DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are eitherproduct of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead is entirely coincidental.
AUTHOR's NOTE: Grabe... Owwwver na ang saya ko sa patuloy niyong support sa mga sinusulat ko :) Salamuch ulit mga kapanalig! Since, you've been very supportive naman eh itodo niyo na. Patuloy pa po yung voting para sa sinalihang pageant ng cousin and she need's FB "likes" para manalo. Just open this link and "like" her photo https://www.facebook.com/photo.php?fbid=290859947673958&set=a.290859227674030.64535.290854051007881&type=1&theater
I'm also in search of image models for the main characters Tim, Wesley and Jerek.
Sa mga nais maging imahe nila Tim, Wesley at Jerek, maari kayong magpadala ng larawan niyo sa aking email account- martin_claro31@yahoo.com
Heto ang mga qualifications:
Heto ang mga qualifications:
TIM- 25 years old na pero mukhang college student pa din, moreno, makinis ang mukha, hindi kahabaan ang buhok na medyo dark brown, katamtaman lang ang katawan, mukhang matalino at mabango...hehe (Hindi na ko papaka-plastik pa na ako talaga yung original na imahe ni Tim sa isip ko but that does not imply that I had the same experience. Fictional ang lahat.)
WESLEY- 23 years old, tisoy, mapungay ang mata,mapula ang labi. makinis ang mukha at walang facial hair (baby face ba), katamtaman din ang katawan pero mas matangkad kay Tim.
JEREK- 27 years old, mukhang character sa mga Koreanovela, may kalakihan ang katawan (yung pangmodelo ba... hindi yung body builder type ha!)
=========================================================================
=========================================================================
“Hindi madaling ma-in love, magastos! Magnegosyo ka na lang!”
Matapos ang usapan namin ni Mom ay
pumasok na ako sa kwarto ko. Napansin kong bukas ang ilaw ng phone ko. 14
missed calls… sino kaya to? Hindi local number eh! Meron ding text…
“I’m finally here! I’m excited to
meet you. – JEREK”
Ha? Si Jerek nandito sa Pinas? Wala naman siyang nakwento na
papunta siya dito ah. Takang taka talaga ako noong oras nay un kung ano naman
pumasok sa isip niya’t napalipad siya ng di oras. Well, thinking that his job
is on Singapore, di ba parang biglaan naman.
Hindi kasi basta basta si Jerek sa bansa nila. Ayon sa mga
kwento niya sa akin, isa siyang music teacher sa Singapore. Pero bukod sa
pagtuturo ng music lessons ay isa rin itong singer, hindi “lang” singer kundi
sikat na singer. Well, he might not be internationally known pero sa bansa nila
ay kabi-kabila daw ang singing engaments nito. Madami din itong videos sa
internets na talaga namang naghi-hit sa mga viewers. Dun nga kami nagkakilala
dahil nagkataong related ang videos niya sa mga personal videos na na-upload ko
sa Youtube. Kaya naman nagulat akong iniwan ni Jerek iyon ng ganun ganun na
lang.
Para naman masagot ang mga katanungan ko ay agad kong
tinawagan ang number na gamit niya. Buti na lang at roaming pala iyon… sosyal!
So, ayun na nga, nag ring na ang phone at may sumagot dito. Lalakeng lalake ang
boses at English ang salita.
“Hello?!” patanong kong bati.
“Hello… is this Tim?” tinanong niya rin ako pabalik.
“Yes… Jerek! When did you arrive?” excited kong tanong
“Just tonight. I think, 1 hour ago.” Sagot niya.
“Ahmm… where are you staying? Tell me, I’ll come over as in
now!”
Hindi na ako masyadong nagtanong pa dahil tanging tumatakbo
sa isip ko noon ay makita siya ng personal. Ewan ko ba at bakit parang excited
din ako na makaharap siya. SIguro dahil matagal na rin kaming nagkausap sa
internet lang, siyempre iba yung harp harapan diba? At yun na nga, sabi ni
Jerek ay nasa isang hotel sila sa bandang Global City. Medyo malayo pero
pinilit kong puntahan siya. Hindi naman na kasi iba sa akin yung tao. In fact,
dapat nga ay maging mabait talaga ako sa kaniya… he helped me decide tungkol sa
amin ni Papa Wesley di ba!
Nagtaxi na lang ako papunta sa hotel niya. Mga bandang 10PM
na nun. Buti na lang pinayagan ako ni Mom. Dahil sa gabi na nga ay wala nang
traffic kaya mabilis akong nakarating. Agad kong tinungo ang reception area at
nagtanong sa front desk. Pinaghintay na lang ako sa lobby dahil bababa na daw
si Jerek.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko that time. Kaba,
excitement… kilig?! Naku, hindi pwede Tim!!! Remember, kayo na ni Wesley. I
then controlled my emotions hanggang sa may lumapit sa king lalake at binanggit
ang pangalan ko. Matangkad, mga 5’10”, maputi, singkit, mapula ang labi at rosy
ang cheeks, sakto lang ang tangos ng ilong… in general, para siyang KPOP star!
SHET!!! It’s Jerek in the flesh! "Sayang ka!" biro ko sa sarili.
Tumayo ako para batiin siya. Iaabot ko na sana ang kamay ko
ng mabilis siyang naglakad palapit sa akin at niyakap ako. Well, hindi ko naman
binigyan ng malisya yun dahil sa isip-isip ko ay baka excited lang din yung
tao. Grabe! Ang tigas… ng mga muscles! Wag kayong palaka! Matigas talaga ang
mga muscles niya sa katawan… hindi naman buff pero lean lang ba! Para nga
siyang modelo kung tumindig.
After our yakapan portion. Kinamusta ko sya at niyaya sa
malapit na coffee shop. Dun na lang naming pinagpatuloy ang kwentuhan namin.
“So how was your flight?” tanong ko.
“Tiring but… rewarding because now I see you” nakangiti
niyang sinabi.
“By the way, why did you come here without any notice? I was
actually shocked! You should have told me so that I’ve fetched you in the
airport.” Sabi ko sa kaniya. Haaay, nakaka-nosebleed naman kausap si Jerek!
“Well, first… I came here because one of my band members
who’s also a Filipino booked a gig here in the Philippines… and second, I
wanted to see you. And now that you’re here, I’m very happy!”
Matapos niyang sabihin yun ay hinawakan niya ang aking
kamay. Iniwasan ko naman agad ito dahil biglang pumasok sa isipan ko si Wesley.
“Ahmmm, Jerek, I have something to tell you… remember when
we last talk? About me and my boss?” Biglang napalitan ng lungkot ang ngiti sa
kaniyang mukha. Siguro e gets na niya kung ano ang susunod kong sasabihin.
Hindi ko na tinuloy ang kwento ko dahil alam ko na ang nararamdaman niya.
“Jerek, are we still good? Friends?” sabay abot ng kamay ko
sa kaniya.
“Of course! Friends… but please keep your promise!” hawak
naman niya sa aking kamay. Alam ko na ang sinasabi niyang promise… na hindi ko
siya pipigilan na mahalin ako. Hard naman maging maganda… Char!
“Okay… promise! But will you promise me that you’ll also
give yourself the chance to be happy?” nginitian ko na lang siya.
“Promise!” sabi niya at sa puntong yun ay binigyan ko siya
ng friendly hug! Promise… friendly lang! Mamatay man kayo! Hehehe…
Madami pa kaming napagkwentuhan gaya ng kung anu-anong
gagawin nila dito sa Pilipinas. Saan sila magkakaroon ng show at inimbitahan ko
na din sila na mag-guest sa show namin. In general ay naging masaya naman ang
first meeting namin. After we talked, nagpaalam na akong uuwi. Sana ay ihahatid
pa niya ako pero pinilit kong ako na lang mag-isa. Bukod kasi sa istorbo sa
kaniya ay baka may ibang makakita. Mahirap na, ayokong maging Britney Spears
ang love life ko… yun bang kinabukasan, hiwalayan agad!
Pasado ala-una ng madaling araw na ako nakarating sa bahay.
Agad kong chinek ang cellphone ko dahil sa buong oras na magkasama kami ni
Jerek ay hindi ko ito pinansin. Shockss… tumatawag pala si Wesley! Ano ba naman
yan! Daig ko pa yung mga Kuya ko na nambabae… anong sasabihin ko nyan! Ah
basta, I’ll tell the truth para walang gulo.
Tinawagan ko si Wesley agad agad… walang sumasagot? Isa,
dalawa, tatlong beses… wala pa din sumasagot. Baka tulog na? Sige text ko na
lang!
“Good night boss… mwaaahhhugs! :*”
Kinaumagahan, sinundo pa din ako ni Wesley. Tahimik lang
siya. Ako naman eh todo puri sa French Vanilla coffee at cinnamon bars niya na
akala mo noon lang ako nakatikim non. Wa-epek pa din?
“Pull over!...” malumanay kong sinabi. Pero hindi siya
huminto diretso pa din siya sa pagda-drive at walang imik.
“I SAID PULL OVER!” nilakasan ko ang boses ko. Nun ay
inihinto na niya ang kotse sa gilid ng kalsada. I think bandang Batasan Ave
kaya naman walang masyadong tao!
Pagtigil ng sasakyan ay tahimik lang kami.
“Boss!” paglalambing ko habang hinahaplos ang mukha niya. Wa
epek pa rin te!
“Boss, ano ba?!” hindi pa rin niya ako pinapansin. Dahil sa
inis ay mabilis akong kumandong sa kaniya. Halatang nagulat siya sa pagiging
agresibo ko. Well, ako din naman nagulat sa ginawa ko…hahaha!
Nang nakaupo na ako sa kaniyang kandungan ay tinitigan ko
siya sa mata at mabilis na hinalikan ang kaniyang labi. Naramdaman kong nasa
bewang ko ang kanan niyang kamay habang nasa batok ko naman ang kaliwa. Bigla din nagising si Jun Jun... si Jun Jun, alam niyo na yun! Nang
hawak na niya ako ay bigla akong kumalas sa paghalik sa kaniya… Pang-asar lang
ba…
“Oh ano papansinin mo na ba ko?” Tanong ko sa kaniya habang
nagpapa-cute ang aking mukha.
“Ahmmm… hindi na lang… ganyan ka pala kapag hindi kita
papansinin!” sabay smack sa aking labi.
“Uhmm… eto pa hard to get ka pa!” sabay tapik ko sa kaniyang
noo. “Okay, sorry na Boss. Alam ko namang inis ka dahil hindi ko nasagot ang
mga tawag mo kagabi. But will you let me explain?”
“Explain, explain… namanhid na mga daliri ko kaka-dial! Eh
bakit nga ba hindi ka sumasagot?” pina-andar ko na sa kaniya ang sasakyan para
on the way na lang kami mag-usap.
“Well, ganito kasi. Meron akong friend na Singaporean na
close na close ko. Last night, bigla siyang nagtext na nandito na siya sa
Manila kaya pinuntahan ko siya agad. Eh, napasarap yung kwentuhan namin kaya
hindi ko na na-check yung phone ko agad agad.” Paliwanag ko.
“Eh sino ba yang friend mo na yan? Gabing gabi na eh
pinuntahan mo pa?” Inis pa rin ang tono ng kaniyang boses.
“Kapag inamin ko ba sa’yo hindi ka magagalit?" Tanong ko.
“Bakit naman ako magagalit?”
“Kahit sabihin kong lalake yung friend ko? Kahit na sabihin
kong dati ko siyang manliligaw… hindi ka magagalit?” diretsahan kong tanong.
Hininto na naman niya ang kotse at hinarap ako.
“MR. CABRERA… Seryoso ka ba?” Mr. Cabrera ang tawag niya sa
akin kapag galit siya kaya naman medyo na-tense na ako.
“Halika nga dito boss…”
hinila ko ang mukha niya at muli siyang hinalikan. Hindi naman siya
nanlaban pero blangko lang ang reaksyon ng mukha niya. “Mr. Wesley del Rosario…
Boss… Kung ano man yung sa amin ng kaibigan ko eh wala yun. Kaibigan ko lang
siya! Clear… At yan ba namang gwapo mo na yan eh na-iinsecure ka pa!?”
Pinapak ko siya ng smack sa palibot ng mukha mula noo,
pisngi, ilong, labi hanggang baba… Medyo napatawa ko naman siya dun kaya
nakahinga ako ng malalim.
“ Oh heto ang promise ko Boss… ipapakilala kita kay Jerek,
yung tinutukoy ko na friend, para naman mawala na lahat yang pagdududa mo!
Okay! For now, go na tayo sa office.” sabi ko.
Mukhang na-convince ko naman si Wesley kaya the whole day ay
sweet naman siya sa akin. Kinagabihan ay tinawagan ko si Jerek. I ask him kung
libre ba siya para maipakilala ko siya kay Wesley. Good timing naman at pwede
daw ito kaya sinundo na lang naming siya sa hotel.
And the dusk came, inayos ko na ang office ko at magkasama
na kami ni Wesley papunta sa hotel ni Jerek. Tahimik lang ako na nakasakay sa
kotse habang on the way kami. Lutang
lang… ang dami ko kasing nai-imagine na mangyayari.
Nakaupo kami sa isang restaurant ni Wesley. Palihim kaming
magkahawak ng kamay sa ilalim ng lamesa dahil nahihiya din naman ako sa mga
tao. Nasa ganun kaming pagkukulitan ng dumating si Jerek. Tumayo ako para
batiin ito. Tumayo din naman si Wesley bilang paggalang. Paglapit ni Jerek ay
niyakap ako nito imber na ordinaryong kamayan lang… hindi ko na napansin na
bigla itong sinuntok ni Wesley… Ayyy, nagjombagan ang mga boylet!!! Nakakaloka!
Oooppsss… Praktis lang! Hindi ko na namalayan na nakatulog
na pala ako. Panaginip lang pala yun. Ang tanong, panaginip nga lang ba o
babala para sa akin? Haaay, kung anu-ano naman kasi yang naiisip ko. Basta
casual lang dapat. Dapat maipakita ko kay Wesley na siya lang ang only one ko
at si Jerek eh matalik ko lang talagang kaibigan… Right?
So finally, nakarating na kami sa Hotel para sunduin si
Jerek. Nasa lobby na ito that time, I texted him kasi na malapit na kami kaya
baka nag-abang na siya. Nung magkakaharap na kaming tatlo ay parang may dumaan
na anghel… tahimik bigla! I break the silence by introducing them to each
other.
“Ahhmmm… Boss Wesley, this is Jerek my friend from Singapore
and Jerek this is Wesley, my…” hindi pa ako tapos magsalita ay pinutol ako agad
ni Boss.
“I’m Wesley, his partner, boyfriend… and soon to be
husband.” Sabay abot ng kaniyang kamay para makipag-hand shake.
Pasimple ko namang siniko si Boss…. Nakakawindang naman
kasi! Soon to be husband daw? Try niya kayang magwelga mag-isa sa Senado! Saan
naman kami papakasal, sa dagat? Pero aminado ako na nakaka-dalaga yung mga
sinabi niya ha!
“Hi, I’m Jerek Yang… Tim’s long time friend, super special
friend.” May kakaibang dating ang pagkakasabi nito. Para bang nakikipagyabangan
na ewan.
“Ehheem, eheemmm… I think we should go now? Hindi ba
Wesley?” sabay hatak ko sa kaniya.
“Eh ang yabang naman pala nitong chekwa na to!” bulong niya
naman sa akin.
“What do you mean? Yabang?” tanong ni Jerek.
“Ahmm… nothing. He was just kidding… Let’s go… Our
reservation is waiting!” pag-aaya ko sa dalawa.
Hindi pa diyan natatapos ang pagpapaka- girl ko teh!
Hanggang sa parking lot eh pasimpleng nag-iiringan ang dalawa. Mag-unahan ba
naman sa pagbukas ng pinto ng kotse? Well they left me with no choice. Aba, ang
ginawa ko eh sila na lang pinagtabi ko sa harap at ako ang umupo dun sa likod…
Eh di solb!
Well, ok naman ang naging group date namin, para nga lang
laging may tug of war yung dalawa at ako ang lubid! But I think I served my
purpose. Napakita ko naman kay Wesley na wala naman talagang anything sa amin
ni Jerek. Naawa nga lang ako dun sa isa dahil sa binasted ko na nga, parang
napamukha ko pa sa kaniya na happy ako na hindi siya ang pinili ko… siguro
maiintindihan naman din yun.
It was a long night kaya naman nagpaalam na kami kay Jerek. Happy
naman ako at behave yung dalawa kahit papano. Naiwasan din ang pagdanak ng
dugo.LOL!
While we are driving home. Bigla na lang akong nagulat kay
Wesley.
“Boss, sa bahay tayo dumirecho!?” pagbasag niya sa
katahimikan.
“Huh? Bakit naman? May sarili naman akong bahay.” Sagot ko…
pero that time nase-sense ko na kung anong ibig niyang sabihin… Salbaheng bata!
“Wala lang, para mas mahaba yung bonding natin. Kasi kapag
sa opisina, puro tayo work. Pag nandun naman ako sa inyo, limitado yung galaw
ko. Ayoko atang umuwing kulang ang daliri dahil sa tapang ng mama mo. Gusto ko naman sana yung tayo lang dalawa.” Paliwanag niya habang nakatitig sa akin.
“Hoy Mr. del Rosario! I can read your mind, at alam ko yang
mga titig na yan. Bumenta na yan.”
“Bakit? Hindi mo ba ko love?” paglalambing niya.
“Love! Pero hindi naman ganun ganun lang yun. Kapag hindi
ako umuwi… what will Mom say? At kapag nagreact si Mom domino effect na yan.
Pati mga Kuya kong barbaric eh makiki-issue na! Hindi mo naman siguro gusto
mangyari yun? At ikaw… what if may makakita sa’yo na iuuwi mo ko sa bahay mo?
Ano yun, nakitulog lang?” paliwanag ko.
And there he goes again… Kita ko na naman ang trademark
niyang pa-cute na mukha kaya naman binigyan ko na lang siya ng bonggang
bonggang kiss! Aba si loko, nagtake advantage at nagpaka-torrid pa! Hindi ko na
lang masyadong i-eexplain kasi baka ma-MTRCB tayo! hehehe…
“Basta, lagi mong iisipin Boss na lahat lahat, itataya ko
para sa’yo. Just be patient ha! Lalo na yang si Jun Jun.” sabay nguso ko sa
kaniyang harapan (dun sa teeeeteee…) “Wag ka maiinip ha! Promise mo sa akin!”
“Promise!” at muli niya akong hinalikan.
Natigil ang paglalakbay naming sa seventh heaven ng biglang
mag-ring ang phone ni Wesley. Parang disoriented ang mukha niya ng mabasa sa
screen kung sino ang tumawag. Agad itong bumaba sa kotse at sinagot ang tawag.
Lumayo siya kaya hindi ko narinig kung ano ang pinag-uusapan nila. Nang
tanungin ko naman siya kung sino… maikling “wala” lang ang sagot niya. Well,
hindi naman kasi ako mausisa pagdating sa cellphone niya kaya dedma na lang.
Kinabukasan, ready na ako para pumasok. Hinihintay ko na
lang si Wesley dahil lagi naman siya dumarating ng ganoong oras… 15 minutes, 30
minutes… 1 hour… hinintay ko sya ng ganoon katagal. Pero ni “ha” ni “ho” wala
akong narinig sa kaniya. Walang Wesley na dumating…
(ITUTULOY)
josh says :) ,
ReplyDelete1. once again mr. author TENKYU sa mabilis na updates... i LOVE you nah (meganon?).. hehehe
#pero honestly poh, i super LIKE your story...kasi, nandun yung kilig at emotions,,, pero hndi ako naiiyak (para for a change naman. kasi grabeh ang iyak ko sa BREAK SHOT..as in, kasalanan ito ng chap 11 at 12 )... parang lumuwag yung pakiramdam ko after reading your story :)
loe it love it love it... :)NEXT NA PLSS (demanding?)
talaga?I never thought I can nrought up so much emotion? Baka kasi naipon ko ng super tagal kaya naglabasan lahat ngayon... hehehe!
DeleteBukas naman yung susunod! hehe :)
parang alam ko na ang mangyayari naku bubuhos na naman ang mga damdamin... jusmiyo ihahanda ko na ang maraming tissue wahahahaha... hindi sa luha ang tissue ah para sa uhog kac may cpon ako wahahaha... nice story gudjob sana tuloy tuloy na update...
ReplyDelete"LHG"
AH, yung susunod... darating yung kontrabida, papatayin niya yung bida tapos male-late yung mga pulis....hahaha!
DeleteJoke lang! Kayo, ano bang bet niyo manyari sa susunod?
I'm rooting for Jerek!
ReplyDeleteBias ako sa mga may Kpop looks kasi. Hahahahaha!
Nice job teh!
Sa'yo na si Jerek! joke! I can share te!
Deletedami kong kilig!
ReplyDeletesuperlike ko tlga stories mo..
salamat sa mabilis na update :)
<07>
Pakibilang na lang yung kilig mo... hehehe!
DeleteParang crying time n nman ang kasunod..
ReplyDelete