Followers

Monday, June 4, 2018

Ang Roommate Kong Siga [14]


By Michael Juha
getmybox@hotmail.com

***

Ang Matabang Tamilok... Bow!

Akmang kakagatin muli ni Archie ang aking leeg nang mula sa may pintuan ay may sumigaw. “Mga duwag! Ako ang hrapin ninyo!”

Biglang nahinto si Archie sa kanyang ginawa at nilingon niya ang pinanggalingan ng boses.

May tuwa naman akong nadarama sa aking narinig. “Si Jerome!” ang sigaw ng utak ko, Ngunit nang nilingon ko kung sino ang matapang na sumigaw na iyon, nakita ko si Marco, iyong unang estudyanteng nakilala ko sa campus at tinulungan ako sa enrolment. Nabugbog din siya ng grupo ni Archie. At sa pagkakataong iyon ay kinabahan ako sa tapang na ipinakita niya. Natakot ako na baka mabugbog uli siya.

Binitiwan ako ni Archie at ng mga kasama niya. Hinarap nila si Marco. “Anong sabi mo? Duwag? Hindi nga kami takot s aboyfriend nito...” turo niya sa akin, “Sa iyo pa?”

Nagtawanan ang dalawa pang kasamahan nila na humarap rin kay Marco. Si Marco naman ay lihim na minuwestrahan akong tumakbo. Ngunit hindi ko magawa. Ayokong iwanan siya. Gusto kong tulungan siya. Nanatili akong nakatayo at inikot ang aking mga mata sa paligid upang maghanap ng kahoy o ano mang pamalo na maaari kong gamitin kapag ginipit nila si Marco.

Dinuro ni Archie si Marko sa mukha. Doon na biglang sinunggaban ni Marko ang daliri ni Archie at puwershang binaluktot iyon.

Sa pagkabigla ni Archie ay hindi siya nakapalag. Napaluhod siya sa sakit ng puwershang pagbalukton ng daliri niya. Napahawak siya sa kanyang kamay na kasalukuyang binaluktot ni Archie, kitang-kita sa kanyang mukha ang ibayong sakit. “Tangina! Bat kayo nakatunganga riyan!” ang utos niya sa dalawang kasama na nabigla rin at hindi nakagalaw.

Doon na nila tangkang paulanan ng suntok si Marco.

Ngunit bago pa man naabot ng mga kamao nila si Marko. Tig-iisang sipa na ang lumapag sa kanilang mga mukha. Sinipa sila ni Marco a hindi man lang binitiwan ang pagkakahawak sa daliri ni Archie na sa pagkakataong iyon ay namilipit na sa sakit at pinawisan.

Ako naman ay nasa kinatatayuan ko pa rin at nabigla s ahindi inaasahang galing na ipinakita ni Marco. Parang nanuod lang ako pelikula ni Jacky Chan. At imbes na damputin ko pa sana ang nakita kong isang dos por dos na umusli sa ilalim ng mga baging, hindi ko na magawa dahil parang gusto ko na lang manuod at pumalakpak.

“Babaliin ko talaga ‘to kapag hindi mo paalisin ang mga kasama mo!” ang matapang na bulyaw ni Marco kay Archie.

“Alis! Alis kayo! Tangina wala kayong silbi! Alisssss!!!” ang utos ni Archie sa dalawang kasama.

Dali-daling tumalima ang dalawa. Mistulang mga aso na nakatago ang mga buntot sa ilalim ng kanilang bayag.

Hindi pa rin binitiwan ni Marco ang daliri ni Archie. Nakita ko pang sinubukan ni Archie na pakawalan ang isang suntok para kay Marco ngunit hindi pa man niya nainangat ang kanyang kamao ay mas lalo pang pinuwersa ni Marco ang kamay ni Archie, dahilan upang mapasigaw siya sa sakit. “TANGINA! ANG SAKIIIITTTTTTT!!!” Hanggang ang sunod niyang sigaw ay, “AYOKO NA! AYOKO NA!!!”

Binitiwan siya ni Marco. Dali-dali namang lumayo si Archie na hawak-hawak pa ang daliri na tila nabali. Ngunit nag-iwan siya ng titig na may pagbabanta sa akin at kay Marco.

“Ang galing!” ang papuri ko kay Marco. “Paano mo natutunan iyon?” ang sambit ko nang wala na si Archie.

“Nang binugbog ako nila dati, naipangako ko sa aking sarili na hindi na iyon mauulit pa. Nagpaalam ako sa papa ko na maghire ng instructor ng martial arts. At nagmarathon training ako sa isntructor ko. Kaya kahit papaano, may natutunan na ako. Ngayon ko narealize na maraming advantages kapag nagti-train ka ng martial arts. Hindi ka lang matuto sa self-defense, physically fit ka pa. At tataas ang self-confidence mo. Hindi ka na magiging magnet ng mga bully.”

“Ang galing!”

“Malaki ang utang na loob ko sa iyo sa pagligtas mo sa akin dati. Kaya ng nakita kong halos kaladkarin ka na ni Archie patungo rito, alam ko na...”

Pinasalamatan ko si Marco sa pagligtas niya sa akin. Nagkuwentuhan kami sandali at nang uwian na, pinasakay niya ako sa kanyang motorsiklo at ibinaba sa harap ng aming boarding house.

Alas 10 ng gabi nang dumating si Jerome sa boarding house. Nakahiga na ako sa kama at nakahanda nang matulog. Nang bumukas ang pinto, kitang-kita ko agad ang saya sa kanyang mukha. Imbes na dalawin ako ng antok, pinagmasdan ko na lang ang kilos niya.

“Good evening!” ang bungad niya. “Kumain ka na?”

Tumango lang ako.  

Hinubad niya ang kanyang suot na T-Shirt at inilagay iyon sa lagayan ng mga labahan. Ang pantalon naman ay isinabit niya sa gilid ng cabinet. Naka-brief lang siya nang tumihaya sa sahig, nag sit-ups. Hindi siya nagsasalita, naka-focus lang sa kanyang pag-exercise. Hindi ko mabilang kung gaano karami ang ginawa niyang sit-ups ngunit pagkatapos noon ay nag push up naman siya, at ang sunod na ginawa ay ang magbuhat sa kanyang dumbbells.

Hinubad niya ang kanyang brief at inilagay niya iyon sa labahan. Kagaya ng nakagawian, wala siyang pakialam sa kanyang pormang walang kasaplot-saplot sa katawan. Hindi niya alintana na bakla ako at pinagnasaan ko ang bagay na nakalawit sa gitna ng kanyang hita, ang matambok niyang puwet, ang kabuuan ng kanyang mala-adonis na katawan. Lihim na napabuntogn-hininga na lang ako, nangarap na isang araw ay matikman ko rin siya.

Dumiretso siya sa banyo atsaka naligo. Paglabas niya ay nakatapis na ng tuwalya, iyong signature na pagtapis niya na halos kita na ang kanyang bulbol.

“Marunong nang magmotor si Jason at pati si Jonas.” Ang sambit niya habang nakaharap sa salamin, nagsuklay ng buhok at inilapit pa ang kanyang mukha sa salamin.

Hindi ako sumagot.

“Tinanong ka nila Jason at Jonas kung nasaan ka. Hinanap ka rin ng mommy. Namiss ka na niya.”

“Agad-agad?”

“Ayaw mo ba?”

“Hmmm. Okay lang.”

Sumama ka raw sa akin bukas para doon na tayo mag-dinner.

“Uhmmm.” Ang sagot ko.

Tinumbok niya ang switch at pinatay ang ilaw. Ako naman ay tumagilid patalikod upang matulog. Ngunit maya-maya lang ay nagulat ako nang sa kama ko siya humiga.

“Hmmmm.” Ang daing ko. Siniko ko pa siya. “Doon ka sa kama mo, ah!”

“Dito na ako. Gusto ko lang na may kayakap.”

“May unan ka naman doon ah. Iyon ang yakapin mo!”

“Gusto ikaw ang kayakap ko.”

Hindi na ako tumutol. Gusto ko rin naman kasi. Nagpapa-hard-to-get lang. “Huwag kang malikot ah!”

Nasa ganoon kaming posisyon nang napadayo ang kamay niya sa aking leeg.

“Arekoppp!!!” ang nasambit ko. Nagalaw kasi niya ang sugat sanhi ng pagkagat ni Archie at naramdaman ko ang hapdi.

Siya naman ay nabigla rin sa hindi inaashang reaksyon ko. “Ano iyon?” ang tanong niya.

At dahil ayaw kong mapansin niya iyon, itinanggi ko. “Wala!”

Ngunit nagpumilit siya, iniangat pa niya ang kanyang ulo at inaninag ang leeg ko. “Ano nga iyon???” Giit niya.

“Wala nga!” ang sagot kong itinalukbong na ang kumot.

Ngunit hinablot niya ang kumot at tumaas na nag boses. “Ano nga iyon? Ba’t mo itinatago???”

“Ba’t ba ang kulit mo? Ako nga na may-ari ng leeg ko, hindi naman ako nag-alala rito dahil wala nga ito. Wala!” ang bulyaw ko rin.

Dali-dali siyang tumayo at tinumbok ang switch, pinailaw ang flourescent ng kuwarto.

“Arggghhh! Matutulog na ako. Putangina!!!” ang sigaw ko.

“Hindi ka matutulog kung hindi ko makita kung ano iyang nasa leeg mo na itinatago mo!”

Muli kong itinalukbong ang kumot ngunit hinablot uli niya iyon. Nagpambuno kami. At dahil mas malakas naman talaga si Jerome, natanggal niya ang kumot na itinalukbong ko. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan na nakalahad ang kagat sa leeg ko.

Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mukha nang makita niya ang kagat. “Bakla, sino ang gumawa niyan???”

Doon na ako nag-init. Muli na naman kasi niya akong tinawag na bakla. “Anong sino ang gumawa niyan? Nalaglag ako sa hagdanan kanina at natusok ang leeg ko sa nakausli na pako! Gago!” ang pagsisinungaling ko.

Ngunit hindi umobra ang pagsisinungaling ko. “SINO ANG GUMAWA NIYANG BAKLA KA???!!!” ang bulyaw niya.

“Bat ba kailangang may bakla? At kung ayaw mong maniwala sa sinabi ko, di huwag!” ang padabog kong sagot. Ayoko kasing lumaki pa ang issue at magbugbugan na naman sina Archie at siguradong madamay ako dahil ako ang pag-iinitan ni Archie. Baka hindi na ako makapasok pa ng eskuwelahan. Kaya kahit anong pilit ni Jerome na sabihin ko sa kanya kung sino ang gumawa noon, hindi ako nagsalita.

Ang ginawa niya ay sinuntok nang sinuntok ang kanyang cabinet. Gumawa ng eksena. Nagsisigaw. “Kapag nalaman ko kung sino ang putanginang kumagat sa leeg mo, makakapatay ako ng tao!!!”

Ngunit minamaliit ko na lang ang kanyang ginawang eksena. Bagkus, ininis ko pa siya. “Ang OA mo naman? Ba’t naman ganyan ka kung maka-react? Kung ako nga na may-ari ng leeg na ito ay bale-wala lang, ba’t para kang mamamatay d’yan?”

Nahinto siya sa pagsusuntok sa cabinet at tiningnan ako nang matulis. “Ba’t kinagat iyang leeg mo? Niromansa ka ba? Tinira sa puwet?”

“Aba! Ako ba noong kinagat mo sa leeg ay niromansa mo ako? Tinira sa puwet? Ano ka nagseselos? Tanga!”

Nahinto siya at napatingin sa akin. Marahil ay hindi niya inaasahan ang pagbanggit ko sa insidenteng kinagat din niya ako. “Kapag hindi mo sasabihin kung sino ang gumawa niyan, magdala ako ng babae rito.” Ang pananakot niya.

“Ow??? Di magdala ka! Sabihin mo lang sa akin kung kailan para linisin ko ang mga gamit ko at dito mo na siya ibahay. Kayo na ang magroommate! Kahit bukas pa ay puede ka nang magdala ng babae rito. Gusto mo?” Ang sagot kong pannaakot din sabay balik sa higaan, tumagilid patalikod sa kanya, at itinalukbong kong muli ang kumot sa aking katawan.

“Argggggghhhhh!” ang sigaw niya.

Maya-maya ay narinig ko na lang ang pagbukas at padabog na pagsara ng pinto. Hinayaan ko siya. Ni hindi ko tiningnan kung lumabas nga siya o hindi. Itinuloy ko lang ang pagtulog.

Maya-maya ay narinig ko uli ang pagbukas at pagsara ng pinto. Doon ko na tinanggal ant kumot na itinalukbong ko sa aking ulo. Sinilip ko kung sino ang pumasok.

Si Jerome. Naka jeans lang, walang saplot sa pang-itaas na katawan, nakasimangot at bitbit ang isang case ng beer.

Muli kong itinalukbong ang kumot sa aking ulo. Narinig ko pa ang pagbukas niya ng beer, at ang ingay na likha ng pagtungga niya sa alak.

Hindi ko na alam kung nakailang bote si Jerome. Nakatulog na ako.

Kinabukasan, dating gawi. Nauna akong gumising kaysa kanya. Nakita ko pa ang mga kalat ng bote sa ibabaw ng mesa. Nang tiningnan ko ang kama niya, nakatihaya siya roon, walang saplot maliban sa puting boxers, kung saan ay kitang-kita ang malaking bukol sa gitna nito.

Tinumbok ko sa banyo at nang matapos ay nagbihis, at dumiretso sa mess hall.

Hindi ko pa rin nakita si Jerome na pumasok sa mess hall. At dahil mali-late na ako, napagdesisyunan kong magtricycle na lang. Naisip kong galit pa iyong tao sa akin kaya hindi na niya ako pasakayin pa sa kanyang motorsiklo. Ngunt nang naroon na ako sa gilid ng kalsada, naroon na pala siya. “Sakay na!” ang utos niya.

Nang tiningnan ko ang kanyang mga kamay na nakahawak sa handlebars ng motor, nakita kong may sugat ang bahagi na sanhi ng pagsusuntok niya sa dingding at cabinet nang nakaraang gabi. “Hindi ka kumain?” ang tanong ko na lang habang umangkas sa likod ng kanyang motor.

“Hindi ako papasok!” ang pagmamaktol na sagot niya. Pinaandar niya ang kanyang motor.

“Hindi ka papasok? Bakit? Nag-declare ka ng holiday sa sarili mo kaya wala kang pasok?”

Ngunit inilihis niya ang topic. “Sino ang kumagat sa leeg mo?”

“Paano mo malalaman ang sagot niyan kung hindi ka papasok?”

“So nasa eskuwelahan ang kumagat niyan?”

“Puwede.” Ang pabalang kong sagot.

“Papasok ako. Alam ko na kung sino.”

Doon na ako kinabahan. “Hindi nga ako kinagat eh! Ang kulit!”

Huling klase ko sa araw na iyon nang nagkagulo ang ang mga estudyante sa pasilyo. May nagsuntukan daw sa central oval. Ang aming main building kasi ay pormang letrang “C” at ang gitna noon ay lawn na natabunan ng mowered na mga damo. Iyon ang tinatawag naming central oval. Dito ginagawa ang ibang student activities dahil sa nakapalibot na building ay nakikita ng mga estudyante ang mga nagpi-perform mula sa mga pasilyo ng bawat palapag.

Habang nasa loob kami ng silid aralan sa ikatlong palapag, narinig namin ang pagsisigawan ng mga estudyante at ang iba ay tila tuwang-tuwa pa nakatutok sa central oval sa baba.

Dali-dali kaming nagsilabasan at sinilip kung sino iyon. Dalawang estudyante ang nagsuntukan. Ngunit bigla akong kinabahan nang napansin ko ang isa sa kanila. Si Jerome!

Nagtatakbo akong bumaba ng building patungong central oval kung saan sila nagsusuntukan. Nang nasa harap ko na sila, nakita kong napin down ni Jerome ang lalaki na nakataob sa damuhan, nakalock ang isa niyang braso sa braso rin ni Jerome na dumagan sa kanya. “Magaling ka na palang manuntok ha? Pera mas mabilis pa rin ako kaysa iyo! Hindi mo ako kaya! Tangina mo!” ang narinig kong sigaw ni Jerome.

Nang lumapit pa ako at humarap sa estudyanteng dinaganan ni Jerome, nakita ko si... “Marco???” ang sigaw ko.

Itulak ko na sana si Jerome upang makawala si Marco sa pag-ipit ni Jerome sa kanya at maipaliwanag ko ang lahat. Ngunit sa di inaasahan ay may dalawang lalaking humataw ng arm chairs. Ang isa ay sa likod at ang isa naman ay sa ulo ni Jerome. Malakas ang kanilang paghataw dahilan upang mawasak ang dalawang arm chairs.

Bagsak si Jerome sa damuhan, nakatihaya, hindi naka-mulat ang mga mata ngunit hindi magawang makakilos. At kitang-kita ko ang dugo na dumaloy mula sa kanyang ulo.

“Jeromeeeee!!!” ang sigaw ko. “Tulungan ninyo siya! Tulungan ninyo siya!!!” ang sigaw ko sa mga estudyante.

Ngunit dahil marami naman kasi ang galit kay Jerome, nanatili lang silang nakatungana at nanuod lang sa kanya at pinagtatawanan pa nila ako. Nakita ko rin doon si Archie at ang mga kasama nila na nakangisi sa akin, iyong may bahid pagmamayabang, mapagmataas. Kaya ang ginawa ko ay kinarga ko na lang si Jerome sa aking likod at dinala siya sa clinic.

Nilapatan si Jerome ng first aid ng naka-duty na nurse dahil wala ang doktor. Nilagyan ng bandage ang kanyang ulo sa parte na nasugatan at dumudugo. Sinabi ng nurse na kailangang magpa X-ray siya lalo na sa parte ng kanyang ulo na natamaan. Pinagpahinga ni la si Jerome sa clinic nang halos isang oras.

“Bakit mo ba binugbog iyong tao? Ano bang ginawa noon sa iyo?” ang galit kong tanong sa kanya habang dinadrive ko ang motorsiklo at siya naman ang backride ko.

“Walang ginawa? Di ba siya ang kumagat ng leeg mo?”

Sa pagkarinig ko sa sinabi niya ay nag-init ang aking tainga. “Gusto mong ibangga ko itong motor mo? Tarantado ka ah! Kung sinu-sino na lang pinagbibintangan mo! Sinong nagsabi sa iyo na siya?”

“May mga nakakita na galing daw kayong dalawa sa likod ng building! Anong ginawa ninyo roon?”

Doon ko na hininto ang motor.  “Iyan na nga ba ang sinabi ko eh. Huwag kang mag-isip nang sobra kung anong hayop ang kumagat sa akin!”

“Bakit?”

“Hindi kayang i-handle ng utak mo ang sobrang pag-iisip! Nasaan na nga ang tama mo sa ulo?” ang tanong ko. Nang itinuro niya sa kanyang ang parte ng bandage na nakita kong namula pa dahil sa pagtagos ng dugo, iyon ang tinampal ko. “Ummmm!”

Napahipo naman siya sa kanyang ulo na natampal, matulis ang mga mata na tiningnan ako ngunit hindi makapalag.

“Tama pala talaga na ihambalos at wasakin ang arm chair d’yan sa ulo mo dahil sobrang katangahan mo! Kung may arm chair lang akong mahawakan ngayon, siguradong mahataw ko rin iyon sa ulo mo, d’yan sa kabila naman para balanse!” ang galit kong sabi sabay paandar muli sa motor.

“Sino ba kasi ang kumagat sa leeg mo?!!!” ang galit din niyang tanong.

“Pakialam mo! Kahit ipakagat ko pa itong leeg ko sa aso o sa buwaya, wala kang paki! Leeg ko ito, okay? Iyong leeg mo ang bantayan mo! Kung gusto mo, magpakagat ka na rin para couple tayo!” ang pabalang kong sagot.

“Tangina! Tanginaaaaaa!” ang bulong niyang pagmamaktol. Iyon bang feeling na masakit sa kalooban dahil hindi nasunod ang iginigiit mong gusto at ayaw sumunod noong tao ngunit wala ka nang magagawa kaya magmura ka na lang. Pakiramdam ko nga, dahil nasa likod ko siya, umaksyon siya siya nang pambabatok sa akin o kaya ay ang dalawang kamay niya ay akmang isakal sa leeg ko. Ngunit hindi rin niya magawa. Subukan niya lang.

“Tawagan mo ang mga kapatid mo, sabihin mong hindi mo sila masundo! Diretso tayo sa ospital.”

Tumalima naman siya. Sinabi niya sa kanyang mga kapatid na may gagawin siya kaya hindi niya sila masundo.

Sa ospital ay pina X-ray ang kanyang bungo. Nang nasa X-ray room si Jerome, tinawagan ko si Marco at tinanong kung bakit sila nagsuntukan. “Hindi ko rin alam eh. Bigla na lang akong tinawag niya atsaka pinaulanan ng suntok. Kaya gumanti na rin ako.” Ang sagot ni Marco. Nanghingi na lang ako ng paumanhin kay Marco. Hindi ko na rin ikinuwento sa kanya kung bakit nagalit si Jerome. Pero sa isip ko, sina Archie ang nagsulsol kay Jerome na si Marco ang kumagat sa leeg ko.

Walang nakitang malubhang pinsala sa ulo ni Jerome maliban sa sugat, ani doktor. “Literal na matigas ang ulo mo.” Ang sabi niya. “Siga ka siguro sa eskuwelahan, ano?”

“Naku doctor. Huwag niyo pong i-enroll ang anak ninyo sa unibersidad namin. Ito yung pinakasigang bully roon.” Ang biro ko.

Pinakitaan ako ni Jerome ng kanyang dirty finger. Binigyan naman siya ng doktor ng antibiotic para sa infection atsaka pinauwi na. Nakahinga ako nang maluwag sa resulta.

“Gusto kong mag-inom.” Ang sambit ni Jerome nang nasa boarding house na kami.

“Bakit?”

“Anong bakit? Gusto kong uminom, may bakit pa ba iyan?”

“May sugat ka, bugbog ang likod at bungo mo, may gamot ka, mag-inom ka?”

“Bakit ikaw may kagat sa leeg, wala naman akong paki di ba? Mag-inom ako. wala ka ring paki.”

Wala na akong nagawa sa logic niya. Binuksan niya iyong sobra sa isang case ng beer na ininom niya nang nakaraang gabi.

Nang naka-apat na bote na siya, niyaya niya akong uminom. “Wala namang pasok bukas eh.”  Ang sambit niya.

Ayaw ko sanang uminon ngunit may isang bagay daw siya na gusto niyang ilantad sa akin. Medyo na-intriga ako sa kanyang sinabi.

Nakaupo siyang nakasandal ang likod sa dingding, ang dalawang paa ay nakaunat. Nakahubad ang pang-itaas niyang katawan ngunit may suot siyang jeans. Minuwestrahan niya akong tumabi sa kanya. Tumalima ako.

Naka-anim na bote na siya, ako ay naka apat pa lang ngunit ramdam kong umiikot na ang aking paningin. Ayoko na sanang uminom ngunit pinigilan niya ako. Samahan ko raw siya. Hindi na ako uminom. Nakaupo pa rin akong katabi siya.

Hanggang sa naka sampung bote na siya, labing dalawa... At hindi pa siya nakuntento, tumayo siya at binuksan ang ref. May isang grande pala ng red horse siyang itinago. “Lasing na ako...” ang sambit niya nang maubos na niya ang laman ng grande.

Inakbayan niya ako. Tinitigan. Kitang-kita ko sa kanyang mukha na talagang lasing na siya. Mapupungay ang kanyang mga mata at halos hindi na tuwid ang kanyang pananalita. Nanatili siyang nakaakbay sa akin.

“Ano iyong gusto mong sabihin sa akin?” ang tanong ko.

“G-gusto kong manigarilyo...”

Doon na ako nainis. “iyan lang ang sasabihin mo? Alam mo namang ayoko ng usok ng sigarilyo lalo na sa kuwarto eh!” ang pagdadabog ko pa.

“Halikan na lang kita.” Ang sambit niya.

Hindi pa man ako nakasagot ay lumapat na ang kanyang bibig sa aking mga labi. May tatlong segundong dumikit ang kanyang bibig sa aking bibig. Itinulak ko siya.

“Para saan iyon?”

“Naglalaway ako...”

“Naglalaway ka tapos ipapasa mo sa bibig ko ang laway mo!”

Hindi siya sumagot.

“B-bakit mo ako hinalikan?” ang paggiit ko sa tanong. “Sinubukan mo lang ba ako? O tinukso? Pinaglaruan?”

“Umiling siya.”

“Di ba ikaw ang nagsabi na walang silbi ang halik kung isa lang panig lang ang nasisiyahan?”

“Bakit hindi ka ba nasisiyahan?” ang tanong niya.

Ako naman ang hindi nakakibo.

“Hindi ko gagawin iyon kung hindi ako nasiyahan.” Ang dugtong niya.

Natahimik na lang ako. Mistulang nawala ang aking pagkalasing at nalito sa kanyang inasta. Napatitig ako sa kanya. May naramdamang pagkairita. At dahil dito ay tinangka kong tumayo. “Iyan lang pala ang sasabihin mo, makatulog na nga!” ang pagmamaktol na sambit ko.

Ngunit hinawakan niya ang aking braso kaya bigla rin akong napaupo sa tabi niya. At doon na ako nagulat nang bigla niya akong niyakap at muling hinalikan. At sa pagkakataong iyon, mapusok ang kanyang binitiwang halik. Matagal. Damang-dama ko ang nag-aalab niyang damdamin. Ramdam ng aking mga labi ang kakaibang sarap ng kanyang pagsisipsip dito. Nakikiliti ako sa sarap ng pagkiskis ng kanyang dila sa aking dila, sa pagbundol-bundol nito sa kailaliman ng aking bibig. Nalalasahan ko ang magkahalong alcohol at laway na nanggaling sa kanyang bunganga na lalo pang nagpainit sa aking katawan. Nang iminulat ko ang aking mga mata, nakita kong nakapikit siya, tila ninamnam ang bawat paghagod ng kanyang bibig sa aking mga labi.

Muli akong natulala nang binitiwan na niya ang aking mga labi. Sa tanang buhay ko ay iyon ang pinakaunang halik na nalasap ko. Malalim ang mga katanungang pumasok sa aking isip ngunit ni isang salita ay walang lumabas mula sa aking bibig. Litong-lito ako sa kanyang ginawa. Nasarapan ako sa kanyang halik ngunit nakaukit pa rin sa aking isip ang sinabi niyang hindi niya ako puwedeng mahalin. May dulot itong sakit para sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya at bigla niya akong hinalikan. Nagmukhang pinaglaruan lang niya ako. Baka tinukso, inalam kung hanggang saan ako bibigay. May naramdaman din akong pagkainsulto.

“Alam mo... kung sino man ang kumagat sa leeg mo, may pagnanasa siya sa iyo.” Ang pagbasag niya sa katahimikan.

“So noong kinagat mo ako sa leeg ay may pagnanasa ka rin sa akin?” ang tanong ko.

At sa hindi ko inaasahan, tumango si Jerome, hindi nga lang makatingin-tingin sa akin. “N-nagseselos ako... kaya gusto kong malaman kung sino siya upang sabihin ko sa kanya na hindi maaari.”

Sa totoo lang, may tuwa akong nadarama sa narinig na iyon mula sa kanya. Ngunit may isang bahagi rin ng utak ko na nababalot sa inis. “Nagseselos ka? Bakit ano ba tayo? Wala namang tayo eh!” ang sambit kong tumaas ang boses. “At ang sabi mo pa, hindi mo ako maaaring mahalin. Ano iyon? Gaguhan?”

Hindi na siya sumagot. Muli niya akong hinalikan. Nagpaubaya ako. Kung gaano kapusok ang kanyang pangalawang halik, mas mapusok ang pangatlo. Iginapang pa niya ang kanyang mga labi sa aking leeg. Tinanggal niya ang aking T-shirt at ipnagpatuloy ang paghalik at pagsipsip niya sa aking utong.

Napaungol ako sa ibayong sarap ng kanyang ginawa. Sa tanang buhay ko, noon ko lang naranasan ang makipaghalikan, ang romansahin, ang pababalik-balik na sipsipin ang leeg, dibdib at mga utong.

Maya-maya lang ay kumalas siya. Kinapa niya ang butones sa kanyang pantalon at tinanggal iyon. Pagkatapos ay binuksan naman niya ang kanyang zipper. Bumulaga sa aking mga mata ang puti niyang brief at ang malaking bukol sa ilalim nito. Hinila niya ang kanyang pantalon pababa hanggang sa may hita at pagkatapos ay hinawwi niya ang garter ng kanyang brief.

Halos mabingi ako sa malakas na kalampag ng aking dibdib nang makita ang kanyang pagkalalaki at ang makapal na bulbol na nakapalibot doon. Kahit hindi iyon tumigas, malaki pa rin. Napalunok ako ng laway. Bagamat nahawakan ko na iyon nang pinunasan ko ang kanyang katawan nang nabalian siya ng binti ngunit iba iyon. Walang pagnanasa. Walang pananabik. Walang kakaibang kiliti at init sa aking katawan.

Nagkasalubong ang aming mga titig at pareho kaming tahimik, tila nakikiramdaman. Inginuso niya sa akin ang kanyang pagkalalaki.

Hinaplos ng aking kamay ang kanyang bibig at iginapang ko iyong mula roon pababa sa kanyang pusod. Doon ako huminto. Ang tagal kong pinagnasaan ang kanyang katawan na kahit mahaplos ko man lang iyon ay abot langit na ang aking kasiyahan. Ninamdam kong maigi ang paghaplos sa kanyang balat, mulikong iginapang ito pataas sa kanyang abs, sa kanyang dibdib, sa kanyang kilikili, sa kanyang leeg, sa kanyang pisngi... atsaka ipinasok ko ang aking mga daliri sa kanyang bibig na malugod naman niyang isinubo. Inilabas-masok ko ang mga daliri kong iyon doon. Nang nagsawa na ako sa kanyang bibig, muli ko itong ibinaba hanggang sa paanan ng kanyang pagkalalaki. Damag-dama ko pa sa aking palad ang kapal ng bulbol na nakapaligid dito. Hinaplos ko ang mga iyon sa aking palad.

Nang tiningnan ko si Jerome, nakaangat ang kanyang mukha at lantad na lantad ang kanyang leeg, tila nanunukso.

Idinampi ko ang aking bibig doon. Pinaliguan ko iyon ng halik habang ang isa kong kamay ay iginapang ko patungo sa kanyang dibdib. Habang dinila-dilaan ko ang kanyang leeg, hinahaplos-haplos ko naman ang kanyang dibdib, pinsil-pisil ang kanyang magkabilang utong.

“Ahhhhh!” ang mahina niyang ungol.

Hanggang sa bumaba ang aking mga labi at sinipsip ko nang sinipsip ang kanyang dibdib, ang dulo ng kanyang magkabilang dibdib.

Napaigtad siya at napaungol. “Ahhhhh! Ahhhhhhh!”

Nang hinawakan ko ang kanyang pagkalalaki, hindi ito tumigas. Nilaro ko nang nilaro sa aking kamay. Hanggang sa itinulak ng kanyang kamay ang aking ulo pababa. Alam ko na ang gusto niyang mangyari.

“H-hindi ako marunong...” ang bulong ko sa kanya.

“Isubo mo lang...” ang pabulong na sagot niya.

Wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto niya. Naalipin na ako sa sobrang kalibugan.

Halos naka-sampung minuto na ako sa kasusubo sa kanyang arin ngunit pansing kong hindi pa rin siya tinigasan. Ngunit nagpumilit ako at patuloy ko pa rin itong nilalaro sa aking bibig. Kahit pahinto-hinto ako, palipat-lipat ng puwesto, itinuloy ko pa rin.

Hanggang sa umabot na kami ng kalahating oras at wala pa ring nangyari, tila lumiit pa ang kanyang pagkalalaki. Parang sumubo lang ako ng isang pirasong tamilok na mataba.

Sa pagod ko ay huminto na lang muna ako at tiningnan si Jerome. Nakapikit siya na tila may iniimagine. Nakangiwi ang kanyang mukha. Inakbayan ko siya, hinaplos ang kanyang mukha. Doon ko napansin na may mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi.

“B-bakit???” ang tanong ko habang bahagyang inalog ko ang kayang ulo na may bendahe pa.

“G-gusto kong angkinin kita. Gusto kong paligayahin kita. Gusto kong hindi mo lang ako mahalin kundi tatatak din sa isip mo na ako ang unang nakapagpaligaya sa iyo... G-gusto kong sa akin mo unang maranasan ang pakikipagtalik. Ngunit hindi ko talaga kaya.” At doon na siya umiyak.

Sa pagkakita ko sa kanya, matinding awa ang aking naramdaman. Ramdam kong nasi-self-pity siya. Tila may mas malalim pang dahilan kung bakit siya umiyak.

Niyakap ko siya. Hinalikan sa pisngi, hinaplos ang kanyang mukha at buhok.

Sinuklian din niya ang aking yakap. “Sorry...”

“Bakit? Ganyan ka ba talaga?”

“H-hindi ko kaya sa l-lalaki o sa bakla... palaging gumugulo sa isip ko eksenang pinagdaanan ko noong bata pa ako.”

“Bakit? Ano ba ang pinagdaanan mo?”

“Ito iyong sinabi ko sa iyo na pinakaiingat-ingatan kong lihim...”

“A-anong lihim? Maaari mo bang ipagkatiwala sa akin?”

“Noong sampu pa lang ang edad ko, ni-rape ako ng mga lalaki. Hindi lang isa. Hindi lang dalawa. Marahil ay may mahigit sa sampu sila.”

“Bakit? Paano nangyari?”

“Ang daddy ko...” at tuluyan na siyang humagulgol.

(Itutuloy)

7 comments:

  1. Misunderstanding relationship sila....
    Update please... 😑😮😉😉

    #newmarco
    #selos
    #lovemakingscene
    #lustfulresponse

    ReplyDelete
  2. Sana makasundo ang daddy at si Jerome next chapter...
    Update please... hehehehe

    ReplyDelete
  3. Sabi na nga ba at may past si Jerome na kahindik hindik din. Kawawa naman sya. At sa kanyang ama pa. Kaya pala hanggang langit ang galit nya sa kanyang ama. Buti na lang anjan si July. At salamat na mahal din nya si July. Ang bruhong si Archie sana author pagtulong tulungang bugbugin nina Jerome at Marco.

    ReplyDelete
  4. Bat antagal po ng update?...😩😩😩

    ReplyDelete
  5. sana mag update na po yung kwento ng STARFISH tagal na po uling walang updat yung kwento na yun.,sobrang ganda pa naman ng story nya..,

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails