DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either
product of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance
to actual events or locales or persons, living or dead is entirely
coincidental.
AUTHOR’s
NOTE: Maraming salamat muli sa lahat ng nakibahagi sa love story ni Tim at
Wesley. So this is the end na nga… I really find it hard to end the story kasi nga first time ko ito.
Mas madali palang bigyan ng twist ang istorya rather than tapusin ito. But I
did the best that I can kaya sana magustuhan niyo pa rin.
And again… ikina-campaign ko ulit ang cousin ko na kasali sa
isang pageant. If you truly love me… este my story… please vote for her. Voting
is until May 25 kaya sana ipagkalat niyo sa lahat na i-like ang kaniyang photo
sa FB... here's the link https://www.facebook.com/photo.php?fbid=290859947673958&set=a.290859227674030.64535.290854051007881&type=1&theater
Follow niyo din ako sa twitter! https://twitter.com/#!/ToeThoughts
“Ang
pag-ibig parang ipis, akala mo patay na… yun pala buhay pa!”
Tulala
lang ako habang pinapanood siya. Lumapit siya sa akin pagkatapos ng set nila at
tinitigan lang ako. Tahimik. Hinawakan niya ang aking mukha… naiilang ako sa
ginagawa niya dahil nagi-guilty talaga ako.
“My
3 months here is over…” pagbasag niya sa katahimikan.
“Huh?
I thought you’ll stay here for good?” pagtataka ko.
“I
know you Tim… I know you so well because I love you.”
“What
do you mean Jerek?”
“You
don’t need to hide anything… remember my promise? I promised not to push too
hard!” nakangiti niyang sinabi. “I know what you feel… I’m here but it seems
that you see someone else… I understand that!”
“Jerek…”
maikli kong tugon.
“All
I ever wanted was to take care of you Tim… you kept your promise to let me love
you and so it’s time that I do my share. I love you so much that I want you to
find your true happiness… and that’s not me.” Tuloy tuloy niyang sinabi.
“He’s
here!” sabay tingin ni Jerek sa bandang entrance ng bar... nandun si Wesley...
Wala
na kong nagawa noong panahon na yun kundi ang yakapin si Jerek… mahigpit,
parang ayaw ko siyang pakawalan. Grabe ang nararamdaman kong saya sa
pagpaparaya niya. At least alam ko na tanggap niya ang lahat at wala kaming
samaan ng loob sa isa’t isa.
“Hep,
hep, hep!... tama na yan! Baka maubusan ako!” si Wesley pala nasa tabi na
namin. Epic fail! Panira ng drama!
“Hey
you Wesley! Promise me never to make Tim cry again!” nakangiting sinabi ni
Jerek kay Wesley. “If I hear any news that you made him upset again… I’ll get
the first flight back to Manila!” pahabol niya.
“Hala!
Hindi pa nakakaalis, may balak na agad bumalik?” bulong naman ni Wesley.
“What?”
tanong ni Jerek.
“Nothing…
he’s just joking! Ikaw baliw ka talaga… pipigilan ko yan!” sabay siko ko naman
kay Wesley.
“But
seriously Jerek. Thank you… super thank you for being so caring and
understanding. I’ll bring back all your kindness, I don’t know how but I will.”
Seryoso kong sinabi.
Nag-bonding
muna kaming tatlo… HINDI KATULAD NG INIISIP NIYO! Hindi kami nag-threesome, mga
baliw! Gumimik lang kami at tuluyan na ngang nagpaalaman. Okay naman palang
pagsamahin yung dalawa. Buti walang rambol na naganap dahil talagang hindi
maalis kay Jerek na maging sweet sa akin. Siguro iniintindi na lang ni Wesley,
total sa kaniya naman ang puso ko… Yakkksss ang cheeseeeee… Hehehe!
Lumipas
ang isang linggo… papalipad na pabalik ng Singapore si Jerek. Siyempre hinatid
namin siya sa airport. Nakaka-artista lang kasi tinginan ang lahat ng tao sa
amin. Paano ba naman ang gwapo ng mga kasama ko…LOL! Pero talagang na-sad ako
sa pag-alis ni Jerek ha! Feeling ko nga mag-soulmates kami, yun bang
magkakilala na kami noong past life namin kasi super comportable kami sa isa’t
isa. But of course hanggang dun na lang yun.
Pumasok
na nga si Jerek sa waiting area ng airport. Hindi na kami nakasama pa sa loob
dahil bawal na daw kaya sinilip na lang namin siya ni Wesley mula sa glass
wall. Ano yun? Bakit parang may gulo? Nakita namin na nakikipagtalo ito sa
isang babae. In fairness, pretty si girl, matangkad at mukhang artistahin din
kaso ang tapang!
“Manong
guard… kaibigan kasi namin yung Intsik, anong nangyayari?” tanong ko sa guard
na nagbabantay sa pinto.
“Ah…
sir, baka nagkaka-agawan sa luggage? Palagi ho nangyayari yan dito. Baka
magkamukha ang maleta nila o ano.” Sagot naman ng guard.
“Hayaan
na natin sila… dyan din naman tayo nagsimula noon!” sabay tingin sa akin ni
Wesley.
“May
future!” sagot ko naman.
Tinext
ko na lang si Jerek na aalis na din kami at mag-ingat siya palagi. Pagdating
niya naman ng Singapore ay agad siyang nag-message sa akin sa Facebook.
Ikinwento niya ang babaeng naka-away niya sa airport. Nakakaloka! Hindi lang
niya pala nakabanggaan sa airport si loka… katabi pa niya sa eroplano at…
kasamahan niya pa sa music school na pinagtuturuan niya! Pakk na pakk!
Kami
naman ni Wesley… keri lang! Kung ngayon niyo ko tatanungin kung sure na sure na
ba ako sa kaniya. Ganun pa din ang sagot ko. HINDI! Ayoko kasing magsalita ng
tapos. Basta ang alam ko, masaya kami ngayon. Yun bang level na never kong
naramdaman sa buong buhay ko. Mukhang ganon din naman siya sa akin. Para nga
lang adik dahil ayaw naman akong tantanan, kulang na lang ipagpaalam ako kay
Mom na magsama na kami. Siyempre ayoko noh! Pakasalan muna niya ko!
Grabe,
ang bilis ng panahon, it has been exactly one year since una kaming nagkakilala.
April 12! And guess what… birthday ko ngayon! Isang taon na naman nilamang ng
age ko kay Boss… keber! Mas mukha naman akong bata sa kanya… hehehe!
Come
to think of it! One year ago hindi ako naniniwala sa mga fairy tales at happy
endings. Akala ko nga never na magiging bahagi ng isang love story ang buhay
ko. Pero sa loob lang ng isang taon nagbago na ang lahat. Meron na akong prince
charming… meron nang gumising sa mahabang pagtulog ng puso ko. My wooden heart…
good bye na!
Speaking
of love life… may usapan nga pala kami ni Wesley ah? Saan na yun si Mokong!?
“BUZZ!”
In
fairness… sosyal sosyal na… may-nag YM!
“Boss…
ikaw na lang punta dito sa bahay… masama kasi pakiramdam ko.- WESLEY”
Aba,
birthday na birthday ko, gagawin akong care giver? Di bale na, love ko naman
yun! Tawagan ko muna.
“Hello
boss… anong nangyari sa’yo?”
“Masama
pakiramdam ko eh, para kong nilalagnat? Pinagod mo kasi ako!”
“Ulol!
Pinagod ka dyan… sino kaya sa atin ang sa kalagitnaan ng gabi eh magtetext at
magyayayang mag-yun na! Pasalamat ka nga hindi ako napapansin ni Mom!”
“Ehehe…
basta ikaw na lang pumunta dito ha! Sige na…”
“Opo
na! BOSS!”
“Yehey…
Love you!”
“Okay…
sige!”
“Love
you ko muna!”
“Kulit
naman… oh siya… I love you… I love you… I love you kahit inaabuso mo ko!”
“Hoy…
may ganun pa… walang maaabuso kung walang nagpapaabuso!”
“Ahhh
ganun pala… oh sige, alagaan mo sarili mo!”
“JOKE
lang! Sige na… hintayin kita ha!”
“Okay…
bye! I love you!”
Mapuntahan
na nga si mokong… Baka kung mapano pa yun, ako pa sisihin ni Papa Rez Cortes
este Papa Big Boss. By the way, okay na kami ng biyanan kong hilaw. Minsan eh
hindi sila nagkakaintindihan ni Mom kapag nagku-krus ang landas nila pero
understood na yun. Alam mo naman… mahirap magpalaki ng mga magulang. At nandito na nga ako sa bahay niya. Bilis
noh! Parang Simeco!
Bakit
madilim? Parang walang tao? Pero nakabukas ang gate. So, gora na lang ko! Pati
pinto eh bukas. Siguro naman hindi ako kakasuhan ng trespassing nito. Subukan
niya at isang linggo ko siyang ida-diet! Bawal ang karne!
“Boss…
Wesley… Boss!”
Waley
talaga! Naupo na lang ako sa sala. Mokong talaga yun… pinapunta ako tapos wala
naman pala siya dito! Biglang may nag-play na music… Careless Whisper? Hayden
Kho… ikaw ba yan?
Aba!
Si Wesley… naka-brief lang?
“Loko
ka talaga… akala ko may sakit ka!”
“Upo
ka lang dyan!” sayaw pa si mokong
“Ano
na naman to… ikaw ha! Ginagawa mo kong sex slave! Kakasuhan kita!”
“Ikaw
naman panira ka sa surprise… relax ka lang!”
At
kinuha na nga niya ang surprise… halo- halo? Hindi ko din naman talaga masakyan
trip nitong si Boss… Magkukunwaring may sakit at sasayawan ako ng naka-brief
lang para pakainin ng halo halo? Ito na ba ang epekto ng global warming?
“Ano
to?”
“Halo-
Halo! Bilis kainin mo na… hindi ka ba nag-init sa akin?”
“Kapal
mo din ha!.. nag-init… as if naman hindi ko pa nakita yan!”
“Ah…
hindi pala ha… eh kung hubarin ko lahat!” sabay hawak sa garter ng kaniyang
brief.
“Oh
eto na nga kakainin na eh!.. tabihan mo na ko dali! Iipitan kita ng isang daan
sa bewang!”
“Feel
na feel mo ha… waaaah!!! Nandyan na ko!” sabay takbo sa akin.
“EH
ano ba to? Masarap ba pagkakagawa mo?”
“Oo
naman… kasing sarap ko… bilis kainin mo na…”
“Ayy,
panis na to! Charrr lang…”
Nasa
bandang dulo na ng baso ng may makagat akong matigas…
“Ano
ba tong matigas boss? May halong adobe na pala ang halo halo ngayon…” sabay
luwa sa matigas na bagay. “Waaaaaaaaaaaahhhhh… singsing? Para saan to.”
Kinuha
ni Wesley ang singsing… Medyo kadiri dahil galing yun sa bibig ko pero keri na…
sweet naman eh!
“Para
to kay manang… naihulog niya siguro sa baso noong naggagawa siya ng halo halo.”
Biro niya
“Loko
loko ka talaga…”
“De…
siyempre para sa’yo! Happy Birthday Boss…” at lumuhod ito sa harap ko. “Will
you marry me!?”
“Weh
di nga? Ilang K ba tong singsing… kapag may 24K , magye-yes ako!”
“Boss
naman eh!”
“Ano
ka ba… siyempre yes! Aarte pa ba ko? Yes!!! Kahit yayain pa ko ni Xian Lim,Enchong
Dee, Coco Martin o kahit sino pa mang may Pan de Coco, ikaw pa din pipiliin ko!
Kaya YES!!! Pero pwede bang next time, wag naman yung naka-brief ka lang, gawa
tayo ng sequel ng proposal mo ha!”
“Basta
Yes na ha! Hindi na magbabago yan!”
At
nagpaikot ikot ito sa loob ng bahay sa sobrang saya. Para man akong
magkaka-sore throat sa pinakain niyang halo halo eh okay lang. We also had
dinner with my mom and his papa… mabuti naman at okay na lahat. Pinaalam na din
namin sa kanila ang plano namin na pumunt ng Canada at dun magpakasal. Sa totoo
lang, ang jologs ng idea pero sino bang hindi jologs kapag in love?
Si
Jerek naman, nabalitaan naming sila na nung Pinay na nakabanggaan niya sa
airport. Melanie daw ang pangalan at Marquez ang apelyido… Melanie Marquez?
Kaya pala siya long-legged! Hahaha… happy naman ako para sa kanila dahil sa
wakas ay nahanap na din ni Jerek ang para sa kaniya. Deserve na deserve naman
niya yun dahil sobrang bait niya.
Kami
ni Wesley, though nag-Yes na ko sa proposal niya eh naghihintay pa kami ng mga
one year more bago lumipad ng Canada. Ayoko naman kasing madaliin lahat, alam
mo na! Hindi naman kasi assurance ang kasal para masabing panghabambuhay na
kami magsasama. Ang mahalaga eh nagkakaintindihan kami at nangako na kami sa
isa’t isa. Let’s see kung after a year eh mapapanagutan naming ang promise naming
at kung yun na… eh di yun na!
Ganoon
lang kasimple ang kwento ko… walang babaeng hitad na suddenly naging psychotic
at bet akong tsugihin… wala ding pulis na darating sa scene of the crime kung
kelan tegi na ang lahat… wala ding masyadong revelations. Simple lang! Ganoon
naman dapat ang buhay. Masyado nang problemado ang mundo kung satanista ba si
Lady Gaga o hindi kaya ayoko na maki-sawsaw pa!
Ngayon
bigla kong naalala ang 10 Commandment of love ko.
1. Ang taong
in love, parang may LBM… ano mang pigil ang gagawin mo lalabas at lalabas din…
minsan maamoy pa!
2. Kapag
nagmahal ka… para ka lang nagsanla, may interes!
3. Wag ka
masyadong seryoso sa pag-ibig… ang mga seryoso sa ICU ang diretso!
4. Masarap
daw umibig… parang paborito mong ulam, wag lang sana abutin ng pagkapanis.
5. Ang
pag-ibig parang bingo, kahit isang numero na lang ang kulang, minsan natatalo
pa!
6. Madaling
mauto ang nagmamahal… ingat ka lang kasi nakakasanay.
7. Kapag
broken hearted ka, tiisin mo, nag-enjoy ka din naman!
8. Hindi
madaling ma-in love, magastos! Magnegosyo ka na lang!
9. Kung
hindi ka handang mabaliw, wag ka na lang sumugal sa pag-ibig
10. Ang
pag-ibig parang ipis, akala mo patay na… yun pala buhay pa!
Parang
hindi na siya updated… siguro kailangan ko na gumawa ng bago.
May sequel?
(WAKAS)
Mayyy tammaaa kaaa! Ang kuleeet mo Author at Tim.
ReplyDeletehehe... in born yang kakulitan ko :)
DeleteAray ha! Tinamaan ako sa revelations at babaeng psycho ahahahaha!
ReplyDeleteAnyway teh si Jerek nahiram ko pala muna. Nasa kwarto tulog. Napagod kagabi. Hahahaha! Naglaro kasi kami ng wag wag. :p
hehehe... sige iyo muna... pakisoli na lang sa lalagyan!
Deletepinagpaalam mo ba sa gf niya si MM baka maeskandalo ka...hehehe....
Deletenapakahusay! napakaganda ng pagkakasulat! tuwang tuwa ako at the same time natouch din! basta ang galing lang...idol na kita sa kabaklaan!hahahaha good work! God bless po author! love lots :*
ReplyDeletesalamat naman dyan! may fans na ko... nakakaiyak naman :p
DeleteGod Bless... sana sa mga susunod na kwento ko eh hindi ka na anonymous...lol!
Congrats Author. Galing galing..hindi mo kakikitaan na 1st time mong magsulat. Good Job. Keep it up.
ReplyDeleteMasayang basahin, nakakagaan ang story mo. Pampawalang stress. More on this. Konting twist lang kung sequel kang gagawin. Tama na yung may maghihiganti,yung may magdudusa lagi na nating napapanood iyon sa mga teleserye.
Anyway COngrats Again!
actually, first time ko gumawa ng narrative na kwento. i'm actually a writer but for a TV show, isang trivia countdown and a talk show kaya nakakapanibago na fictional naman yung sinusulat ko.
Deleteenjoy naman lalo na with all your positive comments. nakaka-inspire!
Galing! Really cute story! Walang panggulong b*tch pero ang ganda ang galing!!
ReplyDeletesalamat! papatayin natin lahat ng mga bitch, don't worry! hahaha
DeleteWala ng sequel new story na lang....good job author nakakatawa siya infairness para lahat masaya di lagi iyakan. Cheers to everyone and God Bless...
ReplyDeletethanks AR! i'll try to do another story... soon :)
Deletewahahahaha kulita lng ah di mo naman idol talaga c lady gagita este lady gaga at nasama pa sa kwento wahahaha.... di ko kac gamit laptop ko cnxa na sana maaprove parin tong comment ko....
ReplyDelete"LHG"
hehehe... i love lady gaga! napapanahon din kaya join force na sya sa kwento :p
Deletesana may book2! ., Im sure na mas nakakakilig pag sila na!,, book2 po! .. :D! gusto ko masundan ung future nila hahah :]
ReplyDeletebtw ganda po ng story,! KEEP Up the gOOd woRK! :D!
(IAN)
Let's see kung kakayanin... Parang Kasal Kasali Kasalo then may Sakal Sakali Saklolo ... hehehe!
DeleteNatawa q sa kung satanista b si lady gaga o ndi' haha
ReplyDeletean saya lang ng st0ry'
sa tingin ko hindi naman satanista si gaga... loka loka lang talaga yun! hahaha!
Deletesalamat naman at nag-enjoy ka!
ginagawa ko na ang sequel sana magustuhan niyo pa din
Ang dami kong tawa while reading these series. :-D I particularly like the character of Tim, the bitchiness and all. Haha! And the last part, talagang dapat ilagay ang singsing sa halo-halo? Very Pinoy! ;-) I agree with AR, wala na lng sequel, maganda na kasi ang ending. Sakto lang para sa makulit na flow nito. Thanks for making such a light and funny story. It is such a refreshing read that it takes some of the stress out of my system. Keep writing stories like these Author. ;-)
ReplyDeleteSalamat cARL!... naisip ko pa naman gumawa ng suspense ro horror naman pero wag na lang pala...hahaha!
DeleteI'll do write another romcom soon!
Ang ganda author! Ang galing!
ReplyDeleteSana may sequel, yung buhay mag-asawa naman nila please, yung mgkakaconflict naman sa pagiging husband and husband nila! Weeh! Haha!
--ANDY
Thanks andy... try ko gumawa ng sequel...
Deletethumbs up sau author!!!
ReplyDelete<07>
salamat...
DeleteNaman! taken n pala c papa jerek..sayang haha
ReplyDeleteKakalungkot lang tapos na ang story...
Di bale gagawa naman sequel ..kaya aabangan ko yan..
Again very very very good job sa author.
i really really love it..
-Arvin-
medyo matatagalan pa siguro yung sequel... gawa muna ako ng bagong kwento.
DeleteDear Author thank you sa napakagandang story, To pa lang yung story na talagang nag enjoy ako sa pagbasa at di nagsikip ang dibdib ko sa inis or lungkot or kaba. Well satisfied reader. Maraming SALAMAT! GOD Bless you! More stories like this please!
ReplyDeleteBen
Aus