Followers

Wednesday, May 9, 2012

Break Shot Chapter 11 (Admin Andrey's Story)


...maraming salamat po muna sa mga nagcomment sa last post ko dito sa MSOB. I was really happy and flattered na mabasa ang comment niyo, kahit ang isa ay nag-express ng hate. hehehe. 

Special Mention ko po yung comment ni NICO. I feel happy and proud po na i nagawa mong mag-comment dahil sa story ko. Actually, you're comment gave me a new inspiration dahil i was feeling down that time. But after reading your comment, i realized i should keep writing dahil may mga silent readers talaga. I'm really, really happy po na you appreciate the story. You can't compare this to AKKNB really, kasi daebak yun...hehe...ibang level na si kuya mike. First ever story ko po ang Break Shot, but hearing from you na medyo 'lumapit' sa AKKNB, napakasaya ko po. I'm happy that i triggered your emotions, enough para magcomment ka. Hoping to hear more from you po!

At kay carl_8 naman na, hinahangaan ko din ang English. I'll give you a hug po (kahit ayaw mo) dahil parang ikaw lang ang nakaintindi saakin. Nyahaha. I was indeed frail that time, at mahal ko naman talaga si kuya liam. Ay, don't apologize sa mahaba mong comment, i really like it nga eh! Keep more coming! hehehe. Thank you po and i'm more than happy na nagustuhan mo din ang kwento. 

Thanks alot!At kay AR, na talagang binalik-balikan yung post ko para magcomment na hate niya si Andrey, hmmp. Okay lang po yun! Salamat sa atensyon mo....hehe....kay yamiverde din, i understand why you're angry... : )

At sa iba pang nagcomment, I love you all!!! : D



You might as well want to listen to this song while reading to ADD emotional effect. (Meganon?)







Nang pumasok ako sa bahay, sinalubong ako ng worried face ni mama. Bakit si mama lang? Dahil si papa'y nagliliyab ang mga mata habang nakatingin saakin.



"Matutulog na po ako..." i tried not to cry in front of them.



"Matutulog? Umaga na ah!" Tumayo si papa at lumapit saakin. "Wala ka na ba talagang galang samin ni Mama mo? Ha?!"



Dire-diretso naman ako sa kwarto at hindi siya pinansin. I locked the door and threw myself on the bed. Habang galit na kumakatok si papa sa pinto, iyak naman ako ng iyak sa kwarto. I was trembling as i recollect the words that kuya Liam said to me. Ngunit ang nangingibaw saakin ay ang takot na baka hindi na ako patawarin ni Kuya sa aking nagawa. If only he would listen to my explanation.



Ang sakit sakit ng nararamdaman ko as i bury my face on the pillows. Ayokong mawala saakin si Kuya Liam. He's all that matters now...I can't afford losing him. He has done too many good things for me...pero in return, lagi ko naman siyang sinasaktan. Parang mabibiyak ang puso ko. Gusto ko siya makita...gusto ko mag-sorry ng paulit-ulit. Gusto kong malaman niyang ayaw ko na nagagalit siya sakin...na para akong pinapatay kapag galit siya sakin...Ngunit ang tangi kong narinig ay ang mahihinang hikbi na bumalot sa aking silid.



At muling nakipaglaro ang tadhana saakin.



Lunes, pumunta ako ng maaga sa paaralan para makausap ko si Kuya Liam. Ngunit wala pa siya pagdating ko. nang pumasok siya sa room ay saktong time na kaya hindi ko na siya nakausap. Wala naman ako sa focus habang nakikinig sa aming guro. Lagi ako tumitingin kay Kuya. Pero hindi niya ako tinitingnan at laging lihis ang tingin saakin. Napaka-hirap makinig sa teacher when all i want to do is talk to Kuya Liam and explain.



I almost jumped noong marinig ang bell at dali-daling lumapit kay Kuya Liam. Nakaupo siya, ang mata'y diretso at nangangalit.



"K-kuya...mag-usap tayo please." Ang sabi ko habang nakatingin sakanya. "Kuya, makinig ka muna sa paliwanag ko..."



Ngunit wala siyang kibo. Nag-hikab pa nga siya na parang ipinapakita na wala siyang intensyong makinig.



"Kuya tumingin ka naman sakin..." I begged...Its really killing me that he's acting this way. Bigla siyang tumayo ngunit nakaharang ako sa daanan niya.



"Tabi!" He demanded in a cold voice. Para naman akong takot na batang tumabi upon hearing his voice. Natakot kasi ako sakanya dahil sa mga ikinilos niya noong isang gabi. Lumapit siya sa grupo ng mga babae at saka ngumiting nakakaloko, sabay akbay kay Leah. Nagtawanan ang mga babae at gustong-gusto naman ni Leah yung ginawa ni Kuyang pag-akbay sakanya. Nakipagharutan siya sa mga babae doon, lalo na kay Leah na dikit na dikit na sakanya, at noong hindi ko na nakayanan, lumabas na lang ako ng classroom.



Maghapon niya akong hindi pinansin. Parang tanga lang akong humahabol habol sakanya at nakiki-usap. Pero matigas talaga si Kuya at kahit anong gawin kong pagmamaka-awa ay hindi niya ako kinikibo.



Nagpatuloy iyon ng isang linggo. Iyon yung mga araw na halos lumuhod na ako sakanya sa pagmamaka-awang makinig muna sa paliwanag ko. Many times din sinubukan kong magsalita na lang sakanya pero lagi naman siya umiiwas at umaalis sa tuwing susubukan ko. Lagi niya din ako pinapagselos by flirting with other girls lalo na kay Leah. Pinapakita niya saakin na okay na okay siya kahit wala ako. Samantalang ako, halos mabaliw na kaiisip kung paano niya ako papatawarin. Hindi naman siya galit kay Matthew. Katunayan, parang super close na nga sila. Inaakbayan niya pa ito at naghaharutan sila. Saakin lang talaga galit si Kuya Liam. At sa tuwing naiisip ko iyon, hindi ko mapigilan ang aking mga luha sa pagtulo.



Kami naman ni Matthew, ginampanan niya ang napag-usapan naming 'act like strangers'. Hindi niya din ako tinitingnan, hindi ako pinapansin. Hindi ko rin tuloy alam kung dapat akong maging masaya doon. Oo siguro dahil kapag kinausap niya ako baka lalong magalit si kuya. Pero on the other side, i'm sad dahil feeling ko, talagang mag-isa lang ako.



Handa akong gawin lahat basta mapatawad lang ni Kuya. Kahit sabihin niyang lumundag ako sa isang bangin, o kaya magpalunod sa ilog, gagawin ko. I want to let him know na pinagsisihan ko ang ginawa kong 'pagtataksil' sakanya. But the fact that he wouldn't let me do so is killing me.



Maraming beses akong pumupunta sa kubo, nagbabaka-sakaling makita ko siya doon at makapag-usap kami. Ngunit there is no sign na nagpupunta siya doon. Many times din na gumagala ako sa bukirin sa pagbabakasakaling makita ko siya pero wala.



Nakahalata na din ang mga classmates namin sa room. Ang dating halos magkadikit daw ay napaghiwalay mysteriously for unknown reasons.



"I just woke up one day and realized na i shouldn't waste my time sa mga walang kwentang bagay. Nakaka-irita. Nakakasuka." Ang sabi niya isang beses nang may magtanong. His words were thrown to me like rocks and realized he hates me that much. Wala naman akong sinasabi kapag may nagtatanong saakin. Maging si Matthew ay na-iintriga din. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin saakin at parang nagtatanong. Pero hindi ko siya pinapansin.



Nang hapong iyon ay lumapit uli ako kay Kuya Liam.



"Kuya, magkita tayo bukas sa kubo. Maghihintay ako. Kahit abutan ako ng gabi, maghihintay ako." I said. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at umalis na din.



Kinabukasan excited akong pumunta sa kubo. Pinaghandaan ko na kagabi ang mga sasabihin. Naghintay ako mula alas sais ng umaga hanggang dumilim. Pero ni anino ni Kuya Liam hindi ko nakita. Doon ako nagsimulang panghinaan ng loob. Saying sorry and explaining to him seems so hopeless. Kaya inalala ko na lang lahat ng ginawa namin ni Kuya sa kubong ito. Yung unang beses na dinala niya ako dito, yung pagtutulungan namin sa paggawa nito, yung pagkain namin ng buko, yung mga kulitan namin, mga pag-aalaga niya saakin, mga times na ninanakawan niya ako ng halik, mga araw na pinagsaluhan namin ang init ng pagmamahalan. And i found my self crying na lang habang inaalala iyon. Its breaking my heart so much...napakasakit na lahat ng iyon ay mapupunta sa wala dahil sa kapalaluhan ko.



Kaya isang beses lumuhod ako sa harapan niya sa loob ng room at naki-usap na kausapin niya. Hila-hila niya naman ako papunta sa likod ng room at saka marahas na tinulak.



"Ano bang gusto mo?!" bulyaw niya. "Nakaka-irita ka talaga. Pag ako hindi nakapag-pigil titigil ako sa pag-aaral para lang hindi na makita yang mukha mo! Pinagmukha mo pa akong masama sa mga kaklase natin at may paluhod-luhod ka pang nalalaman!" He said.



"K-kuya...patawarin mo na ako. Nagsisisi na ako. Hindi ko na kaya kuya na hindi mo ako pinapansin. Kuya, please, buksan mo uli ang puso mo...Hindi ko kaya na wala ka..." I begged habang lumuhod uli sa lupa. "Kahit ano kuya gagawin ko....kahit ano...patawarin mo lang ako."



"P**** naman oh! Ayoko na nga Andrey diba? Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sakin! Kahit pa anong mangyari, hinding hindi mo na maalis ang katotohanang kumalantari ka sa iba! Bakit, hindi pa ba ako sapat? Naghanap ka pa ng ibang lalabasan mo ng init mo? Well ngayon magpakasawa ka. Dahil hindi na kita pipigilan. Gawin mo na ang gusto mo. And get out of my life!" He shouted. Umiyak na naman ako sa mga narinig sakanya. I cursed myself many many times before sa ginawa ko, and hearing it coming from him again hurts so bad.



"Give me another chance kuya...To prove na nagsisisi ako sa ginawa ko...I will do anything you want para mapatawad ako. Sabihin mo lang kuya please..." Umiyak na talaga ako ng todo todo. Gusto kong may gawin. Ayokong maghintay na patawarin niya...gusto ko may gagawin ako so he can forgive me.



"Lahat? O sige, pagbibigyan kita. Pero wag ka umasa na mapapatawad agad kita.Then magkita tayo bukas sa kubo." He said sabay alis. Kahit papano'y nasiyahan naman ako sa narinig. At least, kakausapin na ako ni Kuya sa lugar na mahalaga saamin pareho.



Kaya naghanda naman ako sa muling pagkikita namin sa kubo. Labis ang kasiyahan ko nang makita siyang naghihintay doon. It reminded me of the good old days na ako ang sinusuyo niya. Pero ngayon, ako na ang sumusuyo sakanya upang patawarin. Nginitian ko si Kuya at halos maiyak na ako but he didn't smiled back at saka pumasok sa loob ng kubo. Siyempre sinundan ko siya, at nung pagpasok ko, nakahubad na siya ng t-shirt at naghuhubad na ng pantalon. At may nangyari ulit samin.



"Simula ngayon hanggang sa kaya mo pa, pumunta ka dito kapag ganitong oras. Bago ako magtrabaho sa bukid niyo, maglaro muna tayo. Malay mo mapatawad kita." Ang sabi niya habang nagbibihis. At saka iniwanan ako.



Paglabas niya naman ay tumulo ang luha ko. Nakatihaya pa rin ako sa kama, walang damit, at madumi gawa ng dagta niya sa likod ko. Iniwan niya ako doong nakatiwangwang, parang laruang matapos pagsawaan ay iiwan. What we did is absolutely not lovemaking, nagparaos lang siya. Ni Hindi niya ako hinalikan man lang. Wala siyang pakealam kung nasasaktan ako, nasasarapan o ano. Ang mahalaga sakanya ay maisakutaparan ang pansariling layunin. I was in a state of shock pa rin sa ginawa niya. It was no match sa kuya liam na nakasama ko sa bahay namin, gentle, passionate, at lagi ako pinapaliguan ng halik kapag nasasaktan.



Lagi niya iyon ginagawa saakin kapag sabado o kelan niya maisipan. Ginawa niya lang talaga akong parausan sa kahit anong posisyong maibigan niya. Walang emotional attachment. At pagkatapos ay iiwan akong parang walang nangyari. Dahil doo'y bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Feeling ko ang dumi dumi ko...like yun lang ang silbi ko kay kuya liam. Marahil ay pinaparusahan niya ako sa ginawa namin ni Matthew. Sa tuwing maiisip ko naman na marahil ay hindi na tama ang ginagawa niya sakin, i just imagine yung dating Liam na maalaga, gentle, at sweet. At kapag naalala ko ang dating Liam na iyon, lagi ako nagkakaroon ng bagong lakas para magpatuloy. Lalo ako nagpupursige na muling makuha ang tiwala at puso ni Kuya. Kahit sa paraang iyon man lang.



Isang araw sa discussion namin sa English, may dinusscuss kaming poem na ang main idea ay trust. Sa kasamaang palad, nung magtanong na si Ma'am ay isa ako sa natawag. At ibinigay niya pa saakin ang pinaka-bagay na tanong;



"In the poem, why is a broken trust compared to a broken glass?"



"A-ang t-trust ay...t-tulad sa isang salamin...N-na...kapag nabasag...m-mahirap nang ibalik. M-maibalik mo man...N-andoon po rin yung tanda na m-minsan, n-nabasag ito." Ang sabi ko...reflecting sa nangyayari samin ni Kuya Liam. At parang mga basag na salamin, tinusok nito ang puso ko.



"Let's clap our hands for our mighty prince talking about broken trust.....condom" Ang sabi ni Kuya Liam that sent roars of laughter sa klase. Namula naman ang tenga ko, at gusto ko maiyak. Pero tinatagan ko ang loob ko. Isina-isip ko na lang na kung gusto ko mabawi ang dating Liam, kailangan kong maging matatag at handa sa consequences ng pagkakamali ko.



Nang hapong iyon, naisipan kong ibigay kay Kuya Liam ang diary ko patungkol sa pagsasama naming dalawa. Nag baka sakali ako na mapatawad niya kapag nalaman niyang minahal ko din siya....at siya ang pinili ko kay Matthew. Marahil ay kapag nalaman niya kung gaano ako thankful sa pagdating niya sa buhay ko, mapapatawad niya ako. Kaya nang hapong iyon ay naki-usap ako sakanya na mag-usap kami sa likod ng room.



"Ano na naman? Hihingi ka na naman ng tawad? Hindi mo pa ba talaga makuha kuha? Hindi na kita mapapatawad!" bulyaw niya agad.



"k-kuya, s-sorry.'



"Taran**** ka talaga! Sinabi ko pa lang!" Umiyak na naman ako at saka kinuha ang diary sa bag at inabot sa kanya. Tiningnan niya lang ito ng matulin.



"Ano naman 'to?" Nayayamot niyang tanong.



"Y-yung diary ko tungkol sa atin...Diyan ko sinulat lahat ng nararamdaman ko para sayo...Basahin mo kuya..." Ang sabi ko habang nakatingin sa baba. Nanlaki naman ang mata ko ng hinulog niya ito, inapakan, at saka inikot-ikot ang paa para mas lalong masira yung diary. Agad ko namang kinuha ang diary pero hindi ko magawa dahil nga naapakan niya ito. Tumulo naman ang mga luha ko sa sapatos niya.



"Akala mo mapapatawad kita sa Diary na 'to? Wag ka umasa. Wala na akong pakealam kung ano pang naramdaman mo noon. Because do you know what i feel for you right now? I despise you Andrey! Isa ka na lang laruan para sakin. Tulad nga ng sinabi mo kanina, ang tiwala ay parang mga binasag na salamin. Mahirap na ibalik. Alam mo yan." Ang sabi niya sabay apak ng huling beses sa diary at saka umalis. Pero bago siya tuluyang maka-alis, nagsalita muna ako.



"Pero kahit mahirap kuya ibalik ang nabasag mong tiwala, I will try to collect the broken pieces. Kahit masugatan pa ako ng maraming beses habang ginagawa iyon, handa ako." Ang sabi ko, holding the diary close to me.



But he ignored my words and walked away.



Isang buwan na lang bago ang Christmas Vacation ay ganoon pa rin ang set-up namin ni Kuya Liam. Hindi niya ako pinapansin, Dikit na dikit kay Leah, Close sila ni Matthew, Strangers kami ni Matthew, at parausan ako pag Sabado. Minsan pakiramdam ko puputok na ang puso ko sa sama ng loob. But its not as if i have the right to feel so. Sa tuwing mararamdaman ko na lang na hindi ko na makayanan, i tell myself i deserve this. Dagdagan pa ng galit saakin si Papa.



Sa second grading period ay ako pa rin ang nag-first. Second si matthew, at third na si Kuya Liam. Ngunit parang wala na saakin ang karangalang natanggap. Ano pang halaga nito kung ang dalawang taong dahilan kung bakit ako nakatanggap ng ganoong parangal ay hindi ako pinapansin. At mas lalo pang tumindi ang galit saakin ni Kuya sa nakamit ko. Hindi ko din alam kung bakit siya nagalit doon.



Isang hapon, tumatambay ako sa may sea wall habang nagrereview nang marinig ko ang boses ni Kuya Liam at Matthew na papalapit doon. Agad akong nagtago sa may gilid ng bodega na katabi lang ng room. Naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nina Matthew at Liam.



"Anong bang problema tol? What's going on between you and Andrey?" Si Matthew.



"We're having the best time of our lives, bakit?" Sarcastic namang sagot ni Liam.



"Oh come on Liam...hindi ako manhid para hindi mapansing there's something going on."



"Meron nga. At dahil yun sayo!" bulyaw ni kuya liam. Gusto ko sila pigilan dahil baka kung ano manggyari pero pinigilan ko ang sarili. Nanlaki naman ang mata ni Matthew.



"A-anong....?"



"Ppsshh...don't deny it. alam kong may nangyari sainyo ni Andrey. And i hated him for that." Ngumiti si Kuya Liam. Muling tinusok ang puso ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit saakin lang siya nagagalit. Bakit ang bait niya pa rin kay Matthew? Para ano? Para mas lalong ipamukha saakin ang galit niya?



"P-pero...huli na yon. Andrey decided na ituring namin ang isa't-isang stranger..." Paliwanag ni Matthew. Lumakas naman ang tibok ng puso ko. Sana pakinggan ni Kuya Liam ang sasabihin ni Matthew. Baka makinig na si Kuya Liam sa totoong nangyari noong araw na iyon.



"Ganun pala...kaya pala hindi na kayo nagpapansinan..." Kuya Liam said at tumango tango. Ngumiti ako ng bahagya...nabuhayan ng pag-asang baka kahit papaano ay mapatawad niya ako.



"Mahal na mahal ka ni Andrey, Liam..." Ang sabi pa ni Matthew.



"Oo...nasukat yun nang magtabi kayo." Pamaktol niyang sabi. His face became dark and dangerous, just like the night na nag-away kami. (o inaway niya ako?)



"P-pero bakit sakanya mo lang ibinubuhos ang galit? Hindi ba unfair yun? may kasalanan din ako Liam...I was the one who triggered the gun...Nagmakaawa pa nga si Andrey na wag ko siyang gagalawin pero..."



"pero nangyari pa rin. I won't hate you because kung mahal talaga ako ni Andrey, hindi niya yun magagawa. Problem is, nasayo pa rin ang puso niya. Nung una, akala ko kaya kong ganoon lang ang set-up namin. Na kung ano lang ang kaya niyang ibigay para sakin, i'll humbly accept it. Pero napakarami na naming pinagsamahan at pinagsaluhan...at in the end, ikaw pa rin ang laman ng puso niya." Kuya Liam said with sadness. he turned back and motioned to leave.



"Until when mo balak gawin to kay Andrey? Aren't you being too much? Its not as if you have all the time of your life...before you'll even knew it, graduate na tayo."



Hindi muna sumagot si Kuya. Ang lakas naman ng kabog ng puso ko...until when nga ba akong maghihintay na patawarin niya?



"Until hindi maranasan ni Andrey ang mawalan. Ang mamuhay ng magsimula sa wala. I think he's having too much luck in living this life. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko...hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit ko. Pero ayoko nang maramdaman niya na narito pa ako para sakanya...I want him to learn that everything's not all about him. Gusto ko sanang maging parte habang natutunan niya iyon...but i think he should learn it on his own. Minsan, mas natututo ang tao kung nao-overcome niya ang mga struggles ng buhay ng mag-isa. I want Andrey to learn that. And i don't care if he would suffer in the process...Call me cruel, pero iyon lang ang alam kong paraan para maranasan niya ang sakit na naranasan ko."



Umalis si Kuya Liam at maya-maya pa'y sumunod si Matthew. I was left speechless sa sinabi ni Kuya. Its not about our love anymore...its about my personal growth na naman. Tulad ni matthew, sasaktan na naman ako ni kuya para may matutunan ako...A sasabihin in the end na para rin saakin ang nangyari, para sa ikabubuti ko. Ngunit hindi man lang nila iniisip kung gano ako nasasaktan habang ginagawa nila iyon. But do i really have the right para magreklamo? After all, nasaktan ko ng labis si Kuya. All i could do and should do is endure.



I'm tired of that game.



And besides, paano nga ba ang mawalan?



.........

Siguro'y dalawang linggo na lang ang natitira bago ang bakasyon. The pain i'm feeling is becoming too unbearable. I felt like i'm always standing at the edge of a cliff. I don't know kung saan na ba ang lugar ko sa buhay ni kuya. He bullies me at school at pinapaselos kay Leah. Para akong may sinusuong na malakas na hangin at ulan dahil sa galit niya. At isang Sabado, matapos ni kuya akong gamitin, he shattered all the remaining hopes in me.



"Andrey let's break up. Actually, we broke up that night na umuwi ka galing kay Matthew. But i'm saying this to make it all formal and official. Because i can see na umaasa ka pa rin. Reason? Sawa na ako sayo." He said coldly at saka lumabas ng pinto. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Parang nabingi uli ako, at hindi ko alam kung paano ko nagawang huminga matapos ang mga segundong lumipas ng lumabas siya sa kubo. Inilapat ko ang kamay saaking dibdib, hoping that my heart would stop from breaking. But it didn't.



The pain was so crucial, so intense that i wanted to shout, and keep shouting till all the pain is gone. At para akong namatayang humagulhol sa loob ng kubo, habang wala pa ring saplot. Grabeng awa sa sarili ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Infinity talaga. Gusto kong habulin si Kuya, gusto kong bawiin niya lahat ng sinabi niya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong posisyon. I didn't stop crying myself out until i didn't have the strength to weep. I was wishing i was just dreaming...that when i wake up, everythings's fine...and i would be on Kuya Liam's arms again. But the terrifying pain i was feeling told me all of it are too real.



Umuwi ako sa bahay, hindi kumain, at nagkulong sa kwarto. If only sleeping can mend a broken heart, i could've slept for a very long time.



Lunes, i came to school feeling like every life force has been sucked out of me. I felt so sad inside that i can't even fake a smile. When my teacher called me for a recitation, i just stood there like a lifeless puppet. Lagi akong tulala, hindi nakikinig sa leksyon, at kahit pinapagalitan na, wala pa rin akong kibo. Sometimes i would just find tears rolling down my cheeks uncontrollably. My heart was crying out Liam's name...and it hurts me sooo much each time i realize he just ended up everything between us. I was stuck in our memories...i was playing back everything about us...from the very start when a sillhoute image of him appear before me until the very day he broke up with me.



I kept thinking of his sweet smile and his magical dimples...I keep thinking how he used to love me, care for me, and made me feel like i'm the only person that mattered. Ngunit asan na ba ang lahat ng iyon ngayon? I was left trying to collect the broken pieces...only to find out that even those pieces are torn into even smaller pieces, making it impossible to be mend and be whole again. Ngunit kung may nasasaktan ding tulad ko ng mga oras na iyon, si Matthew at Ella iyon.

They were the ones who were there when life is once again at its downest. Hinahatidan ako ng snack kapag break time, na kinakain ko naman habang umiiyak. Nagbibigay ng corny jokes, na iniiyakan ko naman kahit nakakatawa. Ngunit nasaan ba ang taong gusto kong makapansin ng lahat ng paghihirap ko?



Andun siya sa likod. Watching me as my whole world starts crumbling down.



At dahil nga pinabayaan ko na naman ang sarili, i collapsed one time in the classroom, and Matthew again carried me on his back and carried me on the clinic. When i woke up, si Matthew lang ang nandoon.



"Andrey...kumusta pakiramdam mo?" He asked in his most caring voice. I wished it was Kuya Liam's.



"Ayos lang...i guess wala nang use yung pact nating strangers na tayo..." I said weakly



"Andrey I'm so sorry you have to suffer all of this by yourself. Its my fault...I'm sorry." Nangingilid ang luha sa mga mata niya. Tumayo siya at niyakap ang ulo ko, holding it closer to his chest. That's when the floodgates opened, and i was crying like a lost child.



"A....ayokong mawala si kuya...M-mahal k-ko siya...h-hindi ko kayaa...." I cried out. He was hushing me like i'm a little kid.



"Mahal ka ni Liam, Andrey. He told me that. He just want you to find yourself first. Gusto niya malaman mo muna sa sarili mo where your heart belongs. And until then, you have to be strong. Be strong Andrey...fight for this love...You can never find someone that will love you like liam did. So fight for it Andrey. But you have to be a lot stronger."



That gave me hope. Hearing na sinabi ni Liam na mahal niya ako gave me a surge of strenght. At tama si Matthew, Kuya Liam's love is one in a million. But if he loves me, magagawa niya naman akong patawarin diba? Ganoon ba kalaki ang kasalanan ko...o baka...o baka naghahanap na lang siya ng dahilan para iwan ako...dahil ayaw niya na talaga saakin...dahil nagsasawa na siya saakin.



And carrying my newfound hope, pumunta ako sa bahay kubo the next day para kausapin si kuya liam at para humingi ng second chance. To save a love that was once so great, but now's in vain. Nandoon na ako sa clearing ng may marinig akong ingay na nagpakaba saaking puso. Hindi...hindi maari.



Lumapit pa ako sa kubo. At nang tuluyan ko nang marinig at na-register na sa utak ko kung ano ang ingay na iyon, i don't know if i should stay or run.



"Ahhh....ahhhhhh..." Mga ungol ng tao. At ang isa'y pamilyar na pamilyar saakin. Wala sa sariling binuksan ko ang pinto, at tumambad saakin ang hubo't-hubad na si Liam at isa pang nagtatrabaho sa bukirin naming si Kuya Jacob. Nakahiga sa kama si kuya jacob, hawak hawak ang dalawang binti paitaas samantalang nasa ibabaw niya ang kuya ko.



I swear i died during that moment.



Nanlaki naman ang mata ni jacob ng makita ako.



"A-andrey?" Kitang kita ko ang hiya sa mukha nito...namutla at nataranta. Si Kuya Liam naman, upon hearing my name, ay lumingon sa direksyon ko. Ngunit sa halip na hiya din ang makita ko sa mukha niya, galit pa ito, at libog na libog ang hitsura.



"Istorbo." Narinig kong sabi niya. Dali-dali namang kumilos si jacob at tatayo sana ngunit pinigilan ito ni kuya liam. "Wag ka nga...pabayaan mo siya manood kung gusto niya. Baka matuto pa siya sayo." Iyon lang at itinuloy ni kuya liam ang paglabas-pasok sa butas ni jacob. Umungal pa ito at nagsalita "Ang saraapppp...ahhhh...Ang galing mo tollll...." na parang wala ako doon. Marahil sa libog ay hindi na rin ako pinansin nung jacob at nagpatuloy sa ginagawa nila. Hinalikan siya ni Kuya Liam, na hindi niya na ginagawa saakin, at binilisan pa ang pag-ulos.



Hindi na ako nakatiis at nagtatakbong parang hinahabol ng rapist papuntang ilog. Doon ako umiyak ng umiyak. Ganoon pala ang naramdaman ni kuya noong malaman niyang may nangyari saamin ni Matthew. Doble nga lang saakin dahil nakita ng sariling mata ko. Ganun pa man i didn't hate kuya liam. Ngunit nakakuha na din ako ng bagong lakas...dahil ngayon, patas na kami. I won't have to feel guilty all the time dahil nagtaksil ako. Now, pareho na kami may ginawa. Only that wala na akong karapatang magselos dahil hindi na kami.



Pero napakasakit pala. Sobra. Parang pinaghihiwalay ang puso ko...marahil ay nagsasawa na talaga si kuya saakin kaya nagawa niya yun. O baka talaga mahal niya rin si kuya jacob. Hindi naman yun impossible. Okay naman ang hitsura niya, at dahil nga nagtatrabaho sa bukid, macho din ang pangangatawan. Katapusan na nga ba talaga para saamin ni Kuya Liam?



Hindi.





Ayoko.





Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko si kuya.





Alam ko na kung papaano ko mararanasan ang mamuhay ng may wala. Gagawin ko ang gusto ni Kuya. I will prove to him that i don't think i'm a prince...but i still have to make one thing clear.



Nang hapon ding iyon, nakita ko si kuya liam na nagaararo para sa tatamnan ng mga pechay. Marami sila dun pero naglakas loob akong ipa-excuse muna si kuya. Siguro nahiya din siyang ipahiya ang may ari ng lupang sinasaka niya sa harap ng mga trabahador nito kaya nagmamaktol siyang sumama saakin.



"Ano na naman ba?!" Our first talk after i caught him doing 'it' with someone, and he's throwing tantrums at me.



"K-kuya, yung nakita ko kanina...kayo na ba?" I asked, trying to fight away my tears. Lagi na lang ako naiiyak kapag kausap siya.



"Hindi. Curious lang yun, at pinagbigyan ko."



At nagsasawa ka na sakin kaya sinusubukan mo sa iba.



I bit my lip to stop my tears from flowing.



"Yun lang kuya...i just want to know kung---" hindi na niya ako pinatapos at saka tumalikod para bumalik sa trabaho.



"K-kuya, aalis ako...pupunta ako ng---"



"Bahala ka kung sang langit mo gustong magpunta. Wala akong pakealam. Live the way you want to."



Tumango lang ako at saka pilit na ngumiti, despite the raging tears na kumakawala sa mga mata ko. "See you kuya...at pagbalik ko, mangako kang mamahalin mo ako ulit...gaya ng dati..."



Hindi na siya sumagot at pinagpatuloy ang pag-aararo.



Umalis na din ako, at pagdating sa bahay, kinuha ko yung mga luma kong damit at saka iniligay sa isang bag. Nagpaalam ako kina papa at mama ng maayos. Lumuhod ako sa harapan nila.



"Ma, Pa...pupunta ako ng Maynila. Doon ako magbabakasyon." I said habang nakayuko.



"Ganun ba? O sige doon na lang tayong tatlo magpasko kina tita---"



"Hindi ma...i will live alone...hahanapin ko ang sarili ko..."



At nagsimula ang madugong palitan namin ng mga salita ng aking mga magulang. Sinampal ako ni papa, pinagalitan, nanaghoy si mama, ngunit hindi ako nagpadaig.



"Hindi naman po ako humihingi ng kahit ano. Hindi din po ako humihingi ng permiso. Gusto ko lang po sabihin sainyo para hindi kayo mag-alala."



Sa huli'y pumayag din sila. Binigyan nila ako ng 5000 habang maski si papa'y umiiyak na din. Naki-usap ako sakanila na kapag may nagtanong kung nasaan ako, sabihin na lang na pumunta ako sa mga tita ko.



At nang gabi ngang iyon ay sumakay ako ng bus papuntang Maynila ng mag-isa. Natatakot ako, kinakabahan, ngunit kakayanin ko...gusto ko din namang matutunan kung paano ba ang mamuhay ng wala kang kahit ako. Umiyak ako habang nasa bus...napakarami kong nararamdamang emosyon. Ngunit kakayanin ko. Magpapakatatag ako para kay Kuya Liam...at marahil...para sa sarili.



.......................

Nang magising ako'y nagsisibabaan na ang mga tao sa bus. Ang babaan pa noon ay sa Ali Mall. Ignoranteng ignorante ako sa mga nagtataasang building. Napangiti ako nang makita ang mga iyon, at parang tangang natakot na baka mahulugan. Hindi din ako marunong tumawid sa mga malalaking kalsada, at takot na takot sa mga nag-uunahang sasakyan. Binili ko ng gamot na kakasya sa isang buwan ang perang ibinigay saakin. Nang sa gayon, magka-problema man ako sa pagkain, may gamot ako kapag inatake ng sakit.



Hindi naging madali ang buhay ko sa maynila. Katunayan, masaklap ito. Napakaraming gabing natulog ako sa gilid ng kalsada, at minsan, may nagagalit pa saakin dahil pwesto daw nila iyon. Unang gabi pa lamang ay naiiyak na ako dahil wala akong matulugan. Nagpagala-gala ako sa Quiapo. Nagustuhan ko ang ideya ng underpass sa Quiapo. Naisip ko kasi na, sa kabila pala ng mundo sa itaas, may ibang mundo sa ibaba. Matao, nagbebentahan ng kung anu-ano, nakawan, at kanya kanyang diskarte sa buhay. Napakaraming gabing natulog ako sa hagdanan ng underpass, kasabay ng mararaming matatanda at bata na kinahabagan kong tunay. Napakaraming kahabag-habag na bagay ang nakita ko sa Maynila. May isang pamilya na nakatira sa isang kariton, ang iba nama'y sa labas ng mga kainan tulad ng jolibee, at kung saan saan pa nagkalat ang iba. May mga batang paslit na nakikipagsapalaran na sa mga hamon ng buhay sa napakamurang edad. Sa mga gabing wala akong matulugan, umiiyak na lang ako sa hagdan ng underpass habang iniisip ang malaki at malambot kong kama. Na-miss ko na din ng masyado sina mama at papa.



Mga isang linggong palaboy laboy ako sa Quiapo, umaasa lang sa natirang pera na ipinambili ko ng gamot. Ngunit hindi rin nagtagal, naubos ang perang iyon at alam kong kailangan ko ng trabaho. Napaka-hirap maghanap ng trabaho lalo pa't para na din akong pulubi na may dalang bag. Minsan lang ako naliligo, at nagpapalit lang ng damit kung kailangan. Nakahanap din ako ng trabaho sa isang tindahan. Taga buhat ng mga panindang karton karton. Sobrang bigat ng iba, lalo na kapag bigas. Natatapos ang araw na ang sakit sakit ng katawan ko. Alisin na natin ang init, dahil baka mahimatay ako kaiisip lang kung gaano kainit sa Maynila. Umalis din ako sa trabahong iyon dahil napaka-baba ng sweldo. Sarili ko pa ang pagkain, wala pa akong natutulugan.



Minsan napag-tripan pa ako ng mga adict sa lugar. Sa tanang buhay ko amy nambugbod saakin, kinuha ang bag, pati ang mga gamot. Pati yung sweldo kong kakarampot, kinuha saakin. Nagmakaawa ako doon ng sobra, pero pinagtawanan lang nila ako at saka ginulpi. Hanggang umaga ako doon sa gilid ng kalsada, ngunit wala man lang nag-effort na tulungan ako. Basag ang labi ko, duguan ang mukha, masakit ang katawan, at mukhang pulubi. Dahil na rin marahil sa hitsura kong iyon kaya walang tumulong saakin. Nakipagsapalaran ako, nanlimos para may makain. Hindi na ako nakapag-papalit ng damit gawa nga ng ninakaw lahat ng ito. May mga araw na wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak...iniisip ang marangyang buhay sa bicol....ang masasarap na pagkain...mga napapakagandang tanawin...at ang maliit na bahay kubo ni Kuya Liam. Kapag iniisip ko naman si Kuya Liam, ngumingiti ako. At habang lumilipas ang araw, lalo akong na-eexcite na umuwi, at ipagmalaki kay kuya ang kawalang naranasan ko. Marahil ay masisiyahan siya kapag nalaman ang mga naging paghihirap ko.



Hindi rin nagtagal, may bitbit na akong sako sa aking likod. Palaboy-laboy sa España, Manila. Marahil ay nakita na ako ng ilan sainyo na palaboy-laboy...nag-iipon ng mga plastic para ipang kalakal. At sa hitsura kong maduming madumi, mabaho, may akay akay na sako, sino mag-aakalang nagmamay-ari ako ng malalawak na bukirin sa probinsya.



Maraming araw na nahimatay ako dahil sa pag-atake ng sakit. Minsan, kapag hinang hina na ako, umuupo ako sa hagdan ng overpass papuntang UST. Doon kusang nagbibigay ang tao kapag nakikita akong hinang-hina. may kasama ako doon, may tatlong bata at isang matanda. Kapag malakas naman ako, piangmamasdan ko ang malaking campus ng unibersidad. At nangako sa sariling doon ako mag-aaral ng journalism. Doon ko itutuloy ang pangarap na ipinundar ni Matthew, at pinagtibay ni Liam.



Nahabag din marahil ang tadhana saakin nang may minsang nag-iwan saakin ng isang buong hamburger at isang basong buko juice. Laking pasasalamat ko sa taong iyon. Pinasalamatan ko siya ng paulit-ulit, dahil sa ilang linggo kong pananatili sa Maynila, siya pa lamang ang nagpakita ng kabutihan saakin. Siya si Kuya Dylan. May hitsura din siya, at may katamtamang taas at pangangatawan. Nang araw ding iyon, kinausap niya ako na labis kong ikinasiya. Dahil may tumuring saaking parang tao.



"Wala ka nang pamilya?" Tanong niya habang tinitingnan akong gutom na gutom na kumagat sa hamburger.



"Meron pa po. Sa Bicol. Katanuyan po, mayaman kami. Marami kaming lupain doon." Ang sabi ko sabay kagat. Nakita ko siyang ngumiti, at ngumiti din ako dahil sa hitsura kong ito, hindi nga naman siya maniniwala.



"Eh bakit ka napunta dito sa Maynila kung anak ka pala ng hasyendero?" Tanong niya habang nakangiti pa rin. Hindi naman ngiting nang-iinsulto, yung tipo ng nginiting ginagawa kapag nagsasalita ang mga baliw.



"Para hanapin ang sarili ko. Uuwi din ako kuya kapag natapos ang buwang ito. Anong petsa na?" Nangalhati na ang hamburger kaya tiniklop ko ito. Uminom ako ng juice.



"December 24."



"What?! You mean, it was Christmas Eve last night? Pasko ngayon? Improbable!" Ang sabi kong gulat na gulat. Kaya pala narinig ko ang tatlong batang iyon na binabati akong maligayang pasko kagabi. Hinang hina na lang talaga ako para magsalita.



Nga-nga siya sa English ko. Tiningnan ko naman siya at ngumiti.



"M-merry Christmas. Oo, kaya nga binigyan kita ng pagkain. Its the day of sharing."



"Thank you so much!..You are the kindest person i've met since the first day i stepped in this strange land." Ang sabi ko.



"Walang ano man. Sige, may bibilhin pa ako. Usap tayo mamaya ah. At saka dadalhan kita dito ng handa namin. hehe." At saka nagpatuloy na siya sa paglalakad. Nang umalis na siya, dinala ko ang tirang burger at buko juice sa matanda sa kabilang hagdan. Binigay ko ito sakanya at binati ng maligayang pasko. Pinasalamatan niya naman ako.



Dumating nga si Kuya Dylan ng hapong iyon. Nakapang bahay na siya at may dalang isang plastic ng maraming pagkain.



"Ayan...para sayo at sa kaibigan mo dun." Ang sabi niya sabay nguso sa matandang binigyan ko ng burger. Marahil ay nakita niya na binigyan ko ito ng pagkain. Dinalhan niya ang lola samantalang sinit-sitan ko ang tatlong bata na kasama ko na tumatambay sa overpass at nagcelebrate kami ng pasko. Hindi naman magkamayaw sa ngiti si kuya Dylan habang tinitingnan kaming kumain.



"Gusto mo?" Pang-aaya ko sakanya ng puto. "Yoko nga." bawi ko naman. Tumawa si Kuya.



Nang matapos na kaming kumain, inilagay ko sa plastic lahat ng dumi at saka tinabi.



"Akin na yan. Itatapon ko sa bahay." Ang sabi niya. Binigay ko naman.



"Kwento ka sa buhay mo sa probinsya niyo. Busog ka naman, habaan natin."



Ikinwento ko sakanya ang buhay sa bicol. Ang masaganang taniman, mga nagtataasang puno, ang malamig at fresh na hangin, mga huni ng iba't ibang klaseng ibon, ang bulkang mayon at kung ano-ano pa. He was really enthralled on my storytelling...at nung matapos ako sa pagdescribe sa bicol...



"Bakit ka napunta dito at naging ganyan kung ganon kayo kayaman?" Kunot-noo niyang tanong. I guess he also get rid of the thought that i'm crazy.



"It all started with a person close to my heart named.....Matthew." Ikinwento ko sakanya, at naintindihan niya. Tumigil ako doon sa part na sila na ni Ella.



"So, you're...gay?" ang final opinion niya.



"Ang SLLOOOOW mo naman kuya Dylan. Tungkol san ba yung pinagusapan natin since 3 hours ago?"



Ngumit siya at saka nagpaalam dahil gabing gabi na. Tatlong araw, laging tumatambay si kuya dylan sa overpass habang pinakikinggan ang kwento ko. Minsan, nakikinig din ang tatlong bata, at saka sumiksik sa tabi ko. Naging close na kami dahil lagi ko isini-share ang mayroon ako sakanila.



"....at hayun, andito na 'ko, nakilala ang napa-kabait na si Dylan..THE END." Ang sabi ko. Nagpalakpakan ang mga bata, at nakita ko naman parang pinunas ni kuya ang luha sa mata.



"Halika na..." Ang sabi niya, at saka ibinigay ang kamay saakin. "Doon ka matulog sa bahay namin. Hanggang sa gusto mo na umuwi."



At iyon na nga. Umiiyak akong pumasok sa bahay nila. Mainit naman akong tinanggap ng pamilya ni kuya. Alam na nila ang istorya ko kaya nahiya naman ako. Kinuwento pala sakanila ni kuya dylan ang tungkol sa binatang nakaupo sa gilid ng hagdan ng overpass na may-ari ng malawak na lupain.



"Maligo ka na Andrey. Heto oh, gamitin mo muna ang damit ko. Mula ngayon, lahat ng akin, saiyo na rin." Ang sabi niyang may ngiti sa labi. An image of kuya liam flashed my head, at bigla akong nalungkot.



"Oh, anong problema?" Tanong niya.



"I miss Kuya Liam na, Kuya Dylan." Ang sabi kong maluha luha..."...si mama at si papa, si matthew, si ella....*sniff* miss ko na sila lahat."



Yayakapin sana ako ni Kuya Dylan but he stopped at saka pumunas sa ilong. "Maligo ka muna Andrey."



Tumawa ako at saka naligo naman. God, it felt soooo good. I think i could've stayed in the bathroom for ever para maligo. Buti na lang naalala ko na may bayad ang tubig sa Maynila.



Nang lumabas naman ako sa cr, naghahanda na sila sa hapagkainan, at parang natigil silang lahat nang makita ako. Wala pa akong t-shirt at suot ko ang basketball short ni Kuya Dylan.



"Waa...ang gwapo pala ni kuya andrey!" sabi ni theresa, nakababatang kapatid ni kuya dylan. Tinitigan naman ako ni kuya, namamangha ang mukha, kaya nag-blush tuloy ako at agad na isinuot ang t-shirt. Kumain kami ng gabing iyon na parang parte ako ng pamilya nila. Napa-iyak pa nga ako habang kumakain dahil sa pasasalamat. Pakatapos kumain, namilit akong ako na maghuhugas ng kinain kahit ayaw nilang lahat. Pero hindi ako nagpa-pigil.



Tabi kami ni Kuya Dylan sa kwarto. Para naman akong bata na tatalon talon sa higaan.



"Wooo....Ang saya ko kuya!!!...Makakatulog na din ako ng maayos...malambot pa...miss na miss ko na'to.." at saka nahiga naman ako sabay pikit. When i opened my eyes, nakatingin saakin si Kuya Dylan at ang lapit talaga ng mukha niya saakin.



"K-kuya..." nag-blush ako.



"Hmm...i still can't believe how much your looks changed just by a single bath. Parang ibang tao tuloy ang pinapasok ko...parang hindi yung pinulot ko sa may overpass." ang sabi niya, at saka piningot ang ilong ko.



"Aray!...ang sakitt..." Ang sabi ko, nagbu-blush pa din.



Kahit naiilang ako, nakatulog naman ako ng mahimbing ng gabing iyon. Mabait na mabait saakin ang pamilya ni kuya. At kaya naman pinagpapa-pala ang pamilya nila dahil napaka-bait nila. Si Kuya Ronny at may batang miguel pa doon, pinulot din pala sila ng pamilya ni kuya dylan.



Limang araw na ang lumipas na doon ako nakituloy sa bahay ni kuya. Nagsisimula na akong mangamba kung paano makakauwi. Malapit na kasi ang pasukan. Hindi ko alam kung paano ako makakakuha ng pamasahe pero ng gabing iyon, bago kami matulog ni kuya, ay sinabi ko na sakanya na kailangan ko nang umuwi.



"Maraming salamat talaga kuya. Hinding hindi kita makakalimutan sa tanang buhay ko. You are my savior. Ikaw ang unang taong nagpakita saakin ng kabaitan sa magulong lugar na ito. Balang araw, kapag sa UST na din ako nag-aaral, ibabalik ko lahat ng naging tulong mo." Mangiyak-ngiyak kong sabi.



"Walang problema Andrey. Kapatid na ang turing ko sayo. Masaya ako't natulungan kita. Malungkot nga lang na uuwi ka na." Ang sabi niya habang pareho kami nakatingin sa dingding.



Nang sumunod na araw, naisipan kong ibenta na lang ang katawan kahit isang gabi sa mayamang bakla. Nang sa ganoon ay magkaroon ako ng pera. Nakita ko kasi na ito ang gawain ng ilan sa mga lalaki sa Maynila. At iyon nga ang ginawa ko. Nag sorry na lang uli ako kay kuya Liam na binali ko na naman ang pangako ko sakanya. Nagpaalam na din ako sa pamilya ni kuya dylan at isa-isa silang niyakap. Pumunta muna ako sa palengke at bumili ng munting regalo para sa pamilya ni Kuya Dylan. At kay Kuya naman, yung kwuntas na ibinili ko pa sa bicol para kay kuya liam. Tinago ko kasi iyon sa secret pocket ko para hindi mawala. Hindi rin ito nanakaw ng mga nangtrip saakin. Nilibre ko din ng pagkain ang tatlong bata na kasama ko sa overpass sa isang karinderya, at dinalhan ang lola saka huling beses na nagpaalam sakanila.



Muli akong nagpa-alam sa pamilya ni kuya sa huling pagkakataon. Inihatid ako ni kuya papuntang Ali Mall. Seeing the place made me remember the first day i came here. And i can't help but to feel a sense of fulfillment. After all ng pag-struggle kong maka-survive sa lugar na ito, ngayon ay pauwi na ako.



"Paano ba yan...Sana magkaayos na kayo ng kuya liam mo. I wish you all the best Andrey." Ang huli niyang salita. Niyakap ko siya ng huling beses.



"i love you Kuya...bilang kuya....hehehe" Piningot niya uli ako at saka pinasakay ako sa bus.



Napaka-rami kong naramdaman habang na sa loob ng bus. Kahit na marami akong mapapait na karanasan sa isang buwan kong pananatili sa lugar na ito, marami din akong natutunang aral at mga natatanging lihim ng buhay. And in my short stay here in Manila, i can say i have grown into a more mature and competitive person. Competitiveness. It's something you should have if you want to survive in the real world. You have to use this like sword and shield if you want to live in such a big battlefield like Manila. Pakiwari ko'y naghihilahan pababa ang mga tao roon. Kaya kung nais mong manatiling nakatayo, kailangan mong ipaglaban ang sarili mo. You have to learn how to play their games so that you could win it...or at least, so that you could keep playing.



Maari ko nang sabihin kay Kuya Liam na alam ko na ang buhay na magsisimula ka sa wala. Yung walang inaasahan kundi ang sarili mo. Maari ko nang ipagmalaki sakanya na alam ko na ang totoong buhay na nais niyang ipakita saakin. At sa lugar ng Maynila, i was not a prince...nothing revolved around me. I was just a speck of dust in the city...i didn't mattered. Everyone looked down at me, pinandirihan, kinaawaan...At marahil lahat ng experience kong ito molded mo to be a much better person who knows the different faces of the real world.



Dumating ako sa aking pinakamamahal na Bicol nang alas dose ng gabi. Dalawang araw na akong absent sa school dahil dalawang araw na ang nakalipas mula ng magbukas muli ang klase. I came home, hugged my parents as long as i could, and promised to love them as much as i can, as long as i can. I was indeed so lucky to be blessed with such wonderful parents. Napakaraming bata sa Maynila ang palaboy, at walang magulang na gumagabay...at nagmamahal. I'm born lucky dahil sa mga magulang ko.



That night, our house was filled with warmth, love, and longing as i share my experiences with my loving parents.



And the next day, i went to school. My entrance was grand, dahil nagtinginan uli yung mga kaklase ko habang nasa pinto ako. Nginitian ko sila lahat...parang artista lang...gusto ko ipagsigawan na na-miss ko silang lahat.



Ella approached me with a hug. When i was in Manila and i had no friends, i promised i will try to restore and treasure my friendship with Ella. And maybe with Matthew, who knows.



Most of all, i'll take my kuya liam back. Kahit hindi ko alam kung papaano. Dahil napakarami ko nang sinugal para dito...



"Ba't dalawang araw ka absent bhest?" She asked.



"Long story. hehe. Basta i was in Manila. Nagkaron ng complications kaya hindi agad ako nakauwi."



Nagpalitan pa kami ng kwento ni Ella. Pasimple ko namang hinahanap si Kuya Liam. Ngunit wala pa siya sa room.



"Well bhest, i have a chikka about your kuya Liam." Ang sabi niya noong wala na kaming mapag-usapan. Kinabahan naman ako.



"What is it?" I asked. I really miss him. Much.



"Well...this might surprise you. Well, alam mo naman na iisa lang kami ng barangay ni Leah..." Mas lalo ako kinabahan noong mabanggit niya si Leah. Anong koneksyon noon kay Kuya Liam?



"...nagtrabaho ako sa tindahan ng tita ko, which is sa gilid lang ng kalsada. I keep seeing kuya liam na bumaba sa jeep at may pinupuntahan. Siyempre naintriga naman ako, kaya one day, sinundan ko siya. Would you believe he was going at Leah's house? And, pumasok siya doon umaga, he left, gabi na. Ang alam ko nagtatrabaho ang nanay ni Leah sa bayan. So she's left with their yaya. I think pinapasok dun si Liam ng walang permiso sa nanay...i didn't expect that kay Leah ah. Kahit lukaret siya ng klase, i thought she was a conservative and never-the-easy type. Pero, i really doubt that na. Sayo ko lang sinabi 'to ah...And you know what's the rumor about them dito sa campus?"



The scars of my broken heart started bleeding uncontrollably. The pain was killing me softly.



"What?" I managed to ask. Just then, pumasok si Kuya Liam sa pinto habang naka-akbay kay Leah.



"It was a rumor that Leah and Liam are..." Tumigil siya dahil napatingin saamin si Kuya Liam. I looked at him, traced his faced, searched his eyes. I didn't stop my tears from flowing.



"...sila na Andrey...ar marahil ay hindi na rumor...dahil officially sila na..." Ella managed to say.





I died a thousand times.

37 comments:

  1. ouch,, ang sakit naman nun, but andrey in this chapter many thoughts you have been said is good, pinakita mo rin sa akin kung paano ang isang tunay na kahulugan ng buhay.. im very amazed on the story because of its different values and inspiration that you have gave to us. keep it up andrey, i know that every situation happens has its meanins.. :)) the best andrey.. i love it :))

    ReplyDelete
  2. Next chapter plz.. Bitin maxado, jejejeje. Ur such a great writter b0ss andrey!. Id0l na kta.

    ReplyDelete
  3. I thought strong na siya pero he still showed his weakness in front of Liam. Kinda disappointed lang.

    ReplyDelete
  4. whoa!!!! as in whoa!!!. tsk... i'm always stressed pag nababasa ko to.. grabe sakit sa dibdib.. tsk... wala man lang bang happy ending hahaha.. tsk...



    clap* clap* clap*



    hanap ng masayang story... waaaahhhh parati na lang akong natutulog ng malungkot.... buti ngaun at eto 1st story na binasa ko....

    ReplyDelete
  5. I cannot believe nakaya mo yun Andrey... I'm awed. I'm amazed. You have a VERY strong will para malampasan mo yun and for that idol na kita. Hehe. :-)

    Forgive me for saying this but Kuya Liam didn't just treat you like regular trash, he treated you like you were nuclear waste. Normal, biodegradable trash, nabubulok, then afterwards nutrients na sa lupa to sustain the next cycle of life. Nuclear waste stay dangerous and radioactive forever.

    In my opinion, what I'm trying to say is BEYOND redemption yung ginawa nya sayo. On some points, yes he is right when he said that only in your own two feet will you know the VALUE and ESSENCE of life. That you must be strong FIRST for yourself before others. That you must endure hardships even on your own. But what he did was so SEVERE, even DEMONIC, for the strong-willed. It's too much for anyone to handle...

    I'm very much affected reading this chapter because I can somehow relate to what you experienced. I wasn't even able to eat dinner because I'm so floored with so many emotions I myself lost count how many. (Insert "exaggeration") Hehe. But kidding aside, I'm really glad you made it through. And for that I'll also give you a hug. Hehe. \(^_^)/

    PS. Thanks for the wonderful mention on the preface. Natuwa naman ako at napahanga pala kita sa English ko. I'll be eagerly waiting for the next installment. Tres bien! :-)

    ReplyDelete
  6. Yung feeling na scroll ka ng scroll, hindi mo namalayan dun na pala nagtatapos. How I wish I could read the next chapter, immediately. Just kidding. I'm not that demanding. But I really like your story Kuya Andrey.

    España? Looking forward to hear that part of the story from you,personally. As far as anonymity goes, the number of students going to UST is quite big, in which I am proud to be one of them very soon.

    I was thrilled that you gave a thought on my comment and gave it a mention. I am so happy. There are no words. haha. Anyways I am not that old to be having po's and opos. I mean, I'm not Bantay Bata 163 young but I'm a teen. That's why I like stories having a "Kuya" figure. Always wanted one, to be cared for and loved. (sigh)

    Anyway, don't have any inhibitions about your writing. It's really good.

    Thank you
    -Nico ^.^

    (PS: I now regret the times when I wanted to comment but just don't have the confidence. Keep us inspired knowing that there will be someone right for us in due time like Kuya Liam and Andrey, oh, you. HAHA)

    ReplyDelete
  7. Ouch naman. Haist. I think its enough. Nagawa na ni andrey mga dapat nyang gawin. Masyado na naging makitid utak ni liam. Its time for andrey to live for himself naman. Pero of course, we'll still wait for sir author to update us with what poor andrey would do. Thanks sir :)



    blue fox

    ReplyDelete
  8. Manhid k liam . .nku kung tlga aq nanjan masa2pak tlga kta s lht ng gnawa m0 ky andrei. .. . Tzk. . .haixst. . .andrey ikaw n tlga . .ikaw n. . .tzk. . .


    p. . .
    cruizer. . .:-)
    kua AR ung fb niu nlng. . .hehe kulet. . .reply nlng po. .

    ReplyDelete
  9. what doesn't kill you makes you MORE stronger Andrey! kasabay mo akong namatay sa huling parte ng kapitulong ito...

    admin andrey nice chapter! keep it up!

    ReplyDelete
  10. “If people refuse to look at you in a new light and they can only see you for what you were, only see you for the mistakes you've made, if they don't realize that you are not your mistakes, then they have to go.”
    ― Steve Maraboli, Life, the Truth, and Being Free..............................................ras

    ReplyDelete
  11. naiinis ako, nabitin ako huhu. ang ganda ng story mo admin andrei GRABE!, manang mana ka kay kuya mike hehehe

    ReplyDelete
  12. magcomment ulit ako, masyado na kong affected sa story n to hahaha, bitiiiiiiiiiiiiiiiiiin! :D ang GANDA

    ReplyDelete
  13. ang ganda ganda po ng story.. bitin lng tlg hehehe.. dami ko natutunan kay andrey.. ang galing nyo po Mr. Author!! Keep it up!!

    ReplyDelete
  14. like OUCH! A BIG OUCH for andrei!huhuhu! grabe si kuya liam, sana manlang inisip niya muna c andrei before he did all those things! if i was andrei hindi ko yun kakayanin! it would be a total MELT DOWN for me... that's why i really admired andrei for his overflowing braveness and courage! sana si Matthew nalang!

    i love this story! it's an extraordinary story unlike the other's na alam mo na ang susunod na mangyayari but this one is different.. its unpredictable!

    ReplyDelete
  15. kuya! you told us this is the first story you ever written... AT napakagaling mo para don! pano nalang sa susunod mong mga story? siguro mas maganda pa sa story na ito! hope kuya na you will continue to write stories that truly inspires us... Kudos to you AUTHOR!

    ReplyDelete
  16. huh! cant believe na nagawa mo tlaga un, seems you really want to learns things in life literraly by ur own experiences, throught that, sana it would give u more strength to accept things na hindi maiwasan na mangyari, life is full of surprises and hindrances na kadalasan ay tayo din ang may gawa. we must learn from our wrong doings and accept the consequenses of what we have done. acceptance and forgiveness will set u free and moving on will follows. DISCIPLINE, TRUST, GOAL AND MOST IMPORTANT FAITH TO GOD TO BECOME A BETTER PERSON. GOODLUCK MY FREND.

    ReplyDelete
  17. nabitin ako sobra hehe... nasaclimax ung damddamin ko tapos ung huli ko nabasa "you might also like:" hehhee sana mabanggit man lng ako ni author sa mga pasasalamat kahit one time lng hehehe... ok lng din kahit hindi.. ^^

    "LHG"

    ReplyDelete
  18. well un gnawa ni liam k andrey d natin xa masisi nasaktan xa diba tayo man malagay sa sitwasyon nila...ang di lang tama yata at out in reality yon pag abuso nya sa murang katawan ni andrey bukod pa sa maysakit at mahina ang katawan nya...
    pero napa wowwwww naman ako sa sa figting spirit ni andrey sa ipinamalas nya s magulong lungsod ng maynila....parang dko ata kaya yon...buti nalang dka bumitaw at d ka nagkasakit sa sobra gutom pwed k mabaliw o mamatay....
    mabait parin sayo ang langit at dika pinabayaan at hayun nga pinadalhan kpa ng mabait n angel sa katauhan ni dylan...
    this time nawala n galit ko k andrey...kc nag make up naman xa at deserving naman xa na magbago mahanap nya sarili nya...
    tuloy mo lang andrey ang buhay lagi mo tatandaan pagsinarhan k ng pintuan asahan mong may magbubukas ng bintana ng langit para sayo...just keep the faith.

    grabe ganda ng flow halos lahat na ata nadadala sa kwento, gAya ng sabi nila kahit first time mo parang sanay kana,(thanks s pagmention ng name ko sa authors note - ang saya ko), pagpatuloy mo lng maganda na simula ito GOODLUCK.
    THANKS FOR ANOTHER INSPIRATION........

    ReplyDelete
  19. ganda na talaga ng kwento... n d prev chap i hate wat andrey did but now he gain my sympathy, i pity for him, sana namn makita na at madam ni liam ang sakripisyong gnawa ni andrey but if not prin, i think he desrve 2 let go na his feelings towards liam and move on... i really like d flow of d story mr author, heheheh always n ka2 bitin.... tnx mr. author....

    ReplyDelete
  20. sana lang ma realize na ni liam ang kanya ring naging kasalanan ky andrey... i like their love team heheheheh.... ang galing mr. author two thumbs up....


    shalom

    ReplyDelete
  21. Much better kung ganon lang, rather than na buntis si leah. Haii. Sad sad sad...
    I think we have to consider the fact na ganyan lang tlaga ang buhay, sadya ngang mapaglaro. Indeed, ang mga magulang o kaibigan lang ang iyong masasandalan.

    Thanks for the update, that was great. Can't wait for the next chapter. :D

    ReplyDelete
  22. Saludo ako sayo kuya otor!

    ReplyDelete
  23. First, though, I am not an official member of this blog but I always visit this blog as reading is one of my hobby. By the way I'am RA. The title of the story intrigued me so I decided to read this and I told my self that I am right because story is SUPERB. Perhaps all adjective words could fit in this kind of ART. My comment is not only for this chapter but this is from chapter 1 to 11,,hehehe, I read all the chapters in one seating. I just want to commend the author of this story for letting me read this heartbreaking story and at the same time to learn what life is all about. Let's just say "Kompletos rikados". Actually, author I am so excited and looking forward for the next coming chapters. Great job author for writing this kind of ART.

    ReplyDelete
  24. to be honest.., mas gusto ko si andrey kay matthew =) sana xa na lang instead kay kuya liam..,

    ReplyDelete
  25. hi kuya andrey,

    after reading the 11 chapters of your story, i can say that you are a brilliant writer and this is a very commendable piece of literature. i love the way you wrote the story. it's very natural and spontaneous. it's like i'm watching a movie and seems so real. the emotions were raw and free (yung parang hindi pilit). and alam mo yung parang hindi pinag-isipan but brilliant? yun ang dating sakin ng story e though at some point nagiging predictable siya. but this story is very much ALIVE. pambawi talaga ang pagiging buhay ng kwento since it's inspired by true to life events. and sa story naman i like matthew more than liam. mas kinikilig ako sa kanya though may kilig factor naman si liam. ayoko lang nung naging vindictive at spiteful si liam and he's way too much to be very cruel to you kuya andrey. and he abused you sexually, idagdag mo pa ang emotional abuse na naranasan mo. sayang lang ang love niyo sa isa't isa. well, people are people. they change. and lastly masasabi ko nang fan mo ako and i'm looking forward to more stories from you (kaya gumawa ka pa ah). and oh, i don't really pressure you or something like that. hahaha at gusto ko ring maging kaibigan ka. i will be honored kung maging kaibigan nga kita. :D

    PS. i was inspired pala and also enlightened dun sa 'pangarap' topic niyo ni matthew. medyo pareho kasi tayo, gusto ko mang magkwento pero baka mapahaba pa ako masyado. from bicol region din pala ako. Kudos pala sayo kuya.

    jade

    ReplyDelete
  26. alam mo andrey your the most bobo pagdating sa pag ibig...alam mo naman na hindi ka na mahal ng tao.pinagdidikit mo parin sarili mo..kawawa ka naman...pero you did worst than the past you did...kasi para kang tanga...pagdating na kay LIAM ....
    basta one word lang masasabi ko sa iyo...YOUR SO BOBO...

    ReplyDelete
  27. ang bobo mo andrey pagdating sa pag ibig....alam mo naman hindi ka na mahal ni liam sinasayang mo lang yung luha mo...pero sayang pa rin yung pagpunta sa maynila dahil..pagdating mo sa bicol...lalo pang lumala..hai naku...kawawa ka naman..your so
    T A N G A

    ReplyDelete
  28. Grabeh,,, ikaw na da best,, galing talga,,:D

    ReplyDelete
  29. ---silent reader--- just wanna express na tama Lang ang ginawa ni Liam. No offense. But I hate cheaters. Deserve Lang Nya nangyari sa kanya. Liam warned him not to cheat. But he chose to do it. He gave in to temptation. If ur taken.. Be loyal and be faithful!! Let's just say yes he gave in because he just followed his heart with Matthew. Then by all means just be with Matthew! You can't just fool around when you know someone is madly with you. Tama Lang yan! All he can do is just move on!!! You can't win him back! Once it's broken.. It's broken!!!! ---affected much?!--- lol

    ReplyDelete
  30. Ok now i know why they love your story Andrey. Isang upuan ko binasa ito at naka 4 na akong tasa ng kape dito.

    Ang ganda! Holy **** i never knew someone who endured so much hardship sa buhay.

    Bow ako sa iyo! *claps*

    *brofist here*

    ReplyDelete
  31. FIRST TIME KONG MGA COMMENT DITO.

    please dont tell me mabubuntis c leah pagnagkataon na nagkaayos na cla? Maganda yung story. masakit lang bigla sa puso.

    Wala naman katrust trust c liam. masyado naman ata nabasag yung trust nya kay andrey. Dapat pinakinggan nya muna side ni andrey.

    well masasabi ko lang kay dylan na lang sya. FRESH START kung baga. Kasi c matthew kung d lang manhid eh tinulungan na c andrey makipagusap kay liam.

    Nakakaturnoff namaN C LIAM. bwiseet. ahaha D DAPAT GANYAN. MADALING SUMUKO.

    anyway. nice story. keep up the good work. pero sana wala munang magpaka martyr sa storyang ito. sana umikot na uli yung gulong ng palad para kay andrey.

    ReplyDelete
  32. Admin Andrey, una sa lahat gusto ko munang sabihin na mulas sa puso ko, at totoo. Isa ka sa pinakamagaling at may pinakamagandang story, sa tagal ko na sa blog na to at iba pa at ngbabasa ng mga ganitong story, piling pili lng ang talagang masasabi kong ngkaroon ng connection sa akin while reading.

    Sobrang ang hirap huminga habang binabasa ko to, sobra akong nasasakatan para kay Andrey, ramdam na ramdam ko yung sakit, pinigil ko na umiyak kasi madidistract ako.

    Makikita nyo mga comment ko na parang wala lang kwenta. Pero sa totoo lng mapili ako, at makilatis talaga.

    Pero itong story na ito, iba ang dating, hindi ko alam kung pano magbibigay ng comment. Sabihin nyo ng lahat na OA ako. Pero iba talaga. May something sa story na to na talagang ayokong tigilan na basahin. mejo magulo ba? Hindi ko alam iexpress eh. Yung story na to iba.

    Gusto ko si liam, pero ewan ko. Sobrang affected ako sa story na to. Gusto ko yakapin si Andrey. Ang sakit talaga kasi. Sorry ha? Pero minsan inisip ko na sana mamatay yung charcter ni andrey, kasi gusto ko maghirap si liam, gusto ko magdoble yung sakit, nope triple. (sa story lang ha? Hindi sa real life.) apektado talaga ako sobra sa story na to. :'(

    Admin Andrey, Proud ako sayo.

    Dapat basahin nila ito. Hindi nila dapat palampasin ang story na to.

    Yung level na kung gaano ko kagusto si kuya mike at yung stories nya? Ganon din yung level ng sayo.

    Magaling yung pgkakaexecute ng emosyon, hindi sya OA at hindi rin nkakabore. Parang nasa scene ako habang binabasa ko.

    Ngayon lang ako ngcomment sa story mo. Sinadya ko talagang hindi agad to basahin, sabi ko kasi nung una, hihintayin ko muna dumami yung chapter, tinatantya ko rin kung hindi ka katulad ng iba na hindi tinatapos ang story. (well sana nga hindi ka ganon.)

    so marathon ang ginawa ko today. At masasabi ko na bawat chapter ay malaman, talagang pinagisipan.

    Nagkkwento ka talaga at hindi lang basta ngsulat ng kwento. Hindi sya katulad ng kwento na, as in kwento lang sya, pero wala talagang kwento, parang sinulat lang. Magulo ba? Intindihin mo na lang.

    Asahan mo ako sa comment box.

    Btw. Ito ang pinaka mahaaaaabang comment na nagawa ko sa lahat ng story ng binasa ko.


    --ANDY


    P.S.

    Masakit talaga. Sobrang awa na talaga ako kay Andrey, lalo na sa part na nahuli nya sa kubo si liam at jacob. My heart stopped beating while reading that part. :'(

    ayun nga lang, ngcheat kasi si Andrey kahit pa pingbigyan lng nya si matt, at kay liam parin sya sa huli. Iniisip ko din na Oo tama lng yun kay Andrey, Pero sobrang sakit talaga sa side ni andrey din. Haay..sobra na to. Kakatakot basahin yung next, sigurado kasing masakit yun. :'(

    --ANDY ulit.

    ReplyDelete
  33. sana may next na. lumuluha kaya ako pag mejo sad ung eksena. nadadala kc ko sa istorya. pede n gawing indie movie or pang MMK ung istorya mo nakakadala kc ng emotion.

    ReplyDelete
  34. Magandang araw sa lahat. ANDREY, pangalawa kitang iniidolo ngayon, 2nd ka kay JESUS. Idol na idol kita.

    Alam mo, sa lahat ng mga nabasa kong kwento, kahit hindi ko pa ito natapos, sapat nang sabihin ko na ito ang pinakamagandang kwentong nabasa ko, no matter what the ending would be. Pinahanga mo talaga ako ng sobra. Kung iisipin lang, if others would be on your shoes, they could've been into suicide attempts. Pero iba ka. ANG TAPANG, ANG TATAG MO, PARE! Sigurado akong proud na proud ang mga magulang sa iyo. Hindi ko alam ang nasa isip ng Liam na 'yan, botong boto pa sana ako sa kanya para sa iyo, tapos nadismaya pa ako noong bumigay ka kay Matthew. Tao ka rin. Pero hindi ko alam kung matatawag ko pang tao si Liam. Naiintindihan namin siya, pero habang tumatagal, he's not him the usual Liam you knew. At naisip ko rin, sinubukan kong i-absorb na baka part din 'yon ng pag-measure niya sa 'yo. Hindi ko alam, Andrey; I have not read yet Chapter 12. Dahil sa alam kong matatag ka't may paninindigan, at dahil na rin sa mga karanasan mo na hinding hindi ko maisip kung magagawa ko rin ba, alam kong kaya mung dalhin ang buhay mo sa tama. H'wag ka lang bitter. May dahilan din ang lahat. Kung alam mo lang kung gaano kita hinangaan. At ito pa, 1st time kong mag-comment ng pinakamahaba, ay talaga namang dahil ITO NA ANG PINAKAMAGANDANG KWENTONG NABASA KONG KINAMULATAN AT KINAPULUTAN KO NG ARAL. Maraming maraming salamat sa pagbahagi ng kwento, Andrey. Love ka namin. GOD SPEED. =)

    ReplyDelete
  35. si Matthew nalang kasi balikan mo :(

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails