Followers

Monday, August 12, 2013

Tough Love Chapter 15








Tough Love Chapter 15


Warning: Ang istorya na ito ay hindi po ito purong piksyon lamang and some words po dito ay foul. 



Author's Note:

Hi Guys!

Sorry kung matagal. Busy lang sa school kaya natagalan. BTW, eto na po ang Chapter 15. I hope na magustuhan niyo po. Feel free to comment lang :D! Stay tuned pa po for the next chapter.


-Sephyyy :3 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mabilis nakarating sila Janelle sa Director’s office at napagusapan nila na silang dalawa ni Mic ang papasok sa director’s office at wala nang patumpik-tumpik pa at pumasok na sila kaagad doon. Nung pagkapasok nila ay nagulat si Mr. Ogawa.

Janelle: Hi Tito Yoshi!

Mr. Ogawa: Huh? Sino ka?

Janelle: Remember me?

Mr. Ogawa: Hindi eh. Sino yang babaeng yan Michael ah?

Mic: Dad, si Janelle yan.

Mr. Ogawa: Weh? Is that you Janelle?

Janelle: Yes Tito. It’s me, Janelle!

Mr. Ogawa: How nice naman Janelle napabisita ka dito sa Olsen.

Janelle: Oo nga po eh.

Mr. Ogawa: Kailan ka pa nakauwi dito sa Philippines Hija?

Janelle: Ngayon lang po.

Mr. Ogawa: Wow naman. So, bakit kayo napabalik ngayon dito?

Janelle: Dito muna kami dahil sa business trip nila Mommy at Daddy.

Mr. Ogawa: Halatang busy na busy ang mga parents mo sa business ah?

Janelle: Oo nga po eh.

Mr. Ogawa: So, ano ang sadya niyo dito ah?

Janelle: Gusto ko lang po sana na i-excuse niyo na din si Wallace at Neilsen sa class.

Mr.Ogawa: Why?

Janelle: Lalabas po kasi kami.

Mr. Ogawa: Ahh.. Nice naman! Sige sige.

Janelle: Thanks po tito!

Mr.Ogawa: Wala yun basta mag-ingat kayo.

Janelle: Promise po Tito! O sige po, labas na po kami.

Lumabas na nga sila Janelle at Mic sa director’s office. Nung pagkalabas nila, inannounce ni Janelle ang isang magandang balita.

Neilsen: What happened Janelle? Ang tagal ah.

Janelle: Di naman.

Neilsen: So, ano na?

Janelle: Well, excused na kayo.

Neilsen: Are you serious?

Janelle: Yes.

Neilsen: Yun oh!

Janelle: So ano pa hinihintay niyo diyan? TARA NA!!!

Pagkatapos ng usapan na iyon, dumeretso na sila sa kotse ni Janelle. Sumakay si Anthon sa harapan dahil gusto ni Janelle na sa harap si Anthon dahil gusto niya ito makilala and the rest ay nasa gitnang upuan.Itinanong ni Janelle ang tatlo kung san nila gusto pumunta.

Janelle: San niyo gusto pumunta?

Wallace: Sa club.

Janelle: Oy oy! Di ako mahilig uminom ah.

Wallace: Joke! Kayo bahala.

Neilsen: Dun na lang sa amusement park namin you want?

Janelle: Sa Neilsen’s Playworld? Sige ba. I miss Neilsen’s!

Neilsen: Nice naman. I guess mahilig ka magpupunta doon.

Janelle: Malamang. I’m always enjoying the rides kaya doon sa amusement park niyo.

Neilsen: Well… I guess 1st time mo lang makakapunta dun Anthon?

Anthon: Nope.

Biglang sumabat si Mic.

Mic: Sus, first mo eh!

Anthon: FYI Mikoy Buchokoy, nakapunta na ako sa Neilsen’s Playworld nung elementary ako noh!

Mic: Maniwala ako sayo.

Anthon: Di wag kang maniwala.

Neilsen: Ano ba favorite ride mo sa Neilsen’s Anthon?

Anthon: Yung Octopus at Cupcake Ferriswheel

Neilsen: Woah!  Astig.

Janelle: Oyy! Favorite ko din ang Cupcake Ferriswheel ah.

Mic: I hate that ride.

Janelle and Anthon: TINATANONG?

Sabay tumawa sila Janelle, Neilsen, Anthon at Wallace.

Wallace: Dude,  nabasag ka pa ng dalawa ah.

Mic: Wala kong pakialam.

Janelle: Sabay pa tayo dun sa pagsabi nun ah.

Anthon: Oo nga eh.

Janelle: So Anthon, nakaka-get along ka naman ba sa mga tao sa Olsen?

Anthon: Yes. Nakaka-get along ako sa iba.

Janelle: Sino yung mga friends mo dun?

Anthon: Si Marion, Louie,Justin and Adriel.

Janelle: Oohh.. Friends pala kayo ng pinsan ko.

Anthon: Sino pinsan mo?

Janelle: Si Adriel.

Anthon: Weh?!

Janelle: Yes. Pinsan ko siya sa Mother’s side.  Bale magkapatid yung mom ko at dad niya.

Anthon: Eh alam ko wala na siyang dad eh.

Janelle: Ahh.. It’s a complicated story kung bakit wala  yung dad ni Adriel sa bahay nila.

Anthon: Ahh..

Napatingin sa likod si Anthon at tinignan niya si Wallace.

Anthon:  Wallace. Parang namumula ka diyan ah!

Janelle:  Ikaw Wallace ah.  Alam kong gusto mong maging kaibigan si Adriel kaso nahihiya ka lang sa pinsan ko.

Wallace: Di ako namumula. Oo gusto ko naman talaga maging kaibigan yun si Adriel!

Janelle: Baka di mo pa din siya pinapansin.

Wallace: Pwede ba agahan natin umuwi?

Janelle: Bakit?

Wallace: Susunduin ko si Adriel kasi pauwi sa kanila.

Janelle: Ayun oh! Friends na sila ng pinsan ko. Ikaw ah!

Wallace: Di naman. Siguro, dun lang ako nagkaroon ng lakas ng loob nung niligtas ko siya sa alanganin 2 times.

Janelle: Wow! Knight and Shining armor ka na ng pinsan ko ngayon ah.

Mic: Yieee! Adriel and Wallace.

Sabay binatukan ni Wallace si Mic.

Wallace: Urur.

Mic: Sus, dun ka na sa Adriel mo.  Tatampo na ako sayo babe ah!

Wallace: Tigilan mo nga ako Mic.

Mic: Sus babe...

Wallace: Shaddap.

Mic: Okay babe.

Wallace: Stop calling me babe.

Neilsen: Oy babe! Pinagpapalit mo na pala ako ah.

Mic: Sinong babe?

Neilsen: Syempre ikaw Mikoy! Alam mo namang mahal na mahal kita eh.

Mic: Urur.

Neilsen: Hahaha. Tinatanggi mo na ba ako sa kanila babe?

Mic: I will never be your babe.

Neilsen: Hahah. Pikunin ka talaga sa babe thingy eh!

Mic: Oo na.

Janelle: Kayo ah! Babe kayo ng babe diyan.

Neilsen: Sus, wala ka kasing babe eh.

Janelle: Sorry ka Neilsen, may boyfriend na ako..

Neilsen: Weh sino? Si Mic?

Janelle: Of course… NOT!

Neilsen: Eh sino?

Janelle: May boyfriend ako sa Vietnam okay?

Neilsen: Iba ka na talaga Janelle. Dati, nerdy look ka ngayon ang ganda ganda mo na!

Janelle: That’s life.

Neilsen:Vietnamese ba bf mo?

Janelle: Nope. Indonesian ang BF ko.

Neilsen: Cool naman.

Janelle: Well..

Mic: Baka ginayuma mo lang yung bf mong yun.

Janelle: Forever bully ka talaga ah.

Mic: Hahaha.

Anthon: I guess mabait yung bf mong yun.

Janelle: Of course. 3 years na nga kami eh!

Anthon: Wow naman! Astig.

Janelle: Well, that’s true love.

Anthon: Sana magkaroon din ako ng ganyang relasyon.

Janelle: Dadating din yan.

1 Hour later, nakarating na sila sa Neilsen’s Playworld. Nagkaroon sila kaagad ng free passes dahil kay Neilsen.  Pumasok na sila kaagad at sumakay na sila sa mga rides. Inenjoy nila ang bawat oras sa amusement park. Pagkatapos nun ay tumambay muna sila sa may dagat para magpahangin.

Janelle: Grabe! Ang saya lang kanina sobra guys.

Neilsen: I know right?

Janelle: Hahah si Wallace ang epic ng mukha sa roller coaster at si Mic din as well.

Neilsen: I know. Pero ang epic dahil sobrang tibay ni Anthon. Mga  5 beses umulit sa roller coaster and sa mga extreme rides.

Janelle: Hahah I know. He’s so epic

Anthon: Salamat.

Biglang sumakit ang tiyan ni Anthon.

Anthon: Guys, deretso lang ako ng CR ah.

Janelle: Sige sige.

Dumeretso si Anthon sa CR at dumeretso siya sa cubicle dahil biglang biglang nasusuka siya. Habang nagsusuka siya, biglang may nagbukas ng pinto at ang lalaking nagbukas ng pintong iyon ay si Mic.

Mic: Sige, sakay pa ng maraming beses sa extreme rides.

Biglang sinipa ni Anthon si Mic.

Anthon: Walangya ka! May tao dito tapos bubuksan mo pa.

Mic: Sorry naman.

Anthon: Bastos mo ah.

Mic:Pa-chiks ka masyado eh di ka naman chiks.

Anthon: Eh kung gusto mo ng pangalawang sipa?

Mic: K fine.

Anthon: Nakakagulat ka ah.

Mic: Eh akala ko kasi walang tao.

Anthon: Palusot.com

Mic: Magmumumog ka nga. Amoy suka yang bunganga mo eh!

Anthon: Okay fine saglit.

Mic: Bilisan mo ah! Meron akong sasabihin sayo.

Anthon: Ano naman yun?

Mic: Mamaya.

Anthon: Okay fine.

Dumeretso na nga si Anthon sa faucet para magmumog. Pagkatapos niyang mag-mumog ay umalis na sila ni Mic sa banyo.

Anthon: Ano na yung sasabihin mo?

Mic: Liligawan kita.

Anthon: Ayoko nga. Ano ka sineswerte?

Mic: Sige ka, gusto mong pagkalat na may nangyari sa atin kaya nagsuka ka.

Anthon: Aba  loko ka ah!

Mic: Hahah joke lang. Basta gusto kitang ligawan kung sa ayaw mo at sa gusto mo.

Anthon: Sapilitan talaga gusto mo ah.

Mic: Oo! Pagbigyan mo na kasi ako. Nakalimutan mo na ba ang kasunduan?

Anthon: Ayshemay! So kailangan kasama dun ang panliligaw?

Mic: Oo. Gusto ko eh! What Mic wants, Mic gets.

Anthon: Oo na! Pwede ka nang manligaw pero ligaw lang. Walang assurance na sasagutin kita.

Mic: So kailangan talaga pahirapan mo ko?

Anthon: Let’s see.

Mic: Baka mabilis lang kitang makuha! Alam mo naman, gwapo ako.

Biglang sinuntok ni Anthon si Mic sa tiyan.

Mic: Aww.. Sakit nun ah!

Anthon: Ul*l. Pahirapan bago mo ko mapasagot sa matamis kong oo!

Mic: Pustahan tayo gusto mo?

Anthon: Game!

Mic: Pag nafall ka sa kin at sumagot kang oo, sa akin ka na talaga at wala na yung bawian. 
Eh ano naman pag di kita napasagot?

Anthon: Magiging alipin kita for a month. HAHAHA

Mic: Game!

Anthon: Let the game begin.

Mic: Hahahaa. Mukhang magiging masaya itong larong ito!

Anthon: Mukha nga.

Mic: Balik na tayo dun my love?

Anthon: My love agad? Nanliligaw ka pa lang eh gusto mong kurutin ko singit mo diyan?

Mic: Tama na boss. Sakit na nga ng tiyan ko sa kakasipa at kakasuntok mo sa akin eh!

Anthon: Good.

Mic: Miss mo na siguro yung halik ko noh?

Anthon: Hell no!

Mic: Sus Thong Alimango. I kiss your lips and you tasted my mouth. Masarap ba? Ano lasa?

Biglang kinotongan ni Anthon si Mic.

Anthon: Isa pa. Black eye na abot mo sa akin!

Mic: Joke lang. Tara na?

Anthon: Sige sige.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Anthon’s POV

Best day ever itong araw na ituu! Kasama ko nanaman si Crush. Kasama ko ang MJ at syempre ang bagong friend kong si Janelle. Janelle is a nice girl sobra! Ang bilis lang namin magkasundo. Nakakagulat lang na magpinsan pala si Janelle at Adriel.  Ayun, sarap hambalusin ng sampung cinderblocks si Mic dahil dun sa banyo incident! Tapos ang lakas pa ng apog niya para ligawan ako. Well, I will make sure na ako mananalo sa bet namin. Di niya ako mapapasagot noh he is not even my type. He’s so nakakainis pero may pagkamabait naman yun. PERO I HATE HIM PA RIN dahil lagi siyang nag-aasar sa akin. Kung si Neilsen yung nangliligaw sa akin nako  oo na sagot ko dun. Hahaha pero Malabo at hindi pwede noh. Straight si Neilsen. Back to the topic, YANG MIKOY BUTCHOKOY NA YAN AT PAG NANALO AKO SA BET NAMIN NAKO,  Humanda talaga siya sa akin hahha.


Mic’s POV


Ang sakit ng pagsipa at pagsuntok ni Anthon sa akin ah. Ayun, nagenjoy ako na natakot dahil sa rides. Di ko trip ang sumakay sa roller coaster noh. Buti na lang di ako nasuka unlike kay Alimango na ang tindi makasakay ng rides pero sumuka rin pala. Baho ng hininga niya ah! BTW, ayun nilakasan ko loob ko na ligawan si Anthon dahil syempre gusto ko din naman itry na palambutin ang puso niya para hindi na niya ako saktan. Try-try lang naman.  1st time ko lang manligaw sa buong buhay ko ng lalaki ah! Sa babae nanligaw na din ako kaso lahat naman ng nakarelasyon kong babae eh di naman tumatagal sa akin kasi laro lang talaga. Ta-try ko naman kay Anthon baka um-effective. Basta I will make myself na ako mananalo talaga sa bet namin  and mukha sigurong masaya kung ma-fall siya talaga ng tuluyan sa akin.


Nakabalik na nga sila Anthon at Mic doon sa may beach nagtaka si Neilsen kung bakit nagkasabay sila.

Neilsen: Oy! Bakit kayo magkasama ah?

Mic: Nagkasalubong lang naman kami noh.

Janelle: Weh?

Anthon: Yep. Nagkasalubong lang naman kami.

Biglang sumingit si Wallace.

Wallace: 3:50 na! Susunduin ko na si Adriel.

Janelle: Ako na bahala. Tatawagan ko na lang si Bogart para sunduin si Adriel papunta dito.

Wallace: Are you serious about that?

Janelle:  Ayaw mo?

Wallace: Okay lang.

Janelle: Okay lang naman pala eh. 

Tinawagan ni Janelle si Bogart sa cellphone para sunduin si Adriel.

Janelle: Hello Bogart.

Bogart: Yes po Ma’am Janelle?

Janelle:  Pwedeng pakisundo si Adriel sa Olsen please tapos dito mo na din pababain.

Bogart: Sige po Ma’am Janelle.

Janelle: Wag mong sabihin na nandito na ako sa Pilipinas ah?

Bogart: Sige po Ma’am.

Janelle: Good.  Geh Bogart, magingat kayo.

Itutuloy…..

5 comments:

  1. nice yo malandi hahaha =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. adik ka =)) parang kilala kita. BTW, Thank sa pagbasa hahahaha

      Delete
    2. hahaha.. sus malandi haha =) post na agad kc wag muna mag landi landi , mcdo na naman ako tambay maya gabi

      Delete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails