Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 25: Ang Paglisan
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION
"Ano
ba ang sinasabi ng Papa mo Christian? Ang tanong ni Mama. Hindi naman ako
nakasagot at yumuko na lang sa tindi ng pagkapahiya.
"Nahuli ko sila ni
Louie, NAGHAHALIKAN!" Hindi naman mailarawan ang gulat sa mukha ni Mama.
Hindi rin agad nakapagsalita.
"totoo ba sinasabi ng Pa-"
"Totoo!!" ang pagalit na sabi ni Papa.
Dumating si Manang na may
dalang isang baso ng tubig pero kinuha lang ni Mama ang dala nito at inutusang
lumabas at pabayaan kaming mag-usap.
"Ano ba ang iniisip nyo mga bata
kayo?! Bakit ginagawa nyo to?" ang boses ni Mama ay may halong pag-unawa
pero may halong pagkadismaya.
Inalalayan ni Mama si Papa para umupo sa kama at
pinainom ng tubig. Ako naman ay parang tuod na hindi makakilos sa kinatatayuan
ko. Inisip ko na ang maaaring mangyari. Inisip ko rin na ito na ang pagkakataon
para patunayan kay Louie ang pagmamahal ko sa kanya kaya pilit kong
ipinagtanggol sya sa mga nangyayari.
"Mahal ko si Louie." ang sabi ko
na ikinabigla ni Mama.
"aba t*rantado ka rin pala..-" susugurin na
sana ako ni Papa ng suntok pero inawat sya ni Mama at pilit pinakalma. Pero patuloy
pa rin ako sa pagsasalita.
"Wala na akong pakialam kung magalit kayo PERO
hindi nyo ko mapipigilan sa gusto ko."
"Christian!!" ang sabi ni
Mama, tanda na wag na akong magsalita.
"Ma, alam ko naman ang gagawin nyo
kapag nalaman nyo! Kaya bakit namin sasabihin! Pero kahit ano mangyayari hindi
nyo kami mapapaghiwalay ni Louie!!" hindi na ako nakapagsalita pa ng
lumipad sa mukha ko ang sampal ni Mama.
Kahit kailan hindi pa nya ako nagawang
pagbuhatan ng kamay dahil alam kong mahal na mahal ako ni Mama pero ngayon..
Kinabukasan pa lang ay may dumating nang lalake sa bahay namin. Bagong driver
namin, "magmula ngayon hindi na natin driver si Louie at hindi na rin siya
welcome sa bahay na to! Bawal na rin kayong magkita o mag-usap!" pagkatapos
non kinuha ni Papa ang cellphone ko.
"hatid sundo ka ng driver natin,
office-bahay ka lang at kung may gusto kang puntahang dapat magpaalam ka sa
akin, naiintindihan mo?"
"Pano kung ayaw ko? Mapipigilan mo ba
ko?" ang sagot ko kay Papa na isinantabi na ang paggalang.
"Kung
hindi ka susunod, wala na akong magagawa kung hindi ITIGIL ang pagpapa-aral ko
kay Louie!" Napaisip ako sa sinabi ni Papa, sa katayuan ko ngayon sa
kumpanya namin hindi ko kakayaning ipagpatuloy ang pagpapaaral kay Louie dahil
hindi pa naman talaga ako ang nagpapalakad ng kumpanya. Kakaunti lang din ang
ipon ko para magsarili kami ni Louie.
"nagkakaintindihan ba tayo?"
hindi na ako nagsalita tanda ng pagsang-ayon kay Papa.
"kapag sinubukan
mong makipagkita o makipag-usap man lang kay Louie. Hindi mo magugustohan ang
mangyayari tandaan mo yang mabuti Christian." Simula nang umagang yon
tinupad ni Papa ang sinabi nyang bawat kilos ko nandyan ang gwardya ko, umaga
hanggan pag-uwi kasama ko pa rin ang bantay ko.
Malamang nasabihan na rin sya
ni Papa na wag makikipagkaibigan sa akin kaya hindi ko na sinubukang utoin ang
driver ko. Pag-uwi ko hindi na ako kumain at nagkulong na lang sa kwarto,
mabuti hindi pa naaalis ni Papa ang computer ko. Inisip kong mabuti kung papano
ako makakagawa ng paraan para makausap si Louie kaya nag-e-mail ako sa anghel
ng buhay ko, kay Paul. Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari at ang pagkakahuli
ni Papa sa amin ni Louie na naghahalikan, at pagkuha ni Papa sa c.p. ko.
Hiniling ko rin sa kanya na tingnan at kamustahin sila Louie.
Nang sumunod na
araw, Sabado, ng magising ako agad kong sinilip ang e-mail ko, titingnan ko
sana kung nagreply si Paul o di kaya ay online sya pero laking gulat ko ng
hindi na ako maka-connect sa internet. Malamang si Papa ang may kagagawan nito,
nakakainis!! Bumalik ako sa higaan at nag-isip ng paraan kung papano makakausap
si Louie pero wala ni isang idea na pumasok sa isip ko, hay.. Alas-dyes na nang
umaga ng lumabas ako ng kwarto, at tulad ng inaasahan gwardyado na naman ako.
Sa inis ko sinabihan ko yung driver namin na lumayo layo muna sa akin at wala
akong balak na tumakas ayaw ko lang na may tao sa likod ko na parang buntot
kahit nasa bahay.
Dahil hindi ko nakita si Mama o kahit si Papa sa bahay kaya
nagtanong ako kay Manang. Umalis daw ang parents ko at ang sabi lang daw sa kanya
ay may-aayusin. Nang makaramdam ako ng gutom naghanda ako mag-isa ng makakain.
Hindi na ako nagpahanda kay Manang, at habang kumakain ako may nagdoorbell sa
pinto. Umasa ako na si Louie na yon pero nang marinig ko ang boses ng driver ko
na tanungin si Manang kung sino yon "Si Paul!" ang sagot nito. At
kasunod ni Paul papunta sa dinning area namin ay ang buntot ko, driver pala.
Nairita talaga ako sa pagbuntot buntot ng mokong na yon, kaya nakapagsalita na
naman ako ng masama.
"Si Paul to ok? Hindi to si Louie kaya pwede, iwan mo
kami?!" buti mahaba ang pasensya ng taong yon, kung siguro ako yon nasapak
ko na sarili ko.
Pero ang maganda umalis nga sya at nagkapag-usap kami ni Paul.
Mabuti na lang daw at nakasanayan na ni Paul mag-open ng email address nya dahil
sa trabaho at nabasa nya ang email ko. Kakabisita lang daw niya kina Louie
kanina at ok naman daw ito. Wag daw akong susuko, gagawa daw si Louie ng paraan
para maging maayos ang lahat at magkausap kami. Pero tulad ng sinabi ni Louie
hindi ako dapat sumuko, kakayanin ko ang pagsubok na to! Bago umalis si Paul
nakiusap ako sa kanya na ipaalam kay Louie lahat ng nangyayari sa akin.
At
kahit ano ang mangyari lalampasan namin ang problemang ito. Hapon na nang
dumating sila Papa, pero bago pa kami magkita pumunta na ulit ako ng kwarto ko.
Ni lock ang pinto at tiningnan ang mga litrato namin ni Louie sa wallet ko at
computer. Pero lalo ko lang syang namiss, parang napakakapal ng pader sa
pagitan namin na humahadlang sa pagkikita namin. Hindi ko namalayan na sa
sobrang pag-iisip ko ng gabing iyon, nakatulog na pala ako. Ilang araw pa ang
lumipas ng mabalitaan ko kay Paul na dinala raw si Louie sa ospital. Pero
nakalabas naman daw agad, stressed lang daw sabi ni Nanay Mila sa kanya. Pero
tuloy tuloy pa rin naman daw ang pag-aaral ni Louie. Nakakausap ko naman si
Paul kapag gumagamit ako ng computer sa office, nakakapagpadala ako ng e-mail
or nakakachat siya minsan.
Hindi
ko inaasahan na mas lalala pa ang sitwasyon ng malaman ni Papa na
nakikipag-usap ako kay Paul para makausap si Louie. Pagdating sa bahay nagtalo
na naman kami ni Papa at ang pinakamasaklap ay gusto nya akong papuntahin ng
America! Hindi ko na natiis ang ginagawa ni Papa sa akin, sa pagbabawal nya sa
amin ni Louie na magkita at ngayon papapuntahin nya ako sa America? Sumosobra
na talaga si Papa, pero wala akong magawa. Kapag lumayas ako tiyak magugulo ang
buhay ni Louie at ng Nanay at kapatid nya. Mawawala na rin ang pangarap nyang
makapagtapos ng college at ang pinakamasakit ako na naman ang dahilan ng lahat
ng paghihirap ni Louie.
Totoo yata ang sinabi nya sa akin noon na malas ako sa
kanya. Wala na akong matakbuhan, wala ng makausap at wala ng magawa. Hindi ko
na rin makausap si Paul, hindi ko maparating sa kanya ang mga napagdisisyonan
ko at ang mga gusto kong sabihin kay Louie kaya gumawa ako ng sulat. Dear Paul,
Alam ko malaki ang chance na hindi ito ibigay ni Manang kay Louie kapag sa
kanya ko ito ipapabigay kaya nakiusap ako kay Manang na ibigay sayo ang sulat
na to. Pasensya ka na kung pati ikaw nadamay sa gulo namin ni Louie. Alam ko na
malaki na ang utang ko sayo kaya sana maunawaan mo na lang ang bestfriend mo.
Napagdisisyonan kong tuparin ang pangarap ni Louie na makatapos ng college kaya
pumayag ako sa gusto ni Papa na pumunta ng America. Naisip ko na wala naman
talaga akong naibigay kay Louie kung hindi puro problema kaya sa pagkakataong
ito, sa pagpunta ko ng America matupad na ang pangarap ni Louie. Alam ko ang
sabi sa akin ni Louie na wag susuko, kaya hindi ako susuko! Kapag kaya ko na,
kapag may sapat na akong pera babalikan ko si Louie at kahit tumutol pa si Papa
hindi ko na papansinin at pagpapatuloy ko ang pagpapaaral kay Louie. Sa ngayon
titiisin ko muna ang pagkakalayo namin ni Louie. Pakisabi na lang sa kanya na
mahal na mahal ko sya, hintayin nya ang pagbabalik ko.
At pagnangyari yon hindi
ko na hahayaan na magkahiwalay pa kami ulit. Maraming salamat Paul. -Christian
hindi ko nainilagay ang araw at ang oras ng alis ko para hindi masakit ang
paghihiwalay namin ni Louie. Ipinakiusap ko kay Manang na dalhin ang sulat kay
Paul sa day-off nya, isang araw bago ang flight ko. Sinabi ko kay Manang na sa
huling pagkakataon, dahil sa anak na ang turing nya sa akin ibigay kay Paul ang
sulat ko. Pinagbigyan naman nya ang hiling ko at nangakong makakarating ang
sulat kay Paul. Hindi maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko sa nangyayari
sa amin ni Louie.
Magulo ang isip ko, hindi ko alam kung tama o mali ang naging
disisyon kong pumunta sa America. Kapag iniisip ko na matagal kaming magkakalayo
parang may kung anong nakapatong sa dibdib ko at nahihirapan ang kalooban ko.
Inilayo ako ni Papa kay Louie dahil hindi daw nya matanggap na ang nag-iisa
nyang anak ay sa lalake rin babagsak. Ang pangarap daw nya sa akin ay
makapag-asawa ng isang babae at magkaroon ng maraming apo sa amin. Kaya
naisipan ni Papa na ayusin ang papeles ko para makapunta ng America at
paghiwalayin kami ni Louie. Madaling araw, kumpleto na ang gamit ko at handa ng
umalis.
Isinakay ng driver namin ang mga maleta ko sa van at hinatid ako ng
parents ko papuntang airport. Walang kibuan sa loob ng sasakyan, nakatingin
lang ako sa bintana tinitingnan ang ilaw sa mga poste na nadaraanan namin.
Mabigat ang damdamin ko sa pag-alis ng Pilipinas, pero para to kay Louie, para
sa mga pangarap namin. Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko mula sa
sasakyan hanggang magpaalam ang parents ko sa akin ng papasok na ako sa waiting
area para sa mga pasahero, at wala nang nakapigil sa pag-alis ko kasabay ang
paghagulgol ko sa loob ng eroplano. Dalawang taon ang lumipas at lahat ng
paghihirap ko ay nagbunga sa America.
Dalawang taong wala akong narinig na
balita tungkol kay Paul at Louie, dahil sa pagbabawal nila Papa kasama na ang
tito ko na kumupkop sa akin. Hindi naging madali ang buhay ko sa ibang bansa,
minsan naiiyak na lang ako mag-isa sa pag-iisip kung ano ang nangyari kay Louie
at kung tama ang naging disisyon ko.
Tanging mga litrato namin at ang singsing
na binigay nya sa akin ang aking naging sandalan. Lahat ng pagsubok na dumating
sa amin ni Louie ay isa na lang ala-ala. At lahat ng pangungulila ko sa kanya
ay ginawa kong lakas para matupad ko ang lahat ng balak ko noon, lahat ng
pangarap namin. Ngayon, pagbalik ko ng bansa, wala ng magagawa si Papa at Mama
para paghiwalayin kami ni Louie.
Paglapag
na paglapag ng eroplano sa paliparan, si Louie na agad ang naiisip ko. Kung
pwede lang na lumipad sa kinaroroonan nya ginawa ko na sa sobrang pananabik.
Ano na kaya ang itsura nya? Kasi ako eto lalong gumwapo at kumisig. Nahiyang sa
malamig na klima sa America. Heheh.. Si Louie kaya? Twenty seven years old na
sya ngayon, ganon pa rin kaya ang itsura nya.
Gwapo pa rin kaya na may
nakakatunaw na tingin at matamis na ngiti? Mahal pa rin kaya nya ako gaya ng
pagmamahal ko sa kanya? Sabik na sabik na akong makita si Louie. At ng makauwi
ako sa bahay iniwan ko na sa loob ng kwarto ang mga bagahe ko at nagdrive
papunta kina Louie.
Halos walang nagbago sa lugar nila, ganon pa rin maliban sa
ilang bahay na bago sa paningin ko. Kumatok ako sa bahay nila Louie at nabigla
na iba ang tao na nagbukas ng pinto kumausap sa akin. Matagal na raw silang
nakatira doon mag-iisang taon at kalahati na. At balita raw nila sa Panggasinan
na lumipat ang dating nakatira sa bahay nila.
Medyo nanghina ang loob ko sa
nalaman pero isang kapitbahay nila na napadaan ang nagbigay ng address kung
saan na nakatira sila Louie, dati daw syan nagpapalaba kay Nanay Mila kaya alam
nya kung saan na sila lumipat. Kahit tatlo at kalahating oras ang byahe tiniis
kong lahat para makita at makapiling si Louie. Kahit hindi ko sigurado kung
saan ang address na nakasulat sa papel, hindi ito naging dahilan para manghina
ang loob ko. Kaya lang sa paghahanap ko sa bahay ni Louie, bumalik sa isip ko
ang mga nalaman ko kanina.
Kung isang taon at kalahati na nakatira doon ang
bagong nakatira sa bahay nila Louie ibigsabihin malaki ang posibilidad na hindi
na nag-aaral si Louie. Hindi ba tinupad ni Papa ang pangako nya sa akin?
Lumakas ang kaba ko habang palapit na ng palapit sa tinitirahan nila Louie. Sa
pagtatanong tanong ko sa mga tao natunton ko ang isang bahay na tinuturo ng
address.
At isang kalabog sa dibdib ang naramdaman ko ng makita si Diane, may
karga kargang batang babae siguro ay nasa isang taong gulang na. Kamukhang
kamukha ni Diane ang batang babae kaya lumakas ang kutob ko na baka anak niya
iyon. Ng bumaba ako ng sasakyan, nagulat si Diane at nagmadaling pumasok ng
bahay tinatawag ang pangalan ni Nanay Mila.
Sinundan ko si Diane hanggan
makarating ako sa harap ng pinto at sumalubong sa akin si Nanay Mila. Agad
akong nagmano sa kanya at pinatuloy sa loob ng kanilang bahay. Parang may
kakaiba akong pakiramdam sa kakaibang mga kinikilos nila Nanay Mila, hindi ko
na nagawang itanong kung sino ang batang karga ni Diane at tinanong ko na agad
kung nasaan si Louie.
Kinabahan ako sa matamlay na pag-asikaso sa akin ni Nanay
Mila, tila ba hindi ako dalawang taong nawala. Inaya ako ni Nanay Mila sa pinto
papunta sa likod bahay. At parang gumuho ang mundo ko ng makakita ang isang
lalake, nakaupo sa duyan nakaharap sa ilog di kalayuan sa bahay. Medyo payat
ito, nakatalikod pero nakilala ko sya agad sa suot nyang damit, si Louie!
Parang unti unting numinipis ang hangin dahil nahirapan akong huminga. Tinawag
ko si Louie, pero hindi ito tumingin na parang walang narinig. Kaya nilapitan
ko sya, pero ng makita ko ang mukha nya nanlumo ako sa nakita ko. Kasi ang
mukha ni Louie ay matamlay, halatang nangayayat at tulala lang ito, parang wala
ng nakikilala. Umagos ang luha ko dahil kahit anong tawag ko kay Louie hindi
nya ako nililingon at yumakap ako sa kanya tinatanong sya kung ano ang
nangyari.
Nang mapunta ang tingin ko kay Nanay Mila tumingin sya kay Diane at
parang may iniutos. Bumalik si Diane na may dalang sketchpad na mukhang
scrapbook at iniabot sa akin kasama nito ang cellphone ni Louie.
"Mahal na
mahal ka ni Louie, Christian. Ikaw lang ang hindi nya nakalimutan."
Matapos non bumalik si Diane sa bahay para patulugin ang umiiyak na batang
karga nya. Binuklat ko ang sketchpad ni Louie at binasa ang nakasulat dito.
To Be Continued
ang bigat sa dibdib habang binabasa ko ito...
ReplyDelete- gErry
sumakit dibdib ko huhu
Deletebigat s pkiramdam huhu
Deletehay ang bigat sa dibdib. grabe naiyak ako.
ReplyDeletehuhuh oo nga ang bigat nga talga ito..
ReplyDeleteay naku, amerika pa? ang daming paraan para makapagemail kay paul or bka may email si louie? pwede nmn sya sumulat by mail. siguro nmn s US wla n syang driver n bantay. parang kalokohan to ah? ang dami talagang paraan. diba sya pwede tumawag s US? at syempre nmn siguro kya sya pumayag ay dahil sinigurado nya n tuloy ang pag-aaral ni louie.
ReplyDeletesila may ari ng company, that means maraming worker. pwede syang makitxt o mkitawag s mga yun dahil uso nmn ang unli. driver lang, laging nakabuntot. me ganon? yun lang nmn ang tanong ko. s kabuuan, ok nmn ang kwento. wag lang yung wlang paraan.
bkit nga ganun??
Delete