
thrill, ganoon?”
“Gaga! Pag nasa harapan, may
guwardiya. Baka sinabihin na ang guwardiya na hindi siya papasukin. Di ba
nakasuntukan niya ang mga iyon kagabi?”
“Ay... oo nga pala.” Ang sagot
ko rin na natawa.
Maya-maya lang ay nakita na
namin si Jerome na nakaakyat na at malapit nang maabot ang seocnd floor. Doon
na naman ako nagulantang nang biglang dumampot siya ng mga maliliit na bato at binato
niya ang binatana sa second floor, iyong bintana rin na tinutumbok ni Jerome.
“Anong ginagawa mo ma!!!” ang
pigil na boses kong pagbulyaw sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit
pa niya binabato ang bintana. Natakot akong baka marinig ito ng mga guwardiya.
“Shhhh! Para malaman nila na may
tao sa bintana!” ang sagot din niyang pigil ang boses.
Nakita kong napalingon si Jerome
sa amin na tila naguluhan sa pagbato ng aking inay sa bintana. Ngunit
minuwestrahan siya ng inay na parang sinabing “Easy ka lang... ituloy mo lang
ang pag-akyat.”
Ngunit dahil wala pa ring
bumukas ng bintana, muling binato ito ng inay. Grabe ang talaga ang tapang
niya. Hindi ko kaya. Para siyang iyong lalaking siga na walang takot. At habang
patuloy niyang binabato ang bintana ng bahay, ako naman ay nakayukyok sa pader
dahil sa takot na baka mahuli kami. Kahit kinabahan, parang gusto ko rinng
matawa sa porma ng inay. Iyong seryoso ang mukha at ayaw paawat.
Maya-maya lang ay may bumukas ng
bintana. Dali-dali ring yumukyok ang inay sa pader bagamat nanatiling nakasilip
kay Jerome na nasa tuktok ng hagdanan, sa harap mismo ng bintana.
Sumilip na rin ako. Nakita namin
ang mommy ni Jerome na siyang nagbukas ng bintana. Kitang-kita namin sa kanyang
mukha ang ibayong pagkagulat.
“Ba’t ka nandito? Gusto mo bang
tawagin ko ang mga guwardiya at ipabugbog ka muli? Hindi ka pa ba nadala???”
ang narinig naming tanong ng mommy ni Jerome na mistulang may kinatatakutan at
halatang galit na galit sa pagkakakita niya kay Jerome.
Ngunit hindi pinansin ni Jerome
ang galit niya. “H-happy Mother’s Day, mom!” ang sambit lang ni Jerome sabay
abot sa kumpol ng mga rosas, kasama na ang card.
“Ano iyan! Di ba sabi ko sa iyo
na hindi kita kilala at huwag kang magpakita sa akin! Dahil malilintikan ka sa
asawa ko? Bakit ba ang tigas ng ulo moooo!!!”
“Iyon na nga, eh. Ayaw ko na
sanang gambalain pa kita. Ngunit miss na miss kita, eh. Hindi mo naman ako
pinapasok sa bahay mo kahapon na Mother’s day kaya ito na lang ang paraan ko.
Sana kahit papaano ay maipaabot ko sa iyo ang mensahe ko. Hindi ako galit sa
iyo, Mom. Tanggapin mo na lang ang munting regalo ko. Please?”
Natahimik ang inay ni Jerome. Tiningnan
niya ang mga bulaklak na dala ni Jerome.
“Please mom, kahit iyan na lang.
At basahin mo rin ang dedication ko para sa iyo. Pagkatapos ay aalis na ako at
hindi na magpapakita pa sa iyo.” ang sambit ni Jerome.
Nag-aalangang tinanggap ng inay
ni Jerome ang bulaklak. Inilatag niya ito sa gilid ng bintana atsaka tinanggal
ang card nito mula sa kumpol atsaka binasa.
“Para sa aking inay na sobrang
kinasasabikan ko, Happy Mother’s day. Sana ay sa araw na ito, mahahanap mo sa
iyong puso ang pagmamahal para sa isang pangany mong anak na iyong kinalimutan.
Kahit itinakwil mo ako, nasasabik pa rin ako sa pagmamahal mo. Walang oras na
hindi kita hinahanap, inaalala. Sana ay kahit may kumpletong pamilya na kayo, maalala
mo pa rin ang panganay mong anak na naghahanap ng kalinga at pagmamahal ng
isang inay na ni minsan ay hindi niya naranasan sa buong buhay niya. Umalis na pala
ako sa poder ng daddy, ma. Nag-iisa na lang ako sa mundo. Mahirap ang nag-iisa,
at mas lalo pang mahirap kapag ganyang nakikita kita, sampo ng iyong bagong
pamilya, ngunit hindi mo ako kinikilala. Ngunit kahit ganoon pa man, mahal na
mahal kita, ma. Sana ay isang araw... matutunan mo rin akong mahalin, katulad
ng pagmamahal mo sa aking mga kapatid. Umaasa ako, ma. –Jerome.”
Kinabahan
kami ng aking inay sa magiging reaksyon ng inay ni Jerome. Mistulang sasabog
ang aking dibdib sa bilis ng pagkalampag nito. Hindi ko alam. May excitement
ngunit may takot din na baka magalit at biglang itulak si Jerome at malaglag sa
hagdanan.
Nang
matapos nang basahin ng inay ni Jerome ang card, doon na siya mistulang nag-freeze
na halos hindi makatingin kay Jerome. Tila nabalot siya ng isang napakalakas na
emosyon at ang tanging nagawa lang niya ay itakip ang kanyang kamay sa kanyang
bibig, pinilit na pakalmahin ang sarili.
Tinitigan
niya si Jerome. At nang akmang iiyak na siya, doon na siya niyakap ni Jerome.
Doon na napahagulgol ang kanyang inay. Niyakap na rin niya si Jerome. Mahigpit
na nagyakapan ang mag-ina. Nag-iyakan.
“Patawarin
mo ako, anak. Patawarin mo akoooo” ang pilit na pagsasalita ng kanyang inay
habang habang patuloy pa rin siya sa paghagulgol.
“Pinatawad
na kita mom. Matagal na...”
Kumalas
ang kanyang ina sa pagyakap kay Jerome. Hinawakan niya si Jerome sa balikat at
tinitigan niya ang kanyang anak. Pagkatapos ay hinaplos nito ang mukha ni
Jerome. “Ang laki-laki mo na... At ang guwapo pa! Sanggol ka pa lang nang
iniwan kita sa iyong daddy. Sobrang nasasabik ako sa iyo, anak ngunit tiniis ko
ang lahat dahil hindi alam ng asawa ko na may anak ako sa labas. Ayaw kong
masira ang aming pagsasama, anak...”
“Naintindihan
ko, ma. Alam kong kawawa rin ang aking mga kapatid kapag nakataong masira ang
kasalukuyang pamilya mo.”
“Ngunit
huwag kang mag-alala, anak. Kahit patago, gusto kong magkita pa tayong muli.
Magkausap. Upang kahit sa paraang ito ay makabawi man lang ako sa iyo.”
Pagkatapos
ay may kinuha ang kanyang mommy sa kuwarto at muling bumalik kay Jerome. May
iniabot sa kanya.
Hindi
naman namin maiwasan ng inay na magyakapan din. Para kaming mga baliw na
tuwang-tuwa sa pagtanggap ng mommy ni Jerome sa kanya.
Pagkatapos
nilang mag-usap ay itinuro ni Jerome ang aming kinaroroonan. Kumaway siya sa
amin. Wala na kaming nagawa kundi ang lumantad. Kitang-kita namin ang pagngiti
ng inay ni Jerome sa amin. Kumaway siya. Kumaway na rin kami at sinuklian ang
kanyang ngiti.
Nasa
sasakyan na kami pabalik sa aming boarding house nang tinanong namin si Jerome
kung ano pa ang pinag-usapan nila ng kanyang inay.
“Masaya
ako dahil pumayag na siya na makipagkita sa akin, bagamat patago lang at sa
ganoong oras na wala ang kanyang asawa at mga anak. Okay lang kahit hindi pa
ako kilala ng mga kapatid ko. Eventually, baka makilala rin nila ako. Nasasabik
na rin ako sa kanila...”
“Ina
kasi ako, Jerome. Ramdam kong kahit itinakwil ka ng iyong inay, hindi nawawala
ang pagmamahal niya sa iyo. May dahilan lang siya kung bakit itinatago niya ang
pagmamahal niya. At ngayon ay alam mo na.”
“Sobrang
salamat talaga sa iyo, Mommy Steff. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan
sa iyong pagtulong sa akin.” Ang sambit ni Jerome.
“Happy
na kami para sa iyo, Jerome... Iyan lang ang importante para sa akin. Masaya
ka, masaya kami, masaya ang lahat. Napakasarap mabuhay sa mundo kung may
mapasaya kang tao at sila ay masaya rin dahil sa ginagawa mo. Di ba?” ang
sambit ng inay.
“Kaya
huwag ka nang mambully at mambugbog sa eskuwelahan, Jerome. Para mapasaya mo
rin ang lahat.” Ang dugtong ko pa. At talagang isiningit ko pa ang bagay na
iyon.
Napangiti
si Jerome. Hindi na pinatulan ang aking sinabi. “At gusto rin daw ng mommy ko
na makilala kayo ni July, Mommy Steff.”
“My
pleasure!” ang sagot ng inay.
“Petmalu
ka talaga, Mommy Steff!” ang sambit ni Jerome.
“Ako
pa. Kung ang anak ko ay bakla, ako naman ay siga.”
Tawanan.
Isinalang
ng inay ang kanyang usb sa stereo ng kanyang sasakyan. Pinatugtog niya ang
isang kanta ni Carol Banawa -
Sa buhay kong ito*
Tanging pangarap lang
Ang iyong pagmamahal
Ay makamtam
Kahit na sandali
Ikaw ay mamasdan
Ligaya tila ay
Walang hangan
Sana ay di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay nadarama
Minsan di na iluluha
Di ka na maninilbi
Pagkat sa buhay mo
Ay may nag mamahal parin
Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nag mamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na
Sana'y di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay nadarama
Minsan di na iluluha
Di ka na maninilbi
Pagkat sa buhay mo
Ay may nag mamahal parin
Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na (2x)
Tanging pangarap lang
Ang iyong pagmamahal
Ay makamtam
Kahit na sandali
Ikaw ay mamasdan
Ligaya tila ay
Walang hangan
Sana ay di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay nadarama
Minsan di na iluluha
Di ka na maninilbi
Pagkat sa buhay mo
Ay may nag mamahal parin
Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nag mamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na
Sana'y di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay nadarama
Minsan di na iluluha
Di ka na maninilbi
Pagkat sa buhay mo
Ay may nag mamahal parin
Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na (2x)
-----------------------------------------
* Iingatan Ka by
Carol Banawa
-----------------------------------------
Nagkatinginan
kami ng inay. Binitiwan niya ang isang ngiti. Iyon ang pinakamatamis na ngiti
na nakita ko sa mga labi niya. Nasabi ko sa aking sarili na napakasuwerte ko na
nagkaroon ng inay na katulad niya. At sobrang proud ko na siya ang aking inay.
Naalala ko ang sinabi niya sa akin minsan na ang kaligayahan daw ay tunay kapag
may ibang tao kang napangiti, o napasaya.
Sinuklian
ko ang ngiti ng aking inay. “Happy mother's day, ma. I love you, and I’m so proud of you.” Ang sambit
ko.
“I
love you too, July.” Ang sagot din niya, sabay haplos niya sa aking ulo. “And I’m
so proud of you too...”
Nang
nilingon ko si Jerome, kitang-kita ko ang matinding kasiyahan sa kanyang mukha.
Nginitian ko siya. Sinuklian din niya ang aking ngiti sabay bigay ng thumbs up gesture
sa akin.
Muli
kong ibinaling ang aking paningin sa harap, sa kalsadang binaybay ng sasakyan patungo
sa aming boarding house. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Sa
isip ko ay naroon ang pagpunyagi na sana ay iyon na ang simula ng pagbabago ng
takbo ng buhay ni Jerome...
(Itutuloy)
Wow ha! Bilis ng update Sir Mike!!!.. The best ka talaga!!! I'm so happy for Jerome. The best din tong si mommy Staff eh.petmalu nga sya. Palibhasa boto sya kay Jerome para sa anak niyang dalagita. Hahaha... Galeng galeng sir Mike. Thank you po.
ReplyDeleteNakakatuwa talaga yung Nanay ni July.
ReplyDeletenagbalik ka na author, alam mo andami gumagaya sayo sa kabila pero iba parin talaga storytelling mo, talent talaga.
ReplyDeleteHI Destiny. Saan yng kabila? Gusto kong mapuntahan para gagaya rin ako sa gawa nila hehehehe.
DeleteBat sinabi mong gumaya? Marami naman talagang nagsusulat ng M2M.
Dun sa blog na pinapayagan yung plagiarism na pinapalitan lang nila title at character names tapos ipopost nilang kanila then pag nireport mo sa admin idedelete lang ng admin yung comment mo lol. Ginagaya nung iba kasi same style kaso di nila masustain kaya in the end di nila matapos tapos yung story.
DeleteHi Destiny!
DeleteMay story ba ako roon?
Baka iyon iyong blogspot na noong nagpost ako ng "Kuya Renan" dito at kinopya nila sa kanlang blog, inangkin noong may-ari ng blog na siya ang writer. Kaya ang ginawa ko ay hininto ko na ang pagpost ng KR dito. Kahit ngayon, ang ending ng KR ay nasa isang platform na hindi makokopya. Ganito rin ang gagawin ko sa ARKS at T-H. bagmat nandito ang mga endings pero di mababasa sa public, doon lang pedeng basahin sa isang site na hindi kayang kopyahin... bagamat pedeng ma DL but not edit at copy-paste.
-Michael Juha
So far wala ako maalala na sinulat mo sa mga recently ha pero yung ibang author andami tulad nung sa TOD, one part lang yun tapos bigla kami nagulat may author na nagdugtong ng part 2 part 3 etc.. ang sagwa nung kinalabasan, nireklamo ko nga saka ng ibang readers na di kanya story pero wala dedma lang admin. Pero tama sir mike dito mo ulilt nilalagay stories mo at least pag may nakita kami kapareho madali irepory at bigay link nito.
DeleteBy the way sir mike yung second fave kong paraffle na pagibig ( first kasi yung (SI Utol at ang aking chatmate) andun din ba sa bagong platform mo? Kasama torrid parts?
HI Destiny! Thanks sa support! I'll appreciate it lalo na pag nagreport sa mga "nakaw" na stories.
DeleteRe Paraffle... o nandun din kaso di ko pa nahanap yugn torrid niya. Itinago ko kasi iyon at now di ko na matandaan kung saan ko inilagay iyon. Pero pag nahanap ko, i'll post it pero dito na, in image format.
Thnks Destiny! TC!
Grabe sir mike napakaganda tlga ng mga stories mo! Ngayon lang ulit aq nagbasa dito last basa q pa sa mga stories mo 2010 pa. Ang sarap balikan ng mga kwento dito eh
ReplyDeleteNagiiyak ako tatlong beses huhuhu ...
ReplyDeleteThis is chapter it can create more emotion.
Mike paano ko isend un stories dito?
ReplyDeleteemail me. getmybox@hotmail.com
DeleteThank you
DeleteIto yung mga gusto kong kwento. Tagus na tagus sa heart...
ReplyDelete