Author's
Note:
Maraming
salamat kay Kuya Mike na ilathala ko ang aking kwento dito sa MSOB na hango sa
tunay na buhay. Nagpapasalamat din ako sa mga admins na ipagpatuloy ko pa ang
paglalahad ng aking isinusulat especially kay "Parts" Justyn Shawn.
Nagpapasalamat
din ako sa mga silent readers at sa mga nag-comment.
Kailangan
ko po ng inyong opinion or suhestiyon
upang mapaganda pa aking pagsusulat.
"Sa Muling
Pagkikita"
Chapter 9
By: wwjd_ar26
Nanatili lang ako sa aming bahay hanggang sa hapon ng
Sabado. Doon lang ako sa aking kwarto nagmukmok at inilabas ang sama ng loob.
Hindi ko lubos maisip kung ano ang nagawa kong pagkukulang para pagtaksilan ako
ng aking minamahal. Lahat na ay ginawa ko and I don’t deserve this kind of
treatment. Kahit naman siguro sino, masasaktan kapag ang karelasyon mo ay
nalaman mong nakikipagtalik sa iba. Kaya nakabuo ako ng disisyon.
“Makikipagkita ako kay Tom”saad ko sa aking sarili. Lumabas
na ako ng aking kwarto at inayos ang sarili upang hindi mahalata ang pamamaga
ng aking mata ngunit napansin pa rin ito ng mga kapatid at ng aking magulang.
Sinabi ko na lang sa kanila na may sore eyes ako. Nagsuot
ako ng sunglasses hindi upang hindi sila mahawa kundi para takpan ang namamaga
kong mga mata.
Nakipagkita nga ako kay Tom sa Cubao ng hapon din iyon.
"Ano plano mo?" tanong sa akin ni Tom
"Wala gusto lang kita makita at makasama"
pagsisinungaling ko kay Tom.
Di ko pinaalam kay Tom na kina Yves kami pupunta at ganun
din naman si Yves na pupunta sa kanila si Tom.
Ang plano ko talaga ay papuntahin si Tom sa bahay ni Yves at
doon na rin siya mag-overnight. Hindi ko alam kung ano kahihinatnan nito ngunit
hinanda ko na lang ang sarili ko sa kung ano man ang mangyari.
Sa kauna-unahang pagkakataon napagpasyahan kong buksan ang
isip sa threesome kahit sabi ng puso ko ay mali. Mali ngunit gusto ko na madama
din niya ang sakit na ibinigay niya sa akin. Gusto kong makita niya kung gaano
kasakit ang pinagtaksilan.
Dumating kami sa kanila na wala pa si Yves dahil nasa
trabaho pa ito.
Pinagpahinga ko muna si Tom dahil alam kong pagod ito galing
sa kanyang biyahe. Malayo pa kasi ang inuuwian niya. Pinagpahinga ko siya sa
kwarto ni Yves habang hinihintay namin siya.
Ako naman ay tumulong sa pagbabantay ng tindahan at
carinderia ng mga magulang at kapatid ni Yves habang hinihintay siyang
dumating. Nakaugalian ko nang tumulong sa kanila sa ganitong panahong
hinihintay ko siya at kapag walang ginagawa. Nalibang ako. Masaya kahit papaano na makatulong at makausap
sila.
Bumalik na ako sa bahay ni Yves dahil alam ko na nakauwi na
ito dahil sa ganitong oras ang kanyang labas sa trabaho. Alam kong nagulat si
Yves nang datnan niya si Tom sa kanyang kwarto.
Papasok na sana ako sa kwarto niya ngunit nadinig ko ang kanilang mga ungol.
Di ako kumatok o subukan buksan ang pinto. Napaupo na lang ako sa dulo ng hagdanan at
naghintay.
Walang luhang tumulo sa aking mga mata dahil kasama talaga
ito sa plano ko at handa na ako dito.
"Humanda ka sa paghihiganti ko" sabi ng isip ko.
Habag nasa ganon akong kalagayan. Nagbukas na ang pinto ng kwarto ni Yves.
Nagulat siya nang makita niya ako sa hagdanan at
naghihintay.
"Matagal ka na ba diyan?" tanong sa akin.
Nagpanggap ako na kararating ko lang at wala ako nadinig.
“Kadadating dating ko lang din”sabi ko sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang
labis na pagtataka.
Niyaya ko silang mag dinner. Nagdala din ako ng makakain
galing sa carinderia ng kanyang mga magulang. Dalhan ko daw si Yves upang may
makain.
Habang kami ay kumakain sa hapag ay wala sa amin ang
nagsasalita. Walang kibuan. Parang hindi kami magkakilala.
Habang tinitingnan siya ay gusto ko siyang sapakin. Gusto ko
siyang sigawan. Murahin. Suntukin. Ngunit hindi ko magawa… dahil mahal ko siya.
Pagkatapos naming kumain ay nagligpit muna kami ng aming
pinagkainan. Konting usap-usap pero hindi ako umiimik kung hindi kinakilangan.
Baka kasi may masabi akong hindi nila magustuhan. Kaya tahimik na lang akong
nakikinig sa kanila.
Ang sunod na nangyari ay niyaya ko na silang matulog; nang
magkakasama. Pero imbes na sa kwarto kami ni Yves ay sa kabilang kwarto kami
dahil mas malaki ang higaan nito kahit dalawa ang higaan niya. Plano ko
talagang magkatabi kaming tatlo matulog. Buti na lang at wala si Ate Bianca
dahil nasa Pampangga at ang mga magulang naman niya ay sa carinderia na natulog
gawa ng walang magbabantay dito.
Nasa kaliwa ko si Tom at kanan naman si Yves; ako ang gitna.
Pero sa halip na kay Yves ako humarap ay kay Tom ako bumaling at kinausap ko
ito.
Hanggang sa umabot kami sa pagniniig. Nagtalik kami.
Pinalabas namin ang init ng aming mga katawan. Kaming dalawa lang habang si
Yves, na aking katipan, ay nananatiling nanonood lang. Bakas sa kanyang mga
mata ang galit, poot at kasawian habang nakatingin sa amin. Patay ang ilaw ng
kwarto ngunit sapat lang upang maaninag mo ang kanyang mukhang luhaan.
Kung ako siya. Iba gagawin kong paghihiganti.
ReplyDeleteKukunsensyahin ko siya.
Magpapakita ako. At sasabihin ko sakanilang ituloy lang nila. At kapag itinigil niya. Ttakutin kong makikipagbreak ako sakanya.
Pero pero pero....magiging imaginary bf ko nalang siya. Mag-iimaginary date nalang kami at isasama ko nalang siya sa mga outings ko with new boys. Kumbaga. Gagawin ko nalang siyang audience kada may maka-trip akong boylet.
WHO KNOWS NAMAN KASI KUNG ILANG LALAKI NA NAKASIPING NIYA DIBA? Kaya it's just "FAIR" na itry ko din yun.
Tutal. Wala naman siyang dapat ikagalit diba? Kasi siya mismo ginagawa niya. So tama lang na pabayaan niya din akong "GAYAHIN" siya.
-.-'
Next chap please. Love this part. Nakakaasar. Nakakadepress. But still. I love it.
Oh. By the way. That tom guy. Is he stupid? Alam niyang mali bakit di niya pigilan? Plastic eh no? Aminin niya na kasi na nasarapan siya. Psssshhhhh.
-cnjsaa15
-SyJay
Salamat sa comment. Nagawa ko lamang ang mga bagay na alam ko wrong dahil sa sobra pagmamahal ko sa kanya
DeleteKuya asan na ang mga remaining chapters? More than a year na ang lumipas di ko pa nkikiya ang continuation ng story na to. It has been long over due
Deletewahahaha natutuwa ako sa comment napaka develish ng pagiisip wahahaha.. pero my part ng utak ko na nagugustuhan ko ito pero minsan lng ah ayoko mag evolve ang ganitong masang pakiramdam wahahaha.. anyways... maganda sana may kasunod na sana...... hindi matagalan wahehehe...
ReplyDelete"LHG"
AR, gandang araw. May Chapter 10 na ba? Kung meron, 'di ko kasi makita. Pwede bigyan mo ako ng link? Or can somebody do so? Salamat ng marami. Hindi ko kasi talaga makita ang kasunod nitong Chapter kung meron man.
ReplyDeleteso far wala chapter 10- nagtampo ata un writer ,joke lng busy po ata...
ReplyDeleteNaging busy lang ako. Plano ko na sana tapusin ang kwento. Post ko as soon I finished it.
ReplyDelete