Followers

Thursday, August 22, 2013

MUMU Sa Library 1 & 2

Author:
FB Account: 
Twitter Account:
WattPad: 
http://www.wattpad.com/user/YorTzekai

Chapter 1

"Naynay alis na po ako!!" sigaw ko sa nagpalaki sa akin,dalawa lang kaming namumuhay at mahal ko si Naynay ng sobra.

"Sige anak! Yung baon mo nasa mesa,tapusin ko lang tong nilalabhan ko" sagot ni Naynay sa may likod bahay,at ako masiglang tinungo ang mesa at kinuha ang baon ko,sa tutuusin,hindi ko ito ginagastos,iniipon ko hihi! 

May pinaghahandaan kasi ako eh.

Pagkalabas ng bahay ay tiningnan ko ang phone kong niluma ng panahon,Nokia6120c para tingnan ang oras, 5:30am pa lang,hindi pa ako late sa klase.

Naglakad na ako papunta sa sakayan ng trycicle,its a good thing one ride lang mula dito samin ang school,malapit na ako sa terminal ng may tumawag sa akin.


"Kaiicen!!" hindi ko pinansin,though alam ko na kung sino yon.

"Kaii!!" tawag nya ulit,deadma pa din ako at patuloy na naglakad.

"Dyosa ng kagandahan!!" yan! Ganyan! Naka ngiti akong lumingon sa kanya at hinintay ko sya.

"Langya! Yon pala dapat isigaw pag tatawagin kita?" hinihingal na sabi ni Mikoy,kababata ko at kapitbahay.

"Alam mo yan! So tara na baka ma late pa ako" naka ngisi kong sabi sa kanya,oo tama kayo ng kutob,kalahi ko si Dyesebel at Marina,and Im proud of it,pero hindi ako nagdadamit pambabae no? Bakla na nga ako,babaklain ko pa sarili ko? Ayoko din ng mga make up,para sa akin mas mainam na ang gandang natural! Aha! ^o^

"Edi dapat Gwapong Adonis naman itawag mo sa akin" hirit ni Mikoy pagkasakay namin sa trycicle,gwapo naman sya,naging munting crush ko nga sya noon nung nararamdaman ko na ang pagiging isang lamang dagat eh haha!

"Pag isipan ko Mikoy" pang iinis ko sa kanya.

"Ang daya!" aniya na tinawanan ko lang.

Ng makarating sa aming sinisintang paaralan ay naghiwalay na kami, middle section kasi ako,sya naman pilot,matalinong nilalang! Sya na!

Pumasok na ako sa maganda naming classroom at sinalubong na ako ng mga chikadora kong classmates,chika dito,chika doon,walang humpay,natigil lang sila ng dumating na ang teacher namin sa first subject na talagang kinakatakutan namin,maging ako ay takot sa kanya lalo na nung first day,pakiramdam ko nga noon nalagas ang mga buhok ko sa sobrang nerbyos,but that was before,napag alaman kong suklam sya sa mga beki dahil sinisindak din nya si Jumel na isa ding beki na classmate ko.

"Nag iwan ako sa inyo ng homework kahapon right? Sana naintindihan nyo ang mga sagot nyo dahil magkakaroon tayo ng recitation" anito. Oh shit! Hindi ko pa man din inintindi ang sagot ko sa homework na yon! Dati gustong gusto ko ang Araling Panlipunan pero dahil sa kanya hate ko na to.

"Okay,to start our graded recitation, Kaiicen Andrada"

Oh my gosh!! Bakit ba kasi trip na trip ako ng gurong to?

"Ano ang agham panlipunan sa araling panlipunan?"

Luh? Ano daw yon?

"Kaiicen Andrada,answer the question!" asik ni Maam Policarpio kaya napaiktad talaga ako.

"Im sorry Maam,hindi ko po alam!" ninenerbyos kong sagot,natahimik ang buong klase nakikidalamhati sa pagka nerbyos ko.

"Ano?! Sabi ko na nga ba! Walang laman utak mo! Ngayon I want you to do is pumunta sa library after ng class,humiram ng libro para sa AP at basahin mo lahat! By the end of the of second grading gusto kong ipasa mo sa akin ang mga natutunan mo! That would be your personal project! Intiendes?!" umuusok ang ilong na sabh nito,napatango na lang ako sa takot.

"Grabe mangpahiya tong panget na to" bulong ng katabi ko. Hindi na lang ako kumibo. Kaya ng mag uwian na ay dumeretso ako sa library at agad hinanap ang librong sinasabi ni Maam Policarpio.

Ng mahanap ko ito ay naghanap ako ng pwesto na walang makakakita at makaka istorbo sa akin,ayokong sa mga mesa pumwesto,madaming kukuha ng atensyon ko.

Sa pinaka dulong dulo ako ng mga book shelf pumwesto,naupo at sumandal sa pader at nagsimulang magbasa,hanggang sa maramdaman ko na lang ang antok at hindi ko na mapigilang makatulog.

Ng magising ako sobrang dilim na ng paligid.

Luh? Brownout? Kinuha ko ang cp sa bulsa ko at tiningnan ang oras, Oh my Gawd! 8pm na!

Agad akong napatayo,takot pa naman ako sa dilim, huhu! Baka may magpakitang multo dito! Dahan dahan akong naglakad,gamit ang cp ko bilang ilaw ay tinungo ko ang pinto para buksan.

Shit na malagkit! Bakit naka lock? Pano ako makakauwi nito? Hahanapin ako ni Naynay! Naglakad pa ako para hanapin ang switch ng ilaw ng may maramdaman akong yabag ng paa,napatigil ako sa paglalakad,nagtayuan ang balahibo ko. Sinasabi ko na nga ba at may multo dito eh!

Naglakad pa ito,at ramdam kong papalapit ito sa akin,hindi ako kumilos tengene katapusan ko na! 

Bro patawarin nyo po ako!

Ng biglang may kumapit sa balikat ko at nagsalita.

"Naiwanan ka din?"

"waaaahhhhh! Naynay! May Mumu!! Waahh! Bitawan mo akong mumu kaaa!!" buong husay kong sigaw at talagang napaatras pa ako.

"Hey!! Hindi ako ang Mumu! Baka ikaw ang mumu! Tinakot mo nga ako kanina! Kung hindi ko lang nakita ilaw ng phone mo iisipin kong mumu ka" sabi nya. Huh?! Ano daw? Hindi ko maaninag ang mukha nya kaya tinapat ko sa kanya ang cp ko.

"You dont need to do that,bubuksan ko ang ilaw" aniya at naglakad,infairness ang ganda ng boses nya.

Maya maya lumiwanag na ang buong paligid,para akong bagong gising na kinusot pa mga mata ko.

"There,siguro naman hindi na ako mumu ngayon" aniya,lumapit ulit,napanganga ako teh! Bakit may ginawang ganitong nilalang ang ang Panginoon? Ang gwapong mumu naman nito?

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong nya at naglakad papunta dun sa mga mesa at naupo sa bangko,sumunod ako at naupo na din.

"Nakatulog ako habang nagbabasa eh" yamot kong sagot,kasalanan to ni Maam Policarpio,panigurado nag aalala na si Naynay.

"Pareho pala tayo,minsan kasi hindi na nagchecheck ang mga faculty pag
nagmamadali kaya siguro hindi tayo napansin" sabi nya. Pano nya nagagwang maging kalmado?

"Ay! Saglit naiwanan ko yung binabasa ko" sabi ko at tumayo papunta sa pwesto ko kanina,nasa lapag yung libro,pinulot ko at bumalik na sa pagkaka upo.

"Hanggang anong oras tayo dito? Panigurado nag aalala na si Naynay" sabi ko naman.

"Siguro mga 4am,bakit hindi mo itext ang Naynay mo?"

"Wala akong load"

"Oh eto makitext ka muna sa akin" sabay abot nya ng phone nya. Wow! Susyal! Anong unit kaya to? Mukhang mamahalin! At yon tinext ko na si Naynay at binalik sa kanya ang phone nya.

"Ako nga pala si Gero,Gero Kyle Montenegro,fourth year pilot section" pakilala nya at inilahad ang kamay. Shit! Gwapo na,mabaet pa at matalino pa!

"Uhm,uhm Kaii, Kaiicen Andrada,fourth year din,section C" nahihiya kong sagot.

"Wow! Bakit ngayon lang kita nakita?"

"Ewan ko" sagot ko na lang,haay nagugutom na ako.

GGGRRRAAAWWLLL!!

Shit! Ang sikmura kong walang pakisama >_____<

"Hahaha! Mukhang gutom ka na ah? Wait may foods ako sa bag ko" aniya at tumayo tinungo ang kabilang dulo ng mga book shelfs, so doon naman sya natulog? At ng bumalik ay dala na nya ang bag nya. Ng makaupo ay inilabas nya ang pagkain, mga junk foods lang naman.

"Pasalubong ko dapat yan sa bunso kong kapatid,but since pareho tayong gutom,kainin na natin" naka ngiti nyang sabi,agad kong kinuha ang piattos at nilantakan ito.

Ang bait naman ng isang to,kung ibang tao pa yan inabuso nya. Matapos lumamon ay nakaramdam ako ng antok,hindi ko na sya kinibo,antok na ako eh.

Muli nagising ako sa pagyugyog sa akin.

"Kaii,Kaii gising na! Alas quatro na,dadating na ang janitor makakauwi na tayo" dinig kong sabi nya at dumilat na ako,ang gwapong mukha ni Gero ang tumambad sa akin.

"Sa wakas!" masaya kong sabi. Maya maya nga bumukas na ang pinto.

"Ay Mumu!!" sigaw ng Janitor,pareho kaming napatawa ni Gero,lumapit na kami dito at ipinaliwanag ang nangyari then umalis na kami para makauwi.

Chapter 2

Gero's point of view

Ngayong araw ng sabado,nagising ako sa ingay,panigurado may bisita 
kami,pag may bisita pa naman kami parang festival.

Tumayo na ako at tinungo ang banyo sa kwarto ko para maghilamos at mag 
tooth brush,pagharap ko sa salamin napangiti ako. Tsk! Ang pogi ko 
talaga haha!

Kung nagtataka kayo bakit tamad na tamad akong bumangon dahil alas 
quatro ng umaga na ako naka uwi kanina,na lock kami sa library nung 
isang fourth year student din na si Kaiicen,pinagkamalan pa akong mumu 
ng isang yon,pero dahil gwapo at natural akong mabaet,nagsama kami buong 
magdamag. Oopps! Huwag kayong malisyoso,hindi ako ganun! Si kuya Zander 
at kuya Kebin lang ang ganun haha! At saka lalaki yon si Kaiicen no?! I 
mean ano,uhm..

Katulad sya ni Mama Prue,isang bakla, para nga syang si 
Mama, napaka feminine ng mukha, androgynous, nagulat nga ako ng buksan 
ko ilaw eh,akala ko talaga babae,pano hanggang leeg ang buhok, at yun 
nga nagkakilala kami,buti nung 4am dumating na si Manong Janitor at 
nakauwi na kami.

At ngayon konti pa lang tulog ko,magigising naman ako sa ingay sa baba, 
ano kayang meron?

Matapos mag hilamos at toothbrush ay nagpalit ako ng pambahay at bumaba 
na, kita ko agad sila sa living room,ang mga tito at tita ko.

Si Tito Dex at asawang si Tita Honey,si Tito Kurt at ang partner na si 
Tito Eiko,si Tito Ian at Tito Page. Ng makalapit ay nagmano at beso lang 
ako sa kanila,kausap din nila si Tito Khyron.

Sinabihan ako ni Papa na nasa may Pool ang mga kapatid at pinsan ko.

Haay malas,hindi ko man lang masusulit ang pagtulog ko :/

Pag punta ko nga sa pool area nandun sila, si kuya Zander,Chichi, Kuya 
Kebin at ang classmate nila dating si Arjie na pamangkin ni Tito Eiko, 
nandito din yung mas matatanda naming pinsan mga anak ni Tito Dex at 
Tita Honey, andito din sina Brylle at Pauline mga anak nina Tito Ian at 
Tito Page, pati si Eriol na anak nina Tito Kurt at Tito Eiko, bigla ko 
tuloy naisip na kung hindi pa nauso ang surrogacy kawawa siguro ang mga 
same sex na gusto magka anak,at higit sa lahat wala din ang gwapong 
tulad ko sa daigdig!

"Pinupuri na naman nya sarili nya sa isipan nya" puna ni Kuya Zander 
pagkalapit ko,binati ko silang lahat.

"Ikaw ang ganun kuya,huwag mong ipasa sa akin" pang iinis ko kaya 
nakurugan ako haha!

At ayon,konting kamustahan at kwentuhan at naglalangoy na kami sa pool. 
Malaki at malawak ang pool namin kaya ayos lang maghabulan.

Umahon muna ako,pakiramdam ko kasi napasukan ng tubig ang tenga ko. Pag 
ahon ko ay tumabi ako kina Pauline at Chichi nag nagtsitsismisan, uminum 
ako ng juice at pasimpleng nakinig sa kanila.

"OMG cuz,have you heard about the news regarding the Ongpauco's?" ani 
Pauline. Kilala ang mga Ongpauco,halos lahat ata ng Mall's sa Pilipinas 
ay sa kanila,mas mayaman pa sila saming mga Montenegro at 
Fuentebella,kaya naman napukaw ng dalawang tsismosa ang atensyon ko.

"Yup,at hinahanap na nila ngayon ang nawawala nilang apo,God,such a lame 
action,for 17 years ngayon lang nila hinanap? Bakit? Dahil wala ng 
magmamana? Duh?" maarteng sagot ng kapatid kong si Chichi.

"Ano ka ba cuz! Malamang may reason kaya ngayon lang hinanap,at ang sabi 
lalaki daw, Gosh! Sana gwapo, magpapakasal talaga ako ng maaga" ani Pauline.

"Landi mo,sumbong kita kay Tito Ian sige ka!" pananakot ng kapatid ko. 
Napaisip ako,ang swerte naman nung apo ng mga Ongpauco pag naghanap yon.

"At ito pa cuz,may pagkakalinlan naman daw kaya hindi mahirap 
mahanap,may pendant daw kasi yun nung baby pa na may letter "K" na naka 
tatak. Yung lolo daw mismo ang nagpagawa nun dati"

Tumayo na ulit ako at muling lumangoy at nakipag kulitan sa mga pinsan ko.

------

Monday na ulit,pagkahatid sa akin sa school ay nagmamadali na akong 
pumasok sa gate,para kasi sa mga Pilot section na gaya ko,kahihiyan ang 
ma-late. Habang nagmamadali ako sa paglalakad,napansin ko ang classmate 
kong si Michael Serano na may kaakbay habang naglalakad.

Parang kilala ko yung bag nung kasama ni Michael ah? Kaya naman para 
maka siguro ay tinawag ko.

"Serano!!" sigaw ko. At boom! Lumingon ang kasama nya at sya, and to my 
surprise si Kaii pala yon kaya lumapit na ako.

"Magkakilala kayo ng tukmol na ito?" ani Kaii sakin sabay turo kay Michael.

"Hoy Kaiicen grabe ka ah?! Maka tukmol ka dyan! Samantalang kanina 
tinawag mo akong gwapong Adonis!" reklamo ni Michael.

"Hoy Mikoy! Tumigil ka,wala akong natatandaang sinabi kong ganun" 
depensa ni Kaii,napangiti na lang ako sa kakulitan nila.

"Yup,magkaklase kami,remember pilot section ako" naka ngiti kong pa 
singit sa palitan nila ng pang aasar. "Nice name Mikoy" pang iinis ko 
kay Michael.

"Palayaw ko yon brad! Eh kayo? Pano kayo nagkakilala nito ni Dyesebel? 
Ay! Este Kaiicen?" ani Michael.

"Sa Library,but its a long story" sagot ko.

"Luhh? Oo nga pala! Kailangan ko pang mag review! Maiwan ko na kayo! 
Bye!" parang natarantang sabi ni Kaii,pero bago sya tumalikod at 
umalis,natitigan ko pa sya,at may suot syang pendat na may letter "K".

Could it be? Hmm imposible,baka nagkataon lang.

Dumiretso na kami ni Michael sa room namin. Parang nagkaroon tuloy ako 
ng interes kay Kaii,at sisimulan ko yon sa pag interview kay Michael.




To Be Continued

11 comments:

  1. Thank you Kuya Ponse :*

    Guys enjoy reading po and dont forget to leave a comment :3 Thank you so much!

    ReplyDelete
  2. Nice sana po arawaraw mag post ganda talaga c jef_yam po ito

    ReplyDelete
  3. nice naman ang story pero napansin kong ang pagkahilig mo ng "comma". please use proper punctuation para mas malinaw ang ibig mong sabihin. *Andrew*

    ReplyDelete
  4. Kaka iba to ah sa mga nababasa kong blog...may nawawalang heredero at may mumu sa library hahaha...usually kc mag best friend ang peg...ito kakaiba talaga sounds interesting :))
    Hoping na meron update araw araw

    Fan nyo na ko

    ReplyDelete
  5. Funny, entertaining and a little bit intriguing.. Sana di magbago ang takbo ng story mo, para di nakakasawa.. Also, wag mo din masyado gawing complicated para mas maging ka pain paniwala.. Other stories tend to become boring and stressful because the authors put in a lot of twists and turns which do not actually reflect reality but rather just distorted pigments of imaginations, please do not go that route.. Also, hopefully maging fast paced din para mas mahook ang readers and mas maging exciting..

    ReplyDelete
  6. @anonymous kuya haha thanks po :)

    @andrew sir puro comma po ba? Haha hndi ko napansin,thanks po for pointing that out :)

    @Raffy ahehe 4 to 5 days po usapan namin ni kuya ponse sa pagpost nito,thanks po xD

    @migz hello po! Thanks po for the words,sana nga hndi maging boring to,baguhan lang po ako eh,kaya sana maging okay ang takbo nito :)

    ReplyDelete
  7. Replies
    1. Hahahahahaha FOODS kase marame daw pero ok lang un typo lang po siguro

      Delete
  8. galing namn, di ako mapakali tinignan ko ulit ung mumu sa library,,, natawa ako ito pl yung unang kwento,,, nauna ko kasing nabasa yung mumu sa library,,,

    great great great job......

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails