Followers

Monday, August 5, 2013

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala 13

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 13: Happy Birthday
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION


Sa kabuuan masasabi kong naging napakasaya ng 1st semester ko. Ang sarap ng pakiramdam na bukal sa loob ko na mag-aral ng mabuti at isiping ilang buwan na lang ay g-graduate na ako. At lahat ng iyon ay ipinagpapasalamat ko kay Paul at Louie, kung hindi ko siguro sila nakilala ako pa rin yung dating Christian. Si Cristian na pasaway, sakit sa ulo, mahilig sa basag ulo at si Christian na walang direksyon ang buhay. Kaya sa birthday ni Paul, gusto ko sanang makabawi sa kanya sa mga tulong at pagiging mabuting kaibigan nya sa akin. Dalawang araw mula ngayon birthday na ni Paul, iniisip ko kung ano ang magandang ibigay sa kanyang regalo. 
Ang hirap naman kasing mag-isip ng ireregalo sa kaibigan mong alam mong nasa kanya na ang lahat. Yung kahit anong bagay na magustohan nya kaya nyang bilin. Kaya kinausap ko si Louie para tulungan akong mag-isip ng magandang surpresa para kay Paul. Napagkasunduan namin ni Louie na sa kanila na lang i-celebrate ang birthday ni Paul kasabay ng fiesta ng baranggay nila. 
Alam ko namang mababaw lang ang kaligayahan ni Paul at kahit simpleng salo-salo o gimik ng barkada maaappreciate na nya. Kaya nang birthday na ni Paul ipinagpaalam namin sya sa parents nya na lalabas. Nagpunta muna kami ng church at nagsimba pagkatapos dumaan ng super market para bumili ng ice cream na favorite ni Paul at isang maliit na chocolate cake at dumirecho na kami kina Louie. Magtatanghalian na nang makarating kami sa bahay nila Louie, luto na rin yung spaghetti na pinaluto namin sa nanay ni Louie. 
Tulong tulong kaming inihanda yung mga pagkain sa lamesa at kumain ng sabay sabay. Natatawa nga ako kay Paul kasi di naaalis yung ngiti nya at biniro ko pa kung hindi ba nangangawit yung panga nya kangingiti. Tawanan nga kaming lahat kasi lalo pa syang napangiti sa biro ko sa kanya. Heheh.. 
Nang sinindihan ko ang isang maliit na kandila sa gitna ng cake sabay sabay kaming kumanta ng happy birthday para kay Paul at pinagwish sya bago nya hipan ang kandila. Habang ini-slice ng nanay ni Louie yung cake inabot ko kay Paul ang regalo ko sa kanya, isang silver bracelet na may naka-engrave na Calvin Paul. Sinabi ko na lang na special yun kasi galing sakin, palusot kasi mura lang ang regalo ko. 
Nagpasalamat naman si Paul, sinabi nya na talagang special yun dahil bigay ng bestfriend nya at sinuot naman nya agad ang regalo ko sa kanya. Tapos napatingin sya kay Louie at medyo pabirong nagsabing "Louie yung gift ko nasaan? Heheh.."
"ahh.. Eh.." lang ang nasagot ni Louie. 
"heheh.. Biro lang.. Ok lang kahit wala. Hihingi na lang ako ng favor kung ok lang." 
"ok lang, wag lang pera. Alam mo wala ako non! Hehehe..
" "hahah.. Hindi, malayo pa naman pero.. Pwede ka bang kumanta sa night ng college namin? Magaling ka namang kumanta eh.." 
"nambola pa.. Heheh.. Pero dahil birthday mo, SIGE! Kahit medyo mahiyain ako.. Hehe.. Kelan ba?" 
"ayos, two months pa naman bago yung night. Wala nang bawian ha?" 
"oo basta ikaw! Hahaha.."ang sagot ni Louie. 
"wow, ayos yan ha. Kakanta si Louie sa night? Astig!" ang pagsali ko sa usapan. 
Pagkatapos naming kumaing lahat at makapagligpit nagkwentuhan kaming tatlo at nagpicture taking gamit ang cellphone ni Louie. Si Lito naman, yung kapatid ni Louie lumabas ng bahay at makikikain daw sa bahay ng mga kaibigan nya. 
Ang nanay naman ni Louie sinundo ng isang kapitbahay, inaayang kumain sa kanila. Kaya kaming tatlo na lang ang naiwan sa bahay nila Louie. Nauwi ang kwentuhan naming tatlo sa beer, birthday na birthday ni Paul at wala nga namang inuman. Bumili kami ng beer at mga pulutan pero dahil manunuod pa kami ng "Amature Contest" mamayang gabi hindi na muna kami uminom di na rin muna kami bumiling yelo dahil walang ref. kina Louie. 
Nakatulog na kami nung hapon sa papag nila Louie kahihintay sa oras ng simula ng amature, nagising na lang kami dahil ginising kami ng nanay ni Louie, gabi na raw at mag-uumpisa na ray yung amature. Kaya dali dali kaming tatlong pumunta sa may bakanteng lote kung saan nakalagay ang isang stage na kahoy na dinikorasyonan ng dahon ng buko at makukulay na telang parang kurtina. Ang dami ngang tao at malakas din ang sound system. Maliwanag din gawa ng ilang spotlight sa magkabilang gilid ng stage. Di nagtagal nagsimula na ang amature contest. Ang umpisa ng contest ay para sa mga group dancer. 
Aliw na aliw naman kaming tatlo sa mga grupo ng magbabarkadang napakagaling sumayaw. Ilang grupo din ng mga sasayaw ang nakatapos ng mag-announce ang m.c. para sa isang intermision number at dumilim ang buong bakanteng lote sa pagkamatay ng lahat ng ilaw.Iniwan namin si Paul at agad kaming pumanik ng stage ni Louie dala ang tig-isang gitara. Ito ang talagang regalo namin kay Paul na dalawang araw din naming pinagpractice-an ni Louie. 
Ang ibang mga tao sumigaw pa sa pagkabigla nang mawala ang ilaw at ang ibang babae naman ay napatili pa. "happy birthday Paul, para sayo to." ang sabi ni Louie sa mic. at nang bumukas ang spotlight, nasa stage na kami ni Louie. Kitang kita ko sa mukha ni Paul ang kakaibang saya. Di mapaliwanag na damdamin sa pagkasorpresa. Pagkatapos inumpisahan na naming tumugtog. Lalong napangiti si Paul ng marinig ang intro ng favorite song nya.
Habang tumutugtog ako ng gitara at kumakanta si Louie, hindi ko mapaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Kulang na lang bumuo kami ng banda at si Louie ang lead vocalist. Si Paul naman sobra ang ngiti sa ginawa naming pagsorpresa sa kanya. At ng matapos ang kanta sigawan ang mga manunuod lalo na ang mga babae na parang nawawala sa sarili. 
Nagpasalamat sa amin yung m.c. tapos bumaba na kami ng stage. Pagbalik namin sa kinatatayuan ni Paul sabay namin syang inakbayan at bumati ulit ng happy birthday. Hindi naman maubusan ng thank you si Paul at napangiti sa kasiyahan na lalong nagpapagwapo sa kanya. 
Talaga daw na nasurpresa sya sa pagtugtog namin at pagkanta ni Louie ng favorite song nya, hindi daw nya malilimutan yung magandang birthday gift namin para sa kanya. Pagkatapos nun di na namin pinagpatuloy ang panonood, dumirecho na kaming tindahan para bumiling yelo at balik kina Louie para mag-inuman. Napakasaya naming nag-inuman nang gabing yon, isa sa mga gabing hindi namin malilimutan. 
Napakasarap din ng kwentuhan namin, mga biruan at kuhanan ng litrato. Halos mag-aalas dose na ng hating gabi ng maubos yung yelo kaya lumabas sila Paul at Louie para. Hindi na ko nakasama kasi medyo nahihilo na ako. Naupo na lang ako at hiniram yung c.p. ni Louie at tiningnan yung mga litrato namin. 
Sa paghihintay ko sa kanila hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa upuan. Nagising naman ako ng dumating sila Paul kaya lang di ko na nagawang bumangon, parang ang bigat ng mata ko at kusang sumasara. Inaya pa ko nila Louie na uminom kaya lang di ko na talaga kinaya kaya sabi ko sila na lang ni Paul ang mag-inuman. Nagising akong sa papag na nakahiga magkakatabi kaming tatlo nila Louie. 
Si Paul nasa kanan ko nakayakap na naman sa akin kaya tinanggal ko ulit ang kamay nya at umayos ng higa, si Louie naman nasa kaliwa ko. Dahil mabigat pa ang pakiramdam ko pinikit ko na lang ang mata ko at bumalik ako sa pagtulog. Pero hindi pa man ako nakakatulog naramdaman kong may humalik sa labi ko.


To Be Continued

2 comments:

  1. si Joey Boy ang humalik kala nya bubble gum ahaha...tsalap, tsalap... ehek!

    ReplyDelete
  2. Hahaha.
    Katawa nmn napasok c joeyboy.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails