FINALE
Janine.
Lumipas pa ang isang linggo at ginugol ko
ang mga araw na iyon upang pumagitna sa dalawa kong kaibigan (as usual). I was
juggling my time between Matt and Josh. Sinisiguro kong okay si Matt sa kanyang
mga gagawin sa pageant, at sinisiguro ko naman na hindi maghihinala si Josh.
Napag-usapan kasi naming dalawa ni Matt na gagawin namin itong surpresa para
kay Josh. Para mas may impact, may kilig, ganon.
At nagsimula na nga ang training ni Matt
at ni Nikki outside the school. Madalas ay wala siya sa klase, at maging ang
mga kaklase ko ay nagtataka. Kinuntsaba ko naman ang adviser namin na huwag
sabihin sa klase. Gumawa na lang ako ng dahilan kuno para mapasunod siya. At
dahil malakas ako kay ma’am ay sumang-ayon naman siya. Masisira lahat ng balak
namin ni Matt kung malalaman ni Josh. Talagang big deal ang pageant sa school
namin tuwing Intramurals. Hindi na ako nagtataka kung bakit napili si Matt.
Fresh kasi ang pagmumukha ng hunghang, at stand out sa lahat ng mga lalaki sa
section namin. Kulang lang siya sa confidence sa sarili niya, at dapat medyo
angasan niya ng konti ang attitude niya, kasi napaka-kengkoy talaga ng lolo mo.
That’s why nandito ako para turuan siya ng mga bagay-bagay. Hindi man ako
lumalahok sa mga pageant ay alam kong may alam naman ako kahit papaano kung ano
ang maganda sa hindi. At saka maganda naman ako, eh... oops.
“Hoy, friend. Tulala ka na naman?” kwela
kong puna kay Josh, ngunit sa loob-loob ko’y nag-aalala na ako para sa kaibigan
ko. Totoo nga ang sabi ni Matt na mas napapadalas na ang pagspace out niya. Ang
ironic nga, eh. Akala ko once na magkaaminan sila ay matatapos na ang lahat ng
kaartehang ito, and they will live happily ever after. Pero hindi pala. It turns
out marami pa palang bagay ang kailangang ayusin.
“Ahhh, wala.” pagtanggi niya, ngunit may
hinala na ako kung ako ang bumabagabag sa kanya. “Uy, nami-miss niya si papa
Matt.” ngisi kong pang-aasar sa kanya. Alam kong nahihiya lang ang lolo mo at
inaatake na naman ng pagka-denial queen niya. Napansin ko ang pamumula ng mga
pisngi niya sa naging komento ko. Huli
ka, balbon! hahaha. “Ano ba kasing pinagkakaabalahan noon? Bakit parang
pati si Nikki hindi na rin pumapasok?” irita niyang tanong, hindi inaakalang
mahuhuli ko siya. “Ewan ko ba. Hayaan mo na lang sila.” pagdismiss ko sa kanya.
“Josh, ano bang problema? You can talk to
me. Wala namang tao. Pwede kang maging honest. Mahirap ang may dinadamdam,
tapos hindi mo mailabas.” Seryosong pahayag ko sa kanya. Kasalukuyan kaming
nasa loob ng gym, nakaupo sa bleachers habang kumakain ng lunch. Narinig ko ang
pagbuntong-hininga niya. “Okay, ako na ang magsisimula. Sagutin mo na lang,
ok?” mahinahon kong pahayag, sensing that wala siyang balak na magkwento o magsalita
man lang. Naisip kong baka nahihirapan pa siyang i-confront ang inner demons
niya kaya naman tutulungan ko siya.
“Si Gab ito, right? Siya ang dahilan kung
bakit hindi mo kayang mahalin si Matt ng tuluyan, ‘di ba?” pagsisimula ko.
Tumango siya at napailing, iniisip na baka hindi ko magustuhan ang naging sagot
niya. Inakbayan ko siya. “You know what... what’s wrong with you is that, you
think of others too much. Puro kapakanan na lang ni Gab, eh paano naman ang
nararamdaman ni Matt? More importantly, paano ang nararamdaman MO? You can’t
just live your life confining yourself with whatever happened between you and
Gab. You deserve to be happy. And I’m sorry to say this, pero ikaw lang ang
tanging pumipigil sa sarili mo para maging masaya.” mahabang paliwanag ko.
Akala ko ay hindi siya magsasalita, ngunit nagulat na lamang ako nang magsimula
ang isang mahabang litanya mula sa kanya.
“Janine, nahihiya na ako kay Matt. I want
to be strong, I really do... pero hindi ko pa talaga kaya. Until Gab talks to
me again and settles everything, parang hindi ako makukuntento. Janine, I
really am thankful, grateful... and happy, dahil minahal din ako ni Matt. Only
God knows how much I’ve dreamt of that, and here it is, and it sucks! It sucks
bigtime, because nandito na nga sa harap ko ang gusto ko, pero hindi magawa ng
sarili kong kunin iyon! I feel like... loving Matt, na parang ‘yung pagmamahal
ko sa kanya is all for Gab’s expense. I’m loving Matt, yet I’m hurting Gab in
the process. He was right. I replaced him, and parang wala lang akong ginawa
para sa side ni Gab! No wonder he despises me. Then he tells me that he loves
me, and then I hurt him even more by rejecting him. What you’re telling me
tungkol sa pagiging mindful sa kapakanan ng ibang tao... well, totoo iyon. And
I wouldn’t mind being mindful of someone’s welfare especially if it’s Gab.”
mahabang pahayag niya. Nanatili akong tahimik, dahil hindi ko inaasahan ang
sunud-sunod niyang paglalabas ng damdamin. Akala ko ay tapos na, ngunit mali
ako.
“Ang haba ng pinagsamahan namin, Janine.
Puta, ang hirap lang eh. Isang araw masayang-masaya kayo ng taong iyon, tapos
biglang masisira na lang ang lahat. And it pains me even more, dahil alam ko,
alam kong ako ang dahilan kung bakit nasira ang pagkakaibigan namin. Dahil sa
pesteng nararamdaman ko sa kanya! Kung sana... inintindi ko na lang si Gab,
about kay Therese... kung sana, hindi ako naging focused sa feelings ko para sa
kanya, malamang magkaibigan pa rin kami, and everything’s okay. Pero hindi,
Janine! I’ve ruined everything! It’s all my fault. I make my own catastrophe!
And now what’s more frustrating is that, pakiramdam ko... susukuan na rin ako
ni Matt, na mapapagod na rin siya kakahintay sa akin! He may not say it, but I
feel that he’s slipping away from me. At puta—get this—ako ang may kasalanan! ”
at tila doon ay nabuksan lahat ng nakakandadong emosyong matagal na niyang
kinikimkim at nagsimula na siyang umiyak.
Natulala ako. Hindi ko alam na sinisisi
niya ang sarili niya regarding Matt.
Hinaplos-haplos ko ang balikat niya, tila
pinaparating sa kanya na hindi ko siya iiwan. “Josh, just have faith in Matt
okay? And have faith in yourself. Kung gusto mo naman magagawa mo, eh... unless
you’re doubting your love for Matt already?” maingat kong tanong. Ibinaling
naman niya ang mukha niya paharap sa akin. Nagulat ako sa nakita ko, dahil ang
mukha niya ay tila nagsasabing... tama ang hinala ko.
“I don’t think I deserve him, Janine. I
think I need to let go. Ayoko na siyang pahirapan pa.” bulong ni Josh, habang
patuloy ang pagtulo ng mga buti ng luha mula sa mga mata niya.
--
Matt.
At nagsimula na nga ang isang linggong
training namin para sa pageant. Nakakainis man ang mga pinapagawa sa amin most
of the time, tiniis ko na lamang iyon dahil nga sa motivation ko para maimpress
si Josh. Sana sa surpresa kong ito para sa kanya ay bumalik kahit papaano ang
pansin niya sa akin, and I can take everything from there; or as Janine likes
to put it, “Show him kung sino ang
papakawalan niya... kung gaano kalaki ang mawawala sa kanya.”
Nang ibalita ko ang tungkol sa pageant kay
papa ay nainis pa ako sa naging reaksyon niya, dahil inasar pa niya ako. “Wow, anak. Good. I’m not surprised, because
maganda naman talaga ang lahi natin.” mahangin niyang pahayag. Minsan may
pagka-conceited ang papa ko, at hindi ko itatangging namana ko ito sa kanya
kahit papaano.
“Ok! One more round from the beginning
before I dismiss you.” sabi ni Miss Anabelle, ang trainer/choreographer namin.
“Ugggh.” reklamo ko sa sarili ko bago sumunod sa pinapagawa niya. Napractice na
namin ang routine na ito 4349384914 times. Okay, I’m exaggerating, pero
nakakapagod pala naman kasi talaga. Idagdag mo pang napakaboring, dahil
paulit-ulit na lamang an gaming ginagawa. Sumunod ako sa saliw ng tugtog, at
hindi naman ako napahiya, dahil ok naman ang ginawa ko. Nang pinalakad kami ay
sinunod ko rin ang tinurong tamang paglakad sa catwalk. Hindi talaga ako sanay
sa mga ganitong bagay. I just want this to be over.
Nang matapos kami ay agad kaming tinawag
ni Miss Anabelle, dahil may sasabihin daw siya sa amin bago kami i-dismiss.
“Hi, guys. Alam kong you’re well-aware sa mga magiging segment ng pageant:
casual wear, talent, sportswear, formal wear, at question and answer. I hope
that nagstart na kayong magpractice ng mga talent niyo, at ok na rin ang mga
damit niyo, dahil the competition’s in 2 days. And more importantly... this is
the last day of rehearsal.” pahayag niya. Nagcheer naman kaming lahat, dahil
talagang gustong-gusto na naming matapos ang kaartehang ito. Agad-agad kaming umalis
sa dance studio at nagsimula na ng kani-kanilang paglalakbay pauwi.
“Hey, Matt. Tinext ako ni Janine, sabi
niya punta daw kami sa inyo dahil siya naman ang magco-coach sa atin bukas.”
sabi ni Nikki habang naglalakbay kami pauwi sakay ng kotse namin. Nagpapasundo
ako tuwing rehearsal, dahil madalas kaming ginagabi, at I felt the need na
dapat ihatid ko si Nikki. “Oh, oo nga pala. Ano kayang balak ng babaeng iyon?
Nakakatakot.” maloko kong sagot sa kanya. Napahagikgik naman siya. “I hope this
goes well. Sana this works on Josh.” reply niya. “Oo nga. Hopefully.” nakangiti
kong sabi.
“He’s still cold sa’yo?” tanong niya.
Napabuntong-hininga ako at tumango. Totoo, and this practice shit doesn’t help,
dahil isang linggo kaming hindi pumasok, and the distance at ang kagustuhan
kong makita siya is killing me! “Ewan ko ba. Lahat naman ginagawa ko, pero
parang wala. Hell, kaya nga ako napapayag sumali sa pageant dahil sa kanya,
eh.” paglalabas ko ng sama ng loob. Nanatiling tahimik si Nikki, nang biglang
magliwanag ang mukha niya na tila nagsasabing may naisip siyang magandang
ideya.
“Alam ko na. Pagselosin mo si Josh.”
nakangisi niyang sabi sa akin. “Huh? Eh di lalong lumayo iyon!” protesta ko.
May tuliling din pala itong si Nikki. Siguro ay nahawahan na siya ni Janine,
dahil napapansin kong close na silang dalawa. “Oh no, no! Trust me! Kilala ko
kayong mga lalaki, kapag nagseselos, lalong namo-motivate! Ego issues.” balik
niya sa akin. Natigilan naman ako, dahil may punto siya doon. “See? I told
you.” pang-aasar niya sa akin matapos kong manahimik sa puna niya.
“B-but... paano natin gagawin iyon?”
tanong ko.
“We act like we like each other bukas
since papasok na tayo. And before you say anything... no! I don’t like you, for
the record. Gusto ko lang tumulong.” pahayag niya. “Simple lang naman, follow
my lead. Basta sweet, pero medyo lang... enough to stir Josh inside. Give him a
taste of his own medicine! Ikaw naman ang magparamdam sa kanya na lumalayo ang
loob mo, pero it’s all an act, of course. Then, given na medyo manlalamig siya
sa’yo, doon niya mare-realize na hindi niya kayang mapunta ka sa iba! At heto
pa, boom! Sa pageant kapag napanood ka niya, bawing-bawi ka na, girl! At first,
akala niya sumuko ka na, tapos malalaman niyang ginawa mo ang lahat ng ito para
sa kanya!” kinikilig niyang pahayag.
“Anong nahithit mo, Nikki?” ang uneasy ko
pa ring pahayag sa suhestyon niya.
“Just trust me on this one, ok? I won’t
take ‘no’ for an answer. I’m going to call Janine para malaman na rin niya. Oh
my! I’m so excited. Let operation MASH begin!”
“Anong ‘MASH’?” takang tanong ko.
“MASH. Matt + Josh. MASH. Quiet. I’m
talking on the phone.” tugon niya bago niya tuluyang kausapin si Janine sa
kanyang cellphone.
Ano
ba itong pinasok ko?
At natampal ko na lang ang noo ko ng wala
sa oras.
--
Josh.
Nagulat na lamang ako, dahil nadatnan ko
si Matt sa loob ng classroom pagdating ko. Na-late ako ng dating ng umagang
iyon, dahil sa sadyang napuyat ako the night before, na siyang dahilan kung
bakit late na ako nagising. Ngunit may
isang bagay mas lalo kong ikinagulat: si Matt ay katabi si Nikki, at halatang
masayang-masaya sila. What pissed me off more is that he didn’t even
acknowledge my presence. Something inside me snapped. Jealousy? Ewan, pero
hindi naman siguro. Wala naman akong karapatang magselos, ‘di ba? Dahil
magkaibigan lang naman sila, eh.
At isa pa, ako ang mahal niya, ‘di ba?
Napailing na lang ako sa loob-loob ko at
nagtungo sa upuan ko. Lihim ko silang pinagmasdan, at nagulat ako sa mga
susunod na nangyari. Hinawakan ni Matt ang kamay ni Nikki! Nanlaki ang mata ko
sa nasaksihan ko. And in that moment, I can tell na nagseselos na ako. At ano
pa ang lalong nakapagpuyos ng galit ko? The fact na ginagawa nila iyon sa harap
ko! I can’t blame Nikki, dahil wala siyang alam, pero si Matt... tangina.
May isang malaking bahagi sa loob-loob ko
ang nanlumo sa nasaksihan ko. Lubusan akong nasaktan, dahil hinihiling ko na
sana sa akin ni Matt ginagawa iyon, na sana ang kamay ko ang kanyang hawak.
Doon ko narealize na baka masyado ko na siyang pinaghintay, at nagdecide na
siyang magmove on. Pilit kong nilabanan ang mga luhang nagbabadyang umagos mula
sa mga mata ko.
I know that I’ve treated him like shit by
acting like shit during the past few weeks. Hindi ko binibigyang-importansya
ang mga effort niyang iparamdam ang presence niya sa buhay ko. Palagi ko na
lamang iniisip itong mga punyetang nararamdaman ko para kay Gab. Alam kong
na-compromise noon ang samahan namin, and yet, I chose to ignore it. And this
is what I get.
Pagod
na ba siya?
But I think I deserve this. I totally do.
Pero ang sakit pala, dahil hindi man lang
niya akong sinabihang iiwan na pala niya ako, pero napaisip rin ako. Matt has
been the stronger one, the one who always made me feel that he’s there for me,
that... I have someone to look forward to in this life. Tinanong ko ang sarili
ko: Hahayaan ko bang mawala siya sa akin? At wala pang isang segundo ay alam na
ng puso ko ang sagot.
Oras na ba para ako naman ang lumaban?
--
Matt.
Buong araw ay hindi ko makausap ng matino
si Josh. Marahil ay dahil ito sa act namin ni Nikki kaninang umaga. Kahit
nahirapan ako, tiniis kong huwag siyang pansinin. First time ko siyang makita
after one week, kaya naman napakalaking dagok sa akin na huwag siyang bigyang-pansin
kaninang umaga. More importantly, nahirapan akong umarte na gusto ko si Nikki,
at balewalain si Josh. Pero... I have to give Nikki credit for this, dahil
mukhang tama siya. Halatang nagseselos si bes. Natawa na lamang ako sa
loob-loob ko, dahil isa lamang ang ibig sabihin ng pagseselos, ‘di ba?
Ibig sabihin, mahal niya ko.
“Huy, ano bang problema?” naka-pout kong
tanong kay Josh habang gumagawa kami ng project sa science lab. “Wala.”
pabalang niyang sagot sa akin, habang inihahanda ang Bunsen burner. Napangiti
naman akos sa loob-loob ko, dahil sa pagtrato niyang iyon sa akin. He screams
of jealousy right now. “Ok.” umarte akong parang walang interes na ipagpatuloy
ang conversation na siyang pakiramdam ko na lalo niyang kinainis.
Kilalang-kilala ko iyon kapag may problema. Una ay magpapakipot muna ito,
ngunit sa loob-loob niya ay gusto niyang magtanong ka pa tungkol sa problema
niya hanggang sa sabihin niya ito. Ganito ako lagi sa kanya, ngunit ngayon ay
tumigil ako. Ramdam kong nagtataka na siya, dahil hindi ko ipinagpatuloy ang
topic namin.
Hinayaan ko na lamang siya hanggang sa
matapos ang mga klase namin ng araw na iyon. Huwebes iyon, at alam kong wala
siyang kasama sa bahay niya, dahil tuwing Huwebes ay lumalabas si Tita para
bisitahin ang kapatid niya. Kaya tuwing Huwebes ay bonding kami ni Josh sa
bahay nila. Ngunit ngayon ay makapaghihintay muna iyon, dahil may agreement
kaming tatlo ni Janine na ico-coach niya kami ni Nikki mamaya sa bahay namin
para sa pageant bukas. Malungkot ako, dahil hindi namin magagawa ang mga kung
anu-anong random activities na ginagawa namin ni Josh tuwing Huwebes, and
considering that miss na miss ko na siya, at ang pangit ng image ko sa kanya,
mas lalo akong nanlulumo.
Bad
shot na talaga ako kay Josh. Kapag hindi ko naayos ito... ewan ko na lang.
Biglang nagvibrate ang phone ko, at nakita
ko ang isang message mula kay Janine.
“Operation
MASH continues...”
Napailing na lamang ako sa una kong
nabasa. Si Janine talaga. Typical.
“Step
2: Ayain mo si Nikki na sabayan ka umuwi. Make sure na makikita ni Josh.
Magsorry ka sa kanya, dahil hindi mo siya maihahatid, dahil kasama mo si
Nikki.”
Gusto kong tampalin ang noo ko matapos
kong mabasa ang message niya. This is basically adding insult to injury. I just
don’t get the point! Kung sa akin ito ginawa ni Josh... masasaktan talaga ako!
And knowing Josh, I don’t know if he will fight for me, because he’s not that
type of person. Submissive siya, at hindi dominant. I just hope that... I’m
enough to change that.
Habang naghahanda na kami ng gamit bago
lumabas ng room ay ginawa ko na ang iniutos ni Janine. Napabuntong-hininga muna
ako bago magsimula. Sinigurado kong na sa tabi ko si Josh.
“Nikki, labas tayo? Treat ko.” nakangiti
kong sabi bago ko siya kindatan. Ugggh,
protesta ko sa loob-loob ko. “Sure!” magiliw naman niyang tugon. Binaling ko
ang atensyon ko kay Josh, at nakita kong nakakunot ito, ngunit agad-agad din
naman niya itong inalis nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.
Napahagikgik na lang ako ng wala sa oras. “Uy, bes... Sorry, hindi muna kita
masasamahan. Labas muna kami ni Nikki.” pamamaalam ko sa kanya. Tumango naman
siya, tila walang interes sa akin at dali-daling lumabas ng classroom.
When he was out of earshot, bigla na
lamang kaming nagtawanan ni Nikki.
“Hoy in fairness! Ang lakas pa ng tama
niya sa’yo.” natatawa niyang pahayag. Namula naman ako. “Oo nga, eh. Mukhang
tama nga ‘yung plano niyo. Nakakatawa siya magreact.” sagot ko. “Ang galing
kong magpaselos, eh. Lakas kaya ng appeal ko!” mahangin niyang sabi. Inismiran
ko na lamang siya. “Oo na, oo na. Basta kapag nagbackfire ito, back me up,
please.” walang gana kong sagot sa kanya. Tumango naman si Nikki at niyaya na
niya akong lumabas ng classroom upang makapunta na kami sa bahay namin.
--
“Hoy, ano ng balita?” medyo malat na
pambungad sa amin ni Janine nang salubungin namin siya ni Nikki. Imbis na
sagutin siya ay pinapasok na namin siya at pinaderetso sa kwarto ko. “Matt,
‘yung totoo? Kwarto mo ‘to?” hindi makapaniwalang tanong ni Nikki. “Girl, I can
relate. Ganyan din ako the first time.” pagpapaliwanag ni Janine. “Ano bang
mali? Lahat na lang kayo, ganyan reaction niyo. Masama bam aging malinis?!”
irita kong protesta sa dalawang babae. “At ikaw, bakit hindi ka pumasok?!”
dagdag ko pa kay Janine.
“Hindi ba obvious?” paos niyang balik sa
akin. “Oo na, oo na.” pagsuko ko.
“Ermergherd, gurl! Working ang plano
natin. Selos ang lolo Josh mo.” excited na sabi ni Nikki kay Janine. Napailing
na lamang ako, dahil sa masyado ng nahahawa ni Janine si Nikki sa ugali niya.
“I knew it. Oh my God. Matt, dapat nating pagbutihin ang pageant shit mo. I
have a feeling magiging epic ‘to.” baling ni Janine sa akin.
“Ok, so paano ba gagawin ko?” diretsong
tanong ko. Ito lang naman ang pakay nila dito, eh. “Oh! Oo nga pala! Wait.”
sabi ni Janine habang kinukutingting niya ang dala niyang malaking bag, na
ngayon ko lang napansin. Natigilan sandali si Janine at walang sabi-sabing
nagpunta sa may cabinet ko at nagsimulang magbabato ng mga damit palabas. “HOY!
Anong ginagawa mo?!” protesta ko, at umatake na nga ang pagka-OC ko, dahil sa
ginagawa niyang paggulo sa mga damit ko.
“Easy lang!” kalmado niyang baling sa
akin, hindi pinapansin ang pagwawala ko. Dali-dali kong inayos ang mga gamit
ko. Tiniklop ko ang mga damit na nagulo, at pinagsama-sama ang mga
magkakakulay. Si Janine naman ay tila wala pa rin sa sarili na nakatitig sa
closet ko. “Ah!” excited niyang tugon. May kinuha siyang mga damit, at walang
sabi-sabing pinagterno-terno ang mga natipuan niya. “Boom! Casual Wear!” proud
niyang sabi. Natampal ko naman ang noo ko ng wala sa oras, dahil iyon lang pala
ang pakay niya. Hindi na niya kailangang guluhin pa ang damit ko para lamang
doon.
“Ahuh. Whatcha think?” maarteng pahayag ni
Janine habang parang mino-model pa niya ang mga damit ko. “Ay bet ko ‘yan.”
pagsang-ayon ni Nikki. Tiningnan ko ang hawak niyang set ng damit: isang grey
polo na parang maong ang texture, ang paborito kong sky blue v-neck shirt, at
ang white walking shorts ko. “Not bad.” komento ko. “See? You can trust me with
this thing. So no worries, papa Matt.” pampalubag-loob sa akin ni Janine.
“Hmmm. Girl I think dapat may accessories
siya. Kunin mo ‘yung hat, tapos ‘yung aviators sa taas.” puna ni Nikki.
Nagkatinginan naman ang dalawang babae. “Ay oo nga. Thanks, bebe.” pagsang-ayon
ni Janine. “Oh, papa Matt! Sukat na dali!” aligagang sabi ni Janine pagkabigay
niya sa akin ng damit. Pumasok ako ng banyo para isukat ang mga bigay nilang
damit at accessories. Nang matapos akong magbihis ay tiningnan ko ang sarili ko
sa salamin. Ngumiti ako at nagpose. Napailing naman ako sa kagaguhan ko.
“Oh my God!” singhap nilang dalawa
paglabas ko. Inismiran ko na lamang sila. “Ang hot niya talaga. Too bad hindi
kami talo.” malungkot na pahayag ni Janine, at tumango naman si Nikki sa
pahayag ni Janine. “Hey!” reklamo ko. “Uy, joke lang! Pero seriously. Ang hot
mo grabe, whooo! Just work on the confidence level, and we’re off!” pambawi ni
Janine. Napabuntong-hininga na lamang ako. I can’t believe that I’m actually
doing this.
“Ano pa isusukat ko?” tanong ko. “Ito
‘yung sa talent,” sabay turo sa akin ng isang plain black shirt, blue jeans,
and rubber shoes. “Iyong sa formal wear, I already took care of it. Rent na
lang tayo ng suit, ok naman daw kay dad mo.” sagot niya sa akin. “Eh ‘yung sa
sportswear?” tanong ko. Nagtaka naman ako, dahil nagtinginan ang dalawang babae
at biglang nagngisian. “Oh, bukas mo na lang malalaman. Surprise.” sagot ni
Janine. “Ano ‘yon?” kinakabahan kong tanong. Pero ‘di ba? Wala namang
nakakatakot about sportswear? I bet pagsusuotin nila ako ng jersey, or
something. Lahat naman ng sports hindi nakakahiya ang damit hindi ba? At saka
hindi naman nila ako ipapahiya. “You’ll find out tomorrow.” nakangisi pa ring
sabi ni Janine bago ako kindatan.
Fuck.
--
Josh.
This is getting into my nerves. Is Matt
doing this on purpose? Is this his way of letting me know that he’s rejecting
me? No, hindi ko hahayaang mangyari iyon. If he’s going to reject me, he could
at least let me know properly. Hindi ako isang bagay na basta-basta na lamang
pwedeng itapon kapag pinagsawaan na. But what I hate about this thing the most
is that... umaasa pa rin ako. Malaki pa rin ang tiwala ko kay Matt. Malamang
dahil na rin siguro sa pagkakakilala ko sa kanya ay alam kong hindi niya ako
sasaktan.
At isa pa, nangako siya, hindi ba?
Pinilit kong ngumiti kahit pa naiinis ako
sa ginawa sa akin ni Matt, ditching our Thursday nights for Nikki. There should
be a rational explanation for everything. I must not give up on him. After all,
that’s all what he does for me. I should do the same for him. At naglakad na
ako palabas ng school para umuwi.
“Josh.”
Natigilan ako. Tila nanigas ang katawan ko
nang marinig ang isang malalim na boses na tumawag sa pangalan ko. Hindi ako
maaaring magkamali. Nanumbalik bigla lahat ng mga pangungulila ko nang
maramdaman ko ang presensya niya. Tumalikod ako at nilingon siya, at hindi ko
inaasahang makikita ko siyang nakangiti sa akin. “Gab.” pagsagot ko sa tawag
niya. Sa oras na iyon ay tila tumigil ang mundo ko. Hindi ko maipaliwanag,
ngunit pakiramdam ko ay nag-uumapaw sa saya ang puso ko, dahil nakita ko siya.
“Hi.” nakangiti pa rin niyang turan sa
akin. Wala naman akong masabi; sadyang nabigla ako sa hindi inaasahang
pagkikita namin. Humakbang siya patungo sa amin, hanggang sa mabawasan ang
distansya sa pagitan namin. “Can we talk?” kalmado niyang tanong sa akin.
Napatingin naman ako sa mga mapupungay niyang singkit na mga mata, at nakita ko
agad ang lungkot na namumutawi doon. Kahit pa nakangiti siya ay hindi naitatago
ng mga mata niya ang tunay niyang nararamdaman.
Tumango naman ako. If there’s anything my
heart desires the most in this moment, it’s a conversation with Gab.
--
Gab.
This is the point where I let him go. I
can feel the tension sa pagitan namin ni Josh. Tiningnan ko ang paligid ko, at
napangiti ako sa loob-loob ko. Nasa loob kami ngayon ng kwarto niya. This room
has served as a treasure box for all the most significant memories Josh and I
shared. Akala ko after what happened nang huling pagpunta ko rito ay
hinding-hindi na ulit ako makakatungtong sa pamamahay na ito, but Josh was good
enough to let me in.
Napabuntong-hininga ako, at sinimulan ko
ng gawin ang pinunta ko rito.
“How are you?” kalmado kong tanong sa
kanya, breaking the deafening silence. “A-aanong pag-uusapan ba natin?”
nauutal, at tila hindi niya mapakaling sagot. “Everything that needs to be
settled.” simpleng sagot ko sa kanya. “Josh, look. I understand where you’re
coming from. Don’t worry. Tanggap ko na. I accept the fact na... hindi mo ako
kayang mahalin, dahil si Matt ang mahal mo.” mahinahon kong pagsisimula.
Naramdaman ko naman ang biglang pagtense ng katawan niya.
“Pa—paano mo nalaman ‘yan?” naguguluhan
niyang tanong.
“He told me. He was bold enough to talk to
me. Kaya nga naglakas-loob na akong kausapin ka. SIya ang nagparealize sa akin
na may mga dapat pa pala akong gawin.” huminga muna ako ng malalim bago
nagpatuloy. “Look... Josh, give him a chance. Masakit mang sabihin, pero... I
think you deserve him. Don’t drive him away. You’re lucky, because the person
you love actually loves you back.” at doon ay panandalian akong napahinto,
dahil naramdaman ko ang pait sa kalooban ko sa realization na iyon.
--
Josh.
Natahimik ako, dahil sa mga sinabi ni Gab
sa akin. Tiningnan ko lamang siya sa mga mata niya at hindi nagsalita. Huminga
siya ng malalim bago nagpatuloy.
“One more thing... Josh, I’m so sorry.”
nanginginig niyang sabi sa akin hanggang sa unti-unting naglabasan ang lahat ng
emosyon at hinanakit niya. “I’m so sorry for ruining everything. Kung naging
matapang lamang ako at inamin ko sa sarili kong matagal na kitang mahal, na
ikaw ang gusto kong makasama, none of this would’ve happened. Wala sanang away,
wala sanang Therese... wala sanang Matt. Ako sana ang kasama mo ngayon, at
hindi siya.” mapait niyang sabi habang umiiyak. Nanlambot ng husto ang puso ko
sa nasaksihan ko kay Gab.
“Gab...” ang tangi ko na lamang nasabi.
“Look at everything I’ve thrown away.” napatawa
siya ng mapait matapos niyang sabihin iyon. “If I didn’t choose to be a fucking
coward, ako sana ang kasama mo, ako sana ang may hawak ng mga kamay mo, ako
sana ang laman ng puso mo, at hindi si Matt. Josh, mapatawad mo lang ako sa mga
nagawa ko sa’yo, magiging masaya na ako all my life. Dahil ikaw... pinapatawad
na kita. Napatawad na kita. Matagal na.” pagtatapos niya.
At ngayon, ako naman ang umiyak. Walang
sabi-sabing niyakap ko siya. Sa oras na iyon ay naramdaman ko na parang
tinanggal mula sa sistema ko ang isang napakalaking tinik, isang napakabigat na
pasanin ko sa buhay. Gumaan ang pakiramdam ko, at parang nakakahinga na ako ng
maluwag. Ang tagal ko ng hindi nararamdaman ito. Sadyang napakasarap palang
talaga.
“Gab, salamat talaga. You don’t know kung
gaano ako katagal naghintay para dito.” humahagulgol kong turan sa kanya. “I
was wrong. Dapat hindi ko na pinatagal pa ito.” ang tanging sagot na lamang
niya. Kumalas kami sa yakapan at nagkatinginan. “And one last thing, could you
do me a favour?” malalim niyang tanong sa akin. Tiningnan ko ang mukha niyang
kasalukuyang balot ng mga butil ng luha. “Anything.” sigurado kong sagot sa
kanya.
“Please ibigay mo na ng buo ang sarili mo
kay Matt. You deserve each other. Don’t worry about me, because from now on...
I’m letting you go.” at doon ay tila nagbukas ang bagong butas sa mga emosyon
ni Gab at mas lalong tumindi pa ang pag-agos ng mga luha niya ngayon. Napailing
siya sa di waring dahilan. “Don’t worry about me. I’ll get by. I’m tough.”
pagkumbinsi niya sa akin, habang umiiyak at tumatawa ng mapait at the same
time.
Durog na durog ang pagkatao ko, dahil sa
nasasaksihan ko sa harapan ko.
“Gab, I guess it’s time for me to be
honest with you as well.” nanghihina kong pahayag.
“Tungkol saan?” tanong niya, tila
nahimasmasan na siya ngayon.
Napabuntong-hininga ako ng malalim.
“Minahal din naman kita, eh. Totoo, more
than a bestfriend. And well... Therese happened, and then Matt happened.”
nahihiya kong pahayag. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya. Totoong ngayon
lamang niya nalaman ang mga damdamin ko para sa kanya dati, and kahit hindi ko
alam kung makakabuti ang pagtatapat ko sa sitwasyon namin, ginawa ko pa rin
ito, dahil ayoko na ng may itinatago kay Gab.
Nasilayan ko ang ngiti sa mga mukha niya.
“Sayang talaga. I guess... you’re my the one that got away.” malungkot niyang
pahayag. “Well at least, that’s my consolation. I can live with that. Thank
you. Just so you know, hindi naman mawawala ‘yung love ko para sa’yo, eh. I
just love you too much... and that includes letting you go. I want you to be
happy, bes. After all what I did, making you happy is the least I can do to
compensate for everything. I’ll learn how to cope with everything in time.
Don’t worry about me. Pero Josh sana pagbigyan mo itong last request ko.”
nakangiti niyang pahayag bago niya akong akbayan.
“Ano iyon?” tanong ko.
“Can I have today?” sabi niya.
--
Ginugol naming dalawa ang buong hapon
hanggang gabi sa paggawa ng mga bagay na ginagawa namin noon. Naglaro kami ng
xbox, nagkwentuhan, kumain ng mga junk food at kung anu-ano pa. Buong gabi ay
magaang-magaan ang loob ko, dahil sa wakas ay maayos na ang estado namin ni
Gab. Hindi ko akalaing after all this time, heto kaming dalawa... acting just
like how we were way back, na parang walang nangyaring hidwaan sa pagitan
namin. Ngayon narealize kong maayos na ang lahat.
Ngayon ay handa na akong ibigay ang sarili
ko kay Matt ng buong-buo.
Dito ko na rin pinatulog si Gab, dahil
sadyang nami-miss ko talaga siya. Nang matapos kaming maghanda para sa pagtulog
ay napansin kong tila may bumabagabag sa kanya. “Spill.” diretsong utos ko sa
kanya. “Ah... eh.” natatamemeng sagot niya sa akin. “Gab.” mariin kong utos sa
kanya. “Okay! Okay! Uhm, pwede bang... tabi tayo? I know it’s way out of
bounds, and we don’t share your bed when I sleep over. Pero kahit ngayon lang,
please.” nahihiya niyang pag-amin. “Hahahaha! Iyon lang pala. Walang problema.”
pagpayag ko sa kagustuhan niya. Agad-agad namang tumalon si Gab patungong kama
na parang isang bata na siyang ikinatawa ko. Tumabi na rin ako sa kanya.
“Friends?” tanong niya.
“Bestfriends!” nakangiti kong sagot.
“Goodnight, bes.” si Gab.
“Good night.” sagot ko.
At tuluyan na akong nilamon ng antok.
--
Matt.
Natapos na rin ang coaching session-kuno
namin ni Janine. Pinagalitan pa nga niya ako, dahil wala pa daw akong
nakahandang talent. Ang sabi ko naman sa kanya, ay nakasalalay ang kakantahin
ko sa mga nararamdaman ko bukas sa araw ng pageant. Marunong naman akong mag keyboard
kaya sinabihan ko siyang huwag mag-alala. Nang matapos kami ay sinamahan ko na
rin ang dalawang babae pauwi sakay ang kotse namin. Nang maihatid ko na silang
dalawa ay inutusan ko ang driver namin na idaan muna ako sa bahay ni Josh. I feel
so guilty, dahil hindi ko man lang siya nasamahan ngayong gabi, kaya naman
gusto ko muna siyang puntahan para makapag-usap kami kahit sandali lamang.
At isa pa, sobrang nami-miss ko na siya,
eh.
Tinext ko si tita Stella na nasa labas ako
ng bahay nila para bumisita. Oo, ang lakas ko na talaga ngayon kay tita haha.
Nang magreply siya sa text ko ay sinabi niyang mamaya pang madaling araw siya
makakauwi, ngunit huwag daw ako mag-alala, dahil hindi naman daw naka-lock ang
gate. Tiningnan ko ang orasan ko at nakita kong 11:00 pm na pala ng gabi.
Dali-dali akong pumasok sa bahay nila at tinungo ang kwarto ni Josh. Nakangiti
akong tumayo sa harap ng pintuan ni Josh. Iniisip ko pa lamang na makikita ko
siya sa kabilang side ng pintong iyon ay naeexcite na ako. Dali-dali kong
binuksan ang pinto.
Agad nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil
sa una kong nasaksihan.
Si Josh at Gab... magkayakap.
--
Josh.
“Anong ibig sabihin nito?!!” nagulantang
ang kamalayan ko nang marinig ko ang isang napakalakas na sigaw na dumagundong
sa kwarto. Agad-agad akong napabalikwas upang alamin kung ano ang nangyari.
Agad kong nasipat si Matt sa may pintuan ko. Bakas sa mukha niya ang matinding
galit at sakit. Nang tingnan ko ang paligid ko, doon ko narealize ang mga
nangyari, at ang posibleng nakita niya.
Oh,
shit!
“Josh, tangina! Ano pa bang kulang sa
akin, ha?! Bakit hindi mo pa rin makalimutan si Gab?!” nagpupuyos niyang bulyaw
sa akin. “Matt, mali ang iniisip mo! Nandito lang si Gab para—“, magpapaliwanag
na sana ako ngunit pinutol niya kung anuman ang sasabihin ko. “Sige, explain!
Ipaliwanag mo ang nakita ko. Bakit kayo magkayakap?!” galit pa rin niyang
pakikitungo sa akin. Natameme naman ako sa pagtrato sa akin ni Matt.
“Look, Matt. It’s not what you think. I
can expla—“ pagsisimula ni Gab, ngunit gaya ng inaasahan ay pinutol siya ni
Matt. “Ikaw! Isa ka pa, eh! Akala ko ba okay na tayo? Napaka-selfish mo pala
talaga, Gab! Hindi mo na inisip na may sinasagasaan ka!” sumbat ni Matt kay
Gab. Akmang susugod na si Matt kay Gab nang harangan ko ito.
“Look, Matt! Ikaw ang umayos! Wala ka na
bang tiwala sa akin, ha?! So ganoon na lang ang tingin mo sa akin? Ganoon ba
ako kababa sa paningin mo? Matt, nang sabihin kong mahal kita totoo iyon! Alam
kong marami akong pagkukulang nitong mga nakaraang araw, pero hindi naman
binabago noon ‘yung fact na mahal kita! Now, kung papairalin mo ‘yang bayolente
mong ugali, kaysa pakinggan mo ako... Matt, please would just hear me out?”
sabi ko sa kanya. Hinintay ko ang magiging sagot niya.
Ngunit nanatili lamang siyang tahimik
habang binabasa ako.
“Just... give me some space. I’ll see you
tomorrow.” kalmado niyang sabi at walang
sabi-sabing tumakbo palabas ng bahay.
Nakabibinging katahimikan.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman
ko. Alam ko namang wala akong ginagawang masama. Nakakatakot, nag-aalala tuloy
ako kung paano ko mapapaniwala si Matt na wala talagang nangyayari sa amin ni
Gab, na siya na talaga ang mahal ko... na handa na akong bigyan siya ng
pagkakataon. Naiinis tuloy ako sa sarili ko kung bakit hinayaan ko pang umabot
sa ganito ang samahan namin. Ako naman talaga ang may kasalanan, eh.
“Don’t worry, Josh. I don’t think he’s
mad.” pagbasag ni Gab sa katahimikan. Napatingin naman ako sa kanya. “He’s
hurt, but he’s not mad. I understand his position.” dugtong niya. “Anong ibig
mong sabihin?” malungkot kong tanong. Napayuko naman si Gab at napailing. “Heh.
Hindi na importante iyon.” nahihiya niyang tugon. “Hindi nga. Ano nga?”
pagpilit ko. Tiningnan naman niya ako ng matagal at biglang napabuntong-hininga.
“Well, in the past few months, whenever I
see you both looking so happy... I get so jealous. Yeah, I have to admit na
nagseselos ako. I guess ganoon din ang nararamdaman niya ngayon. Natural lang
naman iyon. At saka, sabi naman niya na magkita kayo bukas, so I guess hindi ka
pa rin niya matiis... mahirap ka kasing tiisin, to be honest.” pag-amin niya.
Naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko sa narinig ko mula sa kanya. “Just
make sure he listens to your explanation. If you need my help, sabihan mo lang
ako at tutulungan kitang magpaliwanag. He’ll come around.” sabi niya sa akin.
Agad naman akong nagpasalamat.
“Manonood ka ba ng pageant bukas?” tanong
niya sa akin, pilit iniiba ang usapan.
“Hindi ko alam, pero ang tagal na akong
kinukulit ni Janine na manood. Hu-huntingin daw niya ako at bubugbugin kapag
hindi ako nagpakita. So yeah, I guess wala akong choice.” paliwanag ko. “Which
reminds me. Stressful ba ang preparations?” dugtong na tanong ko sa kanya. “Oo
naman. Halos wala ng tulog kaming council members. Ikaw kasi, eh. Hindi ka
tumakbo for council this year.” walang gana niyang sagot. “Hassle kaya, and
tumutulong naman ako sa projects niyo, ah! I’m sure it’s going to be
spectacular. Kamusta naman ang mga contestants?” tanong ko.
Nagtaka ako nang biglang magliwanag ang
mukha niya, at wala-walang sabing ngumisi na lamang siya.
“Manood ka bukas para malaman mo.”
makahulugan niyang pahayag.
“Basta. Oh and one more thing, ngayon ko
lang narealize...” pagsisimula niya. Napakunot naman ang noo ko, hinihintay ang
sasabihin niya. “I never thought na ako ang magiging dahilan kung bakit ka
magiging bi. Lakas ko talaga!” natatawa niyang pahayag. “Shut up!” nahihiya
kong balik sa kanya habang hinahambalos ko siya ng unan ko.
Sobrang namiss ko ang mga ganitong
sandaling kasama ko si Gab.
--
Pageant
Night.
Dumating ako sa school ng mga 6:30 pm, at
saktong nagsisimula na ang host sa pagbibigay niya ng welcoming remarks.
Nagulat na lamang ako nang bigla akong harangin ng isang staffer ng student
council, at ginuide niya ako papunta sa isang reserved seat sa second row mula
sa harap. And if that’s not enough, takang-taka ako nang makita ko si Janine
doon kasama si tito Richard at si Manang Vie!
Anong
ibig sabihin nito?!
“Tito! Ano pong ginagawa niyo dito?”
naguguluhan kong tanong. Ngumiti naman si tito nang masipat niya ako at
agad-agad akong niyaya na maupo sa pagitan niya at ni Janine. “Masama bang
manood?” nakangisi niyang tawa. Natahimik na lamang ako sa sinabi niya. Ibinaling
ko ang atensyon ko kay Janine. “Hoy, bakit parang may reserved seats? Ano bang
meron?” gulung-gulo kong tanong. Ngunit imbes na sagutin ako ay sinuway pa ako
ng babae at sinabihang manahimik ako dahil magsisimula na ang pagpapakilala ng
contestants.
Itinuon ko ang pansin ko sa stage kung
saan nagsimula ng lumabas isa-isa ang mga contestants. Isa-isa silang rarampa
bago pumunta sa gitna ng stage para magpakilala. Nauna muna ang mga freshmen.
“Jans, sino nga pala ‘yung rep ng section natin?” tanong ko. Come to think of
it, wala akong nababalitaan kung sino ang ipinadala ni Ms. de Vera sa klase
namin. “Manood ka na lang.” walang interes niyang sabi sa akin.
“And now, let’s welcome the candidates
from the Juniors!” pag-interrupt ng host. I looked at the stage with curiosity,
hinihintay kung sino ang lalabas. Nang biglang... si Nikki?! Napanganga naman
ako sa hitsura niya ngayon. Ang ganda niya sa kanyang black fitted dress,
idagdag mo pa ang kanyang maikling buhok na siyang lalong nakapagpalutang ng
features niya.
“Good evening! I’m Nicola Maria Daez,
Section III-A!” masigla niyang pagpapakilala sa sarili niya sa audience.
Napapalakpak naman ako ng matindi ng wala sa oras.
But the most shocking revelation was yet
to come.
Nagulat na lamang ako nang biglang lumabas
mula sa backstage si Matt! Talagang nanlaki ang mata ko at biglang napatayo
mula sa kinauupuan ko dahil sa sadyang pagkagulat. At gaya ng reaksyon ko kay
Nikki, natulala ako sa itsura niya ngayon. Nakataas ang buhok niya at nakasuot
siya ng polo na nakabukas kung saan nakita ko ang suot niyang shirt sa loob
nito, puting shorts, sapatos, at sombrero. May nakasabit rin na shades sa
collar ng shirt niya. Talagang... nabighani ako sa ayos niya ngayon.
Nginitian niya ang audience at nagpose sa
kaliwa, at sa kanan ng stage bago siya pumunta sa gitna. “Matthew Alexander
Lopez, section III-A.” simpleng pagpapakilala niya, bago siya magpakawala ng
isang nakakabighaning ngiti na siyang nagpataba ng puso ko. Hanggang sa matapos
at pumwesto siya sa tabi ni Nikki ay hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa
kanya. Panandalian kaming nagkatinginan, at nahiya naman ako dahil siguradong
huling-huli niya ang nakabukas kong bibig dahil sa gulat.
At ang gago, bigla akong kinindatan!
“Whooo! Go Matt!” pagcheer ni Janine sa
tabi ko. Nakita ko naman ang sarili kong umupo sa upuan ko. Sa buong oras pala
ng pagrampa ni Matt ay nakatayo akong parang tuod. Nakakahiya, nandito pa naman
ang tatay niya! Gustong-gusto kong tampalin ang noo ko sa mga oras na iyon.
“You knew?!” hindi ko makapaniwalang tanong kay Janine. “Surprise!!!”
nang-aasar niyang tugon sa akin. Napabuntong-hininga naman ako. “Bakit? Hindi
mo ba nagustuhan ang surprise sa’yo ni papa Matt? Ang hot niya kaya. As in hot!
H-O-T!” pahayag niya.
Umiling ako at natawa ng wala sa oras.
“Sobra.” tugon ko sa kanya.
Hindi ko akalaing kaya pala biglang nawala
si Matt nitong nakaraang linggo ay dahil sa training niya para sa pageant na
ito. Ikinwento na rin sa akin ni Janine lahat ng details habang
nagi-intermission number ang dance troupe habang hinihintay ang mga contestants
na magpalit para sa talent portion ng pageant. SInabi niya sa akin na ito raw
ang paraan ni Matt upang mapansin ko siya, na siyang ikinaguilty ko, dahil
hindi naman niya kailangang gawin ito kung hindi ako nag-iinarte. Lalong tumaba
ang puso ko sa narinig ko, dahil lalo kong narealize kung gaano niya ako
kamahal dahil sa ginawa niya. At ang pinakakinagulat kong rebelasyon mula kay
Janine, ay sinadya daw talaga ni Matt na pagselosin ako tungkol kay Nikki.
Staged daw ang lahat, at ginawa lamang niya iyon as a part of his plan.
Surprisingly, ay hindi ako nainis sa ginawa niya, ngunit mas natuwa pa ako sa
lokong iyon.
“Sweet talaga ng anak ko. Galing
manligaw.” rinig kong sabi ni Tito. Napaigtad naman ako sa kinauupuan ko, dahil
sa narinig ko mula kay tito.
Ano?!
Alam na ni tito?! Putangina, ano pa ba ang hindi ko alam?! I’ve had enough revelations for a night!
“Po?” kalkulado kong tanong sa kanya.
“Sus, natakot ka pa sa akin. Don’t worry. Pinagtapat na sa akin ni Matthew
lahat-lahat. I completely understand your situation. If that makes my son
happy... If you make him happy, who am I para hadlangan ko ang kasiyahan niya?
Mahal ko ang batang iyan, at ikaw rin naman, napamahal ka na sa akin kaya wala
akong tutol. At least, kahit alam mo na, hindi ko inexpect na mangyayari iyan
sa kanya, sa isang katulad mo namang tao na matalino, matino, at may mabait at
malinis na puso siya napamahal. Kaya you have my blessing, anak. Ang galing
niyang pumili ng taong mamahalin.” mahabang paliwanag ni tito bago niya tapikin
ang likod ko.
Sa mga oras na iyon ay gusto ko ng maluha
sa kaligayahan. Hindi ko alam kung bakit bigla namang bumubuti ang takbo ng mga
bagay sa buhay ko. Sobrang thankful ko, dahil ngayon wala na akong dahilan para
matakot, o hadlangan ang sarili kong tuluyang mahalin si Matt.
“Tito... ahhm, hindi ko po alam ang
sasabihin ko, pero thank you po. Sobra.” sinsero, ngunit nahihiya kong tugon sa
mga sinabi ni tito. Nginitian lamang niya ako at sinabihang enjoyin ang gabi,
at suportahan ang anak niya.
“Cheesy!” singit ni Janine na siyang
nakapagpahagikgik sa akin.
--
Matt.
5:30 p.m.
Nakita ko na lamang ang sarili kong kasama
si Gab sa dressing room. Biglang nawala ang kaba ko sa unang pagsabak ko sa
pageant mamaya, at napalitan ito ng galit, at pagtataka. “Anong ginagawa mo
dito?” mapait kong tanong sa kanya. “I just came to wish you luck.” simpleng
pahayag niya, pero hindi ko kinagat iyon. “Iyon lang ba talaga? Salamat ah.”
sarkastiko kong balik sa kanya. Mataman niya akong tiningnan at
napabuntong-hininga. “Nasaan nga pala ang ibang contestants? Bakit mag-isa ka
lang dito?” tanong niya bago umupo sa bench sa tapat ng salamin. “Nagpreprepare
ata ng props para sa talent nila. Ako lang ata simple ang talent, eh. Walang
panama sa mga gagawin nila mamaya.” malungkot kong tugon, kasi totoo naman.
Nakita ko ang mga gagawin ng mga kalaban ko mamaya. Maraming sasayaw ng
cultural dances, na siyang gagamitan ng napakaraming props at magagandang
costumes, may magma-magic, may aarte, at kung anu-ano pa. Ano nga ba naman ang
laban ng kanta ko sa kanila?
Katahimikan.
“Look, I want to explain. What you saw...
walang ibig sabihin iyon. I just missed him so much.” pagsisimula niya. Medyo
nagpantig naman ang tenga ko sa narinig ko, dahil bigla kong naalala ang
nasaksihan ko sa kwarto ni Josh kagabi. “Talaga lang, huh? Hindi mo man lang
kinonsider na pagmamay-ari na siya ng iba.” maangas kong tugon sa tanong niya.
Nangunot naman ang noo niya sa sinabi ko. “Correction. Technically... hindi mo
siya pagmamay-ari.” maangas niyang balik sa akin. Tila isang malakas na hampas
sa batok ang sinabi niya para sa akin. Tama siya, hindi pa akin si Josh, dahil
hindi pa rin niya ako pinagbibigyan. Akmang aambahan ko na siya ng suntok,
dahil sa pagprovoke niya sa akin nang bigla siyang mangiti na siyang
nakapagpatigil sa akin.
“But you still have the chance to make him
yours, Matt. Look, I know na hindi maganda ang nakita mo kagabi, but try to
think it rationally. You trust him enough, right? Matt, I know kilala mo rin
naman siya inside out, just like how I know him. You know he’s genuine, kaya
kahit nakakainis na ang mga pinapakita niya sa’yo, like how he still doesn’t
want to accept your love... nagpapakatotoo lang siya, at hindi ka niya
pinaplastik. Nasasaktan ka nga, but in a way, he’s just showing you how much he
cares and loves you, because he’s being brave enough to be transparent with his
feelings, instead of promising things when he’s not yet ready.” pagpapaliwanag
niya.
Wala naman akong naisagot sa kanya.
“Matt, you know that I’d give anything to
be in your shoes right now. May chance ka pa na makuha siya ng tuluyan. Just
learn to be open. Don’t let yourself be the person to break that chance. I am a
man of my word. I am telling you, walang namamagitan sa amin. And that... hindi
na ako manggugulo. From now on, kaibigan na lamang ni Josh, at kung gusto mo,
kaibigan mo na rin... iyon na lang ang magiging role ko. Mahal ka ni Josh, and I think he’s ready. I
hope you haven’t given up on him. I don’t want you to end up like the way I
did.” makabuluhan niyang pahayag bago niya ako tuluyang lisanin.
--
Josh.
Hindi ko na nagawang pansinin ang talent
ng mga contestants. Maging ang kay Nikki ay hindi ko na gaano binigyang-pansin.
Isa lang naman ang gusto kong makita, eh. Isang tao lang naman ang matagal ko
ng hinihintay... ang taong mahal ko. Napangiti ako sa loob-loob ko nang maisip
ko iyon. Ngayon ay mas desisdido na ako, ngayon ay wala ng hadlang, hindi na
ako takot, at handa na ako. Ilang sandali pa ay narinig ko na lamang na
tinatawag ang pangalan niya ng host. Nang lumabas siya mula sa likod ng stage
ay lubos kong ikinagulat ang ayos niya. Simple, at walang kaarte-arte sa
katawan, hindi katulad ng ibang mga contestants. Marahil ay napansin din ng
ibang audience ang lubusang pagkakaiba ng ayos ni Matt kung ihahambing sa ibang
mga contestants na sadyang napaka-engrande ng mga performances.
Nakita kong may nagset-up ng keyboards sa
parte ng stage kung saan siya magpe-perform na siyang ikinagulat ko lalo.
“Marunong siya?” hindi ko makapaniwalang tanong kay Janine. “Oo. Surprise!”
pang-aasar niya, at muling ibinaling ang atensyon niya sa stage. Ngumiti si
Matt panandalian sa audience, ngunit may nasipat akong kaunting lungkot sa mga
mata niya. Lalo akong kinabahan, dahil malamang ay iniisip niya pa rin ang
nangyari kagabi. Lalo naman akong mas naging determinado na makausap siya at
ipaliwanag ang sarili ko, na sabihin sa kanyang walang nangyari sa amin ni Gab.
Sabihin sa kanya na mahal ko siya.
“Uhm, magandang gabi. Recently I’ve
experienced the most bittersweet moment in my life. And I’m going to sing a
song that pretty much described how I felt during that dark and tough time. I
hope you enjoy this little number of mine. This is called Unofficial.” simple niyang pahayag sa audience. At ilang segundo pa
ay narinig ko na ang tunog ng kanyang keyboard.
My
love for you is stronger than love itself
I’d
do what it takes to keep you all to myself
Dehydrated
most of the time from the lack of your touch
And
when I’m not receiving, it’s not ever enough.
Nagulat ako, dahil sobrang laking
improvement nangyari sa boses niya. Natigilan siya ng panandalian bago ipinagpatuloy
ang kanta. At doon ay ramdam na ramdam ko na ang emosyon ng sakit, ng hinagpis
na ibinabahagi niya sa kanta.
‘Cause
I could go on and on,
with reasons why I should stay
And
I could go on and on,
with reasons why I should go away
Gustong-gusto ko ng maluha matapos kong
marinig ang mga linyang iyon mula sa kanya. Ramdam ko na ito ang mga hinanakit
niya sa akin, na hindi niya masabi sa akin noon pa. Lalo akong naguilty sa
ginawa kong pagtrato sa kanya nang magsimula siya sa chorus.
It’s
unofficial; that’s the love that you give to me.
It’s
artificial; and it’s never unconditionally.
So
why can’t you show the world I’m yours?
Why
can’t you show the world I’m yours?
Why
must you be a curse? So unofficial.
Muli siyang natigilan ng panandalian,
ngunit agad din naman siyang nakabawi bago pa magtaka ang mga taong nanonood.
At mula doon ay tuluy-tuloy na ang kanyang pagkanta, at tuloy-tuloy rin ang
pagdaloy ng emosyon mula sa kanya.
Lay my head against
your heart
With my arms wrapped around you
Told you that no matter what
I'll always be here for you
You said you were happy to hear this
You could be sensitive too
But then the next two weeks later
I still hear nothing from you
With my arms wrapped around you
Told you that no matter what
I'll always be here for you
You said you were happy to hear this
You could be sensitive too
But then the next two weeks later
I still hear nothing from you
‘Cause I could go on
and on
With reasons why I should stay
And I could go on and on
With reasons why I should go away
With reasons why I should stay
And I could go on and on
With reasons why I should go away
It's unofficial
That's the love that you give to me
It's artificial and it's never unconditionally
So why can't you show the world I'm yours
Why can't you show the world I'm yours
Why must you be a curse
So unofficial
That's the love that you give to me
It's artificial and it's never unconditionally
So why can't you show the world I'm yours
Why can't you show the world I'm yours
Why must you be a curse
So unofficial
It's unofficial
That's the love that you give to me
It's artificial and it's never unconditionally
That's the love that you give to me
It's artificial and it's never unconditionally
So why can't you show the world I'm yours
Why can't you show the world I'm yours
Why must you be a curse
So unofficial (unofficial)
So why can't you show the world I'm yours
Why can't you show the world I'm yours
Why must you be a curse
So unofficial (unofficial)
“Thank you,” at walang sabi-sabing umalis
siya ng stage.
--
Matt.
Matapos kong kumanta ay para akong timang
na bigla-bigla na lamang umalis sa stage. Dali-dali akong nagpunta ng banyo.
Kahit ang mga nakakasalubong ko ay hindi ko binigyang-pansin. Nang makarating
ako ng banyo, ikinulong ko ang sarili ko sa isa sa mga cubicle at doon ay
tahimik kong inilabas lahat ng mga emosyon ko. Ngunit matapos kong gawin iyon
ay inutusan ko ang sarili kong magpatatag, magpakalalaki, at huwag maduwag,
dahil hindi pa tapos ang gabi.
Nang makabalik ako ng dressing room ay
nagulat na lamang ako nang madatnan ko doon si Janine. Tinanong ko siya kung
ano ang ginagawa niya doon. Inismiran lamang niya ako. “Hay nako, kalerks ah!
Masyado ka nang lutang, friend. Hindi mo man lang napansin na hindi mo dinala
‘yung pang sportswear mo!” pagtatalak niya sa akin. “Uhm, hindi rin. Nagtataka
nga ako bakit wala pa akong sportswear, kaya nagdala ako ng jersey. Ang galing
ko ‘di ba?” proud kong tugon sa kanya.
“Sino may sabi sa’yong iyan ang isusuot
mo? I’m your stylist at ako ang masusunod.” pagsusungit niya. Nakita ko naman
siya na may hinahalungkat mula sa bag niya. Nang makita niya ang hinahanap niya
ay ibinato niya ito sa akin. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. “The fuck?!
Anong gagawin ko dito?!” nagugulumihanan kong tanong. “Seryoso, Janine. Anong
klaseng saltik ba meron ka?!” irita kong tugon. “I don’t accept complaints.
Alam mo ang magiging consequences kapag hindi ka sumunod sa akin.” banta niya.
Nanatili akong parang tuod habang pinagmamasdan siya palabas ng dressing room
nang bigla siyang mapatigil.
“Oh, by the way. Nice song number.
Damang-dama ko, and I’m sure ramdam na ramdam din ni Josh.” pahayag niya bago
niya isara ang pintuan.
--
Fucking hell.
Tiningnan ko ang mga kasama kong
contestant na lalaki at hindi lingid sa akin na pinagtitinginan nila ako dahil
sa suot ko ngayon. Napailing na lamang ako at sinubukan ko ang lahat ng aking
makakaya para hindi ako maconscious sa suot ko... or the lack of it.
Sino ba naman ang mag-aakalang sa
dinami-dami ng sports sa mundong ito ay napili ni Janine ang swimming?! Talagang
hindi ko inaasahan ang pagpapasuot niya sa akin ng tanging cycling shorts
lamang!
“Witwiw.” asar sa akin ni Ryan, isa sa mga
contestants. Buti pa siya ay nakasuot ng taekwondo uniform. Buti pa siya, may
suot! “Shut up.” walang gana kong balik sa kanya. “Dude, ang lakas din naman ng
loob mo. I admire your confidence. Talagang gusto mong manalo, no?” inosente
niyang pahayag, ngunit ang dating sa akin noon ay parang nang-aasar pa siya.
“Napilitan lang ako.” tugon ko sa kanya. “Pero I guess may rason din naman
pala.” dugtong ko.
--
Josh.
“Saan ka galing?” tanong ko kay Janine.
“Diyan lang sa CR.” sagot niya. “Ano ba isusuot ni Matt para sa next portion?”
tanong ko. Nagulat naman ako nang biglang magliwanag ang mukha ni Janine. “Oh
my God. Abangan mo. Kung inaantok ka siguradong magigising ka. Shet.” pilya
niyang pahayag na siyang ikinataka ko. “Janine, tapatin mo nga ako. Anong
pinasuot mo sa kanya?” curious kong tanong, ngunit hindi na niya ako pinansin.
“Matthew Alexander Lopez” ilang sandali pa
ay narinig ko na lamang ang host na binanggit ang pangalan niya. At nang
lumabas siya sa stage, ay hindi lamang ako, ngunit maging ang buong school ay
napasinghap at nagulat sa nakita namin. Nanlaki ang mata ko at agad-agad kong
ibinaling ang atensyon ko kay Janine. “What. The. Fuck. Janine.” hindi ko
makapaniwalang puna sa kanya. “Hoy! Aminin mo! Ang hot niya! As if naman hindi
mo gusto nakikita mo! Hmph.” mataray niyang tugon.
Napaisip naman ako sa sinabi niya.
I never thought of him in a physical,
sexual manner... all this while, puro emosyon lamang ang nagpapatakbo ng
nararamdaman ko para sa kanya. Sure, I admire and acknowledge na gwapo talaga
siya, ngunit ni minsan ay hindi ko pa naiisip na... pagpantasyahan siya. It’s
honest ignorance on my part. I guess kasi bago pa lamang ako dito. Kahit si Gab
ay hindi ko pinag-isipan ng mga ganoong thoughts. But now, sa ayos ngayon ni
Matt... sadyang napaisip na ako.
Sobrang napapaisip na ako. Tila nagising
ang isang parte ng pagkatao ko sa unang pagkakataon.
Pinagmasdan ko ang hubog ng katawan niya.
Para sa isang lalaki sae dad niya ay masasabi kong angat ito, idagdag mo pa ang
kanyang pagiging maputi at makinis, dahil sadyang malinis at maaalaga siya sa
katawan niya. Nakasuot siya ng dark blue cycling shorts na pangswimming, at may
nakasabit na goggles sa leeg niya. Ngumiti siya at nagpose sa stage bago
bumalik sa likod kasama ang ibang mga contestants.
Nanatili akong tahimik hanggang matapos
ang portiong iyon, dahil sadyang wala akong masabi.
--
Matt.
Nakita ko na lamang ang sarili kong katabi
ang mga host, nakasuot ng all black suit at silver bow tie, kasalukuyang
sinasala sa question and answer portion.
“Good evening, Matthew. Kamusta ka naman?”
tanong ng host sa akin. “Okay naman. Kinakabahan.” honest kong sagot sa kanya,
na siyang nakapagpatawa sa audience. “Relax lang. And I must say ‘yung talent
mo and ‘yung sinuot mo sa sportswear portion was really... something.” komento
niya. Ngumiti na lamang ako dahil wala naman talaga akong maisagot sa kanya.
Ilang sandali pa ay pinabunot niya ako ng
papel na naglalaman ng magiging tanong ko mula sa isang fish bowl, na siyang
pinaunlakan ko. Nang basahin niya ang tanong ay napabuntong-hininga ako at
inisip ng mabuti kung ano ba talaga ang dapat kong isagot.
“If you could wish one thing for yourself
right now, what would it be and why?” tanong niya sa akin.
Sandali akong natahimik, at hinanap ko ang
mukha ni Josh sa audience. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siyang
nakatitig rin sa akin, hinihintay ang magiging sagot ko. Nagkatinginan kami at
naramdaman ko ang sarili kong nalulunod sa titig niya, at doon ay sunud-sunod
ng naglabasan mula sa bibig ko ang mga salita.
“It would be for the person I love to say
that he loves me back.” pagsisimula ko, hindi inaalis ang tingin ko kay Josh.
Nakita ko ang reaksyon niya na tila nagulat bago tuluyang balutin ng lungkot
ang mga mata niya. “Why? Because that would make me happy, and I intend to make
that person happy. He only has to say that he loves me back. That’s all.”
pagtatapos ko. Nang marealize kong tapos na ang oras ko ay agad-agad na akong
pumunta ng backstage. Sinalubong naman ako ni Ryan doon.
“Bro, tama ba ang narinig namin? “He”
talaga?” tanong niya. At doon ko narealize ang naging sagot ko.
“Wala ka ng pakialam doon.” tugon ko bago
lumakad patungo sa kabilang direksyon palayo sa kanya, palayo sa mga mapanuring
mata ng mga tao.
--
Hindi na ako nagulat nang hindi ako
manalo. In the first place, wala naman talaga akong intensyon na seryosohin ang
kagaguhang ito. Kundi lamang para kay Josh ay matagal na akong nagback-out. Ang
naging consolation ko na lamang ay ang Best in Sportswear, at Mr. Photogenic
award na siyang nakangiti kong tinanggap.
Matapos ang pageant ay masaya akong
kinongratulate ni papa, ni manang, at ni Janine. Si Josh ay nanatiling tahimik.
Ako man ay walang ginawang hakbang para kausapin siya. Ramdam ko ang puwang sa
pagitan naming dalawa. Maging habang kumakain kami ng dinner, bilang sabi ni
papa na dapat naming i-celebrate ang gabi, ay ni tingnan siya ay hindi ko man
lang magawa. Alam kong ramdam ng mga taong kasama namin ang paninibago namin sa
isa’t-isa. Hindi ko man alam ang totoong dahilan, ay alam kong may kinalaman
ang nangyari ngayong gabi sa kung anumang bumabagabag sa kanya.
Hanggang sa matapos ang gabi at umuwi siya
ay wala man lang naganap na palitan ng salita sa pagitan naming dalawa.
--
Hindi ako makatulog.
Nakahiga lamang ako sa kama ko habang
tinitingnan ang larawan namin ni Josh sa cellphone ko. Iniisip ko ang mga
nangyari nitong nakaraang linggo na siyang nagbigay-daan para kwestyunin ko ang
sarili ko, lahat ng ginagawa ko, at lahat ng mga pagkukulang ko. Tamaba ang
ginawa kong pagsali sa pageant? Naging epektibo ba iyon? Kung huhusgahan ko ang
naging pakikitungo sa akin ni Josh ay tila wala namang naging mabuting epekto
ang pageant. Naramdaman ko na parang nasayang lamang lahat ng paghihirap ko.
Nabitawan kong bigla ang cellphone ko
dahil sa hindi inaasahan nitong pagvibrate.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita
ko ang pangalan ni Josh sa screen.
“Buksan
mo pinto ng kwarto mo.”,
ang sabi ng text niya.
Nagtataka man ay sumunod na lamang ako.
Bago ko buksan ang pinto ay pinakiramdaman ko muna kung may tao sa kabilang
banda nito, ngunit nabigo ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, umaasang
tama ang hinala ko. Nabuhayan ako nang makita ko siyang nakatayo. Nagkatinginan
kaming dalawa at sandaling naging tahimik ang paligid namin.
“Bakit ka nandito?” tanong ko.
Parang na-offend siya sa pahayag ko. Agad
ko namang pinabulaanan ang nasabi ko. I did not intend it to come off that way.
Gusto ko lamang malaman kung bakit siya nandito, sa ganitong oras ng gabi.
Pinapasok ko na lamang siya. Agad-agad akong naupo sa kama ko. Nagkatitigan
lamang kami bago niya basagin ang nakabibinging katahimikan.
“Galit ka pa ba?” tanong niya.
“Hindi na. Kinausap ako ni Gab.
Naiintindihan ko na. Walang nangyari. I overreacted.” tugon ko sa kanya.
Napabuntong-hininga naman siya sa pahayag ko.
“Congrats.” nahihyang pahayag niya.
“Hindi nga ako nanalo, eh.” mapait kong
tugon.
“Ok lang iyon.” maikli niyang komento.
“Bakit
hindi mo ako kinausap? Bakit ngayon mo lang ako binati? Hindi mo ba nagustuhan
iyong ginawa ko?” nagtatampo kong tanong sa kanya.
“Para sa akin ikaw ang panalo.
Gustong-gusto ko ang ginawa mo.” nahihiya pa rin niyang sagot sa tanong ko.
Napangiti naman ako ng lihim sa nagiging takbo ng usapan namin.
“Ano bang pinunta mo dito?”
Bigla na lamang siyang napaluha. Agad-agad
ay umatake ang instinct kong icomfort siya.
“I came here to say sorry. Sobrang
nagsisisi ako, Matt, dahil natakot ako, dahil in the process sobra na pala
kitang nasasaktan. All you did is be good to me, and unexpectedly love me back,
and yet ito ang binabalik ko sa’yo. You don’t deserve this, Matt. I’m really
sorry. Pero Matt handa na ako. I’m ready to give myself to you. After naming
mag-usap ni Gab, natutunan ko ng pakawalan siya. Doon ko napagtanto na ikaw
talaga ang mahal ko. Sana hindi ka pa napapagod maghintay, pero I understand if
napapagod ka na...”
“What? No! Walang nagbabago...” pagtutol
ko sa sinasabi niya, ngunit may sinabi siyang nakakuha ng atensyon ko. “Wait...
anong sabi mo? Handa ka na?” pag-uulit ko.
“I love you, Matt.” matamis niyang
pahayag, at naramdaman ko na lamang ang paglalapat ng mga labi namin.
--
Josh.
Naramdaman ko na may malambot na pressure
sa aking mga labi. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Matt...
hinahalikan ako. “Good morning.” nakangiti niyang pahayag, na siyang sinuklian
ko rin ng ngiti. “Sarap ba tulog mo?” masuyo niyang tanong habang hinahaplos
ang pisngi ko. “Magtigil ka nga.” pagdismiss ko sa kanya. “Hoy, may atraso ka
pa sa akin kaya wala kang karapatang tumutol.” biro niya.
Natawa na lamang ako.
“Uhm... Josh, pwede na bang... ahm...”
natatamemeng sabi ni Matt.
“Ano?” tanong ko.
“Ligawan ka na?” nahihiya niyang pahayag.
Sasagot na sana ako nang putulin niya ako.
“I know masyadong mabilis, pero
naiintindihan ko kung ayaw mo pa.” depensa niya, na siyang nakapagpangiti sa
akin sa loob-loob ko.
“Ayoko pa nga...” tugon ko. Napansin ko
naman ang pagbagsak ng mga balikat niya.
“... ayokong ligawan mo ako. Ako ang dapat
manligaw sa’yo.” natatawa, ngunit nahihiya kong pag-amin sa kanya. “Matt, puro
na lang ikaw ang nag-effort, I think dapat ako naman. Ikaw, alam kong nasaktan
kita, kaya dapat ako naman ang magpasaya sa’yo. Lagi kang nandiyan, hayaan mong
iparamdam ko sa’yo ‘yung mga pinaramdam mo sa akin dati. So yeah, ako
manliligaw. Walang pwedeng magreklamo.” pagpapaliwanag ko.
Tiningnan ko ang magiging reaksyon niya.
Kumurba ang labi niya hanggang sa maging ganap na itong nakangiti.
“Warning. Hard to get ako.” pagbibiro
niyang muli.
“Gago. As if namang matitiis mo ako.”
balik kong biro sa kanya.
Natawa lamang siya. “Kilala mo nga ako.
No, huwag na. Huwag na tayong magligawan. Basta ang importante mahal naman
natin ang isa’t-isa. Huwag na nating patagalin pa.” mungkahi niya.
Sinang-ayunan ko naman iyon. “Oo nga, haha. Hindi rin maganda kapag pinatagal
pa natin ‘to. So ano... tayo na?” turan ko sa kanya.
Nakangisi siyang tumango.
“Aaaah, hindi pa rin ako makapaniwala na
boyfriend na kita. Biruin mo, ‘yung taong pinagmamasdan ko lang dati, mahal ako
at heto, boyfriend ko na.” nakangiti niyang pahayag. Hindi ko ikakailang
kinilig ako sa sinabi ni Matt sa akin.
“Pwes, maniwala ka.” sabi ko bago ko siya
gawaran ng isang mabilis na halik sa labi at nagsimulang tumakbo papalabas ng
kwarto niya.
“Gagantihan
kita!” banta niya bago ko marinig ang mga yabag ng mga paa niya papalapit sa
akin.
Si Matt...
Bigla na lang siyang dumating sa buhay ko,
and took my breath away. Everything that happened in the past few months since
I’ve met him was so fast and unexpected that it scares me. Binigyang-kulay niya
ang mundo ko. Pinarealize niya sa akin ang halaga ko bilang isang tao, sa
pamamagitan ng pagpaparamdam niya sa akin na mahal niya ako, dahil doon ay
narealize kong may tao palang katulad niya, na napakabait, na napakamapagmahal,
mauwain, at oo, gwapo, na kayang mahalin ang isang taong katulad ko: a person
broken inside out. Alam kong nandiyan lamang si Matt upang unti-unting buuin
ang nawasak kong pagkatao.
Alam kong marami pa kaming tatahaking daan
ni Matt. Alam kong hindi pa tapos ang kwento namin, at patuloy pa kaming gagawa
ng mga alaala naming magkasama. Alam kong hindi magiging madali ang daan, ngunit
ang mahalaga ay kasama naming tatahakin ang daang iyon.
It may seem that it’s the end, but in
reality, it’s just another beginning.
Ang mahalaga ay mahal niya ako, at mahal
ko siya.
Wala ng iba.
WAKAS.
Author’s
note
Unang-una ay gusto kong magpasalamat sa
lahat ng sumuporta sa akda kong ito. IT MEANS A LOT TO ME, lalo pa’t ito ang
una kong beses na nagsulat ako ng ganitong klaseng storya. Kayo ang rason kung
bakit ko pinagpapatuloy ang pagsusulat, kaya naman sobrang nagpapasalamat ako.
Sorry kung maraming pagkakataon na natagalan ako sa pag-update. Sadyang marami
lamang akong iniintindi sa buhay. :))
Ikalawa, ay gusto kong magpasalamat kay
Kuya Mike for giving me the chance na magsulat sa site niya. I really look up
to him, and treasure this wonderful opportunity. Thanks, Kuya Mike!
Kung may mga tanong kayo tungkol sa story
(constructive criticisms are welcome), sa characters, sa naging inspirasyon ko
sa pagsusulat, sa personal kong buhay, o kahit ano pang random question na
gusto niyong sagutin ko, magcomment lamang kayo at susubukan kong sagutin iyon
sa abot ng aking makakaya. It’s the least I can do to repay my gratitude for
the support you’ve all given me. :)
Sana kung magsulat man ako ng panibagong
series ay suportahan niyo pa rin ako. Muli ay lubos akong nagpapasalamat sa
inyong lahat.
Until next time!
- A. Lim
Galing Galing thanks sa magandang story ;)
ReplyDeletehi! maraming salamat sa madalas na pagco-comment at sa pagsubaybay dito. God bless! :)
Deletesana maka pg post kapa ng mga story ang ganda tala subre nakaka inis lng kasi ang liit ng chapter pero subrang ganda talaga hope mg papatuloy pg pg gawa ng story mo at oklng kung minsan matagal ka makakapg update pero sulit talaga d ako ng sisi na susubaybayan ko ito subrang ganda talaga
ReplyDeletemore power to u kua A,Lim and i can wait your new story at to come. i like it talaga
franz
Maraming Salamat, Franz! God bless!
DeleteThank you for this one great story that touched me. This is my first time to post a comment since I started reading such stories. And this is one of my favorite. Thanks a lot.. inspiring yet heart breaking to my part kasi i can relate to the story.. di nga lang happy ending ang sa'kin..
ReplyDeletethanks again and continue writing. :)
-KG
Maraming Salamat! Ako rin naman, hindi happy ending 'yung akin. :))
DeleteThanks sa happy ending na story na ito..matt-josh talaga bet ko. Love it. Till your next story.
ReplyDeleteRandzmesia
Hello! Maraming salamat sa madalas na pagco-comment at suporta haha. :)
DeleteFYI you made it author, A Lim,as you hone your talent for writing stories, you will be in the caliber of our kuya mike mikejuha which is the godfather in writing stories, so please dont hesitate to write more stories,CONGRATULATIONS, for a job well done as a new talented writer KEEP IT UP BRO
ReplyDeleteWow. Thank you! This means a lot. :)
Delete1 word "AWESOMENESS" sobrang saya ng finale! Nakakalerky at nakakaGoodVibes talaga! everyones dream to have this kind of lovestory! Congrats Mr.Author and thanks for this wonderful story..GOOD LUCK TO UR NEXT STORY ^_^ >Chef Robz
ReplyDeleteSalamat! :)
DeleteThis is one of the best series i've read so far. Im looking forward to your next stories. Good job Mr. AUTHOR!
ReplyDeleteWow. Maraming salamat, Mr. Anon. :)
DeleteThis is, by far, the best story i've read here in MSOB! :)) Hope to read more stories from you Mr. Author! :)
ReplyDeleteGrabe naman. Hahaha, thank you! I'm glad na nagkaroon ito ng impact sa'yo kahit papaano.
Deletethank you sa napakagandang estorya......
ReplyDeletemore stories please..
joe
Thanks! Yup, once the sembreak starts, I'll start working on one right away. :)
DeleteBakit ganun sunod sunod nlang ng-end mga fave kong stories, kahapon ung "His Husband" tapos ngaun eto nmn sobrang nakakalungkot kahit hapi ending ang lab stori ng mga bida.
ReplyDeleteI will really miss u MASH atlast hAppy-ever-after kayong dalawa :)
Taos pusong pasasalamat s magaling na author 4 ds wonderful story ;)Kitakits guys..
AtSea
Maraming salamat, AtSea! :)
Deletec GAB naman gawan mo ng storya. kawawa nmn sya.
ReplyDeletenaisip ko na rin 'yan! may magbabasa kaya if gawin ko iyon? haha.
DeleteSana may epilogue... para naman mas madama pa ang kilig... answeet talaga ni josh..
ReplyDeletePinag-iisipan ko pa kung may epilogue na lang talaga, or in case gumawa ako ng story ni Gab, baka doon ko na lang ilagay ang nangyari kay Josh and Matt after a few years. :)
DeleteMARAMING, MARAMING SALAMAT SA LAHAT! I'll start working on my next story once the sembreak starts, pero iniisip ko pa kung tungkol ito kay Gab or totally bago na unrelated sa 'unexpected'. Maraming salamat talaga sa inyong suporta! :)
ReplyDeleteabout kay GAB na lang. siya nga gusto ko para kay josh. magndang storya dyan. ahm.. nagcollege na sya so mapapalayo n xa kay josh. then sa skul nia may makikilala xang bagong kaibgan na parang c josh din. kya dun xa mainnlove. pero besfrend pa rin cla ni josh at sknya xa hihingi ng payo. pero mgnda diyan, bf pla yun ng kapatid ni gab. diba may kpatid xa sa ama. yun, magnda lovelife nia, makikilala pa pamilya nia. wala lang. napaisip lang. haha
ReplyDeleteConfession: Nagstart na ako sa chapter 1 ng story ni Gab. I think mas mature yung magiging take niya. Abangan niyo na lang, guys. Maraming salamat.
Delete- A. Lim
Anung title,story Ni gab??
DeleteI love the story very much...syeettt...nkakakilig,,,sana may totoong nangyayarin ganito ano ehhehe..Kudos po sa author..thumbs up...:)
ReplyDeleteMaraming Salamat! :)
DeleteWow! Congrats bro, 2 thumbs up!
ReplyDeleteDegz-
Thank you, Degz! =)
Deleteanu title at cnu kumanta nung song na unofficial?salamat po=p
ReplyDelete"unofficial" by The Saturdays. Such a good song. Check it out para magka-idea ka paano kinanta ni Matt hehe. :))
ReplyDeleteGood Job Mr A. Lim. Danda ng story.. ^_^
ReplyDeleteThanks! Glad you liked it! :D
Deletesa hinaba-haba nga nman ng prusisyon, s happy ending din pala ang tuloy. Last chapter pa talaga nagkamabutihan. grabeh na to ha. ibang-iba talaga ang istorya. akala ko josh-gab ang magkatuluyan. hindi pala haha.
ReplyDeleteok nmn po ang love story. pero yung mga singit-singit na scene medyo parang di makatotohanan. tulad ng aambaan ng suntok ni matt si gab, na hindi nmn n kailangan s istorya. remember pinalaki syang mabuting tao. at dun din s sinulat mong nagkita-kita silang 3 s rum ni josh. hindi sya basta-basta nakikipag-away, unless mapilitan sya. dipo ba yan ang pinalabas nyong character ni matt?
kaya nga po may comment para malaman nyo ang saloobin ng mga nagbabasa. at sa susunod na kwento nyo, mas pag-iigihan nyo ang pagsusulat, di po ba. nagustuhan ko nmn po ang kwento nyo. pinagpuyatan ko pa nga eh. now kolang natapos basahin. hehe. e kung hindi ko gusto basahin e bakit natapos kong basahin. gud luch and God bless.
bharu
Wow! I really appreciate this. Gusto ko 'yung mga comments on constructive criticism, because I try to learn from them para ma-improve ko yung pagsusulat ko. Maraming salamat sa mga insights at sa pagtangkilik, Bharu! :-)
DeleteNICE!
DeleteThe story is simple yet so amazing... habang nasa work ako hindi ako mapakali kasi gusto kong matapos ito... aabsent na sana kung di lang kailangan ng pera... two thumbs up... way up...sana meron pang kasunod...thank you for sharing this story
ReplyDeleteThank you! :)
DeleteHonestly, oa ang dting sa akin ng kwento... masyadong nstretch ung istorya and the plot and the moral of the story is the same as anybody else's story... i got bored lalo n nung after magaminan silang they love each other tapos bglang di nagpansinan.. xbrang oa... just an opinion..
ReplyDeleteThanks! I appreciate this. I'm trying to do better with my next one. :)
DeleteGrabe! Ang ganda ng story! Di ko talaga tinigilan ang pagbabasa. Walang tulugan. Kainis lng tagala c matt. Buti anjan c janine kasi nakakatuwa ung character nya
ReplyDeleteThank you! Yup, I agree nakakatuwa nga talaga ang character ni Janine haha pero to be honest, perspective niya pinakanahirapan akong isulat dahil sobrang layo ng personality ko sa kanya haha. Sana suportahan mo rin ang 'Untouchable' (story ni Gab). Posted na ang first chapter. :D
Deletebinasa ko uli itonf last chapter, para maintindihan ko yung new story ni Gab (Untouchable). hehe. thanks.
ReplyDeletebharu
Thanks, Bharu! haha.
Delete
ReplyDeleteMr A, Lim, Thanks you for the nice story....maraming beses mo rin akong naluha but its worth it...Thank you
Thank you, mr. Anon! Sana suportahan mo rin ang story ni Gab. "Untouchable" ang title noon. :-)
DeleteI really love the story....kakakilig at nakakatuwa;)
ReplyDeleteMaraming Salamat! :)
Deletebook 1 pla to , kc book 2 ang sinimulan ko ..
ReplyDeleteang ganda ng story .. great job mr. author , :))
--esod
ps : inaantay ko ung update sa book 2 :))
Maraming salamat, esod! Haha tapos na yung book 2! Sana abangan mo yung susunod kong isusulat. :)
DeleteAnu ung next story mo after untouchable? May konek pa din ba Sa 2 story mo?
DeleteGanda. 😁 Pero nauna kong basahin ung story ni Gab so parang in a way, I understand the guy. In all honesty, mas maganda yung story ni Gab. Mas mature na sila dun e. Pero all in all, maganda yung series! Kudos! Flat 1 ka na sa Malikhain Pagsusulat sa Filipino. Irecommend kita kay Sir Uy sa Fil Dept. Hahahahahahaa
ReplyDeleteSobrang ganda ng story . Medyo nabitin nga lang ako dahil ang ikli lng ng lovestory nilang dalawa.sana may book2. Sulit ung pagpupuyat ko mabasa lng to.hehe
ReplyDelete