(A story inspired by the song of the same title)
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Author's Note:
Sino ba ang
hindi nakarinig sa kantang ito ni Elton John? Bagamat nagustuhan ko ito, hindi
ko lubos na naintindihan ang kuwento sa likod ng kanta. Ang buong akala ko, ang
kahulugan lang nito ay tungkol sa kalungkutang nadarama ng dalawang magkapatid
na lalaki na nagkalayo; si “Daniel” na nakatatanda ay aalis patungong Spain
samantalang ang kanyang nakababatang kapatid ay ang naghatid sa kanya sa
airport. Akala ko ay ang drama hanggagn doon lang.
Ngunit may
malalim palang kuwento ang nasa likod. May nakapagsabi na base daw ito sa totoong
buhay. At may mga nagsabi rin na ang kantang ito ay may dalang lungkot lalo na
kapag naalala nila ang mahal nila sa buhay na “lumisan” din.
Ang totoo, hindi
ko alam ang tunay na kuwento. Ngunit ano man ito, siguradong nakakaantig.
Heto ang
liriko ng kanta –
Daniel is travelling tonight on a plane
I can see the red tail lights heading for Spain
Oh and I can see Daniel waving goodbye
God it looks like Daniel, must be the clouds in my eyes
They say Spain is pretty, though I've never been
Well Daniel says it's the best place that he's ever seen
Oh and he should know, he's been there enough
Lord I miss Daniel, oh I miss him so much
Daniel my brother you are older than me
Do you still feel the pain of the scars that won't heal
Your eyes have died, but you see more than I
Daniel you're a star in the face of the sky
Daniel is travelling tonight on a plane
I can see the red tail lights heading for Spain
Oh and I can see Daniel waving goodbye
God it looks like Daniel, must be the clouds in my eyes
Oh God it looks like Daniel, must be the clouds in my eyes
I can see the red tail lights heading for Spain
Oh and I can see Daniel waving goodbye
God it looks like Daniel, must be the clouds in my eyes
They say Spain is pretty, though I've never been
Well Daniel says it's the best place that he's ever seen
Oh and he should know, he's been there enough
Lord I miss Daniel, oh I miss him so much
Daniel my brother you are older than me
Do you still feel the pain of the scars that won't heal
Your eyes have died, but you see more than I
Daniel you're a star in the face of the sky
Daniel is travelling tonight on a plane
I can see the red tail lights heading for Spain
Oh and I can see Daniel waving goodbye
God it looks like Daniel, must be the clouds in my eyes
Oh God it looks like Daniel, must be the clouds in my eyes
At heto ang gawa-gawang
kuwento ko para sa kantang ito –
Alas 11 ng gabi,
nasa second floor kami ng NAIA kung saan natatanaw ko ang isang eroplanong ang
destinasyon ay patungong Madrid, Spain.
Mainit ang
panahon; nanlalagkit ang aking katawan dahil sa pawis at sa halos dalawang oras
na pananatili ko sa lugar upang hintayin lamang ang paglipad ng eroplano. Tiniis
ko ang lahat; iyon ay dahil iyon na ang huling paghatid ko kay Daniel. Iyon ang
aking pangako sa kanya. At hindi ako aalis hanggang hindi nakalipad ang
eroplano.
Half-brother
ko si Daniel, mas nakatatandang kapatid. Actually, maituturing na panganay
siyang anak ng aking inay. Noong dalaga pa kasi ang aking inay, nakapagtrabaho
siya sa bansang Espanya bilang isang katulong. Doon
niya nakilala ang ama ni Daniel, si Felipe, ang kanyang amo.
Mabait si
Felipe. At mahal niya ang aking inay. Ngunit may asawa na siya na isang
Espanyola, ang kanyang amongbabae. Ibig sabihin, isang bawal na relasyon ang
nasadlakan ng aking ina sa piling ni Felipe.
Noong ipinagbuntis
na niya si Daniel, doon nabulgar ang kanilang lihim. At naging malaking issue
ito sa pamilya ni Felipe. Nag-away silang mag-asawa at muntik nang
nagkahiwalay. Ngunit sa bandang huli ay nagkapatawaran din sila. At ang lahat
ay humantong sa kasunduan; na uuwi ng Pilipinas ang aking ina pagkatapos niyang
magsilang. Ngunit bibigyan naman siya ng buwanang sustento; sa isang kundisyon
nga lang: na “ipahiram” niya si Daniel sa kanilang mag-asawa. Actually, “hiram”
ang lengguwaheng ginamit nila ngunit ang totoo, ampon ang ibig sabihin. Wala
kasing anak si Felipe sa kanyang asawa gawa nang baog ito.
Pumayag naman ang
inay. Naisip din niya kasi ang kahihiyang idudulot nito sa kanyang pamilya kung
mag-uwi siya ng bata na wala namang ama. Kaya bagamat masakit sa kanyang
kalooban, tiniis niya ang umuwing hindi dala si Daniel.
Naging tapat
naman sa kanilang kasunduan ang mag-asawa. Walang palya ang kanilang buwanang
pagpapadala ng pera sa aking inay. At palagi nilang ina-update siya sa
kalagayan ni Daniel. At simula noong nasa sampung taong gulang na ang aking
kapatid, pinahintulutan siyang dumalaw sa amin sa Pilipinas.
Excited nga
ako sa unang pagbisita na iyon ni Daniel sa amin. Syempre, sa litrato ko lang
siya nakikita. Ikaw ba naman ang magkakaroon ng kapatid na matangkad, mestiso,
at napaka-guwapo. At mabait pa! Magsi-siyam na taong gulang lang din ako noon. Nakakatuwa
nga kasi, kahit sampung taong gulang lang siya, siya lang mag-isa ang
nagbiyahe. Inihatid siya sa airport sa Madrid
ng kanyang mga magulang at sa Pilipinas naman, kaming pamilya niya dito sumundo
sa kanya. Wala raw kasing pagkakataon ang kanyang mga magulang na samahan siya
sa Piliipnas. At dahil atat na atat si Daniel na makita ang ina namin at kaming
mga kapatid niya kung kaya nakiusap siya sa kanyang ama na kahit siya na lang
ang magbibiyahe. At pumayag naman ito. May mag-aassist naman daw sa mga ganoong
klaseng pasahero kung kaya ok lang. Ngunit kung sa akin nangyari iyon, baka
hindi ko kakayanin. Parang nakakatakot na sa ganoong edad pa lang niya,
nag-iisa lang siyang bumiyahe patungo sa ibang bansa.
Ngunit sadyang
malakas ang loob niya. Sa mura niyang edad ay makikita mo na ang kanyang
determinasyon at tapang na humarap sa buhay.
At simula noong
nakarating na siya sa amin, taon-taon o minsan ay wala pang isang taon na dumadalaw
si Daniel sa amin.
Sa bahay namin
siya tumitira kapag nagbabakasyon. Syempre, bahay na rin niya iyon. Kapatid ko
kaya siya at itinuring rin siyang parang anak na rin ng aking ama. Kung kaya,
masayang-masaya si Daniel kapag nagbabakasyon sa amin. Ang sabi pa nga niya ay mas
gusto niya sa pamilya namin kaysa sa pamilya niya sa Madrid . Paano, solong anak lang siya doon,
walang mga kapatid, at sa malaking bahay nila kapag wala ang mga magulang niya
ay nag-iisa lang siya. Malungkot daw ang bihay niya doon. Hindi kagaya sa amin
na close kaming lahat, palaging nagba-bonding, makukulit ang mga kapatid ko, at
puro harutan kapag nagsasama kaming lahat. Iyon ang gustonog-gusto niya. Kaya bagamat
sabi niya ay “the best” ang Spain
ngunit mas gusto pa rin niya sa amin, lalo na sa lugar namin sa bukid na presko
ang hangin, berdeng-berde ang paligid, walang polusyon at traffic...
Dahil hindi
naman magkalayo ang agwat ng aming edad, ako ang pinaka-close ni Daniel sa
aming magkapatid. Palagi kaming nagsasama niyan; sa paliligo sa ilog, sa
panghuhuli ng isda, sa paglalaro. Ako rin ang nagturo sa kanya kung paano
umakyat ng niyog, kung paano sumakay sa likod ng kalabaw, at kung paano
patakbuhin ito habang sinasakyan. Syempre, sa akin din siya natutong
magtagalog.
Mabait na bata
si Daniel. Masayahin, maalalahanin, mapagmahal. May isang beses nga noong
namasyal kaming magkakapatid sa palengke, at may isang madungis na batang nakita
niyang nagnakaw ng panindang prutas. Labing-limang taon na siya noon. At dahil
di hamak na matangkad at malaki ang pangangatawan, hindi siya natakot na habulin
ang bata.
Ang buong
akala ko ay bubugbugin niya ito. Ngunit noong naabutan na niya ang bata,
kinuwelyuhan niya ito at sinabihang isoli ang ninakaw niya at mag-sorry sa
may-ari.
Sa takot ng
bata, tumalima naman ito. Isinoli ng bata ang prutas sa may-ari at nanghingi ng
sorry.
Nakakaawang
tingnan ang bata. Siguro ay nasa pitong taong gulang pa lamang ito. Kitang-kita
ko ang pamumutla ng kanyang mukha at panginginig niya sa takot. Pagagalitan pa sana siya ng may-ari ng
tindahan ngunit pinakiusapan ito ni Daniel na huwag na lang at bayaran na lang
nito ang panindang kinuha ng bata.
Ibinigay naman
ni Daniel sa bata ang prutas na binayaran niya. “Nagugutom ka ba?” ang tanong
niya sa bata.
“O-opo...” ang
sagot ng bata na nanginginig pa rin sa takot.
“Gusto mo bang
kumain sa Jollibee?” tanong uli ni Daniel.
Napangiti ng
hilaw ang bata, naramdamang mabait naman pala si Daniel. At nahiya man, tumango
ito.
At Hayun, sabay
kaming lahat na kumain sa Jollibee. At lalo pang natuwa ang bata noong binigyan
pa ito ni Daniel ng dalawang daang piso bago umuwi.
“Huwag mo nang
gawin muli ang pagnanakaw ha? Masama iyan” ang sabi niya sa bata bago ito
umalis.
Tumango naman
ang bata. At masaya itong tumakbo pauwi. Ang sabi pa nga ni Daniel na kapag
nakikita muli niya ang bata sa palengke na iyon at nagnakaw uli, tutulungan
niya itong magbago. Hindi ko lang alam kung ano ang plano niya para sa bata. Hindi ko na rin
inalam pa.
May isang
beses din, nasira ang aking sapatos. Nag-iiyak ako. Syempre, iyon lang ang nag-iisa
kong sapatos. Gamit ko iyon sa eskuwelahan, sa simbahan, sa pamamasyal, at
kahit sa paglalaro; all-around ang sapatos kong iyon.
Awang-awa si
Daniel sa akin. Kinabukasan agad, niyaya niya akong pumunta ng lungsod. Doon , binilhan niya ako ng bagong sapatos, gamit ang
credit card extension ng papa niya. At dalawang sapatos pa! At hindi lang ako
ang binilhan niya; binilhan din niya ng sapatos ang dalawa kong kapatid, si
inay at ang itay ko.
“Hala ka! Baka
ka pagalitan ng papa mo kuya? Mauubos ang pera ng papa mo.” sambit ko.
“N-nagpaalam
na a-ako...?” ang sagot naman niyang ang pagsasalita ng tagalog ay pautal-utal.
Hindi pa kasi niya kabisado ang pagtatagalog.
“Ano ang sagot
niya?”
“No
problemo...”
Syempre,
tuwang-tuwa ako. May pang-eskuwela na ako at may panglaro pa. At tuwang tuwa rin
ang mga kapatid ko at ang aking mga magulang.
Simula noon, sa
bawat pagbabakasyon niya sa amin ay marami na siyang dalang pasalubong. Lahat
ay mayroon. May sapatos, mga damit, sabon pampaligo, shampoo, pagkain, at gamit
sa bahay; kahit ano na lang. Kahit ang mga magulang niya ay nagpapadala rin ng
mga kung anu-ano para sa aking mga magulang. Kumbaga, dahil kay Daniel nagkakaroon
ng excitment ang buhay namin. At nagkaroon pa ng friendly na relasyon ang
pamilya ng kanyang ama sa Spain
at ang pamilya ng kanyang ina sa Pilipinas... Parang naging isang pamilya kami,
bagamat magkalayo nga lang. At natulungan pa kami sa aming kahirapan.
Naalala ko
tuloy isang beses na seryoso kaming nag-usap, nagtanong siya. “Nagampanan ko
kayang mabuti ang role ko sa buhay tol?”
“Ay hala...
kalalim ng tanong ng kuya ko, hindi ko masisid” biro ko sa kanya.
Napangiti siya
sa akin ng hilaw. “Lahat tayo ay may role na ginagampanan sa mundo. Kasi kung
wala tayong role, walang halaga ang buhay. Walang kahulugan. Ang iba sa atin ay
may maliliit na role at ang iba naman ay may malalaki. Ngunit ke-maliit man o ke-malaki
ang role basta nagampanan ito ng maigi, panalo ka pa rin sa buhay kasi ang ibig
sabihin niyan ay may mga taong naging masaya dahil sa atin.”
“Ay may ganoon
talaga? At sinu-sino naman mga taong may malalaking role sa buhay?”
“Sila iyong
mga leaders ng bansa, iyong mga taong ang mga gawain ay nakakaapekto sa
nakararami.”
“G-ganoon ba?
E... ano naman ang role natin?”
“Iyong pagiging
kuya ko sa iyo. Iyong pagiging anak natin sa ating mga magulang. Iyong pagiging
kaibigan natin sa ibang mga tao...”
“Ay ganoon
lang ang role natin?”
“Oo. Ngunit
kahit ganoon lang ang role natin basta nagawa natin ito ng maayos, napasaya
natin ang mga taong kunektado sa ating buhay... panalo pa rin tayo.”
Iyon ang hindi
ko malilimutang binanggit niya. Inaamin ko na noon, hindi ko naintindihan ang
sinasabi niyang role na iyon sa buhay. Ngunit sa kalaunan, parang unti-unting
nakita ko na ang punto niya. At nakita ko ito sa kabaitan niya. Sa kagandahan
ng kanyang puso. At narealize kong ang role na ginamapanan niya ang pagiging tulay
niya na nagdugtong sa aking pamilya at sa pamilya niya sa Spain . At isa
siyang napakatibay na tulay. Sa pamamagitan niya ay nagka-isa kami, sumaya,
natulungan, at nakita at naappreciate namin ang kagandahan ng kalooban ng
kanyang mga magulang. Parang isa siyang anghel na ibinigay sa mama ko, at sa
papa niya, upang magbigay ng saya, at magsilbing inspirasyon sa amin. Doon ko narealize ang sinabi niya. Kung sa galing lang ng
pagganap ng role na sinasabi niya, panalong-panalo siya...
Isang araw,
nilagnat ako. Nagkataong iyon din ang araw ng pagbalik niya sa Madrid . Agad niyang
tinawagan ang kanyang papa at nagpaalam na huwag muna siyang umuwi dahil
nagkasakit nga ako. Alam kasi ng papa niya na ako ang kadikit niya palagi sa
Pilipinas. At alam ko, ang isang ayaw ni Daniel na mangyari ay ang aalis siya
na wala ako sa NAIA. Gusto kasi niyang palaging ihahatid ko siya sa bawat
pagsakay niya ng eroplano patungong Madrid .
Pero alam ko naman na ang pinakamabigat na dahilan kung bakit siya nag extend
ay ang pagkaawa niya sa akin. Syempre, malaking tulong ang naibigay niya sa mga
gastusin sa pagpapagamot ko.
“Hmmm.... ayaw
mo lang na wala ako na maghahatid sa iyo sa NAIA eh kung bakit ka nag-extend.”
Ang biro ko.
“Hindi kaya.
Naawa kaya ako sa pinakamakulit na utol ko...” Sagot naman niya
“Talaga kuya?”
“Oo naman...
ikaw pa.”
At noong
gumaling na ako at nasa airport na kami, nagbitiw siya ng salita na, “Isang
araw, tayong dalawa na ang papasok d’yan.” Turo niya sa entrance papasok na sa
check-in area ng airport. “Gusto kong makapunta ka ng Madrid at makasakay ng eroplano.” Labing-walong
taong gulang na siya noon at ako naman ay labing-pito.
Syempre,
tuwang-tuwa ako. Hindi lang dahil makapunta na ako ng ibang bansa kundi, ang
pinaka-importante sa akin ay ang makasakay ng eroplano. Iyon ang
pinaka-exciting. Siguro naaawa lang siya sa akin dahil palagi akong hanggang
airport lang at tinitingnan ang pag-alis ng kanyang eroplano.
Ewan din ba kung
bakit iyon ang palagi rin niyang gustong gawin ko; ang ihatid siya sa airport. Siguro
nasanay lang siya sa ganoon kasi palagi kong ginagawa iyon sa kanya; walang
palya. At hindi talaga ako umaalis ng airport hanggang hindi lilipad ang
eroplanong sinasakyan niya. At kapag nakarating na siya sa Madrid , magti-text na iyan, tatanungin ako
kung nakita ko raw ba ang eroplanong sinasakyan niya.
Ngunit noong
huling pagpunta niya sa amin, nagulat kaming lahat dahil parang wala sa plano ang kanyang
bakasyon. Hindi lang iyon, kasama pa niya ang kanyang mga magulang. At ang
higit na ikinagulat namin ay ang pagpayat niya. Sobrang payat niya talaga.
Matamlay, parang hapung-hapo, parang walang lakas. At hindi ko na rin nakita sa
mukha niya ang dating sigla. Oo, tumatawa siya, ngumingiti, ngunit alam ko, may
kakaiba.
Bagamat masaya
kaming lahat na nagkaroon ng instant reunion ang mga pamilya namin at nakita pa
namin sa unang pagkakataon ang papa at ang kanyang legal na ina, hindi rin
maikubli ang lungkot na aming nadarama sa nakitang kalagayan niya.
Tinanong namin
kung ano ang nangyari kay Daniel ngunit wala naman silang sinabing
nakababahala. Huwag daw kaming mag-alala dahil may allergy lagn si Daniel at
may gamot naman daw siya. Alam ko, may itinatago sila. Pansin ko iyon sa
lungkot ng kanilang mga mata.
“Kuya... ano
ba talaga ang nangyari sa iyo?” tanong ko kay Daniel.
“Wala ah. Nagka-allergy
lang ako. May gamot naman ako kung kaya ay ok lang.”
“Sabihin mo na
ang totoo kuya please...”
“Wala nga ito
eh!” ang padabog niyang sagot. At nagagalit siya kapag iginigiit ko ang tungkol
sa kanyang karamdaman.
Kaya hindi ko
na siya kinulit pa.
Tahimik.
“Sa pagbalik
namin ng Madrid
ihahatid mo pa rin ako sa airport ha?” ang paglihis niya sa usapan.
“Oo naman!
Palagi naman iyan di ba? Hindi iyan pumapalya. Nandoon ako palagi kahit nasa
himpapawid na ang eroplanong sinasakyan mo, nasa airport pa rin ako.”
“Di bale kasi
malapit ka nang makapunta ng Madrid
tol.”
Napangiti na
lang ako. Ilang beses ko na kasing narinig sa kanya iyan.
Nahinto ang
aking pagbabalik-tanaw noong nakita ko ang paggalaw na ng eroplanong sinakyan
nila. Marahan nitong tinungo nito ang isang lane sa gitan ng airport kung saan
kukuha ng buwelo ang eroplano upang mag take-off.
At maya-maya nga
lang ay humarurot na ito sa lane hanggang sa hindi na sumayad ang mga gulong nito
sa lupa at mistulang isang missile itong pumaitaas patungo sa himpapawid. Kitang-kita
ko pa ang pulang ilaw sa buntot ng eroplano.
Hindi ko
namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Kumaway ako nang kumaway na para
bang nakikita talaga niya ang aking ginagawa. Alam ko, imposibleng mangyari
bagamat naglalaro sa aking isip ang eksenang kumakaway din siya sa akin.
Paano, iyon
ang sabi niya. Iyon din ang pangako ko.
Naalala ko noong
huling hinatid ko siya sa airport, nagtext siya sa akin pagdating na pagdating
niya kaagad sa Madrid .
“Travis, nakita mo ang eroplano ko?”
“Oo... ang
ganda! Ang laki! Ambilis lumipad paitaas kuya! Ambilis ding nawala sa
himpapawid!” sagot ko.
“Nakita mo ako
sa loob?”
“Hindi ah!
Hindi kita nakita. Paano kita makikita?”
“Nagbabay kaya
ako sa iyo! Kaway nang kaway ako. Nasisilip kita sa bintana eh! Pula ang t-shirt mo di
ba? Hindi ka naman nag-babay sa akin!”
Tawa naman ako
nang tawa. “Paano kita makikita e hindi ko naman alam kung saan ka nakaupo.
Atsaka, ang liit ng mga bintana di ko nakikita ang mga tao sa loob nito!” ang
sagot ko naman.
“Akala ko pa
naman nakita mo ako. Kaway nang kaway ako sa iyo!” sagot uli niya.
“Hayaan mo kuya...
next time, kakawayan kita kahit nasa himpapawid na ang eroplano, hanggang sa
tuluyan na siyang maglaho sa paningin ko...”
“Promise iyan
ha?”
“Promise po...”
Iyon ang hindi
ko malimutang sagutan ng texts namin.
Tuluyan nang
naglaho sa aking paningin ang eroplanong sinasakyan niya. Ngunit tila hindi ko
kayang huminot sa pagkakaway. Noong napagod na ako, parang ang bigat ng aking
mga paang humakbang palayo sa airport. Sobrang bigat ng aking kalooban; sobrang
sakit ng aking damdamin. Hindi ko naiwasang hindi pumatak ang aking mga luha.
Nanatili ako
sa airport. Umupo ako sa isang sementong upuan at hinugot ko sa aking bulsa ang
sulat na ginawa niya para sa akin.
Hinugot ko sa
aking bulsa ang sulat na ginawa niya sa akin.
“Dear Tol... pasensya ka na dahil hindi ko sinabi kung
ano talaga ang aking tunay na karamdaman. Ito ay dahil ayaw kong malungkot ka
at ang ating mga kapatid. At ayokong malungkot din ang ating inay. Ayaw kong sa
huling mga araw ko sa mundong ito ay malungkot tayong lahat. Ayokong may
iyakan. Ayaw kong may drama…
Cancer ang sakit ko tol. Nasa advanced stage na ito at
kinain na nito ang aking internal organs. Sabi ng mga dalubhasa, wala nang
silbi pa ang kahit ano mang klaseng operasyon sa kaso ko. Tanggap ko naman ito.
Kung kaya naisipan kong dumalaw sa pamilya natin, dito sa Pilipinas habang kaya
pa ng aking katawan. Ayoko kasing lumisan na hindi ko nakikita sa huling
pagkakataon ang aking best friend at number one na utol. Syempre, pati na rin
ang aking iba pang mga kapatid at lalo na ang ating inay. At kung bakit ko rin isinama
ang aking mga magulang dito, kasi, gusto kong makita ninyo sila at makita rin
nila kayo. O di ba, may reunion tayo? Kaya iyan ang dahilan kung bakit ayokong
malaman ninyo na bilang na lang ang mga araw ko. Gusto ko Masaya tayo. Gusto
ko, ganoon pa rin.
Maraming salamat tol sa pagdating mo sa buhay ko.
Maraming salamat sa mga bagay na itinuro mo sa akin. “The best” man ang Spain,
pero it’s ‘more fun in the Philippines’ pa rin ako. (Smile naman d’yan)
Ang saya-saya kaya ng bakasyon ko dito sa piling ng
ating pamilya. Salamat sa pag-alaga ninyo sa akin dito. Higit sa lahat,
maraming slamat sa palagi mong paghatid-sundo sa akin sa airport. Naappreciate
ko iyon. Sayang lang at hindi na darating pa ang panahon na makapunta ka ng Espanya,
sabay tayong papasok sa check-in lounge ng airportmagtabi sa upuan ng eroplano.
Hindi na rin kita maipasyal pa sa mga magagandang tanawin doon. Pero di bale na
kasi... hanggang diyan lang talaga ang buhay ko e. Wala na tayong magagawa pa.
At least, masaya ako sa buhay ko at isa ka sa mga taong nagbigay ng tuwa sa
aking buhay; nagpinta ng ngiti sa aking mukha.
Sinabi ko pala sa papa ko na kapag wala na ako,
papuntahin ka sa Espanya dahil iyan ang pangako ko sa iyo. Pumayag siya, tol.
Ipinangako niya sa akin na bago ako mailibing ay nandoon ka na. Atsaka,
inihabilin ko rin sa iyo ang lahat ng mga gamit ko, pati mga laruan at gadgets.
Pati ang kuwarto ko ay sa iyo na rin. May sinabi kasi ang papa ko; na kung
gusto mo raw, papa at mama na rin ang itawag mo sa kanila...“
Paalam tol. Ma-miss kita. Mahal na mahal kita tol; kayong
lahat na mga kapatid ko at ang ating inay.
Ang iyong kapatid, -Daniel-
PS. Sa huling pagsakay ko sa eroplano, ihatid mo pa
rin ako ha? Kawayan mo ako. Sigurado, kakaway din ako...
Doon na ako tuluyang
humagulgol. Paano pa niya ako kakawayan gayong nasa loob na siya ng kabaong…
Wakas.
---------------------------------------------
Daniel
Daniel is travelling tonight on a plane
I can see the red tail lights heading for Spain
Oh and I can see Daniel waving goodbye
God it looks like Daniel, must be the clouds in my eyes
They say Spain is pretty, though I've never been
Well Daniel says it's the best place that he's ever seen
Oh and he should know, he's been there enough
Lord I miss Daniel, oh I miss him so much
Daniel my brother you are older than me
Do you still feel the pain of the scars that won't heal
Your eyes have died, but you see more than I
Daniel you're a star in the face of the sky
Daniel is travelling tonight on a plane
I can see the red tail lights heading for Spain
Oh and I can see Daniel waving goodbye
God it looks like Daniel, must be the clouds in my eyes
Oh God it looks like Daniel, must be the clouds in my eyes
I can see the red tail lights heading for Spain
Oh and I can see Daniel waving goodbye
God it looks like Daniel, must be the clouds in my eyes
They say Spain is pretty, though I've never been
Well Daniel says it's the best place that he's ever seen
Oh and he should know, he's been there enough
Lord I miss Daniel, oh I miss him so much
Daniel my brother you are older than me
Do you still feel the pain of the scars that won't heal
Your eyes have died, but you see more than I
Daniel you're a star in the face of the sky
Daniel is travelling tonight on a plane
I can see the red tail lights heading for Spain
Oh and I can see Daniel waving goodbye
God it looks like Daniel, must be the clouds in my eyes
Oh God it looks like Daniel, must be the clouds in my eyes
minsan nagkaroon ng birthday party ang asawa ng friend namin at sinabi niya sa amin ang kantang ito na true to life story and guess...Daniel din ang nagkuwento sa amin.
ReplyDeleteYung songs mo kuya as in super tugma sa mga gusto ni mama...
ReplyDeleteNaiirita pa nga ako minsan eh kasi napaka-old.
Ta tong daniel...hindi gusto nun. Kasi di ko maintindihan.
Gandang ganda si mama. Pero ako di ko ma-appreciate.
Pero ngayon...
Parang gusto ko na siyang pakinggan.yung paulit-ulit. Haist... :(
-cnjsaa-
-syjay-
cnj! Pareho tayo! Hindi ko rin alam na may malalim palang meaning iyang kanta na yan. I only learned it noong nakita ko sa you tube ang comment about their son na namatay at napapaiyak sya sa kanta na to dahil naalala din niya ang anak niya.
ReplyDeleteAt may narinig din akong true-to-life story daw re this song? Pero di ko alam kung ano ang kuwento. kung kaya gumawa na lang ako... Bago ko lang talaga na analyze ang kanyang iyan na may mas malalim pa palang kuwento kaysa isang pagpapaalam lang na aalis at tutungo sa ibang bansa...
Kuya mike....umiiyak na naman ako sa story mo..di ko rin masyadong pinapansin yang song ni elton john na daniel,ngayon mas ma appreciate ko na..salamat sa story na to kuya..
ReplyDeleteRiley
once again you never failed to teach how to value life kuya mike
ReplyDeleteUna kay kuya Zach
Sunod kay Lito
Tapos Ngayon kay Daniel
And I feel terribly stupid for giving up on easy trials in my life when some are suffering and fighting over the impossibles!
... great story telling. kudos mike. - neil
ReplyDeletecongratulations! you did it again. iba ka tlaga.
ReplyDeletesaan ba kwento yun character ni Lito?d ko p yun nababasa..hmm
ReplyDeleteganda nito kuya
-RonnieBokie
Kuya Mike thank you po for another wonderful story.. Im so thankful for this.. I dont know this song actually.. Pero when I learned the story, parang ang sarap na nyang pakinggan.. Ang galing mo po tlg- Jordan Rey
ReplyDeleteas expected another great story from Mike Juha the Great.
ReplyDeletetalaganng di ko mapigilang umiyak sa kwentong ito... ang sakit kasi...
ReplyDeletewow.... ang ganda ng story, grabe ang iyak ko nun nabasa ko ito, I also feel the pain na naramdaman ni travis when daniel pass away, although hindi ko kapatid yung nawala sa amin, still masakit kapag may mahal ka sa buhay na nawala sa iyo, congratulations again kuya mike for another great story,we are looking forward for another great masterpiece.
ReplyDeleteian21
kuya mikeeeee.... pinaiyak mo na naman ako...huhuhu
ReplyDeleteim crying......di ko p natatapos yung story.........maganda....malungkot.....actually sobra lungkot...ahhhhhhhh....parang gusto ko sumigaw....bakit ba yun mababait n tao.madali mawala...
ReplyDeletegreat! kaya gustong gusto ko i.inspire ang mga students ko na palawakin ang imahinasyon..galing nito!
ReplyDeleteumpisa palang ng kwento tulo agad luha ko. may ka room mate kc ako at naging bestfriend ko na rin Daniel din pangalan tapos nong umuwi ako sa lugar nmin pinatay sya sa cavite napgtripan. di ko man lng sya nakita uli khit nasa kabaong na kc inuwi din sya sa province nila sa surigao. tuwing naririnig ko itong kantang to di ko mapigilang mapaiyak.
ReplyDelete