Followers

Sunday, May 20, 2012

My Wooden Heart (Confession ni Boss)



Bilang lahat eh sabik na sabik sa continuation ng My Wooden Heart eh bibitinin ko muna kayo. Hehehe… I just want to give way to those who are curious kung saan ba nangaling ang konsepto nito.

First of all, sarili ko ang naging inspirasyon ko… Labo ba? Slight! I put myself in the person of the lead character Tim. Well, my real name is Martin dahil pinaglihi daw ako ng Mommy ko kay Martin Nievera pero hate na hate ko talaga ang pangalan ko kaya minsan ay nagpapakilala ako sa pangalang Tim. Labo talaga noh? Anyways, marami kaming similarities ni Tim. Una, pareho kaming may ‘wooden heart.’ Hindi kasi ako naniniwala sa konsepto ng love as in mala-fairy tale. Para sa akin, temporary lang ang mga relasyon ng mga nasa third sex. Aminin niyo mga ate, madalas eh buwan lang ang binibilang ng mga m2m relationships. Yung iba naman tikiman lang! Di ko bet yung ganon kaya naman choice ko na magpaka-single up to now.

Like the character of Tim, isa din akong manunulat sa telebisyon. I’ve been in the industry for 3 years. Mostly ay showbiz oriented ang mga naging projects ko. Siguro kung napapansin niyo eh marami akong nababanggit na pangalan ng artista sa mga nauna kong sinulat… yun eh dahil halos lahat ng life story ng mga yun ay na-research ko na. Pati nga history ni Darna at Captain Barbel eh kabisado ko na.

Third, pareho kami ni Tim na palabiro. I hate being serious dahil naniniwala nga ako na sa ICU ang tuloy ng mga masyadong seryoso sa buhay. Masyadong maikli ang buhay para magpaka-lungkot pa! Lalo na sa akin na may sakit ay pinili ko na lang i-enjoy ang bawat oras ko dito sa lupa! Who knows bukas eh mategi ako bigla. (Well, hindi naman po terminal ang sakit, I just need continuous medication and stay away from some things but otherwise, I’m good as normal naman!)

In short, ako si Tim in a lot of ways. Ako din ang kumanta ng mga theme songs na ginagamit ko sa kwento. Frustration ko kasi ang maging singer kaya naman pagpasensyahan niyo na… hehehe!

But in the contrary, madami din kaming pagkakaiba ni Tim. Wala pong Wesley at Jerek sa buhay ko. Maaring sila yung mga crush ko na isinabuhay ko lang sa kwento. Hindi naman masama ang mangarap di ba! Siguro yung mga kaganapan sa kwento lalo na yung ligawan at love story eh yung mga wishes ko na sana eh naranasan ko… but unfortunately, sa blog ko lang naisabuhay… Huhuhu! Charr!

So, how did I come up with the story… well originally ay wala akong balak na gawin itong love story. As I said, I hate love stories. Gusto ko sana ay maipakita ang realidad ng relasyon ng mga magkapwa-lalake. Yun bang hindi tumatagal, yung iba ay patago habang yung iba naman eh tumatagal lang ng isa o dalawang araw. Pero ng unti- unting niyong nagugustuhan yung kilig factor ng mga character, nabago lahat ang plano. Ngayon ay nagsusulat na ako per episode. Bahala na kung anong lumabas… Kung tatanungin niyo naman kung ano ang ending. Well, hindi ko din alam.

Ngayon, nasa punto ako kung saan hindi ko alam kung ano na ang susunod na mga mangyayari. Hard pala gumawa ng isang fictional story. You have to consider your audience... kaya na nga ayokong tumanggap ng teleserye projects! But don't worry! Tulog lang katapat nito.

AT siyempre hindi pwedeng hindi ko i-promote ang YT channel ko... please check out my videos, rate, comment and subscribe! http://www.youtube.com/timclarify and follow me on twitter http://twitter.com/ToeThoughts !



-BOSS

2 comments:

  1. Don't be offended but I am against sa sinabi mo na walang nagtatagal sa gay relationship meron po at isa ako sa magpapatunay. Love yourself first and they will love you. Walang magmamahal sa iyo kung ayaw mo buksan ang puso mo sa realidad dahil ang pag-ibig ay kaakibat din ng kasawian at iyun ang dapat mo tanggapin at matutunan. Just ready yourself and accept for the true essence of we called LOVE. Ito po ay POV ko lamang sa aking nabasa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'm open to all of your opinions. OKay lang na mag-react kayo. Opinionated din naman yung pagkakasulat ko kaya hinanda ko na yung sarili ko sa mga hindi sasang-ayon sa belief ko.

      Siguro better na i-rephrase ko... bilang na lang yung mga tumatagal na unconventional na relasyon sa ngayon :)

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails