Followers

Wednesday, August 21, 2013

Less Than Three- Part 19

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!




--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 19

(Scared... to death)




[Kieth’s POV]


Nakakita ako ng ice cream parlor dun sa park kaya pinuntahan ko agad ito at bumili ng ice cream. 


Gustong-gusto ni Alex ang ice cream dahil na rin sa paborito ito ng lola niya. 


Lola’s boy na rin kasi si Alex kaya ganun na lang ang pagmamahal niya sa ice ream. 


Kaya tumigil muna ako doon. 


Bumili ako at agad naman akong naglakad papunta sa may park upang hanapin silang dalawa.


Kamusta na kaya ang pag-uusap nila ni Arjay? 


Sana naman ay magkaayos na sila. 


Sana ay walang gulong mangyari at maging matiwasay ang paguusap nilang dalawa. 


Mamaya nga eh makita ko na lang na nag susuntukan na yung dalawang iyon.


Habang naglalakad ako, biglang may bumunggo sa aking bata kaya nahulog ang ice cream ni Alex. 


Tss. 


Nabadtrip ako bigla pero di ko sinigawan yung bata. 


Naalala ko kasi ang sabi sa akin ni Alex na matuto akong maging cold headed at hindi hot headed.


“Sorry po.” Sabi nito.


“Ayos lang. Sa susunod mag-ingat ha.”


“Opo.” Sabay ngiti sa akin.


Di ko maintindihan kung bakit nag-iba yung mood ko. 


Kung bakit parang nag-iba yung atmosphere sa paligid ko ngayon. 


Nakaramdam ako ng konting chills na hindi ko malaman kung bakit. 


Naglakad na ako papunta sa park ng may makita kong umpok ng tao.


“Anong meron?” Tanong ko sa sarili ko.


Nakita ko agad si Arjay na may kausap na bata. 


Pilit kong hinanap si Alex pero hindi ko mahagilap. 


Agad namang tumayo si Arjay at hinawi ang karamihan. 


Bakas sa mukha niya ang kaba.


Anong mayroon doon? 


Di mawala sa isip ko. 


Habang papalapit ako doon ay naririnig ko yung mga usapan ng mga nagdaraan.


“Ang bait nung binata, iniligtas niya yung bata.” Sabi nung isa.


“Kawawa naman yung binata.”


“Tumawag na ba sila ng ambulansya?” tanong nito.


“Oo kanina pa daw. Yung magulang ng bata napaka-pabaya kahit kalian.”


“Naku kawawa yung bata. Nasaan na ba yung ambulansya? Kahit kalian oo.”


“Naku hindi naman basta-basta makakarating ang ambulansya.”


Habang pinapakinggan ko sila, kinakabahan na ako. 


Hindi mahagilap ng paningin ko si Alex. 


Unti-unti, tumutulo ang pawis ko. 


Butil-butil, pati na rin mga luha ko ay nag aambang ng paglaglag.


“Babe…” ang tangi kong narinig mula sa aking likuran.


Hinanap ko ang boses na pinanggalingan noon. 


Hindi na ako magkanda ugaga sa paghahanap sa boses na iyon. 


Ano bang nangyayari sa akin?


“Alex…” agad naman akong lumingon pero wala namang tao.


Hindi ko alam kung saan galing yung boses na iyon o imahinasyon ko lang. 


Pabilis na ng pabilis ang lakad ko hanggang sa marinig ko ang sigaw ni Arjay.


“ALEEEEX!!!”


 Yun na ang hudyat ng aking pagtakbo. 


Tungunu, bakit parang ang bigat ng mga paa ko? 


Hindi ako makatakbo ng ayos. 


Malapit na naman ako pero bakit parang ang layo ko pa?


“Tulungan ninyo kami… tumawag kayo ng ambulansya.. tulong…. Alex… gusmising ka… gising.” Nakakabulahaw na sigaw ni Arjay.


Agad kong hinawi ang maraming tao at agad kong nasaksihan si Alex, nakahilata sa sahig, duguan at walang malay. 


Para akong nabuhusan ng mainit na tubig sa nakita ko. 


Napaso ako sa katotohanan. 


Naramdaman ko na lamang na tumulo ang luha ko at nilapitan si Alex.


“Al…al..Ale… Alex…” tuluyan ng tumulo ang luha ko.


“Kieth…” pagtawag sa akin ni Arjay.


“ALEX!!!!!” sigaw ko.


“Kieth… dalhin na natin siya sa ospital!” sigaw ni Arjay.


“Anong nangyari? Anong nangyari?!” sigaw ko.


“Mamaya na natin pag-usapan. Dalhin na natin siya.” histerikal na sabi ni Arjay.


Agad kong binuhat si Alex pero pinagbawalan ako ng mga tao.


“Puta naman oh, mamatay na ang boyfriend ko hindi ko pa rin siya bubuhatin! ANo ba kayo?!”


“Baka lalong mapasama siya kapag binuhat mo.”


Agad dumating ang ambulansya na kanina jko pa hinahanap. 


Agad nilang kinuha si Alex at inilagay sa stretcher. 


Nakita ko na naliligo na si Alex sa sarili niyang dugo.


Sumakay agad ako sa ambulansya, gayon din si Arjay. 


Di ko na alintana ang ginagawa niyang pagtawag kitang kita ko ang pagkataranta sa mukha niya.


“Kieth… sorry.”sabi nito.


“Ano bang nangyari?”


“Nag hiwalay na kami nun. Nasa malayo na ako nang maaninag ko si Alex na tumatakbo. Di ko naman akalain na papunta siya sa may bata. Patawid ang bata ng mangyari ang lahat.”


“Shit…” ang nasabi ko.


Hinawakan ko ang kamay ni Alex. 


“Please hold on.. please… hold on.” sabi ko.


Nagkakagulo na ang mga nurse doon dahil sa unti-unti nawawalan daw ng pulso si Alex. 


Wag ngayon Alex, please, matibay ka diba? 


Matatag ka diba?


“Babe.. please… don’t do this to me.. please.. hold on.  I love you.. I love you so much.”


Mabilis namang nakarating yung ambulansya sa ospital at nagmadali na silang gamutin si Alex. 


Hindi na kami pinapasok sa operating room.


Hindi ako mapakali sa mga oras na iyon. 


Di ko alam kung ano ang gagawin ko. 


Kanina I have him with me pero ngayon, nanganganib pang mawala. 


God please save my love.


“Hello.” 


Narinig ko na sabi ni Arjay sa kabilang linya.


“Pa sorry.. I know.. pero nasa ospital po ako ngayon… opo. Si Alex po… Sige po…” sabi nito.


“Sino yun?” tanong ko.


“Si papa, hinahanap ako. By the way. natawagan ko na din si RD, kasama na daw niya sila tita.” Sabi nito.


Hanggang ngayon di pa rin ako mapakali. 


Pabalik-balik ako, 


kaliwa, 


kanan 


at paikot-ikot. 


Hanggang sa dumating na sila mama.


“Kieth na saan si Alex?” tanong agad ni mama.


“Nasa operating room pa rin po.”


“Anong nangyari? Anong nangyari?!” histerical na tanong ni mama.


“Sinagip po niya yung bata.” Biglang sabat ni Arjay.


“Anak ko…” at napaupo si mama sa kakaiyak.


“Ma sorry…” ang nasabi ko.


Sumunod na dumating sila Tito Ralph. 


Anong ginagawa nila dito? 


Agad namang napatayo si mama at humarang sa dadaaanan ni tito Ralph.


“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni mama


“Nasaan si Alex?” tanong ni Tito Ralph.


“Wala kang makialam. Umalis ka na dito! Wag kang mag eskandalo dito.”


“May karapatan ako. Nasaan si Alex?!”


Biglang lumabas yung doctor. 


Agad naman kaming lumapit sa kaniya. 


Hindi ko maipinta ang reaksyon ng doctor pagkalabas niya ng operating room. 


Lalo akong kinabahan.


“We have a bad news.” Sabi nito.


“Ano po yun doc?”


“Maraming dugo ang nawala sa kanya. He need blood now.”


“Ako po, magdodonate ako.” Sabi ko.


“He is an A positive at wala kaming stock nun.”


“AB ako.” Sabi ko.


“Magkaiba kami ng blood type.” Sabi ni mama


“Yung tatay niya? He Should be type A positive.”


“Wal…”


“A positive ako.” Biglang sabi ni Tito Ralph.


“Hindi…”


“Ngayon mo pa ba ipagkakait yan?”


“Pero…”


“A positive ako at handa akong magdonate ng dugo ko.”


“Okay, masmaganda kung ganun. But before that you should be examine. Wala ba kayong sakit tulad ng Hepatitis, lungs or heart disease?” tanong ng doctor.


“May sakit ako sa puso doc.”


“Sorry pero Hindi ka pwedeng magdonate.” Sabi naman ng doctor


“pero…”


“Anyone with A positive blood type?” tanong ni Doc.


"Bakit ab hindi ako?"


"Dahil may sakit kayo sa puso.. maaring makaapekto yun sa pasyente..."


"Pero..."


"Anyone?"


“Ako doc…” biglang sabi ni Arjay.


Lahat kami napatingin sa kanya. 


Pero kinabahan ako. 


Alam kong takot sa injection si Arjay and yet, gagawin niya.


“A positive po ako. Magdodonate po ako ng blood.” Sabi nito.


“Arjay?”


“Okay lang ako Kieth… ako may kasalanan nito.”


“Thank you.”


Agad naman siyang nagpatest at nagdonate ng blood. 


Pero di pa rin nawawala ang kaba sa aking dibdib. 


Shit! 


Please Alex hold on.


Isang oras… 


dalawa… 


tatlo… pero wala pa ring balita. 


Si Arjay naman ay nagpapahinga dahil sa nagdonate siya ng dugo. 


Halos lahat kami hindi mapakali.


Si mama at si tito Ralph ay patuloy pa rin sa pagtatalo.


Pinipigilan na sila ni Kuya Hamilton. 


Nakasilip pa rin ako sa loob. 


May kaunting siwang pa rin naman ang nandoon.


“Kukunin ko na siya…” ang narinig ko na sabi ni Tito Ralph.


Anong nangyayari? 


Kukunin? 


anong ibig sabihin niya?


“Walang hiya ka! Hindi ako papayag na kunin mo siya!” sagot ni mama.


Nakikinig lamang ako sa alitan nila. 


Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa. 


Si kuya nakikiaalam na rin. 


Ilang sandali lang din ay dumating na sila papa. 


Kagagaling lamang niya sa meeting ng board members.


“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni tito Ralph kay papa.


“Nabalitaan ko na naaksidente si Alex.” Sagot ni papa.


“It’s none of your business.” Sabi ni tito.


“May paki-alam ako dahil boyfriend siya ng anak ko! Ikaw anong ginagawa mo dito? Wala ka namang kinalaman dito ah?!” galit na sagot ni papa.


“Pa tama na.” awat ko.


“So ikaw?” si tito.


“Anong ako po?”


“Ralph ano ba? Tumigil ka na.” mama ni Alex.


“Wag kang makialam!”


“Wag na wag ninyong masisigawan si mama!” sigaw ko.


Bigla niya akong sinuntok at agad namang sinuntok siya ni papa. 


Inawat namin sila ni Kuya Hamilton hanggang sa nagwawalaan na.


“Ang kapal mong pumunta dito matapos mong pabayaan si Alex!” si tito.


“Hindi ko siya pinabayaan. Aksidente lahat ng nangyari!”


“Umalis ka na dito Ralph! Umalis ka na ditto!” sigaw ni mama


“Hindi ako aalis dito! Nandito pa ang anak ko!”


“Ganyan ba talaga kayo? Gagamitin ninyo si Arjay para mag eskandalo?!” sigaw ko.


“Wag na wag kang makakasagot sa akin! Ang kapal naman ng mukha mo. Tandaan mo ako ang tatay ng boyfriend mo!”


“Ralph!” sigaw ni mama.


“Mukhang nakakalimot kayo na wala na kami ni Arjay. At lahat yun ng dahil sa pakikialam ninyo!”


Tumawa siya. 


Lahat naman kami ay napatingin sa mariin niyang pagtawa. 


Parang mayroon siyang mensaheng gusting iparating sa amin.


“Umalis ka na dito. Wala kang karapatan dito!” sigaw ni papa.


“Ralph umalis ka na dito. Nagmamakaawa ako. Please… please…” umiiyak na si mama.


Biglang lumabas yung doctor. 


Lahat naman kami napatigil. 


Agad lumapit si mama at hindi naman ako nagpahuli. 


Agad naming inalam ang kalagayan ni Alex.


“Doc… kamusta na si Alex? Kamusta na ang mahal ko?” alalang tanong ko.


“He’s now fine. Muntikan na siyang mawala pero buti na lang at mayroon agad na nagdonate ng dugo.” Sabi ni doc.


“Salamat naman.” Muling napahagulgol si mama.


“Ma… matatag si utol.” Sabi ni Kuya.


"He need to be obderve pa... ang laking damage ang natamo niya."


"Doc gawin ninyo ang lahat para maging okay ang anak ko..."


"Yes maam."


Pinaupo namin si mama sa may upuan at lahat kami ay nakahinga ng maluwag. 


Lahat kami ay pinakalma ang sarili nang matapos ang insidenteng iyon.


“Uwi ka na muna anak.” Sabi ni papa.


“Hindi pa.. dito lang ako. Babantayan ko si Alex.” Sagot ko.


“Kasalanan mo to!” sigaw pa rin ni tito Ralph.


“Pare ano ba? Tama na!” sigaw ni papa


“Nang dahil sayo nagiging miserable ang buhay ng mga anak ko!”


“Tumahimik na kayo!” sigaw ko.


“Ang lakas na ngayon ng loob mo na sagutin ako!” galit na sabi nito.


“Ralph, kung wala kang sasabihing mabuti, umalis ka na! hindi yan makakabuti kay Alex pag nagkataon. At wag na wag ka ng magpapakita!” sigaw ni mama.


“Please po… please.” Sabi ni kuya.


“Hinding-hindi ninyo pwedeng ipagkait sa akin ang anak ko!”


At umalis na siya. 


unti-unti nararamdaman ko ang kalituhan sa aking isipan. 


Paano ba naman, kakaiba ang mga sinasabi ni tito Ralph. 


Di ko na napigilan ang makipag bangayan dito.


Muli, naalala ko si Arjay, agad ko siyang hinanap upang magpasalamat. 


Nasa isang room siya. nakita ko na nakatanaw siya sa binatana ng ospital.


Tila malayo ang iniisip niya. 


Nagulat naman siya nang maramdaman niya na naroroon ako. 


Bigla siyang ngumiti at umayos ng pagkakaupo. 


Agad ko naman siyang niyakap. 


Alam ko nagulat siya.


“Para saan naman ito?” tanong niya


“Pasasalamat ko sa pagdonate mo ng dugo.” Sabi ko.


“Wala yun.”


“Salamat pa din. Iniligtas mo ang buhay ni Alex. Para mo na ring iniligtas ang buhay ko.” Sabi ko.


Nakita ko ang pananamlay niya bigla. 


Masyado kasi akong straight forward. 


Hinawakan ko ang kamay niya, tulad dati kapag malungkot siya. 


napansin ko na lamang na tumulo na ang luha niya.


“Wag kang ganyan.” Sabi niya


“Sorry.”


“Ang swerte ni Alex sayo.”


“Ako ang maswerte sa kanya.” Tumayo ako at tumabi sa kanya.


“Sorry sa ginawa ko dati. Sorry kung bigla akong nawala. Sorry kung iniwan kita. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung binali ko yung pangako ko na tayong dalawa hanggang sa huli. Sorry kung hanggang ngayon hinahabol-habol kita. Sorry kung ang lahat ng sakit jan sa puso mo, ako ang nagdulot. Sorry.”


Niyakap ko siya ng mahigpit. 


Alam ko na nahihirapan siya ngayon. Hindi tulad ko na ayos na ang lahat. Naka move on na ako at na-let go ko na ang mga sakit sa puso na napagdaanan.

“Okay na sa akin lahat yun. Pinatawad na kita. Okay na ako kaya wag ka ng mag-alala.”


“Pero… ako… hindi ko mapatawad ang sarili ko. Hindi ko na maiharap ang sarili ko. Napaka desperado ko. Di ko alam kung tama pa ba ang mga pinag gagawa ko.”


Hinawakan ko siya sa mukha at pinahid ang luha. 


“Tahan na. hindi ganyan ang kilala kong Arjay. Be strong nga.” Sabi ko.


“You always like that. Lahat na lang ng pagkakataon na malungkot ako, ikaw ang laging nanjan.”


“Pero wala na ako ngayon sa tabi mo…”


“Kasi nasa tabi ka na ngayon ni Alex.”


“Sorry kung medyo maaga ako nakapag move on. I know those years were so long…”


“Yeah. I know. If only I can make the time back.”


“Huli na ang lahat para mag sisi kaya cheer up na.”


“Pero honestly… I want you back… “


“You know naman na…” hindi ko natuloy ang sinasabi ko ng bigla niya akong halikan.


Mabilis lamang yun pero ako na ang nagpatigil sa kanya. 


Nakita ko ang pagkadismaya sa kanya. 


“baka mabatukan na ako ni Alex dito.” Sabi niya


“Wag mo na lang gawin ulit yun.”


Tatayo na sana ako nang bigla niya akong yakapin. 


“I want you badly…” utal niya


Ipinikit ko ang aking mga mata. 


Ano bang nangyayari sa akin? 


Bakit hindi mawala-wala ang awa sa puso ko? 


Ayoko naman na ireject na lang siya ng ganun na lang. 


paano ko ba gagawin to?


“Please… be with me… kahit ano gagawin ko… kahit sikreto lang… natulungan ko na naman si Alex… maiintindihan na naman niya yun.”


“Wag kang ganyan. Hindi ka ganyan. You are better than this Jhay.” Ang nasabi ko.


“Alam kong mahal mo pa ako. Alam ko.” 


He is seducing me. 


Shit lang.


Gumagala ngayon ang kamay niya sa katawan ko. 


Unti-unti lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. 


Pero mali na ang ginagawa niya kaya sa hindi sinasadyang pagkakataon, naitulak ko siya.


Kita ko ang pagkagulat at dismaya niya. 


Tumayo na ako at nagpaalam. 


Alam ko naguguluhan lamang siya sa nangyayari. 


Alam ko ang lahat ng ito ay ginagawa niya dahil alam niya na wala na siyang pupuntahan.


Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at tinawagan si RD. 


Agad naman niyang sinagot ito.


 “Hello.” Tugon niya


"asan ka?"


"Dito lang sa may canteen."


“Please.. puntahan mo si Arjay. Kailangan ka niya ngayon.” Sabi ko.


“Sige.” Sabi niya


At ibinaba ko yung phone. 


Bumalik na ako kila mama at nalaman ko na ililipat na siya sa isang pribadong kwarto. 


Pinauwi naman niya ako dahil kailangan ko na daw muna na magpalit ng damit.


Hindi pa sana ako uuwi kung hindi lamang ako pinilit ni kuya. 


Habang nasasakyan kami hindi pa rin ako mapakali sa nangyari kanina. 


Haixt, ang daming nangyari ngayong araw. 


Napansin ata ni kuya ang pananhimik ko.


“Tahimik ka ngayon bayaw?” tanong ni kuya.


“Wala. Madami lang iniisip.” Sagot ko.


“Salamat.” Sabi niya


“Para saan kuya?”


“Di mo pinabayaan kapatid ko.”


“Naging pabaya nga ako kuya eh. Napabayaan ko siya.”


“Hindi. Wala kang kasalanan. Salamat at nanjan ka lang sa tabi ng kapatid ko.”


“Salamat. Sorry kung naaksidente siya.”


“Okay na naman siya eh. Kung hindi, nagkataon nalintikan ka sa akin.” Ngiti lang ang sagot ko.


“Yung kanina.” Sabi niya


“Anong kanina?”


“yung kay mama at kay tito Ralph.” Sabi ko.


Hindi siya sumagot kaya nagtanong ulit ako.


“Ah. Ano bang mayroon sila?” tanong ko.


“Mahabang kwento eh. Pero sana, kung anuman iyon, wag na wag magbabago ang pakikitungo mo sa kapatid ko. Sa tabi ka lang niya lagi anuman ang mangyari.”


“Anong ibig sabihin mo kuya?”


“Basta. Malalaman mo din soon.”


“Malapit na pala ang pasko. Bakit parang hindi ko ramdam?” tanong ko sa sarili ko.


“Araw-araw kasi Valentines sa inyo.”


“5 buwan na kami at Masaya ako. Salamat at ibinigay sa akin siya ng Panginoon.”


“Maswerte siya sayo. Ingatan mo siya ha. Wag mong pababayaan.”


Inihatid ako ni kuya sa bahay namin. 


Agad naman akong dumeretso sa kwarto ko at inihiga ang sarili ko sa aking kama. 


Tinitigan ko ang mga braso ko.


Kita ko ang dugo sa aking damit. 


Pasalamat kay God at okay si Alex. 


Yung moment na yun kanina nung nakikita ko na nag-aagaw buhay si Alex, unang beses kong maramdaman na gusto kong ibigay ang buhay ko para sa kanya.


Mahal na mahal ko si Alex at handa akong ibigay ang lahat para sa kanya. Kaya kong magsakripisyo para sa kanya. 


Tumayo na ulit ako at nagbihis. 


Nagimpake ng mga gamit dahil gusto ko nandoon ako kapag nagkamalay si Alex.


Mabilis ko namang natapos lahat ng ito at bumaba agad ako. 


Nagring naman ang phone ko. 


Si Jake.


 “oh pre.” Sabi ko.


“Saan ka? Nabalitaan ko ang nangyari.”


“Papunta na ulit sa ospital. Sunod na lang kayo. Doon na lang tayo usap.”


“Okay ka lang ba?”


“Oo okay lang ako. Sige pre.” At ibinaba ko na yung tawag.


Pagkababa ko, agad ko namang nakasalubong si papa. 


Nainom siya ng isang basong wine. 


Agad naman niya akong tinawag at gusto niya akong makausap.


“Anak… alam mo na ba ang nangyari kay Arjay?” tanong nito.


“Kay Arjay po? Anong mayroon kay Arjay?” tanong ko.


“Hindi na daw tuloy ang engagement nila ni RD.”


Kaya siguro ganoon na lang ang ginawa sa akin ni Arjay. 


Malaya na kasi siya. siguro pinagalitan at diniktahan na naman siya ng magaling niyang ama.


“Are you okay?” tanong niya


“Yup pa. kaya pala parang problemado si Arjay. But still, nothing has change.” Sabi ko.


“Sorry for the complications anak.” Sabi ni papa.


“It’s okay. It happens for a reason.”


“Sige na. go ahead. I promise you aayusin ko ang lahat soon.”


“Salamat pa.” niyakap ko siya ng mahigpit.


Umalis na agad ako at nagmadling pumunta sa ospital. 


Wala pa ring malay si Alex. 


Sabi naman ng doctor, baka 3 to 4 days pa daw bago magkamalay si Alex.


Ako muna ang nagbantay kay Alex habang si mama naman ay pinauwi ko muna para makapag pahinga. 


Nasa tabi lamang ako ni Alex buong magdamag.


Dumating din sila Charlene at Jake. 


Sila ang sumama sa akin para hindi ako mainip. 


Maya-maya, may dumating na bisita. 


Hindi ko sila kilala pero kilala sila ni Charlene. 


Inintroduce siya sa akin ni Charlene.


“Kieth… si Tita Alvira.” Sabi ni Charlene.


“Hello po.” Bati ko.


“So you are the new boyfriend ng anak ko.” Sabi nito.


“Anak?” tanong ko.


“Siya ang nanay ni Blake. Anak na ang tawag ni tita kay Alex.” Sabi ni Charlene.


“Ah ganun po ba? Sige po upo kayo.”


“Sige ayos lang. How is he?”


“Sabi ng doctor po, mga ilangan araw pa po bago po siya magising.”


“he is a strong fighter kahit kalian.” sabi nito.


“Nagugutom po ba kayo? Nauuhaw po? Tubig po? Juice?”


“No Im okay. Actually nagdala ako ng mga prutas. Paboritong lahat yan ni Alex.” Sagot nito.


“Maraming salamat po.”


“Mukhang nakahanap itong anak ko ng isang mabait, mabuti at mapagmahal na boyfriend.”


“Ako nga po ang nakahanap ng mga yon po.” Ang sinabi ko.


“Si kumare?” tanong nito.


“Umuwi lamang po saglit.”


Oo ako na ang mabait. 


Ako na ang magaling.  


Paano ba naman, itong si Alex lagi akong pinapagalitan kapag walang po kaya nasasanay na ako. 


Para lang akong bata na po ng po.


“Hindi rin ako magtatagal. Kailangan ko ding umalis. Gusto ko lamang dalawin si Alex. Namimiss ko na siya. nakakpagtampo lang kasi di ka niya napakilala kaya sisingilin ko siya. iho… ingatan mo siya. mahalin mo ha.” Sabi ni tita


“Opo. Kahit hindi po ninyo sabihin mamahalin ko po siya.”


“Sige ako ay aalis na.”


“Ingat po kayo tita.” Sabi ni Charlene.


“Hope mapabilis ang pag galing niya.” Ang huling sinabi niya hanggang sa lumabas na siya ng kwarto.


"Kamusta ka?" tanong ni Charlene.


"Medyo pagod..."


"Dapat di ka na muna nagpupunta dito. Alam mo namang pagod ka, pinipilit mo pa sarili mo."


"Siyempre mahal ko si Alex..."


"Masamang damo yan."


"Alam ko."


"Pahinga din pag may time ha."


Dalawang araw na rin ang nakakaraan pero hindi pa rin nagigising si Alex. 


Finals na naming next next week. 


Inasikaso ko yung mga notes niya. 


Ilang subjects na rin ang hindi na niya kailangan mag exam.


Pang-apat na araw na ito ni Alex mula nang mabangga siya. 


hindi pa rin siya nagigising. 


Galing ako sa school at naabutan ko si mama na pinupunasan si Alex.


“Hello ma.” Bati ko.


“Ui. Kain ka muna. Alam kong gutom ka.” Bungad agad niya.


Agad ko namang kinuha ang plato at kumain. 


“Kamusta ang babe ko po?” tanong ko.


“Wala pa ring malay. Pero may mga good signs na. baka daw bukas magising na siya.”


“Sana nga po. Nami-miss ko na ang kakulitan ng anak po ninyo eh.”


“Salamat anak ha. Nagtitiyaga ka sa kanya.”


“Para po sa kanya. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo po eh.” Sabi ko.


“Ang swerte ng anak ko sa iyo.”


“Hindi naman po. Nga po pala, pumunta pa rin po ba si tito Ralph dito po?” tanong ko.


“Oo. Pero hindi rin nagtagal.” Sagot ni mama.


Matapos kong kumain, lumapit ako kay Alex at umupo sa may tabihan niya. 


Kinuha ko ang kanyang kamay at iniligay sa aking mukha. 


Hinalikan ko ito ng ilang ulit.


“Babe… miss na kita… wala na akong kaasaran. Wala na akong kalambingan. Naiinggit na ako sa kanila. Kalian ka ba talaga gigising? Sana naman oh. Sana lang. I love you.” Sabi ko.


Di ko mapigilan ang mapaluha. 


Hindi ko kasing matiis na ganyan ang kalagayan niya. 


“Gumising ka na. Marami ka ng utang sa akin. Marami ka ng kiss na dapat ibigay sa akin kapag nagmulat ka.” Sabi ko.


Pinahid ko ang luha sa aking mata. 


Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang unan. 


Sana lang pagmulat ng mata ko bukas, gising na siya.


[Alex’s POV]


Pagmulat ng aking mata, tanging puti lamang ang nakikita ko. 


puting kisame, 


puting kurtina, 


puting lamesa, 



puting damit 



at puting… si Kieth?


Hindi ko pa maigalaw ang katawan ko. 


Feeling ko nangangalay ako sa mga panahong ito. 


Tanging mga braso ko lamang ang naigalaw ko pansamantala.


Iniikot ko ang aking mga mata at alam ko na kung nasaan ako. 



Unti-unti, naramdaman ko na nagigising si Kieth. 


Ang sweet naman ng babe ko. 


Magkahawak pa kami ng kamay. 


“Babe.” Pagtawag ko.


Medyo nagigising na siya kaya nilaksan ko ang pagtawag ko. 



“Babe…” at ilang sandali lang ay nakita ko ang unti-unting pagbalik ng kanyang malay. 


Nagigising na siya.


Una niyang nakita ang malawak kong pagkakangiti. 


Kitang-kita ko naman ang katuwaan sa kanyang mukha. 


Agad niya akong niyakap at pinanggigilan ng halik. 


“Teka…” sabi ko.


“Oh bakit? may masakit ba? Ano? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Anong gusto mo? Sabihin mo lang.”


“Easy lang babe. Teka lang. hinay-hinay ka lang jan.”


“EH pinagalala mo ako ng sobra.”


“Si mama?” tanong ko.


“May binili lang.”


May itatanong pa sana ako ngunit nagulat ako nung biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nakita kong iniluwa nito si Mr. Bautista.


(Itutuloy)

4 comments:

  1. Move on n kc Arjay...at cno c Mr. Bautista? Galing ng chapter na ito pinaghalong kaba at kilig. Tnx dylan

    Randzmesia

    ReplyDelete
  2. galeng mo DK ah. sana plageng may updaye! he he he. keep up the work.

    ReplyDelete
  3. Sana naman gumising na si arjay at matanggap na nia db nagusap na sila ni alex at ok naman sa kanya ang lahat at buti naman safe ai alex at ang sweet lang ni kieth hahaha at pati yung mama ni blake nice napaka cool at yung tatay ni alwx paano kaya sia magkakayos sa dad ni keith at paano matatanggap ni alex sana wag naman sia mahirapan mukhang sincere at mabait naman si mr.bautista ..sana maging oj na ang lahat sa kanila at like it di ganun kaheavy kasi karamihan ng mga story dito bibigat atleast may ilan na light lang peroo maganda at cintrol tnx sir kudos Godblessed.. :-) :-) :-) :-)

    -marc

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails