Followers

Sunday, May 13, 2012

7228

More stories at Rants, Stories, etc.



Malakas ang hampas ng hangin sa ating mga mukha habang tahimik tayong nakaupo sa labas ng isang kapehan. Maalinsangan ang hatinggabi kahit na gulung-gulo na ang buhok natin sa parang galit na ihip. Nakayuko ako. Pasimple akong tumingin sa’yo at nakita kong nakatingin ka sa kawalan. Akma ka nang titingin sa akin nang muli kong ibaling ang atensyon sa sahig.

“Ano na?”

“Anong ano na?”

“Hindi mo pa sinasagot ‘yung tanong ko.”

“Kailangan ko ba talagang sagutin ‘yun?”

“Hindi ka ba nahihirapan?”


“Bakit nahihirapan ka na ba?”

“Alam kong may nasasaktang iba.”

At muli na namang sumampal sa aking mukha ang malakas na hangin. Hinawakan ko ang cup ng aking coffee na nangangalahati na ang laman.

“Tara na.”

“Mamaya na. Hindi pa ubos ang kape ko.”

Bumalik ka sa pagkakaupo at isang malalim na hinga ang pinakawalan mo. Nakita ko ang pagkairita sa iyong mukha. Napailing naman ako ng bahagya. Hindi mo alam kung gaano na ako nahihirapan. Kung alam mo man, wala ka lang sigurong pakialam.

“It’s the third month, you know.”

“I know. Kaya ka nga nagkakaganyan.”

Tatlong buwan. Iyan ang ibinigay kong palugit sa akin, sa atin, na magpadala sa kung ano man ang meron tayo. Kahit malabo. Kahit walang patutunguhan. Kasi umaasa akong may magbabago. Umaasa akong magkaka-direksyon ito.

“Bakit ang cold mo?”

“Uwi na tayo.” Muli kang tumayo. Kinuha mo ang aking bag at nagsimulang maglakad palayo na para bang wala kang balak na hintayin ako. Hindi ako tumayo. Kinuha ko ang aking kape at ininom ito.

“Alam mo..” Tumigil ka sa paglalakad nang magsalita ako. Marahil dahil napansin mong malayo ang pinanggalingan ng boses ko. Ilang dipa na ang pagitan natin. Nagtama ang ating mga mata at nakita ko ang lalong pagkainis mo.

“Ano?”

“Para kang kape. Sa una lang mainit. Pag tumagal, lumalamig din.” Tumayo ako at lumapit sa’yo. Hinablot ko ang aking bag at tumakbo palayo. Agad kong pinara ang palapit na taxi. Dinaanan niya ang pinanggalingan natin pero wala ka na roon. Napaisip ako. Hindi mo ako hinabol. Sabagay, bakit mo naman gagawin ‘yun?

Inaliw ko ang aking sarili sa pagtingin sa matitingkad na ilaw na aking nadaraanan habang nasa biyahe. Nasa pagitan ng mga street lights na ito ang mga puno ng niyog at ang madilim na karagatan.

“Manong, dito na lang po.” Mabilis akong nag-abot ng bayad at hindi na naghintay pa ng sukli. Malayo pa ang binabaan ko sa aming bahay pero gusto kong maglakad at magmuni-muni. Handa na ba akong gawin ang dapat ko nang ginawa noon pa?

“Kayo na ba?” Nagulat ako sa bigla mong pagsasalita. Kakaliko ko pa lang noon sa aming street at nasa kabilang dulo pa ang aming bahay. Iba na ang ekspresyon ng iyong mukha. Mas nangingibabaw ang lungkot dito.

“Hindi. Wala na siya. Nag-usap kami kanina bago tayo magkita. Tinanong ko siya kung ano ba kami pero hanggang kaibigan lang daw ang tingin niya sa akin.”

“So, totoo nga? Umiyak ka kanina bago tayo nagkita. Kaya namumula ang mga mata mo.”

“Oo.”

“I can’t go on in this situation.”

“Nahihirapan na rin ako. Ayoko na ring makasakit.”

“So let me off the hook. Please?”

Muli ay nabasa ang aking mga mata ng mga luha. Itinukod ko ang aking mga kamay sa aking tuhod dahil ramdam ko ang panghihina ng aking buong katawan.

“I am. I’m letting you go.” Mabilis na kinuha ng aking dalawang braso ang iyong buong katawan at niyakap kita ng mahigpit na mahigpit habang pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga sa sobrang bigat ng nararamdaman.

“Thank you. Don’t worry, I’ll be okay. Bumawi ka sa kanya. Give him back the time you spent with me. Okay? I’ll be fine.”

“Wait, bakit para namang hindi na tayo magkikita?”

Umiling ako ng paulit-ulit. Mukha namang agad mong naintindihan ang gusto kong sabihin. Ayaw mong pumayag pero kailangang ako na ang gumawa ng desisyon. Parehas na tayong nahihirapan. Parehas na tayong nakakasakit ng iba.

“Hindi naman kailangang ganon. Kahit communication lang?” ang pilit mo.

“No. Tanggapin mo na.”

“Do I have a choice?”

Hindi na ako sumagot at nagpaalam na ako sa’yo. Naglakad ako papunta sa aming bahay. Unti-unti kong naramdaman ang pag-ambon. Animo’y mga maninipis na pana ito galing sa kalangitan. Tumingala ako at nakita ko ang mabibigat na ulap. Tinabunan nito ang mga bituin. Nakikisama yata ang panahon at nakiiyak sa akin.

Patay na ang lahat ng ilaw sa loob at nagmadali akong pumasok sa aking kwarto. Humiga ako at doon inilabas ang lahat ng emosyong aking nararamdaman.

Nasa kabilang kwarto lang aking kapatid at mga magulang kaya naman tinakpan ko ang aking bibig para hindi makagawa ng malakas na hikbi. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala sa sobrang sakit. Pero hindi pwede. Niyakap ko na lang ang aking unan ng mahigpit at kinagat ito sa tuwing nararamdaman ko ang pagbara ng aking lalamunan.

Kinuha ko ang aking cellphone at nagtangka akong itext ka. Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Bumalik sa aking isipan ang lahat ng ating pinagsamahan sa loob ng tatlong buwan.

“We never run out of choices, remember that. You made your choice. You chose not to fight for me. You chose not to love me. But you made the right call. You’re with him. You owe him and he deserves to be happy. With you.”

Pero hindi ko na isinend ang message na iyan. Ayoko nang may marinig ka pa sa akin. Ayoko nang gumawa ng isang bagay na baka pagsisihan ko lang sa huli. Iniyak ko na lang ang lahat hanggang sa makatulog ako.

---
Mabigat pa ang aking mga mata nang iminulat ko ito. Nakadapa ako sa aking kama. Cellphone ang una kong nakita. Hindi ako magalaw. Tanging ang mga mata ko lang ang umiikot at tinitingnan ang lahat ng kaya nitong makita.

“Wala na sila.”

I finally let go of the one I’ve been holding on to. Isinuko ko na ang idea na siya ang mag-aahon sa akin mula sa taong hindi ko maiwan kahit na alam kong pagmamay-ari siya ng iba. Itinigil ko na ang pagpipilit sa aking sarili na magustuhan niya.

He finally let me go. Masakit pero iyon ang nararapat. Tama na ang sakitan. I can’t stay in limbo forever. I can’t be a contingency. Hiniling ko sa kanyang pakawalan na niya ako kasi ayoko nang sayangin ang oras naming dalawa.

Ilang oras na akong gising pero hindi ako gumagalaw. Nakadapa pa rin ako. Natatakot akong kumilos. Natatakot akong gumawa ng hakbang para simulant ang araw na ito na wala na ang mga taong nagpasaya sa akin. Wala ng luha sa aking mga mata. Pero naroon pa rin ang bigat.

Marahan kong kinuha ang aking cellphone. Tiningnan ko ang conversation details simula nang magkakilala kami tatlong buwan na ang nakakalipas.

Number of messages in this conversation: 7,228 messages

Delete conversation?

Yes.

Conversation deleted.

I asked for the best of both worlds and I ended up with nothing. It’s a choice I made. It’s a decision I need to live with.

Mula sa pagkakadapa sa kama ay bumangon ako. Haharapin ko ang unang araw na muli ay ako na lang mag-isa.

3 comments:

  1. interesting.... pero sana wala ng third person na ikaw din pala ang nagkwewento kac nakakalito hehehe marami n ko nabasa na ganito pero dito lng ako nalito hehehe pero naintindihan ko naman kailangan lng cguro ng revision... pero its ur choice pa din dahil gawa mo ito at ikaw lng ang may karapatan dun ang akin lng advice hehehe...


    psencya na magulo din ako magpaliwanag
    "LHG"

    ReplyDelete
  2. T0mo' peu i got d idea naman. . .

    ReplyDelete
  3. nakakalito nga po please as LHG advice make revision or bigyan mo ng names ang mga charactes para malaman namin kung kanino dialogue or scenes na ito, pero hiwalayan eksena na talaga pwede bang ipaglaban mo muna.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails