Followers

Monday, May 21, 2012

My Wooden Heart Part 10


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either product of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead is entirely coincidental.

AUTHOR's NOTE: Grabe na to… Salamat naman at puro positive feedbacks ang natatanggap ko. Buti pa dito walang haters!Hahahaha! Anyways, malapit na pong matapos ang kwento na My Wooden Heart. Kung mapapansin niyo ay nakabase sa 10 commandments of love ni Tim ang bawat kabanata at sa ngayon ay pang- siyam na commandment na itong Part 10. Ano na nga ba ang susunod na mangyayari? Abangan niyo na lang.

Gusto ko nga din pala magpasalamat sa mga nagko-comment at todo abang sa mga updates ko. Sina Reyan, AR, Ramy from Qatar, Erwin F, LHG, Josh, Hiya, <07>, Andy, Jayfinpa Maqui, Ian at kung sino man po yung mga Anonymous… magpakilala na kayo! LOL!

And again… ikina-campaign ko ulit ang cousin ko na kasali sa isang pageant. If you truly love me… este my story… please vote for her. Voting is until May 25 kaya sana ipagkalat niyo sa lahat na i-like ang kaniyang photo sa FB... here's the link https://www.facebook.com/photo.php?fbid=290859947673958&set=a.290859227674030.64535.290854051007881&type=3&theater

Follow niyo din ako sa twitter! https://twitter.com/#!/ToeThoughts




Ang pag-ibig parang bingo, kahit isang numero na lang ang kulang, minsan natatalo pa!”



Ang hard naman! Sa kalagitnaan ng pag-iisip eh nakita ko na lang ang sarili ko na mag-isa sa tapat ng LRT station sa Marikina Riverpark. Dun ako naglalagi kapag may problema ako at malalim ang iniisip. Gustong gusto ko kasi nakikita ang galaw ng tren. Minsan dun ko ibinabase ang mabibigat na desisyon ko sa buhay. Gaya noong pipili ako ng kurso sa kolehiyo… gusto kasi ni Dad ay Engineering ang kunin ko habang Masscomm naman ang gusto ko. Ang ginawa ko inabangan ko ang galaw ng tren… kapag naunang lumagpas ang tren na papuntang Recto ay Engineering ang kukunin ko at kapag pa-Santolan naman ang unang dumaan eh Masscomm ang pipiliin ko… At yun na ng nauna ang pa-Santolan Station kaya nag-Masscomm ako.


Try ko kaya ngayon? Kapag pa-Santolan Station ang unang dumaan,  I’ll stick with Jerek pero kapag papuntang Recto naman ang nauna eh bibigyan ko ng second chance si Wesley….


Ayan na… nandyan na ang tren!!! Pa-Santolan? Ibig sabihin si Jerek ang dapat kong piliin. Hindi ko na itatagong may lungkot akong naramdaman. Pero yun ang sabi ng sign kaya dapat sundin ko na lang. Haaay… ganito ba talaga kapag in-love? Ang gulo gulo.


Sa puntong yun ay naisipan ko na lang sumakay mismo ng LRT. Matagal na din kasi akong hindi nakakasakay ng tren… college days ko pa ata since huli akong nag-LRT. Nilakad ko na lang papuntang train station. Effort di ba! Tulala pa din ako habang naglalakad… Wesley o Jerek, Jerek o Wesley. Kung meron lang life line na phone a friend eh ginawa ko na siguro. Nakarating na nga ako sa station pero saan naman kaya ako pupunta?


Naisip ko na pumunta na lang sa RECTO. Masulit lang ba yung haba ng biyahe. Agad akong bumili ng ticket at naglakad papuntang elevator. Nakaka-babae kasi kapag dun ka sumakay, di ba pang buntis lang yun… Hahaha! Pero hindi pa man ako nakakarating ng elevator, may bigla akong nakita.


SHETTT! Si WESLEY!


Nakita din niya ako kaya agad niya akong nilapitan.



“Boss… dito ka lang pala nagpunta. Bakit mo ako iniwan kanina. Please naman mag-usap pa tayo.” pakiusap nito.


“Wag mo nga ko ma-Boss Boss diyan… excuse me may lakad pa ko.” Pagsusungit ko.


“Eh anong tatawag ko sa’yo? Kuya?” pabiro nitong sinabi.


“Gago ka talaga! Eh bakit ba hanggang dito eh sinusundan mo ko… hindi ba nagkalinawan na tayo?”



Nang tanungin ko siya ay ipinakita niya sa akin ang kaniyang ticket.



“Oh ano naman yan?” tanong ko.


“Ticket?! Going to RECTO… bakit bawal?” tanong din niya.



Parang biglang huminto ang takbo ng mundo ng marinig ko ang sinabi niyang ‘RECTO.’  LORD! ANO BA TALAGA? Wala na nga akong nagawa pa. Since pareho kami ng sasakyan na tren eh hindi na niya ko tinantanan. Sinubukan kong layuan siye pero si mokong eh parang aninong sunod ng sunod. Naupo na nga ako sa bandang gilid ng tren, sa four seater at tumabi din naman siya sa akin. May dalawa pa kaming nakatabi, yung isa ay babaeng may edad na at isa naman madre.



“Good morning po mother!” bati ni Wesley sa madre


“Good Morning din iho.” Binate din naman siya.


“Ano to talk show? Bigla bigla na lang may batian portion?” sabi ko naman sa sarili.


“Ahhmmm, mother pwede po ba akong magtanong?” aba si mokong pinanindigan ang pagpapaka-Boy Abunda.


“Ano naman yun iho.” Humarap na sa kaniya si Mother.


“Kunwari po may taong nagkasala sa akin, medyo mabigat po yung pagkakasala niya. Ngayon eh humihingi po siya ng tawad. Ano po bang dapat kong gawin.” Tanong ni Wesley.


“Ah, iho dapat ay patawarin mo siya. Hindi maganda ang nagtatanim ng galit sa puso. Lagi nga nating sinasabi na kung ang Diyos ay nakapagpatawad, sino ba naman tayong mga tao lamang para ipagdamot ito sa ating kapwa. Imbes na galit ay dapat pag-ibig ang iganti natin sa mga nagkakasala sa atin.” Paliwanag naman ni Mother.


“Thank you po Mother.” Sabay lingon sa akin at nginitian ako. Nagkunwari naman akong hindi nakikinig sa usapan nila.



Aba! Si mokong naghanap pa ng kakampi. Ginamit pa ang Diyos… But I must admit, may point si Mother… CONGRATULATIONS! May tama ka!!!


Bumaba na ang madre at ang katabi niya kaya naman kami na lang naiwan sa upuan.



“Boss…” pagbasag niya sa katahimikan. Hindi ko siya pinansin.


“Boss, alam mo ba nung nagalit ka sa akin. Hirap na hirap ako. Mahal na mahal kasi kita. Naipit lang ako sa sitwasyon.” Patuloy lang ang pagsasalita niya at ako naman ay tahimik lang.


“ Noong nalaman ni Dad ang tungkol sa atin, pinapili niya ako. Lalayuan kita o idi-dissolve niya ang production team niyo. Alam ko kung gaano mo kamahal ang trabaho mo… kung gaano mo kamahal ang buong staff. Pinili ko kung anong makakapagpasaya sa’yo kahit na kapalit nun eh magalit ka sa akin. Hindi ka nawala sa puso ko, sa bawat gagawin ko ikaw lang ang naiisip ko. Mahal kasi kita eh!” Seryoso nitong sinabi.


“DING DONG!... Arriving at Recto Station… Paparating na sa Recto Station!” Letse naman… panira ng mood!



Bilang drama queen ako eh agad akong tumayo at iniwan siya habang feel na feel pa niya ang page-emote. Binilisan ko ang lakad hanggang sa hindi niya na ko makita dahil sa dami ng taong nauna sa kaniya.


Parang telserye ang eksena te! Napahinto ako sa paglakad sa kalagitnaan ng platform. Nang mawala ang bulto ng tao ay lumingon ako. Nakatayo lang din siya.



“Gago ka talaga BOSS!!! Gago ka!!!” sinigawan ko siya at tumakbo naman siya papunta sa akin at parang automatic na ang lahat.



Hinalikan niya muli ako. Niyakap. Matagal… Tumulo bigla ang luha ko nang hindi ko namamalayan… At ang nakakaloka… nakatingin sa amin ang mga tao sa kabilang linya ng train station…HAHA! Keber!



“Oh ano… tayo na ulit? Boss?” tinitigan niya ako sa mata at nginitian.


“Gago ka talaga… OO na!” sabay tango ng aking ulo.


“Nakaka-ilang gago ka na ha!... ginago mo puso ko eh!”


“Jologs naman ng pick-up line mo… wala bang bago?” pabiro kong sinabi.


“Exam ka ba?” tanong niya.


“Bakit?”


“Kasi gusto kitang i-take home eh!” sabay tingin sa akin with matching naughty looks…


“HOY! Mr. del Rosario ha! Baka gusto mong bawiin ko promotion mo… nakakahiya ang daming tao.” Sabay tapik ko sa kaniyang noo.


“Ito naman oh… kung makakalusot lang.”


“Oh e di  palusutin…” sabay takbo ko…


“Weh… di nga!” sigaw niya habang nakatayo pa din at tila natulala sa sinabi ko.


“Hoy… anong tinatayo tayo mo dyan? Gusto mo bang makalusot o hindi?” sigaw ko.


“Sandali lang… Humanda ka! Batang Cobra energy drink yata to… Waaahh!” at tumakbo na din siya papunta sa kin.



Dinala na nga niya ako sa kaniyang bahay at dun na naganap ang sangkatutak na lusutan! Hahaha… Ayoko na i-detalye… amin na lang yun! Nag stay muna ako dun sandali, nakahiga lang kami sa kama habang yakap ang isa’t isa.



“Boss… I love you!” bigla niyang sabi.


“Ayoko!”


“Anong ayoko? Ikaw ang dami mong pasabog!” sabay siko sa akin.


“Ayoko kasi ang hirap mong mahalin eh… Try mo magmahal ng katulad mong gwapo, mayaman… kilala…” pinutol niya ang sinabi at biglang hinalikan.


“Ang dami mo naman kasing sinasabi. Alam ko na yun… hehehe… gusto ko sabihan mo naman ako ng I Love You… sige na” parang bata na nagmumukmok.


“I Love you… pero…” pabitin kong sinabi.


“Meron na namang pero?”


“…Pero paano ang Papa mo. Sukdulan pa naman galit sa akin nun! Kung anu-ano pa naman ang pinagsasabi ko sa kaniya.” Hiyang hiya kong sinabi.


“Ah… si Papa… sigurado ipapa-salvage ka non… madami pa namang kilala yung sindikato na pwedeng magkidnap sa’yo tapos ipapatay ka. Palalabasin na aksidente lang yung nangyari.” Seryoso nitong sinabi.


“Gago ka talaga… tinatakot mo ko eh!”


“De… joke lang yun… pero siyempre ipagtatanggol kita!” sabay kiss na naman sa aking noo. “Pero alam mo ba Boss, bilib na bilib si Papa sa’yo!”


“Weh? Yung ganong reaksyon ng mukha niya? Bilib? Parang ayoko na abangang kung anong itsura niya kapag galit.”


“Oo… noong gabi ng birthday party niya, nag-usap kami. Actually, hesitant ako na kausapin siya pero hindi ko talaga mapigilan. Hiniling ko sa kaniya na sana matanggap niya kung ano yung totoo kong nararamdaman…”


“Owws… anong sabi niya.”


“Nagulat nga ako eh… bigla na lang niyang sinabi na bibisita daw kami kay Direk. Pakiramdam ko na-realize niya na tama ka.”


“Ui… Boss, pasensya ka na nga din pala sa akin… alam ko na mahal mo din ang Papa mo kaya kung ano man yung mga sinabi ko sa kaniya, hindi ko sinasadya yun!” sabi ko.


“Hehe… alam mo proud na proud ako sa’yo! Ikaw lang kasi nakasagot kay Papa ng ganun. Lahat ng tao, maid, driver, pati mga executives sa kompanya eh takot dun… ikaw lang ang nakapag-taray ng malupit sa kaniya!” sabay tawa ni Wesley.


“Loko ka talaga… tawa pa? Eh paano nga si Papa mo? Nahihiya akong harapin siya.”


“Oh, ayan pala si Papa!” biglang tingin niya sa pinto… Gago talaga wala naman pala!


“Siraulo ka talaga… seryoso na kasi!”


“Sa tingin mo gagawin ko lahat to kung hindi ako binigyan ng blessings ni Papa. Siya mismo ang nagpayo sa akin na sundin ko ang puso ko. Pinapasabi din niya na sorry daw. At sina Direk at Odie at yung iba pa, ibabalik na din niya sa trabaho.”


“Talaga! Salamat naman… at least hindi na ko magi-guilty na nadamay sila sa gulo ko.”


“Eh ikaw Boss… paano yung Jerek mo?” sabay simangot nito.


“Ahmm… since natikman na kita… try ko naman siya tapos mamimili na ako sa inyong dalawa!” sabay ngiti ko na parang nang-aasar.


“Ah ganun pala ha… pwes papatikimin kita ng hindi mo malilimutan! Waaah!!!” naghabulan kami sa palibot ng buong bahay. Hanggang sa mahuli niya ko sa bandang sala.


“Eto wala nang joke Boss! Ako na bahala dun kay Jerek… mabait naman yun kaya siguro maiintindihan niya rin naman.”



Pagkatapos ay inihatid na niya ako sa bahay. Hindi ko na siya pinapasok dahil baka hindi pa ready si Mommy at ma-byuda ako ng maaga.



“Kotse ni Wesley yun hindi ba?” tanong ni Mom.


“Ah… ehh..” pautal utal kong sagot.


“Naku po!!! Ayan na nga ba ang sinabi ko… Ano Wooden Heart? Na-grinder na ba yang matigas mong puso?” diretsahan niyang tanong.


“Alam mo minsan pinagtataka ko kung bukod kay Gabriela Silang eh sinasapian ka din ni Zenaida Seva! Ang lupit ng psychic powers niyo Ma!” pabiro kong sagot. Hindi lang alam ni mom hindi lang puso ko ang na-grinder… hahaha!


“Wag mo ko daanin sa biro Timothy ha! Paano na si Jerek niyan? Ang bait na bata pa naman nun”



Umupo muna ako sa sala at napabuntong-hininga… Paano nga ba?



“Basta anak, maging totoo ka lang sa sarili mo. Gumawa ka ng tamang desisyon dahil walang madaling paraan kundi ang masaktan ang isang tao pag ganiyang sitwasyon. Mabuting tao si Jerek kaya alam kong maiintindihan niya.” Payo sa akin ni Mom.


Pero paano ko nga ba sasabihin kay Jerek ang lahat… tipong “Jerek, alam mo ba nagkita kami kanina ni Wesley. Hinalikan niya ko, hinalikan ko din siya tapos may nangyari na sa amin. Kami na ulit. Sorry!”


Dyosko, baka jombagin ako nun ang laki pa naman ng braso niya! Waaahh… paano nga ba?


Sumapit na nga ang gabi. Gaya ng nakagawian ay sinundo ako ni Jerek papasok sa bar. Work mode lang. Pagkatapos ng set ko ay sila naman kaya watch lang ako sa kanila.

                                                                                            
Para naman akong binagsakan ng barbell ng kuamnta na si Jerek… ano ba to nananadya? Break It To Me Gently talaga?



Do you think that your smile
Could hide what's on your mind?
No matter how I tried
I just couldn't be so blind

We've been close but people grow
And they sometimes grow apart
There's just one thing I ask you
If you've had a change of heart

Break it to me gently
If you have to, then tell me lies
Break it to me gently
At least leave me with my pride
Try to spare my feelings
If the feelings have to die
Break it to me gently
If you have to say goodbye



Tulala lang ako habang pinapanood siya. Lumapit siya sa akin pagkatapos ng set nila at tinitigan lang ako. Tahimik. Hinawakan niya ang aking mukha… naiilang ako sa ginagawa niya dahil nagi-guilty talaga ako.



“My 3 months here is over…” pagbasag niya sa katahimikan.


“Huh? I thought you’ll stay here for good?” pagtataka ko.


“I know you Tim… I know you so well because I love you.”


“What do you mean Jerek?”


“You don’t need to hide anything… remember my promise? I promised not to push too hard!” nakangiti niyang sinabi. “I know what you feel… I’m here but it seems that you see someone else… I understand that!”


“Jerek…” maikli kong tugon.


“All I ever wanted was to take care of you Tim… you kept your promise to let me love you and so it’s time that I do my share. I love you so much that I want you to find your true happiness… and that’s not me.” Tuloy tuloy niyang sinabi.



“He’s here!” sabay tingin ni Jerek sa bandang entrance ng bar... nandun si Wesley...



(ITUTULOY)

18 comments:

  1. kawawa naman si jerek, napaka bait nya.

    Thanks sa update, excited na ako sa ending.

    --ANDY

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun talaga eh... he chose to make Tim happy kahit kapalit nun ang sarili niyang kaligayahan... that's true love kaya mataas respect ko sa kanya

      Delete
  2. uu nga kawawa naman c jerek sana naman ihanap mo naman cya ng makakapagpaligaya din sa kanya hehehe..... masakit un ah sobra salamat nga pala at nabanggit mo ako sa itaas hehehe lalo ako ginanahan mag comment....

    salamat sa sobrang bilis mo magupdate sana pagkatapos nitong kwento mo ituloy mo pa ang pag gawa ng kwento...

    galing mo talaga....

    "LHG"

    ReplyDelete
    Replies
    1. I will... promise... hindi ko lang masasabi kung gaano kadalas. I just wanted to finished this one kasi ayokong mambitin. But promise... soon gagawa ulit ako. Enjoy kasi pala!

      Delete
  3. ay! meron na pala! basa mode muna ko! .. hehe kagigising lang! :D!

    (IAN)

    ReplyDelete
  4. im happy for tim and wesley pero sad ako pra kay jerek, sana akin na lng sya :p



    <07>

    ReplyDelete
    Replies
    1. nako... ang daming bet si jerek... unahan na lang

      Delete
  5. KAHIT PAPAANO NAAWA AKO KAY JEREK! :[ .. PERO GANUN TALAGA ! MAPUPUNTA DAW KASI SA AKIN SI JEREK KAYA GANUN! HAHAHA KEME! LOLZ.. XD.

    ANG DAYA NG WRITER! HINDI NILAGAY YUNG NANGYARI SA KWARTO NI WESLEY! HAHAHA.. XD. SWERTE YOU TALAGA GURL! .. :D!

    IM STILL WAITING FOR THE NEXT! MORE POWER!

    (IAN)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako man eh hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa kwarto? Virgin pa kaya ako! LOL!

      Delete
  6. Jerek akin ka na lang. Tangna! Kung ganyan mag mamahal sa akin naku magkamatayan na pero walang aagaw!

    ReplyDelete
  7. Jerek akin ka na lang. Tangna! Kung ganyan mag mamahal sa akin naku magkamatayan na pero walang aagaw!

    ReplyDelete
  8. Jerek akin ka na lang. Tangna! Kung ganyan mag mamahal sa akin naku magkamatayan na pero walang aagaw!

    ReplyDelete
  9. Ang ganda ng ending Jerek sacrifice his love for the sake of Tim's true happiness for Wesley...proud ako kay Jerek...pero ending na nga ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well... susunod na yung 10th commandment... pero di ba kapag may 10... may 11, 12, 13... who knows baka may sequel!

      Delete
  10. wow! thats true love. haist, ganda ng story mo ah. keep up the good work.

    ReplyDelete
  11. Wow!!! yun lang haha

    ganda ng story..kawawa naman c papa jerek ang bait bait p naman nya..hmmp

    Papa jerek sa akin ka n lang hahaha

    2 thumbs up

    Sana pag katapos ng story n ito may bago ulit..sana story naman ni papa jerek..haha at ako ang partner nya hahaha

    Umi epal lang..lol

    Very very very good job to mr.Martin

    -Arvin-

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails