"Ang pag-ibig parang ipis... akala mo patay na, yun pala buhay pa!"
Sabi nila para daw sugal ka pag ikaw ay nagmamahal. Minsan panalo... minsan talo! Minsan kahit ipinusta mo na ang lahat, kukulangin ka pa rin ng puhunan. Minsan naman umaayon sa'yo ang kapalaran, tiba tiba kapag napa-buenas ka. Pero sa huli, sa swerte at swerte ka lang aasa... walang kasiguraduhan, walang eksaktong patutunguhan.
Before anything, lilinawin ko lang... This is not a love story. Let's just say isa itong confession. Well, simple lang naman ang gusto ko. Yung mailabas ang nararamdaman ko na itinago ko ng kaytagal-tagal na panahon. Sa sobrang tagal, you can't imagine how hard it was for me to sustain my emotions lalo na kapag nasa harap ako ng ibang tao.
Well here it goes!
Tawagin niyo na lang po akong Martin. That is actually my real name pero sa dinami-dami ba naman ng Martin sa mundo, who would think it’s me di ba! Anyways, I’m a gay… out na out since bata pero I chose not to be “loud” about it. Lumaki ako sa pamilya na hindi naman ganoon ka-conservative but still we are intact with our morals. Iginalang ko naman yun kaya sa pagtanda ko eh lalaki pa rin ako kung manamit at mag-ayos. Sabi nga nila kung hindi ako magsasalita eh hindi nila aakalaing bading ako. Let’s say hindi naman ako ganon ka-gwapo… tipong pwede na! Moreno, tama lang ang height… mga 5’6” at tama lang din ang built ng katawan. That is why some girls still approach me. Feeling ko akala nila straight ako pero kalaunan eh nagiging close friends ko din sila.
I’m now 25 pero sa tanda ko na to, maniniwala ba kayong single pa ko? Well, believe it or not, I haven’t been into ANY romantic relationship… not even flings! Sadya lang sigurong may pagka-matured ang isip ko kaya madalas sa akin lumalapit ang mga friends ko na broken hearted. At ayun, I’m left with no choice but to comfort and give them advices na matay ko mang isipin eh sinasabi ko without even experiencing it. Yun bang nagpapayo ka tungkol sa pag-ibig nang hindi ka pa umiibig?
In fairness, marami naman ang naniniwala sa mga sinasabi ko. Modesty aside, may katalinuhan din naman kasi ako. I actually graduated Cum Laude of our batch and during college, ako din ang madalas mag-top sa mga exams naming. Medyo lumabas nga lang na sumpa sa akin ang pagiging matalino kasi feeling ng iba, masyado akong mataas para lapitan o kausapin nila. Hindi rin kasi naman ako yung type na mauunang makipagkaibigan. Siguro factor na rin kasi na mahilig akong mag-english kaya naman nai-intimidate ang iba sa akin. But in all honesty, I’m super plain simple! Kumakain nga ako ng fishball at isaw, maarte ba yun?
So ayun na nga, dahil sa wala naman lumalapit sa akin eh hindi na rin ako nag-effort lumapit sa iba. Busy din naman kasi ako sa pag-aaral noon. Ang labas, ayan hanggang ngayon eh hindi pa ako nagkakaboyfriend.
I tried to think na baka ayun ang nakatadhana sa akin. Sometimes I fool myself by thinking that things that are worthy are worth waiting. Pero hindi rin maiwasan na dumarating ang oras, iniisip ko na malungkot ako at nag-iisa lalo na kapag nakikita ko ang mga kaibigan ko na masaya with their partners. Yung iba may mga pamilya na nga!
Everytime I’m sad, lagi ko naiisip si Rich. Sino siya? Well, siya lang naman yung crush ko noong college. Feeling ko gay din siya… not bi! Kasi kung kumilos at magsalita siya eh mas malamya pa ata sa akin. Pero ewan ko ba kung bakit minsan mas type ko pa yung mas-bading sa akin? Ganon man si Richard, wala ka naman masasabi sa looks niya. Mestizo kahit laking probinsya, tama lang din ang height pero kung mukha at mukha ang pag-uusapan… pang PBB Teens ang level!
First year pa lang sina Richard, lagi ko na siya sinisilip sa bintana ng classroom namin. 1 year ahead ako sa kaniya… Noong second year kami, nataon na sa second floor ang room namin at sakto na pagsilip mo sa bintana ay kita naman ang kwarto nila Rich. Kaya ayun, everyday busog na busog ang mata ko. Jologs pa siya that time, kasi nga baguhan pa lang! Sa college kasi naming parang may fashion show everyday. Palibhasa mga masscom students eh daig pa ang mga nasa showbiz kung makapag-inarte ang mga estudyante. Pero ang nagustuhan ko kay Rich ay ang pagiging simple niya. He’s like a typical shirt and jeans guy pero feeling ko kapag tinabihan ko eh ang bango bango.
Actual picture ni Rich. This is actually taken from our campus paper way back 2007.
Na-feature siya noon sa isang article at dahil baliw-baliwan ako noon sa charm niya...
ayan hanggang ngayon eh nakatago pa ang kopya ko ng issue ng campus paper namin.
So ayun, for quite a time eh hanggang tingin lang ako. Torpe kasi ako eh. Magkahalong hiya at nerbiyos ang nararamdaman ko pagdating sa paglapit sa mga lalake. Actually, meron naman nanliligaw sa akin na boylet from other school pero hindi ko din sinagot kasi nahihiya ako sa mga friends ko. OO! Manang na kung manang pero hindi buo sa utak ko yung konsepto na makita ng mga ibang tao na kapwa lalake ang karelasyon ko. Hiya... nerbiyos... o baka takot! Ewan ko?
Pagdating ko ng fourth year, mas tumindi pa ang pagkakagusto ko kay Rich. Sumali kasi sila that time sa isang music video making contest sa TV at siya ang tumayong director. Noong nalaman ko, dun na tuluyang nahulog ang loob ko sa kaniya. Isa kasi sa mga gusto ko sa isang tao eh yung matalino. Yun bang tipong kaya akong patahimikin dahil sa lalim ng mga pinagsasabi niya… weird noh? Pero gusto ko yung mahihigitan ang utak ko.
One time, nagpunta sina Richard sa classroom namin para i-promote yung contest at hikayatin kaming bumoto para sa entry niya thru text voting. That was our very first close encounter. Dahil na nga sa may pagka-nerd ako noon eh sa harap ako palagi nakaupo. Kaya naman nung nagsasalita sya eh sa harap ko sya nakatayo. Of course pabibo naman ako kaya chinika ko sya about the contest. I told him na nakita ko sa commercial and I didn’t know na siya pala ang director. Shit! Hindi ko malilimutan yung pag-uusap naming na yun at yung ngiti niya! Nakakalusaw talaga! Tinapik niya pa ako sa braso that time and he told me na sana iboto siya. Siyempre ako naman si loko, nagpaload talaga ako para iboto siya! Uto uto di ba!
In fairness, hindi naman nasayang ang boto ko dahil siya talaga ang nanalo. That time, sikat na sikat siya sa school at mas dumami yung kaibigan niya mula first year hanggang fourth year… Happy naman ako for him dahil mukhang happy din diya.
Isang araw, nagkasalubong kami sa main building ng school. Ewan ko ba bakit sa kinadami dami ng tao, yung peripheral view ko eh sa kaniya pa napatama. Para namang sinasadya na napatingin din siya sa akin at dun na kami nag-greet sa isa’t isa ng “hi!” Dahil sa pareho kaming may mga kasama eh nasabi ko lang sa kaniya na manatiling humble. Ngumiti naman siya at yumuko na para bang pinapangaralan siya ng teacher…hahaha! Funny pero deep inside ay kilig na kilig ako!
After that, we became acquaintances. Yun bang level ng friendship na hanggang yukuan at “hi” “hello” lang. Ok na sana kasi dun naman talaga nagsisimula ang lahat di ba! Pero panira talaga yung iba kong classmates eh! Dahil sa inamin ko naman sa dalawa kong bestfriends na sina Suzette at Menzie na crush ko si Rich, ayan kumalat bigla ang chismis! Daig ba sina Shalala at Jun Lalin!
Wala naman kaso sa akin yun kaso isang beses naabutan naman sina Rich at mga kaibigan niya na nakaupo sa may table sa labas ng college. Out of nowhere biglang may sumigaw… narinig ko na lang bigla, “Hoy Rich! Ito nga pala si Martin, may crush siya sa’yo!” Lintek!!! Sa sobrang hiya ko eh napatalikod na lang ako at tumakbo pabalik sa room namin. Sobrang nakakainis talaga! Yun bang nasa point na sana na nagbi-build kami ng friendship sa isa’t isa tapos biglang bumagsak na lang sa isang iglap!
Hindi naman kasi ako mapagtanim ng sama ng loob kaya hindi na rin ako nagalit sa kung sino man Herodes na sumigaw nun. Pero noong mga sumunod na araw, hindi na kami ok ni Rich. There are times na bigla siyang magme- make face kapag ako ang kasalubong niya. Minsan naman kapag magkakasalubong kami eh sabay naming tatalikuran ang isa’t isa. OA na kung OA pero nangyari talaga yun!
Napaka-ironic ng pagbabago sa tinginan namin. Isang iglap wala na lahat. What worse is parang may nabuong inis kami sa isa’t isa.
Minsan may program sa school, pinakiusapan akong magbigay ng special number. Dahil sa sanay na din naman ako kumanta sa harap ng maraming tao eh game na game naman ako. And guess what? Isa pala sa mga audiences ang klase nila Rich. I still remember the song I sang, Miss Kita 'Pag Tuesday by RJ Jimenez.
Every day tayo ay magkasama,
Magkasama lagi sa eskwela.
Ang saya pag recess at lunch break,
Tayong dalawa ay parang nag daaaate.
Oh oh oh yeeah...
Ganyan tayo almost everyday.
Pero pag Tuesday... Namimiss kita...
Owohuwo... Monday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday...
Ang lungkot ng araw pag dating ng Tuesday.
Everyday na sana tayong magkasama.
Pero sayang talaga di pwedeng ipilit pag Tuesday.
I hate this day of Tuesday.
I hate this day pag Tuesday.
I hate this day of Tuesday.
Aha aha aha.
Isa pang dahilan kung bat ayaw ko ng Tuesday...
Kasi naman...
Coding ako pag Tuesday...
Coding ako pag Tuesday...
Coding ako pag Tuesday...
Tuesday.!
Yehehehi yow!
Aha! Mamimiss kita pag Tuesday!
Dahil sa lively ang kanta eh tuwang tuwa ang lahat. May iba pa nga na pasayaw sayaw dahil in fairness eh magaling din naman talaga ako kumanta. Pero ang masakit, nakita ko na lang bigla si Rich na tumayo at hinugot ang phone niya na kunwa’y may kausap. OUCH! But still I have to continue the show kaya naman tinapos ko na lang ang kanta.
Sobrang inis ko noon sa kaniya. Ang daming tumakbo sa isip ko. Ginawa lang ba niya yung dahil gusto niyang ipakita na ayaw niya sa akin? Totoo kayang may kausap siya sa phone? At kung OO, sino naman yun?
As days pass, nasagot lahat ng gumugulo sa isip ko. Nalaman ko na lang na boyfriend na pala siya. Classmate niya din. Pero ang ikinapantig ng tenga ko eh ang kwento ng isang close kay Rich na sila dawn g boyfriend niya ay madalas mag-check in sa isang motel sa Recto. Para akong binuhusan ng malamig na tubig that time. Hindi kasi ako cry baby kaya hindi naman ako maiyak pero sa loob ko tila nagmumura ang puso ko. I hid all my emotions to my friends. I acted as if I was fine. Doon ko narealize, mahal ko na pala siya.
Sobrang sakit! Sobrang sakit kasi nagmamahal ako sa isang tao na alam kong wala lang ako sa kaniya. We were friends before but not that close. Parang wala akong mapanghawakan. Hindi ko magawang magalit dahil wala naman akong karapatan. Parang lahat, hangin lang ang nakakaalam.
Matapos ko malaman ang lahat, sinubukan kong alisin si Rich sa isip ko. I made myself busy with school and my OJT because at that time, fourth year na ako. Hindi na rin kami masyadong nagkikita dahil sa office na ako pumapasok at isang subject na lang ang pinapasukan namin sa school. May oras na iniisip ko pa rin siya pero ok lang until I graduated at naiwan ko na lang ang puso ko sa kaniya.
Now, I’m still single. I get to know something about Rich most often that not on Facebook… stalker ang drama kasi binabasa ko mga updates sa buhay niya. I discover that he was with another guy… nakipagbreak… meron ulit bago at kung anu ano pang happenings… but all I can do is to read. Aaminin ko ngayon, siya pa rin ang laman ng puso ko. Sana nga mabasa niya to para malaman niya. I tried telling him pero it was too late… may sarili na akong buhay… ganon din naman siya!
Matapos ko malaman ang lahat, sinubukan kong alisin si Rich sa isip ko. I made myself busy with school and my OJT because at that time, fourth year na ako. Hindi na rin kami masyadong nagkikita dahil sa office na ako pumapasok at isang subject na lang ang pinapasukan namin sa school. May oras na iniisip ko pa rin siya pero ok lang until I graduated at naiwan ko na lang ang puso ko sa kaniya.
Now, I’m still single. I get to know something about Rich most often that not on Facebook… stalker ang drama kasi binabasa ko mga updates sa buhay niya. I discover that he was with another guy… nakipagbreak… meron ulit bago at kung anu ano pang happenings… but all I can do is to read. Aaminin ko ngayon, siya pa rin ang laman ng puso ko. Sana nga mabasa niya to para malaman niya. I tried telling him pero it was too late… may sarili na akong buhay… ganon din naman siya!
Maybe not all love stories have happy endings. As for me, I’m hoping but not waiting… yun pa rin ang motto ko “things that are worthy are worth waiting…”
==================================================================
Thanks for reading...
It's actually my first time to try blogging that's why I'm cool with negative feedbacks...hehe!
And please, check out my youtube channel
www.youtube.com/timclarify
Love you guys... stay golden:)
huhuhu nakakaiyak namansobra ko nakakarelate dito...maraming salamat sa pagshare ... sana ngamabsa ni rich ito paramatauhan cya hehe depende kung maganda ang takbo ng utak nya... dont worry habang may buhay may pag-asa... .... ^^
ReplyDelete"LHG"
thanks for the inspiring comment LGH... well, ganun na nga. all that i have now is hope! but i just realized, there is more to life than waiting for rich. kung mapansin niya ako- bonus na lang yun! i'll leave it all to destiny. baka kasi may mas maganda pang nakaabang para sa akin. :)
Deleteako din gusto ko n din mgkboylet..ndi p din ako ngkkjowa..
ReplyDeletepero alm ko ddting din yon..Godbless martin''
good luck and God Bless din sa'yo!
Deletewell said... hay... its true that the only thing that we can do in these kinds of things is to wait because forcing things might just end up badly.... well... i know what you feel kasi feel ko rin ilap sa akin ang pag-ibig especially im also the type of person that never makes the first move... basta... let things come naturally, malay natin along our journey na hindi naman natin iniexpect.... love will just hit us without our notice :)) awww huggss >_<
ReplyDeleteyah! you know sometimes love is so surreal especially when i watch it on screen. parang hindi totoo... pero in one way or another may magpapaalala sa'yo na it exist. thanks for the comments!
Delete