PREVIOUS 4 PARTS:
PART 20 AND 21 PART 22 AND 23
Author's Note:
Pasensya na po sa delay, nagbakasyon at may pasok na kasi ang magandang si ako.. Sana'y maunawaan niyo.. Maraming salamat po kay Andy, sobran maraming thank you po. :3 You inspire me HAHAHA :D Thank you rin po sa mga nag-comment sa nakaraang chapter :D
Maikli lang po ito, kasi hindi ko na kinompile ang dalawang chapters :D
When He Says.. Were Chasing the Word ‘Forever’
Mabilis tumakbo ang araw kasabay ang oras, isang linggo na ang nakalipas nang magpakamatay si Evo.. Hindi gingulo ni JP si Kristen, Masakit man kay JP ay kailangan niyang hindi pansinin si Kristen. Si Evo naman ay masaya dahil katabi nito ngayon ang asawa sa kanilang kama, hindi niya inaakalang mapapatawad siya nito.
“Mahal na mahal kita.” Ang sabi ni Evo sabay himas sa buhok ng asawa.
Kinabukasan ay araw nanaman ng eskwela kaya nagmamadali silang bumangon, Ikatlong linggo na ng Nobyembre, Halos 1 buwan at kalahati na silang mag-asawa..
KRISTEN’S SIDE:
Masaya naman ako sa piling ng asawa ko pero hindi ‘nun maalis ang guilt ko sa sarili ko at sa mga ginawa ko, pinagsisihan kong sinagot ko pa nun si JP, alam kong mali na bumalik kay Evo pero ayokong mawala ang taong mahal na mahal ko.
“Tss, ang lalim nanaman ng iniisip mo, wag mo nang isipin ‘yun ok.? Ako na ang kakausap kay JP.” Paninigurado sa’kin ni Evo habang sinusuot ang uniporme nito, sinabayan niya pa ito ng paghalik sa aking noo, simbulo na magtiwala lang.
Halos isang linggo na rin kaming walang pansinan, marahil ay pansin na niya na nagkabalikan na kami ng asawa ko, hindi ko siya malapitan, hindi ko alam kung paano ako hihingi ng sorry.
“Halika na, male-late na tayo.” Sabi niya.
Lumabas na kami ng Condo at nakapunta na kami sa School, wala pang traffic dahil umaga pa lang ‘nun. Pagpasok namin ng school ay kokonti pa lang ang tao at inaantay ang bell para sa Flag Ceremony, Lumalamig na din ang panahon dahil malapit na ang buwan ng Disyembre.
Nakita ko ang mga bakla na parang ang saya-saya nila, bakit hindi na nga ba katulad ng dati.? I mean hindi ko magawang maging masaya..
“Bakla, aga natin ah.” Sabi ni Paula at busy sa pagkalikot nito sa Cellphone.
“Hi Evo.!” Bati naman ni Sheila, ngumiti lang si Evo at nagpaalam sa’kin na pupuntahan niya lang daw sila Lyndon.
Maya-maya pa ay nag-bell na, Sabay-sabay kaming pumunta sa first subject namin, wala pa rin akong nakikita kahit anino ni John Paul, hindi ko alam bakit nga ba ‘ko masyadong guilty.. Lumipas ang 3 oras at natapos ang tatlong subject, break na ngayon kaya kasama ko si Evo sa Canteen.
“Bakla, wag mong damdamin ang mga nangyari, Wala kang kasalanan.. Si JP ang may gusto ‘nun.” Sabi ni Sheila at kumagat sa burger nito.
“Oo nga bakla, ang daming nagbago sa’yo ang tahimik mo na, Parang hindi na ikaw yung Kristen na kaibigan namin.” Sabi naman ni Paula, nginitian ko lang sila ng pilit.
“Hayyy Evo Patrick Yu, ano bang ginagawa mo sa asawa mo.?” Sabi ulit ni Paula.
“Hindi ko rin alam, pero ipaglalaban ko kay JP ang relasyon namin.” Sabi ni Evo.
“Wala namang kasalanan si Evo dito mga bakla kayo.!” Sabi ko sabay ngumiti, alam kong alam nila na hindi maganda ang mood ko kaya wala ng sumagot sa sinabi ko.
Natapos ang pagkain namin at naramdaman ko na parang sasabog na ang pantog ko.
“Magc-CR lang ako.” Sabi ko at tumayo.
“Sama na ‘ko.” Sabi ni Evo na akmang tatayo na pero pinigilan ko.
“Mukha kang tanga Evo, kaya ko na mag-isa.” Sabi ko, umupo na lang siya ulit at pinayagan na ako.
Dahan-dahan akong naglakad patungong CR at nung malapit na ‘ko sa tabi ng Garden ay nakita ko si JP na mukhang malungkot at hindi mawari ang nararamdaman.
“Je—JP.?” Tanong ko, at pagkatapos ay tumigil sa paglalakad.
“Kristen.” Seryoso ang boses nito.
“Uhmmm.” Wala akong mahagilap na salita, hayyy nakakaloka na.
“Mag-usap tayo.” Sabi niya sabay hatak sa’kin.
“Teka JP, saan mo ‘ko dadalhin.?” Tanong ko sa kanya.
Hindi niya ako sinagot bagkus ay bigla niya na lang akong binalibag sa kotse niya, hindi niya dala ang bike niya ngayon. Kinakabahan ako sa nangyayari kaya agad kong kinuha ang cellphone ko, tatawagan ko sana si Evo. Nag-ring ito ng isang beses pero kinuha ito ni JP, pagkatpos ay binuksan nito ang bintana at binato ni JP ang cellphone nito sa labas.
“Shit! JP, ano bang gusto mo.?” Sabi ko sa kanya, at pinapalo ang braso niya.
Natigil ako dahil alam ko kung nasan kami, sa Village ito nila Evo.. Pero bakit ganun ang nararamdaman ko, naghahalo ang takot ang saya at ang kaba. Tumigil ang kotse at nakita ko kung nasaan kami, nasa PLAYGROUND kami ng Village.
“Alam mo, pag kasama kita.. Iba ang nararamdaman ko.” Sabi ko habang katabi ang isang bata.
“I feel that too Tenten.” Sabi nung bata habang nakatingin ng diretso sa mata ko.
“Hoy, parang kayo lang ang -----.”
”AHHHHH.” Napahawak ako sa ulo ko at napaupo ako sa damuhan ng playground.
Marahas akong hinila ni JP habang nakaupo ako sa damuhan, tirik na tirik nun ang araw kaya damang-dama ko ang init ng lupa, sinasabayan pa nito ang sinag ng araw. Dinala niya ako sa parang abandonadong maliit bahay (parang guard house lang.) sa mismong playground, sira sira at walang pintura ito, kung titignan mo sa gabi ay siguradong matatakot ka..
“Magaling Pinsan.” Tumingin ako kung sino ang nagsalita…
“Roxanne.?” Sabi ko, akala ko ba maayos na kami nito.
Hindi ako makapalag dahil itinali ako ni JP sa upuan sa loob ng bahay.. Masakit sa likod, sobrang higpit ng pagkakatali..
“Ako nga my Dear, miss me.?” Sabi nito at humalakhak na parang demonyita.
“Bakit mo ‘to ginagawa Roxanne.?” Sabi ko at tumulo ang luha.
“Wala lang My Dear, para naman may Thrill diba.?” At tumawa nanaman ito na parang demonyita.
Umalis ito sa harap ko at sinabihan nito si JP na siya na muna ang bahala. Tinitignan lang ako ni JP habang lumuluha. Mga hikbi ko lang ang naririnig sa buong lugar.
“Ano bang gusto mo JP.?” Tanong ko sa pagitan ng paghikbi.
Lumapit ito sakin at hinawakan ng mahigpit an magkabila kong pisngi at siniil ako ng halik. Marahas ang halik na iyon, masakit… Halos kagatin niya ang dila at labi ko..
“J—P.” ang tangi ko na lang nasabi at hinalikan niya nanaman ako.
Matagal niya kong hinalikan hanggang maubusan kam ng hininga, humihigal kaming dalawa sabay sa paghinga ay isa-isa nanamang tumulo ang luha ko, bakit niya ba kasi ‘to gingawa.
“JP, bakit JP.?” Tanong ko sa kanya.
“Mahal lang kita Kristen.” Sabi niya at binigyan ako ng smack sa lips.
Hindi ko alam, traydor nanaman ba ‘ko.? Hindi ko naman ‘to sinasadya, hindi ko ‘to gusto.
“Alam mo naman JP na hindi kita mahal.” Sabi ko.
Hinalikan niya ulit ako, maya-maya ay bumaba ang halik nito sa leeg ko.. Hindi ko siya mapigilan sa mga ginagawa niya, pero hindi ko na rin mapigil ang init sa nagaganap sa’min. Hinubad niya ang suot na T-Shirt at nakita ko ang magandang katawan niya.
”Pero dahil sa’yo Kristen natuto ako sa salitang pagmamahal. Para kang libro na hindi kong pagsasawaang basahin, ikaw lang at tanging ikaw lang ang pagbibigyan ko ng buo kong atensyon kahit na buhay ko ibibigay ko sa’yo.. That’s how I loved you. I promise you that I’ll spend my lifetime with you every single second of forever…”
Natauhan ako sa ginagawa namin at pilit akong kumakawala, naisip ko ang pangako ni Evo.. Kung gaano niya ‘ko kamahal at kami lang hanggang dulo.
Unti-unting bumukas ang pinto at nakita ko ang galit nag alit na mukha ng asawa ko.
“Evo.” Bulong ko.
Maya-maya ay pumasok si Roxanne, at isang lalaking parang bouncer..
“Very Good, complete attendance na kayo.” Nagulat na lang si Evo ng hawakan siya nito sa magkabilang kamay at naglagay sa likod ko ng isang upuan at itinali siya, mas lalong humigpit ang pagkakatali.
“Hayop ka Roxanne.” Sabi ko ng pasigaw.
“Bakit baby akala mo kayong dalawa lang.?” sabi nito at nag-snap sa harap ng bouncer nito.
Lumapit ang bouncer kay JP..
“Shit, ano to insan.?” Sabi ni JP at nagpupumiglas, pero hindi siya makakawala at naigapos ang kamay niya sa likod.
“Bagay lang sa’yo ‘yan John Paul Montederamos.” Sabi ni Roxanne, at nakita kong tumulo ang luha nito sa mata.
Bakit kaya.? Lumapit si Roxanne kay JP na nakatayo sa tabi ko at nakagapos ang paa at kamay. Sinampal niya sa right cheek si JP ng sobrang lakas..
“Ahh shit tangina ano ba kasalanan ko sa’yo.?” Sabi ni JP.
“Hindi mo alam.?” Sagot niya na sobrang lakas at sinampal naman siya nito sa left.
“Tangina, ano bang problema mo.?” Sabi ni JP na nagpupuyos na sa galit.
“Kilala mo pa ba si Dustin.?” Tanong ni Roxanne sa kanya.
Hindi nagsalita si JP at parang alam nito at kilala nito ang sinabi ni Roxanne.
“Bakit mo pa sila kailangang idamay.” Sabi ni JP kay Roxanne.
Inilabas ni Roxanne ang baril nito sa bulsa niya, at itunutok sa akin..
“Shit Roxanne, itigil mo ‘yan.” Sabi ni JP.
“Fuck.!” Sabi naman ni Evo ng lumingon ito sa akin at nakita niya ang baril.
Itinuro ni Roxanne si Evo, lumapit ang bouncer at ipinatayo din si Evo, naiwan lang akong nakaupo duon.
“Itigil mo ‘yan Roxanne, Tangina.” Sabi ni JP at nagpupumiglas.
“Bakit ko ititigil.?, nawala sa’kin ang pamilya ‘ko.. Siguro ito na lang taong mahal mo.?” Sabi ni Roxanne.
“Shit itigil mo ‘yan, you bitch.” Sabi ni Evo..
Pero lalo pang itinutok ni Roxanne ang baril sa’kin, ninenerbyos ako sa mga nangyayari, ‘Diyos ko, kung oras ko na po.. Tanggap ko na po ito.’
EVO’S SIDE:
Were on the situation na kailangan maging matapang ako, katulad dati pag nandito kami sa playground nuon, I’m not afraid na masugatan since andyan ang lakas ko.. Si Kristen.. Nakuha ko sa likod na bulsa ng pantalon ko ang maliit na cutter, ito sana ang gagamitin ko kanina..Sabi kasi ni Roxanne ni kinuha nga daw ni JP si Kristen kaya nagdala ako ng cutter, hindi ko nga alam kung bakit ito ang dala ko.
Unti-unti kong nilapit ang cutter sa tali na nasa likod ng kamay ko, natatamaan nito ang kamay ko at nararamdaman kong may tumutulo dito, mahapdi pero nararamdan kong unti-unting lumuluwag ang pagkakatali hanggang sa matanggal ko na ito.
Nakatingin sa akin si JP, si Roxanne naman ay lumabas muna pero nandito yung alalay niya.. Hindi muna itinuloy ni Roxanne ang pagbaril kay Kristen, gusto niya daw na uunti-untiin niya para mas lalong masaktan si JP.
Hindi ko alam kung bakit kailangan naming madamay dito ng asawa ko.. Gusto ni Roxanne na dalawa kaming masaktan.. Hindi niya lang alam kung gaano ko kamahal si Kristen, baka mapatay ko siya..
Si JP naman ay nakatingin sa tumutulong dugo sa kamay ko.. Unti-unti akong lumapit sa kanya at nagkukunwari pa rin akong may tali, ang alalay naman ni Roxanne ay naninigarilyo sa tabi ng pintuan.. Kinindatan ko si Kristen at mukhang alam na niya kaya hindi na lang siya nagpapahalata.
Iniabot ko sa kanya ang cutter ko, nangigigil siyang tinatangal ang tali niya sa kamay, hindi niya pa magalaw ang paa niya dahil nakatali din ito.
Gumalaw at tumingin naman sa’min ang alalay ni Roxanne kaya natigil kami sandal, nakita kong tinignan lang kami nito at umismid, bumalik naman ito sa pagyoyosi makalipas ang mga 3 minuto.. Sa wakas ay natanggal na ni JP ang nasa kamay nito.
**
Nakalagan si Kristen ni Evo ng walang kamalay-malay ang alalay ni Roxanne, Si JP naman ay nakatali pa rin ang paa nito pero nakalagan din siya ni Evo ng mabilis.
Bigla na lang bumulaga si Roxanne sa Pintuan at nakatutok ang baril kay Kristen. Tatakbo na sana si Kristen pero napigilan siya ng alalay nito na nasa pintuan..
“Gusto niyo ng laro.? Sige total naman ay lumubog na ang araw ay tapusin na natin ito sa playground.
Hawak ni Roxanne si Kristen na ngayon ay nakatali na ulit ang kamay ganuon din si JP at Evo na hawak naman nung alalay nito.
“Gusto kong makita sa mga mukha niyo ang sakit ng mawalan.” Sabay tutok nito sa nakaupong si Kristen isang metro ang layo kay Evo at JP… May mga pasal sila sa bibig kaya halos walang makasigaw
“TAPUSIN NA NATIN ‘TO.” Biglang pumutok ang baril.
Nakakawala si JP sa pagkakahawak sa kanya at sinalag ang bala na dapat sana ay kay Kristen, natumba naman si Kristen sa pagkakaupo nito at tumama ang ulo sa malaking bato..
“ROXANNE.” May sumigaw na lalaki sa likod.
Sinamantala ni Evo ang pagkakataon at tinuhuran ang lalaking alalay ni Roxanne, umimpit ito sa sakit.. nakalapit siya kay Kristen at JP na ngayo’y parehong duguan.
“Dustin.?” Tanong ni Roxanne na hindi makapaniwala, maya-maya pa ay tumunog ang sirena ng pulis.
Si Evo naman ay Hinawakan si Kristen at inaalog alog ang mukha nito, si JP naman ay nakahawak sa Braso nito na may daplis ng bala.
“Kristen, Kristen.. Babe please gumising ka naman.” Sabi ni Evo at isa-isang tumulo ang luha.
“Sabi mo gusto mo pang magka-baby pa tayo.?”
“Kristen please.” Sabi ni Evo at niyakap si Kristen.
Si JP naman ay natulala, hindi niya alam na aabot sa ganito ang lahat, tumulo na lang din ang luha niya habang dinadama ang hapdi ng daplis ng bala sa braso nito.
“Sabi mo ikakasal pa tayo ulit.?” Sabi ni Evo ulit na ngayon ay parang hysterical na.
“Please Kristen, please.” Sabi ni Evo at niyakap na lang si Kristen.
N/N:
Alam ko pong hindi ako magaling sa action scenes pasensya na po :3
#TragicEndings
Waa..nabitin ako....
ReplyDeleteHAHAHA :D salamat po sa comment ! :)
DeleteNapakaganda ng story, yung flow ay hindi nakakalito at talagang aabangan mo. Bawat character kumikilos, walang napag iiwanan...May tanong lang ako, 1st time mo nga lang ba talaga nagsulat, kasi parang hindi gawa ng 1st timer eh....Sa totoo lang hindi boring basahin, kaabang abang ang bawat scenario, ang ganda talaga grabe....Kung irerate kita 99.9% ka, kasi nakukuha mo yung attensyon ng bawat mambabasa....iba talaga tong story na to...all i can say is FABULOUS...two thumbs up...just keep it up....
ReplyDeleteYes, my first time in writing long story pero po may mga nasulat na ko na teen fiction romance , straight stories bago ko po 'to nagawa :) HAHA grabee sobra po akong na-flatter :) Maraming Salamat Po ! :)
Deletekilig much...hehehehe
DeleteOk nman medyo kulang pa sa aksyon hehe...tnx sa update
ReplyDeleteRandzmesia
Hehehe sorry po , hindi po kasi ako palanuod mg action films HAHAHA :D ayaw ko nun eh ! salamat po sa comment !
DeleteCute tlga ne Evo, pakasal uli at ggwa tlga ng baby hehe
ReplyDeletePro knakabahan ako k Kristen kc tumama ulo nya sa mlaking bato, what if???? wag nmn po sana ;)
AtSea
What if mamatay ? HAHAHA :D JK salamat po sa comment !
Delete