Followers

Wednesday, May 16, 2012

Hanggang Kailan?



“Aray!” kasabay ng malakas kong sigaw ay ang pagbagsak ng binili kong pop corn sa sahig. Buti nalang at hindi natapon ang softdrinks na bitbitbit ko din sa labas ng sinehan. Tiningnan ko kung sino ang taong nakabangga sakin.

“Sorry po, hindi kita napansin e. Bayaran ko nalang yung pop corn na natapon.” Sabi ng isang lalakeng tingin ko ay nasa 30-32 taong gulang. In fairness, may itsura siya. Pero nangibabaw ang galit at inis dahil sa pagkakatapon ng aking pop corn.

“Wag na. Hindi mo kasi tinitingnan ang dinadaanan mo.” Sabi ko sabay alis.

Napakamot na lang ng ulo ang lalake at tumalikod na rin. Nagtuloy ako sa loob ng sinehan at umupo sa taas. Since hindi pa naman nagsisimula ang pelikula, kitang kita ko ang mga taong labas masok sa sinehan. Nakita ko ulit ang lalakeng nakabangga sakin kanina sa labas at dire-diretso siya sa likuran ko at umupo katabi ng isa ding lalake. May kasama pala ito at siguro ay ngCR lang siya kanina. Tumingin ako sa gawi nila at nakita kong nakatingin din siya sakin na nakangiti. Irap lang ang sinukli ko. Tiningnan ko ang kasama niyang lalake.

“Hmp hindi man lang nakapili nang mas may itsura hehe.” Sabi ko sa aking sarili sabay ngiti.

“Alam mo, may nakabangga ako kaninang lalake. Natapon ang binili niyang pop corn. Kawawa naman siya. Bayaran ko sana yung pop corn pero tinarayan lang niya ako hahaha.” Narining kong sabi ng lalake sa aking likuran. Alam kong pinaparinggan niya ako. Pero hindi ko nalang pinansin.

“Yaan mo na nagsorry ka naman e.” sabi ng katabi niyang lalake.

Palihim ko silang tiningnan at nakita kong nakatingin na naman ung lalake sakin na inirapan ko naman.

Natapos ang palabas na  Twilight at dire-diretso akong lumabas sa sinehan. Dahil ayoko pa namang umuwi, nagwindow shopping pa ako sa loob ng mall. Nagpunta ako sa bench, penshoppe, giordano, etc. hanggang sa mapagod din ako at kumain sa mcdo. Matapos kong makuha ang aking order e naghanap na ako ng pwedeng maupuan. Dahil hapon na at uwian na ng mga estudyante e maraming tao sa loob ng mcdo. Nahirapan akong maghanap ng upuan at nakita kong may isang bakante sa may bandang dulo. Akma na akong uupo nang mapansin ko kung sino ang mga katabi ko. Yung lalakeng nakabangga sakin at ang kasama niya sa loob ng sinehan. Iiwas na sana ako pero wala na akong choice kundi umupo na lang. Nagsimula na akong kumain nung tumayo ung kasama nung lalake at nagpunta sa CR. Tumingin ako dun sa lalake at mukhang busy at may ginagawa sa may tissue at ketchup ng mcdo. Biglang tumingin siya sakin.

“Sorry ulit kanina.” Sabi nito sabay lahad ng kanang kamay para makipagkamay.

“Ok lang.” sabi ko naman sabay abot yung kamay niya. Ewan pero parang may iba ang pagkakalahad ng aming mga palad sa mga oras na yun. Parang may iba. Hindi ko mawari.

“I’m Aldrin.” Sabi nito.

“I’m ni—“ hindi ko na natapos ng sasabihin ko nung biglang bumukas ang pinto ng CR. Nagkunwaring kumakain ako at sumulyap na lang dun sa lalakeng nagngangalang Aldrin. Napangiti na lang siya. Palihim naman akong ngumiti. Lumabas na sila ng mcdo at hindi parin umaalis ang tingin sakin ni Aldrin. Tiningnan ko ang iniwan nilang pinagkainan at nakita kong may nakasulat sa may tissue gamit ang ketchup na cellphone number. Ito pala ang pinagkakaabalahan niya kanina.

Palihim kong kinuha ang number at sinave sa aking cellphone. Napapangiti nalang ako at nagdesisyong umuwi na rin.

“San ka naman ba galing?!”

******

Ako si Nick, 28 years old. Nasa 5’7” ang taas at katamtamang pangangatawan. Masasabi kong may itsura ako dahil na rin sa mga sabi ng aking mga kaibigan (hehehe). Simula pa noong high school ako e alam kong iba ang aking pagkatao. Malamya akong kumilos pero hindi naman ako yung tipong out na out. Damit panglalake parin ako kung manamit at hanep pumorma din. May boyfriend ako si Rain. Mahigit isang taon na rin kami. Mabait si Rain. Mapagmahal at super sweet. Sa katunayan, hindi niya ako pinagtatrabaho sa kanyang tinitirhang apartment. Siya lahat ang nagluluto at naghuhugas ng pinggan. Siya rin ang naglalaba ng aking mga damit. Actually, lumuluwas lang ako ng Maynila para magkita kami kasi may trabaho ako sa Ilocos. Tatlong beses sa isang buwan lang kami magkita pero minsan siya rin ang pumupunta ng Ilocos. Kilala na rin siya ng aking mga magulang at walang problema sa kanila.

“Diyan lang sa mall. Nanood ng sine at nagwindow shopping lang.” sabi ko.

“Bakit dmo ako hinintay para tayong dalawa sana ang nanood?” sabi nito sabay yakap sa aking likuran. “Kawawa naman ang aking baby iniwan kong mag-isa dito kanina” sabi pa nito habang hinahalikhalikan ang aking tenga.

“E alam ko namang may trabaho ka pa. tsaka hindi naman ako mawawala dito noh.” Sabi ko sabay harap sa kanya at binigyan ng isang halik.

Naghalikan kami. Katulad pa rin ng dati masarap siyang humalik at sadyang iniingat ingatan pa rin ako.

“Tara sa kwarto.” Sabi nito na agad naman akong tumalima.

Tulad ng dati pinagsaluhan namin ang aming pagmamahal. Ang alam ko nuon e hindi na matatapos ang maliligayang araw namin. Halos kumpleto na sana lahat. Pero alam kong may kulang, may bakante sa aking puso na hindi ko mawari. Mahigit isang taon na kami pero alam kong kulang ang binibigay kong pagmamahal sa kanya.

Katulad ng mga nagdaaang mga buwan, inihatid ako ni Rain sa bus terminal pauwi ng Ilocos. Hinintay hanggang hindi umaalis ang bus na sinasakyan ko at duon lang siya uuwi.

“Ingat sa biyahe. Iloveu.” Text niya sakin.

“Iloveu too. Mwah!” reply ko naman.

Habang nasa biyahe, naisipan kong imiss call si Aldrin. Tutal wala namang mawawala pag imiss call ko, sabi ko sa aking sarili.

Nag ring ng isang beses sabay baba ko.

“Hu u.” text niya.

“Hello, ako ung nakabangga mo nung isang araw sa sinehan. Ako pala si Nick. I guessed hindi ko nasabi yung name ko nung last na nagkita tayo, hehehe” reply ko.

“Oh hi! Musta ka na? kahapon ko pa hinihintay yung text mo. I just thought baka hindi mo nakuha yung number ko sa mcdo hehehe..”

“hehehe sweet nga e.. ketchup pa ginamit mong panulat… eto mabuti, pauwi nako ng Ilocos.” I replied.

“Ilocos? You mean, taga dun ka?”

“Ay hindi.. yung kalabaw namin ang taga dun. Hindi ko nga alam kong bakit ako uuwi ng Ilocos kung hindi ako taga dun db?”

“Hahahaha I like it… hahaha. Natural na suplada ka pala hehehe.” Sabi niya.

“Ikaw musta naman? Yung friend mo sa sinehan musta din?” sabi ko. Sinadya ko talagang tanungin ang kasama niya at may naamoy akong iba.

“Ok naman ako. Ah si Vincent. Ok lang naman din. He’s my friend. Nothing is going on between us.” Reply niya.

“Ah ok, sorry nagtatanong lang naman ako. Sige text text nalang ksi matutulog na ako.” Sabi ko para maputol na ang conversation namin.

“Ok ingat sa biyahe..”

*****

Ring ring ring… nagising ako sa lakas ng tunog ng aking cellphone. Tiningnan ko ang orasan alas syete palang ng umaga. Kinuha ko ang aking cellphone at sasagutin na sana ng biglang nag-end ang call. Tiningnan ko sa missed call kung sino. Si Rain. Ang aga naman, sabi ko sa aking sarili. Maya maya, nagring ulit. Sinagot ko.

“Good morning baby.. musta gising mo.” Sabi niya.

“ok naman, ang aga mo namang tumawag baby e alam mo namang 8:30 pa ang pasok ko.” Sabi ko.

“Namimiss na kita e. kelan ka ulit luwas?”

“Sa weekend siyempre.” Sabi ko.

“ok sige wait kita ha. Iloveu. Mwah mwah.”

“iloveu too mwah mwah..”

“bye”

“bye”. Sabay lapag sa may lamesa ang cellphone ko.

Ring ring ring…. Ano naman?? Sabi ko sa aking sarili. Pero si Aldrin ang tumatawag. Napatitig ako sa aking cellphone. Nag-iisip kong sasagutin ko o hindi. Minabuti ko nalang na huwag sagutin. Bumangon na lang ako at nagpresentang magluluto ng breakfast. Pagkatapos kumain, naligo na ako at pumasok na.

Pagkatapos ng trabaho diretso uwi na ako nung maisipan kong tingnan ang cellphone ko. Nakita ko 6 missed calls at 6 messages. Iniisa isa ko ang nagmissed call pero puros kay Aldrin lang ang number. Binasa ko ang messages.

“San ka na? bakit dmo sagot call ko?” Aldrin.

“Hey J” Aldrin.

“Busy?” Aldrin.

“please answer my call?” Aldrin.

“musta ang araw ng baby ko?” Rain.

“Iloveu” Rain.

Minabuti kong sagutin muna ang text ni Rain. “Hi baby kakalabas ko palang ng work. Pauwi nako. Iloveu too, ingat. See u.” text ko.

Sumunod kong sinagot ang texts ni Aldrin. “sorry busy lang po sa work. Heto pauwi na.”

Agad tumawag si Aldrin. Napabuntonghininga nalang ako bago ko sagutin ang call niya.

“Hello” sabi ko.

“Hello, musta ka na? ang hirap mo palang hagilapin sa cellphone. Buti pa nung nagkita tayo. Miss ko na pagtataray mo hehehe.” Sabi niya na dire-diretso.

“busy lang po talaga sa work” sabi ko naman.

“pwedeng malaman kong saan ka nagwowork?”

“sa hospital.” Sabi ko.

“anong work mo dun? Staff ka ba dun?”

“hindi pasyente ako. Malamang staff ako! Hahaha” sabi ko.

“hahaha ayan na siya nagsisimula na hahaha. Hindi nga ano work mo dun?”

“Physical Therapist” sabi ko.

“wow masahista ka pala!”

“Excuse me, Mr. Aldrin. Hindi ako nag-aral ng limang taon at makapasa sa isa sa pinakamahirap na board exam para tawagin mo lang akong masahista. Magkaiba kami ng ginagawa kung alam mo lang kaya wag na wag mo akong tatawaging masahista.” Sabi ko na sobrang napalakas yata ang boses ko at pinagtitinginan ako ng mga tao..

“Ok ok ok. Relax lang. eto naman high blood agad. Sorry na po…” sabi niya.

“sige na at sasakay nako ng tricyle. Bye” hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at binaba ko na ang call.

Naiirita ako sa kanya. Hmmppp. Sabi ko sa aking sarili. Maya maya pa nagtext ulit si Aldrin.

“Sorry na po ulit. Hindi ko naman alam e. L” pero hindi ko na nireplyan pa ang text niya. Pero hindi nako ngreply pa.

*****

Araw ng Biyernes. Lumuwas ako ng Maynila para makipagkita kay Rain. Habang nasa byahe iniisip ko ang kalagayan namin ni Rain. Kung hanggang kailan kami ganito. Iniisip ko kung ito na ba ang happy ending ng kwento naming dalawa. Pero hindi maaalis sa isip ko si Aldrin. Hindi ko alam pero may kakaiba sa kanya. Naiirita ako sa kanya pero parang gusto ko ulit siya makita.

“San ka na?” si Rain.

“Dito pa lang sa Pangasinan. Ano gawa mo?” reply ko naman.

“Eto matutulog na ksi maaga akong gigising bukas para sunduin ka sa terminal.”

“ah sige tulog ka na.” sabi ko

“Iloveu”

“Iloveu too.”

Naisip kong itext si Aldrin. Hindi naman siguro malalaman ni Rain kung itetext ko siya.

“hello” text ko. Pero hindi siya sumagot hanggang nakarating na ang bus sa bandang Tarlac ay wala pa rin siyang reply. Binalewala ko na lang. Maya maya pa…

“hello. Sorry ngaun lang ako nakareply kasi iniwan ko cellphone ko kanina. Galit ka pa rin bas akin?” Sabi ni Aldrin sa text.

“hindi naman ako nagalit e. nainis lang kasi ako at naghigh blood agad ako hehehe.” Reply ko.

“ano gawa mo ngayon”

“nasa bus. Paluwas ng Maynila.”

“talaga?!?!” sabi niya.

“hindi joke lang… kasasabi ko lng db?” sabi ko.

“hahahaha.. ikaw talga. Pwede ba tayong magkita?” text niya.

Hindi ako nakapagreply agad at inisip kong pwede ba talaga kaming magkita. Siguro mag-aalibi na lang ako kay Rain. Tutal may pasok naman siya. Sabi ko sa aking sarili.

“Sige…”

*****

Nagkita kami ni Aldrin sa may Farmers Plaza sa Cubao. Alanganin akong pumunta ksi baka malaman ni Rain na nakikipagkita ako sa ibang lalake. Hindi ko siya kayang saktan sa sobrang pagmamahal niya sakin. First and last ito. Sabi ko sa aking sarili.

Nakita kong padating na si Aldrin. Ngayon ko lang siya napansing mabuti. Guwapo talga ito. May katangusan ang ilong, maputi at may pagkachinito. Mas matangkad siya sakin ng konti. Malayo pa lang siya nakangiti na siya sakin. Ngumito naman ako ngunit naiilang parin ako.

“hi” sabi nito.

“hello” sabi ko.

“para maging formal tayong magkakilala, I’m Aldrin Cruz. 33 years old.” Sabi niya.

“I’m Nick Montes. 28 years old hehe.” Sabi ko naman.

“Ang cute mo pala pag talagang malapitan.” Sabi niya na ikinamula ko naman.

“ikaw din naman.” Nasabi ko na lang.

“Tara?”

“San?” sabi kio

“Don’t worry. Akong bahala sa iyo, kung may tiwala ka sakin?” sabi niya.

“A..e…”

“Hindi malalaman ng boyfriend mo. Promise.” Sabi niya. Siguro nababasa niya ang aking nasa isip.

“Sige.”

Nagpunta kami sa Palawan na parang singalong bar. Nagulat ako sa lugar kasi lahat ng andun e may kanya kanyang partner… na lalake din. Umorder siya ng apat na SanMig Light at pulutan. Maraming tao sa lugar. Isa isang kumakanta ang mga andun. Sa may dulo kami umupo. Magkatabi. Naiilang ako sa sitwasyon. Kahit sabihin nating parehas namin ang mga taong andun, hindi ko maiwasang isipin na may partner din akong tao at nakikipagkita ako sa iba.

Tiningnan ko ang relos ko. Alas dyes na ng gabi. Halos hindi ko namalayan ang oras. Siguro kelangan na naming umalis, sabi ko.

“Aldrin, I think we bet-----“ biglang hinawakan ni Aldrin ang kamay ko. Malambot ang kamay niya. Andun na naman ang kuryenteng dumaloy gaya nung una naming magkakaupang palad. Hindi ako gumalaw. Akma kong tatanggalin ang kamay ko pero lalo niyang hinigpitan ang hawak.

“Nick, alam kong may partner kang tao. Pero hindi ko maikakailang may gusto ako sayo. Simula pa nung una pa tayong magkita. Alam kong iba ka.” Sabi niya.

Hindi ko alam ang aking sasabihin. Naaamoy ko ang hininga nito na amoy SanMig. Pero mabango parin.

“Aldrin, hindi pwede. Nakipagkita lang ako sayo kasi… kasi….” Bakit nga ba ako nakipagkita? Maski sa aking sarili hindi ko ring masagot.

“Kasi gusto mo rin ako… hindi ka naman makikipagkita sakin ng walang dahilan db?” putol niya.

“pero hindi pwede Aldrin. Hindi ko kayang saktan si Rain. At hindi ko kayang magtwo time. Hope you understand. Nakipagkita lang ako sa yo kasi wala akong magawa sa bahay. Nasa work si Rain.” Sabi ko nalang sa kanya.

Bigla akong napatingin sa may entrance ng bar. Tinanggal ko bigla ang pagkakahawak ng aking kamay sa kamay ni Aldrin. Napatitig ako sa lalakeng papasok. Bigla ring napatingin si Aldrin sa may pintuan.

*****

“Vincent!” sabi ni Aldrin.

Nakatingin lang si Vincent sa amin ni Aldrin. Pinakilala kaming dalawa. Pero hindi tinaggap ni Vincent ang aking kamay. Bigla itong lumabas ng bar. Hinabol naman ito ni Aldrin. Naiwan akong mag isa sa bar. Halos sampung minuto din bago bumalik si Aldrin.

“Pasensiya ka na sa kanya. Nagseselos lang sa yo nun..” sabi nito pagkaupo.

“Nagseselos? Akala ko ba kaibigan mo lang siya? Bakit siya ngayon magseselos? Tanong ko.

“Actually, gusto niya maging kami pero ayoko. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Kaya nung nakita ka na kasama ko hindi niya maiwasang magselos.”

“hmmm ok..” sabi ko na lang. wala naman siguro ako sa lugar para magtanong. Hindi naman kami  para tanungin ko kung ano talga ang sitwasyon nila. “Teka magccr lang ako.” Paalam ko sa kanya. Tumayo ako pero bigla akong nahilo kasi hindi talga ako sanay uminom. Pero naagapan ako ni Aldrin. Tumayo ulit ako at naglakad. Habang nasa CR ako huhugutin ko sana ang aking cellphone para tawagan si Rain pero nakalimuta ko pala sa may lamesa. Umihi na lang ako at naghilamos para makauwi na rin. Pagbalik ko sa aming upuan, sinalubong ako ni Aldrin.

“Tara na. Ihatid na kita sa inyo. Yung cellphone mo pala.” Sabay abot ng aking phone. Pero ang mukha nito ay hindi ko mawari. Mukhang hindi maganda ang timpla.

Anong nangyari dito, kanina lang e ang ayos ng usapan namin. Sabi ko sa aking sarili. Pero dahil gusto ko na ring umuwi nagpaubaya nalang ako. Inalalayan ako sa may taxi at umupo kami parehas sa may bandang likod. Bigla na naman niyang hinawakan ang aking kamay. Nagpaubaya nalang ako.

“Diyan nalang ako bababa sa may kanto.” Sabi ko sa kanya.

“Ihatid na kita sa may inyo.” Sabi nito.

“Wag na, diyan nalang ako.” Pilit ko.

“sige. Manong, diyan na lang po sa may kanto.” Sabi nito sa driver ng taxi.

Pagdating ko ng apartment ni Rain, nadatnan kong nakaupo siya sa may sofa. Mukhang malalim ang iniisip. Nilapitan ko siya at humalik.

“Kanina ka pa baby?” tanong ko sa kanya.

“Medyo. San ka galing baby?” tanong niya.

“Ah.. sa mall. Nagwindow shopping lang.” alibi ko nalang sa kanya pero alam ko guilty ako sa ginawa ko.

“Ah ok. Sige na maligo ka na para makatulog na tayo.” Sabi nito sabay tayo tungo sa may kwarto.

Nanibago ako sa kinikilos niya pero siguro pagod lang sa trabaho. Pagkatapos kong maglinis ng katawan, tumabi na ako kay Rain. As usual, hinalikan niya ako sa bibig at sabay na namin dinama ang aming pagmamahal.

*****

Pagkagising ko ng umaga, wala na si Aldrin sa tabi ko. Pumasok na siguro. Ganun lagi pag may trabaho siya. Pagbangon ko, may nakita akong nakatiklop na parang sulat sa ibabaw ng lamesita katabi ng aming kama. May nakasulat sa labas na “baby”. Bigla ko itong binuklat at binasa. Kahit kelan hindi nawawalan ng sorpresa si Rain. Sabi ko.

Baby,

Musta naman ang gising ng aking asawa? Sana hindi sumakit ang katawan mo sa nangyari kagabi satin hehehe. Anyway, alam mo baby,  mahal na mahal kita. Alam ko kung nasan ka kgabi. Tumawag ako sa cellphone mo pero Aldrin daw ang pangalan ng nakasagot. Wala naming problema sakin basta sabihin mo lang sana ang totoo. Alam mo, sinabi ko dun sa Aldrin na iuwi ka na niya sakin. Nagmakaawa ako na wag ka niyang kunin sakin. Ilayo. Ksi hindi ko makakayang mawala ka. At inamin din niya na mahal ka niya. Pero nagmakaawa parin ako sa kanya. Ok na sakin ang lahat. At least, sakin ka  pa rin umuwi. Mahal na mahal kita baby. Hindi ko kayang mawala ka sakin. Wait moko mamaya may surprise ako sau….

Baby Rain

Napatitig ako sa sulat. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong tawagan si Rain. Gusto ko ring tawagan si Aldrin. Nalilito ako kung ano ang gagawin ko. Minabuti ko na lang na hintayin nalang si Rain para makapag-usap kami ng maayos. Minabuti ko na ring wag nang tawagan si Aldrin para sa ikatatahimik ng lahat. Ako ang gumawa nito at ako rin ang gagawa para malusutan ito. Kaya, naligo ako. Nagbihis at pumunta ng palengke. Gusto ko ding sorpresahin si Rain pag-uwi nito. Magluluto ako ng paborito niyang ulam… ginatang tilapia.

Habang hinihintay ko ang pagdating ni Rain biglang nagring ang cellphone ko. Unknown number ang nakaregister. Sinagot ko ito.

“Hello. May speak with Mr. Nick Montes?” sabi na babaeng nasa kabilang linya.

“Yes? Speaking..” sabi ko.

“Sir, I am pleased to inform you that your application to work in Saudi Arabia has been approved. We will forward your contract through e-mail and if you agree with the terms and proposed compensation, please let me know.” Mahabang sabi ng babae.

“ah..ee… ok Ma’am” nauutal kong sabi.

“Ok Mr. Montes. Bye.”

“bye” matagal bago ako nakarecover sa sinabi ng babae. Eto na yun! Sabi ko sa aking sarili. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito at ngayon na to. Sigurado akong matutuwa si Rain pag-uwi nito. Malamang double celebration mamaya ang mangyayari. Ang pagbabati namin at ang magandang balita sakin.

*****

Isang taon at kalahati nako sa Saudi. Madalang na ang pag-uusap namin ni Rain. Mas madalas pa nga ang pagcchat namin ni Aldrin sa facebook. Si Rain laging wala sa bahay dahil daw sa trabaho niya. Naniniwala naman ako kasi alam kong may tiwala ako sa kanya. Si Aldrin, kahit papanu nandiyan lagi na pinapasaya ako pag kinukwento ko ang nagyayari samin ni Rain.

“Kasi ikaw hindi na lang ako ang pinili mo nuon.” Pagbibiro ni Aldrin.

“Alam mo naman na hindi ako yung tipo na nagtotwo time.” Sbi ko.

“Joke lang naman. Hehehe.” Sabi niya.

Palaging ganun si Aldrin pag nagpapalipag hangin. Inaaamin parin niya na hanggang ngaun ay mahal pa rin niya ako at handa siyang maghintay.

Dumating yung time na hindi ko na makayanan ang relasyon naming ni Rain. Lagi na kaming nag-aaway pag tumatawag ako. Kesyo daw madalang na akong tumawag, na baka daw may iba na ako, na kinalimuta ko na siya, etc. kaya nagdecide siyang maghiwalay na lang muna kami. Masakit sakin dahil sa mahigit isang taon naming pagsasama ay matutuldukan lang ng ganito dahil sa napalayo ako para sa trabaho. nung simula hindi ako pumayag, pero mapilit si Rain at wala na raw patutunguhan an gaming relasyon dahil sa magkalayo kami.

Mahigit anim na buwan din ako hindi  makarecover dahil sa paghihiwalay naming ni Rain. Si Aldrin laging nandiyan para pasayahin ako. At kinukulit na sagutin ko na siya. Pero ayoko pa. sinabi ko kay Aldrin na hindi pako handang magmahal kahit na alam kong may puwang sa puso ko si Aldrin. Ayokong isipin niya na panakip butas ko lang siya. Pero pursigido si Aldrin na maghintay at manligaw kahit sa facebook o text sa roaming ko. Hinahayaan ko lang naman siya. Pero ang tanong kung makakapaghintay pa ba siya hanggang sa walang hanggan? Hindi ko pa alam kung kailan ako totally magiging ok para pag maging kami ni Aldrin ay buong puso ko siyang tatanggapin na walang kahating Rain. Hanggang kailan maghihintay si Aldrin? Hindi ko pa alam sa ngayon….

(Ito po ay hango sa totoong buhay. Sadyang pinalitan ang mga pangalan ng mga karakter. Maraming salamat kuya mike…)

By: nichoz

10 comments:

  1. its better that way.... bigyan mo ng chance ang sarili mo na magisip sa mga pangyayari.. but dont close ur heart to fall inlove again... masakit talaga ang mabigo sa larangan ng pag ibig....

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  2. hello ganda nman ns storya mo.....ingat k lang lagi dyn sa saudi.sana mahanap mo uli ung taong karapatdapat sau u deserve to be happy tol...




    love ken...

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat ken... ur name reminds me of someone i know...we all deserve to be happy... may karugtong po ang kwento ko, namin ni Aldrin...

      Delete
  3. ang bilisng panyayari may karugtong po ba ito? kung hahabaan mo pa ito mas ok cguro pero kung ito lng talaga ok lng maganda naman cya pero nakakaiyak ang katotohanang bihira ang nagtatagal sa long distance relationship... haistt...

    "LHG"

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat LHG... meron pong karugtong ang kwento ko, namin ni Aldrin kung anong nangyari na sa panliligaw...

      Delete
  4. salamat po sa mga nagcomment... baka may karugtong po ang kwento ko pero kwento na namin ni Aldrin ang susunod... sana po patuloy niyong subaybayan... maraming salamat ulit kay kuya mike na siyang nagbigay daan upang mailathala ko ang aking sariling kwento.

    ReplyDelete
  5. sayang si rain. !
    Pero sana kaio na ni aldrin. ^^V . .godbless.


    louie

    ReplyDelete
  6. nice story. looking forward sa next chapter. I can relate coz OFW din ako at really so hard to main a long distance relationship..thanks sa author

    ReplyDelete
  7. nice.. kung san ka masaya dun ka.., aanhin mo yung isang taon n kulang ka dba???

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails