Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 12: Philosophy
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION
Nang
marinig namin yon masaya lahat dahil hindi na mahihirapang magreview at
magkabisado ng pangalan ng kung sino sinong pilosopo, kailangan na lang magpasa
ng reflection paper at pasado na. Pero ako napatingin agad kay Paul, halata
namang may kung anong pumasok sa isip nya at natulala, kaya tinanong ko kung ok
lang sya.
"Paul, Ok ka lang?"
"ah, yah im fine.." naman ang
sagot nya sakin na pilit binabalik ang isip na kanina ay nakalutang. Naatasan
kaming magpunta ng isang ampunan, magdonate ng mga damit, pagkain at mga
laruan.
Hindi lang yon, kailangan din naming magprepare ng games para sa mga
bata sa ampunan at magpicture taking at ilagay yon sa reflection paper namin. Makalipas
ang ilang araw dumating na nga ang araw nang pagpunta namin ng orphanage, dala
ko na ang isang box ng mga damit na pang batang lalake.
Ang iba natoka sa mga
damit pang batang babae at underwears, tsinelas, prizes sa games at food for
today. Kanya kanya na lang kaming punta sa orphanage kaya nagpahatid na lang
ako kay Louie para makasama na rin sya. Ang skedule namin ng pagpunta sa
ampunan ay alauna ng hapon, pagdating namin sa ampunan sa labas ng gate na lang
kami nagpark ni Louie.
Pagpasok namin ni Louie maluwag ang lugar, napansin ko
agad yung pintura ng pader, nakadrawing yung mga bata na nagbabasa, naglalaro
at kumakanta. May palaruan din sa bandang kaliwa at ang pinaka ampunan ay nasa
harap lang namin mismo. Isa isang nagdatingan ang mga classmates ko, kumpleto
na ang lahat maliban kay Paul. Inaalala ako na baka hindi nya kayang pumunta ng
ampunan dahil nagpapaalala ito ng kabataan nya at nalungkot kaya naman
tinawagan ko sya pero hindi sya sumasagot.
Ilang minuto pa dumating na si
Sister, nanghingi pa sya ng pasensya dahil medyo natagalan, oras daw kasi iyon
ng tulog ng mga bata. Pero ngayon pwede na kaming pumasok kaya sinamahan kami
ng dalawang mga babae na sa tingin ko nasa late 30s na ang edad patungo sa hall
kung saan kami magpoprogram. Pagdating namin ng hall kapansin pansin agad ang
mga lamesang bilog at mga maliliit na upuan nakaayos sa loob. Meron ding
microphone at karaoke sa harap at mga lobo na akala mo may magb-birthday na
bata.
Pagtingin ko sa sulok nandoon si Paul nag aayos ng lamesa nakatingin
sakin at nakangiti. Kanina pa raw sya nandoon, nag-aayos. Nagpaalam pala si
Paul kay Sister na dito nya is-ce-celebrate ang birthday nya, yun daw ang gusto
nya na ipinagpaalam din nya sa parents nya. First time ko lang makapunta ng
ampunan at di alam kung ano ang buhay ng mga bata dito dahil mga batang
lansangan siguro magugulo at mahaharot ang mga bata kaya ipinagdasal ko na lang
na sana behave silang lahat.
Ng maayos na lahat tinawag na ng mga namamahala
yung mga bata, nang dumating sila ay tahimik, nakapila, behave na behave.
Pumunta sila sa kanya kanyang upuan at ng maka upo na ang lahat yung
pinakamatanda sa kanila na tingin ko kung nag-aaral ay nasa 1st or 2nd year
high school na ay nagsenyas sa mga bata tapos sabay sabay ang mga batang bumati
sa amin at nagpasalamat sa pagdalaw namin.
Pagkatapos nilang bumati ay
nag-umpisa ang program namin sa isang prayer at pinakain ang mga bata. Nawala
ang pagkabehave ng mga bata ng sinabi naming kakain na dahil nag-unahan talaga
silang pumila sa food na nakahanda sa gilid.
Ang daming handang food ni Paul,
spaghetti, fried chicken, may rice, at pansit, may menudo rin at marsh mallow
at hotdog na nasa stick rin. Kasya para sa lahat ang handang pagkain ni Paul
kaya ako, si Louie, Paul at ang mga classmates namin ay nakikain na rin. Dahil
wala namang ibang mauupuan nakilapag na lang kami ng pagkain sa lamesa ng mga
bata at nakipagkwentuhan sa kanila. Dun ko nakilala si Roy, batang kalye daw
sya dati at ng dalhin sa ampunan hindi na raw sya umalis dito kasi walang
nag-aalaga sa kanya sa kalye.
Hindi rin sya nakakakain ng maayos at kapag
nagkakasakit daw sya mag-isa lang din sya at di inaalagaan ng mga kaibigan
nyang mga batang kalye din. Kasama din namin sa lamesa sila Ana, Totoy at Ato,
halos magkakaedad lang sila nasa 7-9 na taong gulang mga batang iniwan na lang
sa harap ng ampunan ng mga magulang nung mga baby pa sila.
Pagkakain namin
nag-umpisa nang magpalaro ang mga classmates ko stop dance, trip to Jerusalem
at paper dance. At habang nagkakasiyahan ang lahat palihim akong may ibinulong
kay Louie, agad naman syang umalis at ginawa ang inutos ko. Pasado 4pm na nang
wala nang maisip na palaro ang mga classmates ko kaya ipinamigay na lang sa mga
bata lahat ng natirang prizes. Pagkatapos pumunta ako sa mic at nagsalita..
"hello
mga bunso ako nga pala si kuya Christian alam nyo ba kung bakit may mga lobo sa
mga upuan? Kasi birthday ngayon ni Kuya Paul.. Halika kuya Paul.." Lumapit
naman si Paul kahit medyo nagtataka at nahihiya sa kung anong binabalak ko.
Paglapit nya sa harap agad na tumugtog ang kantang happy birthday to you at
nagsikanta ang lahat ng bata habang nilalapit ni Louie ang dala nyang cake sa
harap na may kandilang hugis 21 at may nakasulat na Happy 21st Birthday Paul
from Ian and Louie. Nasurpresa talaga si Paul sa dalang cake ni Louie dahil
medyo maluha-luha si Paul habang nakangiti at nagpapasalamat. Nang matapos yung
kanta hinipan ni Paul yung kandila at tinanong namin kung ano ang wish nya.
"ano ba ang wish ni Kuya Paul?" ang tanong ko na nakamic pa rin.
Pagkatapos lumapit sya sa mic para magsalita.
"Salamat! Heheh.. Salamat
din sa cake. Alam nyo ang wish ko mga bunso? Sana lahat kayo ay makahanap rin
ng mga magiging mga Mama at Papa nyo.." medyo naging seryoso ang lahat
matapos ang masayang kantahan kanina dahil sa sinabi ni Paul.
"alam nyo
mga bunso, alam ko ang nararamdaman nyo kasi nung bata pa si kuya Paul
nanggaling din sya sa ampunan." hindi ko maexplain ang reaction ng mga
bata pero tahimik silang lahat at nakinig.
"tama.. Siguro mga kasing tanda
ako noon ni kuya Abet nyo na nasa 2nd year high school na.. Tingin ko nga non
wala nang aampon sakin dahil habang tumatanda kasi mas lumiliit ang chance na
maampon pa. Napakaraming mga mas bata noon na naampon na maliban sa akin at
yung iba mga kaibigan ko pa, madalas yung mga baby ang nagugustohan ng mga
foster parents hindi yung nakakalakad at nakakapagsalita na. Hindi ko na
inasahan na may aampon pa sa akin kaya nag-aral na lang akong mabuti.."
medyo maluha luha na nga si Paul habang patuloy na nagsasalita. Pilit na
pinipigil tuluyang umiyak.
"hanggang
isang araw may mama at ale na dumating.. Alam ko hindi sila magkaanak kaya nasa
ampunan sila. Ordinaryong araw lang yon hindi ko alam na sila na pala ang
magiging Mama at Papa ko.. Kaya ngayon nasa harap nyo si Kuya Calvin Paul Lopes
nyo at wag kayong mawawalan ng pag-asa ha? At laging magdarasal at mag-aaral ng
mabuti hanggang dumating ang Mama at Papa nyo. Thank you." Maluha luha na
si Paul pero mas lalo na yung mga girls na classmates namin na yung iba umiyak
talaga.
Malungkot man ang damdamin ko pilit kong pinasaya yung mga bata at si
Paul at nagsabi na magpicture taking kami. Pagkatapos nang malapit na kaming
umuwi nag-alay ng kanta ang mga bata sa amin, kanta ng pasasalamat.
Sa ilang
oras naming nasa ampunan napakarami kong natutunan. Napaka swerte kong tao na
ipinanganak na may Papa at Mama at magandang tahanan. Ipinanganak na hindi
iniintindi kung saan kukunin ang kakainin para sa kinabukasan. Ipinanganak na
hindi nag-aalala na magkasakit o kung saan kukuha ng pampagamot. Kaya humanga
talaga ako kay Paul sa ipinamalas nyang katatagan sa buhay. Napakahirap siguro
ng mga pinagdaanan nya, iniisip ko tuloy kung gusto pa nyang makita ang mga
tunay nya magulang o hindi na.
Pagkatapos kumanta ng mga bata binigay na namin
yung mga box ng mga damit at mga delatang pagkain para sa kanila at nagpaalam
na sa kanila. Hindi namin maiwasang malungkot sa pag-alis namin sa ampunang
yon, yung iba sa mga bata yumakap pa sa amin nila Paul at nagpaalam na rin. Nagpasalamat
din si Sister sa aming pagbisita sa kanila. At tuluyan na nga kaming umalis.
Sumabay si Paul sa amin ni Louie pag-uwi dahil wala daw syang dalang sasakyan.
Bago sya umuwi nagpasalamat sya sa amin ni Louie dahil pinasaya daw namin ang
birthday celebration nya. Madali ko namang natapos at napasa yung refection
paper na pinagagawa ni Sir dahil sa dami kong natutunan sa pagbisita sa
ampunan.
Dalawa na lang ang problema namin thesis at OJT at makakapasa na
kami't g-graduate na. Lalong tumibay ang pagkakaibigan naming tatlo nila Louie
at Paul sa mga araw na dumaraan. Wala rin kaming naging problema sa defence ng
thesis namin dahil si Mr Magna Cum Laude ang nagdefend. Heheh..
Walang
maitanong ang mga panel sa presentation ni Paul at parang hindi kami dumaraan
sa butas ng karayom ng mga oras na yon. At dahil tagumpay ang thesis namin
dapat lang may celebration!
To Be Continued
nxt chapter please, thanks
ReplyDelete