Followers

Sunday, May 20, 2012

My Wooden Heart Part 9


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either product of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead is entirely coincidental.


AUTHOR's NOTE: Guys... I badly need your help kasi from top spot ay napunta na sa 2nd rank ng voting yung cousin ko. Again, hinihiling ko ang patuloy niyong suporta sa kanya na lumalaban ngayon sa isang pageant. Voting is until May 25 kaya sana ipagkalat niyo sa lahat na i-like ang kaniyang photo sa FB... here's the link https://www.facebook.com/photo.php?fbid=290859947673958&set=a.290859227674030.64535.290854051007881&type=3&theater


Salamat and please ask your friends to vote for her too... Gift niyo na lang sa akin :)
============================================================================



Masarap daw umibig… parang paborito mong ulam, wag lang sana abutin ng pagkapanis.”



“Good Evening Ladies and Gentlemen… May we all stand to welcome our tonight’s host and birthday celebrant MR. JUANITO “BIG BOSS” DEL ROSARIO!..”



Nagpalakpakan ang lahat… ako naman ay tahimik lang.


Hindi ko alam kung anong gagawin ko noong mga panahong yun. Bababa na ba ako ng stage at aalis? Pero pano si Tito Jugs? Paano yung mga kabanda ko? Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng makita kong  kasunod na naglalakad ni Big Boss si Wesley… SHet! Lupit naman oh! Ano to package deal na problema?


Hindi na ko nakapag-isip pa… si Jerek naman eh napansin na din si Wesley na naglalakad. Hinawakan na lang nito ang aking mga kamay na para bang sinasabing “relax ka lang.” Yun na nga ang ginawa ko. Inisip ko na lang na trabaho lang ang ginagawa naming kaya nagawa kong magstay na lang sa stage. Papalapit naman ng papalapit ang mag-amang impakto. Pero aaminin ko, gwapo talaga ni Wesley… laman tyan te! Sayang nga lang, sinira niya ang tiwala ko.


Pag-apak ni Big Boss at Wesley sa stage ay halatang gulat ang mga ito nang makita ako. Dedma naman ako, siyempre nakakahiya kung eeksena ako noh! Para naman nagising sa bangungot si Big Boss nang muli itong maglakad. Nung nasa tapat ko na siya ay bumulong siya sa akin, “Ang kapal din ng mukha mo na pumunta dito.”


Aba! Papatalo ba naman ako. Saktong nakaharap na siya sa mga tao nang bumulong din ako mula sa kaniyang likuran. “Hiyang hiya naman ako sa nipis ng balat niyo!”


Lumingon siya sa akin sabay nginitian ko naman. “Happy Birthday po!” pang-aasar ko pa.



“Pa! not here… not now!” bulong naman ni Wesley na nasa tabi niya. Tumingin din sa akin si Mokong pero iniba ko ang direksyon ng aking mga mata.



Iniabot na ng event coordinator ang mic kay Big Boss at binati nito ang mga bisita. Akala mo tatakbong senador si Rez Cortes… este si Big Boss. Ang haba ng sinabi eh ang main point lang naman ng mala-nobela niyang speech ay thank you!


Akala ko patapos na siyang magsalita ng may pahabol pa ito.



“And let me just share this to everyone. I want to thank my son Wesley for always being an obedient child. Salamat anak at nanatili kang masunurin sa akin at pinili mo ang landas na tama! Sana patuloy kang maging matuwid at iwasan ang mga bagay na makapagpapa-HAMAK sa iyo.” Sabay tingin sa akin at inemphasize pa ang mga sinasabi.



Sandali nga… para naman sinabi nitong si tanda na pahamak ako? Sino ba ang pahamak sa amin… ako na nagparaya para maisalba ko ang mga kasamahan ko sa trabaho o siya na pilit tinggalan ng trabaho ang mga tauhan niya para lang mapasunod ang anak niyang puppet sa gusto niya?


Muling kumulo ang dugo ko sa galit. Bigla na lang may pumasok sa isip ko… asaran lang pala ang labanan dito ha!?


Umupo na silang mag-ama sa sosyal na upuan na inilagay sa bandang gilid ng stage. Iyon kasi ang bahagi ng programa kung saan dapat ay kakantahin ko ang paborito niyang kanta na Moon River. Pero dahil sa nabwiset ako eh kinausap ko ang banda. Pinapalitan ko ang kanta… Baklaan lang din naman eh di babaklain ko ang party niya.



“Dude, Put Your Records On tayo…” sabi ko sa mga kabanda ko.


“Tim, wala yun sa line-up?” sabi naman ng isa.


“Basta, ako bahala…” sagot ko. Tinignan ko naman si Jerek… “Do you trust me?” tanong ko sa kaniya.


“Yes… why?” tanong din niya.


“Just trust me… promise me!” seryoso kong sinabi.


“Okay, promise!” mabilis naman niyang sinabi.



At bigla kong iniba ang reaction ng mukha ko… Nginitian ko sila Big Boss at Wesley na para bang may masama akong balak… well in fact meron! Hahaha…


At heto na nga… nagsimula na tumugtog ang banda.



Three little birds, sat on my window.
And they told me I don’t need to worry.
Summer came like cinnamon
So sweet,
Little girls double-dutch on the concrete.
Maybe sometimes, we’ve got it wrong, but it’s alright
The more things seem to change, the more they stay the same
Oh, don’t you hesitate.

Girl, put your records on, tell me your favourite song
You go ahead, let your hair down
Sapphire and faded jeans, I hope you get your dreams,
Just go ahead, let your hair down.

You’re gonna find yourself somewhere, somehow.

 ‘Twas more than I could take, pity for pity’s sake
Some nights kept me awake, I thought that I was stronger
When you gonna realise, that you don’t even have to try any longer?
Do what you want to.

Girl, put your records on, tell me your favourite song
You go ahead, let your hair down
Sapphire and faded jeans, I hope you get your dreams,
Just go ahead, let your hair down.

Girl, put your records on, tell me your favourite song
You go ahead, let your hair down
Sapphire and faded jeans, I hope you get your dreams,
Just go ahead, let your hair down.

Oh, you’re gonna find yourself somewhere, somehow




Habang kinakanta ko iyon ay hinubad ko ang aking coat. Para bang simbolo na naglaladlad ako. Alam ko naman kasing malaki ang galit ni Big Boss sa mga bading… eh ano siya ngayon! Nag-level up pa ako at nilapitan silang mag-ama. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o matawa dahil talagang pulang pula ang mukha ni Big Boss sa mga pinaggagagawa ko.


Si Wesley naman hindi maintindihan kung anong gagawin niya para wag magkaroon ng eskandalo sa party ng papa niya. Tuloy lang ang kanta ko hanggang sa napatayo na si Big Boss sa kaniyang kinauupuan. Ayyy… nag-walk out! Hahaha! SUCCESS!


Mga isang kanta pa at tapos na ang set namin. Hinihintay na lang naming si Tito Jugs na kausap noon ng event coordinator nang lapitan naman ako ng isa sa mga maid nila Wesley.



“Sir, pinapatawag po kayo ng amo namin. Sunod na lang po kayo sa akin.” Sabi niya


“Huh? Bakit naman ako?” duda kasi ako, baka ipa-salvage ako bigla!


“Gusto daw po kayong makausap.” Giit nito at sabay tumalikod at naglakad na.



Nagpaalam naman ako kay Jerek at sumunod na sa maid. Pumasok kami sa loob ng bahay at dun ko nakita si Big Boss. Nakatayo at nakatalikod sa akin.



“Bakit niyo naman ako pinatawag… tapos na trabaho namin dito!” matapang kung sinabi.


“Ang kapal din naman ng mukha mo na pumunta sa pamamahay ko at sirain ang party ko!” humarap na siya sa akin.


“Aba, hoy Mr. del Rosario… unang una, hindi kami nagvolunteer na pumunta dito dahil hindi naman charity work to! At pangalawa kung alam ko lang na birthday party niyo to, malamang eh hindi ko na tinanggap pa… ni hindi ko nga alam na pinanganak ka pala… sa sama ng ugali mong yan, galing ka pala sa sinapupunan ng isang tao?!” patuloy kong pagsagot.


“PA… Tim…” biglang sumulpot sa likuran ko si Wesley.


“Oh siya… kung wala na ho kayong baon na punch line eh aalis na ko! Salamat sa bayad niyo! Happy Birthday na lang… enjoy, baka last niyo na yan!” Tatalikod na ko ng hinawakan ako ni Wesley.



Aalisin ko na dapat ang pagkakahawak niya sa braso ko ng makita ko ang reaksyon ng Papa niya… Galit na galit na naman si Rez Cortes. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at bigla kong hinalikan si Wesley. Naisip ko na madadagdagan yung pagkayamot ng matanda. Effective nga!



“WESLEY!” Sigaw ni Big Boss. Kumalas na din ako sa paghalik kay Wesley… Bitin! Charot!


“Ah… bago ko nga po pala makalimutan… para yun sa pagtanggal niyo ng trabaho sa mga kasamahan ko na bumuhay sa luma mong studio sa loob ng mahabang panahon! Si Direk… ayun, nasa ospital! Kung ikaw eh may puso… sana naisip mo na hindi lang sa inyo umiikot ang mundo. O baka naman pati konsensya niyo eh pinalayas niyo na din? Hindi ako o si Wesley ang nakakahiya kundi kayo! Wala kayong puso!” Tinuloy ko na ang pag-alis habang tahimik naman silang mag-ama.



Phhheeewwww… That was a hell of a night! Buti at nakalabas pa ko ng buhay. Medyo pinagalitan nga lang ako ng manager namin dahil pansin niya din ang mga kakaiba kong kilos. Pinaliwanag ko na lang sa kaniya ang lahat at naintindihan din naman niya.


Kinabukasan nabalitaan ko kay Odie na bumisita daw kay Direk si Big Boss… Weh di nga? Baka naman tinamaan sa mga sinabi ko sa kaniya? Anyways… hindi pa din sapat yun… What’s done is done!


Ako naman eh patuloy pa din sa mga ginagawa ko… trabaho…pag-asikaso kay Jerek. Okay naman ang lahat. Walang kontrabida… Naku, mukhang nausog! Hindi ko inaasahan na muling mangungulit si Wesley sa akin matapos ang party.


Isang umaga ay mag-isa lang ako noon sa park habang nagjo-jogging. Sa hindi kalayuan ay may napansin akong lalake na nakaupo sa bench. May hawak na tumbler at isang paper bag na maliit. Habang papalapit ako ay parang pamilyar ang tindig nito… PAKK! Si Wesley nga. Ano na naman ba!? Hindi na ba nila ko papatahimikin?


Nang nandun na ako sa tapat nito ay patuloy lang ang jogging ko na kunwari ay hindi siya nakita. Aba si mokong eh naki-jogging na din. Prepared pa ha… Naka-sando at jogging pants din. Takbo lang ako ng takbo… hindi nagtagal eh nabwiset na din ako sa pagsunod niya sa akin.



“Ano ba… delivery boy ka na ba ngayon?” sigaw ko.


“Ha? Bakit… sinong nagsabing sa’yo tong dala ko?” sabay ngiti.


“Aba! Kita mo tong…” wala na kong masabi dahil napahiya ako dun! For the first time ha, na-waley ang punch line ko.



Patuloy pa din akong tumakbo at patuloy din naman siyang sumunod… kulang na lang sabihin kong “Habulin mo ko!” Waaaah! Ano na naman bang drama niya?



“Mr. del Rosario… what are you up to now?” nakasimangot kong sinabi.


“Bakit mo ako hinalikan noon sa party?” diretsahan niyang sinabi.


“Ah yun… tinikman ko lang kung anong lasa ng handa niyo. Hindi kasi ako kumain eh!” sarcastic kong sagot.


“Sabihin mo na kasi yung totoo! Mahal mo pa ko noh?” nginitian na naman niya ko.


“Tanga ka ba? Pagkatapos ng ginawa niyo sa aking mag-ama, sa tingin mo magpapaka-gago pa ko sa’yo?”


“Eh bakit mo nga ko hinalikan?” pangungulit ni Wesley.


“Wala yun… kalimutan mo na yun! Walang halong emotions yun!” pagde-deny ko.


“Wala!... di nga… na-feel ko eh!”


“Eh baka ikaw lang basta ako hindi… Hindi na kita mahal… I have Jerek and I’m happy… Tapos!” Sabay daan naman ng taxi at pinara ko ito at agad na sumakay. Si Wesley naman eh panandaliang natulala ng nabanggit ko ang tungkol sa amin ni Jerek. Nang mapansin niyang sumakay ako sa taxi ay patuloy niya akong hinabol… Meteor Garden ang peg… feeling ko tuloy ako si San Chai!


Todo habol si Wesley at rinig ko na sinisigaw niya ang pangalan ko. SInabihan ko naman ang driver na bilisan ang takbo.



“Naku po… Sir yung humahabol sa inyo!” biglang sigaw ng driver.



Potek! Pinahinto ko agad ang taxi sa pag-iisip na baka napaano si Wesley. Waaahhh… baka nasagasaan o ano! Bumaba ako ng taxi at tumakbo pabalik. Kitang kita ko na nakahiga sa kalsada si Wesley. Hindi ito gumagalaw. Agad akong tumakbo paputa sa kaniya. Mga ilang metro din ang layo ng aming pagitan. Nang malapitan ko siya ay tinapik tapik ko ang kaniyang mukha.



“Wesley… Wesley… Boss! Gumising ka!” alalang-alala ako ng mga oras na yun. “BOSS! Gumising ka… hindi ka pwedeng mamatay… mamahalin pa kita! Shet naman oh!” naluluha kong sinabi.


Tatawag na dapat ako ng tulong nang bigla naman siyang dumilat!



“Tulong!... Tulo….” naputol ang aking pagsigaw ng halikan niya akong bigla sa labi.


“Ano, tatanggi ka pa?” yan na naman ang pamatay niyang ngiti!


“Eh gago ka talaga noh! Nababaliw ka na ba?” galit kong sinabi. Tumayo ako bigla pero hinila niya ang braso ko at napahiga kaming dalawa.


“Ano nga… mahal mo pa ko? OO o HINDI!” Matalim ang pagkakatitig niya sa mata ko.


“HINDI!!! Hindi nga!” pagmamatigas ko. Gustuhin ko mang tumayo ay yakap yakap niya ako.


“Yung totoo Mr. Cabrera? Bakit sinabi mo kanina mamahalin mo pa ko? Ako, mahal pa rin kita! Mahal na Mahal!” seryoso nitong sinabi. “Akala ko ba itataya mo lahat para sa akin? Ngayon ako naman ang pupusta, alam kong mahal mo pa ko!”


“OO!!! Mahal pa rin kita! MAHAL na MAHAL! Pero hindi na pwede… iba yung noon, iba na rin ngayon.” Pinilit kong makakawala sa kaniya. Ramdam niya siguro na seryoso ako kaya hinayaan niya akong makaalis.



Muli akong bumalik sa taxi at umuwi. Ayan tuloy… ang laki ng patak ng metro… oh davah, yun pa rin talaga ang nasa isip ko? Toooinnnks!


But kidding aside, litong lito na ako sa kung ano ba ang dapat kong gawin. Alam ko na mahal ko si Wesley  pero hindi ko din kayang saktan si Jerek. Naging mabuti siya sa akin kaya naman hindi ko ata kakayanin na iwanan na lang siya. Pero ano ba ang tama? Magmahal ako ng isang tao dahil lang sa kabutihan na ipinakita niya sa akin… o harapin ko ang katotohanan kahit na merong mga tao na masasaktan?


Ang hard naman! Sa kalagitnaan ng pag-iisip eh nakita ko na lang ang sarili ko na mag-isa sa tapat ng LRT station sa Marikina Riverpark. Dun ako naglalagi kapag may problema ako at malalim ang iniisip. Gustong gusto ko kasi nakikita ang galaw ng tren. Minsan dun ko ibinabase ang mabibigat na desisyon ko sa buhay. Gaya noong pipili ako ng kurso sa kolehiyo… gusto kasi ni Dad ay Engineering ang kunin ko habang Masscomm naman ang gusto ko. Ang ginawa ko inabangan ko ang galaw ng tren… kapag naunang lumagpas ang tren na papuntang Recto ay Engineering ang kukunin ko at kapag pa-Santolan naman ang unang dumaan eh Masscomm ang pipiliin ko… At yun na ng nauna angpa-Santolan Station kaya nag-Masscomm ako.


Try ko kaya ngayon? Kapag pa-Santolan Station ang unang dumaan,  I’ll stick with Jerek pero kapag papuntang Recto naman ang nauna eh bibigyan ko ng second chance si Wesley….




(ITUTULOY)

12 comments:

  1. haha tawa ako ng tawa sa mga punch lines.

    Ganda talaga!!! Next na!!!

    Natawa din ako sa tren thingy.

    Btw, anong ibig sabihin ng "Peg"?

    --ANDY

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahh, ang "peg" ay yung image na pinagbabasehan ng isang act. Kunwari ang peg mo eh si Kim Chiu, dapat pa-sweet ka at demure ang image... parang ganun.

      Delete
  2. sinabihan ko na ang may ari ng lrt na pa recto ang lahat ng daan ng tren wahahaha..... wesley wesly nya hahahaha.... muah!!

    "LHG"

    ReplyDelete
  3. Natawa naman ako sa unang komento. Well nakakatuwa itong series na ito. Nakakawala ng stress. Salamat sa iyo author.

    Keep it up!

    ReplyDelete
    Replies
    1. It's funny when readers call me author... hahaha... parang di ko deserve.LOL

      Tawagin niyo na lang akong Martin. Yun naman ang name ko :)

      Delete
  4. I'll buy LRT bukas na bukas.
    *naka taas kilay*
    All trains are heading to santolan station.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kawawa naman yung mga papasok sa opisina at school papuntang Recto :)

      Delete
  5. wesley! pa din... ! mas nakakakilig eh! at mas bagay sila.. !

    akin na lang si JereK! yummy!mukhang malaki ang kanyang teetee!wahahaha lolz xD

    sana ako na lang yung bida para lagi ko natitikman ang labi ni Wesley! hahaha.xD , gusto ko siya kasi mahilig siya sa anuhan! hahahah xD...

    sana recto! ... go recto! .. kaya mo yan! ..!

    next na pls!

    new reader mo:

    (IAN)

    ReplyDelete
  6. ang ganda ng story at nakakaluka ang mga eksena.... bilib talaga ako sa mga punchline mo direct to the point... at ang taray ....i do really like your character timothy...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  7. Dear author, maraming salamat sa story, tulad na nang nabanggit mg iba, nakakawala ng stress and pagbabasa ng story mo, Nakakaaliw, nakakalibang, nakakatawa kahit puno ng drama. Saludo ako sa yo!!

    Ben
    Aus

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails