Followers

Monday, August 26, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Book 2 : Chapter 10]






Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 10]



By: Crayon








****Kyle****






7:15 am, Thursday
May 31







Pakiramdam ko ay isa akong zombie habang naglalakad ako papunta sa aming opisina. Halos alas-dos na ako ng madaling araw nakatulog kanina. Nagising ako bandang 4:30 ng madaling araw, kung isasama ang oras ng tulog ko sa bus ay kulang-kulang apat na oras lang ako nakatulog. Nadatnan ko pang tulog si Renz kanina ng i-check ko ang aking skype. Hindi ko na siya ginising pa at nag-send na lamang ako ng mensahe na papasok na ako sa trabaho.



Kasalukuyan akong nagtitimpla ng mainit na kape ng dumating si Aki.




"Good morning Mr. Del Valle! Coffee po?", alok ko sa kanya tulad ng lagi kong ginagawa. Hindi siya sumagot sa halip ay tinitigan lang ako.



Hindi naman ako mapalagay dahil sa mga titig na iyon. Pakiramdam ko ay mayroon na naman akong maling ginawa. Napayuko na lang ako habang hinahalo ang kape sa aking tasa.



"Are you done with your report?", striktong tanong ni Aki.



"Almost done sir, i will take it to your desk before lunch.", mahina kong sagot. Hindi ko na narinig pang nagsalita si Aki sa halip ay narinig ko ang mga yapak nito papalayo sa akin. Noon lamang ako nakahinga ng maluwag.



Agad akong bumalik sa aking lamesa at sinimulan na uling tapusin ang aking ginagawa. Kahit na pakiramdam ko ay lutong-luto na ang mga brain cells ng utak ko ay pilit ko pa rin silang pinagana muli para may maipasa akong report kay Aki mamaya.



Masyado ata akong focus sa aking ginagawa at hindi ko na namalayan pa ang pagdating nila Lyka at Sam. Nawala lamang ang aking atensyon sa aking laptop nang kalabitin ako ni Sam.



"Gusto mong lumabas saglit? First break naman natin eh? Yosi tayo or something.", anyaya sa akin ng aking kaibigan.



"Break na ba?", naguguluhan kong tanong. Hindi ko alam na ganoon na kabilis lumipas ang oras parang kanina lang ay nagkakape pa ako.



"Oo, alas- diyes na oh! At kanina pa kita pilit na kinakausap pero hindi mo ako pinapansin. Tara muna sa labas at nang makalanghap ka ng makamandag na hangin ng Makati.", pangungulit sa akin ni Sam.



Napangiti naman ako sa sinabi ni Sam. Tumango lamang ako at tumayo para kunin ang aking wallet. Naisip kong bumili ng yosi, tiyak na sesermunan ako ni Lui oras na malaman niyang magyoyosi ako pero ok lang, stress na stress na kasi ako.



Tinungo namin ni Sam ang isang fire exit na nasa dulong bahagi ng corridor namin. Doon raw siya palaging nagyoyosi sa halip na bumaba pa siya sa designated na smoking area. Wala naman daw makakahuli sa amin doon. Ang fire exit na sinasabi niya ay isa lamang bakal na staircase na nakakabit sa pader ng building. Medyo nalula ako ng silipin ko kung gaano kataas ang kinalalagyan namin.



Nakita kong nagsindi ng yosi si Sam. Inabutan niya rin ako ng yosi at lighter. Agad akong nagsindi ng yosi at humithit ng malalim. Dinama ko ang usok na nakamamatay. Medyo nabawasan ang lula ko dahil doon.



"Kaya mo pa ba?", maya-maya ay tanong sa akin ni Sam.



"Ha?", medyo naguluhan ako sa tanong ni Sam.



"Yung trabaho mo tsaka yung boss mo kaya mo pa ba?", paglilinaw niya.



"Oo naman, sanayan lang naman yan eh. Nakakapagod lang kung minsan pero kinakaya ko naman.", seryoso kong sagot.



"Pagpasensyahan mo na si boss, madalas lang siguro reglahin ngayon pero mabait naman yan.", wika ni Sam. "Nakilala ko yan nung ma-assign siya sa site natin sa Davao, dun kasi talaga ako nakabase noon. May pagka-suplado yan pero sobrang bait at maaalalahanin kapag nakilala mo na.", dagdag pa ni Sam. Tumango lamang ako. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang pagkakakilala ni Sam kay Aki pero tama siya sa lahat ng sinabi niya tungkol rito.




"Hindi ko lang alam kung anung nagyare after niya bumalik sa  Manila. Kasi nung madestino kaming dalawa sa Singapore nag-iba ang ugali niya. Kung dati ay suplado lang siya ngayon ay cold hearted na talaga siya pagdating sa mga tao sa paligid niya. Parang wala na siyang gustong pagkatiwalaan. Isa ako sa mga iilang taong nakakausap siya ng maayos. Hindi ko naman magawang mag-usisa tungkol sa pribado niyang buhay dahil bilang sekretarya alam kong off limits na ako sa mga ganung bagay.", pagpapatuloy ni Sam. Kita ko ang sincerity at lungkot sa mga mata ni Sam habang nagkukwento. Alam kong may malasakit ito sa aming boss. Kaibigan ang turing niya dito.



Nakaramdam naman ako ng guilt. Alam kong may kasalanan ako o isa ako sa mga dahilan kaya ganito ang naging katauhan ni Aki. Lalo tuloy akong naging determinado na magkaayos kami at maibalik yung dating Aki na kakilala ko. 



Matapos kaming magyosi ni Sam ay bumalik na kami sa opisina at tinuloy ko na ang report na ginagawa ko. Makalipas ang isang oras na pagtipa ay natapos ko din ang report. Nang sa pakiramdam ko ay okay na ang gawa ko ay agad ko itong prinint. Inayos ko ang aking report sa isang folder at hinanda ko ang aking sarili na ipasa ito kay Aki. Huminga ako ng malalim dahil alam kong may mapupuna pa rin si Aki sa gawa ko kahit na ilang beses ko na itong ni-review. 



Nang makakuha ako ng sapat na lakas ng loob ay naglakad na ako patungo sa opisina ni Aki. Binuksan ko ang pinto ng opisina niya at sumilip sa loob. Huli na ng ma-realize kong nandoon nga pala sila Sam at Lyka. Nagme-meeting nga pala ang tatlo tungkol sa gagawing board meeting sa susunod na buwan. Napahiya naman ako ng magsilingunan sila sa aking direksyon ng bumukas ang pinto.



Humingi ako ng paumanhin at akma ko na sanang isasara ang pinto ng pigilan ako ni Aki.



"Is that your report you're holding?", malamig na tanong nito sa akin. Malayo sa paraan ng pakikipagusap na ginagawa niya sa tuwing si Sam o si Lyka ang kausap niya. 



"Yes sir.", matipid kong sagot. Unti-unti kong naramdaman ang panginginig ng aking tuhod. Nakakatawang isipin ang sitwasyon namin ngayon ni Aki. Kung dati ay sa kanya ako tumatakbo sa tuwing gusto ko ng magpapakalma sa akin, ngayon naman ay maramdaman ko lang ang presensya niya sa paligid ay hindi ko na mapigilan ang kabahan.



"Good, let me have it.", wika ni Aki. Naglakad ako patungo sa kanyang lamesa para iabot ang report. Lalabas na sana ako ng opisinang iyon ng magsalita muli si Aki. "Stay there."



Hindi na ako nakagalaw pa sa aking kinatatayuan. Mataman kong pinagmasdan si Aki habang kunot noo nitong tinitingnan ang aking report. Lalong bumilis ang tibok ng aking puso dahil base sa kanyang mukha ay hindi nito nagugustuhan ang kanyang mga nakikita. 



Mukhang napansin ito ni Sam at binigyan ako ng isang nag-aalalang tingin. Kulang na lang ay sabihin nitong tumakbo ka na palayo hanggang hindi ka pa niya sinisigawan. Napalunok naman ako ng laway sa isiping iyon. Nakita ko naman sa gilid ng aking mata si Lyka na nakangisi. Hindi ko alam kung natutuwa siya sa sitwasyong kinasasadlakan ko.



"You're a UP graduate, right?", halata ang sarksamo sa boses ni Lui.



"Yes sir.", nanginginig ko ng sagot.



"This is...................trash!", dahan-dahang sabi ni Aki habang pinipilas sa harap ko ang mga pahina ng report na pinagsumikapan kong gawin ng dalawang linggo at pinagpuyatan ko pa kagabe para lang masigurong papasa ito sa panlasa niya.



Kung sinusubukan niyang i-down ako o i-demotivate ako ay nagtatagumpay siya dahil habang isa-isa niyang pinupunit ang report ko ay parang isa-isa ring pinipilas ang aking moral. Mabuti sana kung kaming dalawa lamang ang nasa silid na iyon, baka sakaling maatim ko pa ang ginagawa niya pero nandoon din sina Lyka at Sam. At labis akong nanliliit sa ginagawa ni Aki. Pakiramdam ko ay napaka walang kwenta ng aking ginawa. Para bang wala kahit isang tamang bagay akong ginawa sa report na iyon kaya napakadali lamang para sa kanya ang punitin iyon.



"This is so disappointing. The company's spending a good amount of money on you, but the service you are providing is good for nothing.", patuloy na pang-iinsulto ni Aki habang itinatapon ang punit-punit kong report sa trash can. Hinihintay ko na lamang na sabihin niya sa mukha ko mismo na tatanga-tanga ako at hindi na ako kailangan pa sa kumpanya nila. Handa na akong umalis ng building na iyon at hindi na magpakita pa kailanman. Sobra kasi akong nahihiya sa ginawa niya. Wala ako halos mukhang maiharap sa mga tao sa silid na iyon.



"Do you think this is the kind of report we are going to present to the board? This is very incompetent. Did you even think about how you're going to present those numbers on your report. It was absolute junk.", ramdam na ramdam ko ang pait ng bawat salitang binibitawan ni Aki. 



'Tama na please...Kuha ko na ang punto mo. Tanga ako. Please wag mo naman ako hiyain ng ganito Aki.' Gusto kong sabihin iyon ng mga oras na iyon pero hindi ko magawa. Pilit kong pinapalakas ang aking loob. Pilit na pinipigil ang mga luhang gusto nang pumatak. Hindi ko gagawing umiyak sa loob ng silid na iyon. Kinailangan ko pang mag-poker face para maitago lahat ng sakit na nararamdaman ko.



"I want you to re-do that report. I don't care how you will do it, but i want that on my desk first thing tomorrow morning! Otherwise, you can go ahead and pack your things. There's no room here for incompetent people. " malakas na sabi ni Aki. Akala ko ay tapos na at maaari na akong lumabas ng kwartong iyon pero nagsimula na namang magsalita si Aki. 



Isa-isa niyang sinabi ang mga napuna niyang pagkakamali ko at hindi niya nagagawang kalimutan na samahan ng panlalait ang bawat mali ko. Parang hindi siya nauubusan ng salitang masasabi na makakasakit sa aking damdamin.



Para na lamang akong tuod na nakatayo sa opisinang iyon. Nagpapanggap na nakikinig sa mga sinasabi ng aking boss,ng aking dating kaibigan, pero sinasadya kong i-block lahat ng iyon sa aking utak. Alam kong malapit na ako mag-break down kaya pinagsumikapan ko na hindi na lang intindihin ang anumang sinasabi ni Aki.



Nakikita kong nakatingin sa akin si Sam at naawa sa aking lagay. Hinihiling ko sa aking utak na wag niya na lang akong tingnan para maging mas madali sa akin na tanggapin ang mga sinasabi ni Aki. Nakaplaster naman ang isang tipid na ngiti sa mukha ni Lyka. Tila ba nanonod siya na isang nakakaaliw na eksena sa telebisyon. Kung maaari lamang siya magsalita ay tiyak ko na ibibida niya ang mga magaganda niyang nagawa para lalo akong magmukhang tanga.



Nang mapagod si Aki sa pagsasalita ay pinalabas na niya ako ng kwartong iyon at sinabihang magsimula nang magtrabaho. Iyon ang kanina ko pang hinihintay kaya matapos makapagpaalam ay agad akong lumabas ng kwartong iyon. 



Dumiretso ako sa elevator at tumungo sa pantry. Bumili ako ng isang pakete ng sigarilyo at tumungo sa rooftop ng building. Sa kabutihang palad ay walang bantay ng mga oras na iyon kaya malaya akong nakapag-yosi. 



Dinama ko ang relaxation na naidudulot sa akin ng usok ng sigarilyo. Ngunit hindi iyon naging sapat para pigilin ang mga luhang kanina pa gustong pumatak. 



Ramdam ko pa din ang bigat sa dibdib ng bawat salitang binitiwan ni Aki kanina. Para akong tinatadyakan sa dibdib sa bawat pamamahiyang ginagawa niya kanina. Sa sobrang sakit ay parang namamanhid na ang aking kalooban.



Kaninang nagsasalita siya ay nakatingin lang ako sa lamesa sa aking harap hindi ko magawang salubungin ang kanyang mga titig. Nang minsan akong magtaas ng tingin ay nagtagpo ang aming mga mata. Bakas rito ang galit, hindi ko alam kung dahil sa palpak na report na ginawa ko o kung may iba pang pinanggagalingan ang galit na iyon.



Siguro nga ay gumaganti siya sa mga nagawa ko sa kanya noon sa ganitong paraan. Sana kahit papaano ay naiibsan ang poot na nararamdaman niya para sa akin sa bawat pang-iinsultong ginagawa niya. Ngayon ko siguro nilalasap ang mga karma ng mga mali kong ginawa noon.



Dahil sa isiping iyon ay hindi ko magawang magalit kay Aki. Sinasabi ng aking utak na patas lang ang kanyang ginagawa. Marahil mali na ginagamit niya ang trabaho para makaganti sa akin pero wala na siguro akong pakialam sa kung paanong paraan niya gusto gumanti.



Matapos maubos ang aking yosi at makalma ang aking sarili ay bumalik na ako sa palapag ng aming opisina. Dumaan muna ako sa cr para makapaghilamos. Ayaw ko na magkaroon ng anumang bakas sa aking mukha na umiyak ako dahil sa nangyari.



Pagkaupo ko sa aking lamesa ay sakto namang paglabas nila Lyka at Sam. Alam kong tinititigan ako ni Sam, marahil ay naaawa pa rin siya sa aking sinapit kanina. Hindi na lamang ako nagsalita at pilit na ngumiti. May inabot siya sa aking papel. Mukhang galing ito kay Aki. Nakasulat doon ang mga nais niyang baguhin at idagdag ko sa aking report. Pinag-aralan ko naman yong mabuti at inisip agad kung paano ko babaguhin ang aking report. 



Makalipas ang tatlumpong minuto ay inaya ako ni Sam na mag-lunch.



"Beh, tara maglunch muna tayo para makagawa ka ng report ng maaayos.", malumanay na pag-aya sa akin ni Sam. Pansin niya siguro ang pananahimik ko matapos kausapin ni Aki.



"Ikaw na lang Sam, medyo madame pa akong kailangan baguhin sa report ko eh, bababa na lang siguro ako mamaya kapag nagutom ako.", sagot ko kay Sam.



"May gusto ka ba ipabili?", pangungulit niya.



"Wala naman, okay lang ako.", natutuwa ako sa pag-aalalang ginagawa ni Sam pakiramdam ko ay nakatatandang kapatid ko siya ng mga sandaling iyon.



Tumango na lamang si Sam at lumabas na ng opisinang iyon. Bumalik naman ako sa pagtatrabaho. Ilang minuto lang ang nagdaan at lumabas na ng kanyang opisina si Aki. Bigla naman akong na-tense pakiramdam ko ay any moment ay sesermunan niya akong muli.



Sa kabutihang palad ay kabaligtaran naman ang nangyari mukhang wala siyang balak na pansinin ako tulad ng dati. Nakita kong tinungo niya ang lamesa ni Lyka na nasa tapat ko lamang.



"Lyka, would you like to have lunch with me?", masayang pahayag ni Aki.



"Sure.", higit na masayang tugon ni Lyka sa imbitasyon ni Aki.



Dumiretso na ng labas ang dalawa at hindi man lang nag-abalang tanungin ako kung may balak ba akong kumain. Hindi ko na lamang pinansin ang kanilang inasta at bumalik ang aking atensyon sa paggawa ng report.



Makalipas lang ang tatlumpung minuto ay bumalik na si Sam at may dala itong sandwich para sa akin. Kainin ko raw habang gumagawa ako ng report, nagpasalamat naman ako sa kanya at inilagay sa isang tabi ang sandwich. 



Halos dalawang oras ang naging lunch nila Aki at Lyka, nagtatawanan pa ang dalawa ng pumasok ng opisina. Hindi ko sila pinansin masyado at nagpatuloy lang ako sa pagtipa sa aking laptop. Ganoon din ang ginawa ni Sam. Sa tantiya ko ay ayaw din nitong kausapin si Aki. Maaaring tutol ito sa ginawang pagtrato ni Aki kanina sa akin. Si Sam naman kasi talaga ang laging nagtatanggol at nagtatakip sa mga pagkakamali ko noon. Wala lang talaga siyang nagawa kaninang ipahiya ako ni Aki.



Mabilis na lumipas ang natitirang oras ng trabaho. Nakita kong nag-aayos na ng gamit si Lyka at naghahanda nang makauwi. Lumapit naman sa akin si Sam upang magtanong kung may maaari siyang itulong sa akin. Nagpasalamat naman ako sa pagnanais niyang tumulong pero pinauwi ko na din siya dahil alam kong medyo matrapik ang dadaanan niya. Sinabi ko na lamang na malapit na akong matapos para makumbinsi siya na umuwi na at huwag na ako tulungan.



Batid kong kakailanganin kong magpalipas ng magdamag sa opisina para mahabol ang deadline na itinakda ni Aki.  Una, may ilang mga files na hindi ko maaaring iuwi sa bahay dahil masyadong confidential, pangalawa ang oras na ibyabyahe ko mula Makati pauweng Bulacan ay may kahabaan din. Nakakapanghinayang ang oras na masasayang sa gagawin kong pag-uwe. May nakareserba naman akong polo shirt at underwear sa aking bag, dito na lang siguro ako sa opisina mag-shower mamaya. 



Nang makauwi sina Lyka at Sam ay naging mas mabilis ang paggawa ko ng report. Nabawasan kasi ang destruction ko at mag-isa na lang ako sa kwartong iyon kaya mas madali na ngayon ang mag-concentrate.



Bandang alas-onse na nang gabi ng bumukas ang pinto ng opisina ng CEO, muntik ko na nga makalimutang hindi pa nga pala umuuwi si Aki. Naramdaman kong naglalakad na siya palabas ng pinto ng biglang bumukas ang aking bibig.



"Ingat po sa pagdi-drive sir.", parang nasanay na akong nagpa-paalam sa kanya kaya awtomatikong lumabas ang pamamaalam na iyon sa aking bibig. Wala naman ako nakuhang sagot mula sa kanya at dumiretso na siya palabas ng opisina. 



Noon lamang ako nakaramdam ng pagkagutom, naalala ko ang sandwich na bigay sa akin ni Sam, agad ko iyong kinuha at nilantakan. Hindi man ako nabusog sa sandwich ay tiniis ko na lang ang gutom na aking nararamdaman. Wala na kasi akong sapat na oras para tumayo pa at maghanap ng kakainan sa ganitong oras ng gabi. 



Mag-aalas dose na ng gabi ng may marinig ako na pagkatok sa pintuan. Medyo kinabahan ako dahil may pagkamatatakutin pa naman ako sa multo. Idagdag pa ang isiping hatinggabi na ng may kumatok. Kahit na naginginig ay lumapit pa din ako sa pinto para tingnan kung sino ang kumakatok.



Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang yung janitor lang naman pala ito. May dala itong pagkain mula sa isang fast food chainmna ipinabibigay daw sa akin. Nang tanungin ko kung sino ang may bigay ay sinabi nitong pinadeliver daw ito ni Sam. Napangiti naman ako sa pagkamaaalalahanin ni Sam. Pumasok din ang janitor para maglinis sa loob ng opisina. Inalok ko ito na sumabay kumain dahil medyo madami din ang padalang pagkain sa akin ni Sam, pero tumanggi si manong at tahimik na naglinis sa loob ng aming opisina. 




Nangangalahati na din naman ako sa aking report kaya pinasya ko muna na magyosi pagkatapos kumain. Bumalik ako sa rooftop ng opisina at doon ako nagyosi. 








****Aki****





12:13 am, Friday
June 01





Umiinom ako ng brandy ng mga oras na iyon dahil batid kong mahihirapan akong matulog ngayong gabi. 



Hindi ko ikakailang nagtatalo ang aking utak at puso tungkol sa ginawa ko kay Aki. Alam kong sobra ang ginawa kong pang-iinsulto sa kanya kanina, idagdag pa ang panibagong report na gusto kong maipasa niya mamayang umaga. 



Ginawa ko lang naman ang lahat ng iyon para sana makaganti sa mga ginawa niya noon at nang maisipan niya na ding mag-resign na at hindi na magpakita pang muli. Hindi ko alam kung bakit sobra ang pagnanais ko na makaganti sa kanya. Pero hindi ko kasi mapigilan ang makaramdam ng inis at maging iritable sa tuwing nasa paligid siya. 



Nang ipasa niya kanina ang kanyang report ay agad kong naisip na magandang pagkakataon iyon para insultuhin at ipahiya siya. Gusto ko siya makitang umiyak sa harap ko. Hindi ko alam kung anung klase ng contentment ang makukuha ko sa pag-iyak niya basta ang alam ko ay gusto ko siya makitang nasasaktan.


Pero iyon nga ba ang gusto ko talagang mangyari? Iyon nga ba ang makapagpapasaya sa akin? Magiging masaya nga ba ako matapos ang makaganti sa kanya? Mga tanong ng aking puso sa aking utak. 



Tinitigan ko siya habang pinapagalitan ko siya kanina, he cannot look straight into my eyes. Kusang lumalabas sa bibig ko ang mga salitang alam kong makakasakit sa kanyang damdamin pero wala akong maramdaman na kasiyahan sa mga ginagawa ko. Dahil doon ay hindi ko mapigilang kwestyunin ang ginagawa kong pagtrato sa kanya sa nakalipas na isang buwan. 



If i'm not going to give him the cold shoulder, paano ko siya dapat na tratuhin? Ibabalik ko ba ang Aki na matagal nang nawala? Kung gagawin ko iyon, ano ang dapat kong asahan kay Kyle? Ano naman ang mangyayari sa akin? Hihintayin ko ba muli hanggang sa masaktan akong muli ni Kyle, hanggang sa piliin ko muling lumayo?



Alam kong hanggang sa mga sandaling ito ay nasa opisina pa si Kyle at tinatapos pa rin ang kanyang report. Sa kaloob-looban ko ay hinihiling ko na sana ay huwag na lang niya tapusin ang kanyang report at piliin na lang niyang mag-resign. Mas magiging madali kasi para sa aming dalawa kung maghihiwalay na lang uli ang aming landas. 



Naalala ko pang padalhan siya ng pagkain kanina. Alam kong noong lumabas ako kanina sa aking opisina ay hindi pa siya kumakain. Nagpa-order ako ng pagkain mula sa isang fast food chain at ibinilin sa janitor na dalhin kay Kyle. Sinabi ko rin na sabihin na lamang na galing kay Sam ang pagkain. Sa tingin ko kasi ay iyon na lang ang maari kong gawin para sa kanya sa araw na iyon matapos ang mahaba kong sermon at pressure sa paggawa ng panibagong report.



Kanina ko pa gustong tumawag sa opisina para tingnan kung nandoon pa si Kyle. Gusto ko sana sabihin sa kanya na umuwi na lang at sa isang linggo na lang tapusin ang kanyang report. Pero hindi makapag-decide ang aking utak at puso. 








****Kyle****





1:30 am, Friday
June 01





Pangalawang gabe ko nang walang maayos na tulog. Sobrang tapang na nga ng huling kapeng ininom ko kanina pero parang wala na itong epekto sa aking sistema. Nagpasya akng lisanin muna ang aking lamesa at magyosi sa rooftop.



Kanina pa ako nagpaalam sa bahay na hindi ako makakauwe dahil sa trabaho. Wala namang naging problema kela Mama at sinabing mag-ingat na lang daw ako.



Nakaramdam naman ako ng relaxation habang humihithit ako ng yosi at pinagmamasdan ang mumunting ilaw ng kamaynilaan. Tahimik lamang akong nagyosi, makalipas ang halos labinglimang minuto ay bumalik na ako sa aming opisina nakita ko namang umiilaw ang aking cellphone. Nang tingnan ko kung sino ang nagtext ay hindi ko mapigilang mapangiti.



Renz: jellyfish? Bakit hindi ka nag-online?


Ako: busy eh...


Renz: wow! Mag-aalas dos na ng madaling araw, busy pa din?


Ako: hahaha, oo office pa nga ako gang ngayon eh.


Renz: ha? Bakit? Panggabi ka na ba?


Ako: hindi po, andami ko kasi kelangan baguhin doon sa report na ginagawa ko kagabe eh deadline na nito bukas. Ikaw natapos mo ba yung report mo kanina?


Renz: oo natapos ko, anung oras ka uuwe sa inyo?


Ako: baka hindi na ako umuwe, dito na lang ako matulog. Ikaw matulog ka na, late na oh?


Renz: ayaw! Sasamahan na lang kita magpuyat, wala naman ako pasok bukas eh.



Hinayaan ko na lamang si Renz sa nais nitong gawin, maganda din siguro iyon para hindi ako madaling antukin. Natutuwa naman ako dahil hindi ko mapigilang tumawa sa mga simpleng banat niya sa akin. Halos buong araw kasi akong namomroblema sa opisina kaya ipinagpapasalamat ko na nagagawa akong patawanin ni Renz ng mga oras na ito.



Bandang alas-singko na nang matapos ako sa aking ginagawa. At katulad ng nagdaang gabi ay tinulugan na naman ako ni Renz. Pero sobra kong naappreciate ang kanyang ginawang pangungulit sa akin. Matapos iprint ang aking report ay inilagay ko ito sa isang folder at inayps ang mga kalat sa aking lamesa. Doon ko na din ioinasyang matulog. Inunan ko ang aking ulo sa magkapatong na kamay sa aking lamesa. Sobara ata ang pagod ko dahil ilang minuto pa lamang ay nakatulog na ako.






....to be cont'd....







Author's note:



Una sa lahat ay gusto ko pong magpasalamat kay Mr. Mike Juha para sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na makapagbahagi ng kwento sa kanyang blog... Ngayon ko lang kasi na-realize na hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya publicly, hehehe sori po sir... pero sobra po akong nagpapasalamat sa inyo...


Pangalawa ay humihingi ako ng paumanhin sa late na posting ng story ko, pinilit ko po na mapaabot sa apat na chapters ang posting ko this time para makabawi sa mga nag-antay ng update. hehehe :))


Lastly, ay nagpapasalamat po ako sa mga palagiang nagbabasa ng LSI lalo na sa mga nag-iiwan ng comment sa mga post ko. nakakainpire po ang mga papuri at pagsuporta ninyo para patuloy kong pagsumikapang pagandahin ang kwento... :D


Enjoy reading! and feel free to leave a comment! :))

54 comments:

  1. Dear Mr. Author,
    Can I make a request? pwede ba gawin mong mas maraming chapters? kasi itong istorya mo, love true at baby boy lang sinusundan ko...pls pls pls po...
    salamat

    ReplyDelete
    Replies
    1. pareho tayo ng binabasa.. maganda rin ung blue..

      -arejay kerisawa

      Delete
  2. Can't wait for the next chapter. I hate Lyka! I have a feeling that she'll cause spme major damage as the story progresses. Keep it up, Crayon!

    All the best,

    Rick

    ReplyDelete
  3. Chapter 10 po! Ka-excite :D Keep up the good work Mr. Crayon and God Bless you. :)

    ReplyDelete
  4. dear mr. author, more pa please

    -kylie

    ReplyDelete
  5. Eto and baby boy lang binabasa ko ko ngayon sa MSOB... Sana mas madaming chapters... :)

    ReplyDelete
  6. Sir crayon. tnx po sa update, LOL ngayon lang ako nagcomment, lagi ko tong binabasa at inaabangan everyday na magOOnline ako. Alam ko po na hindi madaling magsulat, naiintindihan naman po namin yon, pero nakakabitin talaga, not knowing how the story will go. I know the feeling of kyle, physically from a chubby turns out to be hot. Emotionally hays, malalim din pinaghuhugutan nya sir crayon. Keep up the good work sir.

    P.S.
    sana may update na bukas or nxt days. hahaha tnx ulit sir crayon

    ReplyDelete
  7. thank you kuya crayon!!!isa po ito sa mga stories na inaabangan ko.so far you never failed to amaze me with the flow of your story.thank you.

    Gerv

    ReplyDelete
  8. ang sakit sakit... and bigat sa dibdib.. ramdam ko ung paghihirap ni kyle...huhuhuhyu.. kaya mo yan kyle.. the best ka.. ikaw nga ang bida dito diba?

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. very affected talaga tayo arejay ha? salamat... :)

      Delete
  9. Geabe ang harsh ni Aki..di ko napigilang umiyak naawa talaga ako kay kyle..sana bukas my update na ulet..(wishful thinking)


    Krisluv

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe, abangan mo yung mga susunod na chapter kris may sungay at bunto na si Aki... hahaha

      Delete
  10. WAAAAAH. KUYA CRAYON, MUNTIK NAKONG MAWALA NG ULIRAT KAKA REFRESH NG MSOB KADA ARAW. BUTI APAT INUPLOAD MO!! SALAMAT!!

    bitin na bitin, aki-kyle parin ako! haha kahit na ginawa mong masungit si aki, grabi naman appearance nya sa lahat ng chapters! as always magaling ka parin, magpost kang mas maaga next time please huhuhu.

    P.S= renz-kyle narin ako haha slight lang basta wag pahirapan mo kami sa desisyon ni kyle sa huli. hahaha.

    your long time fan,

    -ichigoXD

    ReplyDelete
    Replies
    1. pasensya ka na ichigo... mukhang pinahirapan kita uli this time hahahaha dont worry next week may update agad... nakaschedule na yung post ko ng friday 12:06PM hahhahaha... ayan ha! sinabihan agad kita...


      as for Kyle hindi ko na din alam talaga kung sino makakatuluyan niya... hahahaha watcha think?

      Delete
  11. Hay naku Kyle mag tender kana ng resignation mo kung ganyan din lang trato sayo para matauhan na yang Aki na yan kung ano ang pinaggagawa nyang maling trato sayo.

    Wag na masyadong marter baka mainis na ako sayo.

    ReplyDelete
  12. medyo nagkapalit palit ang mga pangalan ng characters sa chapter na ito.. hehehe

    ReplyDelete
  13. wow! so nice ang flow ng story. grabe ang pagpapahirap aman ni AKI kay KYLE. hindi na mkatao un ah. e2 amang isa, ok lng khit sobra nang physically and mentally draining na ung nararamdaman nya dahil sa ginawa nyang pananakit dati , marerealize lng lng at magsisisi c AKI pag nagka problem sa health c kyle due to too much stress at bumigay ang kanyang kalusugan. Usually ay nasa huli ang pagsisi na lage nlang nagyayare.kc lage pinaiiral ang galit at paghihiganti na wala aman magandang maidudulot sa huli. Tnx CRAYON sa story na kinpupulutan ng aral at leksyon. Keep up the good work and tx for sharing your talent!

    ReplyDelete
  14. Nakakaadik naman tong story na to! more please!....

    ReplyDelete
  15. Gawd sinimulan ko lang pong basahin yung series kagabi from book one, natapos ko in just one night. Ganyan po kayo kagaling. Keep it up po, sir Crayon!

    Will be waiting for updates!

    ReplyDelete
  16. I hate Aki na.. pinapahirapan nya c Kyle..

    Kyle kalimutan mo na c Aki..

    sana c Loui na lng piliin ni Kyle at maging magkaibigan na lng sila ni Renz..


    <07>

    ReplyDelete
  17. hay grabe ganda ng story n toh nkakainis sna my next chapter n toh

    ReplyDelete
  18. Bkit gusto pa nia i win over si aki? Dhil ba gusto nia (si kyle) na madaming humahabol at nag bbgay ng atensyon sa kanya? Nakkainis si kyle.. kunsbagay me mga taong attensyon seeker.

    I feel sorry for aki. Pra saakin e matuto na cia n move on. At kung saakin nangyari yun nung unang palang na nahuli q na me nilalanding iba ang nililigawan q e sasabihin q na 'nakita q kau n enjoy'.

    Maikli ang buhay. Wag sayangin sa mga gantong bagay. Pwede naman maging achiver na me positiv reason as a source. Tumatanda ka na aki. Lolz

    ReplyDelete
  19. I can't wait for the next chapters... ang ganda ng story..... nice work mr. crayon

    ReplyDelete
  20. I'm excited for the next chapters... Ang ganda ng story... nice work Mr. Crayon..

    ReplyDelete
  21. Mr. Crayon.. hangtagal nman ng next chapter,, please please post it na please.. hehehe i so love the new kyle ha.. hmmm dapat ako rin hahaha chubby kasi ako eh.. hehehe

    ReplyDelete
  22. kelan ang release ng new chapter.. excited na sa mga mangyayari.. ^_^

    ReplyDelete
  23. ang tagalllllll ng updates, nawala na ang excitement

    ReplyDelete
  24. hanggang kailan kaya ang mga patutsada ni aki, very very harsh na, nakakaumay na,si aki ba dito ang bida, akala ko si kyle, tama na kyle, patulan mo yang HAMBOG na CEO, sa book one, ang bait bait niya, pero ngayon sana pagsisihan niya ang ginawa nya kay kyle, sana bumaliktad na sa susunod na chapter .

    ReplyDelete
  25. hindi maganda ang mag bitter aki, please ibalik muna ang dating ikaw, nasusuklam na kami sa iyo. hindi namin gusto ang pagka overacting mo sa situation, maganda pa naman na lalaki , marami ka pang makikita.REVENGE IS NOT GOOD AKI, magalit si lord sa yo, baka lalo ka pang walang pag ibig, pagibig ba yan, kung talagang ganyan ka mamatay ka sa inggit if renz and kyle ay muling magkabalikan,HULI NA ANG LAHAT SA YO, BEH BUTI NGA SA IYO

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihihihihi... :)) naiinis nga din ako eh hahahaha

      Delete
  26. Update naaaaaa!!!!! Utang na loobbbbbbb!!!! Antagal na eh :'( i miss aki and renz na....

    ReplyDelete
  27. wala pa po bang update????? update update din pag may time... ^__^ can't wait kung anu pang mangyayari... ^__^

    ReplyDelete
  28. This story is soooo good! Ito lang ang natatanging series na inaabangan ko kaso sa sobrang tagal ng update nkkawala na ng interes. To you author i hope weekly ang pguupdate mo para nman mamaintain mo yung interest ng mga readers mo. Sa sobrang tagal kc nwwala na yung epekto ng story tuloy kelangan pang irecap yung past chapters para lng mrefresh yung happenings ng story. :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. that is so true.. readers can settle for one chapter for a week. not unlike this,, readers have to wait for 2-3 weeks for the next chapter.. it losses our excitement for the story. we dont know when will the next chapter be uploaded here..

      if the author do it every week with the date for the next chapter at least readers will surely wait for that in anticipation

      Delete
    2. ok po noted... hahahaha salamat vien.... :))

      Delete
  29. i'm dying to know what's next!!!! updat na, cge na. nagmamakaawa ako.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails