Followers

Sunday, May 13, 2012

My Wooden Heart




1. Ang taong in love, parang may LBM… ano mang pigil ang gagawin mo lalabas at lalabas din… minsan maamoy pa!

2. Kapag nagmahal ka… para ka lang nagsanla, may interes!

3. Wag ka masyadong seryoso sa pag-ibig… ang mga seryoso sa ICU ang diretso!

4. Masarap daw umibig… parang paborito mong ulam, wag lang sana abutin ng pagkapanis.

5. Ang pag-ibig parang bingo, kahit isang numero na lang ang kulang, minsan natatalo pa!

6.       Madaling mauto ang nagmamahal… ingat ka lang kasi nakakasanay.

7.       Kapag broken hearted ka, tiisin mo, nag-enjoy ka din naman!

8.       Hindi madaling ma-in love, magastos! Magnegosyo ka na lang!

9.       Kung hindi ka handang mabaliw, wag ka na lang sumugal sa pag-ibig

10.   Ang pag-ibig parang ipis, akala mo patay na… yun pala buhay pa!



Yan ang 10 commandments of love na binuo ko. Marami nga ang nawi-wierduhan dahil never pa naman ako na-in love. Let’s just say, never been kissed, never been touch ang level ko. Late bloomer na nga akong maituturing. I actually just turned 25. Pero kung nagtataka kayo kung paano ko nagawa ang 10 commandments ko… simple lang. Dahil sa mga nakita at napanood kong love stories na lahat eh sa hiwalayan lang din naman ang punta! And just to make things clear… if you are looking for a romantic love story to read, mabuti pang itigil niyo na lang ang pagbabasa… THIS IS NOT A LOVE STORY! Kwento ito ng realidad… kung hindi niyo matanggap, eh di sorry!

By the way, I’m Timothy pero tawagin niyo na lang akong Tim. Now, I work as a writer for a cable TV show. Simple lang ako… hindi ako katulad ng mga nagta-trabaho sa mga network na daig pa ang mga artista kung makaporma. Hindi naman kasi ako lumaki sa magarbong pamumuhay. Sabihin na nating, sakto lang… hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap. OFW kasi si Dad kaya kahit papano eh maayos naman kaming namuhay.

When it comes to looks, I’m honest to say that I’m not the “head turner” type. Sapat lang ba! Moreno, katamtaman ang height at katawan, pero ang sabi ng iba konting ayos lang eh matatalbugan ko din ang mga artista sa network namin. Siyempre hindi naman ako naniniwala… alam mo naman sa showbiz, madaming plastic! But one thing that makes me exceptional among others is that I’m comfortable with what I am… kung paano ako manamit, kung ano ang hitsura ko… kung ano ako! By that, many people like me.

And speaking of being comfortable, hindi ko rin ikinahihiya na isa akong gay… not bi! Hindi naman kasi ako kasing ipokrito ng iba na nagkukunwari pang bisexual kahit since nag-out naman sila eh puro lalaki lang ang pinatulan nila. 5 years old pa lang ako ay tanggap na ng mga pamilya kong hindi ako straight na lalake. In fact, they took care of me as if I’m a girl. Alagang alaga lalo na’t bunso ako ng pamilya. Pero hindi rin naman ako diva o drag queen type dahil puro lalake ang mga kapatid ko… I’m the type of gay na astig pa rin kung pumorma… mas gwapo pa nga ata arrive ko sa mga kuya ko!

So that’s all about me… tipikal pero weird… kung hindi niyo ma-gets, wag niyo na ipilit. Mababaliw lang kayo.

Anyways, I grew up in a way that my parents are in control of my life. Mataas ang respeto ko sa kanila kaya naman lahat ng gagawin ko ay iniisip ko muna kung magugustuhan ba nila ito. I can say, very family oriented ang lahat ng bagay tungkol sa akin. Actually, up to now, I live with my mom dahil na rin sa naging dependent ako sa kaniya from washing my own clothes, cooking my food hanggang sa pagbibigay ng payo kung ano ba dapat kong gawin.

With that set-up, madalas ay inaasar ako ng mga kaibigan ko na para na nga daw akong dalaga. Kahit kasi saan kami magpunta ay nagpapaalam muna ako kay Mommy. Maniniwala ba kayo na never pa akong nakapunta sa mga bar para gumimik dahil sa ayokong mag-alala ang nanay ko. Ganoon din ang nangyari sa pagpili ko ng trabaho dahil ayaw nila akong mag-full time sa mga malalaking TV network kaya nagkasya na lang akong mag-home based job at sumulat ng mga script sa isang cable TV show. Pumupunta na lang ako sa office kapag may taping o di kaya may meetings. Manang na manang di ba!

Hindi ko na itatanggi na inosente ako sa maraming bagay. Inosente sa totoong buhay, inosente sa night life, inosente sa pag-ibig… inosente sa sex! Well, technically ay hindi naman 100% innocent but if you think of it, wala talaga akong experience sa mga karanasang dapat na napagdaanan na ng mga nasa edad ko.

But there is one thing na handa akong suwayin ang magulang ko para maranasan ay ang magmahal! Hindi naman ako alien para hindi magwish na masubukang ma-in love kahit minsan lang. In fact, if I’ll die tomorrow, ngayon na ngayon eh hahanap ako ng lalake na makakapagpatibok ng puso ko para lang bago ako ma-tegi e naranasan ko naman yung feeling na may nagmamahal.

Baliw baliwan nga lang ako dahil kahit minsan meron na mga nagpaparamdam, dinedema ko! Ewan ko ba, siguro dahil hindi ako ready. Iniisip ko kasi kung paano ipapakilala sa mga magulang ko… sa mga kuya ko na tingin pa lang eh pumapatay na. Well, siguro naman eh matatanggap din nila eventually kung magdadala ako ng lalake sa bahay… ngayon ko lang nga na-realize… I’m not single because I’m  neither prepared to be committed nor it was a personal choice… single ako hanggang ngayon dahil duwag ako. Takot akong magmahal… takot ako na masaktan… ganun naman kasi ang lovelife ng mga homosexuals di ba? Walang tumatagal, puro panandalian lang… ayoko ng ganun!

Kaya naman heto, I live the life that I know “love exist” but not in my weird and wicked world. Siguro kung ako yung natanong ng question ni Venus Raj sa Miss Universe na if there is one biggest mistake that I ever did in the past… ang isasagot ko, “The bigget mistake that I did in the past is that I believed in Disney movies’ happily ever after endings!”  Hindi naman kasi totoo yun. And I admit… isa akong malaking coffee bean, as in BITTER!

So if you’ll ask me how to live in the life of Tim? Well simple lang. Gigising sa umaga, kakain ng breakfast, magtatrabaho… kakain, ulit trabaho tapos tulog… gising ulit blah blah blah! Ano ba naman kasi magagawa ko? Kahit chatmate nga wala ako? And speaking of chatmate… may nag-PM!

April 12 1:00PM

Jerek:  “TFTA!”

Hala! Sino to? At hindi siya Pinoy kasi sa nasa Singapore siya… In fairness, pang  Asianovela ang hitsura! Maputi, KPOP ang style ng buhok, matangkad, chinito at halatang hindi Pilipino. Jerek Yang ang pangalan from Singapore, 27 years old… bukod dyan wala na kong masagap na info. Lumalabas tuloy ang pagiging stalker ko. Siyempre in spirit of friendliness and goodwill eh sinagot ko din naman ang message niya.

April 12 1:15 PM
Tim: Welcome! I just wonder, do we know each other?

Oh di ba, bukod sa di ko kilala mga ina-add ko sa FB, ang tagal ko pa magcomment back... Eh paano ba naman ginoggle ko pa kung ano yung “TFTA.” Sorry but I don’t chat that often and I hate net terms, nakakahilo! At ayan, sumagot agad si chekwa!



April 12 1:15 PM
Jerek: No, we haven’t met yet but I saw your videos on Youtube. I love your voice. That’s why I searched for you here on Facebook.

Tim: Oh, really? Thanks! I really don’t sing professionally. It’s just my hobby.

Jerek: You should consider singing… you are actually magaling!

Tim: You know how to speak Tagalog? How come?

Jerek: Ahmm, I teach piano lessons here on Singapore. Many of my students are Filipinos and I learn just a little from them.

Tim: Interesting, so what else do you know?

Jerek: Like, maganda ka! and mahal kita!

Tim: You’re good ha! Magaling… I can teach you more next time. But for now I have to go, I'm running late for work. :(

Jerek: Aww… okay! I really hope we could talk more often… I want you… to be my friend!

ABA! Sandali… “I want you!” ka dyan! Haaaaay… hihimatayin ata ako Lord! Hindi na ko magpapaka-plastik pa ha… kinikilig ako! Ang gwapo naman kasi eh. By the way, hobby ko din kasi ang mag-upload ng videos sa Youtube... kanta kanta lang panlabas ng stress.

Sandali... anong isasagot ko? Siyempre pa-Kim Chiu effect muna ko kasi unang beses lang namin mag-usap. Hooy! Tim sagot na dale!


April 12 2:00PM
Tim: Oh sure, we will! I’m glad to meet you:)

Jerek: Me too :) Ok you go now! Wo Ai Ni! Bye!


“Wo ai ni?!” Ano yun? Loko yun ha! Ma-google nga mamaya sa office!


(To be continued)


===========================================================================


Disclaimer: This is a work of fiction. Names, character, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead is entirely coincidental.


Author's Note:
Sa lahat po ng mga nakagusto sa unang yugto ng kwento, pakiabangan lang ang susunod na bahagi. I'll post updates kapag may free time. And if you may, please check out and subscribe to my youtube channel... http://www.youtube.com/timclarify
MARAMING SALAMAT!!!

8 comments:

  1. where's the next page???? i think this story will be super awesome... my gawd!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'll be posting updates every Sundays... I'm glad that you like it. Please do check out and subscribe to my youtube channel as well... www.youtube.com/timclarify :)

      Delete
  2. i love it...

    Reyan

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat reyan! check out my updates... salamat sa suporta!

      Delete
  3. Like it..

    Nkarelate nman ako sa unang makipag chat..haha natagalan din ako mag reply sa kachat nitong nakaraang araw lng kasi ikaw b naman tanungin ako agad mkipagkiita at mkipag sex haha cnu hindi kakabahan eh first time ko lng makipag chat..

    Wala lng nkarelate lng haha

    -Arvin-

    ReplyDelete
  4. hay umpisa palang natatawa na ako sa ten com na gawa mo hehehee.... at na ka ralate din akon sa story kasi ganon taga ako as in ganon.....hahahha kaya na pa isip ko,ako ba sa character na to ibang ngalang ang work...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails