Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 17: Ang PagBabalik
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION
Dumaan
nga ang Pasko at New Year na wala si Louie kaya medyo malungkot ako, ang dami
ko pa namang plano para sa aming tatlo nila Paul. Unang beses sana namin yong
magcelebrate ng holidays pero wala sya, hindi pa nya alam tuloy ang regalo sa
kanya ng parents ko, hindi pa rin tuloy nya natatanggap ang regalo ko sa kanya.
Si Paul naman nagbigay din ng regalo sa akin, sunglasses na nagustohan ko
naman. Binigyan ko rin sya ng cap na binurdahan ng pangalan nya, hindi ko na
minahalan baka kasi magkaroon pa ng ibang kahulugan iyon para sa kanya.
Lumipas
nga ang mga araw, mga linggong wala si Louie, bawat araw ata na hindi ko sya
nakikita lalo ko naman syang naiisip. Kung noong una hindi ko sigurado ang
nararamdaman ko para kay Louie, ngayon sigurado na akong mahal ko sya. Dahil
pilit ko mang itanggi sa ko sarili ang nararamdaman para sa kanya, hindi naman
mataitanggi na siya ang ninanais ng puso ko.
Kahit sobrang hirap tanggapin,
dahil alam ko sa sarili kong lalake ako pero heto ako parang baliw na iniisip
si Louie, kung kailan ko sya makikita ulit, makakasama, maririnig ang boses,
tawa at pagkanta nya. Pero wala namang nagawa ang pag-iisip ko sa kanya
araw-araw, lalo ko lang s'ya na-miss kaya nilibang ko na lang ang sarili ko sa
pagpapalakad ng business namin at hayaang lumakad ang mga araw hanggan sa
pagdating ni Louie.
Hindi ko lang sigurado kung sa pagdating nya ay magagawa ko
nang sabihin agad ang nararamdaman ko, hahanap na lang siguro ako ng tamang
pagkakataon para sabihin sa kanya kahit hindi ko alam kung ano magiging
reaksyon ni Louie kapag nalaman nya.
Minsan nga nagdadalawang isip rin akong
sabihin pa sa kanya, naaalala ko kasi ang nangyari sa'min ni Paul, pano kung
ganon din ang mangyari sa amin ni Louie, matatanggap ko kaya?
Ang dali palang
sabihin na "wag mo na akong mahalin Paul, dahil baka masaktan ka lang.
Lalake ako at lalake ka rin kaya hindi pwede" pero kapag-ikaw na ang nasa
ganong sitwasyon, ang hirap pala. Isa pa, paano kapag nalaman ni Paul ang
nararamdaman ko para kay Louie, ano kaya ang magiging reaksyon nya? Ano kaya ang
sasabihin nya?
Hay, ano ba tong nangyayari sa buhay ko, napakakumplekado.
Dumating
na ang araw ng pagbabalik ni Louie, at ayon sa napagkasunduan nila ni Paul nung
birthday nya, kakanta sya sa night ng college namin kaya excited akong pumasok
sa office. Hindi ko na mahintay ang gabi at ang mga minuto at oras ay parang
isang taon sa tagal.
Grabe ang excitement ko, halos sabihin ko na sa sarili
kong "easy ka lang, dalawang buwan nga ang nagdaang wala sya kinaya mo
ngayon oras na lang ang hinihintay mo di ka pa makapaghintay, atat ka
ba?"hehe.. Wierd di ba?
Siguro ganyan talaga kapag mahal mo ang isang tao,
hindi mo mahintay ang muli nyong pagkikita. Naisip ko tuloy, ano na kaya ang
itsura nya? Kasi ako eto nagpagupit na, bago na itsura dahil tinaon ko talaga na
magpagupit bago kami muling magkita.
Hindi naman ako mapakali sa office at
tingin ako ng tingin sa cp ko, tinext ko kasi si Paul kung ayos na ang lahat
para sa night at kung nakausap na nya si Louie pero hindi nagrereply. Nang
tawagan ko naman ang cp ni Louie si Nanay Mila lang naman ang sumagot at
sinabing di pa nakakauwi si Louie.
Sa isip ko tanghali na hindi pa sya
nakakauwi, ano kaya ang nangyari? Yari sya sa akin kapag di sya umuwi ngayon,
uupakan ko talaga s'ya. Five minutes before 5pm nag-out na ako sa office, hindi
ko na talaga kinayang hintayin pang mag-alas-singko.
Nagdrive agad ako
papuntang bahay, naligo at nagbihis ng bagong bili kong black longsleeves,
slacks at black leather shoes tamang tama sa dress code ng night. Sobra sobra
ang saya na nararamdaman ko habang nag-aayos sa harap ng salamin, hindi ko
maiwasang ngumiti kapag naiisip kong makikita ko nang muli si Louie. Pagkatapos
kong makapag-ayos dumirecho na agad ako sa kotse bitbit ang isa pang set ng
damit at black shoes, ito naman yung ipapasuot ko kay Louie, iba nga lang ang
kulay ng isusuot nyang longsleeve (dark blue).
Pagdating ko ng school nakita ko
agad sa harap ang isang malaking tarpauline kung saan nakasulat ang gaganaping
night ng college namin, madilim na pero makikita sa daanan ng sasakyan ang road
signs kung saan pwedeng magpark at saan gaganapin ang night. Ang dami ko ring
nakitang mga magagandang girls suot ang magaganda nilang dress pagpunta ko ng
parking lot.
Tapos nilakad ko na lang ang daan papuntang gym kung saan
gaganapin ang night. Sa harapan ng gym nagkalat ang lahat ng studyante ng
college namin, kanya kanyang grupo, kanya kanyang hanap ng mga kaibigan. Sa
bungad naman ng gym nakapwesto ang isang mahabang lamesa kung saan nakaupo ang
apat na studyanteng may hawak ng listahan ng pangalan ng students base sa year
at doon pipila para mag-sign para makapasok.
Lumapit ako doon para magsign pero
hindi naman ako agad pumasok, wala naman talaga akong interest sa night kung
hindi lang talaga ito ang araw na makikita ko ulit si Louie hindi naman talaga
ako pupunta. Umupo na lang ako sa isang tabi at matyagang naghintay, palingon
lingon baka ma-spot-an ko si Louie na papasok ng gym.
Mahigit isang oras din
ang matagal kong paghihintay ng may nagsalita sa kaliwa ko "Hoy." agad
naman akong lumingon.
"Louie?!" ang agad lumabas sa bibig ko.
"
Paul, ikaw pala.. Ginulat mo ko."
"bakit nandyan ka? Kanina pa
kita hinahanap.." ang sabi naman sa akin ni Paul suot ang grey na long
sleeve, slacks at black shoes nya. Kapag titingnan mo nga sya parang aabay sa
flores de mayo sa itsura, hindi mapagkakailang magandang lalake talaga si Paul.
"bakit nandito ka? Hindi ka pumasok sa loob?"
"hindi naman ako
interesado sa party.. Hinahintay ko lang si Louie.. Nagtext ako sa'yo di mo man
lang ako nireplyan!"
"sorry, busy kasi kanina. Kasama kasi ako sa
nag-ayos nitong night kaya di ako nakareply."
"sana nagreply ka naman
kahit isang beses. Anong oras ba yung kanta ni Louie? Kanina pa ako naiinip
kakahintay dito."
"kung kanina ka pa pumasok de sana kanina mo pa nakita.
Tara na sa loob kakanta na ata s'ya, bilis!" ang excited na pag-aya sa
akin ni Paul.
parang bumalik ang lahat ng lakas ko sa sinabi niya. Hindi ko na
nagawang sisihin ang sarili ko sa hindi agad pagpasok sa gym at tumayo ako agad
sa kinauupuan ko at hinatak si Paul papasok. "tara na, bilisan mo."
ang masaya kong pagkakasabi. Natawa na lang si Paul na sinabi ko at parang
lumipad kami papasok sa sobrang bilis kong lumakad.
Wala
pa atang 30sec at nakapasok na agad kami ni Paul sa gym. Ang mga lamesa at upuang
inuupuan ng mga studyante ay nakalagay sa gilid, talagang may space sa gitna
para sa sayawan. Hindi naman kami nahuli ni Paul dahil ina-announce na ng MC
ang pagkanta ni Louie. Ayos rin pala,parang may mini concert dahil kumpleto ang
stage pati drum set meron din.
Nang lumabas si Louie sa gilid galing back
stage, parang bumilis ang tibok ng puso ko at napangiti sa sobrang saya. Bigla
ring naghihiyaw ang crowd kay nakita ko agad ang kinauupuan ng classmates
naming nag-ch-cheer para kay Louie.
Ganoon pa rin ang itsura ni Louie, walang
pinagbago gwapo pa rin suot ang damit na ibinigay ko sa kanya dati at nakasabit
sa balikat ang isang gitara.
"lets give him a big round of aplause! Cheer
it up for Louie!" ang sabi ng babaeng MC.
Stay by: Cueshe
I believe we
shouldnt let the moment pass us by life's too short we shouldnt wait for the
water to run dry think about it cause we only have one shot atdestiny all im
asking could it possibly be you and me? So if you'd still go, i'll understand
would you give me something just to hold on to? and if you'll stay, ill hold
your hand cause im truly, madly, crazily in love with you Time has come for us
to go our separate ways God forbid But my mind is going crazy today i feel so
cold feel so numb im having nightmares but im awake Help me lord Fight this
loneliness Take this pain away So if you'd still go, i'll understand would you
give me something just to hold on to? and if you'll stay, ill hold your hand
cause im truly, madly, crazily in love with you So if you'd still go, i'll
understand would you give me something just to hold on to? and if you'll stay,
ill hold your hand cause im truly, madly, crazily in love with you Now that
you're gone, im all alone im still hoping that you would come back home dont
care how long, but im willing to wait Cause im truly, madly, crazily in love
with you
Hindi ko talaga maiwasang humanga kay Louie sa tuwing tutugtog at
kakanta sya. At tama yung kanta maigsi lang ang buhay hindi natin dapat
palampasin ang lahat lalo na kapag may pagkakataon pa para gawin natin ang
isang bagay.
Kaya napagdisisyonan ko nang sabihin kay Louie ang nararamdaman ko
para sa kanya. Hindi ko alam kung napansin nya ang pagkaway ko habang kumakanta
sya kapag nadadaan ang tingin nya sa malayo para malaman nya ang pwesto namin
ni Paul.
At nang matapos kumanta ni Louie palakpakan at tilian ang narinig ko
galing sa mga nakinig, madali syang bumaba sa gilid ng stage at naglakad
papalapit sa amin. Nakangiti pa ako habang papalapit si Louie at ng marating
nya ang kinatatayuan namin ni Paul isang mahinang suntok sa balikat ang
pasalubong ko sa kanya.
"Loko ka talaga!! Bakit bigla kang umalis ng
walang pasabi? Akala mo nakalimutan ko na ha!"
"aray.. Sorry na..
Hindi ka ba natutuwa nandito na ako? Hehehe.. Kamusta ka na Ian, ayos ang gupit
ha?"
"wag mong ibahin ang usapan, baka gusto mong tamaan ulit sa'kin!
Hehehe.."
"hahaha.. Wag kayong mag-away baka pag-untogin ko kayong
dalawa!" ang pabirong singit ni Paul.
Pagkatapos umakbay sa'kin si Louie
at nagsabing..
"palagay ko marami kayong i-k-kwento sa'kin noh?"
napa-isip tuloy ako kung ano ang kahulugan non pero bago pa ako makapagsalita
ulit.
"sandali ha, dyan lang kayo. Wag kayong aalis, may ipapakita ako sa
inyo." umalis nga si Louie saglit, at laking gulat namin ni Paul nang makita
namin ang hila-hila ni Louie papunta sa amin.
"si Diane?!"
To Be Continued
shockz! bakit Louie? ang sakit ng ginawa mo! kay Paul ka nalang kasi. thanks sa update. next agad agad hehe
ReplyDeletearay ko si diane ata yun ahhh ipapakita wew ansama 2 ba sila hahay
ReplyDeletearay ko si diane ata yun ahhh ipapakita wew ansama 2 ba sila hahay update plzz ahehehhe
ReplyDelete