"Learning to love again."
Blue
Lumipas ang buong linggo pero hindi kami uling nagkausap ni aldred medyo naging busy kasi sa school work at maaga rin natutulog kaya hindi nakakalabas sa gabi hangang dumating ang Friday... Tumambay lang uli ako sa labas dahil wala naman pasok bukas kaya may dahilan para magpuyat.. Sinuksok ko lang sa tenga ko yung headset saka nakinig ng music,.. Nagsimula naman akong bigkasin yung lyrics ng kanta..
Ilang sandali pa ng may pumaradang motor sa harap ko tinangal ko naman yung headset sa tenga ko.. Si aldred... Ilang araw nang ginugulo ang isip ko ng lalakeng to.. Bakit ko sya iniisip.. Hindi ko alam.. Lage syang laman ng utak ko ng mga nagdaang araw..
" Ngayon ka lang lumabas ah?" saad niyang nakangiti.. Itong mga ngiti niya.. Nakakainis.. Hindi mawala wala sa utak ko.
" ah yeah Medyo busy kasi sa school?"
" ganun look oh marunong na talaga ko?"
" halata nga eh.. Madali ka naman talagang matuto eh.. "
" Magaling ka lang talagang magturo.." ngiti pa niya. Bumaba naman sya ng motor saka tumabi sa kinauupuan ko.
" Alam mo kitang kita yung lungkot sa mata mo?"
" huh? Talaga.?"
" Yeah?"
" Wag mo nalang pansinin?"
" Babae ba bro?" agad naman akong umiwas ng tingin. " broken hearted ka nga sabi na eh?"
" hindi ah?"
" Sus kunware ka pa.. Anong nangyare? Naghiwalay kayo?"
" Uhm bakit gusto mong malaman.?"
" wala lang.. ?" kibit ng balikat na saad niya.
" wala pala eh.. Wag mo na alamin?" ngiti ko sa kanya.
" babae lang yan tol.. Madami pa jang iba..?"
" I know.. Bakit ba ako ang topic ikaw may girlfriend ka ba?" tanong ko nilingon ko lang yung mukha niya saka inantay yung mgiging sagot niya.
" Wala?"
" eh bakit wala?"
" Wala lang.. Wala pa kong nagugustuhan eh?"
" Ganun.. Gwapo ka naman ah posibleng wala nagkakagusto sayo?"
" Meron naman nagkakagusto kaso hindi ko naman gusto."
" ah sayang naman."
" hindi ah true love waits... Saka darating naman yun kahit hindi mo antayin.. Or hanapin.." saad niyang nakatitig sa mukha ko.
" Sabagay.?"
" So wag kang malungkot kasi iniwanan ka may darating din na taong para talaga sayo." ngiti niya.
" I know.. Teka pano mo nalaman na iniwanan ako.?"
" syempre ikaw yung malungkot eh malamang ikaw yung iniwanan?"
" ganun?"
" Ang tanga naman ng babaeng yun.. Gwapo ka.. Mayaman..? Good catch ka?"
"ganun talaga.. Hindi lahat nakukuha, pinagpala na nga sa itsura eh syempre abuso na kung pati love life?" saad kong ikinatawa niya.
" Yabang huh?"
" Hindi naman sakin nangaling na gwapo ako.. Sinabi mo kaya.?"
" Oo na pero honestly mas gwapo ako sayo?" hindi ko naman mapigilang tumawa pa.
" ang hangin bro..?"
" totoo kaya mas gwapo ako sayo.?" saad pa niya tiningnan ko naman yung mukha niya.. Gwapo nga sya.. Pero.. Oo na nga mas gwapo sya.
" oo na sige na matahimik ka lang." ngiti ko.
" Maganda ba yung girl na nang iwan sayo?"
" naku tigilan mo wag nating pagusapan?" ngiti ko.
" sige na nga.. Saturday bukas anong plano mo?"
" Wala pa eh..?"
" Wala pa? Eh ano kaya magandang gawin bukas.?"
" I dont know? Matulog?"
" Sus matutulog.. How about magmall tayo bukas?" umiling naman ako... Hindi talaga ko mahilig magmall.
" ayoko.. Nakakatamad.?"
" eh anong ginagawa mo pag Saturday?"
" natutulog? Tambay lang sa kwarto nuod ng tv?"
" ang boring naman bro.. Basketball tayo bukas sayang naman yung court ng subdivision na to kung hindi natin gagamitin?" Ilang sandali akong nagisip..
" Sige na nga.." payag ko naman.
" teka wala akong Bola bro?"
" Meron ako.." saad ko na ikinangiti niya.. Haixt bakit ba yung mga ngiti niya ang lakas lakas ng dating sakin.. Haixt
" Blue?" kumunot naman ang noo ko sa pagbangit niya ng pangalan ko.
" why?"
" Wala lang ang sarap lang bangitin ng pangalan mo.. Favorite color ko kaya yun..?"
" ah.."
" Una na ko kita tayo bukas?"
" Yeah sure..?" ngumiti lang sya sakin... Yung pamatay na ngiti.. Naiwan naman akong tulala.. Ano bang nangyayare sakin.. Bakit ba parang atracted ako sa kanya... Na broken hearted lang ako naging bakla na ko.? Fuck hindi pwede..
7am palang gising na ko alas otso pa ang usapan namin ni aldred para magbasketball nagsuot lang ako ng basketball short saka sando at rubbershoes.. Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin sabay pacute "pogi!" saad ko Saka lumabas ng kwarto dala yung bola ko sinalubong lang ako ni mommy ng nagtatanong na tingin.
" Magugunaw na ba ang mundo?" tanong nito.
"bakit?" kunot noong tanong ko.
" lalabas ka?"
" Yeah why?" naalala ko ngayon lang pala uli ako magbabasket ball after akong iwanan ni Angela..
" Nakamove on ka na talaga anak?"
" Mommy naman eh.?"
" I'm so happy for you.. Sino kasama mo.?"
" Si aldred mom.. Alis na ko baka nagaantay na yun?"
" Sabihin mo sa kanya dito sya maglunch i want to thank him kasi kahit paano bumabalik ka na sa dating ikaw.. Go anak?"
" mommy Sabi ko nga sayo di ba.. Makakamove din ako.. Bakit ko hahabulin yung taong nangiwan sakin.. Dami dami jan iba hindi sya kawalan.? Saka hindi ako aso para maghabol?" ngiti ko pero deep inside "ouch"
" tama yun anak.. Sige enjoy kayo huh?"
" yeah sure mom."
Paglabas ko palang ng gate ngiti agad ni aldred sumalubong sakin.. Bakit ba kasi ganito nararamdaman ko sa taong to nakakainis.. Pinilit ko naman wag pansinin yung mga ngiti niya.
" tara na bro.." saad niya sakin.
"yeah." nagsimula naman kaming maglakad kinuha niya lang sakin yung bola saka nagdrible habang naglallakad nakatingin lang ako sa kanya hindi naman niya siguro mappansin yun dahil busy sya sa bola.
" Bro gaano kayo katagal ng ex mo?" umiba lang ako ng tingin ng lumingon sya sakin.
" Uhm i know her since mga bata kami.."
" then paano kayo naging kayo?"
" Niligawan ko sya nuing nasa 6th grade kami? Ang bata noh? " ngiti ko. " tapos naging kami nung 2nd year high school.?"
" tagal din pala bakit ka niya iniwan?"
" dami mo naman tanong malapit na tayo sa court?"
" duga.. Sagutin mo nalang..?"
" ayoko nga ?"
" anong real name mo?"
" pati ba naman yun.. Panget tol wag mo ng alamin?" ngiti ko hanggang makarating kami sa court inagaw ko naman yung bola sa kanya saka nagshoot.. Kita ko naman yung pagnganga niya nung pumasok yung bola.
" Varsity ka ba tol? Ang layo nun ah?"
" hindi ah.. Hobby ko lang yung pagbabasket ball?" ngiti ko tinapik ko naman sya sa balikat saka pinuntahan yung bola. " may mini court kami sa likod ng bahay."
" talaga? Dapat pala dun nalang tayo.?" saad ni aldred saka humarang sakin para di ako makashoot.
" andito na tayo eh..?" saad ko saka mabilis na nilusutan sya saka nashoot uli yung bola.
" hanep tol ang galing mo.?"
" sus game na tara.?"
"lugi ata ako sayo eh.?"
" tara na?" ngiti ko sa kanya.
Halos isang oras din kaming naglalaro ni aldred nang mapagod ay umupo lang kami sa isang bench sa gilid ng court.
" kapagod?" saad ko habang pinupunsan ng towel yung mga braso ko.
" napagod ka pa talaga.. Walang wala ako sayo..?"
"Magaling ka din naman taas nga ng score mo eh?"
" nangaasar ka eh nakatwo points nga lang ako tsamba pa?" simangot niya.
"galingan mo next time..
" talaga.!!." ngiti niya..
" sa bahay ka lunch huh?" maya maya saad ko.
" uhm ok lang ba hindi ba nakakahiya sa mommy mo?" tanong niya pa. Ngumiti lang ako saka tumayo..
" hindi yan tara na.."
" tol teka..?" natigilan naman ako sa paghakbang..
" why?" lingon ko sa kanya. Nakita ko lang syang titig na titig sakin. "why? Tanong ko uli..
" Simula ngayon Misyon na ni red ranger na makita yang mata mo na hindi na malungkot? ?"
" huh?" nakakunot ang noong tanong ko kita ko naman syang tumayo saka umakbay sakin.. Naiilang man pinabayaan ko nalang sya.
" wala sabi ko tara na.. Masarap ba magluto mommy mo?"
" oo naman? Bigat ng kamay mo? Pa misyon misyon ka pa jan red ranger."
" Sus? Tara na?" saad pa niya.. Nagsimula naman kaming maglakad..sana hindi totoo tong nararamdama nko sa kanya.. sana..
Red at blue ranger talaga perfect match. Tnx blue sa update love it.
ReplyDeleteRandzmesia
Maganda talaga pag bestfriends muna sa una... another story to wait...
ReplyDelete-arejay kerisawa
anong hindi totoo nararamdaman mo e ayan n nga s harap mo s red, kumakabog pa puso mo hehe.
ReplyDeleteAwwww!!!nbitin ako.hehehe
ReplyDeleteKakabitin naman yun...paki habaan nman po mr author :)
ReplyDelete