Followers

Friday, May 11, 2018

Ang Roommate Kong Siga [11]








































By Michael Juha

Ang Roomate Kong Ex-Convict 
(Mother's Day Special)

Kinabukasan ay maaga kaming nagising. May pasok pa kasi kami. Naligo kami sa accommodation ng inay at pagkatapos ay umalis na. Tulog pa kasi ang inay kaya hindi na namin inistorbo. May libre naman ding agahan sa boarding house namin kung kaya ay hindi na kami nag-agahan sa accommodation ng inay.

Halos wala kaming tulog sa nakalipas na gabi dahil si Jerome ay 1:00 na ng madaling araw nakapasok ng flat ng inay, basang-basa pa, kaya naligo at syempre, hindi agad nakatulog gawa nang pinalabas pa kami ng inay sa kuwarto niya.

Habang naglalakad kami palabas ng compound patungo ng gate, si Jerome ang nagbitbit ng mga gamit ko. Inakbayan pa niya ako na tila isa talaga kaming magpartner, magkarelasyon, magkasintahan. Gusto ko nga ring isipin na para kaming tunay na mag-asawa. Iyong eksenang lumayas ako sa aming pamamahay at pagkatapos ay sinundan ako ng asawa ko, sinuyo, hinalina, at nang nauto, pumayag akong umuwi ng bahay namin, at hayan, siya ang nagbitbit ng aking mga gamit habang inaakbayan ako. Ang sweet lang. At dama ko ang saya niya sa pagsama kong iyon sa kanya pabalik ng boarding house. Kung gising lang sana ang aking inay at nakita kami sa ganoong postura, baka mainggit na naman siya at ma-insecure.

Nang nakasakay na kami ng tricycle, sa may likuran kami nakaupo, magkaharap. Habang tahimik siyang nakatingin sa harap ng tricycle, sa kalsadang binaybay nito, ang isang kamay niya ay nakahawak sa isang  kabilya sa may bubong ng tricycle. Tahimik siya at lihim kong pinagmasdan. Nakasabit sa kanyang balikat ang knapsack ko habang nakalatag naman sa sahig ng tricycle ang aking trolly bag, sa harap niya na pinagitnaan ng kanyang mga hita. Suot-suot niya ang aking sweatshirt na puti, pati ang faded jeans ko na may bigtal sa magkabilang tuhod, pati na ang rubber shoes ko. At as usual, ang guwapo-guwapo niya sa kanyang porma. At ang brief ko… walang kiyeme niyang isinuot. Siguro kung ibang lalaki iyon, pipiliin na lang niyang huwag nang mag-brief. Ngunit isinuot niya ito nang walang tanong-tanong, nang walang ka-kyimian. Marahil ay kung hindi lang niya lantarang sinabi na hindi niya ako kayang mahalin, iisipin ko talaga na may nararamdaman din siya para sa akin.

Parang hindi ako makapaniwala sa aking sarili na sa ilang buwan na naroon ako sa boarding house na iyon, kasama siya sa kuwarto, ay unti-unti kong makilala ang pinakasiga na estudyante ng unibersidad na kinatatakutan ng lahat. At sinong mag-aakala na sa lahat ng tao na nakapaligid sa kanya, sa akin lang siya tila umamo, lumambot ang puso. Ngunit ang pinakamatinding katanungan na naglalaro sa isip ko ay ang kahiwagaan ng kanyang pagkatao. Sinong mag-aakalang sa likod ng napakatapang na estudyante ay may masakit palang kuwento ng buhay na pilit niyang itinatago?”

Aaminin ko na may saya akong naramdaman na kahit inamin niyang hindi niya ako puwedeng mahalin, ipinakita niyang mahalaga ako sa buhay niya, na may puwang ako sa puso niya. Iyon nga lang, hindi ko alam kung ano ang aking maramdaman kapag dumating na ang araw na mahanap na niya ang babaeng mamahalin niya; iyong babaeng handa niyang ibigay ang lahat.

Ngunit para sa akin sa puntong iyon, ang mahalaga ay naroon siya, at ako ang sentro ng kanyang pagnanais na magbago. Baka kapag tuluyan na siyang nagbago, maging masaya na rin ako para sa kanya, para sa kaligayahan niya, at magiging handa rin ako kapag sinabi na niya sa akin na maaari na siyang lumipad, kagaya inakay na ganap nang isang ibon at handa nang humiwalay, bumalangkas ng mga pangarap, at bumuo ng sariling pamilya… Ngunit malayo pa iyon. At iyon ang aking paghandaan.

Nasa ganoong paglalakbay ang aking diwa nang biglang, “Ba’t ka nakatitig sa akin ng ganyan? At ang lalim pa?” ang pasigaw niyang sabi gawa ng ingay na nanggaling sa makina ng tricycle.

Mistula akong nagising mula sa isang malalim na pagkahimbing. Nunit tiningnan ko lang siya, inirapan. Hindi kasi kami magkarinigan sa ingay kaya ayokong sagutin siya, baka marinig pa ng driver at ma-intriga.

Nang nasa boarding house na kami, nakasalubong namin sina Troy at Edcel, sila iyong boarders na nasa katabing kuwarto lang, parehong 4th year ng Engineering.

“Wow! Saan kayo nanggaling pare! Mukhang nag out-of-town kayo ah!” ang tanong ni Troy.

“Sa mama lang ni July pare.” Ang maiksing sagot ni Jerome na tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Hindi na ako nagsalita pa. Nang nilingon ko silang dalawa, nakatingin pa rin isla sa amin na mistulang nang-uusisa at  tumatawa pa. Hindi ko na iyon pinansin. Naisip kong parang wala talagang kaibigan si Jerome sa boarding house na iyon. Maliban sa mga babaeng nagkakaroon ng crush sa kanya, lalo na nang sinagip pa niya ang isa sa kanila nang nasunog ang ilang kuwarto nito sa 3rd floor, parang wala talaga siyang masasabing kaibigan. Dagdagan pa sa nature ko na maypaka-aloof, doon kami magkabagay. Parang isang couple kami na wierd. Iyong parang sa thriller na palabas na may sariling mundo, may milagro o krimen na itinatago. Pero introvert naman ako na mabait; siya ay introvert na halimaw.

Nang nasa loob dali-dali kaming pumasok sa aming kuwarto at ibinalik ko ang aking mga gamit sa lagayan. Pagkatapos ay sabay kaming kumain sa mess hall atsaka pumasok. Kagaya ng dating nakagawian, naka-bisekleta uli kami patungo ng eskuwelahan. Siya ang nagdala, at ako ang kanyang back-ride. At kagaya ng dati, iyon na ang naging routine uli namin.

Sa gabi naman, pagkagaling sa school, kaming dalawa uli ang nasa kuwarto. Kagaya ng dati, naroon uli ang harutan, ang kantiyawan, ang tawanan. At dahil kabisado na niya ang gusto ko, palagi nang malinis ang kuwartodahil siya mismo ang naglilinis, siya mismo ang nag-aayos ng mga gamit. Higit sa lahat, hindi ko na nakita pa na nanigarilyo si Jerome, at least sa loob ng kuwarto.

“Oo nga pala… anong ibig mong sabihin nang nilapitan mo iyong chairman ng freshman Business Administration doon sa rally ng mga estudyante, iyong issue sa Dean natin? At ang sabi mo sa kanya ay ‘I’m with you, pare’?. Kabaklaan naman ang issue doon, di ba?” Ang tanong ko isang gabi na nasa kuwarto kaming dalawa at naalala ang eksena ng rally ngmga estudyante ng unibersidad laban sa Dean ng Business Administration. As usual, naka-boxers lang siya, walang pang-itaas na suot. Naglalaro siya ng game sa kanyang cp sa study table ko habang ako naman ay nasa harap ng laptop ko, nagbabasa sa parehong mesa.

“Oo.” Ang sagot niya.

“So hindi ka na galit sa kabaklaan?”

“Horizon of choices.”

“Anong iyon?”

“Between 2 evils, you need to choose the lesser evil. Between 2 bakla, choose the lesser bakla.”

“Kung between the 3 bakla, sino ang pipiliin mo?” ang dugtong ko.

“Kung ang 3rd na bakla ay ikaw, o kahil ilang million na bakla pa, ikaw pa rin ang pipiliin ko.” Ang sambit niya. Tapos dinagdagan pa ng, “I’m with you, pare.” Sabay sa pakikipagkamay sa akin.

Natawa ako sa kanyang inasta. Pareho talaga sa sinabi niya kay Timmy Suarez, ang Chairman namin sa Freshemn Business Administration. “Bakit?” ang tanong ko.

“Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Alam mo na iyan…”

Napangiti ako sa kanyang sinabi, kinilig habang tinanggap ko ang pabirong pakikipagkamay niya.“Bakit ayaw mong pumanig sa Dean?”

“Galit ako sa mga kagaya niya. Actually, may plano nga kaming grupo na kung magtatagal pa siya sa unibersidad at hindi mapatalsik, bubugbugin namin siya o di kaya ay i-salvage.”

Doon na ako napasigaw. “Hoy! Grabe ka naman! Huwag namang ganyan. Masisira ang buhay mo kung kikitil ka ng buhay ng iba!”

“Sira na nga ang buhay ko, di ba? Puwede rin namang buhay ko ang kikitilin ko. Kung hindi nga lang dahil sa iyo ay baka gumive up na ako sa pag-aaral at hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.”

Bigla akong natahimik. Tinitgan siya. “Huwag naman, Jerome. Alam kong, matalino ka naman talaga, eh. Imagine, hindi ka nag-aaral pero ang grades mo ay above-average pa rin. Dala-dala mo lang sa klase ay knapsack at extra na damit, ni walang libro at ewan kung nagpupunta ka ba ng library. Pero nagsurvive ka pa rin.”

Hindi siya umimik.

“Paano kaya ako magkakapera?” ang paglihis ni Jerome sa topic.

Mistulang hinataw ng isang matigas na bagay ang aking ulo. May guilt akong nadarama dahil sa paghinto niya sa trabaho sa bar. “Sorry. Umalis ka ng bar nang dahil sa akin.”

“Ayaw ko na rin doon. Toxic na ang environment doon. Pinag-initan ako. Pati ang mga bouncers ay galit sa akin.”

“Ay bakit naman? Panay nga ang ngiti mo sa mga babae roon eh.”

“Syempre, trabaho. Alangan namang sisimangutan ko sila. Kaya doon nagalit ang mga bouncers at ibang waiters sa akin dahil iyong mga dating babae nila, sa akin na naka-focus. At iyong anak ng may-ari naman ay dumidikit sa akin… Tapos nagagalit sa mga waitress kapag lumalapit sila sa akin dahil pinagseselosan. Pati mga bakla naming kasama ay pinag-iinitan niya. Kaya nag-init na rin sa akin ang iba pang mga tao roon.”

“Iyong anak ng may-ari ay hindi mo naman syota iyon?”

“Hindi ah!”

“Bakit naghalikan kayo?”

“Wala naman akong magagawa, di ba? Alangan namang itulak ko siya. Syempre, boss ko iyon.”

“Maganda naman siya, di ba? Bakit ayaw mo sa kanya?”

“Syempre, may isang tao riyan na nagseselos… Kung hindi ka lang dumating sa buhay ko ay pinatulan ko na iyon. Kapag ganyang maganda at type ako, makakatikim kaagad iyan sa kargada ko.”

“Ganyan ka ka-wild?”

Tumango siya. “Dati.”

“Ilang babae na ang natikman mo?”

“50? O mahigit pa? Di ko na mabilang” sabay tawa. “14 lang ako nang unang makatikim ng babae.”

“Grabe… Ngayon ilan na lang silang maintain mo?”

“Wala na… hindi na puwede.”

“Bakit?”

“May magseselos…”

“Iyong magseselos naman ay hindi mo naman kayang mahalin, di ba? So what’s the point?”

Doon na siya natahimik. Ibinaba niya ang kanyang tingin sa kanyag cp atsaka Itinuloy ang paglalaro.

Natulala na lang akong napatitig na lang din ako sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan ang kanyang inasta. Nakakalito. Ang sabi niya ay hindi niya ako puwedeng mahalin ngunit may pasaring din siyang ganyan na magseselos ako. Mistulang kinurot ang aking puso sa sinabi niyang iyon.

Pareho kaming natahimik.

Maya-maya ay nag-ring ang cp ni Jerome. “Hi!” ang sagot niya. “Sorry Kristel, I have resigned already. Hindi na ako babalik, Ma’am.” Dugtong uling sagot. Hindi ko kasi naririnig ang salita sa kabilang linya. “Sorry, talaga, Kristel. Ayoko na.” “Kahit na bisita lang sa bar ayoko na.” “Wala naman. Wala akong girlfriend ngayon. Hindi iyan ang dahilan. Ayaw ko na lang talaga” “No-no-no Kristel. Please don’t. Mahirap tumanggap ng perang hindi pinaghirapan. Okay lang talaga ako…”

Iyon ang mga narinig kong sagot niya sa telepono. May halos sampung minuto rin silang nag-usap. Nang pinutol na niya ang linya, kunyari ay hindi ako nakinig sa kanilang pinag-usapan. Wala kunyari akong pakialam. Patuloy lang ako sa pag-iinternet. Dedma.

“Si Kristel ang tumawag, iyong anak ng may-ari ng bar. Gusto niyang bumalik ako. Nang sinabi kong ayaw ko na, gustong makipagkita. Inalok pa ako ng tulong, buwan-buwan daw na allowance.”

Hindi ko ipinakitang apektado ako. “Hindi mo tinanggap?” ang kalmante kong tanong habang kunyari ay patuloy pa rin ang aking ko-computer.

“Bakit ko tatanggapin iyon? Ano ang kapalit?”

“Malay ko ba. Sa kanya mo itanong iyan.”

“Huwag na nating pag-usapan iyan… Ang importante, sarado na ang pinto ko sa kanya. Ayoko na. Magulo doon sa bar. Magulo din ang buhay ng babaeng iyon.”

“So nagresign ka sa bar dahil magulo, hindi talaga dahil sa akin?”

Napatingin siya sa akin. Hindi niya inaasahan ang tanong. “Ang kulit! Syempre dahil sa iyo. Kung sa gulo lang, kaya kong i-handle iyan. Sanay ako sa gulo.Kung si Kristel lang, kaya ko siyang paligayahin, kung gusto pa niya ay anakan ko siya. Kaso…”

“Kaso ano?”

“Ayokong makasakit ng damdamin ng iba riyan.”

Hindi na ako sumagot. Kunyari ay hindi ako kinilig. Ipinagpatuloy pa rin ang aking pagko-computer.

“Happy ka na?” ang tanong niya.

Nilingon ko kunyari ang likuran ko, ang tagiliran ko. At kunyari ay naguluhan. “Ah, ako ba ang kausap mo?”

“Tangina bro… ang galing mong mang-ipit ng kilig! Kunyari ay di ka kinilig, hayop!” ang sambit niyang tumatawa ng malakas.

Tawanan.

Tahimik.

“Puntahan mo na lang kasi ang daddy mo Jerome…” ang sambit ko. “You will be hitting multiple birds in one stone kapag nakikipagbati ka sa kanya. Magkaroon ka na ng peace of mind, matutulungan mo siya sa inyong negosyo, di ka na maghihirap sa paghahanap ng pera, at wala ka nang galit na kinikimkim d’yan sa puso mo. Maging masaya na ang buhay mo. Mahirap kapag nagtatanim ka ng galit sa mga taong mahal mo.”  Ang pagbasag ko sa katahimikan.

“Alam mo, kung ibang tao ka lang at iyan ang sinasabi mo sa akin, babasagin ko iyang mukha mo.” Ang kalmante niyang sabi.

“Bakit naman?” ang may halong pagtatakang tanong ko. Para sa akin kasi ay simple lang naman ang aking sinabi.

“Insulto para sa akin iyon. Ibig sabihin niyan ay hinuhusgahan mo na ako nang hindi mo pa alam ang kuwento ko.”

“Ano ba kasi ang kuwento mo na hindi ko pa alam? Paano kita maintindihna kung hindi mo sasabihin sa akin? Di ba ang sabi mo, pagkakatiwalaan mo ako na baguhin ang buhay mo? Paano kita matutulungan?”

“Sasabhin ko sa iyo kapag handa na ako…” ang sagot niya sabay pagpatuloy niya sa kanyang paglalaro.

Hindi na ako nakaimik.

“kapag nakikipag-areglo ako sa aking ama, magpakasal ako kay Trixia. Isa iyan sa kundisyon niya. Okay lang ba iyan sa iyo?” ang pagbasag niya sa katahimikan.

Mistula akong nabilaukan sa sinabi niyang iyon. “Oo naman. Bakit hindi? Di ba sabi mo ay mahal mo siya? At bakit ako ang tatanungin mo kung okay lang sa akin? Wala naman tayong relasyon. Hindi mo rin ako kamag-anak.”

“Hindi ganoon ka simple iyon…” Ang sagot niya.

Kinagabihan ay tumawag ang inay at nagyaya sa amin ng dinner sa labas, sa isang KTV Bar. Iyong kantahan.

“Anong mayroon?” Ang tanong ko sa aking inay.

“Bakit kailangan bang mayroong okasyon bawat pag-imbita ko sa inyo?” ang sagot naman niya.

Nang pinutol na niya ang linya ng telepono, doon na ako napaisip kung ano ang mayroon at bakit niya kami inimbitang mag-dinner sa labas. Sinabi ko kay Jerome ang nasa isip ko. Agad ding lumabas si Jerome at binili ang aming kailangan sa planong iyon.

Eksaktong nakabalik si Jerome, nakapaligo at nakapagbihis na kami nang dumating ang inay. As usual, sexy na sexy ang kanyang suot. Iyong pulang damit na hulmang-hulma ang kanyang katawan, at may maigsi ang kanyang palda na kitang-kita ang kanyang hita.

“Dalagang-dalaga Steff!” ang kumento ni Jerome. “Tila JS prom ang patutunguhan natin ah!” Dugtong niya.

“Yes. At ikaw ang escort ko.” Ang sagot naman ng inay.

“Game!” ang sagot din ni Jerome habang tumabi siya sa inay at iniabot ang kanyang braso.

Umabresyte naman ang inay. Habang naglakad sila palabas ng kuwarto namin.

“Ang bango mo Steff!” ang sambit ni Jerome.

“Dapat lang, upang maka-bingwit ng boys!” ang sagot namang pabiro ng inay sabay tawa.

Nadaanan pa namin ang ibang mga boarders na nag-umpukan sa sitting room nang nakalabas na kami ng kuwarto. May mga pinag-uusapan sila.

“Sama naman kami!” ang sambit ni Troy nang mapansin niya kami.

Nilingon lang ni Jerome ang grupo at walang makitang emosyon sa kanyang mukha. Ako naman ay ngumiti lang sa kanila.

“Next time, guys, isama ko kayo.” Ang sagot naman ng inay.

“Promise iyan ha?” ang sagot naman ni Edcel.

“Promise!” ang sagot ng inay. Ganyan siya ka out-going. Kung kami na tagaroon ay hindi masyadong nakikisalamuha sa ka-boarders namin, ngunit ang inay ay game na game sa kanila.

Sinalubong kami ng crew ng KTV bar at giniyahan patungo sa isang kuwarto. No. 18 ang tatak ng room at ang loob nito ay nabalot ng mga litrato ni Elton John ang dingding. Iyon yata ang theme ng kuwartong iyon.

Binigyan kami ng menu at pumili ang inay ng pagkain. Tinanong niya kami kung iinom kami. Pinili ni Jerome ang isang option na may 12 na drinks at pulutan na krispy pata at sisig. Ako naman ay pagkaing hapunan ang pinili. Ganoon din ang inay.

Nang nakaalis na ang waiter, “Oh my God! Ang laki-laki na ng anak ko! Dalaga na!!!” ang biglang pagsasalita ng inay.

“At kasing ganda mo Steff!” ang pagsegunda naman ni Jerome.

“Mga salbahe kayo. Ba’t ako ang naging topic dito?”

“Maganda ka naman talaga, ‘Tol eh.” Ang sambit uli ni Jerome.

“Hindi galing sa bibig ko iyan ha. Kumbaga objective ang kanyang pagjudge sa beauty mo, anak. Kaya dahil diyan, ipapamana ko na sa iyo ang aking korona.” Sabay tayo at hinila ang aking kamay upang tumayo rin ako. Nang nakatayo na, minuwestra ang kamay niya na kunyari ay may korona siya sa kanyang ulo at inilipat iyon sa aking ulo at pagkatapos ay kumaway sa mga invisible audience.

Tawa nang tawa naman si Jerome. “Farewell speech at rampa na Steff!” ang sabi niya.

“And now that my reign comes to an end, I will now endorse this crown of eternal beauty with much regret to the new Ms. Universe. I hope she…” nilingon niya ako, “Yes, S-H-E can successfully deliver the requirements of this office, bring peace and harmony to the world… the universe rather, and may she find the true love that she deserves. Amen.” Tapos rumampa at kumaway-kaway uli.

Tawa nang tawa naman si Jerome. “Acceptance speech ‘Tol! At rampa na rin!” ang sambit niya sa akin.

Ngunit ipinalabas ko lang ang dirty finger ko kay Jerome.

“KJ naman nito!” ang sagot niya. Tumayo siya, tumabi sa akin, “Sige na, ako ang escort mo.” Sabay abot sa akin sa kanyang bisig upang mag abresyete ako sa kanya.

Hinawakan ko ang kanyng bisig at sabay kaming nagmartsa paikot sa mesa sa loob ng kuwarto. Tawa naman nang tawa ang aking inay. “Ang ganda talaga ng successor ko!” ang sambit niya.

“May reason naman talaga kung bakit ko kayo inimbitahan eh.” Ang sambit ng inay.

“Anong reason, ma?” ang sagot ko. “Naka-shoot na ba is Mang Kanor kaya ka nag-invite sa amin?”

“Heh! Tanggalin mo na nga sa utak mo si Kanor na iyan! Ayaw ko sa kanya! Iba ang dahilan?”

“Ano?” Ang pag-iinosentehan ko pang tanong.

“Haisttt. Ganyan na talaga ang mga anak ngayon. Porket malaki na, nagdadalaga na, nalilimutan na lang ang mga mahahalagang bagay.”

“Drama mo ma.” Ang sagot ko. “Hindi bagay sa iyo. Nakakatawa ka pa rin.” Ang sambit ko. Alam kasi namin ni Jerome kung bakit siya nang-imbita. At pinaghandaan namin iyon.

Ngingiti-ngiti lang din si Jerome. Kinuha ko ang remote ng videoke machine at pumili ng kanta.

Mother’s Day is here*
Everybody give a cheer
For the ladies that we call our Mother Dear

I tried to find a card
But you know, it’s really hard
To find the one that captures all the love that’s in my heart

And so instead, I’m singing you this song
Because I am so grateful to you, Mom…

So I say
Thanks for having intercourse with dad
Without a condom, sponge or IUD
Your lack of objection to sex without protection
Made a sperm and egg turn into me

You gave me life, love, a home, and food and clothing every day
I gave you stretch marks and extra weight that never quite went away

I mean it
Thanks for having intercourse with dad
The carnal act that brought me here to you
I don’t know if it was varied or merely missionary
But it sure was good for me; was it for you?

I’m elated that you mated
Your love you consummated
You got inseminated
Then waited and inflated
Inside you I gestated
Until from your womb I cascaded
 
--------------------
*Mother’s Day Song By Paul and Strong
--------------------

Tawa naman nang tawa ang aking inay habang nakinig sa lyrics ng kanta.

Nang matapos na akong kumanta, hinugot ni Jerome mula sa bag ang itinago naming mga rosas. Iniabot niya iyon sa akin na iniabot ko naman abg mga ito sa aking inay.

Doon na siya napaluha. Nagyakapan kami. “I love you ma... very, very much!” ang sambit ko.

“I love you too, anak. Tandaan mo. Nariyan lang ako palagi sa piling mo. Ano man ang mangyari, kahit lahat ng tao sa mundo ay lalaitin ka, saktan ka, itakwil ka, nariyan lang ako palagi sa para sa iyo...”

“Ako rin ma... sana ay magkatuluyan na kayo ni Mang Kanor...” ang sambit  na hindi ko na naituloy pa gawa nang bigla niyang pagkalas sa aming yakapan.

“Putragis na iyan. Huwag mo ngang isingit ang taong iyon? Ew!” ang sambit niya.

“May pa-Ew ka pa, ma! Alam kong kinilig ka eh! Siguro ay may nangyari na sa inyo no?”

“Oh my Ghaddd! Di ko maimagine!”

Nasa ganoon kaming paghaharutan ng aking inay nang napansin kong nakayuko lang si Jerome, hindi umimik, hindi natawa sa aming harutan. Malungkot ang kanyang mukha at tila nangingilid ang mga luha. Nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya, dumampot siya ng bote ng beer, binuksan iyon at tumungga. Nagbukas na rin siya ng para sa amin. “Happy mohter’s day, Steff.” Ang seryoso ninyang pagbati sa aking inay. At baling sa akin, “Congrat’s tol for having such a wonderful, loving, and very supportive mom! How I wish...” ang sambit niyang hindi na niya itinuloy pa.

Nagkatinginan na lang kami ng inay. Doon ko narealize na nasaktan pala si Jerome. Bigla tuloy akong nalungkot. Alam kong naalala niya ang kanyang inay na simula ng pagkabata niya ay hindi niya nakasama at ngayong nakita na sana niya, ay itinakwil naman siya.

Nang maramdaman ng inay na nalungkot si Jerome, kinuha niya ang song book at pumili ng kanta. Nang nakapili na, dinampot niya ang mikropono. Jerome, pakinggan mo ito, para sa iyo ito.

Alam kong hindi mo pansin
Narito lang ako
Naghihintay na mahalin
Umaasa kahit di man ngayon
Mapapansin mo rin
Mapapansin mo rin

Alam kong hindi mo makita
Narito lang ako
Hinihintay lagi kita
Umaasa kahit di man ngayon
Hahanapin mo rin
Hahanapin mo din

Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari yon kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng Panahon

Doon na tumawa si Jerome. Naalala niya ang kanta sa bar. “Kanino naman galing iyan Steff?” Ang nakangiting tanong niya pagkatapos kantahin ng inay ang kantang iyon.

“Kanino pa ba galing kundi sa reigning Ms. Universe!” sabay turo sa akin.

“Bakit na naman ako ang tinitira ninyo ngayon?” ang daing ko.

“Syempre, ikaw ang may hawak ng korona eh.”

“Sige at may sagot din ako sa kanta mo, Steff.” Ang sambit ni Jerome sabay hugot sa song book at pili ng kanta. Nang nakapili na, dinampot niya ang mikropono. “Para rin ito sa reigning Ms. Universe”

Ikaw ang miss universe ng buhay ko
Ilang beses ko ba namang sasabihin sa'yo
Sa piling mo, tanggal ang lumbay
Ni kasiyahan walang kapantay
Ikaw ang miss universe ng buhay ko

Ikaw ang miss universe ng buhay ko
Ilang bese ko ba namang sasabihin sa'yo
Sakit ng ulo'y tanggal bigla
Sa piling mo'y lungkot nawawala
Ikaw ang miss universe ng buhay ko

Aanhin ko ang ganda ng iba
Maduduling lang ang aking mga mata, butas pa ang bulsa
At diba sabi ng mga matatanda
Ingat lang tayong mga bata
Kagandahan, tulad ng suwerte mawawala

Halata namang kinilig ang aking inay habang kumanta si Jerome. Nang matapos ang kanta na iyon ay may banat pa siynang isang kanta.

“Ito na talaga, galing sa puso” ang sambit niya.

No one ever saw me like you do
All the things that I could add up to
I never knew just what a smile was worth
But your eyes say everything without a single word
'Cause there's somethin' in the way you look at me
It's as if my heart knows you're the missing piece
You made me believe that there's nothing in this world I can't be
I never know what you see
But there's somethin' in the way you look at me
If I could freeze some moment in my mind
Be the second that you touch your lips to mine
I'd like to stop the clock, make time stand still
'Cause, baby, this is just the way I always want to feel
I don't know how or why I feel different in your eyes
All I know is it happens every time...
At habang kumakanta siya, panay pa ang ngiti niya sa akin at muwestra sa kamay niya patungo sa akin. Syempre, may kilig akong nadarama. Pero syempre, may lungkot din dahil alam ko namang ang value noon ay pang best friend lang.

“Oh my God! Kinikilig ako!” ang sambit ng inay nang matapos nang kumanta si Jerome.

“As if naman!” Ang sagot ko rin.

Maya-maya lang ay nagpaalam si Jerome na iihi. Iniwan niya kami s akuwarto na kumakanta. Maya-maya ay bumalik siya, nagtatakbo sabay sara sa pintuan.

“Bakit?” ang tanong ng inay.

“W-wala Steff. May momo ata sa labas.” Ang sagot lang ni Jerome sabay tawa.

Ipinagpatuloy lang namin ang aming pagkanta. Ngunit ang hindi namin inaasahan ay ang biglang pagpasok ng isang babae. Si Kristel, ang anak ng may-ari ng bar na dating tinatrabahuhan ni Jerome.

“OMG! Jerome! Nandito ka lang pala!” ang sambit niya na halatang nakainom na at talagang pumasok siya at tumabi kay Jerome. Hinawakan niya ang brasi ni Jerome. “Bakit hindi ka sumama sa akin, Jerome? Inimbita naman kita eh!” ang sambit niya.

Nagkatinginan kami ng aking inay. Tunay na maganda si Kristel. Mahaba ang buhok, sexy, maputi at makinis ang balat. Sa porma at pananamit niya ay kitang-kitang anak-mayaman siya.

Tumingin din si Jerome sa aming dalawa ng inay habang tinanggal niya ang kamay ni Kristel na nakahawak sa kanyang braso. Halatang nahihiya sa amin. “Eh... family ko itong sinamahan ko eh.” Ang sagot ni Jerome.

“Eh...  kung family mo sila, ibig sabihin ay araw-araw mo silang nakakasama. Sama ka naman sa amin Jerome. Na-miss na kita. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ka umalis nang walang paalam. Wala naman kaming nagawang masama sa iyo. At kung mayroon man, di mo man lang sinabi para mapagalitan ko kung sino man iyong nang-aapi sa iyo roon!” Ang sambit niya. At talagang gumawa siya ng eksena. Hindi na halos nakakanta ang inay dahil sa pagsisigaw niya.

Hindi na rin ako nakaimik. Gusto ko mang itaboy siya ngunit ayaw ko ng gulo. Gusto kong si Jerome mismo ang maghanap ng paraan upang makaiwas siya.

“Ayaw ko, Kris... Nakakahiya namang iwanan ko sina utol dito.” Ang sambit ni Jerome.

“E, di sumama na rin sila?” nag sagot naman ni Kristel. At baling niya sa amin, “Di ba, guys? Puwede naman kayong sumali sa grupo namin, eh.” Ang pag-imbita niya.

Hindi nakaimik ang inay. Tanging “Eh...” lang ang nasabi niya.

“Bakit kami sasama sa grupo ninyo?” ang tanong ni Jerome.

“Bakit ayaw nilang sumama?”

“Di mo ba naintindihan? Ibang barkada kayo, itong sa amin ay family bonding. Puwede ba kaming mag-family bonding kasama ang mga barkada mo na hindi namin kilala?” ang nairita nang paliwanag ni Jerome.

“Aw... okay kung ayaw ninyong sumama sa grupo namin, ako na ang sasama sa inyo.” Ang sambit niya. Tumayo siya at tinumbok ang intercom, nag-order ng sarili niyang pagkain at mainom. Tinanong pa niya ang inay kung anong gusto niyang ladies drink. “Margarita? Bourbon Sour? Gin and Tonic? White Russian?”

Ngunit umiling ang inay.

Hindi talaga umalis si Kristel sa aming grupo. Nang dumating ang kanyang order na pagkain at drinks ay pinilit pa niyang subuan si Jerome. Dedma lang kami ng inay. Parang kami lang dalawa ang naroon. Parang nakakasilaw silang tingnan na ganyang halos kumandong na ang babae kay Jerome. Habang nagmistula silang love birds na halos itali na lang ni Kristel sa kanyang baywang si Jerome, kitang-kita naman sa mukha ni Jerome ang pagkadismaya. At ako at ang inay, walang imik na kumakanta na lang sa isang tabi at hindi na nagsasalita. Tila na-hijack ang aming kasiyahan sa personal na intention ni Kristel. Feeling ko ay tinorture ako, pinirito kami ng inay sa sarili naming frying pan.

Marahil ay naramdaman ni Jerome na naimbyerna na kami ng inay, biglang tumayo si Jerome. “Tara! Doon na tayo sa grupo mo!” ang pagmamaktol na sabi niya. At baling sa amin, “Tol... Steff, alis muna ako ha?” ang sambit niya.

Doon na tila gumuho ang aking mundo. Sobrang nabad trip ako sa pag-alis ni Jerome. Ang inay naman ay patuloy lang din sa pagkanta. Kaya kahit na-bad trip ako, nakiki-enjoy na langdin ako. Syempre, selebrasyon iyon para sa kanya kaya ayaw kong sirain ang moment niya kahit papaano. Ewan kung pinilit lang din iyon ng inay upang hindi ako malungkot ngunit kahit papaano, dahil sa kanya ay nagpigil pa rin ako sa aking sarili.

“Ikaw naman ang kumanta, July!” ang sambit ng inay.

Kaya pumili ako ng kanta. Kumanta ako.

“Babalik naman siya, di ba?” ang tanong ng inay pagkatapos kong kumanta.

“Di ko po alam. Wala namang sinabi eh. Baka doon na iyon sa kanila.” Ang sagot ko. Sobrang dry talaga ng aming kasiyahan. Mistulang hinigop lahat nina Kristel at Jerome ang saya at sigla sa kuwartong iyon.

Naghintay kami ng isa’t kalahating oras. Walang Jerome na bumalik. Kaya nagpasya na lang kaming umuwi. Nang nasa kotse na kami, doon na nagtanong ang inay. “Iyon pala ang anak ng may-ari ng bar?”

“Opo. Siya iyong kahalikan niya noong umagang nakita kong hinatid niya si Jerome sa boarding house. Iyon iyong babaeng pinagselosan ko.”

“Maganda siya, in fairness...” ang sambit lang ng inay.

Hindi na ako nagsalita. Wala akong kalaban-laban sa isang magandang babae na siyang bagay naman kay Jerome.

“Pero mas maganda ka.” Ang dugtong niya.

“Maganda nga, bakla naman.” Ang pagmamaktol ko pa.

“Hintayin mo na lang siya. Okay? Or tawagan mo siya” ang sambit ng inay nang nakarating na kami ng boarding house.

“Hindi ko siya tatawagan ah! Malaki na iyon. Baka naman magalit pa iyon kung iistorbohin ko ang kanilang loving-loving.

Sumaglit sandali ang inay ko sa aming kuwarto. Nagkuwenthuhan lang kami. Marahil ay gusto lang niyang samahan ako. Alam kong ramdam niyang nasktan ako kaya hindi muna niya ako iniwan.

Hanggang sa sumapit na lang ang lampas alas 11 ng gabi at wala pa ring Jerome ang bumalik. Wala ring text o tawag. Dahil don ay naisipan ng inay na doon na lang din matulog sa kuwarto. Sa kama ni Jerome siya nahiga. Bagamat sinabihan ko siya na umuwi na lang, nagpumilit siyang doon matulog. “Alas-kuwatro na lang ako gigising para may time pa akong makauwi at makaligo” ang sambit ng inay.

“Kayo po ang bahala.” Ang sagot ko.

Lampas alas 12 na ng hatinggabi nang kami ay makatulog. Nang mag-aalas kuwatro na ay tumunog na ang alarm para gumising ang inay. Dahil nagising ako, tiningnan ko ang aking cp. Laking gulat ko nang makita ang maraming misscall ni Jerome. May mga texts din. “Tol... nandito ako sa prisinto. Nakulong ako!”

Sobrang kaba ang aking naramdaman sa sandaling iyon. Sinabi ko kaagad sa aking inay ang texts na iyon ni Jerome.

“Tawagan mo” ang utos niya.

Ngunit hindi ko na siya ma-contact. Patay ang kanyang battery.

Dali-dali akong nagbihis samantalang ang aking inay ay naghilamos na lang at nagtatakbo na kaming bumaba ng boarding house patungo sa kanyang sakyanan.

“Ano ba raw ang nangyari?” ang tanong ng inay nang nasa loob na kami ng kotse.

“Hindi ko ng alam eh! Hindi ko na matawagan. Basta nandoon daw siya sa prinsinto! Mga alas 2 ng madaling araw iyong last text niya.”

“Hindi kaya niya sinaktan si Kristel? At nagsumbong sa pulis?” ang tanong ng inay.

“Ewan.”

“O baka na-rape niya?”

“Baka siya ang narape. Patay na patay iyong babae sa kanya eh.”

“Baka nasaksak niya?”

“Sana.”

Napalingon sa akin ang inay. “Pag nasaksak niya si Kristel, mabilanggo talaga siya noon! Kriminal na siya.”

Lumaki ang aking mga mata sa sinabing iyon ng inay. “Oh my God! Magiging convict na siya?”

“Oo at kapag nakalabas na siya sa kulungan, ang tawag mo sa kanya ay ‘Ang Roommate Kong Ex-convict’”

“No... Hindi mangyayari iyan, ma! Hindi iyon nananakit ng babae. Bakla lang at mga tarantadong estudyante ang mga sinasaktan noon.”

“So bakit siya nabilanggo?”

“Malay ko ba. Kung alam ko lang ay sinabi ko na sa iyo. Ang sarap magmura eh. Hindi na lang kasi niya pinaalis iyong babae kagabi. Sumama pa kasi siya! Pahamak iyong babaeng iyon. Porke’t anak-mayaman siya, hindi siya marunong rumespeto.” ang pagmamaktol ko pa. Sinagot-sagot ko talaga ang aking inay sa tindi ng pagkainis ko sa babaeng iyon.

“Paano iniiwasan na siya ni Jerome. Nasasaktan din iyong babae.”

“So kapag nasaktan sa lalaki ang babae, damay-damay na pati bakla dapat na ring masaktan?”

Biglang napalingon ang aking inay sa akin. “Grabe ka. Wala akong sinabing ganyan ha. Racist ka. Galit ka ba sa babae?”

“Galit ako sa mga spoiled na babae. Oo. Iyong mga mayayaman at mayayabang na babeng na akala nila ay kaya nilang angkinin lahat. Na akala nila, mas importante ang nararamdaman nila kaysa mga mababang uri ng tao. Nasasaktan siya tapos tayo naman ang bubuwesitin niya? Pakialam natin sa lalaki niya.”

Nakita ko ang pigil na pagngiti ng inay.

“Wag mo nga akong pagtawanan ma!”

“Okay, okay... cool ka lang. Naintindihan ko ang galit mo. Pero chill lang muna. Di pa natin alam ang tunay na nangyari kung bakit nakulong iyang Jerome mo.”

Nakarating kami sa presinto ng bayan at naroon nga si Jerome sa loob ng bilanguan nila. Agad na tinanong ng aking inay ang police na naka-duty na nagkataon namang kaklase pala niya, ang Chief of police ngunit nag-duty sa oras na iyon dahil may mission. Tinanong siya ng inay kung ano ang nangyari.

“Nagwala siya sa doon sa harap ng bahay ng mga Del Rosario. Pinagsusuntok ang mga guwardiya. Mabuti na lang at hindi sia pinaputukan.”

“Ha???” ang tanong ng inay. “Bakit ba siya napunta roon?”

“Hindi namin alam Steff, eh. May dala-dala siyang kumpol ng mga bulaklak at ibibigay daw niya. Eh, iyong maybahay ay natakot at ipinahuli siya. Kaya nag-respond kaagad ang mga tauhan ko.” Ang paliwanag ng chief.

“Kanino raw niya ibibigay ang mga bulaklak na dala-dala niya?” ang tanong ng inay.

“Ayaw magsalita eh. Pero baka may nililigawan sa bahay na iyon.”

“Ah... ganoon ba?” Ang sagot ng inay.

“Ano mo ba iyan?”

“Pamangkin.”

“Ah kaya pala. May hitsura. Kamukha ni July eh. ”

Natawa ang inay. Iyong tawang may pagmamayabang. “Alam mo naman ang kamandag ng lahi namin, Bert. Mabagsik”

Natawa na rin ang police.

“O, puwede bang mapalabas namin muna siya, Bert? Kapag may mag file ng kaso ay haharapin namin sila. Baka isang kaso ng misunderstanding lang ito.”

“O sige. Basta ikaw. Ibigay mo lang sa akin ang number mo para matawagan kita kung sakali. Tapos, mag fill up ka na rin sa log book.” Ang sagot ng chief.

Dali-dali naming tinungo ang kulungan. Dahil rehas lang ang nakapagitan sa amin, nakita kaagad namin si Jerome na nakaupo sa isang sulok, marumi ang damit, magulo ang buhok, tuliro, malungkot ang mukha na tila sinakluban ng sinlaki ng mundong kamalasan. Kitang-kita rin ang pasa sa kanyang pisngi. At sa tabi ng sahig na kanyang inuuuan ay nakalatag ang isang kumpol ng mga puting rosas na nagkalasog-lasog na.

“Anong nangyari?” ang tanong ng aking inay kay Jerome.

Tahimik na dinampot ni Jerome ang kumpol ng nagkalasog-lasog na mga puting rosas, tumayo at tinungo ang pinto ng kulungan habang kasalukuyang binubuksan ito ng pulis.  Nang nakalabas na kami ng building, tinanong ko uli siya. “Anong nangyari?”

“Ibigay ko sana ito sa kanya?” ang sagot ni Jerome na halos hindi marinig ang boses.

“Kay Kristel?”

Umiling siya.

“Kanino?”

Hindi umimik si Jerome. Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay muli ko siyang tinanong kung kanino niya ibibigay sana ang mga bulaklak. Ngunit dhail hindi pa rin siya umimik at hindi pinansin ang aking tanong, bagkus ay ibinaling ang kanyang blangkong paningin sa labas ng bintana ng sasakyan, kusa kong hinugot ang bulaklak na dala-dala niya. Nakita ko ang isang sobre card na nakakabit pa rito. Binuksan ko ang sobre at hinugot ang card sa loob nito. May nakasulat. Binasa ko.

“Para sa aking inay na sobrang kinasasabikan ko, Happy Mother’s day. Sana ay sa araw na ito, mahahanap mo sa iyong puso ang pagmamahal para sa isang pangany mong anak na iyong kinalimutan. Kahit itinakwil mo ako, nasasabik pa rin ako sa pagmamahal mo. Walang oras na hindi kita hinahanap, inaalala. Sana ay kahit may kumpletong pamilya na kayo, maalala mo pa rin ang panganay mong anak na naghahanap ng kalinga at pagmamahal ng isang inay na ni minsan ay hindi niya naranasan sa buong buhay niya. Umalis na pala ako sa poder ng daddy, ma. Nag-iisa na lang ako sa mundo. Mahirap ang nag-iisa, at mas lalo pang mahirap kapag ganyang nakikita kita, sampu ng iyong bagong pamilya, ngunit hindi mo ako kinikilala. Mahal na mahal kita, ma. Sana ay isang araw... matutunan mo rin akong mahalin, katulad ng pagmamahal mo sa aking mga kapatid. Umaasa ako, ma. –Jerome.”

(Itutuloy)

5 comments:

  1. Naku hindi ako makapakali!
    Update please!

    Natuwa ako, ang Roommate kong Ex-convict ...

    ReplyDelete
  2. kudos sau Author, Ang Ganda ng Story, Sakto sa celebration ng Mothers Day this Coming Sunday,

    ReplyDelete
  3. Yeheyyy ang ganda
    ....kaso bitin..,

    ReplyDelete
  4. Nice work author...happy motherscday to all esp. To my one and only nanay..i love you so much kahit pasaway ako parati...love you nay.. update na pleaseee... :-)

    ReplyDelete
  5. Hala grabeee!!!!nakakabitin!!!!!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails