Followers

Thursday, May 17, 2012

My Wooden Heart Part 5



DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are eitherproduct of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead is entirely coincidental.

AUTHOR's NOTE: Hello mga MSOBers! Salamat sa mga positive feedbacks at nakakatuwa naman isiping nagugustuhan niyo ang sinusulat ko. It truly inspires me lalo na ngayong marami akong pinagdadaanang problema. Anyways, enough with the drama... Muli ay hinihingi ko ang tulong niyo para sa aking magandang pinsan na ngayon ay kasali sa isang pageant. She needs to have the most number of likes para manalo... click niyo lang ang link na ito at i-"like" ang kaniyang larawan. https://www.facebook.com/photo.php?fbid=290859947673958&set=a.290859227674030.64535.290854051007881&type=1&theater

Pangalawa, may mga humihiling na sana ay bigyan ko ng imahe ang mga bida sa kwento na sina Tim, Wesley at Jerek. Actually ay meron nang image sa isipan ko kung sino sila pero mga celebrities ang mga ito kaya mas mabuting maghanap ako ng iba.

Sa mga nais maging imahe nila Tim, Wesley at Jerek, maari kayong magpadala ng larawan niyo sa aking email account- martin_claro31@yahoo.com

Heto ang mga qualifications:

TIM- 25 years old na pero mukhang college student pa din, moreno, makinis ang mukha, hindi kahabaan ang buhok na medyo dark brown, katamtaman lang ang katawan, mukhang matalino at mabango...hehe

WESLEY- 23 years old, tisoy, mapungay ang mata,mapula ang labi. makinis ang mukha at walang facial hair (baby face ba), katamtaman din ang katawan pero mas matangkad kay Tim.

JEREK- 27 years old, mukhang character sa mga Koreanovela, may kalakihan ang katawan (yung pangmodelo ba... hindi yung body builder type ha!)


Yun lang naman... Enjoy reading guys:)

=============================================================================



"Kung hindi ka handang mabaliw, wag ka na lang sumugal sa pag-ibig"


MAY NAGTEXT!


Hala! Si Wesley…



“Boss, nandito ako sa labas ng bahay mo… kapag hindi ka lumabas, kakatok ako para manligaw sa nanay mo!” sabi niya sa text.



Aba! Tignan mo tong lokong to… idadamay pa si Mommy. Baka magka-world war 3!..


Sa takot ko na pati si Mommy eh madamay sa mga happenings ng buhay ko ay agad kong nilabas si Wesley. Dalawang bagay kasi ang iniiwasan ko dyan. Una, ang magiskandalo si Wesley at pangalawa ang mag-iskandalo ang nanay ko.


You have no idea what my mom could do! Ewan ko ba kung kalahi namin si Gabriela Silang o ano pero sobrang tapang ni Mommy. One time, dumating ang panganay kong kuya na may dalang babae at ipinaalam sa kaniya na buntis na ang hitad… aba si mudak eh nahabol yung dalawa ng itak! Ganun kalupit si Mommy kaya iwas na iwas akong mag-akyat ng gulo sa bahay. Siguro naman gets niyo na kung bakit hanggang ngayon eh single pa ko?


So ayun na nga, lumabas ako ng bahay at nagpaalam kay Mom na may bibilhin lang. Sa tapat pa lang ng gate ay nandun na si mokong. Mukhang lasing na ewan kaya naman parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Hinila ko sya papasok ng kotse niya at dun kami nag-usap.



“TIM, please naman!..” pagmamakaawa niya.


“Please sa ano? Boss, Mr. del Rosario, itulog mo na yan. Lasing ka lang.” mabilis kong sagot.


“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako napapatawad. Hangga’t hindi tayo nagiging okay. Please naman.” Noong pagkakataong yun ay hinawakan niya ang magkabila kong kamay at patuloy ang pangungulit.


“Boss, okay na… sige! Basta umuwi ka na at bukas na lang tayo mag-usap.” Yun na lang ang nasabi ko para maiwasan ang gulo. Pero hindi ko inaasahang bigla na lang niya ako hinila at pilit na namang hinalikan. Halatang wala siya sa sarili dahil iba ang paghalik niya compared noong una. Para siyang nababaliw na ewan. Sa pagkagulat ko ay bigla ko siyang nasampal.


“Mr. del Rosario, lasing ka lang! Umuwi ka na.” sabay labas ko ng kaniyang kotse. In fairness, nakaka-artista yung eksena namin ha! Never pa akong nakasampal ng kahit na sino kaya naman nabigla din ako. Parang eksena sa teleserye… award winning! But kidding aside, hindi ko sinasadya ang nangyari. May guilt din akong naramdaman at takot na baka kung anong gawin ni Wesley. Lasing pa naman yung tao.



Paglabas ko ng pinto ng kaniyang kotse ay sumunod naman si Wesley. Pero eto ang nakakaloka… Saktong palapit sa akin si mokong eh lumabas naman ng gate si Mommy… Patay kang bata ka! Bisto! Tahimik lang ako at nakiramdam sa kung anong magiging reaksyon ni Mom.


Noong una ay tahimik lang din si Mommy hanggang sa nilapitan niya ako.




“May bisita ka pala?” pagbasag niya sa katahimikan.


“Ahh, Ma! Si Boss Wesley po, napadaan lang siya. Siya po kine-kwento kong tine-train ko ngayon.” Sagot ko.


“Magandang gabi po Ma’am.” Magalang niyang pagbati pero halatang wala siya sa katinuan dahil sa kalasingan.


“Good evening din Sir, bakit hindi muna kayo pumasok at mukhang nakainom po yata kayo? Magkape muna tayo.” alok ni Mommy.



At that moment, I know Mom is up to something. Iba kasi mga tingin niya sa akin. Alam na alam ko ang mga titig niyang yun at tono ng boses niya na parang hindi naman sincere ang mga sinasabi. Haaaiist!


Ano kaya naman ang palabas nito?


Pagpasok naming tatlo ay agad pinaupo ni Mommy sa sala si Wesley. Ako naman ay padiretso na sana sa kwarto ko ng pigilan ako ni Mom.




“Oh, Tim anak, may bisita ka… saan ka pupunta?” tanong nya na tila nag-aasar.


“Ah… naiwan ko kasi yung laptop ko na bukas. I’ll just fix my things.” Palusot ko.


“Mamaya na yan… nakakahiya naman kay Sir, ano nga ba ulit pangalan mo iho?” tanong ng nag-uulyanin kong ina… LOL!


“Wesley po, Wesley del Rosario.” Sagot naman ni Boss.



At ayun, hindi ako nakalusot sa plano ni Mom na hindi ko talaga ma-gets kung ano. Tahimik lang ako habang nagke-kwentuhan ang dalawa. Akala mo close kahit nun lang sila nagkita. Lakas pa maka-bwiset ni Wesley dahil ang tagal tagal ubusin ang kape niya. Ako naman ay pilit na ngumingiti sa kanilang dalawa. Ewan ko ba, ready na sana akong patawarin si Wesley pero tuwing nangungulit siya eh lalo lang akong naaasar sa kaniya.


Sa wakas ay naubos din naman ang kape at kwento nila. Tila naman ako nabunutan ng tinik sa gums ng magpaalam na si Wesley. Hinatid naming siya sa gate at pumasok na din kami ni Mommy sa bahay. Pagkasarang pagkasara ng pinto ay tila naman may masamang hangin na nakiraan at bigla na lang nagsalita si Mom.




“Nanliligaw siya sa’yo, alam ko… aminin mo na!” bigla niyang sabi habang nakatalikod pa sa akin.


“Ah… eh… san naman nanggaling yan?” kunwari’y clueless ako sa sinasabi niya.


“Wag ka nang magtago sa akin, alam mo naman na tanggap kita kahit noon pa. Just be open with me and everything will be fine.” Kalmado naman niyang sinabi at sabay na humarap sa akin at hinaplos ang aking pisngi.


“Basta Ma, ayoko… I’ll keep my promise! Di ba nagpromise ako kay Dad na never akong magkakaroon ng boyfriend!” paglalambing ko naman sa kaniya.


“ Alam mo bunso, hindi ako magagalit sa’yo . Kung may nagkakagusto sa’yo eh anong magagawa ko? Lahi tayo ng magaganda…hehehe… Pero joking aside, gusto ko na magpakatotoo ka lang sa nararamdaman mo.

Tungkol naman dyan kay Wesley, sa totoo lang ay ayaw ko sa kaniya. Siya kasi yung tipong pinipilahan, anak. Ayokong masaktan ka. Kung ako ang masusunod, ok lang na magpaligaw ka pero ayokong pumasok ka sa relasyon.” Paliwanag niya.


Bomalabs ka naman Mom eh! Magpapaligaw tapos wag papasok sa relasyon. Hindi mo na lang pinasimple na wag na lang!” singhal ko.


“Eh kasi naman anak, hindi ko naman mapipigilan yang si Wesley. Alangan naman ikulong kita dito?” sagot niya.


“Eh paano kung maging kami nga? Hypothetical lang naman…" tanong ko.


“Kung magkaganun, ihahanda ko na ang itak ko… hindi para sa’yo kundi para sa taong makakapanakit sa bunso ko.”



Doon ko nalaman na talaga palang tanggap ako ni Mommy. Ganun niya pala ako kamahal. Ginawa niya yun kanina para makilala si Wesley at malaman ang katotohanan. Hindi ko inaasahan nag anon ang magiging reaksyon niya. Buong akala ko eh magiging kontrabida siya sa love life ko… well she prove me wrong!


Kinabukasan ay patuloy lang ang buhay. Papasok na ako ng biglang may bumusina sa tapat ng gate.




“Hindi kaya si mokong yun? 5:30 palang ah? Early bird?” tanong ko sa sarili.



Hindi nga ako nagkamali. Si Wesley nga! Pagsilip ko sa bintana ay mukhang good vibes si loko. Baka naman sineryoso niya yung sinabi kong okay na kami? Eh patola pala siya eh as in mapag-patol sa mga sinasabi ko. Hindi naman ako sincere nung sinabi ko yun. Ikaw ba naman ang kulitin ng lasing, hindi ba’t mapipilitan ka na lang din pagbigyan ang trip niya?


Ewan ko ba kung anong kamalasan ang dumating sa akin at dinatnan pa doon ni Mommy si Wesley na  na noon ay kakagaling lang mula sa pagbili sa bakery. Ngiting ngiti si  mokong habang binati si Mom at sabay tanong kung hindi pa daw ba ako nakakaalis. Siyempre… no choice na naman ako kundi lumabas ng bahay at magpakita. Hindi niyo natatanong eh may kakaibang powers si Mom pagdating sa akin. Alam niyang kung nakaalis na ba ako, kung anong nangyayari sa akin o kung nagsisinungaling ako sa kaniya… mother’s instinct ba?


Paglabas ko ng bahay ay pinagpaalam ako ni Wesley kay Mommy kung pwede ba niya akong isabay papasok. Sa isip isip ko naman, “nagkakaintindihan na ba tong dalawang to? Binugaw na ba ako ng ina ko?”  Haaay, mababaliw ako kung iintindihin ko pa kung anong tumatakbo sa isip nila. Gustuhin ko man tumanggi eh um-oo na si Mommy kay Boss. Basta sabi ko na lang sa sarili ko na magiging casual lang ang pakitungo ko kay Wesley.


Gaya ng dati, may coffee at cinnamon bars pa rin siyang nakahanda. Tahimik lang ako sa buong biyahe namin. In fairness eh behave naman si mokong. Kahit dulo ng daliri ko eh hindi tinangkang hawakan. Nanibago nga ako bigla. Ano to? Silent movie?


Pagdating sa opisina ay tuloy lang ang trabaho naming. Purely professional at walang halong kahit anong palabok! Pati nga mga kasamahan naming eh nanibago sa mga actions ni Wesley. Parang sweet pero hindi? Get’s niyo ba? Basta, ang hirap ispelling-en! Hindi tuloy napigilan ni Odie na lapitan ako…



“Hoy, Timmy anong nakain nun?”sabay nguso kay Boss na noon ay malayo at nakatalikod sa amin.


“Aba ewan! Basta ako, okay na okay ako…as in! Sa wakas eh makakahinga na ko ng maluwag dahil tinantanan na niya pangugulit niya sa akin!” Bigla naman akong binatukan ni Odie.


“Eh gaga ka din naman… Wooden Heart ka talaga! Hindi ba obvious? Nire-reverse psychology ka niyan! Oh di ba, nun kinukulit ka eh ayaw mo siyang lapitan… baka naisipan niyang mag-iba ng diskarte?” pabulong na kwento sa akin ni Odie.


“Ganun ba yun te? Ah basta, hindi ako kukuha ng batong ipupukpok sa ulo ko. Manigas siya!” pagmamatigas ko.


“Pero yung totoo Tim, kinikilig ka… ayan oh kitang kita! Blooming, rosy cheeks, hindi mapigilan ang ngiti… OA na OA… ano may nangyari na noh?” pag-uusisa ng dambulang bading!


“Grabe naman yun… may nangyari agad? Hindi ba pwedeng napadami lang make up ko?.. Tsaka ano ka ba! Amo pa din natin yan… baling araw, iba na level niyan. Sino ba naman ako…heller?”


“Ah basta, wag kang magsalita ng tapos my dear! Tulak ng bibig…” pabitin niyang sinabi.


“OO, tulak ng bibig… ingat ka kasi baka mabulunan! Ah ewan!!!” sigaw ko habang papasok na siya sa loob ng studio.



Natapos ang buong araw ng hindi kami masyadong nagpapansinan ni Wesley. Para kaming mag-jowa na may silent war. We talk about work but not for personal stuffs. Magkasabay kaming naglunch at dinner pero hindi kami nag-iimikan. Ewan ko kung anong palabas nito.


One, two, three days… ganon pa din siya. Hindi kaya totoo ang sinasabi ni Odie? Waaah, bahala na basta kakausapin ko siya para magkalinawan lang. Kapal naman ng face niya kung siya pa ang may tampo sa akin! Siya nga tong bigla bigla na lang nanghahalik! Ok lang naman sana basta magpaalam man lang siya, I’m not prepared that time… Charrr!


So ayun na nga! Pagpasok naming sa opisina ay hinarap ko na si Wesley.




“Mr. del Rosario, may I speak with you?” mahinahon kong tanong.


“About what MR. CABRERA? with matching emphasis sa aking pangalan.


“Aba! Sandali nga, bakit ganyan ang tono mo? OO, anak ka ng amo ko pero ‘ANAK’ ka lang… you’re my OJT… I deserve some respect?” nagtaas na din ako ng tono.


“I don’t mean anything Mr. Cabrera.” sagot naman niya habang nakangiti pa.


Nilapitan ko sya that time… Ewan kung bakit. Siguro para prepared kung saka-sakaling bet ko syang krompalen! Nakakapikon kasi!


“Hoy Mr. del Rosario. Magkalinawan nga tayo… ano bang gusto mong palabasin? Bakit weird ka nitong mga nakaraan? Kung galit ka, sabihin mo lang para naman may clue man lang ako kung anong nasa isip mo! Anong akala mo sa akin, si Madam Auring na isang tingin lang alam ko na kung anong tumatakbo sa utak mo… and besides, as far as I remember eh wala naman akong kasalanan sa’yo. Ikaw nga itong may kasalanan sa akin!” walang tigil kong sinabi.


“Eh wala ka naman palang kasalanan… eh di okay!” tatalikod na dapat siya nang hinila ko siya paharap sa akin at hindi ko na napigilan ay nasampal ko siya. “O, para san naman yun? Bakit mo ko sinampal?” Tanong niya.


“Para yan sa hindi mo pagpansin sa akin nitong mga nakaraang araw…” sabay sampal ko ulit.


“Bakit na naman?” habang hawak hawak niya ang pisnging sinampal ko.


“Para naman yan sa panggugulo mo sa buhay ko!” dapat ay sasampalin ko sya ulit nang hinawakan niya na ang magkabilang braso ko at niyakap ako. Matapos nun ay bigla na lang niya akong hinalikan. Medyo matagal din iyon. That time, tuluyan ko na kinalimutan ang sarili ko. Nagpaubaya ako kung anong gusto niyang mangyari at marahil ay kung ano din ang sinisigaw ng puso ko.“Para saan naman yun?” tanong ko sa kaniya ng niluwagan na niya ang pagkakahawak sa akin.


“Para sa panggugulo mo din sa buhay ko… inagaw mo kasi, ngayon ikaw na ang buhay ko!” diretso ang titig niya sa akin at seryosong seryoso ang mukha.



Pakkk! Muli ko na naman siyang sinampal.



“Bakit na naman!?” tanong niya sa akin na parang natatawa dahil nasira ang pagda-drama niya.


“Para sa paghalik mo nang bigla bigla! Next time, magpaalam ka naman! Anong akala mo sa lips ko, bangketa na bigla bigla ka na lang magpa-parking! Hooy Mr. del Rosario, NO ID NO ENTRY!” sumbat ko.


“Okay sige, ngayon pwede na ba kitang halikan?” tanong niya habang nagpapa-cute pa.


“May magagawa pa ba ko? Attack!”



Muli kaming naghalikan at nagyakapan. Laking gulat ko na lang na bukas pala ang pinto ng opisina at bongga… may live audiences kami! Nakakaloka! Nakangiti naman sa amin ang lahat… ewan ko kung talaga bang masaya sila para amin o pina-plastik lang nila kami dahil anak nga ng big boss si Wesley. Well, dedmatology na lang ako… basta ang alam ko Masaya ako noong oras na yun! I never felt that happy in my entire life.


Hindi naman maiwasan na marami pa ring bumabagabag sa akin. Ano kayang sasabihin ni Mommy, ni Dad at ng mga Kuya kong barbaric! Kebs lang naman siguro dahil ano pa nga bang magagawa nila eh nandyan na!


Para naman mabawasan ako ng alalahanin ay sinamahan ako ni Wesley pauwi sa amin. Personal niyang hinarap si Mommy at pinaalam ang tungkol sa amin. Super awkward nun dahil hindi naman kami showbiz na pamilya… we hate drama! Kahit nga I love you eh hirap na hirap kaming magsabihan kaya natatawang ewan ako ng hingin ni Wesley ang approval ni Mommy.


Blanko lang ang mukha ni Mom nang ipaalam naming sa kaniya na kami na. Alam ko na may inaalala din siya kaya naintindihan ko yun. Ang tangi lang niyang nasabi ay kung ano man daw ang desisyon naming ay siguraduhin naming wala kaming pagsisisihan sa huli. Ganon naman si Mommy palagi. She give us the right to decide for ourselves pero lagi siyang may mga payo.


Pagkaalis ni Wesley ay kinausap ako ni Mom.




“Anak, sure ka na ba dyan?” tanong niya!


“Ahhmmm… yung totoo? Hindi! Nabibilisan nga ako sa mga nangyayari pero ito yung nararamdaman ko eh… kaya game na!” pabiro kong sagot.


“Eto lang advice ko bunso, hindi madali ang umibig. May mga pagkakataon na masasaktan ka. Madaming pagsubok kaya naman dapat handa ka sa kung anuman ang darating!” seryoso niyang sinabi.


“Naiintindihan ko Mom. Thank you po ha! I thought you’ll get mad kasi I broke my promise. Si dad kaya at sina Kuya?” biglang sumagi sa isip ko ang mga original na lalaki sa buhay ko.


“Ako na bahala dun sa mga yun. Sasabihan ko na wag naman masyadong bugbugin si Wesley.” Sabay tawa.


“Eiiee… Mommy naman, baka ma-byuda agad ako! Mamahalin ko pa yun eh!” Tumawa na lang din ako.



Matapos ang usapan namin ni Mom ay pumasok na ako sa kwarto ko. Napansin kong bukas ang ilaw ng phone ko. 14 missed calls… sino kaya to? Hindi local number eh! Meron ding text…



“I’m finally here! I’m excited to meet you. – JEREK”


(ITUTULOY)

14 comments:

  1. # josh says :) ,

    dalawang punto:

    1. i love the fact, na may halong comedy ang story muh... LOVE IT!!!

    2. I LOVE THE FACT, na ang bilis mong mag UPDATE ng mga chapterssss... super LOVE IT :)


    (KEEP U THE GOODWORK PO )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat naman dyan! I really never expected to have such positive feed backs. First time ko kasing gumawa ng fictional stories.

      Check niyo Youtube channel ko ha!
      www.youtube.com/timclarify... subscribe kayo :)

      I love you guys!

      Delete
  2. this time talagang grabe..cute ng story...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Cute ba? Mana sa sumulat! LOL
      salamat at nagustuhan niyo!

      Delete
  3. Ayan na si Jerek!

    Shet! Ganda mo ate! Saan nakakabili niyan pwede ba malaman ng makabili din? Hehehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sapat na tulog lang at vitamins ang katapat niyan...hehehehe!

      Delete
  4. Next Next NeeeeeeeeeeeeeexT!!!

    nakakatuwang basahin!!

    /no1

    ReplyDelete
  5. hehehe oh anu na gagawin mo jan na c jerek mo pede akin na lng wahahaha... lagot ka....

    "LHG"

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tame lang muna ngayon... abangan niyo pa po ang mga mangyayari!

      Delete
  6. haha supernice story!

    kakakilig at nakakatuwa (comedy/romance) :)



    i love it!

    <07>

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ingat ka sa pagkilig ha... nakakasanay yan!
      Baka akalain nila, nababaliw ka na? Joke lang!

      Love you too!

      Delete
    2. Nakakalibang, nakakatawa, I really love this! Congrats dear author!

      Ben
      Aus

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails