Followers

Wednesday, May 23, 2018

Ang Roommate Kong Siga [13]


By Michael Juha


JJJ + J

Masaya ang gising ko sa umagang iyon. Magkatabi kami sa kama ni Jerome at nang iminulat ko ang aking mga mata, siya kaagad ang aking nakita. Tulog pa siya, nakatagilid na nakaharap sa akin, ang kanyang mukha ay halos idikit na lang niya sa aking mukha. Sa ilalim ng aking puting kumot ay nakapatong sa aking dibdib ang isa niyang braso at ang isa niyang paa naman ay nakapatong sa ibabaw ng aking hita. Kagaya ng nakagawian niya, naka boxers lang siya at dikit na dikit ang kanyang katawan sa aking tagiliran.

Sa likas na pagtigas ng aking ari sa umagang iyon, may kiliting bumalot sa aking katawan sa pagkakita sa kanya sa ganoong ayos. Mistulang may bumulong sa aking isip na sunggaban ng aking bibig ang kanyang mga labi o di kaya ay yakapin o lapastanganin ang kanyang pagkalalaki. Kung tutuusin ay kaya kong gawin iyon. Sa dami ba naman ng utang na loob niya sa akin at sa aming mag-ina. Siguradong hindi siya papalag. Subalit nanaig pa rin ang aking pagtitimpi. Ayokong masira ang respeto niya sa akin. Ayokong sabihin niyang sinamantala ko ang pagkakataon.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kanyang kamay na nakapatong sa aking dibdib. Pati na rin ang kanyang paa sa ibabaw ng aking hita. Nagising siya sa ginawa kong iyon. Iminulat niya ang kanyang mata at tiningnan ako. Ngumiti.

“Good morning.” Ang pagbati ko.

“Good morning...”  ang sagot din niya.

“Maliligo na ako.” ang sambit ko.

“Okay...”

Tumayo ako at tinumbok ang banyo. Kagaya ng nakagawian ay ako palagi ang nauunang maligo. Nang nakalabas na ako ng banyo ay nakita ko si Jerome na nakaupo na sa kanyang study table, nakatapis na ng tuwalya at hawak-hawak ang kanyang cp.

“Uy may text mate na ah!” ang biro ko.

“Ang mommy.” Ang sagot niya.

“Talaga?” Ang excited ko namang sagot. “Anong sabi?”

Iniabot niya sa akin ang kanyang cp at ipinabasa sa akin ang sagutan ng texts nila.

“Good morning po, Mom. Kumusta po ang araw ninyo. Ako heto, handa nang pumasok. Sana ay okay lang kayo.” Ang text niya.

“Mabuti naman ako anak. Okay lang ako, routine na trabaho, preparation sa school din ng mga kapatid mo. Anak may pakisuyo ako. Ako na ang magtext sa iyo or tatawag ha? Nandito ang asawa ko, napapansin niya ang message alert ng text mo. Baka mag-isip siya nang kung anu-ano. Pasensya na anak...” ang sagot ng inay niya.

“Okay po mom. Copy. No problem. Naintindihan ko po.” Ang sagot din niya.

Binitiawan ko ang isang matipid na ngiti. “At least nagtext na siya... May contact na kayo.” Ang sambit ko.

Tumango siya sabay tayo at tumbok sa banyo. Pinagmasdan ko pa ang umbok ng kanyang likuran habang tinumbok niya ang banyo. Nakakapukaw ng init ng katawan ang matambok na puwet niya.

Pagkatapos niyang maligo at makapagbishi ay tumungo kami sa mess hall, sabay na nag-agahan.

“Anong nangyari noong gabing sumama ka kay Kristel?” ang tanong ko habang nakaangkas sa backrider ng bisekleta niya patungo ng eskuwelahan.

“Sumali ako sandali sa kanilang grupo. Tapos, nagpaalam akong umihi. Alibi ko lang iyon upang makaeskapo. Hindi na ako bumalik. Lumabas ako sa KTV bar at naghanap ng mapagbilhan ng bulaklak atsaka tinungo ang bahay ng aking inay.” Ang paliwanag niya. “Tumawag ako sa iyo kaso hindi ka naman sumagot.”

“Oo nga. Naita ko ang mga misscalls mo kinabukasan. Pasensya na. Kumakanta kasi kami ng inay. At hindi naman ako nag-expect na tatawag ka. Akala ko ay nag-enjoy ka kina Kristel. Mukha naman kasing masaya ka na sinundo ka niya sa cubicle natin.” Ang sarkastiko kong sabi.

“Nageslos...” ang sagot lang niya.

“Di nga? Ang laki nga ng ngiti mo nang nakita mo si Kristel nang pumasok, di ba?”

“Magsalita ka pa at pahaharurutin ko itong bike. Iyong mas mabilis pa sa motorsiklo na nakilipagkarera.” Ang inis niyang sabi.

“O e di pahaharurutin mo.”

Ngunit nang akmang pahaharurutin na niya sana ang kanyang bike ay mabilis pa sa alas kuwatro na lumundag ako. Kaya nang pinaharurot na niya ang kanyang bike ay siya na lang mag-isa ang sakay. May ilang metrong layo na siya mula sa akin nang nilingon niya ako na tawa nang tawa sa kanya. Bumalik siya at nang nasa harap ko na, nakangiting tinampal niya ang ulo ko. “Akala ko ba ay gusto mong pahaharurutin ko ‘tong bike?”

“Akala mo lang iyon.” Ang sagot kong tawa pa rin nang tawa, hinaplos ang parte ng ulo kong tinampal niya.

“Sakay ka na! Tawa ka nang tawa d’yan, tangina!”

“Ayoko nga! Baka pahaharurutin mo pa iyan. Sakay na lang ako ng tricycle.” At tumalikod sa kanya at nag-abang ng masasakyan.

“Tsk! Magagalit ako sa iyo kapag hindi ka sumakay. Sige ka.” Sigaw niya.

Tiningnan ko ang mukha niya. Seryoso at matulis ang tingin sa akin. Muli ko siyang nilapitan.

Kunyari ay sumigaw siya iyong sinadyang ibulong lang salitang lumabas sa bibig, Iyong nang-iinis. “Bakla!”

Kaya muli akong tumalikod. “Ayoko ngang sumakay.”

Siya na ang pumadyak patungo sa akin. “Sige na. Di na kita tatawaging bakla... Beki na lang.” Ang sambit niyang halos puputok ang mga labi para sa isang tawa.

Doon ay mas lalo pa akong nainis. Ngunit sinuyo pa rin niya ako. “Sige na please...”

“Pabatok muna. Tsaka, magpromise ka na hindi mo paharurutin iyan.”

Nagpabatok naman siya. Nilakasan ko pa gamit ang aking kamay. Matapos ko siyang batukan nagpromise siya na hindi niya paharurutin ang bike niya. Kaya sumakay na ako. At tinupad naman niya ang kanyang pangako. Hindi niya pinaharurot ang kanyang bike.

“Anong binigay ng mommy mo sa iyo?” ang muli kong pagtanong sa kanya habang nakasakay na uli ako sa bike niya.

“Pera at numero niya. Iyon lang.”

***

Kinabukasan habang kumain kami sa mess hall, nag ring ang cp niya. Ang mommy niya ang tumawag.

“Yes Mom!” “Opo!” “Ok po! Sasabihin ko po!” ang narinig kong sabi niya.

Nang pinutol na niya ang linya, doon ko nalaman na aalis daw ang asawa ng mommy niya patungong Germany. May Board meeting at pagkatapos ay may i-meet na mga officials sa bagong open na branch ng kumpanya nila sa Poland at pagkatapos ay sa France naman. Isang buwan daw na nasa Europe ang kanyang asawa.

“Gusto niya na doon tayo magdinner sa kanila. Kasama si Steff.” Ang sambit ni Jerome.

“Di ba nakakahiya?”

Hinawakan niya ang aking kamay. “Mahiya ka lang kung hindi ako kasama. Atsaka nariyan si Steff. Atsaka ako.”

“Okay.” Ang sagot ko.

“Kinabahan din ako. First time kong makapunta sa bahay niya. Sigurado akong naroon din ang mga kapatid ko. Kapag naiisip ko lang ang eksenang makikit ako sila, nai-excite na ako. Kaso lang hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila. Kaya dapat ay naroon ka, moral support mo na rin sa akin.”

Tinawagan ko agad ang aking inay na na-excite din para kay Jerome.

Nakakahawa ang excitement na nadarama ni Jerome. Pati ang kanyang suot ay tinanong pa sa akin kung ayos lang ba.

“Mag long sleeves ka kaya, Jerome. Iyong puti mong long sleeved polo tapos hatakin mo ang sleeves pataas sa siko mo. O kahit mag sweat shirt ka, iyong puti na may stripes na asul sa dibdib, ang guwapo mong tingnan noon. Tapos, ang kapares ay iyong faded na maong at rubber shoes na puti.”

Sinunod niya ang payo ko. Nag-long sleeves siya. Ang guwapo niyang tingnan. Inayos ko ang buhok niya. At para termo kami, nag long sleeves na rin ako, faded maong na pantalon at puting sapatos bagamat ang kulay ng aking long sleeved polo ay light pink. Siya rin ang nag-ayos ng buhok ko.

Ala 7:00 ng gabi ay handa na kami. Dumating ang inay. “Ang gu-guwapo!” ang sambit niya.

“Hello!” ang pagbati ng inay ni Jerome sa amin nang nasa bungad na kami ng main door ng bahay nila. Naka-casual na damit lang siya, puting jeans at t-shirt. Napansin ko kaagad na namana ni Jerome ang kanyang kakisigan sa side ng kanyang mommy. Maganda ang mommy niya, matangkad din, kahawig na kahawig ang profile ng mukha ni Jerome sa kanya. Kuhang-kuha ang mga mata, ang ilong, ang bibig, At baling niya sa inay ko, “Oh you are Steff! You look so gorgeous, Steff!” ang sambit niya.

Tumawa naman ang aking inay at sumagot. “I know...” iyong pagkasagot na pagpapatawa.

Natawa na rin ang inay ni Jerome. “Palabiro ka pala Steff!” ang sambit ng inay ni Jerome sabay pakikipag beso-beso.

“Palabiro, yes. But the gorgeous thing? That is true. And you too, Mary Grace... magka-level ang ating ganda.”

Lalo pang tumawa ang mommy ni Jerome. “Grace na lang,...” ang sambit niya.

“You are so beautiful. And I know you know that too.”

“We share the same thing, Steff!”

Tawanan uli.

“So you are July...? Steff’s only son and Jerome’s, best friend?” ang tanong niya nang ako naman ang kanyang hinarap.

Nilingon ko si Jerome na tumango. “O-opo...” ang sagot ko na lang.

“Jerome tells so many things about you. And I thank yo so much for being there for him.” At baling niya kay Steff, “and of course, pati na sa iyo, Steff...”

“It’s okay Grace. Ano ka ba... kahit kanino as long as may maitutulong ako, it is always a happy thing to be of help.”

Nang si Jerome na ang nasa harap niya. Tinitigan niya ang anak atsaka niyakap. “Oh my Godddd! This is the first time na nayakap kita anak, hindi iyong nasa bintana tayong nagyakapan.” Ang sambit ng inay ni Jerome habang kami naman ay tumatawa. Pati si Jerome ay napangiti rin.

Namangha kami ng inay sa ganda ng loob ng bahay ng inay ni Jerome. Malawak ang kanilang sala at imported at mamahaling gamit ang nasa loob nito. Pati ang malalaking puting tiles sa sahig at sa dingding ay hindi iyong common na nakikita sa mga bahay, ang nag-iisang chandelier sa gitna ay kakaiba ang ganda, at ang dalawang sofa at mga gamit sa loob nito ay parang sa isang palasyo. At ang malaking piano na kulay itim na gawa sa antigong kahoy.

Naupo kaming tatlo ng inay at Jerome sa sofa samantalang ang inay naman ni Jerome sa harapang upuang malaki na parang trono ng reyna. Maya-maya ay ikinuwento ng inay ni Jerome na ang asawa nga niya ay isang buwan na nasa Europe kaya gusto niyang makabisita kami sa bahay nila.

“Jason! Jonas! Come here!” ang pagtawag ng inay ni Jerome sa kanyang mga anak.

Nagsilapitan ang dalawang bagets na kapatid ni Jerome. Sobrang behave nila. Halatang maganda ang pagpapalaki sa kanila. Si Jason iyong sinabing 16 yo na kapatid, si Jonas naman ang 14 yrs old. Parehong guwapong bata.Si Jason ay kahawig na kahawig talaga ni Jerome. In fact, parang siya ang teenager version ng kuya niya. Si Jonas naman ay kahawig lang sa mata at ilong. Pero guwapo pa rin. Siguro, ganyan talaga ang nagagawa kapag anak ng isang mayaman. Gumaguwapo dahil sa naka-air-con palagi, masarap ang pagkain, may doktor na tumutingin sa kalusugan.

Ipinakilala ng inay ni Jerome ang dalawagn teenager sa amin. “This is your Tita Steff... she is my friend” ang pagpapakilala niya kay inay, “This is your Kuya July, the son of your Tita Steff...” ang pagpapakila naman sa akin, “At heto... turo niya kay Jerome na parang gusto na talagang isiwalat na tunay nilang kuya iyong tao, “Er... he is your... Kuya Jerome, the nephew of your Tita Steff.”

Lumapit sila at pumila na kinamayan kami. Nang kay Jerome na, talagang tumayo si Jerome at niyakap niya nang mahigpit ang dalawa niyang kapatid. Para akong mangiyak-ngiyak na kahit hindi nila alam na tunay talaga nilang kuya si Jerome ay nayakap sila ni Jerome. Ang sarap sa pakiramdam na makita sila sa ganoong ayos.

Sa hapag-kainan, ang puwesto namin ay nakaupo sa dulo ang ina ni Jerome. Sa hilera sa may kaliwa naman niya ay si Jerome ang pinakamalapit, tapos ako, at ang aking inay. Sa hilera naman sa may kanan niya ay si Jason ang pinakamalapit sa kanya, katapat ni Jerome, tapos si Jonas na katapt ko.

Napansin kong ang palihim na tingin ni Jason kay Jerome. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon. Naalala ba niyang isang beses na nag CR siya sa isang restaurant ay nilapitan siya ni Jerome at nagpakilala na siya ang kuya niya. O ba kaya ay napansin niya ang mahigpit na pagyakap ni Jerome sa kanila, o napansin niya na malaki ang pagkakahawig nila. Sa mukha, sa paglalakad, sa pananalita, sa kilos at galaw.

Dahil may tagubilin ang ina ni Jerome sa kanya na huwag magpahalata magkapatid silang tatlo, Tita na lang ang tawag ni Jerome sa mommy niya.

Sa simula ng kainan ay tahimik ang lahat. Iyong tipong may tensyon sa bawat isa. Ang dalawang kapatid ni Jerome ay nahihiya, ang mommy ni Jerome ay tila kinabahan na baka mapansin ng mga kapatid ni Jerome na may kakaiba, o baka magtanong kung ano ang mayroon. At ako naman, syempre, lalong hindi puwedeng magsalita kapag nasa ganyang hindi ko pa kilala ang mga taong kasama. At si Jerome? Marahil ay sahil sa sobrang excitement ay hindi rin alam kung paano magbukas ng topic.

Ngunit mabuti na lang at naroon ang aking petmalu na inay. Siya ang nagbukas ng topic. “Ay bakit ba ang tahi-tahimik natin? Maganda at ang gaguwapo naman ng mga bisita ninyo bakit parang nagluluksa ang mga mukha ninyo?” ang biglang pagsasalita ng inay na tiningnan sina Jason at Jonas. Tingnan ninyo...” inilagay niya ang kanyang kamay sa ilalim ng aking baba ”Di ba guwapo?” Tapos inilagay naman iya ang kanyang kamay sa ibaba ng baba ni Jerome, inabot talaga niya kahit na pinapagitnaan ako nilang dalawa, “Di ba guwapo rin?” at ang pagkatapos ay sa ibaba ng baba naman niya inilagay ang kamay niya, “Lalo na ito... maganda, di ba?”

Tumawa naman ang mommy nila at nang tiningnan ko sina Jason at Jonas, abot-tainga ang ngiting nakatingin sa aking inay. Doon na nagsimula ang pagbukas ng kuwentuhan. Tinanong ng aking inay ang dalawang teenager kung kanino kamukha si Jason ang sagot niya ay sa mommy nila. Kung kanino kamukha si Jonas, ang sagot nila ay sa daddy nila. Kung kanino ako kamukha, ang sagot ng dalawa ay sa inay ko. At kung kaninong kamukha ang mommy nila, ang sagot nila ay kay Jason.

Ngunit nang tinanong ng inay kung kanino kamukha si Jerome, natigilan silang dalawa. Nagkatinginan. Tapos itinuro ni Jonas si Jason. “Sa kanya...”

Aliw na aliw naman kami sa sagot ni Jonas. Alam ko, tuwang-tuwa ang mommy ni Jerome at si Jerome mismo sa inosenteng sagot ni Jonas. Lihim kong siniko si Jerome na mistulang kinilig sa sagot ng kapatid niya.

“Sa tingin mo ba, Jason, talagang magkamukha kayo ni Kuya Jerome mo?” ang tanong uli ng aking inay.

Binitiwan ni Jason ang isang nahihiyang ngiti. “Parang...” ang sagot niya.

“Eh sino naman ang mag guwapo sa inyo?” ang tanong uli ng inay.

“Siya.” Ang pagturo niya kay Jerome.

Tawanan.

Iyon na ang simula ng kuwentuhan. Like si Jerome tinanong ang eskuwelahan nina Jason at Jonas, kung anong level na sila. Doon na rin nagsimulang maglink ang mga topics. Kagaya ng inay na sumagot na noong ako raw ay nasa ganoong edad ni Jason, halos gusto ko raw na papasukin din ang inay sa klase para bantayan siya habang nagtuturo ang guro ko, na siya ko namang itinanggi. Saka tawanan...

Maya-maya lang ay tinangka ni Jerome na lagyan ng ulam ang plato ni Jason. Nang iniabot na niya ang serving spoon na may ulam, doon na lumabot ang puso ko nang tinanggap ito ni Jason at inilapit pa ang plato niya kay Jerome. “Thank you, Kuya.” Ganoon din ang ginawa ni Jerome kay Jonas na kagaya ni Jason ay tinanggap din ang binigay na ulam ni Jerome sabay sambit din ng “Thank you, Kuya.”

Nang tiningnan ko ang mukha ng inay ni Jerome ay tila maluluha ito. Itinakip niya ang kanyang palad sa kanyang bibig na tila maiiyak. At maya-maya lang ay siya naman ang naglagay ng ulam sa plato ni Jerome. Napangiti naman si Jerome. “Thank you, Mom.” Ang sambit niya.

Ngunit dahil napansin ko ang ang pagtawag niya ng “Mom” patagong sinagi ng paa ko ang binti niya upang ma-paalalahanan siya at ma-correct ang kanyang sinabi. Nang napansin niya iyon ay bigla rin siyang natauhan. “...Ma’am Grace.” Ang pagtama niya sa kanyagn sinabi.

Pinigilan ko na lang ang aking tawa. Pati siya ay napangiti rin.

At marahil ay nahalata rin iyon ng kanyang ina, pati ang plato ko ay nilagyan na rin niya na ulam, upang hindi magtaka ang kanyang dalawang anak. At “Thank you Ma’am Grace” na rin ang aking isinagot upang kunyari ay iyon talaga ang tawag namin sa kanya,

Sa unang tagpo ng mag-ina at mga kapatid niya ay lubos na nasiyahan si Jerome at siyempre, ang kanyang inay. Bagamat mistulang may harang pa ang pakikipag-close ni Jerome sa kanyang mga kapatid, malaking dulot na kasiyahan pa rin iyon para sa kanya, at para sa amin na siyang saksi sa pinagdaanan ni Jerome at ng kanyang inay.

Nang nagkaroon ng pagkakataong lumabas ng sala sina Jason at Jonas, doon na rin ipinaabot ng mommy ni Jerome ang kanyang pasasalamat sa amin sa aming pagtulong sa kanyang anak. 

Sa tagpo ring iyon ay inalok ng kanyang inay si Jerome ng pera para pang down payment ng kotse. Siya na raw ang bahala sa monthly na babayaran. “Huwag na, Mom. Pero kung okay lang sa inyo, motorsiklo na lang ang bibilhin ko.” Ang sambit ni Jerome na nakangiting tumingin pa sa akin. Alam ko kung ano ang nasa isip niy. Ang ninakaw niyang motorsiklo ko.

Binigyan si Jerome ng pera para sa kanyang hiniling na motorsiklo. Kaya sa pagpasok namin patungo at pag-uwi galing sa school at medyo nag-upgrade na kami ng masasakyan. Dahil nga ninakaw at ibinenta ni Jerome ang aking motorsiklo, sa akin nanakapangalan ang bago niyang motorsiklo na kahawig na kahawig din noong bigay sa akin ng aking inay na ninakaw niya.

***

Tuloy-tuloy na ang pagkikita nina Jerome at ng kanyang inay, bagamat patago lang. Kinabukasan ay ang mommy naman ni Jerome ang bumisita sa aming boarding house. Tiningnan niya ito at pumasok rin talaga siya sa aming kuwarto. Tuwang-tuwa naman si Jerome. Tinanong niya si Jerome sa kanyang mga bayarin sa eskuwelahan at iba pa niyang mga bayarin.

Sa gabi naman ay niyaya niya si Jerome na mag-dinner sa labas. Dahil naroon ako ay niyaya rin niya ako. Syempre, hindi ko tinanggihan ang alok.

Sa isang mamahaling restaurant kami nagtungo. Actually, iyon din ang restaurant kung saan namin unang nakita ang buong pamily ng inay ni Jerome at kung saan ay nilapitan niya si Jason sa CR ng restaurant at nagpakilala.

“Mom, maraming salamat at kahit papaano tanggap mo na ako at ay may chance na tayong magkita.” Ang sambit ni Jerome.

“Ok lang anak. Ako rin patawarin mo na pinabayaan kita noon...” Hindi na naituloy pa ng inay ni Jerome ang sasabihin gawa nang napaluha na ito.

Tumayo si Jerome nang nakitang nagpahid ng luha ang kanyang inay. Nilapitan niya siya at niyakap. Nagyakap ang mag-ina. “Mom, tapos na iyon. There is nothing to regret. I’m so happy now.”

“Naawa lang ako sa iyo anak... imagine, wala ako sa tabi mo at hindi rin pala kayo nagkasundo ng iyong daddy.” ang sagot ng mommy niya.

“Wala na nga iyon, Mom. Tapos na iyon... Tanggap ko na.”

Nasa ganoong eksena silang dalawa nang mula sa isang sulok ay nakita kong may nakatingin sa kanila at mistulang natulala habang tinitigan silang ganoon.

Ang kapatid ni Jerome na si Jason, na matagal na palang nagmasid sa kanila.

Agad kong kinalabit si Jerome at itinuro si Jason. Nagulat silang mag-ina nang nakita nila si Jason na nakatayo roon, tila nagbabaga ang mga mata na tiningnan sila.

Dali-daling tumalikod si Jason at nagtatakbo palabas ng restaurant. Hinabol naman siya nina Jerome at mommy niya.

Sumunod na rin ako. Dahil mabilis tumakbo si Jason, si Jerome lang ang nagpatuloy sa paghahabol sa kanya. Nakita pa namin na naabutan siya ni Jerome. Niyakap niya ang bata upang hindi na makatakbo. Natumba sila sa damuhan.

“Leave me alone! Leave me alone!!!” ang sigaw ni Jason.

“Makinig ka, ‘Tol! Makinig ka sa mommy mo, Tol.”  Ang pagsusumamo ni Jerome habang yakap-yakap niya si Jason na nagpupumiglas naman sa kanyang pagkakayakap, halos magpagulong-gulong sa damuhan.

Nang nakalapit na kami, hinawakan ng mommy ni Jerome si Jason. “Anak, makinig ka sa akin.”

“I hate you, Mom!”

“Sa loob tayo ng restaurant... Nakakaagaw-pansin tayo.” ang sambit ni Jerome.

“I hate you, Mom! I hate you!”

“It’s okay, Jason. It’s okay. Just let me explain please...?”

Hawak-hawak sa balikat, pinatayo ni jerome si Jason.

Tumalima si Jason. Tumayo siya na umiiyak pa rin habang patuloy na hinahawakan siya sa balikat ni Jerome.

“Patawarin mo ako, Jason... may itinatago ako sa inyo ng kapatid mo. Nang dalaga pa ako, nagkamali ako at nagkaanak. Siya ang kuya Jerome mo. Iniwan ko siya sa kanyang daddy noong sanggol pa lamang siya. Pinilit ko ang sariling kalimutan siya, ngunit ngayong heto, naghahanap sa akin, hindi ko mapigilan ang aking sariling tanggapin siya. Anak ko siya, Jason... at kapatid mo. Hindi ka ba naaawa sa kuya Jerome mo na walan gina na nag-aruga sa kanya simula nang sanggol pa lamang siya. Kung ikaw ang nasa katuyuan niya, anak, ganoon din ang gagawin mo, maghahanp ng inay. Bahagi siya ng buhay natin, anak. Pareho kayo ng pinanggalingan. Magkadugtong ang buhay ninyo. Kaya tanggapin natin siya.”

Nanatiling nakayuko si Jason at umiiyak.

“H-hindi ko sinabi ito sa iyong daddy at sa inyo dahil ayaw kong masira ang pamilya natin. Ayaw kong magalit ang inyong daddy sa akin at...” Doon na humagulgol ang kanyang inay, “Tuluyan tayong magkawatak-watak.” Pinahid niya ang kanyang mga luha. “Ngunit kung hindi mo ako mapapatawad, sasabihin mo ang lahat nang ito sa iyong daddy at itakwil niya ako, tatanggapin ko iyan anak. Aalis ako sa pamamahay ng daddy mo. Ngunit masakit para sa akin iyon, anak. Baka pagbawalan niya akong makita kayo. Maaari niya ring ipawalang-bisa ang aming kasal dahil nagsisinungaling ako sa kanya. Nagsisinungaling ako sa inyong magkakapatid. Nagkasala ako, anak... nagkamali ako sa buhay.”

Hindi kami nakaimik ni Jerome. Nangingilid ang aking mga luha na nakayuko na lang at hindi makapagsalita, hindi makatingin sa inay ni Jerome at kay Jason. Naawa ako sa kanila, lalo na sa inay ni Jerome. Natakot ako na baka itakwil siya ng kanyang anak at tuluyang masira ang kanilang pamilya.

“Sana anak ay mapatawad mo ako. Sana ay pagkatapos nito, buo pa rin ang ating pamilya. Sana ay matanggap mong nagkamali ako at may anak ako sa labas na nagin kuya mo...” nahinto siya. “Naalala ko may ilang beses na umuwi ka galing ng school at malungkot ka, sa hindi ko maintindihan ang dahilan at ang sabi mo lang sa akin ay sana may kuya ka na susundo at maghahatid sa iyo sa school...”

Hindi pa rin umimik si Jason.

Inakbayan ng kanyang inay si Jason. “Can you not forgive me, anak?”

Doon na bumigay si Jason. Humagulgol siya na niyakap ang kanyang inay. “I love you mom...” ang sambit niya.

“I love you too, anak.” Ang sagot ng kanyang inay na hinayaang uymakap sa kanya si Jason at humagulgol. “Ayaw kong malayo sa iyo, Mom!” ang sambit niya.

Maya-maya ay kumalas siya sa pagkayakap ang kanyang inay at hinawakan si Jason sa magkabilang balikat. “Tingnan mo ang Kuya Jerome mo, di ba sabi mo ay magkamukha kayo? Na-miss ka rin niya, anak.”

Doon na tumayo si Jerome. Lumapit siya sa kinauupuan ni Jason at inunat niya ang kanyang bisig. Tumayo si Jason at niyakap niya ang kanyang kuya. Mahigpit silang nagyakap. Hinaplos ni Jerome ang buhok ni Jason habang hinalikan niya ang pisngi ng bunso. “Matagal ko nang pinangarap na mayakap kita ng ganito, ‘Tol. Hayaan mo at babawi si Kuya sa iyo, Pipilitin ko na kahit masundo kita sa school at ihahatid sa bahay ninyo, hahanapan ko ng paraan iyan.” ang sambit ni Jerome.

Iyon ang isa sa pinakamasayang tanawing nasaksihan ko na na nangyari sa buhay ni Jerome. Pagkatapos ng pagtanggap ng inay ni Jerome sa kanya, sumunod naman ang pagtanggap ng kanyang kapatid sa kanya. Maluha-luha akong pinagmasdan ang magkuya.

Iyon na ang simula kung saan ay may komunikasyo na rin sina Jason at Jerome. Kinabukasan, nalaman din namin na tanggap rin daw ni Jonas ang tungkol sa kuya nilang si Jerome at excited na rin daw itong makita ang kuya.

Kaya kinabukasan, ayon sa pangako ni niJerome kay Jason, siya na ang sumundo sa kapatid niya. At ewan, isinama pa talaga niya ako. Kasi raw baka may sundong sasakyan sila, sasakay na lang silang magkakapatid sa kotse tapos ako na ang magdadala ng motor, susundan sila.

Nang nasa eskuwelahan na kami ng mga kapatid niya, habang nakatayo kami sa may parking area nakita namin ang dalawa niyang kapatid na naglakad patungo sa kinaroroonan namin. Ngunit may sumusunod sa kanilang limang lalaking estudyante na kitang kitang hinaharass ang dalwa. Tinatampal-tampal ang puwet, ang ulo, hinihila-hila ang damit, pinagtatawanan, at ang isa ay tinadyakan pa ang likuran ni Jason at Jonas. Hindi naman pumalag sina Jason at Jonas. Kahit halata ang kanilang pagkairita, hinayaan lang nila ang ginawa sa kanila ng mga nambully.

“I-video mo nga, Tol.” Ang utos ni Jerome sa akin habang iniabot niya sa akin ang kanyang cp.

Tinanggap ko ang kanyang cp at kinunan ko ng video ang mga estudyante na patuloy na hinarass sina Jason at Jonas. Maya-maya lang ay hindi na nakatiis si Jerome at nilapitan niya ang mga bata. Nagpatuloy pa rin ako sa pagbi-video.

“Kapag hindi ninyo tantanan iyang ginagawa ninyo sa dalawang iyan, makatikim kayo sa akin.” Ang banta ni Jerome sa mga bata.

Ngunit pinagtatawanan lang siya nila. Malalaki kasi ang mga estudyanteng iyon, matataba at halos kasing tangkad din ni Jerome. E, si Jerome, hindi naman mataba bagamat hasang-hasa ang katawan sa suntukan.

Hinarangan niya ang mga estudyante upang hindi makalapit kina Jason at Jonas. Doon na siya pinag-initan ng mga bully na estudyante. Tinadyakan siya ng isa ngunit nahagip niya ang paa sabay tulak ni Jerome sa kanya. Natumba ang estudyante.

Akmang suntukin naman siya sa mukha ng isa sa mga bully ngunit nahagip din niya ang kamao ng estudyante. Hinawakan ito ni Jerome nang mariin at pinuwersang baluktutin ang braso. Humiyaw ang estudyante sa matinding sakit. Doon na siya sinampal ni Jerome atsaka tinadyakan.

Tatadyakan din sana si Jerome ng isa pa. Ngunit muling nasangga ito ni Jerome ng kanyang paa. Pagkatapos ay simbilis din ng kidlat na sinipa ni Jerome ang mukha ng estudyante.

Ang huling estudyante ay may hawak na kahoy at akmang papaluin siya. Ngunit nahawakan ni Jerome ang pamalo niya at habang hinawakan niya ang dulo, tinadyakan niya ang estudyante. Bagsak ito sa semento. Habang nakahandusay sa semento ang nasabing estudyante, nakatayo naman si Jerome sa kanyang kanyang tagiliran hawak-hawak ang pamalo. Tinkot niya ang estudyante sa pamamagitan ng pagmuwestrang ipapalo niya ang kahoy sa ulo niya. “Lalaban ka?”

Doon na nagsitakbuhan ang mga estuyante. Sinigawan sila ni Jerome. “Kapag uulitin ninyo ang pambubully sa mga kapatid ko, dila niyo lang ang walang latay! Magtago na kayo sa mga palda ng inyong nanay!”

“Salamat Kuya!” ang sambit ni Jason nang nasa malayo na ang mga bata.

“Habang nandito ako. Walang kung sino man ang mambully sa inyo. Tangina nila. Kahit mga anak-mayaman pa sila, bubugbugin ko sila.” Ang sagot ni Jerome.

Niyakap naman siya ni Jonas, ang bunso na iyon pa ang kauna-unahang pagkakataon na nayakap niya ang kuya Jerome niya. Hinaplos-haplos naman ni Jerome ang buhok ni Jonas atsaka kinurot ang pisngi. Pogi ng bunso ko ah!”

Ngumiti lang si Jonas.

“O... saan na ang sundo ninyo?” ang tanong ni Jerome.

“Wala po Kuya. Kasi susunduin mo raw kami sabi ni Mommy.” Ang sagot ni Jason

Natawa naman si Jerome. “O sige, mag tricycle na lang tayo.” Ang sabi niya.

“Ako na ang magtricylce at kayo na ang mag-motor. Mas okay kung ikaw ang magdala sa kanila” Ang pagsingit ko. Naiimagine ko kasi ang sarili na kung may kuya lang sana ako, ang sarap sigurong sumakay sa motor kapag siya ng nag-drive at yakap-yakap ko siya.

Iyon nga ang nangyari. Nang nakasakay na silang tatlo, nakakainggit silang tingnan. Si Jerome ang nagdrive, si Jonas ang nasa gitna at si Jason naman ang nasa huli. Ang gandang tingnan nilang mag-kuya...

Habang sinundan sila ng tricycle na sinakyan ko, nagulat naman ako nang imbes ang daan patungo sa bahay nina Jason ang babaybayin namin, ibang daan ang binaybay ng motorsiklo ni Jerome. Patungo ito sa Central plaza.

“Magpaturo raw si Jason ng pagdrive ng motorsiklo.” Ang sambit ni Jerome. “Isang oras lang naman. Tinawagan ko na ang mommy na nandito tayo sa Central Plaza upang mag-practice si Jason. Okay naman daw ngunit hihintayin niya tayo sa bahay para sa dinner.”

Kaya iyon ang nangyari. Pati si Jonas ay sumubok ding magpractice sa pagdrive ng motor. Doon ay mas lalo pa akong nainggit sa kanila. Narealize ko na ang sarap pala talaga ng pakiramdam kapag mayroong kuya. Tinuturuan ka ng mga bagay-bagay, binabatayan ka, ipagtanggol, aalagaan.

“Sa weekends naman ay gusto kong turuan sila ng self-defense.”  Ang sambit ni Jerome. “Ayokong basta-basta na lang sila ibu-bully.”

“Alam mo na ngayon kung ano ang nararamdaman ng mga binubully.” Ang biro ko.

Tumawa lang siya.

Pagkatapos namin sa Central plaza ay sumama uli ako sa bahay nina Jason at doon na naghapunan. Ang saya lang namin sa mga sandaling iyon. Ramdam ko ang pagiging malapit na ng magkuya sa isa’t-isa.

Kinabukasan ay hindi na ako sumama kay Jerome sa pagsundo sa mga kapatid niya. Kaya dumeretso na siya sa eskuwelahan ng kanyang mga kapatid. Sinundan ko ng tingin si Jerome habang papalayo ang dinadalang motor at unti-unti itong naglaho sa aking paningin. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. May tuwa akong naramdaman habang pinagmasdan siya. Hindi ako makapaniwala sa laki ng kanyang ipinagbago. Kung noon ay wala siyang ibang inisip kundi ang maghanap ng bubugbugin, makipag-inuman sa kanyng mga barkadang bully, magsayang ng oras sa mga walang kuwntang bagay, ngunit sa puntong iyon, ginamit na niya ang kanyang oras para sa pag-attend ng klase, at hayun, sa mga kapatid naman niya. Bagamat may kaunting lungkot akong nadarama na baka mabawasan na ang oras na magkasama kami, ngunit masaya na rin ako na nakitang nagsimula na siyang maging responsable sa kanyang buhay.

Tutuloy na sana ako patungo ng gate upang doon ako mag-abang ng masasakyan nang may biglang umakbay sa akin. “Punta muna tayo sa likod ng building, pare. May mahalagang bagay na pag-uusapan lang tayo.” Ang sabi ng umakbay sa akin.

Nang nilingon ko kung sino, si Archie pala at ang nasa sa likuran niya ay ang dalawang kasama nila sa grupo. Maaaring nakita niya si Jerome na kaaalis lang.

“B-bakit? Ano ba ang pag-uusapan natin? Hindi ba puwedeng dito na lang?” ang sagot ko.

“Hindi.” Ang sagot niya sabay puwersang paghila sa akin patungo sa likod ng building.

Nakarating kami sa lumang generator house, iyong palagi nilang dinadalhan ng mga estudyanteng bubugbugin nila. Nang naroon na kami, pintayo niya ako sa may dingding na semento.

“Sabihin mo nga sa amin kung bakit hindi na sumasama si Jerome sa amin at palaging ikaw na lang ang kanyang kasama? Anong ginawa mo sa kanya?” ang pasigaw na tanong ni Archie.

“Wala naman akong ginawa sa kanya. Siguro narealize lang niya na hindi maganda ang pambu-bully.”

Sa sinabi kong iyon ay bigla na lang lumapat sa aking pisngi ang malakas na sampal. “Tangina mo! Iyong taong kinaiinisan mo, hindi mo bubugbugin?”

“Puwede namang pakiusapan, di ba? Bakit bubugbugin pa?” ang sagot ko uli.

Doon na niya ako sinuntok sa tiyan. Napasigaw ako sa sakit, hawak-hawak ang aking tiyan. Pinigilan ko na lang ang aking sarili.  Hindi na ako kumibo.

“Alam mo, duda ako sa inyo ni Jerome eh.” Ani Archie. “Simula nang napansin ko ang kissmark na ginawa niya sa iyong leeg, mukhang nag-iba na siya eh. At kayo, ang sweet-sweet ninyo palagi. Sabay dumating sa school. Sabay aalis, naghaharutan sa bisekleta. Nakakainggit! Kaya siguro nagbago na siya nang nakatikim na nag bakla. Nasarapan na siguro sa iyo, ano? Masarap ka bang tsumupa? Makipot siguro iyang tumbong mo, ano? Tangina!”

Humalakhak ang grupo.

“Wala kaming relasyon ni Jerome! Close lang talaga kami. At close din siya sa aking ina.”

“Aba... at tanggap ng ina! Pati ang ina mo ay kunsintidora! Pero interesado ako sa paggawa ni Jerome ng kissmark eh!”

“Hindi kissmark iyong nasa leeg ko! Kagat iyon!”

Muling humalakhak ang grupo. “Aba! Napakasadista talaga ang Jerome na iyon! Nangangagat pala kapag sobrang nasarapan pare!”

Ngunit doon na ako kinabahan sa saunod niyang sinabi. “Maari ba kitang tikman? Malay mo, magbago na rin ako at marealize na hindi pala maganda ang pambubully, ano?” ang sambit ni Archie.

Hindi ako nakakibo sa sinabi niyang iyon. Natakot ako at kinabahan. Ngunit sa sisip ko ay kapag nagtangka sila ng masama sa akin, haharurot ako ng takbo.

Nang niyakap ako ni Archie ay akmang tatakbo na ako. Ngunit pinagtulungan nila akong hawakan. Tinangkang ilapat ni Archie ang kanyang bibig sa aking bibig. Ngunit inilayo ko ang aking mukha sa kanyang mukha. Kaya ang kanyang bibig ay dumampi sa aking pisngi.

Pinuwersang i-lock ng dalawa niyang kasama ang aking katawan sa dingding na semento upang hindi ako makakilos. Hinawakan naman ni Archie ang aking panga upang hindi ko ito maigalaw. Nang tinangka niya uling halikan ako, itinikom ko na lang nang maigi ang aking bibig.

Sinipsip ito ni Archie at pinilit na buksan ang aking bibig. Ngunit hindi ako bumigay. Doon ko na inilayong muli ang aking mukha sa kanyang mukha. Dahil dito, sa leeg ko dumampi ang kanyang bibig.

At dahil sa tindi ng kanyang pagkabigo na halikan ako, bigla niyang kinagat ang aking leeg.

Doon na ako napaigting sa sakit. “ARGHHHHHHHH!!!”

(Itutuloy)

12 comments:

  1. Ba yan... bitin!!
    Huhuhuhu!

    ReplyDelete
  2. Update please!
    #angroommatekongsiga
    #jjjplusj
    #trapofjuly

    ReplyDelete
  3. Hala!!! Kawawa si July. Wag naman sana. Di mapapatawad ni Jerome yun. Patay ka Archie!!! Author wag mong hayaan marape si July... Please.

    ReplyDelete
  4. update na author bitin! Shet bumalik mga nararamdaman ko parang nung una kong nabasa SUAACK saka paraffle.

    ReplyDelete
  5. pwede bang ako na lang ang kagatin ni Archie hahaha.

    OC

    ReplyDelete
  6. Author eto na ba start ng love triangle. Hehhee

    ReplyDelete
  7. Naku, july ka marape ka. Dapat si jerome lang ang pag alayan mo ng iyong hiyas. Ahaha 😁😁😁

    ReplyDelete
  8. Update po author... Sana bumalik si Jerome pera hanapin si july

    ReplyDelete
  9. I am curious to find out what blog platform you have been working with?
    I'm experiencing some minor security problems with my
    latest blog and I'd like to find something more secure.
    Do you have any solutions?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails