Author's
Note:
Maraming
salamat kay Kuya Mike na ilathala ko ang aking kwento na hango sa tunay na
buhay dito sa msob. Nagpapasalamat din ako sa mga admin na ipagpatuloy ko ang
paglalahad ng aking isinusulat especially kay Kuya Justyn Shawn.
"Sa
Muling Pagkikita"
Chapter
5
By:
wwjd_ar26
Bumungad
sa akin ang kagandahan ng aking girlfriend na si Heart. Lumapit sa akin at ako
ay kanya nilambing at inasikaso sa maghapon na iyun.
Habang
kami ay magkasama ni Heart iba ang laman ng isip ko pati na rin siguro ang puso
ko?
Kingabihan
ay hinatid ko siya sa kanilang tahanan buti na lang at malapit lang sa kanila
ang unibersidad.
Pauwi na
sana ako ng maisipan ko bumalik sa unibersidad at puntahan sa klase si Yves.
Di naman
nasayang ang pagod ko sa pagbalik ko sa unibersidad at naabutan ko ang huling
subject niya sa araw na iyun.
Mahigit
isang oras ko din siya hinintay, nakita pala niya ako ng mapadaan ako sa harap
ng classroom nila.
Nang
matapos ang klase niya agad ko siya sinalubong.
"Kamusta?"
tanong ko sa kanya
"I
am good and how about you?" tugon niya sa akin
"I
am fine too, let's go I'll treat you for a dinner" sabi ko kay Yves
"Huwag
na'' tugon ni Yves sa akin
"I
insist, kailangan natin mag-usap" sabi ko sa kanya
"Dahil
sa mapilit ka, okay" tugon niya
Habang
kami ay kumakain ng dinner ako na unang nag-spill.
"May
nararamdaman ka ba sa akin?" tanong ko kay Yves.
Yumuko
lang siya habang subo ang kutsara sa kanyang bibig
"Tayo
na ba?" tanong ko sa kanya
"Akala
ko one night stand lang ang nangyari" sabi niya sa akin
"Bakit
marami ka na bang experience at nasabi mo one night stand lang ang nangyari?"
tanong ko
"Ano
tayo na ba?" tanong ko ulit
"Ano ba gusto mo mangyari?" tanong ni Yves sa akin
"Pagkatapos
na may mangyari sa atin ngayon ko lang naramdaman ang ganito." Sabi ko sa
kanya
Hinatid
ko siya sa kanila at umuwi ako sa amin na di nasagot ang aking tanong kung kami
na nga ba?
Past ten
ng gabi na ako makarating sa amin at dumiretso na ako sa aking kwarto, nag-ayos
ng sarili, nagpalit ng pantulog at nahiga sa kama pero di ako makatulog.
Hinahanap
ko ang mga halik ni Yves, ang pagkilos ng kanyang dila at haplos niya sa aking
katawan. Para ako kinagat ng bampira na uhaw na uhaw. Di ko matiis na di ko
siya makita.
Tiningnan
ko ang oras at alas tres na ng madaling araw na maisipan ko puntahan siya sa
kanila.
Tinawagan
ko muna si Yves na pupunta ako sa kanila.
Natatawa
ako sa aking sarili ng madaling araw na iyun para ako magnanakaw na dahan-dahan
ako pumunta sa likod ng aming bahay at
patakas na umakyat ng main gate medyo may kataasan pa naman pasalamat ko lang
at nakisama ang aming mga aso.
Wala pa isang buwan naulit
ang nangyari sa amin ni Yves sa amin tahanan sa aking kwarto this time we know that we need each other's
arms.
Pinagtapat
ko na rin kay RM na ako ay may girlfriend at tinanggap naman niya iyun.
Ni
minsan di ko inisip na pagtagpuin ang dalawang mahal ko dahil ayaw ko magkaroon
ng guilt feelings lalo na kay Heart.
Nagtatanong
si Yves tungkol kay Heart at sinasagot ko naman ang mga tanong niya.
Pagkatapos
ko sagutin ang mga tanong niya bigla na lang ito tatahimik at di ako
papansinin.
"Nagseselos
ka ba?" tanong ko kay Yves
Di siya
sumagot sa aking tanong
"Magtatanong
ka sa akin tungkol kay Heart then mag-iiba ang mood mo" sabi ko kay Yves.
Inakbayan
ko siya at whisper ng Iloveyou and back to normal mode ulit si Yves
Marami
beses na tumatakas ako sa amin para maka-siping , makasama sa pagtulog at sabay
kami gigising ni Yves sa kanila.
Nahirapan
ako sa aking sitwasyon dahil dalawa tao minamahal ko ay sa iisang unibersidad
nag-aaral. Naging parehas ang pag-aasikaso ko kay Heart at Yves.
Nauuna
matapos ang klase ni Heart at hinahatid ko sa kanila.
Babalik
naman ako sa unibersidad para hintayin si Yves at ihatid din sa kanila at saka
ako uuwi sa amin.
Minsan
sa pagtakas ko nahuli ako ng aking Ina at ibinigay niya sa akin ang duplicate
ng main gate para di na daw ako umaakyat ng gate baka ano pa mangyari sa akin
at may iba makakita, mapagkamalan ako magnanakaw.
Naging
masaya ang samahan namin ni Yves hanggang sa matuklasan ko ang kanyang lihim.
Minsan
hinintay ko siya sa kanyang huling subject.
"Labs
may pupuntahan lang tayo sandali" sabi ni Yves sa akin.
"Sige
saan?" tanong ko naman kay Yves.
"Sa
Third Floor may kakausapin lang ako" tugon naman ni Yves
Sinamahan
ko siya sa Third Floor ng same main building din.
Sa oras
na iyun wala ng katao-tao sa palapag na iyun. Karamihan sa classroom wala ng
ilaw, kung takot lang ako sa multo at nagpapaniwala sa mga kababalaghan di ako
magtatagal sa palapag na iyon.
Sa
pagpunta namin sa isang sulok may lalaki sa loob ng opisina. Sa aking
pagmamasid sa lalaki, siya ay magandang lalaki, di nagkakalayo ang aming edad
at propesyonal tingnan.
"Si Professor Lee" sabi ni Yves sa akin
"Si
AR" sabi naman ni Yves kay Professor Lee
Inabot
ko ang aking kamay kay Professor Lee at siya ay aking kinamayan.
"Nice
to meet you po" sabi ko kay Professor Lee.
"Nice
to meet you also, have a seat and wait me for a while as I need to finish my
report." sabi ni propesor sa amin.
Napag-alaman
ko na ahead si prof. ng two years sa amin at dahil matalino madali siya absorb
sa unibersidad namin bilang instructor.
Kung
summarize ang description ng professor na ito; magandang lalaki, may pleasing
personality at matalino dagdag factor pa ang ma-appeal niya aura.
Less
than an hour din kami naghintay ni RM sa kanila opisina.
Nakadagdag
lamig pa ang aircon sa opisina at nakatulog kami ni Yves sa paghihintay.
May
malaki teddy bear sa opisina nila propesor, iyun ang naging kayakap ni Yves at
pasandal siya nakatulog sa pinagdugtong na upuan. Ako naman ay payukong
nakatulog sa isa sa mga lamesa sa silid na iyun.
"Let's
go, I am almost done". Pagising na sabi ni Professor Lee.
Akala ko
uuwi na kami.
"Please
bear with me as I need to check some classrooms and make an inventory for
tomorrow's report." Pa-cute niya sabi sa amin ni Yves
"Okay
lang po" sabi ko naman
Nang
makalayo na si Professor Lee sa amin dalawa
Labs
sasamahan ko lang si Professor Lee sa inventory" sabi ni Yves sa akin. "
Medyo
napa-isip ako sa sinabi ni Yves.
"Sige
dito ko na lang kayo hihintayin sa hallway medyo pagod ako ngayon" tugon
ko kay Yves.
Iniwan
ako ni Yves at sumunod siya kay Professor Lee.
Di ko
maipaliwanag na kaba sa aking dibdib ng iwanan ako ni RM.
May
katagalan din ang aking paghihintay sa kanilang dalawa.
Tumawag ako
sa amin na di ako makakauwi ngayong gabi at dinahilan ko na lamang na kailangan
ko matapos ang pinapagawa ng aking kagrupo tungkol sa thesis at nagsabi na
bukas na ako makakauwi.
Pinayagan
naman ako ng aking mga magulang. Maybe my parents get to used of it dahil
madalas di na ako umuuwi sa amin at kina Yves na ako natutulog.
Sa
paghihintay ko sa kanila may mga nagtatanong sa isip ko.
Pilit ko
ito winawaksi dahil may trust ako kay Yves.
Na-aninag
ko sa malayo ang dalawa na parang nagtatalo habang inosente ako nagmamasid sa
kanila.
Binalikan
nila ako at sabay kami lumabas ng gate ng unibersidad.
Si Pofessor Lee ay nakatira lamang malapit sa unibersidad umuupa siya ng kwarto dahil
ang tunay na tirahan niya sa San Mateo pa.
Sa aming
paghihiwalay kay Professor Lee may napansin ako yellow intermediate pad.
Pilit ko
inaalala kung saan ko nakita ang papel na iyun parehas ng pagkakatupi.
Nakarating
kami sa tirahan ni Yves at dumiretso ng kwarto para makapagpalit ng pambahay na
kasuotan.
Nang
mahagip ng aking paninigin ang yellow intermediate pad.
"Ano
ang binigay mo kay Professor" tanong ko kay Yves habang kami ay nagbibihis.
"Wala"
tugon ni Yves sa akin
Pinatapos
ko muna kumain ng dinner at nang patulog na kami binuksan ko ulit ang topic
tungkol sa yellow intermediate pad.
"Kagabi
nakita ko na iyung sulat pero ayaw mo ipabasa, bakit ano ba laman ng sulat na
iyun. Pilit mo ito tinatago sa akin" sabi ko kay Yves.
Di niya
ako sinagot at ngumiti lang siya sa akin.
Nahiga
na kami sa kama at hinalikan niya ako sa labi pero iniwas ko din ang labi ko sa
kanya.
Ramdam niya
ang pagseselos ko.
Tumalikod
siya akin at tiningnan ko na lang siya.
Di rin
ako nakatiis at niyakap ko siya.
"Wala
patutunguhan ang pagseselos ko, titiisin ko na lamang ang sakit na aking
nararamdaman." Sabi ko sa isip ko.
Nakatulog
ako patuloy ang pagdaloy ng aking mga luha at dantay ang mga braso ko sa
kanyang tagiliran, lapat ang kanyang likod sa aking dibdib habang ang aking
mukha ay sa kanyang leeg.
Nagising
ako ng maaga at di na nagpaalam kay Yves.
Ako ay umuwi na sa amin....
Ako ay umuwi na sa amin....
so sad....then might be mark bautista heal your heart.......
ReplyDelete