Followers

Wednesday, May 16, 2012

My Wooden Heart Part 3



DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are eitherproduct of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead is entirely coincidental.

AUTHOR's NOTE:
Tuloy tuloy lang po ang kwento natin, Medyo maluwag pa kasi ang schedule ko ngayon... Muli maraming salamat sa mga nagbasa at nagustuhan ito.Other than that, gusto ko sanang hingin ang patuloy niyong suporta sa youtube channel ko. Please subscribe to my channel http://www.youtube.com/timclarify . The videos that I use on my posts are my personal song covers. But just to clear things up... me and our main character TIM are two different persons, it's just that the songs that I did before are very relative to the story.


Another thing... Pa-help naman po... we just need your (FB) "likes". Just open this link and like the photo... https://www.facebook.com/photo.php?fbid=290859947673958&set=a.290859227674030.64535.290854051007881&type=1&theater


Enjoy reading!


=============================================================================






Madaling mauto ang nagmamahal… ingat ka lang kasi nakakasanay.”

“Wo Ai Ni… in English… I Love You?”


Meganon!?

Ano naman kayang pumasok sa isip nong si chekwa at sinabihan ako ng I love you kanina? Mahirap na talaga siguro ang panahon ngayon at pati eyesight ng mga taga-Singapore eh naapektuhan? Sa dinami dami pa naman ng tao e sa akin pa mahuhumaling si Jerek? Well… hayaan mo na nga… sabi nga nila, walang basagan ng trip!

Nasa ganon akong pag-iisip nang bigla naman may nag-send sa akin ng PM (personal message). Aba! Speaking of the super hot devil, si Jerek pala to! Online si loko… nakaramdam ata?


April 12 9:00PM

JEREK: Hi Tim, I just wanted to say goodnight

ME: Oh! Likewise… do you mind me asking you something?


Siyempre naman hindi na ko nakapagpigil pa. Hindi kasi ako yung tipong paliguy ligoy pa. Gusto ko straight to the point! Ganun din naman yun di ba? Kaya naman tinanong ko na si Jerek kung ano beh?


APRIL 12 9:02PM

JEREK: Nope! What is it dear?

ME: What do you mean when you told me ‘wo ai ni’ this morning?

JEREK: Ahmmm that!? Are you mad?

ME: Hmm, how can I be mad with something that I don’t know… so tell me, what do you mean about it?

JEREK: Well, I like you! I hope we could be really close. But if you prefer us to be friends for the mean time, it’s fine with me.


WAAAHHH! Haba naman bigla ng hair ko! Ingat lang mga kapatid, baka maapakan niyo! Lord, ito na ba ang bunga ng paghihintay ko ng 25 super duper long years? Kung magkaganun man… deserve ko to! DESERVE na DESERVE ko to! Siyempre pinagpatuloy ko ang paglalandi este pakikipag usap kay Papa Jerek.


April 12 9:20 PM

ME: Umm… I think it’s better for us to know each other first. Like, we’ve just known each other a few hours ago.

JEREK: Me too… I’m not in a rush! I want us to be friends and get to know more about you. Btw, is your video call settings on?

ME: Yes?! Why?


Aba si mokong, kakasagot ko pa lang eh biglang tumawag… Thanks to the power of technology at pagsasanib pwersa ng FB at Skype! LOL… Endorsement lang? Well, so eto na… This is it! Makikita ko na kung totoo bang tao itong si Jerek Yang na to. Bilis!!! At pinindot ko na nga ang answer button. In fairness… bongga pala tong video call service ng internet ha!

Lumabas na nga ang maliit na window sa monitor ng laptop. Medyo madilim noong una hanggang sa lumiwanag at unti-unti ko syang nakita. Ganon din naman ang itsura niya katulad sa kaniyang profile picture. Mukhang K-POP star, singkit at mapungay ang mata, maputi, mapula ang labi at rosy din ang pisngi. Kung hindi nga siya gumagalaw eh aakalain mong anime lang. Hehehehe! Pero cute talaga siya!

Agad ko din naman binuksan ang webcam ko. Buti na lang kakaligo ko lang at mukhang fresh ang beauty ko. LOL! At nagsimula na nga kaming mag-usap.



“Hi!” pagbungad ko.

“Hello! You look lovely on camera.” Sagot naman niya na mukhang nahihiya pa.

“Oh stop it, I know you’re just being nice!”

“No… I’m not giving you compliments, I’m stating a fact!” seryoso niyang sagot.

“Well, thank you!” at binigyan ko naman siya ng bonggang bonggang ngiti. “By the way, how come you’re very good in English?” pahabol ko.

“Actually, I grew up in the States. But when my dad died I have to move back here in Singapore to live with my mom.”

“Oh I see… sorry about that!”


At matagal tagal din kaming nakapag-kwentuhan. Nalaman ko na marami kaming pagkakapareho ni Jerek. We’re both youngest in the family. Kasama niya din ang mama niya sa bahay at bukod siyan pareho din kaming mahilig sa music. Sinampolan niya pa nga ko ng isang Chinese na kanta. Hindi ko man naintindihan eh ok naman ang boses niya. Lalaking lalaki ang tunog kaya naman kinilig din ako! Aba, si loko pina-sample din ako. Bilang first time namin mag-usap eh pinagbigyan ko na din siya. Kinantahan ko siya ng Para Sa’Yo ni Manny Pacquiao… weird noh? Eh sa yun yung unang pumasok sa isip ko. Gantihan lang kasi naman hindi ko naintindihan kanta niya… e di pahirapan ko din siyang umintindi ng Tagalog… Hahaha!


In general, ok naman ang naging pag-uusap namin. I thought he’s nice. Very friendly and polite, mukha din naman sincere siya. But of course, I didn’t gave him false hope or whatever. Naisip ko din naman kasing imposible yung sinasabi niya. Wala sa plano kong makipag-long distance relationship. But in spirit of hospitality and friendliness eh kinaibigan ko na din si Jerek.

Mga bandang alas onse ng gabi ng nagpaalaman kami. Naalala ko kasing papasok na ako sa opisina araw araw para i-train si Wesley. I then turned on my alarm clock para magising ako on time at direcho na sa pagtulog.

Kinaumagahan, mga 5AM, nagising ako para magprepare sa pagpasok. Medyo late na kasi matagal akong maligo at mag-ayos ng sarili kaya naman hindi na ako kumain ng breakfast. Nakakahiya naman kasi kung sakaling dumating nga si Boss Wesley gaya ng sinabi niya kagabi. So, I fixed myself as fast as I could. By 6:30 prepared na ako… actually, iniisip ko na mauna na lang sa pagpasok pero saktong paglabas ko ng pinto ay may bumusinang kotse sa harap ng bahay… KORAK! Si Boss Wesley nga!


“ Sakay na!” sigaw niya.

Sino ka, si Ate Shawie… Super Ferry lang?” biro ko naman.

“Ikaw talaga… ang dami mong baon na joke!” sabay ngiti niya sa akin… o baka assuming lang ako?


At agad na nga akong sumakay sa kotse niya. Ewan ko lang kung may ibig sabihin ang lahat pero parang talagang pinaghandaan niya ang pagsundo sa akin. May dalawang French vanilla coffe sa cup holder niya plus may cinnamon bread sticks pa. Agad naman niya inalok yun sa akin at tuloy lang ang biyahe namin.

Ayos naman ang lahat. Astig nga sounds ng oto niya na hindi ko napansin noong gabi. Hindi naman kasi siya nagbukas ng music last night… well, bet ko yung mga choices niya ha! Jason Mraz, Amy Winehouse, Fiona Apple, John Mayer… mga paborito ko kaya naman napapakanta din ako. Napansin niya naman na napapasabay ako sa tugtog kaya bigla niyang pinatay at tumingin sa akin habang nakangisi.


“Oh bakit ganyan tingin mo sa akin boss?” tanong ko.

“Galing mo palang kumanta ha… ikaw na lang music ko!”

“Baliwag ka talaga… on mo na lang Boss!” palusot ko dahil sa medyo nahihiya na ko.

“Sige na boss… mas maganda boses mo eh!” pangugulit niya.

“Eiee… nahihiya ako! Sige na ako na magbubukas…!”


Habang akmang ibubukas ko ang audio set niya eh nagkasabay ang mga kamay namin. Very teleserye-like pero yun ang nangyari eh! Parang eksena sa mga pelikula… hindi ko nga ma-take! Kaya binawi ko na lang ang kamay ko at iniba ang topic.


“So… mahilig ka pala sa mga jazz type na music?” habang nakatingin ako sa labas ng salamin ng kotse.

“Medyo!” tuloy lang siya sa pagda-drive ng sasakyan.


Bigla na lang kaming natahimik hanggang sa makarating kami sa studio. Business as usual. Tinuruan ko siya ng mga pasikot sikot sa operations namin from taping hanggang editing. Mga bandang hapon naman ay inutusan ako ni Direk na pumuntang recording studio sa ground floor para kunin ang sound clips na kakailanganin for editing. Hinahanap ko si Wesley that time para masama siya at matuloy namin ang kaniyang training pero dahil sa hindi ko siya makita ay tumuloy na lang ako mag-isa.

Pagbaba ko sa recording booth ay madilim. Ako na lang ang nagbukas ng ilaw para hanapin ang pinapakuha sa aking CD ni direk. Laking gulat ko naman ng pagbukas ko ng ilaw ay nakaupo sa loob si Wesley.


“Ayyy gagamba!!! Ano ba yan Boss… ikaw lang pala yan!” gulat kong nasabi.

“Hahaha… OA ka naman maka-react! Para kang nakakita ng multo!” hindi niya naman mapigil ang pagtawa sa naging reaksyon ko.

“Kapag nagulat multo agad? Hindi ba pwedeng magnanakaw muna? Eh ano nga palang ginagawa mo dito? Hinahanap kita kanina!”

“Ah… eh… inayos ko yung recording booth, meron kasing magrerecording ngayon.” Paliwanag niya

“I see, sino?” pag-usisa ko.

“Ikaw!” mabilis niyang sinabi.

“HA! Ikaw boss puro ka biro… Oh sige akyat na ko! Galingan mo dyan!”


Paalis na dapat ako ng hawakan niya ang aking kamay at pilit na hinila papasok ng booth. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak na parang nakakapanghina. Mainit ang kaniyang palad kahit na todo ang bukas ng aircon. Malambot din ito dahil na nga siguro anak mayaman.


“Ui, boss ano ba talaga to?” tanong ko kay Wesley na may halong pagkalito kung ano ba talaga ang nangyayari.

“Well, dahil sa hindi mo ko pinagbigyan kanina sa kotse eh dito mo na lang ako kakantahan… ok!”

“Hindi ok! I have work to do… Actually, we have work to do!” palusot ko.


Sinubukan ko ulit mag-walk out nang bigla niya akong hinila at napatumba. Awkward moment na naman dahil sa nasalo niya ako na para ba kaming nagsasayaw ng tango. Agad din naman niya akong itinayo.


“Ayan kasi, pagbigyan mo na ko boss!” pangungulit ni Wesley.

“Haaay naku, spoiled brat ka talaga boss… oh siya para matapos na to… GO! Bilisan lang natin at hinihintay ako ni Direk!” sambit ko naman na may halong konting inis.

“Yehey!!! Ano bang gusto mong kantahin boss?” tanong niya.

“Kahit ano… bilisan lang natin.”


Nagulat din ako kay Wesley that time dahil ang dami niya palang alam! Sabagay, tapos na nga pala siya ng Communication at second course niya na ang pinag-aaralan ngayon. That time, he entered the control room at sinenyasan ako na sisimulan na namin ang recording. Siya na ang pinapili ko ng kanta. Medyo madami din naman akong alam kaya keri lang. He chose the song “I’ll be” by Edwin McCain. Dahil sa kabisado ko naman eh tuloy lang ang pagkanta ko.




“Oh ayan, happy ka na ba boss?” tanong ko na medyo mataas ang tono ng boses.

“Oo naman… galing mo pala talaga Boss! All around!” Para siyang bata na nakakuha ng premyo sa paboritong chichirya.


Dali dali naman akong umakyat sa 2nd floor at iniwan si Wesley sa recording studio habang nagmi-mix pa siya ng nirecord naming kanta. Pagkatapos kung ibigay kay Direk ang CD, laking gulat ko ng hilahin ako ni Odie sa aking opisina.



“Oh Odie… bakit te? Para kang baklang di mapakali dyan…” tanong ko.

“Saan ka galing dengs !? Bakit ang tagal mo?” pag-usisa niya.

“Sa baba, sa recording… bakit?”

“Eh bakit ang tagal mo? Anong ginawa mo? Sinong kasama mo? May nangyari ba?” tuloy tuloy niyang tinanong sa akin…

“Ano to Odz, THE BUZZ?... Tell all interview ang peg.  Well, nagpunta po ako dun para kunin yung pinakisuyo ni Direk. Kasama ko si Boss Wesley, at si mokong pinilit akong magrecording kaya napasabak ako sa kantahan! Ok? Malinaw na ba? Eh sandali ano bang meron?” tanong ko rin sa kaniya!

“Sigurado ka bang mic lang sa booth ang ginamit mo? Wala nang iba?” panunukso niya

“Gagsy! Are you trying to insinuate something?”

“Hoy ikaw Tim, atin atin na lang to pero ingat ka dyan kay Boss Wesley… balita ko, may pagka-loko loko yan. Kwento kasi ng friend ko sa main office, madalas yan makipag-close sa mga empleyado na sa tingin niya eh ikaaasar ng papa niya. Rebelde daw kasi yan kaya nanggagamit siya ng mga tao na para mabwiset si Big Boss!” pabulong na kwento ni Odie.


Panandalian akong natahimik habang nag-iisip ng sasabihin. Aminin kong nagulat ako sa sinabi ni Odie. May halong inis din dahil sa posibilidad na baka mabiktima ako ni Wesley. But I remained calm.



“ Well… if that’s the case, sorry siya te! Hindi ko siya bet! Tsaka, purely professional ang samahan namin. Nothing to worry about! Thanks sa warning ha!” pagmamatigas ko.


Nasa ganon kaming kwentuhan ng bigla namang pumasok sa office si Wesley. Umarte naman kami ni Odie na parang wala lang. Nginitian ko naman si Wesley trying to be as normal as I can matapos ng mga nalaman ko.

Lumabas na si Odie ng opisina habang ako naman eh umupo na sa table ko. Si Wesley naman ay umupo na rin sa mini sofa na pinalagay ko sa office habang ngumingiti ngiti at ipinapakita sa akin ang CD ng nirecord namin.

Tahimik lang ako… nag-iisip. Kahit na sinabi ko kay Odie na wala siyang dapat ikabahala, hindi ko naman maiwasang isipin kung ano nga ba ang tumatakbo sa utak ni Wesley? Paano kung totoo nga na balak niya kong gamitin para sa personal niyang interes?

(Itutuloy)

12 comments:

  1. dont assume agad na ganyan nga si wesly... and besides ngayun mo lang sya nakilala and dont be so judgemental sa mga pasabi ng iba unless na napatunayan mo na totoo.. tim dapat magingat na lang u para iwas gulo...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well, medyo magulo kasi ang character ni Tim. Hindi niya maiwasan na humanga sa mga lalake pero pinipili niyang huwag palalimin yung nararamdaman niya dahil takot siyang ma-in love. Naniniwala kasi siyang hindi naman yun tatagal at sa huli siya ang talo. Kaya pinatay niya na lang ang puso niya.

      Ngayon nalaman niya yung tungkol kay Wesley, parang napapatunayan niya sa sarili niya na totoong wala naman seryosong magkakagusto sa kanya.

      Delete
  2. Ayan na si conflict! Patay tayo diyan. Hehehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ganyan talaga ang buhay... please continue your support, as soon as matapos ko yung mga susunod na chapters ay i-popost ko agad :)

      Delete
  3. hehehe conflict lng naman ang nakakapag patalbog ng puso ko sa tuwa at sa galit wahahaha.... sana may sunod ng chapter boss... ^^

    "LHG"

    ReplyDelete
  4. i can relate

    reyan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganda mo kung ganon... pinag-aagawan ka din ng dalawang boylet?

      Delete
  5. ganda ng story, masarap subaybayan..

    keep it up!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anong lasa? choz... salamat naman at na-eenjoy niyo!

      Delete
  6. Nakaka enjoy at nakakawala ng stress pag kagaling sa work basa mode agad..

    -Arvin-

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails