By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
Campus
Hero
Bago ibinigay ni Timmy ang telepono na nagring na ang
kabilang linya gawa ng pagpindot niya sa numero, pinindot rin niya ang speaker
phone nito.
May pag-aalangan namang tinanggap ni John ang cp,
halatang balisa siya. Tiningnan niya si Timmy.
“Hello! Ang sambit ng kabilang linya.
Wala nang nagawa pa si John. Binitiwan niya ang
malalim na buntong hininga at sinagot ang nasa kabilang linya. “Yes, Sir Earl.”
Ang sagot ni John.
“John, remove the pictures na nakapost sa fb group…
And I want it now!” ang utos ng Dean kay john.
Napatingin si Timmy kay John.
“S-sir, that group is not mine and I am not even an
Admin there. I can’t delete that post!” ang pangangatuwiran ni John.
“Well then ask him to make you an admin of that group
then delete those photos! Do it now, or else alam mo na ang mangyayari, John.
Takot kang ma kick-out Timmy from the university? I’ll do it. And I’ll make sure
his life will become miserable! And yours too!” ang sambit ng Dean sabay putol
sa linya.
Binitiwan ni John ang isang malalim na buntong-hininga
at tiningnan si Timmy.
“I think may dapat kang i-explain sa akin, Hang.” Ang kalmanteng
sambit ni Timmy bagamat sa kaloob-looban niya ay may namuong takot at galit sa
narinig.
“A, eh… d-di ba kinausap ko sya na huwag tayong
patalsikin sa school?”
“Okay… at bakit ganoon na lang siya kung makapag-utos
sa iyo? At paano niya gagawing miserable ang buhay natin? May kakayahan ba
siyang gawin niya iyan?”
“N-no! Of course not!”
“Iyong Dean… galing din pala sa Baguio, hindi mo siya
kilala?” ang tanong ni Timmy.
Napatingin si John kay Timmy. Nag-aalangan kung
sasabihin ang totoo o itanggi niyang kilala niya ang Dean. Muling binitiwan niya
ang isang malalim na buntong-hininga. “Sa totoo lang, Tok… noong kabataan namin
ni Jeremy, 14 yrs old lang kami, ang sabi ni Jeremy ay kilala na ako ng Dean
natin. Nakalimutan ko na siya pala iyon. Ang sabi ni Jeremy, baliw na baliw nga
raw ang Dean natin sa akin. Nang hindi ko siya pinansin noon, hayun, si Jeremy
ang niligawan. Ngunit hindi rin siya sineryoso ni Jeremy dahil may ugali ang
Dean. Iyon lang ang alam ko. Hindi ko siya pinatulan at hindi ko talaga alam na
siya iyon. Iyan ang totoo.”
Hindi na nangulit pa si Timmy. Patuloy na lang nilang
minomonitor ang mga kaganapan sa group at sa patuloy na pag-iinit ng
discussions, lalo na sa pag upload ni Jeremy ng mga litrato nilang dalawa ng
Dean.
Kung anu-anong mga suggestions ang naisipan ng mga
estudyante. Mayroong nagsuggest na magkaroon ng program, may mga band members
na nagvolunteer na mag-perform, may isang singer na finalist sa Tawang ng
Tanghalan, may mga dancers, may “Idol” winner na nagvolunteer na magpreform,
May nagvolunteer din na mag emcee. May mga artists na nagvolunteer na gagawa ng
mga placards at magdecorate ng stage sa umaga… at may mga anak-mayaman na
nagvolunteer na magdistribute ng snacks at drinks para sa mga estudyante na
sasali. Kumbaga, tulong-tulong ang lahat. Tila simbilis ng isang kidlat lang
ang kaganapang iyon na bumulaga sa lahat.
Mayroong namang gumawa ng survey kung sino ang sasali.
At sa oras pa lang na iyon ay pumalo na sa halos isang libo ka estudyante ang
nag sign up na sasali. At kasalukuyang counting pa sila. Marami pang nag sign
up.
Maya-maya ay nagring uli ang cp ni John. Doon ay
muling kinabahan si John. Doon siya nagsisi kung bakit hindi niya pinatay ang
power nito.
Si Timmy ang kumuha sa cp ni John. Nang makita niya na
iyon pa rin ang numero ng dean, ibinigay niya ito kay John.
Muling nag-alangang sagutin ni John ang tawag. At
upang maibsan ang paghihinala ni Timmy, pinindot niya uli ang speaker nito.
“Hello, Sir!” ang sambit sa kabilang linya.
“John I told you to delete the posts! Why didn’t you
delete them?” ang bulyaw ng Dean.
“Sir… as I said, I’m not an Admin there.”
“Then why did you not ask that damn owner of that page
to make you an Admin?”
“He is not my friend, Sir!” ang sagot din ni John na
tumaas na ang boses.
“Ba’t hindi ka naghanap ng paraan, gago! Bobo ka ba?
Gamitin mo si Timmy! After all, dahil ito sa kanya kung bakit itong mga estupidong
estudyante ay nagrereklamo!”
Tiningnan ni John si Timmy. Nanatiling nakatitig lang
si Timmy kay John. Ayaw niyang makisawsaw sa argumento nila ng Dean.
“I told Timmy already, Sir. Pero ayaw niya.”
“Puwes i-convince mo! Or else, baka magsisi ka. Baka
layuan ka niya kung makita niya ang sex video natin. Gusto mong i-send ko sa
kanya?”
Doon na binitiwan ni Timmy ang nangalaiting titig kay
John.
“Sir, there is no sex video, okay? At walang sex na
nangyari sa atin. ALAM MO IYAN!” ang bulyaw ni John na sinagot lang ng malakas
na halakhak ng Dean.
“Are you sure, John??? Convince him to ask the vice
president of the council to make you an Admin, then delete the pictures!”
Biglang hinablot ni Timmy ang cell phone ni John.
“Sir, this is Timmy. You can send me the video, I’m excited to watch it. About
your suggestion that I ask Shane, the council vice president to make John an
Admin of the group, I’m sorry, Sir. I’m not part of their plan and I’m not even
cooperating with them. I don’t think it’s proper for me to ask the council vice
president when I don’t even care what they are doing. If you will just send me
a copy of that video you said, it will be my pleasure.” Ang sagot ni Timmy
sabay bitiw ng matulis na tingin kay John. At ibinigay pa niya ang kanyang
messenger ID sa Dean.
“Aw… Hi there Timmy! Thank you for not supporting
their rally. And how I wish you and John can organize another group too to
defend me, or even just to make an announcement to discourage those stupid
students from joining the rally. I already asked the security to refuse
entrance to students wearing or carrying anything red. So they can’t get inside
the campus. However, if you will organize a counter-rally, that will be a nice
idea. We will allow you to get inside. I know you have friends and followers. I
know it will be easy for you to bring the whole Business Admin students to your
side. And by the way, if you help me, I’ll reinstate you to your post in the
student council plus... I will increase your monthly stipend by a few
thousands.”
Tiningnan ni Timmy si John na umiling-iling. “You
know, Sir... John’s dad before he passed away, gave me a pending adoption paper
waiting for my signature. Aside from that, there is another paper waiting for
my signature, an inheritance worth 25% of the total wealth of the Iglesias
family. You know what? I never signed both. And now you are giving me a few
thousands of pesos monthly just to side with something that is against what I
believe in? Thanks, Sir but no thanks. And if I have to make a stand, I’d go
for those students who are there for me, those students who fight for the right
of other oppressed students like me.”
Natahimik sandali ang Dean. Marahil ay hindi niya
inaasahan ang sagot ni Timmy. “Then you will not have the video.” Ang sagot din
niya.
“It’s fine, Sir. I think I can trust John more than
anyone else, not even with someone who has that video.” Ang sambit ni Timmy.
“And by the way, may malaking nunal pala si John sa
butt niya no? Ang sarap talagang lamutakin niya. Matambok pati butt niya.” Ang
dugtong ng Dean na pang-inis kay Timmy. “I know you are lovers but you know,
your lover is very generous!”
“Ay alam ko po iyan, Sir. And you know, mas mamasarap
lamutakin ang nunal niya sa kanyang ari Sir! Paboritong nilalamutak iyon ng mga
bakla. Nakita ninyo, Sir? Matambok din yung ari niya, Sir.” Ang sagot din ni
Timmy.
Napangiwi na lang si John. Sa isip niya ay, “Palaban
na si Tok!”
Natawa ang Dean. Ay nakita ko na rin iyon! At
nalamutak pati! Di ba bilog iyon nunal niya na nasa katawan ng ari niya? Kasing
laki ng butones? Ang sarap kagat-kagatin!” ang sagot din ng Dean.
“Ay Sir, baka ibang ari ng estudyante niyo po iyong nilamutak
ninyo. Kasi wala palang nunal ang ari ni John Sir!”
Doon biglang natawa si John. Iyong pigil na tawa na
biglang nasamid.
“Heto ngayon o, hinubad niya ang pantalon at boxers
niya, at hinahawakan ko sya ngayon sa kamay ko para usisahin, wala talaga Sir! Opppss,
sorry tumigas bigla ang titi niya Sir. Sayang wala ka rito. Anyway, kaya ko
naman i-handle ito, as usual, kaya bye na muna Sir, ha? May gagawin lang kami.”
Ang sambit ni Timmy sa sobrang inis niya, bagamat hindi naman naghubad talaga
si John para ipakita sa kanya ang kaniyang ari. At lalo nang walang titi ni
John na tumigas.
Padabog na ibinalik ni Timmy ang cp sa kamay ni John.
Nang nasa kamay na ni John ang cp, hindi na siya nag-bye.
Kusa niyang pinutol ang linya ng telepono, at sabay din sa pagpatay niya sa
power nito, “Tok, maniwala ka... walang nangyari sa amin ni Sir Earl.” Ang paliwanag
din niya kay Timmy. Alam niyang galit si Timmy sa kanya.
Ngunit inirapan lang siya ni Timmy. “Lalabas din ang
katotohanan. At kapag nalaman kong mayroon, umuwi ka na lang sa Maynila o sa
Baguio. Ayaw ko nang makita pa iyang pagmumukha mo rito!” Ang pagbabanta ni
Timmy.
“Tok naman… alam mo namang loyal ako sa iyo eh.”
“Iyan ang palaging sinasabi ng mga manloloko.”
Tinitigan ni John si Timmy. “Pahalik nga lang!” ang
sambit ni John sabay hawak sa panga ni Timmy at tinangkang halikan at lambingin
ang huli.
Ngunit itinulak siya ni Timmy. “Alis nga d’yan! Tangina
nagkagulo ang mga estudyante tapos ang utak mo ay puro kalibugan!” ang bulyaw ni
Timmy. “Nunal sa pigi pala ha! Paano niya nalaman iyan?”
“Nag CR ako nang hindi ko namalayan nasa likod ko pala
siya at bigla niyang hinila pababa ang aking pantalon at brief.”
“Ganyan na kayo ka close? Hindi ka pumalag???”
“Ano bang gagawin ko, Tok! Hindi ko siya puwedeng
galitin dahil baka ang status natin sa school ang pag-initan niya. Baka i-expel
ka niya!”
Hindi na umimik si Timmy. Nagmamaktol ito.
Natahimik na rin si John. Hindi na kumibo at itinutok
na lang niya ang kanyang atensyon sa palitan ng mga discussions at suggestions
sa fb group ni Shane. At nang naalala niya ang sabi ng Dean, agad niyang
pinadalhan ng PM si Shane.
“Pare… si John ito. Tumawag ang Dean sa akin at
hinikayat kami ni Timmy na gumawa ng counter-rally at tutulungan niya ang grupo.
Grabe talaga ang katarantaduhan niyang Dean natin! Pati si Timmy ay gustong
suhulan, dagdagan daw ang monthly stipend! Nagdecline si Timmy. Ngunit ang sabi
naman ng Dean, haharangan daw ng mga guwardiya sa gate ang mga estudyante na
may suot o dala na anything pula kapag pumasok sa unibersidad. Alam niya ang
takbo ng plano ninyo. So I suggest to make the group private at mag announce na
lang sa post na kung sinong estudyante ang kakilala lang nila ang i-invite sa
grupo. Also, para makapasok sa school ang grupo bukas, dapat sigurong ilagay na
lang muna nila sa kanilang bag ang mga red na damit, or ang mga red na anything
na dadalhin. Itago ang mga ito at doon na ipalabas kapag nasa loob na sila ng
unibersidad sa mismong rally. Pati ang mga banners ay dapat nakatago. Lightning
strike dapat ang gagawin.”
Sumagot agad ang vice president. “Thank you sa info,
pare. I’ll make the group private now and pm all concerned coordinators about
the Dean’s plan.” Ang sagot ni Shane. At may pahabol pa siya. “Pare, I’ll make
you one of the Admins of the group.”
Tiningnan ni John si Timmy, nagtatanong ang kanyang
mga mata kung papayag siya o hindi.
“Pumayag ka. Sagutin mo ng yes para madelete mo na ang
litrato ng lover Dean mo at ni Jeremy.” Ang sarkastikong tugon ni Timmy.
Ngunit iba ang isinagot ni John. “No pare. Please
don’t involve me. Timmy and I are the center of the issue, so in order that
your rally cannot be dubbed an act of vengeance, it would be prudent to decline.
Thanks for the offer, pare. I appreciate it.”
“Ah... You’re right pare. I can’t agree more.” Ang
sagot ng vice president.
Feeling proud naman si John sa kanyang sagot sa offer
ni Shane habang nakangiting tiningnan niya si Timmy. Ngunit inirapan lang siya
ni Timmy.
Sinunod ni Shane ang advice ni John. Naging private
ang grupo at pinadalhan niya ng mga pm ang kilala niyang members tungkol sa
countermeasure nila upang makapasok pa rin sa unibersidad at hindi mahalata at
maharang ng mga guwardiya.
Maya-maya ay may natanggap na message si Timmy mula sa
kanyang messenger. Ang Dean. “I’ve posted the video in my profile, only you and
me can view. Check the link. Dalian mo lang at in 15 minutes ay tatanggalin ko
na ito.” Ang message ng Dean.
“Kaninong message iyan?” ang tanong ni John.
“Sa mahal mong Dean.” Ang sagot ni Timmy.
Binitiwan ni John ang isang hilaw ng ngiti. “Hmmmm!
Nagselos talaga ang love ko!” ang sagot ni John sabay yakap kay timmy at kurot
sa pisngi. Ang sarap talagang…” ang sambit ni John na hindi na itinuloy ang
sasabihin.
“Sarap ano?” ang sagot ni Timmy na kumalas sa yakap ni
John.
“Sarap yariin sa puwet.”
“Alis d’yan! paduguin ko iyang mukha mo eh. Doon ka
kay Dean mo. Siya ang yariin mo sa puwet!”
Binuksan ni Timmy ang link na ibinigay ng Dean. At
doon niya nakita ang video. Sinilip din ni John ito.
Sa video, ang unang eksena ay naroon ang Dean sa sala,
katabi niya si John na nakaupo rin, naka side view at sa harap ni John any mga
bote ng beer, ang iba ay halatang wala nang laman. Sa harap naman niya ay ang
isang lalaki na tila kainuman nya. Ang Dean mismo ang nagvideo, iyong
selfie-style video na may sinasabi pa siyang, “Heto ang mga bisita ko, si John,
estudyante ko, ang guwapo niya… ayiiiii!” ang sambit ng Dean sabay akbay kay
John at hinalikan ang pisngi. Lumingon sa video si John at ngumiti, kumaway at
agad rin ibinalik ang tingin sa katabing may hitsura ring lalaki na hindi
ipinakilala.
“Magpaliwanag ako…” ang sambit ni John.
“Shut up!!! 15 minutes lang ito!”
Nahinto si John. Habang patuloy naman sa panunuod sa
video si Timmy.
“Ang sunod na eksena ay makikitang hinawakan ng Dean
ang mukha ni John at nihalikan niya ito sa bibig. Saglit lang ang video na
iyon, parang split second lang, halatang pinatay.
Matulis ang binitiwang tinngin ni Timmy kay John na yumuko
at hindi makatingin kay Timmy. “I’ll explain pagkatapos mo riyan.” Ang sambit
niya.
Nang muling tiningnan ni Timmy at John ang video, nakahiga
na ang isang lalaki sa ibabaw ng kama. Nakatakip ang mukha niya ngunit
hubo’t-hubad ang buong katawan. Maputi ang lalaking nakahiga, makinis ang balat,
maganda ang porma ng katawan… katawan ni John talaga. At sa isip ni Timmy walang
dudang si John talaga iyon na tinakpan lang ang mukha upang kung sakaling
kumalat ang video ay hindi siya mahuli.
Ang sunod na eksena ay pinatungan na ng Dean ang hubad
na lalaking nakahiga. Sa pagkakataong iyon ay naka brief na lang ang Dean. Ang
sumunod na eksena ay halikan. Maya-maya ay ibinaba ng Dean ang kanyang ulo at pinaliguan
ng halik ang katawan ng lalaki. Galing sa leeg, sa dibdib, sa tiyan, hanggang iginapang
pa niya ito pababa sa gitna ng hita ng lalaki. Nahinto ang ulo ng Dean doon. Nilaro-laro
ng bibig ng Dean ang pagkalalaki ng nakahigang lalaki. Bagamat natakpan ito sa
video at tanging likod ng ulo lang ng Dean ang nakita, kitang-kita ang
pataas-baba ng ulo niya sa harapan ng lalaki.
Doon nagtapos ang video. Pinilit ni Timmy na i-download
ito ngunit hindi niya magawa. Hanggang sa natapos ang 15 minutos atsaka hindi
na niya ma-access pa ang video, kagaya ng sinabi ng Dean na hanggang 15 minutes
lang niya itong puwedeng mapanuod.
Nilingon ni Timmy si John. “So… klarong-klaro na ikaw
iyon, John! Tangina! Niloko ninyo ako! Trinaydor mo ako?!!!” ang bulyaw ni
Timmy.
“Tok… maniwala ka, hindi nga ako iyon!”
“Paano ako maniniwala? Naroon ka sa apartment niya!
Ba’t ka naroon? Ba’t ka nakikipag-inuman sa kanya?! Kaya pala sa gabi ka niya
ini-schedule sa klase upang ma-solo ka niya! At ikaw naman na tanga, pumatol!”
“Hindi ako pumatol sa kanya, Tok! Maniwala ka!”
“Ano iyong video? Ano iyong halikan at sex ninyo?!!!”
“Hindi ako iyon, Tok!”
“Nakita ko ang mukha mong hinalikan niya! Katawan mo
iyong nakahiga sa kama! Nagtakip ka pa ng mukha upang kunyari ay hindi ka
mahalata?! Putanginaaaaa!!! At iyong pagkakita niya sa nunal mo sa pigi, sa cr
pala nila iyon ano! Sa cr nilaaaaa???!!!”
“Tok… okay nagkamali ako nang pumayag ako na sumama sa
bahay niya. Pero ginawa ko iyon, Tok dahil ayaw kong mahinto tayo sa pag-aaral,
lalo na ikaw. Ano bang puwede kong gawin? Nalilito ako sa time na iyon. Gusto
kitang tulungan.”
“Tangina mo! Di ko matatanggap ang rason mo!” ang
sagot lang ni Timmy na nagwalk out.
“Patawarin mo naman ako, Tok o…”
“Patawarin kita kung luluhod ka sa maraming tao at
manghingi ng tawad!” ang bulyaw ni Timmy.
Gusto pa sanang mag-explain ni John ngunit umalis na
si Timmy at pumunta sa kanilang kuwarto. Sinundan siya ni John. Ngunit nakalock
na ang kuwarto at hindi siya pinapasok ni Timmy. Kaya wala nang nagawa si John
kundi ang tumungo sa guest room at doon na natulog.
Dahil sa inis ni Timmy kay John, mas maaga siyang tumungo
sa eskuwelahan. May galit pa kasi siya kay John. Ayaw niyang bulabugin siya sa
kuwarto. Hindi rin niaya alam kung sasali si John sa rally.
Nang nasa gate na siya, napansin ni Timmy na imbes ang
usual na guwardiya sa gate ay dalawa lang, sa araw na iyon ay anim silang
guwardiya na nagbantay. At may mga dalang batuta at baril sila.
“Boss, ipinagbawal ang pagpasok sa campus sa araw na
ito dahil Sabado at wala namang pasok.” Ang sambit ng guwardiya.
Nagulat si Timmy dahil hindi naman ganoon ang
eskuwelahan kahit araw ng Sabado. Pinapayagan pa rin naman ang mga estudyante
na magresearch, mag-meeting, magpractice. “Boss, may removal exam kasi kami
ngayon kaya dapat akong pumasok. Babagsak ako sa subject ko na iyon kapag hindi
ako nakakuha ng test.” ang pag-aalibi ni Timmy.
“Anong subject iyon?” ang tanong ng guard.
“Psychology.”
“Sinong professor mo?”
“Professor De Leon.”
“Hindi siya pumasok ah.”
“Maaga pa boss. Gusto ko lang magreview muna kaya
maaga akong pumasok.” Ang pag-aalibi pa rin ni Timmy.
Tinitigan ng guwardiya si Timmay, halata sa kanyang
mukha ang pag-aalangan kung papasukin o hindi si Timmy.
“May instruction kasi sa amin na walang papasuking
estudyante sa campus sa araw na ito, boss.” Ang sagot ng guwardiya.
“Bakit naman, Boss? Paano ang test ko? Wala namang
sinabi si Professor De Leon na hindi kami matutuloy.”
“Ilang estudyante ba kayo?”
“May sampu kami.” Ang pag-imbento pa rin ni Timmy ng
kuwento.
Wala nang nagawa ang guwardiya kundi ilista ang
pangalan ni Timmy sa logbook. Tiningnan ang loob ng kanyang bag at nang
makitang wala naman siyang dalang mga pulang bagay, ang kulay ng rally, kaya
pinapasok siya.
Nang nasa loob na siya ng campus ay tiniext niya si
Jeff. Tinimbrehan niya na off-limit ang campus sa mga estudyante sa araw na
iyon.
Agad ding ipinarating ni Jeff ang mensahe ni Timmy sa
mga officials ng student council. Hindi na alam ni Timmy kung ano ang plano
nila. Ang ginawa niya ay dumeretso siya sa library at doon ay nagbasa ng libro
at newspaper.
Alas 8 ng umaga ay nakatanggap si Timmy ng tawag mula
kay Jeff. “Tok... marami nang estudyante na narito sa may gate. Nasa parking
area na lang kami mag-assemble, adjacent lang sa gate. Wala namang masyadong
sasakyan. Hindi kami pinapapasok ng guwardiya. Pero according to Shane the
parking area is a better venue. May sementong upuan kasi roon, papatungan na
lang daw iyon ng lawanit para may platform kung saan magsasalita ang mga
gustong magsalita, pati ang banda rin ay doon pupuwesto. May mga volunteers na
bumili na ng lawanit at mabilis lang iyon. Ang fire wall naman sa gilid ng parking
area ay siyang gagamitin para sa monitor ng overhead projector.” Ang sambit ni
Jeff. “Kapag nagsimula na ay punta ka rito, Tok. Bigyan mo ako ng moral
support.”
“Titingnan ko.” Ang sagot din ni Timmy. Nag-aalangan
pa rin kasi siya kung sasali.
Alas 10 nga umaga nang muling tumawag si Jeff. “Tok,
hali ka na! Nasaan ka na? Ang dami nang nagsasalita, lahat sinasabi ang mga
karanasan nilang pang-iinsulto at pang-aapi sa tyrant na Dean! May nagbulgar na
rin kung saan napunta ang tig pa-500 na contribution natin, sa kanyang sariling
bank account at binibigay niya ito sa mga piling estudyante na inutusan niyang magmanman
sa ibang estudyante na galit sa kanya at iparereport sa kanya ang mga pangalan.
Iyong prince charming ng Business Management ng 3rd year? Nagsalita
rin. Nakatanggap pala iyon ng suhol sa mula sa Dean pagakatapos niya itong
matikman! Ginagamit niya ang pera sa kung anu-anong pinapagawa niya sa mga
estudyante. At iyong bagong pa-uniporme pa niya para sa mga estudyante, at
iyong requirement na bibili tayo ng bagong mga books, may nagbuking din na may comission
din pala mapupunta sa kanya! Ang laki ng perang nakulembat niya, Tok. Grabe ka
swapang. Kung may internet ka pala, maraming nag live.” Nahinto sandali si
Jeff. “Tok... tinawag na ako na magsalita, kami nina Joy, Daniel, Tony, Aaron
at Llod, mga Tok-Hang supporters. Nandito rin ang mga Tok-Hang girls, full
support sila. Importanteng nandito ka, Tok! May Madiskubre ka na siguradong
magugulat ka at ang lahat! Tungkol ito sa iyo, sa inyo ni John. Dali na, Tok!
Tinatawag na ako!”
Iyon na ang huling sinabi ni Jeff. At dahil sa
interesado si Timmy na malaman kung ano ang sinabing iyon ni Jeff, dali-daling
niligpit ni Timmy ang kanyang mga gamit at ibinalik sa shelves ng library ang
mga libro at pagkatapos ay nagtatakbong lumabas ng library.
Nasa taas na ng improvised stage si Jeff nang naabutan
na siya ni Timmy sa parking area. Tapos na siyang magpakilala sa sarili kung
sino siya at kung ano ang kanyang sasabihin. Sa gilid niya ay naroon nga sina Joy,
Daniel, Tony, Aaron at Lloyd, sila ang pag-operate ng laptop para sa overhead
projector. Nang tiningnan naman ni Timmy ang paligid, nakita niya ang daming
mga estudyante na halos lahat ay nakapula at sa dami ay pati ang kalsada ay naharangan
na ng mga estudyante. Ang iba ay may dala-dalang placard na kung anu-ano ang
sinasabi tungkol sa Dean. May placard ding ang nakasulat ay “SC President
Resign!” “Wala kang Bayag, palitan na!”
“Kung natandaan po ninyo ang video na ito…” ang sambit
ni Jeff na nasa stage habang ipinakita nina Daniel sa overhead projector ang
kumakalat dati na video nina John at Timmy, “Ito ang sanhi ng lahat kung bakit
tayo nandito. Kung sana ay may ginawang action ang Dean upang maliwanagan ang
lahat ay hindi sana hahantong ang lahat sa ganito. At dahil wala man lang
action ang aming Dean upang maibistigahan ang katotohanan kung ano ang toto at kung
sina Timmy at John ba talaga ang gumawa ng kabulastugan na iyon or may iba pa, at
sino ang kumuha ng video na iyon upang siya mismo ang makapag-explain, e di
sana ay tapos na ang kaso. Ngunit tila tinakpan ito ng Dean. Kaya sorry na lang
kung may madidiskubre kami na hindi maganda para sa ibang tao.” Ang sambit ni
Jeff.
Tahimik lang ang lahat habang nagsasalita si Jeff.
“Sa sinabi ko na, dahil sa hindi nga pag-aksyon ng
aming butihing Dean ng Business Management at sa tila kakulangan ng interes
niya na malaman ang maraming katanungan sa liko nd video na iyon, kaming mga
kabigan nina John at Timmy, we decided to take matters into our own hands. So
isang gabi, nagpuyat talaga kami, itong grupo na ito” ang pagturo niya kina
Daniel, Aaron, Lloyd, Tony, at Joy, “...Nagpaiwan kami sa main Building ng
Business Administration. Overnight! Habang ni-lock ng guwardiya ang building,
naroon kami sa loob. Nagsimula kami sa anggulo kung saan sa tingin namin ay
naka mount o nakatayo ang kumuha ng video. At doon namin nakita ito…” sabay
turo niya sa monitor ng overhead projector kung saan ay ipinalabas ang isang
maliit na tila ulo ng screw na nakadiit sa dingding at nakaharap sa may lababo
ng CR kung saan nakunan sina John at Timmy. “Ito po ay maliit na vedeo camera.”
Ang dugtong ni Jeff. “At kung titingnan ninyong maigi ang sementong dingding
kung saan ito nakapuwesto,” itinuro niya uli ang monitor ng overhead projector
kung saan ay ipinakita ang halos hindi mahahalata ng pintura na pumorma ng
linya patungo sa kisame, “…Iyan po ay ang marka ng binutas na dingding upang
ilagay ang wire sa loob. Tinapalan ng bagong semento at pininturahan ng kasing
kulay pa rin ng dati upang hindi mahalata. Ngnit sa ilalim nito ay may wire, at
ito ay patungo sa sa kisame ng CR.” Ngunit hindi kami huminto riyan. Hindi
namin binaklas ang wire, hindi namin sinira ang porma nang inayos na dingding
kung saan nakatago ang wire, bagkus ay tinakpan namin ito upang hindi kami
makikita sa recording ng video at mahuli kami, kung naka-record nga ito. Inakyat
at pinasok namin ang loob ng kisame.” Itinuro muli ni Jeff ang monitor ng na
nagpakita sa apat na lalaki plus si Joy na tumuntong sa isang upuan na
ipinatong naman sa isang mesa.” Isinama pala namin si Joy ang only flower namin
sa mission na ito dahil siya ang nakaisip na maaaring may lihim na camera ang
itong CR. At hindi nga siya nagkamali. At dahil magaling siya sa computer kung
kaya ay isinama namin siya.” Ang dugtong ni Jeff. Sa monitor ay makikitang nagtulungan silang anim, na makapasok sa butas
ng kisame. Nang nakapasok na sila sa loob, nag-ilaw sila gamit ang flash light
habang ang isa sa kanila ay patuloy lang sa pagbi-video. Doon na lumantad ang
wire na nanggaling mula sa dingding ng CR. Sa pagpatuloy ng video, sinundan
nila ang kahabaan ng wire. Ginapang nila ang kisame. Doon na sa paggapang nila
umeksena si Joy. Ngsisigaw “OMG! OMG! Ano iyon???” nang may biglang
nagtatakbuhang daga sa harap niya. Nakikitang nanginig si Joy. Siya pa naman
ang naghawak ng video. “OMG! OMG!” ang patuloy pa niyang pagsisigaw, habang
pinagtatawanan ng mga lalaking kasama. “Kargahin niyo na nga lang ako!
Pleaseeee!” ang sigaw niya. “Paano ka namin kakargahin? Gumagapang tayo???” ang
sagot naman ng mga lalaki. “Nang wala na talaga siyang magawa ay hinarap niya
ang camera niya at nagsalita, habol-habol ang hininga at ang mukha ay tila sa
isang multo dahil madilim na nga ang background, ang buhok niya ay magulo pa. “Tandaan
ninyo Hang at Tok… kung di ko lang kayo love hinding-hindi ko itataya ang aking
buhay dahil lang dito. Ang hirap eh. Ang dami talagang balakid sa pag-ibig!” At
bumulong sa camera niya, inilapit ang mukha, “At hinding-hindi ko itataya ang
aking pagkababae at pagka-birhen sa mga lalaking kasama ko na uhaw na uhaw sa
sex! Sana hindi aandar ang kanilang pagka-manyak, OMG!!!” nagtawanan ang mga
lalaki nang marinig ang ibinulong ni Joy. “Ano kamo? Virgin?” Ang tanong ni
Aaron sabay sa paghila niya sa binti ni joy. At doon na naman nagsisigaw si Joy
sa takot.
Tawanan ang mga estudyanteng naroon sa rally. Kahit
kinabahan ang mga nanunuod sa monitor sa mala-mission impossible na abentura nakita
nila, si Joy naman ang nagbigay ng katatawanan.
Iyon ang takbo ng kanilang ginagawa sa loob ng kisame.
Nang nakita na nila ang dulo ng kable, huminto sila at inusisa kung saan ito
lumusot. Paibaba, patungo sa dingding ng isang kuwarto.
Nagpatuloy si sa pagkuwento si Jeff “At ito ang
nakakamangha… dahil ang kuwarto kung saan humantong ang dulo ng kable ng camera
ay... kanino pa ba, kundi sa opisina ng ating butihing Dean ng Business
Adminsitration.”
Muling itinuro ni Jeff ang monitor ng overhead
projector kung saan ay makikita silang anim na nagtulungan sa pagbaba mula sa
butas ng kisame patungo sa opisina ng Dean. Doon na naman nagsisigaw si Joy sa
takot na baka malaglag at kumapit siya nang mahigpit kay Daniel na may
pinakamalaking katawan sa lahat. “Akala ko ba ay takot kang ma-rape tapos kung
makayakap ka ay tila ayaw mo na akong pakawalan at wala nang bukas. Ako ang
nilapastangan mo rito eh.” ang biro ni Daniel. “Tsura mo!” ang sagot naman ni
Joy. “Eh kung ire-rape kita, anong magagawa mo?” ang biro pa uli ni Daniel na
sinagot naman ni Joy ng, “Subukan mo, nakahanda ako. Hinding-hindi kita
uurungan!”
Tawanan ang mga nakapabuod.
Hanggang sa nakapasok silang anim sa kuwarto ng Dean.
Nilitratuhan nila ang mismong mesa na may nakasulat pang Professor Earl Sto.
Tomas, Dean of Business Management. Ipinakita rin ang kable mula sa kisame
patungo sa isang router na humantong sa computer sa mismong mesa ng Dean.
“Honestly, sapat na sana na malaman namin ang sagot
kung sino pala talaga ang nagrecord ng video. Ngunit hindi pa rin kami huminto.
Minabuti naming buksan ang kanyang computer. Dahil sa galing ng ating computer
hacker” turo niya kay Joy na naroon din sa stage, “...nabuksan din namin ang
computer ng Dean at sa aming paghahanap ng files, heto ang aming mga nakita”
Muling itinuro ni Jeff ang monitor ng overhead projector kung saan ay lumantad
ang lahat ng mga patagong recordings ng mga estudyante na sinisave ng Dean sa
hard disk ng computer niya. Doon din nila nalaman na pati pala ang CR ng mga
babae ay may camera rin.
Nagbubulungan ang mga estudyante sa nalaman nila.
Kitang-kita ang kanilang pagkadismaya.
“At ang pinaka-ugat sa lahat ay heto…” ang
pagpapatuloy ni Jeff habang itinuro ang sumunod na clips ng video. Isang eksena
kung saan ay sina Timmy at John ay naghaharutan, at may biruang halik. At ang
isang hiwalay naman na clip kung saan ay labis na ikinamangha ng marami,
dalawang estudyanteng lalaki na nagsi-sex sa loob ng CR sa mismo ring parte kung
saan sila ni John at Timmy naghaharutan. Nagsimula ito sa pagpapalitan nila ng
tingin sa may wash basin, hanggang sa dinikitan ng isang estudyante ang
nakasabay niyang estudyante na hindi naman pumalag sa pagdikit ng nauna.
Hanggang sa naghalikan sila, inilock ng isang lalaki ang CR at doon na sila
naghubad at nangyari ang kanilang pagtatalik.
“Sorry, pixilized ang mga mukha ng dalawang lalaki
dahil gusto naming protektahan ang kanilang identity.” Ang sambit ni Jeff.
“Ngunit ang point dito ay… dinoktor ang video na kumalat upang magmukhang sina
Timmy at John talaga ang nagtatalik na dalwang lalaking iyon. Hindi po. Magkaiba
po ito. At bakit ginawa ito ng Dean? Dahil may personal na motibo siya. Motibo upang
gawan ng kaso sina Timmy at John! Sinadya niyang ipagdugtong ang kuha niya kina
Timmy at John na wala namang kalaswaang ginawa sa video ng dalawang estudyante
na tunay na may ginawa, upang ipalabas na may matinding kasalanang nagawa sina
Joh at Timmy. Napakasinungaling po ng ating mahal na Dean. Napakagaling po
niyang mag-imbento ng kuwento, napakagling po niyang manloko ng tao. Nang dahil
sa kanyang personal na motibo, nang dahil sa kanyang sobrang pagnanasa sa isang
estudyante natin kung kaya niya ginawa ang lahat nang ito. At ano ang proof ko
kung bakit ko nasabi na may matinding pagnanasa siya sa isang estudyante?
Tingnan ninyo ang video.” Muling itinuro ni Jeff ang monitor kung saan ay
lumantad sa computer ng Dean ang iba’t-ibang litrato ni John. At namangha ang
lahat dahil pati ang litrato ni John sa pagkabata pa niya sa Baguio kung saan
ay nasa 14 na taong gulang pa lang siya ay naroon din kasama sa mga pinakabago
niyang litrato sa eskuwelahang iyon. “At heto ang pantapos kong proof ng matinding
pagnanasa ng Dean kay Mr. John Iglesias,” sabay turo niya uli sa monitor kung
saan ay nakasulat sa computer ng dean ang caption ng mga litrato, “John…
pinahirapan mo ako noon. Ngunit hindi ako titigil hanggang maging akin ka! By
hook or by crook!”
“Iyan lang po ang maibahagi namin. Maraming salamat
po!” ang pagtapos ni John sa kanyang presentation.
Nakakabinging palakpakan ang maririnig mula sa mga estudyanteng
naroon. Pagkatapos ng palakpakan ay marami naman ang nagsisigawan ng, “Dean
Resign! Resign! Resign! Resign! Resign! Resign! Resign! Resign!”
Sa ginawa ni Jeff, Joy at grupo nila ay nagmistula
silang bagong bayani ng campus. Marami rin ang humanga kay Joy na maliban sa
pagka-kengkoy ay magaling sa computer na kung hindi dahil sa kanya ay hindi
nila mabubuksan ang computer ng Dean at madiskubre ang mga nakastore na video
at litrato.
Nang nakababa na si Jeff at grupo sa stage, tinumbok
kaagad nila ang kinaroroonan ni Timmy. Niyakap ni Timmy si Jeff. “Salamat pare…
sobrang naappreciate ko ang ginawa ninyo.” Ang sambit ni Timmy. Niyakap din ni
Timmy si Joy. “Isa ka talagang tunay na kaibigan, Joy.”
“Maliit na bagay!” ang birong sagot ni Joy.
“Hindi naman nadungisan ni Daniel ang pagka-birhen
mo?” ang biro rin ni Timmy.
“Hindi nga eh. Sayang… naghanda pa naman ako!” ang
sagot na biro rin ni Joy.
“Hindi kami papayag pare na sisirain lang niya ang
pagkatao mo. Kami ang kalaban niya. All for one, one for all tayo!” ang pagsingit
ni Jeff.
“Grabe, parang gusto kong maiyak pare.”
“Painom lang naman ang katapat niyan, pare.” ang biro
ni Jeff sabay tawa.
Nagtawanan na rin ang iba pang barkada na
pinasalamatan din ni Timmy, lalo na ang mga lalaki.
“Oo ba! Kayo pa!” ang sagot naman ni Timmy.
“Nasaan pala si Hang?” ang tanong ni Joy. “Sayang
hindi niya nakita ang kabayanihan ko!” ang biro niya.
“Oo nga! Ba’t wala siya? Hindi niya narinig ang
lahat!”
“Hayaan niyo na. Panggabi siya eh.” Ang sagot ni
Timmy. Gusto pa sana niyang ikuwento na masama ang loob niya kay John dahil sa
ekesena nila sa Dean nang nakaraang gabi ngunit hindi na niya sinabi pa ito.
Habang nagsasalita pa si Shane at ibang estudyanteng may mga
testimonials against sa Dean, may mga estudyante namang umiikot at namigay ng
snaks at soft drinks. Ang saya lang ng mood ng rally na iyon. Parang may party
lang sila. Nagtatawanan ang mga estudyante at may mga lumalapit pa talaga kay
Timmy at kina Jeff, Joy at sa grupo at nakipag-kamay sa kanila. “Good job!” ang
sambit nila kay Jeff at grupo habang kay Timmy naman, “I support you, Timmy!”
ang pagbati ng mga estudyante nakikipagkamay kay Timmy.
Maya-maya ay nagulat naman ang mga barkada kay joy na
nagtatalon. “Oh my god, Oh my God!!!” ang pagsisigaw ni Joy.
“Bakit???” ang tanong ng ibang babaeng barkada.
“Tingnan ninyo!!!”
Nang tiningnan nila kung sino ang naglalakad patungo
sa kinaroroonan nila, nakita nila ang dalawang lalaking matangkad at guwapo,
may mga pulang arm band. Nilapitan nila si Jeff at kinamayan. “Astig ang ginawa
ninyo, pare!” ang sambit ng isa. Ang isa naman ay kinamayan lang si Jeff at
nginitian, kitang-kita ang braces sa kanyang mga ngipin. May hikaw siya na
stainless, iyong parang singsing na malapad, may puting cap na binaligtad ang visor,
ang kulay naman ng kanyang t-shirt ay light pink.
“Salamat pare!” ang sagot naman ni Jeff.
Pagkatapos nilang lapitan si Jeff ay si Joy naman ang
kanilang nilapitan at kinamayan. Sabi ng naunang nakipagkamay kay Joy,
magpaturo ako sa iyo na mang-hack ha? May iha-hack akong computer” sabay turo
sa kasama niya, “computer niya.” Ngumiti lang ang kasama niya sa sinabing iyon
ng lalaki.
Sagot naman ni Joy na kinilig sa dalawa, “Puwede bang ang
puso niyo na lang ang i-hack ko para naman makapasok ako?”
Sumagot naman ang unang lalaki, “Huwag na siya, Joy”
turo niya sa kasama, “…may laman na ang puso niya. Iyong sa akin na lang, wala
pa.” ang sagot niya. “At oo nga pala, joy, bukas ang kisame ng boarding house
namin, baka gusto mong akyatin siya mamaya, doon tayo magtagpo sa loob.” Ang dugtong
na biro ng lalaki.
Kitang-kita ang pamumula sa mukha ni Joy na hindi na
makapagsalita. Tila himatayin sa lakas ng kalampag ng kanyang dibdib. Kahit
ganoon ka-kumedyante si Joy, sa pagkakataong iyon ay natameme siya, nakatitig
na lang sa dalawang lalaki na iyon na sa pagkakataong iyon ay lumapit na sa mga
kasama ni Joy at nakipagkamay sa kanila.
Pagkatapos naman ay nilapitan nila si Timmy, Kinamayan
din. “I’m with you, pare!” ang sambit niya. Pagkatapos ay kinamayan din ng
kasama niya si Timmy. Nginitian.
Nang nakaalis na ang dalawa, hindi pa rin makapagsalita
si Joy. Ganoon din ang mga kaibigan nilang babae. Nagkatinginan sila, pinipigil
ang kilig at maya-maya lang ay biglang pinakawalan ang pangigigil at naghihiyawan.
“OMG! OMG! Ang ku-kyut nilaaaa!!!”
“Di ba siya iyong bully sa 3rd year
Business Administration na kung sinu-sino ang binubugbog?” ang tanong ni Emily.
“Siya nga iyon, si Jerome! OMG!!! Ang guwapo talaga niya!
Ngayon ko lang siya nakita nang malapitan!!!” ang sagot naman ni Fe.
“Jerome! Jerome! Bugbugin mo ako!!!” ang pigil na
pagsisigaw ni Joy habang nagtatalon. “My Ghad! Puwede na akong mamatayyyyy!”
“Teka, di ba iyong kasama niya ay freshman din ng
Business Administration? Sa department natin siya at parehong freshman! My God
ngayon ko lang siya napansin! Ang guwapo-guwapo pala!!!” ang sambit naman ni
Fe.
“Hindi natin kasi siya classmate sa maraming subjects.
Nasa ibang section siya at hindi pala-kibo. Laging nasa library nagtatambay!
July ang pangalan niya eh. Dean’s lister iyon. July… Villas! Siya nga!”
“Ah… kaya pala.” Ang sagot din ni Joy. “Pero ang
cuttteeee! Lalo na kapag ngumiti at ang braces! OMGGGG!!!” at kalabit niya kay
Timmy. “Tok barkadahin natin sila.“ ang sambit ni Joy.
“Nakakita ka lang ng guwapo, nalimutan mo na si Hang
mo.”
“Hmp! May Tok na siya eh. It’s time naman na ako ang
maghanap ng aking kaligayahan.”
“Huwag ka nang sumingit sa kanila, may sarili silang
kuwento.” Ang sagot ni Timmy.
“Kuwento? As in story?”
“Oo… at hindi ka kasali sa kuwento nila. Kaya OP ka sa
kanila.”
“Anong pamagat ng kuwento nila?”
“Magroommate daw iyan sila eh. So baka ang title ng
story nila ay ‘Ang Roommate Kong Siga’”
“Malamang!” ang pagsingit din ni Jeff.
“Uhuhuhuhuhu! Saklap! Hindi ako kasali!”
Tawanan.
Natapos ang mga speeches sa entablado. Binigyan-daan ni
Shane ang banda. Kantahan na ang sumunod. At kapag mabilis ang tempo ng kanta
ay sasabayan ito ng pagsasayaw ng mga estudyante.
Nasa ganoon kasaya ang assembly na iyon nang biglang,
nag-announce ang vocalist ng banda. “May we request Mr. Timmy Suarez to come up
the stage?”
Nabigla si Timmy sa pagkarinig niya sa kanyang
pangalan at napalingon sa kinaroroonan vocalist sa ibabaw ng stage. Naguluhan.
Nagpalakpakan naman ang mga estudyante. Karamihan kasi
sa kanila ay naawa kay Timmy, at lalo na nang mapatunayang edited at fabricated
lang ang video na ipinakalat tungkol sa kanila ni John.
Nang makita ni Timmy si Shane sa stage na kinawayan
siya at pinapaakyat, wala nang nagawa si Timmy kundi ang umakyat.
Nang nasa itaas na siya ng stage ay binigyan siya ng
upuan ni Shane. Nakaupo siyang nakaharap sa banda. “Bakit ako? Wala naman akong
ginawa upang ma-bulgar ang mga ginawa ng Dean?” ang bulong ni Timmy kay Shane.
“Syempre, ipinaglaban ka namin. At kung hindi dahil sa
pagka-martir mo ay hindi namin magawa ang lahat ng ito. Kaya karapat-dapat lang
na bibigyna ka namin ng kaunting alay.” Ang sagot din ni Shane.
Tinugtog ng banda ang intro ng kanta. Nagsimulang umawit
ang vocalist.
I swear by
the moon and the stars in the sky
And I swear like the shadow that's by your side
And I swear like the shadow that's by your side
I see the
questions in your eyes
I know what's weighing on your mind
You can be sure I know my heart
I know what's weighing on your mind
You can be sure I know my heart
Sa puntong iyon ay doon na siya nagulat nang biglang sumulpot mula sa
likuran ng stage si John, hawak-hawak ang mikropono sa isang kamay at isang kumpol
na mga pulang rosas naman sa kabilang kamay. Siya na ang nagpatuloy ng kanta.
Nilapitan niya si Timmy at ibinigay ang bulaklak.
Naghiyawan ang mga tao. Sa porma niyang naka-ripped
jeans na faded at puting long sleeves na pinaigsi, hinila patungo sa braso,
napakaguwapo ni John sa kanyang porma. Hindi siya magaling kumanta ngunit sa
effort niyang iyon ay halatang lumabot ang puso ni Timmy, pati na ang mga tao.
Napatunayan naman kasi niya at naintindihan na hindi niya masisisi si John dahil
ginawa lang niya ang sa tingin niya ay ikabubuti nilang dalawa.
Nang tinanggap ni Timmy ang mga bulaklak, doon pa
lalong na naghiyawan ang mga tao. Hinawakan ni John ang amay ni Timmy at
pinatayo siya. Tumayo naman si Timmy.
'Cause I'll
stand beside you through the years
You'll only cry those happy tears
And though I make mistakes
I'll never break your heart
You'll only cry those happy tears
And though I make mistakes
I'll never break your heart
And I swear
by the moon and the stars in the sky
I'll be there
I swear like a shadow that's by your side
I'll be there
I'll be there
I swear like a shadow that's by your side
I'll be there
For better
or worse, till death do us part
I'll love you with every beat of my heart
And I swear
I'll love you with every beat of my heart
And I swear
I'll give
you every thing I can
I'll build your dreams with these two hands
We'll hang some memories on the walls
I'll build your dreams with these two hands
We'll hang some memories on the walls
And when
just the two of us are there
You won't have to ask if I still care
'Cause as the time turns the page, my love won't age at all
You won't have to ask if I still care
'Cause as the time turns the page, my love won't age at all
Natapos ang kanta na lumuhod si John sa harap ni Timmy
at nagsalita. “Tok… hindi ko malilimutan ang sinabi mo na mapapatawad mo lang
ako kapag lumuhod ako sa harap mo at sa maraming tao. Sana ay mapatawad mo ako.
Patawarin mo na ako Tok, please…?”
Nahiyang napangiti si Timmy. Kung dati ay ayaw niya na
mag-display sila ng kanilang affection sa publiko, ngunit sa ginawa ng Dean ay
mistulang na-challenge siya. Napaisip kung hanggang kailan nila kayang itago
ang kanilang relasyon. Naalala rin niya ang matagal na gustong gawin ni John na
mag-out na sila upang wala nang mangulit at magtangkang sumira sa relasyon
nila. Kaya sa pagkakataong iyon ay handa na si Timmy na sumugal kung
tatanggapin sila ng mga tao o hindi.
Hinawakan ni Timmy ang kamay ni John at pinatayo niya
siya. Nang makatayo na si John ay niyakap siya ni Timmy at hinalikan ang pisngi
nito. Niyakap rin siya ni John at hinalikan ang kanyang bibig, iyong mabilisan.
Hindi naman magkamayaw ang mga tao sa paghihiyaw at
pagsisigaw ng “Tok-Hang! Tok-Hang! Tok-Hang! Tok-Hang! Tok-Hang!”
(Itutuloy)
Grabe.... thank you Sir Mike... kilig na kilig talaga ako sa kwento mong ito... love ko talaga sina Tok at Hang...grabe si Joy... gusto ko syang maging best friend din... hahahaha...
ReplyDeleteat nakonek talaga sa Ang Roommate kong Siga.
Congrats!!!! Ang galing galing mo author,
unang comment... hahahaha
ReplyDeletemaygad.. nakakainis na yang Dean na yan ha... pakibusalan nga ang bibig nyan, nang matahimik na.
Hahahahha.... ang kulet lang nakasama ang ang roomate kong siga... thanks... sir mike... ur the best...
ReplyDeleteNaisingit ng author sina Jerome at July,galing naman!
ReplyDeleteComment first before reading haha
ReplyDeleteAng ganda!!!!!nasama pa sila jerome at july hahaha!!!!!job well done mr.author.!!!!
ReplyDeleteMore2x exciting more,thank you author
ReplyDeleteDapat ipunish yang dean na yan. Yung kabayo nina tok at hang... Ipatira sya sa kabayo.. Sorry author. Pero gigil na gigil ako sa kanya.
ReplyDeleteWala pong update?
ReplyDeleteAno bayan kuya author, bitin na naman.. Na eexcite nako kuya author.San na yung kasunod?😊😊😊
ReplyDeletewoooowww talaga wooow na na wooow wala ako masabi sir mike hihi ang gaking gaking clap clap clap! may special participation pa si jerome at julay ahhh kilig much super 😍😍😍
ReplyDelete