Chapter 24
Kinabukasan ay parang ang bigat ng paa ko habang naglalakad papasok sa school, hiindi ko alam kung bakit pero parang may nagsasabi sakin na wag ng tumuloy. Hanggang makarating ako sa harap ng gate dun ko nakita si bea ang ex ni raymond, nakangiti pa to sakin kaya nagtaka ko, aktong lalampasan ko sya pero hiniwakan niya ko sa braso agad namang kumunot ang noo ko.
" what?"
" may gusto sana akong ipakita sayo if hindi ako makakaistorbo?" tinitigan ko lang sya pero ngiti lang ang sagot niya.
" tungkol saan?"
" tungkol dito?" pinakita naman niya sakin yung picture namin ni raymond sa cellphone nito, nasa picture yung aktong hinalikan ako ni raymond. Halos mamutla naman ako.
" actually video to?" pinindot naman niya yung play button.
" saan mo nakuha yan?"
" nasa park ako kahapon habng pinapanuod yung paglalandian niyo ng ex boyfriend ko?" saad nito huminga naman ako ng malalim saka aktong maglalakad palayo pero muli niya lang akong hinawakan sa braso.
" ano ba?"
"ikakalat ko to sa buong school?" nangaasar na ngiti nito, nalito naman ako sa anong dapat gawin aktong aagawin ko sa kamay niya yung cellphone ngunit agad niya itong naiiwas.
" ano bang gusto mo huh?"
" layuan mo si raymond?"
" bakit ko lalayuan? kahit ipagkalat pa yan sa buong school hindi mo kami mapaghihiwalay mahal ako ni raymond?" asik ko sa kanya pero tumawa lang sya na nangaasar.
" really?"
" oo! kaya pwede tigilan mo kami?"
" lets see?" saad nito saka naglaakad palayo naiwan naman akong hindi alam ang gagawin kaya nagmadali ako sa pagpunta sa room ngunit wala pa duon si raymond kaya umupo nalang muna ako. Maya maya dumating si alvin.
" morning" bati nito na may lungkot sa mga mata..
" alvin may problema ko?" agad naman tong umupo sa tabi ko.
" ano?"
" nakuhanan kami ng video ni raymond na naglalandian sa park?"
" eh bakit ba kasi dun kayo naglalandian?" nakasimangot na saad nito. Tumungo lang ako. " sino may hawak ng video?" dagdag na tanong nito.
" si bea yung ex ni raymond?"
" naglaladian lang naman kayo hindi naman sex scandal yun pwera nalang kung pati sa park ginawa niyo yun?"
" baliw?! "
"joke lang?"
"Nakunan kasi yung paghalik sakin ni raymond at yung paghalik ko sa kanya.?" saad ko kita ko naman yung pagngiwi niya.
"torrid ba yung halikan niyo katulad kagabi? Nagawa niyo yun sa park?" napapailing na saad nito.
" hindi mabilis lang baka kasi may makakita?" nakayuko ko paring saad.
" hindi kasi kayo nagiingat? Sabagay hahalikan din kita kahit saan swerte talaga ng gunggung na yun."
" alvin naman eh?"
" smack lang pala eh saka hindi niyo pa ba kayang aminin?"
" hindi pa ko ready?"
" kailan pa?"
" ewan ko? Alvin pano na to?"
" wala na tayong magagawa edi kung malaman ng iba aminin nio nalang. No choice pwera nalang kung idedeny nio?" saad nito nakita ko naman na pumasok na ng pinto si raymond.
"oh bakit ganyan mukha mo?" takang tanong ni raymond saka umupo sa upuan niya.
" uhm sige upo na ko?" paalam ni alvin tinanguhan naman sya ni raymond.
" ano ginawa sayo ni alvin bakit ganyan mukha mo?"
"wala syang ginawa?"
"eh bakit?"
" si bea may hawak na video?"
"video ng alin?"
" natin sa park kahapon?"
" huh wala namang tayong ginawa sa park kahapon ah?"
" hinalikan mo ko saka hinalikan kita di ba?"
"huh?" bigla naman syang ngumiti.
" eh bakit ka naman nakangiti?" naiinis kong saad sa kanya.
" ano naman kung may hawak syang video saka time na rin siguro para aminin natin kung ano meron tayo para hindi na tayo nagtatago?"
" mond hindi pa ko handa?"
" hindi ka handa o ayaw mo lang talaga may makaalam na tayo na?
" mond natatakot pa ko eh?"
" aminin na lanng natin para makakilos tayo ng ayon sa gusto natin.?"
" mond ayoko?" saad kong hindi makatingin ng deretso sa kanya.
" bakit ba?"
" hindi ko alam kung kakayanin ko yung panglalait ng ibang tao yung panghuhusga nila sakin? Sayo?"
"kasama mo naman ako kakayanin natin di ba?"
" mond natatakot talaga ko?" napailing naman si raymond.
"eh anong gagawin natin ngayon??"
" layuan daw kita sabi ni bea para hindi niya ikalat yung video?"
" hindi mo naman gagawin yun di ba?"
" oo naman?"
" edi hayaan natin sya kung ikalat niya edi ikalat niya wag nalang natin pansinin.?"
"mond sorry?"
" sorry saan?"
" kasi hindi ko pa kayang aminin kung anong meron tayo?"
" ok lang yun basta wag mo kong iiwan.?" nakangiti niyang sagot sakin, ngumiti lang ako sa kanya saka hinawakan yung kamay niya.
" bahala na si batman?" nakatungo kong saad.
" ako...akong bahala?"
Lumipas ang mga araw pero walang videong lumabas hindi rin naman nagtagpo ang landas namin ni bea nakahinga naman ako ng maluwag dahil duon pero hindi parin maalis sa isip ko yung kaba na anytime pwedeng malaman ng lahat ang relasyon namin ni raymond. Bahala na talaga si batman saad ko sa sarili ko.
Maganda yung flow ng story. Nakakairita lang 'yung laging question mark ang pang-eng ng dialogues.
ReplyDeleteOo nga? Ang sakit sa ulo? hahaha?
DeleteDi mo alam kung tanong ba un oh hindi eh xD
DeleteFavorite nya kasi ung question mark? Ngaun q lang din napansin? lol?
ReplyDelete