Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 21
(The truth will set you... free?)
[RD’s
POV]
Arjay
was so very frustrated.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin dahil
ramdam ko ang kanyang mga frustrations.
He don’t even sleep well, minsan lang
siya kumain and worst is, hindi na rin siya makausap ng ayos.
Nagkwento
siya about sa nangyari sa kanila noon.
Nag-aalala ako kay Alex pero hindi ko
naman maiwanan mag-isa si Arjay.
Natatakot ako sa maari niyang magawa.
Hanggang
ngayon kasi ay nararamdaman ko na mahal na mahal niya si Kieth.
Ako
naman, eto naninimbang sa ano ba dapat ang dapat gawin.
I was infatuated with
him dahil na rin siguro sa awa.
Naiinis ako sa sarili ko dahil mali pala itong
nararamdaman ko.
Nadala ako sa pagpapanggap namin at sa awa sa kanya.
Naintindihan
ko ang nararamdaman ko ng magkausap kami ng masinsinan.
Alam ko naman na hindi
niya ako magugustuhan pero bakit parang walang tama sa akin yun?
Bakit parang
masigla pa rin ako kahit sinabi na niyon paulit-ulit?
Siya
na ang nagsabi na wag ko na raw pagurin ang sarili ko sa paghahabol sa kanya.
Yung totoo, nag-aalala ako sa kanya at may pakialam ako sa kanya.
Mahal ko rin
naman siya pero siguro that’s not enough for saying na mahal ko talaga ng
lubusan.
Hidden
lang ang nararamdaman ko pero sa pagdaan ng panahon, natutunan ko na hindi pala
basta-basat ang nagmamahal.
I care for him at sinisigurado ko na tama na ang
desisiyon ko.
I was hoping for development.
“RD…”
nagulat na lang ako sa pagtawag niya
Naroon
ako sa kwarto niya at nakaupo sa may sofa sa loob nito.
Nanonood ako ngayon ng
TV.
Masaya naman ako at nagising siya ng maayos.
Ilang araw na din kasi na di
ayos ang pag tulog niya at ngayon lang siya nakakumpleto ng 10 oras na
pagtulog.
“Hey..
okay na ba pakiramdam mo?” tanong ko.
“Medyo…”
“Ikaw
kasi ayaw mong matulog ng ayos. Ni kumain ayaw pa nga eh.”
“Alam
mo naman na wala akong gana.” Sagot niya.
“Ang
dami mo kasing drama.”
Binato
niya ako ng unan at bigla siyang ngumiti.
“Edi ngumiti ka din.” Dagdag ko.
“Maswerte
si Alex sayo.” Sabi niya
“Oh
ano na naman tong conversation na to?” giit ko.
“Wag
mo ng itanggi.”
“Wala
naman akong itinatanggi ah. Susot lang. Sabihin mo selos ka lang talaga.”
“Bakit
ba ang swerte niya? Lahat na lang nasa kanya. Pero bakit ganoon na lamang ang
nararamdaman kong inggit? Okay na naman kami ah, pero bakit parang may natitira
pa ring inis sa dibdib ko?”
“Kasi
di mawawala yang galit sa puso mo hanggang nananatiling silang dalawa ni
Kieth.”
“Gusto
ko ng kalimutan si Kieth pero hindi magawa-gawa ng puso ko.”
“Nasa
isip mo lang yan… kapag nagkaroon ka ng determinasyon, saka yan mawaala. Think
carefully my dear.”
“Ano
bang meron kay Alex na wala ako?”
“Don’t
know…”
“Mahal
mo siya pero di mo alam.”
“Di
ko inamin ang nararamdaman ko sayo para gamitin mo laban sa akin…”
“Sungit
naman nito…”
“Eh
kasi naman kung sinasagot mo na ako edi di ka na nalulungkot…”
“Loko
ka talaga. At the first place, alam ko na siya ang mahal mo. You used to be
telling me these stories about him. He was your greatest super hero and blah
balh balh. Nawalan ka lang siguro ng pasensya kaya ibinaling mo sa akin.”
“Di
naman ako ganon.” Sagot ko.
“I
know. Just kidding.”
“Just
take a rest at kumain ka ng madami.”
“Nahihiya
ako sayo.”
“And
why?”
“Di
ako ang dapat nasa tabi mo…”
“Hey
just shut up.” Sabi ko.
“Bakit
di mo puntahan si Alex?”
“Baka
kung anong gawin mo. Mamaya pagbalik ko malamig ka ng bangkay jan.”
“Hoy
adik mo. Tingin mo talaga sa akin yung tipong nagsuicide ah.”
“Buti
alam mo. Nahiya ako bigla eh. Hahaha.”
“Promise
I will be okay.”
“Gusto
mo ba iuwi ko si Kieth para sayo?”
“Awww
Hard ka talaga. Batukan kita eh. Pang-asar pa?”
“Bakit
kasi di mo na lang tanggapiin na wala kayo.” Sabi ko.
Di
siya nakaimik agad kaya di na ako nagsalita pa.
Tumayo ako at inayos ang sarili
ko.
Pupuntahan ko si Alex.
Gusto kong malaman ang kalagayan niya.
Nag-aalala
ako sa nangyari sa kanya.
Alam kong okay na siya pero gusto ko pa rin siyang
Makita.
“Ikamusta
mo ako kay Alex…” sabi nito.
“Behave
ka lang dito…” sabi ko.
Isang
pilit na ngiti ang iginanti niya sa akin.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan
siya sa kanyang noo.
Alam kong nagulat siya sa ginawa ko.
Nakita ko ang pagtulo
ng luha sa kanyang mga mata.
Agad naman niyang pinahid ito at humiga na ulit.
Paglabas
ko ng kwarto ay agad kong naabutan na paakyat si tita papunta sa kwarto ni
Arjay.
Agad naman siyang nakibalita sa kalagayan ni Arjay.
Alam ko namang siya
ang pinaka-nag-aalala sa kanyang anak.
“Anong
balita sa kanya?” tanong nito.
“Ayos
na naman po siya, kagigising lang niya. Aalis lang po sana ako saglit,
pupuntahan ko po si Alex. Mukhang gutom na po si Arjay kaya kayo na po ang
bahala. Kwentuhan lang po kayo para di niya maramdaman na nag-iisa siya.”
Nakita
ko naman na medyo napanatag ang kanyang kalooban.
Nagpaalam na ako at nagtungo
na ako sa ospital.
Ilang araw na rin akong nakikibalita kila Jake at Charlene
at ang sabi nila ay nagising na daw si Alex.
Thanks God talaga.
Nakakahiya sa kanya.
Kaya kailangan kong bumawi.
Bago ako makarating sa ospital ay naisipan ko na
dalhan siya ng mga paborito niyang mga pagkain.
Sigurado akong matutuwa siya sa
aking mga dala.
Pagdating
ko sa kwarto niya, nakarinig ako ng mahinang tawanan.
Narinig ko din ang boses
ni Sir Rosales este ni Kuya Hamilton.
Agad naman akong kumatok at pinagbuksan
ako ni…
Ni Alex?
Bakit siya ang nagbukas?
“Hello.”
Bati ko.
Agad
naman siyang tumalikod at patuloy na nagpunta sa may kama niya.
Ni hindi niya
ako pinansin.
Hala, may galit ata to sa akin.
Ngumiti naman agad si Kuya na
ngayon ay nakahiga sa kama.
“Oh…
Buti napabisita ka.” Biglang sabi ni Alex.
“Ah
eh.. sorry ngayon lang ako napabisita… sorry yats…” sabi ko.
“Ewan.
Okay lang ako kaya wag ka ng mag-alala. You can go…” sabi niya.
“Ang
taray ng kapatid ko ah… sumusungit na ah. Mukhang meron ka ah.” Sabat ni Kuya
“Shut
up. Alis ka nga jan. ako ang pasyente ikaw nakahiga jan, baka isipin pa nung
isa jan hindi grabe yung aksidente ko. Hay buhay.”
“Ui
sorry na oh. Nagdala nga ako nito para peace offering.”
“Ilagay
mo na lang jan sa may table tapos umalis ka na.”
“Di
mo man lang ba ako pauupuin?”
“Magpapahinga
na ako eh.”
“Yats
naman oh.”
Di
siya sumagot.
Nagtatampo lang ito sa akin.
Hay naku.
Ano ba ang gagawin ko?
Tinignan
ko naman siya at mukhang ayos na naman siya.
“Aalis na ako…” sabi ko.
“Edi
umalis ka! Wag ka ng babalik ha!” sigaw niya
Kita
ko naman ang pagkatuwa ni Kuya.
Sumenyas siya sa akin.
Napangiti naman ako.
Nilapitan ko siya at tumabi sa tabi niya.
Tinaboy naman niya ako agad.
“Umalis
ka nga…” sabi nito.
Agad
ko siyang niyakap pero nagpumiglas siya.
Hinigpitan ko yung yakap sa kanya at
humiga sa tabi niya.
“Ano ba nasasaktan ako.”
“Yats
ko.. sorry na oh. May inasikaso lang akong importante.”
“So
di ako importante…”
“Importante
siyempe. Pero di ko maiwasan yun eh. Inassure ko naman na makakadalaw ako dito
eh.”
“Nakakinis
ka eh. Di man lang nagparamdam. Feeling ko tuloy wala kang pakialam sa akin.”
“Wag
mo ngang isipin yan batukan kita eh.”
“Ewan.”
Hay
galit pa rin siya.
kaya hinalikan ko siya bigla sa pisngi.
Naramdaman ko na
napatigil siya.
tumingin ako kay kuya at kita ko na nagpipigil siya ng kanyang
tawa.
Niyakap ko ulit siya ng mahigpit. Susulitin ko na to, minsan ko lang
magawa ito.
“Sorry.”
Nautal niya
“Bakit
ka nag so-sorry?”
“Eh
kasi sinigawan kita.”
“Alam
ko nagtatampo ka lang eh.”
“Eh
ikaw eh…”
“Sorry
na.”
“Akala
ko kinalimutan mo na ako. Araw-araw inaabangan kita. Ikaw nga
pinakaimportanteng kaibigan ko kaya di ko matanggap na kinalimutan mo ako.”
“Hahaha.
Ikaw talaga. Daig ko pa ang boyfriend mo kung makapag tampo ka ah.”
“Loko
ka. Mas malala kung boyfriend kita. Baka ihambalos ko lahat ng dala mo.”
“Matesting
nga. Hahaha. Tayo na kasi…” pagbibiro ko.
“Mukha
mo. Meron na akong napakagwapong boyfriend.”
“Mas
gwapo pa ako ah.”
“Itsura
mo.” Sabi niya
“Oy
tama na ang lambingan. Remember nasa harapan ninyo ako. Ipapa-DO ko kayo eh.”
“Wala
tayo sa school kuya.” Sagot ni Alex.
“Isusumbong
ko kayo kay Kieth eh. Lalo ka na RD.”
“Kuya
naman. Pagbigyan mo na muna ako oh. Please.” At nagtawanan kami.
“Oh
tama na yakap. Dumating pa yung mahal ko magselos pa yun.”
“Eh
ano naman?”
“Ewan
sayo. Dali na.”
“Yup
yup. Naglalambing lang eh.”
“Aysus.”
“Kamusta
na pakiramdam mo?” tanong ko.
“Okay
na naman ako. Feeling better. Lalabas na rin ako sooner or later.” Sagot niya
“Pag
gumaling ka na date tayo ah.” Sabi ko.
“date?”
tanong niya
“Oo
kapatid… binge lang? tsss. Pero teka, nagbabalak ka bang mag-apply bilang bayaw
ko?” tanong ni kuya.
“Shut
up kuya.”
“Aysus.
Nagblush ka naman bunso.”
“Kuya
nakakakinis na ah.”
“Joke
lang. mamaya kung ano pang magawa mo eh.” Sabay tawa.
“Easy
lang yats…”
“Ewan…”
sagot niya
Tumabi
ako sa kanya at inabutan siya ng pagkaing dala ko.
Agad naman niya itong kinuha
at kinain.
Pinagmasdan ko lang ang kanyang pagkain hanggang sa mapansin niya na
nakatitig ako sa kanya.
“Paano
mo naamin kay tita na bisexual ka?” tanong niya sa akin.
Nabigla
ako sa tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung paano niya naisip na itinanong
niya pero seryoso ang tono niya.
Nakatingin siya sa akin ngayon at nag-iintay
ng kasagutan.
Hinawakan ko ang kamay niya.
“Noong
lumipat at umalis kayo sa lugar na tinitirhan natin dati, inamin ko kay mama na
gusto kita. Sabi ko sa kanya na gusto kitang pakasalan. Nagalit siya sa akin at
pinag sabihan. Sabi niya nagkakamali lang daw ako ng pag-iisip. Di nagtagal, di
ko mapigilan ang paulit-ulit na isipin ka. Ilang beses din akong pinagalitan
nila mama at papa tungkol diyan. Kahit anong pilit nila, wala ring nangyari.
Kaya lumipat kami at inihanap niya ako ng mga kaibigan.”
Tandang-tanda
ko pa rin ang mga nangyari noon.
Kaya nga naging magkababata kami nila Kieth,
Jake at Arjay.
Di nagtagal nakalimot ako sandali sa mga panahong wala sa tabi
ko si Alex.
Pero yung nararamdaman ko, sa tingin ko hindi ako nakalimot.
“Pero
paano nila natanggap?”
“Ilang
taon after graduation tinanong nila ako about sa sexuality ko. Medyo kabado ako
pero inamin ko. Sabi ko na ganun na nga ako at wala akong magagawa. Ang hindi
ko alam, tinanggap ni papa ang pagkato ko dahil naka-fixed marriage ako kay
Arjay. Wala akong nagawa kundi ang pumayag. Nalaman ko na alam na nila ang
lahat nang tungkol sa amin nila Kieth kaya wala ng sikreto akong itinago.”
“Ah
kaya pala. Galit ba sila sa akin?”
“Hindi
naman. Tanggap na nila siguro kung ano ako. Pero alam ko naman ang kapalaran ko
para lang tanggapin nila ako.”
“Cheer
up tabs.”
“Yeah.”
“Pang
maalaala mo kaya pala yang kwento mo ah.” Sabat ni kuya
“Hahaha.
Naman kuya. Ganyan ako eh.” Sagot ko.
“Nako
hayaan mo yang si kuya. Inggit lang yan. Feel ko na susunod yan sa yapak
natin.” At nagtawanan kami.
“Ang
hard ni bunso. Asa pa. ako? Ilang babae na ang dumaan sa akin ano.”
“Pero
iniwan ka lang nila. Hay naku. Alam na. kasi naamoy nila na katulad ka namin.”
“Hahaha.
Adik mo bro.” sabi nito.
“Biro
lang kuya.”
“Wala.
Ganyan ka eh. Kow. Matapos kitang tulungan noon na umamin kila mama.”
“Oo
na. sige na ako na. makapag threathen ka naman wagas.”
“Tol,
labas lang ako. Need ko lang bilhin yung inuutos ni mama para naman pag balik
nung loviduds mo eh diretso uwi na lang ako.”
“Gueh
ingat ka.” Sabi nito.
Naiwan
naman kaming dalawa ni Alex at nagpatuloy ang pag-uusap naming dalawa.
Tumayo
ako at hinarap ang bintana.
Nanaig ang pananahimik sa buong kapaligiran.
“Masaya
ka ba ngayon?” simula kong tanong.
“Yup.
Very happy.”
“I
hope mag tagal kayo ni Kieth.”
“Wag
mong sabihing magtagal. Sana din a kamo kami magkahiwalay.” Tinignan ko siya at
nakangiti.
“Dami
ng nagbago talaga sayo ano. Punong-puno ka na ng pag-asa.”
“Thanks
to Kieth. Alam mo simula noong mawala si Blake sa akin, akala ko wala na ako.
Akala ko hindi na muling tatakbo ang buhay ko. Blake is my life afterall, nung
namatay siya, namatay na rin ang pag-asa kong sumaya. Pero dumating si Kieth,
siya ang nagdugtong ng panibagong buhay ko. Then afterwards, dumating ka at
dinagdagan mo ang kulay sa buhay ko. Dahil sa mga kaibigan ko, naging okay ako,
naging matatag ako kaya wala na akong hihilingin pang iba.”
“Ang
swerte mo pala. Pero pasalamat ako na okay ka na. pasalamat ako at hindi ka
pinabayaan ni Kieth. Kapag sinaktan ka niya sabihin mo lang at bubugbugin ko
siya. hindi ako papayag na saktan niya ang mahal ko…” at napatigil ako.
Nakita
ko ang pagbabago ng mukha ni Alex.
“Mahal kong kaibigan…” at ngumiti ako.
I
wonder why I stuck with this love of mine.
A puppy love that exist until now.
Bakit parang umaasa ako na somehow mapansin ako ni Alex.
Na sana ako na lang at
wala ng iba pa.
Gusto
kong umiyak pero hindi ko magawa sa harapan ni Alex.
Ako rin naman ang may
kagagawan kung bakit hindi kami ngayon.
Kung sana ginawa ko lang yun, marahil
magkasama kami ngayon ni Alex.
“Inaantok
ako…” sabi bigla ni Alex.
“Sige
tulog ka lang. ako muna ang magbabantay sayo…”
“Ikaw
na bahala jan…” at ngumiti siya.
30
minuto makalaipas ang pagtulog ni Alex ay dumating si Kuya.
Dala na nito ang
mga pinamili niya mula sa palengke sa baba.
Kasunod naman nito si Kieth na may
dalang mga gamit at marami pang iba.
Kita
ko ang pag-iiba ng kanyang mukha simula nang makita ako.
Binati ko siya at
tango lang ang kanyang sinagot.
“Wag
kayong magsusuntukan dito ha…”
“Tsss.”
Sagot ni kieth.
Ngumiti lang naman ako.
Ilang
sandali lang ay tumingin sa akin si Kieth at nagyaya na lumabas kami.
Ano bang
balak nito?
Unang lumabas si Kieth at sumunpd ako.
Agad namang humarang sa
daraanan ko si Kuya.
“Ei…
anong gagawin ninyo?”
“Mag-uusap
lang kami,.”
“Lagot
ako sa kapatid ko pagnagkataon.”
“Mag-uusap
lang kami promise.”
“Wala
akong tiwala sa inyong dalawa eh…”
“Ayokong
magalit sa akin si Alex.”
“Sige…
bilisan ninyo ah…”
Agad
naman akong lumabas at nakita kong nag-aabang sa akin si Kieth sa may pathway.
Agad naman niya akong pinasunod hanggang sa makarating kami sa may Garden.
“Kamusta?”
bungad niyang tanong.
“Okay
naman. Ikaw ba?” pormal kong sagot.
“Masaya.
Okay din naman. Si Arjay?” tanong niya
“Di
siya okay ngayon. Ayaw kong magsinunangaling sayo gaya ng sinabi sa akin ni
Arjay. Depressed na depressed siya sa mga nangyayari.”
“Hindi
ko alam ang dapat kong gawin.”
“Hayaan
mo lang siya. wag na wag mo siyang lalapitan para ma-over come niya yung
depression niya. Narito naman kami para sa kanya. Hindi namin siya pababayaan.
Hangga’t naiisip ka niya, hinding-hindi siya matatahimik.”
“Salamat
at nanjan ka.”
“ingatan
mo ang bestfriend ko.”
“Bestfriend?”
“Si
Alex. Magkababata din kami. Siya yung kinukwento ko sa inyo dati.”
Bigla
naman siyang natahimik at pansin ko ang pag-iiba ng kanyang mukha.
“May problema
ba?” tanong ko.
“May
naalala lang ako.”
“Ano
yun?”
“Siya
kasi ang kababata na sinasabi mo diba? Ibig sabihin siya rin yung gusto mong
pakasalan.”
Tunay
nga na matalino tong lalaking nasa harapan ko.
Mapagmasid at madiskarte sa
pag-iisip.
Napabuntong hininga na lang ako bago ko sagutin ang kanyang
katanungan.
“Yeah
siya nga. Pero mga bata pa kami noon at wala pang mga pag-iisip.”
“I
wonder lang. Mamaya kasi agawin mo na naman siya sa akin.”
“Don’t
worry, safe ka sa akin ngayon.”
“I
can’t be sure. After all ramdam ko na may gusto ka sa kanya.”
“Stop
this nonsense. Wag kang gumawa ng issue.”
“Don’t
worry, I can manage. Hinding-hindi naman ako ipagpapalit ni Alex. May tiwala
ako sa kanya kaya kampante ako.”
“Salamat
sa pagmamahal mo sa kanya. Salamat at ibinigay mo ang kailangan niya.”
“Don’t
be, dahil gusto ko ang ginagawa ko. Mahal ko si Alex at lahat ng pagmamahal ay
ibibigay ko sa kanya.”
“Wag
mo siyang sasaktan kundi…”
“Hinding-hindi
ko siya sasaktan. Hinding-hindi ko rin siya bibitawan at mapunta sa kamay ng
iba. Kaya kung may balak kang agawin siya sa akin, good luck.”
“Masyado
ka atang nakakampante.”
“Ganyan
ang buhay.”
“Yung
sinabi ko tandaan mo ah.”
“Alin?”
“Yung
kay Arjay.”
“Gusto
ko lang sana siyang kamustahin.”
“Kapag
nakita ka niya, panibagong disaster na naman yun sa buhay niya.”
“Magkikita
rin naman kami sa school eh.”
“Mas
mabuting doon na lang kayo magkita.”
“Mas
mabuti nga.”
“Sige
aalis na ako. Binisita ko lang naman si Alex. Babalik rin agad ako kay Arjay.
Nangako din naman kasi ako eh.”
“Teka…
may alam kaba tungkol kila Arjay at Alex?”
“Anong
tungkol sa kanila?”
“Ah
wala. Sige sige.”
“Okay.”
“Ingat
ka pre…”
“Sorry
nga pala ulit.” Sabi nito.
“Naiintindihan
ko na ngayon ang mga nangyayari.”
Agad
naman akong umalis at nagmadaling bumalik sa bahay nila Arjay.
Naabutan ko siya
na kumakain sa may dinning area kasama sila tito at tita.
Mukhang bumalik na si
Arjay sa ayos ah.
“Kamusta?”
batik o kay Arjay.
Agad
naman siyang tumayo at yumakap sa akin.
“Buti at nandito ka na. Dig in.” pag
yaya niya
“Sige
lang busog pa ako.”
“Mukhang
okay na kayo ah.” Sabat ni tito Ralph.
“Hindi
naman po kami nagkagalit or what tito.”
“Pero
I’m looking forward na magkaayos kayo. Na magkabalikan kayo.”
“Pa…”
biglang sabat ni tita
“Im
just hoping pero di ko naman kayo pinipilit. I have better plans to do.”
Di
na lang naming pinansin yun at hinayaan kong kumain si Arjay.
Umupo naman ako
sa may living area at nanood ng TV.
Hihintayin ko na lang ditto si Arjay.
[Alex’s
POV]
At
last, makakalabas na rin ako.
Ang tagal kong naghintay na makalabas dito at sa
wakas. Haixt.
Namiss ko bigla yung bahay namin.
Okay
na naman ako.
Wala na akong mga sugat na malalaki at tanging mga konting peklat
na lang at mga gasgas ang natira.
Okay na rin naman ako at within the 2 days
pwede na rin daw akong pumasok.
Pwede
na rin daw akong hindi kumuha ng final exams since okay na rin naman daw ang
grade ko.
Pero pinag-iisipan ko na lang din naman kung kukuha pa ba ako or
hindi na.
Baka kasi di sapat yun para sa scholarship na hinahabol ko.
“Ready
ka na ba umuwi mahal ko?” tanong ni Kieth.
“Yup.
Excited na nga ako eh.”
Niyakap
ko siya ng mahigpit at pinapak ng halik sa mukha. Agad na namang kumontra ang
panget kong kuya.
“Mamaya
na yan sa bahay.”
“Hahaha.
Oo na kuya. Medyo mahaba-habang araw ang ginugol niya dito sa ospital kaya
marami siyang kailangang punan sa akin.” Sagot ni Kieth.
“Magsama
nga kayo. Parehong pareho ang pag-iisip ninyong dalawa eh.”
“Hahah.
Ah baka hindi na bumalik sayo si Kieth kapag nagsama kami. Masasarapan siya sa
akin.”
“Wow
ha. Hinding-hindi mangyayari yon.”
“Selos
ka naman agad.”
“Oi
kayong dalawa bilisan na ninyo. Dito ko kayo patitirahin eh.”
“Ma
naman.”
“Magpapatayo
na ako ng kwarto dito eh gusto mo Alex?”
“Joke
lang mama. Si mama naman kasi eh.”
“Lapitin
ka kasi sa aksidente eh kaya gagawa na ako ng paraan.”
“Last
na to promise.”
“Siguraduhin
mo lang anak.”
“Opo.”
Agad
naman akong lumapit kay Kieth at inangkla ang mag kamay sa matitipuno niyang
braso.
Hinawakan ko ang isa niyang kamay.
“Tara
na sa baba.” Yaya ko.
“teka
nagbubuhat pa ako.”
“Hayaan
na natin si kuya kaya na niya yan.”
“Ikaw
talaga. Sige tara na nga. Pero bubuhatin ko lang to last na.” sagot niya
“Tulungan
na kita.”
“Wag
na kaya ko na ito at isa pa baka mapaano ka pa.”
“Masyado
niyo ang binababy.”
“Siympre
baby kita eh.”
Hinalikan
niya ako saka siya lumabas ng kwarto.
Agad naman akong sumundo sa kanya
papuntang baba.
Ilang
sandali lang ay naiayos na namin ang lahat ng aking gamit at dumeretso sa may
bahay namin.
Katabi ko ngayon si mama at si Kieth.
Pinagpasyahan ko munang
matulog pero napansin ko na parang pagod na pagod si Kieth.
“babe….
Tulog ka muna.” Sabi ko.
“Ayos
lang ako.”
“Araw-araw
napupuyat ka pagbabantay sa akin. Ngayon hayaan mo naman na bumawi ako.”
“Ang
sweet naman ng mahal ko.”
“Sige
lang.”
hinawakan ko ang kanyang mga kamay at hinayaan lamang siya na matulog sa
aking balikat.
Ilang
minuto lang din ay nakarating kami sa bahay namin.
Pero napansin ko agad ang
isang sasakyan na nakaparada sa harapan ng bahay namin.
Agad
ko namang napansin na naging balisa si mama sa kanyang mga kilos.
“Anak dito ka
lang.” sabi ni mama
Himbing
pa rin ang tulog ni Kieth, sobrang pagod ata talaga ang mahal ko.
Agad namang
itinigil ni kuya ang sasakyan at bumaba silang dalawa.
Pinanood ko na lang
silang dalawa.
Mula
sa di kalayuan ay naaninag ko si Tito Ralph.
Ano bang mayroon sa kanya at
paulit-ulit ko siyang nakikita?
Habang
pinapanood ko sila ay parang nakikita ko na may problema.
Nagsisigawan sila at
hindi na ako mapakali.
Agad namang nagising si Kieth at nagtanong sa
nangyayari.
“Babe
anong meron?” tanong nito habang nagkukusot ng mata.
“Si
Tito Ralph eh, nakikipagsigawan kila mama. Baba lang ako para tignan.” Sabi ko.
“Babe
dito ka lang…” sabi niya
“Pero
babe si mama eh.”
“Alam
ko sasabihin ng mama mo na dito ka lang. ayaw ka niyang masyadong maapektuhan
sa nangyayari.”
“Need
ko talaga.”
“Sige
na nga sasamahan kita.”
Lumabas
kaming dalawa at nakita ko ang pagbabago ng mukha ni Tito Ralph.
Unti-unti
siyang lumapit sa akin at nagsalita.
Pinipigilan siya ni mama pero hindi niya
ito mapigilan.
Si kuya naman ay
hinarangan ito.
“Umalis
ka diyan!” sigaw nito.
“Hindi
ako papayag!”
“Umalis
ka diyan sa harapan ko dahil kukunin ko ang ANAK ko!” sigaw nito.
Anak?
Sinong anak?
Napatingin naman ako kay Kieth.
Anak ba niya si Kieth?
Kaya ba
pinaghiwalay niya si Arjay at si Kieth dahil magkapatid ito?
“Tatay
mo ba si tito Ralph?”
“Hindi.”
Sagot niya
“Anak…
Alex anak…” biglang sigaw ni tito Ralph.
Ako?
Anak daw niya ako?
Ha?
“Ako?” nautal ko
“Alex
tara na…” sabi ni Kieth.
“Hindi…
teka.. may sinasabi si Tito Ralph…”
“Kieth
ilayo mo na dito si Alex… Kieth!” sigaw ni mama.
Kinuha
ni Kieth ang kamay ko pero nagpumiglas ako.
“Teka lang!” sigaw ko.
Bakit
nakaramdam ako bigla ng inis?
Di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla
akong nakaramdam ng ganito.
“Teka…
ako anak po ninyo? Baka ho nagkakamali lang ho kayo. Umalis nap o kayo dito.
Nakakhiya nap o sa mga kapit bahay…”
bakit ganito ang salita ko?
Bakit pilit
kong pinapanatag ang sarili ko.
“Anak
kita. Alex anak kita…”
“Pasensya
na ho ah pero mali talaga kayo ng inaakala. Umalis na po kayo…”
“Tito
umalis na po kayo.” Sabi ni kieth.
“Hindi
ako aalis dito hangga’t hindi ako tinatanggap ng anak ko.”
“Nagkakamali
po talaga kayo. Si Arjay ang anak ninyo. Siya po! Nagka-amnesia po ba kayo?
Umalis na po kayo.”
“Anak
ko kayo pareho! Itanong mo pa sa mama mo!”
“Ma?”
Hindi
siya nakasagot.
Hanggang sa maya-maya ay nakarinig ako ng mga hikbi sa aking
likuran.
Pamilyar sa akin ang paghikbing iyon.
“Anak?
Anak mo rin pa si Alex?”
Napatingin
kaming lahat at nakita ko si Arjay na umiiyak.
(Itutuloy)
hihihih love it!! eto na yun mukhang mahihirapan dito si alex at arjay haist sana naman magkayos din sila after. :)) thank you sa update haist minsan mahirap harapin ang katotohanan pero ito din yung bagay na nagpapalay satin kahit masakit sa umpisa pero eventually magiging ok din ang lahat. :)
ReplyDeletesalamat ulit.
heheheh. maraming salamat po.. pagbubutihan ko talaga ang pagsusulat ko para sa inyo. :))
Deletenakaka exicte hihintayin ko ang next update... nice tol
ReplyDeletemaraming salamat po. :))
DeleteWow ganda excited nko s nxt chapter tagal p ng saturday..,,magkakaalaman na malalaman na nila Alex at Arjay na magkapatid cla ..,amazing story ehehe
ReplyDeleteJulmax
heheheh. salamat po. :))
DeleteKilig sa umpisa at drama sa huli...nice chapter dylan. Tnx sa update
ReplyDeleteRandzmesia
para masaya po. heheheh salamat po sa comment. :)
Deleteexciting na ang susunod na chapters, yeahhh!
ReplyDeletehaizt, ayan na ang major, major problem. sana malampasan nila pare pareho. nice dylan.
ReplyDeletesalamat po. heheh :)
ReplyDelete