“bliss”
Chapter 10
"HAPPY BIRTHDAY!!!" sigaw ni raymond na may hawak na cake. natulala naman ako.
" pakawalan niyo nga ako dito pasapak lang kahit isa.!" utos ko sa kanila. talagang nangigigil ako ng mga oras na yun ang lakas ng trip ng dalawang to ah
" sasapak ka o rerapin ka na talaga namin?" nakangising sabi ni alvin sinuklian ko lang sya ng masamang tingin "ah ayaw! raymond hubaran na yan" nakangiti lang si raymond saka nilagay yung cake sa mesa at humarap sakin.
"huwag mo ko hawakan mond" banta ko sa kaniya. pero hinawakan niya ang hita ko.
"ooopss nahawakan na kita" saad ni raymond si alvin naman tawa lang ng tawa.
"tigilan niyo na nga ako" suko ko sa kanila.
"yan good. " saad ni alvin pumunta naman sya sa harap ko katabi ni raymond. "1st happy birthday bestfriend and thank you kanina nadamay lang ako dito oh" sabay nguso kay raymond.
"anung nadamay wala kaya sa plano ko to. ikaw kaya nakaisip nito,"kontra ni raymond sa sinabi ni alvin. "ikaw na" siniko naman ni alvin si raymond.
"happy birthday din bestfriend sorry talaga si alvin talaga may kagagawan nito bibigyan lang dapat kita ng cake eh nagisip pa ng kalokohan tong si alvin" paliwanag ni raymond sakin. nanatili naman akong nakatingin lang sa kanila.
"pakawalan niyo na ko" maikli kong tugon sa kanila.
"huwag kang mananapak? please masisira mukha ko" pagmamakaawa ni raymond.
"asa ka naman mond . sya nalang sapakin mo wag lang ako mas may value ung mukha ko eh kitang kita naman" lumuhod pa si alvin sa harap ko. tumango naman ako sa kanila saka pilit ngumiti.
"tanggalin niyo na yung tali?" utos ko sa kanila para naman silang nagaalinlangan tanggalin ang tali sa kamay ko. kitang kita ko pa yung ngiwi sa mukha ni alvin, nagaantay kung ano ang gagawin ko.
Nang makatayo na ko hinarap ko si alvin saka tinulak sa dingding "oopss" nasabi lang niya saka tinaas ang dalawang kamay simbolo ng pagsuko. nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya halos magdikit na yung mga labi namin kitang kita ko naman na napalunok sya tinitigan ko lang yung mukha niya. gigil na gigil talaga ko ng mga oras na yun.. "tama na car" awat sakin ni raymond pero tiningnan ko lang sya ng masama kaya lumayo siya.
"eh kung ikaw kaya irape ko ngayon" pananakot ko kay alvin pero imbis na matakot ngumiti pa sya na lalong kinainis ko. linapit ko yung mukha ko sa mukha niya pero di sya umiwas halos mahalikan ko na sya pero di pa rin sya kumikilos nanatili lang syang nakangiti "hindi mo kaya" saad ni alvin. gigil na gigil na talaga ko kaya nasuntok ko sya sa sikmura.
"ouch" saad nalang niya napaluhod naman sya. alam ko malakas yun kaya siguradong masakit. hinanap naman ng paningin ko si raymond. nang makita ko sya agad ko naman syang nilapitan, nagtakip naman sya ng mukha. "wag sa mukha huh" saad pa niya.
Umikot ako sa likod niya saka bumulong sa tenga niya. "eh anong gusto mo" napaurong naman sya pero hinawakan ko lang yung damit niya, hinalikan ko sya sa leeg "ito ba" bulong ko pa. para naman syang hindi makagalaw. hinalikan ko pa uli ung leeg niya saka sabay kagat. "aaaahhhhhh" sigaw ni raymond. Tinangal ko lang ung bibig ko ng makita ko na may dugo na. Para naman akong natauhan..
nakaupo na kami sa sala habang ginagamot ko yung sugat sa leeg ni raymond. si alvin tahimik lang habang kumakain ng cake.
"maduga! ako may sugat si alvin wala" reklamo pa sakin ni raymond, nabatukan ko naman sya. "ang adik niyo kasi."" saad ko naman
"may halik namang kasama, carlos paexperience ng halik mo sa leeg ko mukhang nasarapan si raymond dun eh" asar ni alvin binato ko naman sya ng bote ng betadine.
"lapit dali para makagat din kita" asar ko sa kanya, lumapit naman ang loko " ok lang kahit makagat basta ung kiss with feelings dapat" saad pa nito nasipa ko naman sya agad. "ang aadik niyo pa nga. birthday ko pinaiiyak niyo ko"
"iyakin ka pala" asar ni raymond kaya binatukan ko lang uli sya. "nakakadami ka na huh" reklamo ni raymond. nginitian ko lang sya "gumaganti lang"
" patikim nga ng cake na yan" baling ko kay alvin matapos lagyan ng gasa yung sugat ni raymond. "sino naman nagsabi sayo na birthday ko" tanong ko kay raymond
"si ate jean kagabi ko pa nga binili yan eh, teka sure kabang wala kang rabis?" natatawa nitong saad
"ang kapal mo mond huh" irap ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako.
" paexperience ng kiss mo?" kalabit sakin ni alvin.
"alvin muka kang tanga."
halos makalahate namin yung cake, si alvin ang pinakamadaming nakain. hindi naman kasi ako mahilig sa cake ganun di si raymond.
"baka gusto mo na magkwento alvin" baling ni raymond dito
"nakakaiyak wag na" iwas nito
"sige na" saad ko naman. Bigla naman nanahimik. Inantay namin kung anong sasabihin ni alvin.
"sila mommy at daddy gusto na maghiwalay kaya yun naglayas ako, nakita ko kayo kahapon kaya sinundan ko kayo, "
" eh di ba nakita kitang nakasakay na" tanong ko naman sa kanya.
" ah bumaba ako nung makita kayo kaso hindi na ko nagpakita nahihiya kasi ako eh."
"sus bakit ka naman mahihiya ? saan ka natulog ?" tanong ko pa
"sa park kaso pinaalis ako dun eh wala na kong ibang mapupuntahan kaya dito na ko pumunta ayoko naman mangistorbo"
"sana pumunta ka sa bahay kilala ka nanaman dun" singit ni raymond
"ang layo eh" maikli nitong sagot.
"sus mas gusto mo lang talaga dito"
"syempre" nakangiting sagot nito sabay tingin sakin "ikaw bakit di mo man lang sinabing birtday mo pala" tanong ni alvin
"hindi naman kasi ako nagbibirthday kita nio naman ako lang magisa dito, binigyan lang ako ng pera yun lang"
"lungkot naman" saad ni raymond, napatingin naman ako sa kanya kitang kita sa mukha niya ang lungkot.
"sus ok lang noh" ngumiti ako na parang ok lang.
Halos abutin na kami ng tanghale sa kwentuhan namin, kaya wala pa kaming nalutong pagkain., mga kapatid ko naman gabi pa ang uwi ng mga yon..hanggang magyaya na umuwi si raymond dahil nagtxt na daw ang mommy niya.
"uwi na alvin dun ka nalang samin" aya ni raymond dito
"dito nalang ako dont worry di ko rerapin si carlos pwera nalang kung sya ang mangrerape" nakatawa nitong saad kaya sinipa ko sya.
"kabayo ka ba hilig manipa" sungit ni alvin sakin
" may kabayo bang ganito kagwapo" asar ko naman sa kanya.
" hawak mond ang hangin!" tawanan naman kaming tatlo.
"pwede dito nalang muna ako?" baling sakin ni raymond
"kasasabi mo lang hinahanap ka na sa inyo?" tumayo na ko para ilagay sa kusina ang mga pinagkainan namin saka nilagay sa ref ung natirang cake. Sumunod lang ung dalawa sakin.
" edi magpapaalam ako saka tatanungin ako samin bakit ako may ganito?" sabay turo sa leeg na may gasa. Nakangiti pa ito ng kay tamis
" ayos para paraan.! sabihin mo kinagat ni carlos" ngiting aso ni alvin pinandilatan lang to ni raymond.
"ah eh edi magpaalam ka?" sagot ko nalang nakita ko naman na ngumiti to. Maya maya nagpaalam ito na magpapaload lang at bibili na rin ng pagkain, pinipilit kong bigyan ng pabili ngunit tumangi ito..sya nalang daw. Wala naman akong nagawa.
Nagsaing naman ako habang si alvin nakamasid lang sakin habang nakaupo sa isa sa upuan sa kusina.
"di ka ba nalulungkot dahil wala ka ng parents?" maya maya tanong nito
" bakit ako malulungkot, sayang lang oras kung magmumukmok ako di ba?" sagot ko sa kanya habang sinisalang na ung sinaing. Tumingin naman ako sa kanya pero sa ibang dereksyon nakatingin to at mukang malalim ang iniisip kaya pumunta ko sa likod nia sabay bulong sa tenga " ano iniisip mo?" natawa naman ako sa reaction niya.
"walang ganyanan kinikilabutan ako eh" natatawa nitong sabi
"para alam mo ung feeling nung ginawa niyo sakin kanina, lalim kasi ng iniisip mo eh" hindi naman sya nagsalita at yumuko lang. " yung tungkol pala kay che? Bakit kayo naghiwalay?" napatingin naman sya sakin na parang nagtatanong. "kinausap kaya ako ni che?" tumungo lang uli sya.
"hindi ko na sya mahal saka madami akong problema sa family" saad nito
"eh bakit sabi mo may mahal syang iba kaya kau naghiwalay? Paiyak iyak ka pa" saad ko sabay punta sa ref para kumuha ng tubig.
" ah eh kasi yung totoong mahal ko feeling ko may mahal ng iba" nakayuko nitong saad. Napatingin naman ako sa kanya "ano yun??" nagtataka kong tanong sino ang mahal ng lokong to.
"ah eh" nauutal naman na sabi nito. Dun naman biglang dumating si raymond na may plastic ng lechong manok.
" ano pinaguusapan niyo ?" tanong nito
" wala!" sabay naming sagot ni alvin tawanan naman kaming tatlo.
Nang matapos kaming kumain ng tanghalian ay tumambay na kami sa sala para manuod ng tv pero imbis na manuod ay nagkukulitan lang kami. Sarap talaga kasama ng dalawang to hang gugulo. Buti nagkaroon ako ng mga kaibigan na tulad nila.
"maliligo lang ako wag kayong magulo dito huh" maya maya paalam ko sa kanila. Tumango naman sila. "ikaw alvin di ka ba maliligo?" baling ko kay alvin.
"gusto mo sabay tayo?" nakangiti nitong saad.
"sige tara. Para malunod kita sa inidoro." asar ko naman sa kanya
"sama mo, pagkatapos mo nalang pakibilisan huh?" sabi nalang nito
"bakit bahay mo?" asar naman ni raymond. Ngunit ngiti lang sagot ni alvin "soon"
Dumeretso naman ako sa cr at hndi nalang pinansin yung sinabi ni alvin soon? Epal nanaman yun sigurado. Halos abutin naman ako sa cr ng isang oras ganun kasi ako maligo gusto ko nagbabad sa tubig para siguradong malinis ako. Paglabas ko sa cr nakita kong nakabukas ang tv pero paglapit ko nakita kong tulog yung dalawa. Ilang sandali akong nakatayo para pagmasdan sila pagkatapos ay dumertso na ko sa kwarto para magbihis.
Paglabas ko ay natutulog parin sila lumapit naman ako kay alvin para sana gisingin na to para maligo pero napatitig lang ako sa mukha niya, ang gwapo talaga niya.. Maya maya ay Niyugyug ko na sya "alvin ligo ka na" dumilat ito at parang wala sa sarili na tumitig sakin para naman akong natulala din sa mga titig na yun, bakit niya ko tinitingnan. Lumayo ako saka pumunta sa harap ng salamin, nag-inat inat to "tagal mo naman" sabi nalang nito saka tumayo para pumunta sa kwarto. "wala akong dalang sabon saka shampoo?" maya maya silip nito sa pinto "andun sa cr meron dun" sagot ko sa knya habang nasa salamin.
"gwapo ka pala kapag bagong ligo." saad nito paglabas ng kwarto saka nagmamadaling dumeretso sa cr. Binato ko naman sya ng suklay pero hindi sya tinamaan. Sumilip pa to ng pinto sabay dila sakin. "gago" nalang nasagot ko narinig ko pa syang tumawa sa loob ng cr.
Humarap naman ako sa salamin "gwapo naman ako kahit hindi bagong paligo ah?" sabi ko sa sarili ko sabay ngiti.
"carlos sino kausap mo jan?" sabi ni alvin na nakasilip sa pinto ng cr todo ngiti.
"sarili ko bakit maligo ka na nga pwede." ismid ko sa kanya.. Sinara naman nito ang pinto ng cr.
Lumapit naman ako kay raymond para gisingin at palipatin sa loob ng kwarto. "mond dun ka sa kwarto" yugyug ko sa kanya pero hindi naman to magising "mond" gising ko pa sa kanya pero wala paring reactions. Pumunta nalang ako ng kwarto para kumuha ng unan sigurado masakit sa leeg matulog sa sofa. Iniangat ko naman ang ulo niya saka nilagay ung unan halos maglapit naman ung mukha namin.
Mejo umungot sya saka gumalaw lumayo naman ako agad pero nanatili lang ako nakatingin sa kanya. Ang gwapo talaga niya nadako ang paningin ko sa mga labi nito. Ang pula nito at parang ang lambot unti unti akong lumapit sa kanya saka lumuhod sa harap nito. Tiningnan ko lang ang mukha niya. May ngsasabi sa utak ko na halikan sya pero pilit kong nilalabanan hindi pwede.! Sabi ng kabilang panig ng utak ko. Lumingon ako sa pinto ng cr malakas parin ang agos ng tubig.
Sa di malamang dahilan Unti unti kong nilapit ang mukha ko saka dahan dahan dinampi ang mga labi ko sa labi ni raymond. Umungot naman to para naman akong natauhan kaya tumayo ako agad saka pumunta sa kwarto. Ano ba tong ginagawa ko bakit ko ba sya hinalikan nagising kaya sya? Patay!. May gusto na ba ko sa kanya. Haixt hindi to pwede. Sigaw ng isip ko.
Umupo ako sa kama saka sinapo ng dalawang kamay ko ang aking mukha. Bakit ko ba kasi ginawa yun. Tanga tanga mo talaga carlos. Paano kung nagising yun edi tapos ka na! Sisi pa ng utak ko. Haixt sabay batok sa sarili. Tanga tanga!
bUmukas ang pinto ng kwarto at nagulat naman ako ng makita si alvin na nakatapis lang ng tumalya kitang kita ang katawan nito. Ang kinis niya, ang ganda ng katawan saka amoy na amoy ung sabon na gamit niya. Biglang parang naginit ang pakiramdam ko.
"sexy ko ba?" saad nito para naman akong natauhan sa pagkatulala sa kanya. "makatitig ka naman" umismid lang ako sa kanya
"hindi ka ba lalabas o gusto mo talaga ko mapanuod magbihis" nakangisi ito habang hinahalungkat ang bag niya. Agad naman akong tumayo pero bago ako makalabas bigla niya kong hinawakan sa kamay.
"ang init mo naman?" kunot nuong tanong nito.
"ano ba yun?" tanong ko pa sa kanya.
"ah eh kasi wla akong underwear na dala nakalimutan ko?"
"ano? Ang dami mong dala tapos underwear wala ka?"
" eh sa nakalimutan ko eh nagmamadali kasi ako nun. Sige na pahiram?"
" bakit sakin?" kunot na ang noong tanong ko sa kanya
"kanino ko hihiram. Ako na kukuha saan ba?"
"wag" harang ko sa kanya
"arte mo naman wala ka naman sakit at lalo na ko" hawi niya sakin dahilan para madikit ang katawan niya sakin. Para naman akong sinilaban ng madikit sa balat niya.
"ako na pwede?" hawi ko naman sa kanya pero imbis na umalis ay niyakap niya ko. "alvin ano ba"
"payakap lang sarap mo pala yakapin eh" katawa nitong saad.
"hayop ka alvin tigilan mo ko alis nga jan!" nagtaas naman sya ng kamay "ok" sabi nalang nito. Kinuha ko naman ung underwear na hindi ko pa nagamit dahil mejo malaki sakin. Binato ko naman sa kanya "oh yan hindi ko pa nagamit yan pero nasukat ko na" saad ko habang sinasara ung cabinet. Kainis naman tong lalakeng to nag-init tuloy bigla pakiramdam ko.
"yuck? Nasukat mo? Wala na bang iba ung bagong laba nalang"
"sino ngayon ang maarte? Jowk lang hindi ko sinukat yan yung kasama nyan ang sinukat ko kaya safe ka." sumandal naman ako sa cabinet saka ngumiti sa kanya..ilang sigundo syang nakatitig sakin
"what?"
" hindi ka talaga lalabas? Ah ok" pagkasabi nun sabay tanggal ng tuwalya sa pagkakatapis ng katawan niya "wait" sigaw ko naman sabay talikod "lalabas na ko"
"parehas naman tayong lalake? Bakit ayaw mo humarap?" lumapit naman sya sakin. Sabay bulong " type mo ko noh?"
"sapak gusto mo?"
"joke lang ito naman"
"ok lalabas na ko" dahan dahan akong humarap sa kanya wala pa din syang suot kaya agad agad naman akong pumunta sa pinto at saka lumabas.
Adik talaga yun pero tama sya bakit ako maapektuhan eh parehas naman kaming lalake. Kasi naman ang baliw lang ni alvin nakakainis. Papunta na ko ng sala ng mapansin na nakaupo na si raymond habang nanunuod ng tv.
"anong ginawa niyo sa kwarto?" walang reaction nitong tanong.
"wala naman bakit?"
"eh bakit ang tagal mo lumabas?"
" nanghiram pa kasi ng underwear si alvin eh ayaw ko sana pahiramin kasi ayokong may ibang gumagamit ng mga damit ko. Kaso nangulit kaya pinahiram ko na" paliwanag ko sa kanya. Pero tumingin lang uli sya sa tv.
"dito ka ba matutulog" maya maya tanong ko sa kanya.
"oo sana kung ok lang"
"wala ka namang damit na dala saka paano pagpasok bukas.?"
" pahihiramin mo naman ako di ba?" nakangiting saad nito. Napakamot naman ako ng ulo.
"may magagawa ba ko?"
Bigla ko naman naalala yung paghalik ko sa kanya kanina. Umiwas naman ako ng tingin. Alam nia kayang hinalikan ko sya? Sana naman hindi.parang hindi naman sana talaga.
Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay nagpaalam na kaming matutulog na kaya pumasok na agad kami sa kwarto pagkatapos magpalit ng damit halos wala kaming kibuang tatlo. Naiilang kasi ako kay raymond hindi ko sya matingnan ng deretso.
"may problema ba kayo?" maya maya tanong ni alvin
" problema? Wala naman?" sagot ni raymond
"eh bakit ang tahimik mo carlos?"
"ah wala hindi kasi ako sanay na may ibang tao sa kwarto ko." nakangiti kong saad.
"masanay ka na kasi baka lagi na kaming andito?" tawa nman ni alvin
"salamat sa damit tol" baling naman sakin ni raymond.
"oks lang tara tulog na tayo maaga pa tayo bukas saka inaantok na ko." umakyat na ko sa kama kasya naman kaming tatlo sa kama ang kaso saan ako pupuwesto?
"gusto ko sa gilid ako" saad ni raymond
"ako rin? So sa gitna ka carlos?" nakangiting baling sakin ni alvin.
"bakit gitna ako?gusto ko din sa gilid eh sa lapag ka nalang alvin?"
"lapag? Sa gwapo kong to sa lapag ikaw nalang mond" pero sumampa na si raymond sa kama at pumwesto sa gilid ganun din ginawa ni alvin kaya napagitnaan nila kong dalawa.
"eh ayoko sa gitna.?" reklamo ko sa kanila pero humiga na sila at parehas pa nila ko tinalikuran. Napabuntong hininga nalang ako sabay higa at talukbong ng kumot.
"pakumot din" maya maya harap sakin ni raymond.
"ako din" sabi naman ni alvin buti nalang malaki ang kumot ko kaya kasya kaming tatlo. Hang kukulit
Maya maya lang narinig ko na ang hilik ni alvin pero dahil hindi ako sanay na may katabi ay hindi ako agad nakatulog nakatitig lang ako sa kisame. At kung ano ano lang iniisip.
"bakit gising ka pa?" tanong ni raymond. Nagulat naman ako dahil akala ko tulog na sya.
" hindi pa ko makatulog eh ang gugulo niyo kasi?" sagot ko habang nakatitig pa rin sa kisame. Di pa rin ako makatingin sa kanya dahil naalala ko parin yung paghalik ko sa kanya kanina.
" nagmahal ka na ba" nagulat naman ako sa tanong niya.
" ewan ko"
"bakit ewan?"
"ewan ko eh di ko alam?"
"bakit di mo alam?"
"hindi ko sigurado? Tulog na tayo" maya maya sabi ko sa kanya para iwasan yung mga tanong niya baka masabi ko pa sa kanya na sya ang nagpapagulo ng isip ko. Narinig ko naman syang bumuntong hininga.
"ako kasi may mahal na."
"sino" napalingon naman ako sa kanya.
"ah eh tulog na tayo" sabi nito sabay talikod sakin
"hoy share mo naman yan kala ko pa naman ako mahal mo" biro ko sa kanya humarap naman sya sakin na nakakunot ang noo. "joke lang yun shempre tulog na nga tayo.?" nakangiwi kong saad sa kanya.
thanks.
ReplyDeleteganda tlga neto.
ReplyDelete